Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Gift Of Love (2)

40 4 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

Ito ba ang sinasabi sakin ni mommy kagabi na surprisa? May nakakaiyak ba dito? Kung sabagay, nararamdaman din nila ang nararamdaman ko hindi imposibleng maiyak talaga.

Hindi talaga ako makapaniwalang ginawa ito ni Zion para sakin. Ang swerte ko naman dahil kahit hindi pa siya siguradong makita akong muli ay pinagawa niya parin ito. Matawag ko talagang akin 'to dahil sa nakapintang mukha ko.

Pangarap kasi namin noon ni Zion na magkaroon ng treehouse at puno ng mga memorable pictures namin. At heto, tinupad niya ang pangarap namin. Nakaka-touch isipin na siya ang gumawa ng paraan para matupad ang aming hiling.

"Akyat tayo do'n?" napabaling ako kay Zion nang bigla siyang lumapit at magyayang umayat sa taas.

Sa tindi ng excitement na nararamdaman ko. Nakangiting tumango lang ang ginanti ko sa kanya. Hinawakan naman niya kamay ko saka dahan-dahang umakyat sa hagdan.

Nakakamangha lang kasi pati hagdan ay sobrang ganda ng desinyo, spiral siya at kulay puti lahat. Parang nasa fairytale ang style. Ito na siguro ang pinakamagandang treehouse na nakita ko.

Mas namangha pa ako ng sobra-sobra nang makaakyat na talaga kami sa taas. Glass kasi ang sahig pero hindi 'yong tipong makikita mo ang ilalalim. Parang normal na sahig lang siya pero glass nga lang. Basta hindi ko talaga ma-explain sa sobrang ganda. Pati ang wall ay tila kumikinang na parang crystals.

"Halika, may ipapakita ako sayo.." iniakay niya ako at binuksan ang pinto.

Para siyang kwarto pero puro pictures lang namin ang tanging laman. May naka-hanging na pictures naming dalawa noong bata pa. May naka-frame na at ipinatong sa malaking estante. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang napakaling portrait ko. Halos kasing haba na ng pader.

"Ang ganda mo.." bulong ni Zion saka niyakap ako mula sa likuran.

Kahit ako ay nagagandahan sa sarili kong larawan. Hindi ko alam kung kailan niya ito pinagawa.

"Kailan mo 'yan pinagawa?" hindi ko na talaga mapigilang hindi magtanong.

"No'ng isang araw pa. Actually si Rhanz ang inutusan kong maghanap ng pinakamagaling na artist. Si Rhanz din ang tumapos nito dahil nga naaksidente ako." sabi niya.

Pinahiran ko ang tumulong luha ko saka humarap sa kanya at yumakap ng napakahigpit. "Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko Zion. Thank you and I love you so much." madamdamin kong sabi habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Precious baby, God knows how much I loved you. Ikaw ang pinakamagandang bagay na binigay sakin. I'm willing to give you everything that I can. I always wanted to be with you the rest of my life. And now, I want to spend the rest of my time with you, my love. I want this to be memorable to you." naiiyak siya nang sabihin niya iyon saka hinagkan ang noo ko . Napapikit ako dahil dama ko ang pagmamahal niya.

"I love you more, baby.." dagdag pa niya saka siniil ng halik ang labi ko.

A sweet yet romantic and passionate kiss. Iyon ang pinakamatagal na halik na aming naranasan. Habol namin ang hininga ng bitawan niya ang labi ko. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng kay higpit na tila ayaw na niya akong pakawalan. Abot langit ang ngiti ko pero agad itong napalitan ng pagkakunot ng noo nang maramdaman ko ang paghikbi niya.

Ako na ang unang kumalas saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Hirap man ay inabot ko talaga. Hanggang balikat lang kasi niya ako kaya medyo mahirap.

"Bakit ka umiiyak?" malumanay na tanong ko. Pero sa halip na sagotin ako ay hinagkan niya ulit ang aking noo saka yumakap.

"Promise me you'll always be happy, okay?" naguguluhan man ay tumango nalang ako.

"I'll always happy when I'm with you, baby." madamdaming sagot ko. Kumalas ako saka pinahiran ang mga luha niya.

"Can I dance with you?" biglang tanong niya saka inilahad ang kanyang kamay.

"Dance? Eh wala namang music ah?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Pero bigla nalang may tumugtog at hindi ko alam kung saan nanggaling iyo. Pamilyar sakin ang kantang iyon.

Kinuha ni Zion ang dalawang kamay ko saka ipinatong sa balikat niya. At marahan niyang inihawak ang kamay niya sa baywang ko.

Another day passes by, I'm dreamin'

of you

And though I know it might be just a

dream, dreams come true,

Somewhere, somehow I'll find you

even though it takes all of

my life (all of my life)

Unang lyrics pa lang ay naaalala ko na kung bakit ito pamilyar sakin. Napatitig ako kay kay Zion habang malumanay kaming sumasayaw. Nakangiti siya sakin ng napakatamis.

"Naaalala mo ba ang kantang ito?" nakangiting tanong niya. Tumango naman ako. "Ito 'yong kantang palagi nating pinapakinggan noon. Sabi mo pa nga ito 'yong themesong natin.."

Nakangiti ko namang binabalikan ang mga alaalang sinasabi niya. Nakaka-miss din pala ang gano'ng pangyayari.

And when I finally do (and when I

finally do)

I know inside my heart (I know inside

my heart)

That there could be no doubt, I knew

it from the start.

Ang saya ko. Hindi ko talaga inaasahan ang lahat ng ito. Tinutupad niya ang mga pangarap ko. Una, ay magkaroon ng sariling treehouse at ibinigay naman niya. Sobra-sobra pa nga ito. Pangalawa ay maisayaw ng lalaking mahal ko kasabay ng kantang paborito ko. Pangatlo ay makasama at mahalin ng taong mahal ko.

"Kinanta din natin ito dati diba? No'ng humiga tayo sa gitna ng park tapos sinabayan natin ang kanta?" ako naman ngayon ang nagsasabi sa kanya kung ano ang naaalala ko.

"Magkahawak kamay pa nga tayo habang nakahiga do'n e.." nakangiting aniya. "Mahal kita.." biglang dagdag niya.

You are the one

That I've been searching for my

whole life through,

(You are the one) You are the one

that I've been looking for

And now that I have found you,

"I'll never let you go, I'll hold you in my arms.. You are the one.." sinabayan namin ang kanta habang nakatitig sa isa't-isa at matamis na nakangiti.

Inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at naramdaman ko namang hinagkan niya ang buhok ko. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Nakangiti akong pumikit at dinamdam ang masayang sandali.

Natapos na't lahat ang kanta ay nanatili parin kaming magkayakap. Pakiramdam ko ay tanging kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Na tila solo namin ang buong universe. Parang kusang huminto ang oras para sa aming dalawa.

Bawat pintig ng puso niya ay ramdam ko ang pagmamahal. Bawat hinga niya ay parang mas lalo akong binuhay. Mga bisig niya na nagparamdam sakin ng kaligtasan. Siya ang nagbibigay sakin ng abot langit na kaligayahan.

"You complete my life, baby." malumanay na sabi niya. Napangiti ako saka mas humigpit pa sa yakap. "Thank you for your love, baby." madamdaming dagdag pa niya.

Napakasarap pakinggan ang mga tinig niya. Tumagos ito sa puso ko na siyang mas bumuo pa rito. "I love you," yun lang ang naisagot ko.

"You're always be my love, my baby. I love you more.." sabay kiss sa buhok ko at yumuko para yakapin ako ng mahigpit.

Maya maya lang ay may kumatok sa pinto kaya nakangiti kaming kumalas sa yakapan. Binuksan naman ito ni Zion at bumungad doon si manang.

"Sir Zion, Precious hija.. pasensya na sa isturbo pero kailangan niyo ng bumaba para mag-lunch." ani Manang.

Hindi namin namalayan ang oras. Magtatanghalian na pala.

Sumabay na kami kay manang na bumaba nitong treehouse. Pero bago pa man kami makalabas at makahakbang sa hagdanan ay napansin ko ang pangalan ko na nakaukit sa sahig malapit nitong pinto.

Napahinto ako saka napatitig doon. Lumapit naman sakin si Zion. "Pangalan mo ang paborito ko sa lahat ng pangalan." malambing na tinig niya.

Matunog akong ngumiti saka bahagyang umupo at pinagkakatitigan ang nakaukit kong pangalan. Kumikinang ito dahil sa halong ginto na inilagay para maiukit iyon.

Matapos ang ilang sandali ay saka palang kami tuloyang bumaba. Magkahawak kamay pa kaming naglakad papunta sa mga kasamahan namin. Halos pamilya lang namin ang andito pero tila may okasyon na sobrang engrande.

Ngayon ko lang din napansin ang lawak nitong parke. Sobrang ganda pala at halos lahat ng designs ay nagustuhan ko talaga. May fountain pa sa gitna na hugis puso at natigilan na naman ako nang mapansin ang malaking nakaukit na pangalan ko sa paanan ng fountain.

"Ang ganda naman nitong Park mo, Precious!" biglang sabi ni kuya nang makalapit kami sa table namin.

"Park ko?" takang baling ko sa kanya. Tumango naman siya saka nginuso si Zion.

Pagkabaling ko kay Zion ay nakangisi na siya habang pinataas baba ang kanyang kilay. "Oo..sayo 'to lahat."

Ilang beses pa akong napakurap saka hindi makapaniwalang nilibot ang buong Park gamit lang ng aking paningin.

"Nagbibiro ba kayo?" hindi parin makapaniwalang usal ko. Pero sabay lang silang umiling.

"Totoo, baby. Sa'yo talaga 'to.. Sa'yo lahat 'to."

"Ang swerte mo diba, Precious? May sarili ka ng lupain.. Pwede ka ng magtayo ng sakaha. Hahaha" pang-aasar ni kuya.

Kahit kailan talaga itong si kuya, hindi na mawala sa kanya ang hilig sa pang-aasar. Nakakapikon nga minsan.

"Kuya ah!" banta ko. Tumawa lang siya saka tumuhog ng beef steak.

Kumain na kami habang 'yong iba ay nagchi-chika-han. Si kuya at Rhanz naman, ayun nagkakantahan na. Masaya ang lahat.

"Kailan mo pa 'to plinano?" maya mayang tanong ko.

"Noon pa. No'ng lumipat kami sa Laguna.." sagot niya na nakaakbay pa ang kanang kamay sa sandalan ng silyang inuupuan ko.

"Bakit dito sa Tagaytay mo naisip ipatayo ito?" tanong ko na naman.

"Naalala ko pa kasi 'yong sinabi mo sakin noon na gusto mong magbakasyon dito sa Tagaytay palagi.. so dito ko naisip na ipatayo ito."

"Paano ka naman nakakasiguro na magkita pa tayo?" nakangusong tanong ko na naman.

"Sinabi ko kasi noon no'ng bago palang ito sinimulang itrabaho ay pagkatapos ng pagkatapos nito, kung hindi pa kita makikita ay ako na ang kusang humanap sayo." sabi niya saka tumingin sakin.

"Thank you.." nakangiting sabi ko saka ginawaran siya ng halik.

Ngumiti naman siya. "Anything for you, baby."

Nakinig kami sa mga kwento ng mga magulang namin. Nakikitawa at minsan ay nag-aasaran. Pero mas nanaig talaga ang boses ni tita Stacey dahil siya parati ang nauunang magbukas ng topic.

Maya maya ay nag-aya si Zion na ilibot ako sa buong Parke na ito. Gusto niya raw ipakita sakin ang lahat ng andito.

"Sus, kunwari ka pang ilibot ako. E gusto mo lang ata akong masolo eh.." pang-aasar ko habang nakatayo kami kaharap ang hugis pusong fountain.

"Ang hirap kasing tsumaba do'n e." nakangising sabi niya. Niliitan ko naman ang mga mata ko na para bang sinusuri siya.

"Tsamba saan?" inosenteng tanong ko.

"Ito-" bigla niya akong hinalikan. "'Yan.." nakangising sabi niya.

"Adik," bulong ko.

"Oy, narinig ko 'yon.." sabay hinila ako at niyakap ng patagilid. "Always remember that I loved you so much, baby." sabi niya saka hinalikan ako sa noo.

"Ikaw ah, nakailang kiss ka ah" kunyaring angal ko. "Hehe.. I love you too.." saka ako naman ang gumawad sa kanya ng halik.

Bahala na, masaya kami e. Bakit ba? Mahal ko 'tong taong ito e.

Magkahawak kamay kaming pinapanood ang tubig. Maya maya ay may inabot siya saking barya.

"Mag-wish ka." nakangiting sabi niya.

"Pwede dito?" excited naman ako. Tumango siya kaya agad kong kinuha ang barya saka pinikit ang mata at nag-wish. "Sana ganito nalang lagi kasaya.." saka ko ibinato ang barya sa fountain.

Ngumiti akong bumaling sa kanya at nakangiti rin naman siya. Pero ang ngiti niya ay biglang napalitan ng ngiwi na parang nasasaktan. Inihawak niya ang isang kamay niya sa kanyang ulo at ang isang kamay naman niya ay mahigpit na humawak sa kamay ko.

"Baby, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling lang siya saka ngumiti. Alam kong pilit lang iyon dahil nababasa ko parin sa mga mata niya na nasasaktan siya. Nag-aalala na ako talaga. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

To be continued.......

Continue Reading

You'll Also Like

821K 28.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
25.1K 976 15
This story is all about a two person who met online, fall inlove with each other and end up saying goodbye because of the one of them