TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

By Summer_Alli

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... More

Prologue
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 01

42.5K 865 63
By Summer_Alli


"Nay alis po muna ako" Paalam ko kay nanay habang inaayos ang suot kong bestida na hanggang tuhod ang tabas at may disenyo ng mga maliliit na bulaklak.

"O anak saan ka naman pupunta?" Tanong ni nanay na kagagaling lang kusina. May hawak pa nga itong sandok na malamang ay 'yun ang ginagamit nito sa pagluluto ng mga kakanin na itinitinda namin.

"Ahm d'yan lang po nay sa tabing ilog" sagot ko kay nanay habang sinusuklay naman ang mahaba kong buhok, pagkatapos ay nagpaikot-ikot ako para makita ang magandang bestida na aking suot. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.

"Ilog?!!" reaksyon ni nanay na ikinagulat ko.

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa nanay ko na nakamulaga pa ang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa naging sagot ko.

"Oo nay, may problema po ba sa ilog? Makasigaw ka naman nay, parang matatanggal na tutuli ko e"

"E bakit ba kasi ganyang klase ng damit ang suot mong bata ka huh? Sa ilog lang naman ang punta mo.  Pwede namang mag-short ka nalang at simpleng t-shirt, saka ano ba 'yang suot mo sa paa huh? Baka matapilok ka lang n'yan. Saan ba 'yan galing?" Tanong sa akin ni nanay na tiningnan pa ang kabuuan ko.

"Nay naman hindi pa kayo nasanay sa akin, saka heels daw tawag dito sa suot ko sa paa. Wedge lang naman ito kaya hindi ako matatapilok. Sa amo daw po ito ng kaibigan ni lola Guada galing, do'n po sa Manila" Paliwag ko kay nanay na todo ngiti pa. Bigla naman nawalan ng imik si nanay. pagkatapos. Napakamot pa ito sa ulo pagkatapos.

"Hay nako, bahala ka ngang bata ka! Sige na basta mag-iingat ka" wika ni nanay na may pag-aalala.

Napangiti naman ako at bigla ay napansin ko ang mukha ni nanay na parang may nakakalat na mapula sa may labi nito. Napakunot-noo ako at napatitig lalo sa mukha nito. Agad naman umiwas ng tingin sa akin si nanay.

"Ano bang ginagawa mong bata ka huh? Bakit hindi ka pa umalis?" Pagtataboy sa akin ni Nanay na aktong maglalakad na pabalik sa kusina pero agad ko itong pinigilan sa braso. Agad kong iniharap sa akin si nanay at pinakatitigan ang labi nito.

"Nay, ano yang nasa labi mo? Nasugatan ka po ba?" kunot-noong tanong ko kay nanay. Mapula kasi masyado ang labi nito at may kalat-kalat pa. Sinubukang kumawala sa hawak ko si nanay pero hindi ko ito binitawan hangga't hindi ito nagsasalita.

"Ano bang sinasabi mong bata ka? lipstick lang itong nasa labi ko, ibinigay sa akin ng lola Guada mo kahapon para daw sayo. Sinubukan ko lang gamitin. Masama ba?" Tanong ni nanay na parang nanghahamon pa.

"Nay naman! Akin pala e. Bakit mo po ginamit? Nasaan na po?"

Pagkatapos kong makuha ang lipstick daw na binigay sa akin ni lola Guada ay agad akong tumakas para pumunta na ng ilog. Pagkarating ko sa tabing ilog ay naupo ako sa isang malaking bato at doon nangingiting kinuha ang lipstick at maliit na salamin na palagi kong dala at sinimulan nang maglagay ng lipstick sa labi.

Madalas akong dito magtambay sa tabing ilog dahil nagiging komportable at magaan ang pakiramdam ko sa tuwing pumupunta ako dito. Sobrang sariwa kasi ng hangin dito sa aming lugar at maganda ang tanawin dahil sa walang polusyon na nangyayari, hindi daw katulad sa syudad.

Ang problema lang dito sa aming lugar ay kulang sa edukasyon kaya naman hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Elementarya lang ang natapos ko at masasabi ko na halos wala pa akong alam lalo na't walang teknolohiya dito sa lugar namin pero kahit gano'n ay patuloy pa rin ang buhay.

"Tada! Ang ganda ko talaga" Nakangiting reaksyon ko no'ng makita ko ang repleksyon ng mukha ko sa salamin.

Sinubukan ko ulit ayusin ang lipstick sa labi ko, hindi katulad ng paglilipstick ng nanay ko. Nang makita ko na ayos na ay napangiti ako lalo. Nang makuntento ako sa ayos ng mukha ko ay agad kong iniunat ang aking mga binti sa bago upang tumanaw sa magandang paligid. Napahinga ako ng malalim at napangiti.

"Ang ganda talaga dito" Hindi ko napigilan sabihin habang pinagmamasdan ang mga puno na sumasabay ang mga dahon nito sa hangin.

Berdeng-berde ang paligid, idagdag pa ang malinaw na tubig sa ilog at mga nagagandahang mga bulaklak sa gilid nito. Napapapikit pa ako habang pinapakinggan ang mga huni ng mga ibon, sobrang nakakagaan ng pakiramdam. 

Makalipas ang ilang minuto na pagtanaw-tanaw ko sa paligid ay naisipan ko nang umuwi. Bigla ko naman naalala ang mga kaibigan ko kaya imbes na umuwi ng bahay ay naglakad na ako papunta sa bahay ni lola Guada kung saan naroon ang mga kaibigan ko.

"Hi friends!" Bati ko sa mga kaibigan ko na sina Ella at Ele. Ella para sa Ella Jane at Ele para sa Elery. Nakangiti naman akong sinalubong ng dalawa kong kaibigan.

"Oh Jess bakit ka napadalaw?" Salubong na tanong sa akin ni Ella.

"Nakakainip kasi sa bahay, wala pa naman akong gagawin doon dahil mamaya pa naman kami magtitinda ng mga kakanin ni nanay. Syanga pala, pwede ba tayong manguha ng mga mangga ngayon? Namimiss ko na kasi kumain ng gano'n e, alam n'yo naman------" Hindi ko na itinuloy 'yung sasabihin ko dahil alam naman nila na paborito ko ang mangga at sa tuwing pumupunta ako dito ay 'yun ang isa sa dahilan, ang manguha ng mga mangga. Marami kasing tanim na mangga sina lola Guada dahil ang pagbibenta ng mga bunga no'n ang hanapbuhay nito.

"Ok 'yang naisip mo a! Marami ngayong bunga ang manggahan ni lola" Pagsang-ayon sa akin ni Ele na halatang tuwang-tuwa sa naisip ko.

"Oh ano pang hinihintay n'yo? Tara na!" Akit ko sa mga ito na hinigit pa ang braso ng dalawa para makapunta na kami sa manggahan.

Napakunot-noo naman ako no'ng maramdaman ko na biglang tumigil sa paglalakad si Ella. Napatingin ako dito.

"Bakit ka tumigil sa paglalakad?" Kunot-noong tanong ko dito.

"Sinong aakyat sa puno?" Tanong ni Ella habang napapangiti. Mas gusto kasi namin na inaakyat ang puno ng mangga para mas masaya. Napangiti naman ako.

"Ano ka ba? Huwag mo nang problemahin 'yun" Nangingiting sagot ko kay Ella. Hinigit ko na ulit ang braso ng mga kaibigan ko.

"Eh sino nga?" Tanong ulit nito.

"Sino pa ba? Edi ako" sagot ko habang nakangiti.

"Huh? Aakyat ka na ganyan ang suot mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella na pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko.

"Oo naman" sagot ko na napatingin din sa suot kong bestida. Wala naman akong nakikitang problema sa suot ko dahil maayos naman iyon.

"Ano?!" reaksyon pa ni Ella na ikinakunot-noo ko.

"Ang sabi ko "oo naman", bingi kana ba, Ella?" Naguguluhang tanong ko dito.

"Hay nako Ella, huwag kana ngang maraming tanong, hayaan nalang natin si Jess, ok?" singit ni Ele kaya naman hindi na umimik si Ella at nagpatuloy na kami paglalakad papuntang manggahan.

--

"Friends dalian n'yo naman manambot, madami pa dito o!" sigaw ko sa mga kaibigan ko habang nakalambitin sa puno ng mangga. Sina Ella at Ele naman ay taga-sambot ng mga inihuhulog kong bunga.

"Jess tama na 'yan! Ang dami na dito o. Saka baka may dumaan nang mga lalaki, makita pa 'yang itsura mo! Nakabestida ka kayang babae ka! Bumaba kana d'yan, manungkit kana lang ng bunga kong gusto mo" sigaw ni Ella sa akin pero hindi ko pinansin ito dahil tuwang-tuwa akong manguha ng mga mangga.

"Hoy Jess bumaba kana d'yan! Parating na ang grupo nina Mang Kiko!" sigaw naman ni Ele na panay tingin sa grupo nina Mang Kiko na papalapit na sa direksyon namin.

Sina Mang Kiko at ang mga kasama nitong lalaki ay galing siguro sa palayan at pauwi na sa kani-kanilang mga bahay. Sinubukan ko nang bumaba sa puno ng mangga pero hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng puno ay napatingin na sa gawi ko sina Mang Kiko. Napamulaga ako.

"Ay susmaryusep kang bata ka! Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong sa akin ni Mang Kiko na hindi makapaniwala sa itsura ko ngayon.

Napansin ko bigla na halos nakabukaka na ako dahil sa ginagawa kong pagbaba. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi lalo na no'ng mapansin ko na halos nakatingin sa akin ang mga kasamang lalaki ni Mang Kiko. Ngumiti ako ng pilit.

"Ayos lang 'yan Mang Kiko, hindi naman nila makukuha e" sabi ko nalang bago tuluyang bumaba ng puno. Narinig ko pa ang mahihinang tawa ng mga kasamang lalaki ni Mang Kiko.

"Ay nako ka talagang bata ka" Reaksiyon pa sa akin ni Mang kiko.

"Ano bang sinasabi mo Jess? Nakakahiya ka talaga! Umuwi na nga tayo" wika ni Ella sa akin na hinawakan na ang aking braso para higitin paalis sa harap nina Mang Kiko.

"Pasensya na po Mang Kiko, una na po kami sa inyo" narinig ko pang paalam ni Ele kay Mang Kiko bago sumunod sa amin ni Ella.

Pagkagaling namin sa manggahan ay dumiretso kami nina Ella at Ele sa bahay ni lola Guada. Agad naman kaming pinaupo ni lola Guada pagkapasok ng bahay nito dahil may gusto daw itong sabihin sa akin.

"Ano po bang sasabihin n'yo kay Jess, lola?" Tanong ni Ele na halatang naiinip na sa sasabihin ni lola Guada. Tumingin naman sa gawi ko si lola Guada.

"Gusto mo bang makapunta ng syudad iha?" Tanong sa akin ni lola Guada. Nakaramdam naman ako ng pagkasabik sa tanong nito. Napangiti ako bigla.

"Opo opo lola Guada" sabik na sagot ko dito. Noon ko pa kasi gusto makapunta ng syudad dahil gusto ko iyon makita.

"Paano po ba ako makakapunta do'n lola?"

"Makakapunta ka do'n iha kung tatanggapin mo ang alok ko" Nakangiting simula ni lola Guada.

"Ano po ba 'yun lola?"

"'Yung kapatid ko kasi doon sa Manila ay naghahanap ng katulong at naisipan ko na ikaw Jess ang mainam doon ipasok at 'yun ay kung ayos lang sayo iha?" Tanong sa akin ni Lola Guada. Napangiti naman ako.

"Ayos lang po iyon lola, tutal wala naman po ako masyadong ginagawa sa bahay at para na rin makatulong kay nanay" Tugon ko habang nakangiti at sabik ang pakiramdam.

"E la, paano naman po kami ni Ella?" singit na tanong si Ele. Napatingin dito si lola Guada.

"Huwag kayong mag-alala mga apo, makakapunta din kayo sa syudad pero hindi pa sa ngayon" Nakangiting wika ni lola Guada sa mga apo nito.

🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

196K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...
23K 924 37
Si Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kani...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
90K 2.4K 52
Si Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging a...