He's My Cousin!

bittenapple tarafından

310K 5.4K 1K

Aya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. W... Daha Fazla

HE'S MY COUSIN!
[Ch.1] Reunion
[Ch.2] His Room
[Ch.3] Just One Smile
[Ch.4] Friends
[Ch.5] Kuya
[Ch.6] Brownies at Pandesal
[Ch.7] Saturday
[Ch.8] Coffee Shop
[Ch.9] Best Friend
[Ch.10] Paolo and Abby
[Ch.11] I Will.
[Ch.12] Promenade
[Ch.13] Magician's Tale
[Ch.14] Questions
[Ch.15] Obscured Hearts
[Ch.16] When jealousy strikes.
[Ch.18] One month.
[Ch.19] Separate Lives
[Ch.20] He's back!
[Ch.21] He's back, too!
[Ch.22] Mended Gap
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part I)
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part II)
[Ch.24] Finally Forbidden
[Ch.25] 'Til My Last Breath
[Ch.26] Avoided Schism
[Ch.27] Blessing
[SS.1] What Happened in California
[Ch.28] Cryptic Puzzle
[Ch.29] Seizing Vindication
[Ch.30] Alpha
[Ch.31] Boundary
[Ch.32] Paolo's Girlfriend
[Ch.33] His Reason
[Ch.34] Decision
[Ch.35] When Tears Fall
[Ch.36] Chained Hearts
[Ch.37] Patched Up
[Ch.38] First Day
[Ch.39] Fate
[Ch.40] Suicide Mish
[Ch.41] Chance
[Ch.42] Push and Pull
[Ch.43] Go home.
[Ch.44] Same Girl
[Ch.45] Watching You
[Ch.46] Come Back Home
[Ch.47] Promise
[Ch.48] Stay
[Ch.49] Giving In
[Ch.50] Taking Sides
[Ch.51] Outset of Hostility
[Ch.52] Backfire
[Ch.53] Losing You
[Ch.54] Choose Me
[Ch.55] Only One For Me
[Ch.56] Tell Me
[SS.2] The Lost History
[Ch.57] Stop
[SS.3] Jiro (Part 1)
[SS.3] Jiro (Part 2)
[Ch.58] Best Man
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 1)
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 2)
[Ch.60] My Once Upon a Time
Epilogue
[Book 2] Please read! For you who loved Paolo :)

[Ch.17] Happy Birthday.

6.4K 95 17
bittenapple tarafından

[Ch.17] Happy Birthday

// Ian's Point of View

 

"Hi!" a girl waved at me. She looked familiar, I see her at the university garden all the time. I've been here for about a week and I've been in Los Angeles for about a month. Yes, I haven't told Aya yet, that I'm here, enrolled at Loyola Marymount University in Los Angeles, California. Sinabi na sa akin ni Dad na magenroll na, matatagalan pa raw kasi ang stay ko rito, and worse, there's a possibility that I would spend my whole college life in LA.

Buti na lamang at konektado ang John McGill University sa Marymount, hindi ko na tuloy kinailangang mag junior high at senior high bagaman K-12 na ang education system nila. Mataas kasi ang standards sa McGill at isa pa, parehas itong unibersidad na tinatag ng mga Romano Katolikong Heswita noong nakaraang siglo pa.

"Hello," I waved back at her. She has always been the most welcoming girl I've seen in Marymount, she would always wave at me or smile at me. I admit, she looked good. Her alluring shape was undeniable. She has pouty lips too that has its natural pink touch. 

We used to have that routine, she'll wave at me then I'll wave back but this time, it was quite different. She was approaching me! 

Yeah, I was right. She stopped walking in front of me, "It's been days since you're here and I haven't introduced myself yet," she said in a sweet lovely way causing me to feel uneasy. "I'm Sandrine and you may call me Sandy." She leaned closer to me. "How about you?" she whispered into my ear, still with that seducing tone. 

I took a step backward. "I'm Ian. Nice meeting you." I'm actually not comfortable with the way this lass was acting! Hindi ko alam kung sadyang malikot lang 'tong utak ko o ganun talaga siya umasta.

"Oh, what's wrong honey?" she asked as she cupped my cheek.

I looked at my wrist watch. "Ugh. Sandrine? I need to go now. Nice meeting you." 

"Yeah, sure. See you around, Ian!" she winked. Disturbing!

Honestly, I was a bit attracted to her since the very first day I saw her. She was so finesse and all but with the way she acted a moment ago, she was definitely not. Of course, I won't give a damn on her. I love Aya so much and knowing that she's waiting for me will never make me get tired of hoping that I could come back at the Philippines as soon as possible. Sht, I become silly every time I remember her! That was so gay! Here I go again, nearly insane to hug her after such a long time! 

I decided to go back at my room and got my phone to dial Ella's number. I really don't know why it has to be Ella's number to call and not directly hers. But, that was what she said so I did not have a choice but to do so.

"Hello," agad kong bati sa kanya. 

"A-anton?" May kung anong kagalakan ang mayroon sa boses niya. Somehow, natutuwa pero parang gulat iyong tono niya.

"It's Ian, Ella."

"Ay, sorry. Ka-kaboses mo kasi eh. Oh bakit napatawag ka ulit? Past 8 AM palang ah? Baka mamaya pang hapon pumunta yon d-dito. Yung pinsan niya kasi, si Papao, aalis sa 5 tapos may pupunta atang k-kamag-anak nila sa bahay nila." I know in the way she talked, something was wrong with her. I know Ella, masiyahin siyang tao. Kaya nga kahit na hindi kami magkabatch at nakilala ko lang siya ng dahil kay Aya, madali kaming nagkasundo, kahit magkaiba yung personalities namin.

"Ah, that Paolo, sayang. Babatiin ko na sana siya ng maaga para sa birthday niya. Oo nga pala, one month na ako rito pero hindi pa rin ako nakaaadjust sa time difference. Ugh, 16 hours late rito."

"Ah, oo. Next time na lang, baka mamaya o bukas pumunta siya rito. Sige, bye, Ian."

"Hey, wait." pagpigil ko sa kanya. "Are you ok? I'm here," I assured her. Alam ko kasing may mali sa kanya o di kaya may problema siya. Alam ko, hindi kami ganon kaclose na sa puntong magshashare siya ng personal sa akin, but I'm here for her anyway.

Hindi ako nakarinig ng tugon sa kanya bagkus, mga hikbi ang itunugon niya sa akin. "Hey, Ella, uy! Bakit ka umiiyak?" tanong ko. 

"Si.. si Anton kasi eh." Halos hindi niya masabi ung gusto niyang sabihin. Ngunit ang hindi ko maintindihan. Why was she crying because of that Anton? Diba naiinis siya ron? Sa pagkakatanda ko nga eh ayaw niyang nakikita iyon. "What's with him? May ginawa ba siyang m-mali?" I couldn't find the right words to use.

"Yun nga Ian eh, ginawa niya yung tama pe-pero hindi ko alam kung bakit," she paused. "Hi-hindi ko alam kung bakit... nasasaktan ako." Hindi ko alam kung paano magcomfort ng babae sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ko alam kung anong nangyari between the two of you. Pero ikaw na rin ang nagsabi, Ella, tama yung ginawa niya. Why would you get hurt by him? Wala naman siya sa iyo, diba?" I was  trying to make her find what was making her feel that way.

"Yun nga eh, akala ko wala lang siya pero.. mali ako. Ay naku! Bakit ko nga ba sinasabi sa'yo toh?" she faked a laugh. "Pasensya na ah, si Aya ang tinawag mo rito pero drinamahan lang kita," she continued, still with that fake laugh.

"That's ok. Alam ko namang iniingatan mo si Aya riyan. Basta Ella, just do what you know is right."

"Yeah, I will. Thank you, Ian. Sorry talaga."

"Aish. Don't say that. I'm here for you." Ang tagal din naming nag-usap pa tungkol sa ibang mga bagay. I never thought I would enjoy talking to Ella. Yeah, I was with her a lot of times way back at the Philippines, pero hindi ko naman siya napapansin. Laging si Aya yung naiisip at binibigyan kong atensyon.

Napagdesisyunan ko ring umuwi sa isang buwan. Sa totoo lang, nais kong umuwi sa araw ng birthday ni Aya pero hindi talaga pwede eh. Hindi ako papayagan ni Dad. Next month, mayayakap ko nang muli ang babaeng pinakamamahal ko.

// Ayanna's Point of View

"Ayanna, mag-ayos ka na nga riyan! Pupunta rito yung pinsan mo," sigaw ni mama mula sa ibaba. Nakahilata lang kasi ako rito sa kwarto ko. Birthday ko na kasi bukas, dito raw magse-stay yung pinsan daw namin and worst, aalis na si kuya bukas. More or less, I won't see him for the next two months. 

Hindi naman namin pinsan yung dadating. Bakit kaya pinayagan ni mama na rito magstay yun? Baka kung ano pang kalokohan gawin non. Tulad nga ng sinabi ko noon, iba ang pamilyang Villafuerte lalong lalo na sa Ilocos. Tinitingala sila. Mayaman at kilalang pamilya kasi. Anak siya sa yumaong unang asawa ni Don Fortunato Villafuerte, yumao ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Lumaki na siya na si Tita Lorraine, ang asawang ka-uli ni Don Villafuerte, ang kumakalinga sa kanya bilang ina. 

Kina Tita Lorraine naman mananatili si Kuya Paolo sa loob ng 2 buwan. Paborito kasi siya nun. Ninang kasi ata niya si tita sa binyag. Si Tita Lorraine ay kapatid ng asawa ni Tita Joanne. Si Tita Joanne naman ang kapatid ni Papa. Kaya hindi talaga kami blood related dun sa 'pinsan' daw namin na rito magbabakasyon. Sana kasi bumalik na lang siya sa Vigan kesa rito siya magbakasyon! 

"Sige po. May aayusin lang ako," sigaw ko mula sa pintuan ng kwarto ko na bahagyang nakabukas.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng study table ko. I dialed kuya's number. Kaninang umaga pa kasi siya umalis. Ni hindi nga niya alam na rito magbabakasyon ang anak ni Don Fortunato. Biglaan lang kasi iyon. Sa pagkakaalam ko sa France nag-aaral yung anak ng Don, ngunit hindi ko alam kung bakit dito pa siya magbabakasyon. Haler? Bakasyon? Dito sa Manila? Anong klase naman yun. Di hamak na mas mageenjoy siya kung sa Vigan siya dideretso.

"Kuya!" agad kong binulalas matapos niyang sagutin ang tawag ko.

(Oh princess, ay! Shit! Ano yun princess?) Parang natataranta siya at nakarinig ako ng ilang tunog ng pagbagsak. Pagkagising ko pa lang kaninang 7 AM, wala na siya sa bahay, akala ko pa naman pasisiyahin niya ako bago siya umalis pero asan siya? Wala. Salita lang pala yung mga yun.

"Wa-wala," sagot ko. 

"Oh, yeah. Eh bakit nga, princess? That one! No. The other one!" Ewan ko kung narinig niya pa yung sinabi ko. Wala naman kasi sa akin yung atensyon niya parang busy siya sa ginagawa niya. Kung hindi siya busy, alam ko, kukulitin pa niya ako kung bakit ako napatawag o di kaya ay aasarin pa ako na namimiss ko siya. Which was damn so true!

"Wala ka na kasi paggising ko."

"Nandito kasi ako kila Abby. Yeah, yan nga. Yeah." Kaya naman pala wala sa akin yung atensyon niya, eh si Ate Abby naman pala iyong kasama. Anong pinunta niya ng maaga sa bahay nina Ate Abby? Akala ko, akin siya ngayon. Birthday ko eh, akala ko naman sakin siya kahit ngayon lang.

"Ah. Sige Bye!" Ni hindi man lang siya nagsalita pa, tinapos na agad niya yung tawag. Naninikip yung dibdib ko. Nasanay kasi ako na itatanong pa niya kung anong gusto kong pasalubong o kung may ipabibili ako. Pero ngayon? Kahit 'bye' nga hindi niya nagawang masabi sa akin. ganun pala siya pag kasama niya si Ate Abby, nakalilimutan niya ako. Oo nga naman, sino nga naman ba ako?

Bara-bara kong hinagis yung cellphone ko sa kama at bumaba na. "Nak, paki hango naman yung pasta sa kusina." Tulad ng sinabi ni mama, hinango ko yung pasta. Masyado naman siyang nagprepare para dun sa bwisi-bisitang iyon.

Matapos iyon ay inayos ko ang mga kubyertos sa dinning area. Naalala ko tuloy yung unang beses na nagsalo kami ni Kuya Paolo sa hapag kainan matapos ang ilang taon. Iyong kaba na naramdaman ko noon dahil sa nangari sa Bolinao. Anim na buwan. Anim na buwan pa lang ang nakalilipas simula nang bumalik si 'Trick' sa buhay ko, pero hindi na iyon tulad ng dati. Kasi ngayon, mahal ko na siya higit pa sa pagmamahal na dapat kong ibigay sa kanya bilang pinsan. 

Sinong mag-aakala na yung batang tagapagtanggol ko lang noong bata ako, yung lalaking inaway ko noon dahil sa manika ko na gusto niyang sirain, yung lalaking pinagpalit ko sa laruan, yung lalaking laging nagliligtas at nagpapasiya sa akin noon at ngayon ay mamahalin ko ng ganito? He was just that little kid I used to admire. Admire, that was the word. It used to be a simple admiration but never did I anticipate that it would turn into such a complicated and complex thing named forbidden love.


Nakarinig ako ng busina mula sa harapan ng bahay namin. Mukhang siya na iyon. "Aya, pakibukas na lang yung gate, baka masunog itong niluluto ko."

"Opo," malamlam kong tugon.

Dumeretso ako sa labas at binuksan ang gate upang makapasok yung sasakyan. Isang itim na sasakyan ang bumungad sa akin, sa porma pa lamang nito ay halata nanag mamahalin ito. Mula sa sasakyang iyon ay niluwa ang dalawang lalaki.

Ang isa ay naka black suit na nasa mid 30s. May katangkaran ito at malaki ang built ng katawan. Kahit naka suit siya ay halata ang toned muscles niya. Yung isang lalaki naman, yung lalaking pawang nasa early 20s at nakapaglalaway. Nakasuot siya ng grey fitted shirt at itim na jeans. Itim na itim din ang mga mata niya. But the grin he was wearing was quite disturbing.

"Ravie de vous rencontrer, jeune fille! (Translation: Nice meeting you, young lady)" If I'm not mistaken, that was French. I just don't know what it mean. Pinagmasdan ko lamang siya. Ang hahaba ng mga pilik mata niya, napahawak tuloy ako sa akin. Mas maganda pa ata yung kanya. Ang tangos din ng ilong niya. Naisip ko tuloy na kung naging babae ito eh malamang, mas maganda pa sa akin.

May kahabaan ang mukha niya pero ito pa ang nagpapagwapo sa kanya, proportionate iyong haba sa kanya. He was not perfect but his physical imperfections made him a hell alluring. Hindi lamang ang pisikal na anyo niya ang humulma sa kanyang mala-Adonis na mukha kundi pati ang tindig niya sa pagtayo at yung pagdala niya sa suot niyang damit. Ngunit napansin kong may isang pilat sa ibaba ng leeg niya. Pahaba ito at bahagyang nakatagilid ang pagkakatahi. 

Nabalik ako sa ulirat ko nang mas ilapit niya yung kamay niya. I shook his hand. "I don’t speak French, mister."

"Oh, my apologies. I said nice meeting you, young lady," he paused and lifted my hand. Unti unti siyang yumuko upang halikan ang kanan kong kamay. Napabawi ako sa kamay ko at inilagay iyon sa likuran ko at ipinahid ang bahagi nitong hinalikan niya sa damit ko. "I believe you are Ayanna Celine, the only daughter of Amie and June Salvatorre. Has anyone told you how gorgeous you are?" Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sabihan ng bastos dahil hindi man lang tinawag na tita at tito si mama at papa o maiinis ako dahil tinawag niya akong Celine at sa kalandian niya. Wala naman kasing tumatawag sa akin ng ganun.

"Will I take that as a compliment, young man? Aya would do, you need not to call me Celine."

"Yes, vous pouvez. (You may)" he bit his lower lip. I found him hot when he did that. 

"I don't know if I should thank you for that. I don't understand French, baka nilalait mo na ako sa sinasabi mo!" I laughed.

"Oh no, copine! (sweetheart) I won't do that to such a pulchritudinous and flamboyant maiden like you!" 

I was overwhelmed with what he has said. Napaisip tuloy ako, ilang babae kaya ang naloko nitong mokong na 'to dahil sa tamis ng pananalita niya.

“Oh, how rude of me, désolé! (sorry) I haven’t introduced myself yet. I’m Knave Villafuerte. The second born son of Don Fortunato and the late Doña Minerva Villafuerte.” Sa loob loob ko, natatawa ako. Masyado kasi siyang pormal magpakilala. Oh sadyang ganyan ba talaga sila?

“Nice meeting you, Knave. When I heard of your name, shave was the first word that popped out of my mind!” Natatawa kong sabi. “De nouveau, (Again) that’s what everyone says and it makes me hate my name,” he said in dismay.

“Oh, sorry.” Nakakadugo siya ng ilong kausap., Englisero na nga, nagfe-French pa. Saklap.

“No, don’t be sorry. Iisipin ko na lang, my name was made solitarily because this name, Knave, will mark those little bitches’ hearts. This Knave shall be monumental!” he laughed and an unusual smile was forming on his face. He was quite weird, actually.

“By the way where’s Amie? June?” he asked me. Seriously? No tita or tito?

“Nasa kitchen si mama. Dad’s in Singapore for a business affair.”

“I see. I’ll come in,” he proclaimed. Yung lalaki naming kasama niya, naian lang sa labas. “Hindi ba siya papasok?” tanong ko. “No, he’s used to it,” sabi niya sabay upo sa sofa. Hindi siya masyadong feel at home noh? I smell some awful summer here.

“Knave, oh hijo, welcome back!” Nagbeso sila. “Thank you, Amie. It’s been a while. I’ve missed Manila so much,” sagot ni Knave. Aba, ilang taon na nga ba ito? Kung makatawag kasi kay mama kala mo magsing-edad lang sila. Pero impossible eh, halos di nagkakalayo yung edad nina Don Fortunato kina mama eh.

Hindi muna kumain si Knave. Magpapahinga raw muna siya dahil sa sobrang pagod sa byahe. Pansamantalang inilagay yung mga gamit niya sa family hall, naka-lock kasi yung kwarto ni Kuya Paolo at ayaw naman ni mama na buksan ito ng walang paalam. Don daw kasi yung kwarto ni Knave tutal aalis naman daw si Kuya bukas.

Parang may kung anong dumi sa mukha ko ang mayroon dahil sa sobrang pagusri niya rito. Hinawakan at hinimas niya ang baba niya sabay bulalas, “you’re not unhappy yet you’re not happy.”

“Hah? Anong ibig mong sabihin? Ang gulo naman nun.”

“You’re torn between being happy and being not.”

“You’re impossible, Knave! I’m perfectly fine.” There was a part of me that wanted to acquiesce to what he has said. Yes, I’m not unhappy because I have Kuya Paolo by my side but I am not happy because I know, I’m  about to hurt and wrench Ian’s heart.

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at tiniian ang mga mata ko. Matapos iyon ay agad niyang binawi ang pagkakalapit namin, “you’re not.”

“You’re hurting inside and you’re hurting someone too.” He looked at me as if he was so sure about what he has said.

“I’m.. I’m not. I-I won’t.”

Why was he like that? He kept on opening those thoughts I never wanted to put attention to anymore.  How could he possibly read my thoughts? My emotions? My heart?

Bumukas ang pintuan ng family hall. “Princess.” With that I knew who it was.

“Oh kuya, akala ko pumunta ka ng Vigan daig mo pa yung magaabroad na morning ang flight sa aga ng pag-alis mo.”

“Sorry about that, Princess.  May inasikaso lang.“ Oo, may inasikaso. Inasikaso si Ate Abby. Umagang umaga, pwede naming hapon. Tanghali. Bakit umaga? Ano yun ipagluluto mo si Ate ng breakfast? Ang sweet ah!

“I thought it was just Ayanna Celine. Never knew you had Princess in your name. Princess Ayanna Celine?” nagkamot ng ulo si Knave. How cute!

“Bro! You’re back. Oh no. I just call him that way.” Nag-manly hug sila. I heard Knave mumbled amusingly but I wasn’t able to understand it.

“Un mystère doit être dépliée.” A sinister smile concocted on his lips.

~~~

All was set! Iyong mga gamit ni Knave nasa kwarto na ni Kuya. While Kuya’s luggage was in the family hall. Aalis na talaga siya bukas. 2 months. Haaay. Mamimiss ko siya ng sobra.

Pasado 11 PM na at nagpasya akong pumunta sa Study Room, katapat lang iyon ng kwarto ko. Gagamitin ko muna yung desktop computer dahil di ko mahanap yung charger ng laptop ko. Sana maabutan ko si Ian na online. Naguguilty kasi ako eh. Lalo na pag naaalala ko yung sinabi ni Knave.

Ilang minutes akong naghintay. Napapapikit na ako ng biglang may nag pop out.

Ian: “Gabi na riyan ah. Matulog ka na. :* “

Me: “Inaantay nga kita eh. :)”

Ian: “Weh? Kunwari naniniwala ako.”

Me: “Totoo naman kasi eh.”

Muling may nagpop out na chat ngunit hindi ko na nakita pa kung anong nakalagay roon. May nalaglag kasing tila metal sa likuran ko. It was a key. At kung tama ako, susi iyon ng kwarto ko. Nakabukas ang pinto ng study room, ang alam ko ay talagang naisara ko iyon.

I was out of my senses and unconsciously picked up the key and went directly into my room. Pinihit ko ang knob matapos ko itong susian. Isang madilim na kwarto lang ang tumambad sa akin. Sa dulo ng kwarto ko ay may isang maliit na liwanag. Unti-unti, lumapit sa akin ang liwanag na iyon, at unti-unti nailawan din ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Si Kuya… hawak hawak ang cake na hugis puso.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Nagdikit ang noo niya sa noo ko. “Happy birthday, prinsesa ko.” Mabagal niyang sinabi ang mga katagang iyon, dahilan para huminto ang mundo ko. Sa konting liwanag na ibinibigay ng kandila, kitang kita ko pa rin ang mga mata niya. Yung mga mata niya na sobra ko na atang kinaaadikan.

“Thank you, Kuya.”

“Wish.” He smiled. What a lovely smile.

Iniutal ko sa sarili ko habang magkadaop pa rin ang mga noo naming at diretsong nakatitig sa kanyang mga mata ang mga katagang, “I hope I can see the light. I wish I will be able to do what is right. Hindi ko ho hihilinging mahalin rin niya ako, dahil alam kong mali iyon, ang hihilingin ko lang po, sana yung mga desisyon ko… hindi ko pagsisihan sa huli. Sana mapaninidigan ko lahat ng ito… the consequences of falling in-love with my own cousin.”

Hinipan ko ang apoy ng kandila at agad itong nawala. Sana ganun lang din kadaling patayin yung maling pagmamahal ko para sa’yo.

 

“Thank you, kuya.” May kung anong bigat pa rin ang mayroon sa dibdib ko, siguro’y dahil hindi ito ang inaasahan ko. Akala ko kasi magsisiya kami sa mall o kaya pupunta sa magagandang lugar o siguro dahil alam kong mas inuuna niya si Ate Abby kaysa sa akin.

Nagulat ako ng bigla niyang ipinunas ang dalawa niyang hinlalaki sa pisngi ko, “Hush, don’t cry, princess.”

“Ku-kuya…” That was all that I could say. Napayuko na lang ako.

“Mahirap palang magbake ng cake,” dahil sa sinabi niyang iyon ay napatingala ako sa kanya. “i-ikaw?”

“Yeah, kaya maaga akong umalis kanina. Sorry if that cake isn’t as good as what you’ve given me.”

“Waaaaah! Kuya! Basta ikaw yung gumawa ito ang pinakamasarap!” Akala ko binili lang niya iyon pero noong narinig kong siya mismo ang nagbake para sa akin! Waaaaaaaaah!

I hugged him tightly at hinawakan niya ang kamay ko, dahilan upang makaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.

“San tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang makalabas na kami ng gate ng bahay. Buti na lamang at tulog na si mama at Knave. Isinakay niya ako sa kotse niya. “You’ll see.”

Nakarating kami sa port, “huyy, kuya ano ‘to.”

Hindi niya ako sinagot bagkus inalalayan niya ako paakyat sa isa sa mga barko. Parang cruise ship. Buti na lang at medyo maayos yung damit ko. Pinagbihis kasi ako ni mama dahil nga dsi Knave.

Sa itaas ay may mga lamesa… Parang fine dinning ang dating.

Muli, inalalayan niya ako sa pagupo. Kumain kami roon at tunay naming kay sarap ng mga pagkain don.

“Yung cake di mo man lang nilagay sa ref.”

“Hayaan mo na, diba sabi mo naman basta ako ang gumawa. Masarap yun?” he chuckled.

Dinala niya ako sa forecastle ng barko. “Picture tayo,” aya niya. We took our picture together. Naka-akbay pa siya sa akin. Ito ata ang una naming litrato. Ewan ko lang noong mga bata pa kami.

“Patingin!” at iniabot niya sa akin yung camera. “Ehk! Di mo kasi sinabing aalis tayo. Mukha tuloy akong bangag. Ang panget ko!” bulalas ko nung makita yung picture. Yung mata ko kasi eh.

“Buntis ako.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakla ba siya o tomboy?!

“Ano?!” halos pasigaw kong tanong.

“Aisht. I thought we were stating things which are impossible, princess,” inakbayan niya ako at kinabig upang mas lalo akong mapalapit sa kanya.  “You’re beautiful.” Noong mga oras na iyon sa tingin ko’y nangangamatis na naman ako sa sobrang pula ng mga pisngi ko.

Nakatingin kaming pareho sa kalangitan, sa bilog na bilog na buwan at sa mga bituin, “kuya.”

“Princess, naalala mo pa ba noon? Noong sinasayaw kita sa tuwing matatakot ka sa buwan? Ako, tandang tanda ko pa iyon. “

“Kuya, wag mong sabihing sasayaw tayo rito?!” tanong ko.

“Hindi, alam ko kasing kaya mo na. At isa pa, nandito na ako ulit para sa iyo,” he hugged me tightly. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

Bahagya kong “Pero aalis ka bukas, ay mamaya pala.” Pumatak na kasi ang alas dose kanina pa.

“Yeah, pero babalik ako. Dalawang buwan lang yun, princess. Babalik ako.”

Mas lalo ko na lang hinigpitan yung yakap namin.

Magaalas tres na ng medaling araw ng maka-uwi kami. Ingat na ingat kami at baka magising si mama, si knave, o yung lalaking kasama niya. Dumiretso kami sa kwarto ko upang kunin yung cake at ilagay sa ref sa baba.

Ngunit pagpasok naming sa kwarto ko, agad akong napalingon kay kuya na kasu-kasunod ko lang.

“Wa-wala na rito yung cake,” I proclaimed with confusion. Ba-bakit mawawala iyon?

The door slid open.

“Est-ce ce que vous cherchez?” (Is this what you are looking for?) He simpered while holding the cake that Kuya Paolo gave me a moment ago. “You both look bamboozled and flabbergasted!” He chuckled.

“Knave,” I mumbled.

“The one and only,” Knave hissed.

“You rascal!” medyo napataas yung boses ni kuya. “That’s what my name mean, Paolo.” Ang cool lang ni Knave. I don’t know why I found his repulsiveness cool.

“I’m not playing games with you, Villafuerte.”

“But, I love playing games, Salvatorre!” he paused. “C'est le mystère.”

-----o------

Dedicated to: @MrEpicPos03 Belated Happy birthday, Kuya Leoj! Late na :/ Bata yown, happy birthday. May God bless you always. We love you, wag kanang maout of place :DD And we’re always here for you.

***I used online translator don sa French language. Feel free to correct them if you find them wrong o mali yung grammar. Minsan kasi literal yung translation sa net >.<

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

92.8K 1.8K 50
Uhaw ako sa salitang "Freedom" at gagawin ko ang lahat para maabot yan. Ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman ang disesyon ko. Ayokong makulong sa is...
477K 8K 35
Eros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing mor...
405K 4.3K 55
Si Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang...
1.9K 63 5
ATTENTION: Please only proceed if you already finished reading Undercover Queen (Book 2 of Undercover Chic) This is just a one-shot story of what hap...