Sweet Obsession Series 2:Brek...

Oleh PurpleCherry_pie

107K 2.7K 106

Si Brekker Puppert ay isang sikat na Modelo sa murang edad. Siya ay pinagkagulohan dahil sa angking gwapo at... Lebih Banyak

PAALAA
SWEET SYNOPSIS
SWEET ONE
SWEET TWO
SWEET THREE
SWEET FOUR
SWEET FIVE
SWEET SIX
SWEET SEVEN
SWEET EIGHT
SWEET NINE
SWEET TEN
SWEET ELEVEN
SWEET TWELVE
SWEET THIRTEEN
SWEET FOURTEEN
SWEET FIFTEEN
SWEET SIXTEEN
SWEET SEVENTEEN
SWEET EIGHTEEN
SWEET NINETEEN
SWEET TWENTY
SWEET TWENTY ONE
SWEET TWENTY TWO
SWEET TWENTY THREE
SWEET TWENTY FOUR
SWEET TWENTY FIVE
SWEET TWENTY SIX
SWEET TWENTY EIGHT
SWEET TWENTY NINE
SWEET THIRTY
SWEET THIRTY ONE
SWEET THIRTY TWO
SWEET THIRTY THREE
SWEET CHAPTER THIRTY FOUR
SWEET THIRTY FIVE
SWEET ANNOUNCEMENT

SWEET TWENTY SEVEN

1.4K 49 2
Oleh PurpleCherry_pie

Nagising si Marigold dahil sa malakas na tilaok ng mga manok.  Mabilis siyang nag-asikaso Bumungad sa kaniya ang Ina na nagliligpit ng mga plato. Hinanap ni Marigold ang kanyang Ama at si Brekker. Pero hindi niya makita.

"Anak, kumain  ka na. Nasa  labas si Brekker, inutusan ng  Papa mo. "

Mabilis na lumabas si Marigold para puntahan si Brekker. Naabutan niya itong naghahakot ng mga kahoy. Napangiwi si Marigold nang makitang lahat ng kapit bahay nakatingin sa Pawis na  pawis na Brekker.  Umaga pa lang ay naliligo na ito sa sariling pawis.

"Pa, pinapagod  niyo naman masyado si Brekker,"  nakabusangot na reklamo ni Marigold sa Ama

Masamang tinignan si Marigold ng kanyang Ama.

"Wala pa 'yan sa kalingkingan ng pagod ko nang ako'y nanligaw sa Mama mo. Halos lahat ginawa ko para makuha siya."

Napangiwi si Marigold sa sinabi ng Ama dahil muli na namang binabalikan ang nakaraan.

"Ayusin mo diyan! Magpapakain ka pa ng manok!"

Pumasok ang Ama niya sa loob ng bahay para kunin ang  pagkain ng mga manok kaya mabilis na lumapit si Brekker kay Marigold.

"Magandang umaga My Photographer," nakangiting bulong ni Brekker

Yayakap sana si Marigold kay Brekker nang marinig ang malakas na sigaw ng Ama.

"Marigold! "

Mabilis  na pumasok si Marigold nang marinig ang malakas na sigaw ng Ama niya. Mahinang natawa si Marigold dahil pakiramdam niya ay para siyang bata kung pagbawalan ng Ama.

Umakyat si Marigold sa kwarto niya para kunin ang Camerang bigay ni Brekker. Gusto niya ito kuhaan ng larawan bilang alaala.  Bumalik agad si Marigold. Naabutan niya pa rin si Brekker na nagbubuhat ng mga kahoy.

"Brekker!"

Gulat na lumingon si Brekker kaya mabilis na kumilos si Marigold para kuhaan ito ng larawan.  Napangiti siya nang makita si Brekker na sobrang gwapo. Sunod-sunod  itong kinuhaan ni Marigold ng larawan hanggang sa magpakain  ng manok.

Napahalakhak si Marigold nang makitang tinuka ito ng  Manok.  Malutong namang nagmura si Brekker. Ang sunod nitong ginawa ay nagpakain  ng mga baboy. Maraming larawan na nakuha si Marigold kay Brekker.

Napatakip ng bibig si Marigold nang abutin ng baboy ang timbang may laman na pagkain. Malakas na napasigaw si Brekker dahil ang baboy ay pilit na lumalaban.

"Ano ba yan! Ayusin mo 'yang bata ka! " Malakas  na sigaw ng Ama ni Marigold

"Mamimingwit pa tayo kaya bilisan mo!
"
Nanatiling nakatitig si Marigold kay Brekker habang may hawak itong Camera. Wala ng narinig na reklamo si Marigold kay Brekkerer. Galing ito sa mayaman kaya alam niyang hindi ito sanay sa gawain ng buhay mahirap.

"Meryenda muna kayo Nestor. May kamote at kalibre dito! " Malakas na sigaw ng kaniyang ina.

"Kumain ka muna dito. Marami ka pang gagawin."

Nakangiting naglakad si Brekker  papunta sa kanila.

"Kumain ka ba nito? Baka naman pati ito aayaw ka? "

Pekeng  ngumiti si Brekker.

"Naku! Kahit pakainin niyo pa ulit ako ng Ahas. Okay na okay lang. Hindi  naman ako mapili."

Mayabang na sigaw ni Brekker

Ngumisi ang Ama ni Marigold

"Sige, mamaya ikaw ang uutusan kong kumuha ng cobra para kainin mo. "

Napalakas ang pagtawa ni Marigold nang makita ang mukha ni Brekker na hindi makapaniwala. Para itong puputolan ng ulo sa gulat.

"Hindi po ba makamandag 'yon?" Kinakabahang tanong ni Brekker

"Hindi kaya mamatay ako ng maaga Papa? Ayaw kong maiwanan ang mag-ina ko."

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Marigold sa narinig. Ang boses nito ay masayang-masaya talagang maging-ama. Hindi alam ni Marigold na ang katulad ni Brekker na babaerong kilala niya ay isang  Amang may panininidigan.

Alam ni Marigold na ang isang katulad ni Brekker na bata pa ay laro lang ang gusto. Para silang mga bata sa sitwasyon nila. Pero kahit ganoon iba ang batang kaharap niya. Ang batang ito ay pinaninindigan siya.

"Talagang papatayin kita dahil binuntis mo ang anak ko! "

Naiiling na tumawa si Marigold. Alam niyang sinubok lang ng ama ni Marigold si Brekker para malaman kung hanggang saan aabot ang paninindigannito bilang isang batang Ama.

"Pa, naman.' Wag  kayong ganyan. Gusto niyo mawalan ng gwapong manugang? " Parang batang tanong ni Brekker sa Ama ni Marigold

"Aba! No' ng nakaraan lang Sir taapos ngayon Papa?Ang bilis mo din gumalaw no? Galawang babaero."

Napangiwi si Brekker sa sinabi ng Ama ni Marigold.

"Ay Naku! Papa este Sir. Hindi na po ako babaero kaya nga andito ako para yayain magpakasal ang anak niyo 'di ba? "

Masamang tinignan si Brekker ng ama ni Marigold. Hindi maipinta ang mukha ni Brekker dahil sa masamang tingin sa kanya. Habang si Marigold ay tawa nang tawa habang nakahawak sa tiyan. Pakiramdam ni Marigold kahit ano' ng oras ay maiiyak na siya sa pinagsasabi ni Brekker.

"Gusto  kong humarap din ang magulang mo sa amin. Gusto kong pati sila ay manindigan, hindi lang ikaw."

Nawala ang tawa ni Marigold sa gulat. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang Ama. Seryosong-seryoso ito, hindi makapagsalita si Marigold dahil sa gulat. Napunta ang tingin ni Marigold kay Brekker. Tinitigan niya itong mabuti. Hindi pa ni Marigold nakikita ang magulang ni Brekker. Hindi niya pa alam ang buong pagkatao nito bukod sa pagiging sikat na Modelo.

"Opo naman Sir, mamaya andito na agad 'yon."

Walang nagawa si Nestor kundi tumango kay Brekker.

"Oh Siya, bilisan  mo! Mamimingwit pa tayo!"

Mabilis na tumayo si Nestor para kunin ang mga gamit na gagamitin sa pagbibingwit nila. Nakangiting lumapit si Brekker kay Marigold na ngayon ay nanatiling nakatitig sa kanya.

"Hello My Photographer," nakangiting bati ni Brekker.

Yayakapin sana ni Brekker si Marigold nang sumigaw ang ama nito na nagpapitlag sa kanilang dalawa.

"Pag nanliligaw, walang hawak-hawak! Kaya lumayo ka!" Malakas na sigaw ni Nestor

Mabilis pa sa kisap mata na lumayo si Brekker kay Marigold. Kinawayan niya na lang ito saka nag-flying kiss dahilan para mapangiti ito.

"I love you!"

Mabilis  itong sinalo ni Marigold saka gumanti rin  kay Brekker

"I love you too."

Napangiti  si Marigold dahil sa kalokohan. Nanatili siyang nakatitig kay Brekker habang kinukuha ang gamit.

Nakasunod si Marigold sa dalawa habang papunta sa ilog. Gusto niyang makita ang lalaking Mahal na tumatapak sa ilog nila.

"Kailangan natin makahuli ng tilapia para kakainin ng magulang mo."  Panimula ng Ama nito

Isa sa mga paborito ni Marigold ay ang pagkain ng Probinsiya. Ilang taon rin ng huling makabalik siya. Kaya sobrang saya ni Marigold dahil nakabalik siyang kasama ang lalaking sigurado siyang makakasama habang buhay.

Nakangiting tumango si Brekker. Hinawakan ni Marigold anf Camera saka itinaas para kuhaan ng larawan si Brekker na tumatapak sa ilog.  Napatigil si Marigold nang makita ang hitsura ni Brekker habang nasa gitna ng ilog. Kahit saang lugar ito magpunta, hindi kumukupas ang aking kisig ng lalaking  kaharap niya. Gwapong-gwapo ito sa suot na isang maong na hanggang tuhos na punit-punit. May suot pa itong sumbrero, isang sumbrero ng magsasaka.

Ang arawa ay tumatama sa magandang katawan nito. Sabayan pa ng tubig sa ilog na kumikinang dahil sa sinag ng araw. Pakiramdam niya ay wala ng mas lalamang sa lalaking kaharap niya.

"Kailangan, 'wag kang maingay. Walang  isda ang lalapit kung maingay ka." Paliwanag ni Nestor

Inayos na nito ang mga gamit nila.

"Kunin mo na ang mga bulate. "

Kiniabutan si Brekker nang makita ang mga bulateng gumagalaw. Wala siyang nagawa kundi kunin ang mga ito. Nandidiring inabot niya ito kay Nestor

Nanatiling nakatitig si Marigold kay Brekker dahil nagsisimula na itong pagpawisan.  Kahit nakatalikod na ito ay nakikita niya ang pamumula ng katawan nito.

"Napakaswerte ko sa isang tulad mo. Ma isang Brekker na nag mamahal sa akin kahit ang duwag ko." Nakangiting bulong ni Marigold

Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung walang Brekker sa buhay niya. Akala ni Marigold ay wala ng pag-asa, wala ng dadating. Pero nagkamali siya, dahil dumating si Brekker. Dumating ito sa kanya. Nagawa niyang magsimula ulit dahil sa tulong nito. Nag-iba ang lahat dahil sa ginawa ni Brekker.

Napatigil si Marigold sa pag-iisip ng may sumitisit sa kanya. Nagtatakang tinignan niya ito.  Natawa si Marogold nang kumaway ito saka kumimbot-kimbot.  Walang araw na hindi pinaparamdam sa kaniya ni Brekker kung gaano siya nito ka mahal. Lahat ginawa ni Brekker  maging ang mga magulang ni Marigold ay hinarap. Pinatunayan ni Brekker lahat kung gaano siya nito ka mahal. Lahat ginawa nia, hindi ito nagsawang  habulin siya at sumugal.

Nakita lahat ni Marigold ang ginawa ni Brekker para mapaamo siya. Nakita lahat ni Marigold kung paano siya pinaglaban ni Brekker sa kabila ng mga ginawa niya.

"Papa, nakahuli ako!"

Napangiti si Marigold nang makita ang hawak nitong malaking isda. Gumagalaw-galaw pa ito dahilan para malakas na matawa si Marigold. Mabilis na kinuha ni Marigold ang Camera saka kinuhaan ng larawan si Brekker.

Hindi maalis ang tingin ni Marigold sa Camera haban nakatitig sa nakangiting mukha ni Brekker. Ang mga larawan na nakuha ni Marigold ay  mananatiling alaala sa kaniya.

Wala sa sariling hinaplos ni Marigold ang kanyang tiyan na ngayon na may kaumbukan na.

"Anak, mahal na mahal ka talaga ni Daddy oh, hindi ka niya pinabayaan. Hindi niya tayo iniwan kahit gaano kasama si Mommy."

Noon pa lang, unang kita ni Marigold kay Brekker. Naagaw na nito ang atensiyon niya. na ang pakiramdam ni Marigold kay Brekker. Ang akala niyang maiiwasan ito ay nagkamali  siya. Dahil kahit ano'ng iwas niya patuloy si Marigold  nitong hahabulin.

" Ang modelong ito ay sobrang nababaliw sa akin, kinababaliwan ako ng lalaking kinababaliwan ng Milyong babae sa mundo."  Nakangiti niyang bulong habang nakatitig kay Brekker

Ramdam na ramdam ni Marogold lahat. Sa pag-iyak at pagmamakaawa nito at sapat ng ebedensiya kay Marigold para masabi niyang si Brekker ang para sa kanya.

Nagtagpo  ang mata nila ni Brekker. Parang  may humaplos sa puso ni Marigold nang makita ang pagmamahal  sa mata Brekker.

"Mahal na mahal kita Brekker," nakangiti niyang bulong.

Nakangiting  kinindatan si Marigold ni Brekker. Napatakip ng bibit si Marigold dahil sa ginawa nito.

Mabilis na natapos ang lahat. Sabay silang bumalil sa bagay nila Marigold. Naabutan nila ang Ina ni Marigold na  nawawalis.

"Ikaw magluluto niyan mamaya." Utosng  ni Nestor habang tinuturo ang mga Isda

Marami-rami ang nakuha ni Brekker na isda dahilan para ikatuwa ni Marigold.

" 'Yung iba iihawin mo tapos gataan. Masarap' 'yan. "

Tanging tango lang isinagot ni Brekker sa Ama ni Marigold.

"Wala kaming mamahalin na ipapakain sa magulang mo. Ito lang ang kaya namin."

Matamis na ngumiti si Brekker saka masayang tinitigan ang mga Tilapia na nakuha nito. Hindi siya makapaniwala na matuto siyang kumuha ng Isda.

"Naku! Ayos na ayos na 'to Sir, hindi mahalaga kung ano' ng pagkain pa 'yan."

Sandaling nagpaalam si Brekker para kausapin ang mga magulang nito na nasa Maynila. Naiwan sila Marigold at Nestor. Nakangiting umiling si Nestor sa anak. .

"Batang-bata pa ang napili mo anak."

Natawa si Marigold sa sinabi ni Nestor.

"Pero tignan mo naman, daig pa  ang matanda kung magmahal. "

Nakangiting lumapit si Marigold sa Ama saka niyakap ito. Alam niyang malaking tama ang mga sinabi nito.

"Hindi na ako matatakot na ibigay ka sa kaniya, dahil talagang  mamahalin ka ng batang 'yon."

"Nakikita ko sa Mata niya ang paninindigan. Nasa mata niya ang totoong pagmamahal na hindi ko nakita noon kay Shepherd nang dalhin mo dito. Nasabi ko rin na, nasa tamang tao ka na. Kaya, hindi ka na masasaktan pa."

"Walang lalaki na gagawa ng pinagawa ko kung hindi ka talaga mahal.  Dahil ang lalaking sobra at totoong Magmahal. Kahit ano'ng pagkakamali,  ano'ng buhay ang meron ka. Gagawin at gagawin ang lahat para lang malaman mong talagang tanggap ka nila."

Sunod-sunod ang pagtango  ni Marigold.

" 'Wag kang maingay anak sa kaniya ha,"

Nagtatakang nag-angat nang tingin si Marigold kay Nestor.

"Gusto ko siya sa 'yo anak. Gustong-gusto ko ang batang 'yan.

"Napakaswerte mo sa binatang 'yan. Sobra, kung ituring ka at  parang isang reyna.
"

Nanubig ang mga mata ni Marigold dahil sa simani nito. Pati ang kanyang Ama ay napahanga ni Brekker.

"Pinatunayan niya na ang pag-ibig ay hindi nabibilang ang pagkakamali. Kahit ilang beses siyang nagkamali, ilang beses ka ring nagkamali ay hindi niyo na pinansin pa. Hindi niyo na binilang pa dahil mas  lamang ang pagmamahal niyo sa isa't isa."

Tuloyang tumulo ang luha ni Marigold dahil sa sobrang saya. Sobra ang pasasalamat niyang dumating si Brekker.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

218K 12K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
342K 5.1K 16
COMPLETE. UNEDITED. R-18. SPG. MATURE CONTENT. Carson's Series #1 I'm the oldest of the Carson's brother. I'm a professor. No one can beat me. No on...
291K 9.9K 33
Ulilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebent...
1.8M 36.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.