Afianna: The Reincarnation Of...

By Eklipxe

344K 15.6K 1.7K

Sa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers ou... More

Afianna: The Reincarnation Of A Goddess
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV

X

8.4K 414 6
By Eklipxe

Guild Hunting

31..32..33..34..35...

Pagbibilang ko sa mga taong dumadaan sa aking harapan dito sa lounge habang hinihintay si Gelo.

Vanilla isn't with me because she's with the other royalties for a meeting. Sabi niya tungkol daw sa isang mission and recruitment.

Heart Academy accepts missions from the other guilds outside the academy to earn taels. Those guilds are built by the alumni of the academy.

May sarili namang guild ang akademya but, those guilds are for easy missions or contests only. Nasabi na sa akin ni Vanilla ang lahat about guilds.

Kasalakuyan, there are 4 guilds in total inside the academy. Scavenger Guild, Hunters Guild, Artemis Guild and Assassin Guild. Those four guilds have their own requirements.

Scavenger Guild, the physical strength and the level of techniques, if you pass their requirements, you will be directly accepted. They are known to be the strongest guild, both brain and brawn aspects. Ang sabi ni Vanilla, si Gemini ang guild leader and Maestro Karis is the guild master.

Hunters Guild, second strongest guild. They have talents for hunting. Taking down monsters in a swift way. Malalakas din ang mga kasapi sa guild na ito. Si Ken ang guild leader and Maestro Hans ang guild master.

Artemis Guild, the all ladies guild. Malalakas sila, both techniques and powers but they lack in brawn strength. Walang kahit na isang lalaki ang nakakapasok sa guild nila. Their leader is Hailey and Lady Gael is their master.

Assassin Guild. They are responsible for information and spying certain place and camp of enemies. They excel in agility and intelligence. They have Vanilla as their leader and Lady Paula is the master.

And now, the school faculty staffs give as time to think what guild will we be attending. If you are in a guild, you have certain privileges. And today is the recruitment day for all the guilds. Nalaman ko rin kay Vanilla na hindi lahat ng students ay kasali sa isang guild because of their high standards. Kaya rin daw nagsusumikap ang ilan sa mga students sa pagtetraining dahil gusto nilang sumali sa isang guild to have privileges.

I am holding a folder. Inside is my form. I have four copies of it for each guild dahil hindi ko pa talaga alam kung saan ako pupunta.

And now, I am waiting for Gelo para sabay kaming maghanap ng guild na masasalihan.

"Afianna!" Rinig kong sigaw ng kung sino.

Liningon ko siya at kumunot ang aking noo. Si Gelo kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala.

"Kanina ka pa ba dyan?" Umiling naman ako at tiningnan ang kanyang kasama. "Ahh! Afi, si Rain pala. Roommate ko. Isang water manipulator kagaya mo." Masigla niyang pakilala sa kanyang kasama. Tinanguan ko lamang siya, gayon din si Rain.

Nagsimula na kaming tinungo ang daan patungo sa quarters ng bawat guild. The guild quarters are located at the south of the academy.

Pagdating namin doon, may apat na tents na nakaarrange sa harap ng bawat quarters with their name on it.

"Afi, saan mo gustong sumali?" Baling sa akin ni Gelo.

'Seal Activated'

"Ewan." Maikling sagot ko.

"Maghihiwalay muna tayo, kita na lang tayo sa Cafeteria mamaya." Sabi ni Gelo kaya tumango ako. Agad naman silang umalis habang kumakaway sa akin.

I sigh and stare at each tents.

Una kong nakita ang Assassin Guild tent. Base sa nakikita ko, their guild members are techy. Kadalasan na nakikita ko sa kanila ay may hawak na mga technology at busy sa kakapindot doon. Nakita ko naman si Vanilla na nakakunot ang noo habang nakatingin sa estudyante na nasa harapan niya at tumingin uli sa laptop bago napailing.

Kung papasok ako sa guild nila, I am sure one of their requirements is to be great in technologies. Though, may alam ako sa kanilang teknolohiya, hindi ko pa rin masasabi na makakapasok ako sa guild nila.

Napatingin naman ako sa katabing guild at napangiwi sa nakita. Artemis Guild, the only all ladies guild in the academy. Hailey is a great leader nakikita ko sa disiplinadong pagkakahanay ng mga gustong sumali sa guild at ang hanay ng mga meyembro. But, I don't think I fit in there. Lahat kasi babae at ang kakapal ng makeup, bess.

Sunod kong tiningnan ang Hunters Guild and a sweat dropped. Hindi ako sasali sa kanila. That is a certainty. Their members are composed of well-toned muscle guys. Ang lalaki at ang tataas ng ibang nga meyembro. And I have this size complex on me. Damn that. Nakita ko rin si Kenneth na busy habang naka-upo sa lamesang nakalaan for the leaders.

Last, Scavenger Guild. Tahimik, walang nagsasalita, at disiplinado. May nakita akong mga babae na pasulyap-sulyap sa iisang lugar, sa lugar ng guild leader na katabi ang guild master. Lahat ng guild master ay busy maliban kay Maestro Karis na prenteng naka-upo sa kanyang silya at ipinapaubaya kay Orium lahat.

This place suits me. Quiet and disciplined.

Naglakad ako at nakipila sa hanay ng Scavenger Guild.

Ilang minuto ang lumipas, ikatatlo na ako sa hanay. Tahimik lamang akong naghihintay sa oras ko.

"Miss Glae!" Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Maestro Karis. At napansin ko rin ang iba ay napatingin sa pwesto ko. Tinanguan ko si Maestro Karis.

"I never thought that you will try out for our guild."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya tumahimik na lamang ako.

"Sana makapasa ka." Huling sabi ng Maestro kaya tinanguan ko ulit siya.

Ilang sandali pa, ako na ang susunod.

"ID" Sabi ng lalaki sa aking harapan. Ibinigay ko na naman agad ito sa kanya.

"Yellow." Sabi niya at tumitig sa akin.

"Does rank matters in terms of strength?" I used telepathy.

"Yes and no." Sagot niya also using telepathy. "You line up together with those who qualifies at the back." He said before returning my ID and I bowed before I left.

"That's a quiet quick talk." Rinig kong komento ni Maestro Karis pero hindi ko na lang ito pinansin.

Nakihanay ako sa sinasabi ni Orium.

Walang nagsasalita pero pansin ko pa rin ang mga matang nakatitig at nanlilisik sa akin. But, I care less.

Matapos ang ilang oras na paghihintay, natapos ang unang stage for the try out. Nandito kami ngayon sa training room. Nasa hindi lumalampas sa 50 na bilang kami na nakapasa sa unang stage.

Kaharap namin ang master, leader at ibang members ng guild. They all have this tamed aura and they look powerful too.

"The next stage will be two-on-one fight." Sabi ni Maestro Karis. "The pair from the qualifiers and one from the guild member. Impress us and maybe you will pass this stage. Find a pair."

Tumalima naman sila at naghanap pero hindi ko alam kung bakit walang lumalapit sa akin.

And yup, wala akong partner.

"Miss Glae." Napatingin ako sa aking harapan. "Dahil nag-iisa ka na lang, you will fight a member, alone."

Tumango na lamang ako pero agad ding natigilan.

"You'll fight me." Sabi ng isang maginaw na boses.

"You sure?"

Tumango naman siya kaya napabuntong hininga ako.

"Sasabihin ko from time to time what kind of fight na gagawin niyo so focus and listen to me kung ayaw niyong matalo." Sabi ng Maestro. "Now, make your own barrier and start fighting."

Pumunta kami sa lugar na walang tao at agad siyang nagcast ng barrier spell.

Nang matapos siya, agad kong hinanda ang aking sarili at hinintay ang instructions ni Maestro Karis.

"Physical combat!" Sigaw niya na umalingawngaw sa buong kwarto.

Agad na sumugod sa akin si Orium kaya umilag ako at minsan ay inaatake ko rin siya.

Malakas at mabilis ang aming bawat galaw.

Nang susuntukin niya ako sa mukha, agad akong yumuko at sinipa siya sa tagiliran na kanyang nasangga. Agad naman akong umikot and lower my body to kick his legs but he jumped up and make a kick too kaya lumiyad ako upang mailagan ang sipa niya. Mabilis ang aking kilos sa pagtayo at ginulat niya ako sa suntok ngunit mailagan ko ito at hinawakan siya sa braso at malakasang binalibag siya. Ngunit he perfectly lands kaya agad kong binitawan ang kanyang braso.

"Weapon Fight!"

Mabilis kong isinummon ang twin katana ko. Siya naman ay ang sword niya.

Ako ang unang sumugod at iwinasiwas ang dalawang katana, forming sword lights na agad niyang iniiwasan at sinasangga. Papalapit ako sa pwesto niya, siya naman ay papaatras.

He leaped and formed a big sword light na agad kong iniwasan at umatake siya ng malapitan kaya nagkikiskisan ang aming mga sandata.

He's holding his ground and me too. Dahil sa malakas na pwersa, bumubuo ng mga cracks ang sahig na aming kinatatayuan. After awhile, sabay kaming lumayo sa isa't isa.

"Magic!"

I quickly unsummoned my twin katana and make water thorns instead at mabilisan inatake si Orium na agad na kagawa ng fire barrier. Nalusaw ang aking water thorns due to heat kaya tinigil ko ang pag-atake and form a shark. Hinintak ko ang susunod niyang gagawin.

Tinanggal niya ang fire barrier at nakita ko ang isang fire phoenix sa likod niya. Pinaatake ko ang shark papunta sa kanya na isinangga naman ng phoenix.

Gumawa ako ng water ball and attack him directly. Na kanyang nailagan.

I formed a water scythe and attack him, puro ilag ang kanyang ginagawa bago siya nakagawa ng isang espada na gawa sa apoy at naglaban kami habang naglalaban din ang water shark at fire phoenix sa itaas namin.

Sa isang iglap, he is pointing his fire sword on my neck while my scythe's blade is in the back of his head. Nagtitigan kami ng matagal at tinatantya ang bawat galaw ng aming mga mata. We were drowned in each others eyes.

A whistle bring us back to reality.

Pinawala ko ang aking water scythe, ganon din ang ginawa niya bago naglaho ang barrier na nakapaligid sa amin.

Napatingin ako sa paligid. Ang iba ay nakahiga at naka-upo dahil sa pagod, ang iba naman ay nakatayo at ang iba ay namamanghang nakatingin sa pwesto namin kasama na rin si Maestro Karis.

"That was an awesome fight you showed us, Miss Glae, Mister Feros." Komento ng Maestro habang may malapad na mga ngiti.

Napatingin naman ako kay Orium at nakatingin din pala siya sa akin at sabay kaming nagkibit-balikat at naglakad papunta sa isang gilid.

"You're good." Biglang sabi ng aking katabi.

"You too."

"Who trained you?"

"Myself." I can't say Magma dahil sekreto lamang iyon.

"Hmm. That's impressive." Huling sabi niya bago tumahimik ang aming paligid.

"Those who I will call, please step forward." Sabi ng Maestro pero hindi ko pinakinggan ang mga pangalan na kanyang tinawag maliban sa akin. "... Afianna Valerie Glae."

Pumunta naman ako sa harapan ng Maestro at may binigay siya sa akin. Isang metallic badge na may logo ng Scavenger Guild. A bear and a lion holding each others claws with open mouths and a crossed spears at the top.

"You pass." Sabi ng Maestro. Tinanguan ko siya bago nag bow at umalis sa harapan niya.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na ang bagbibigay niya ng mga badge sa lahat ng nakapasa. Ang hindi nakapasa naman ay may binigay siyang isang letter. Sabi naman sa akin ni Orium kanina na ang laman ng letters ay isang chance to challenge someone from the member and this expires within two months. So, ang hindi nakapasa ngayon, may tsansa pang bumalik for try out and try to pass the test again.

Itinipon ng Maestro ang lahat ng nakapasa.

"Congratulations! You pass the test means that you all have great potentials. All of you are required to go to our quarter later at dusk for a simple celebration. Now, go take your lunch and have a rest. Dismiss." Sabi ni Maestro at naunang lumabas ng training room.

Nagkatinginan kami ni Orium at sabay na lumabas ng kwarto at pumuntang cafeteria kung saan naghihintay mga kaibigan namin. At hindi nga kami nagkamali dahil nakita ko si Gelo na kumakaway sa akin kasama sina Vanilla at iba pa.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 126 16
SHORT STORY "Welcome to Wattpad world, where is a fictional characters exists." He's just a college student who loves wattpad but he fell in love. Al...
27.3K 1.1K 39
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
257K 19.5K 31
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...