PRECIOUS' POV
ANG HIRAP din paniwalaan na si Eunice ang may kagagawan ng lahat. Iyong namumuo kong galit sa kanya ay mas napunan pa.
Si Clark ay inilagay pa nila sa ICU matapos operahan. Pero kahit gano'm ang lagay niya bantay sarado parin siya ng mga pulis at sa daddy ni Rhanz pati na rin si tito.
Gabi na kaya kailangan ng magpahinga ni Zion. Inihatid namin siya sa kwarto niya. No'ng una ayaw pa niyang magpahinga, pero pinilit namin siya dahil sa paminsan-minsang pagsakit ng kanyang ulo. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya. E ayaw naman niyang ipatingin sa doktor.
"Matulog ka na, baby.." sabi ko na inayos pa ang comforter niya.
Napatingin naman kami kay kuya nang tumikhim siya. "Baby? Ang corny ng tawagan niyo ah?" may halong pang-aasarang tinig ni kuya.
"Dre, hayaan mo na ang mga bata.." nakikisabay pa si Rhanz sa pang-aasar.
Tumawa naman si kuya. "Sige na baby,sleep tight." ginaya pa niya ang boses ko.
Namumula na talaga ako sa hiya. Pati si Zion ay natatawa na rin. Ang sarap pang piktosin ang mga lokong 'to!
"Tama na..baka makabato ako ngayon ng vase e." naasar na sabi ko kaya tikom ang bibig nila.
Pero hindi naiwas sa paningin ko ang pagpigil ng tawa ni Zion. Sinamaan ko siya ng tingin saka padabog na tumayo. "Matulog ka na." matigas na sabi ko.
Akma na sana akong hahakbang ngunit hinawakan niya ang kamay ko. Nakasimangot akong humarap sa kanya.
"Baby, sorry.." nakangusong aniya.
"Magpahinga ka na sabi e.." pinapakita ko talaga na nagtatampo ako. "Sige na aalis na 'ko. Babalik nalang ako dito bukas."
Agad naman nanlaki ang mga mata niya. "Saan ka pupunta?"
"Sa presinto, gusto kong makausap si Eunice." sinabi ko talaga sa kanya ang totoo.
"Sasamahan kita."
"Hindi, dito ka lang. Kailangan mong magpahinga, okay? Bukas babalik ako dito."
Mas ngumuso pa siya. "Sige, mag-ingat ka ah?"
"Oo,sige na. Goodnight.." binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero nanatili lang siyang nakatitig sakin. "Bakit?" takang tanong ko.
"Wala man lang bang goodnight kiss diyan?" sabay ngumuso pa siya.
"Ano ka ba! Andiyan sila kuya oh.." pabulong na asik ko.
"Bakit nahihiya ka? Ikinahihiya mo 'ko?" mas lalo pa siyang ngumuso na parang bata.
Natawa naman ako sa itsura niya. Wala lang ang cute kasi niyang tingnan. *Chup* Syempre smack lang ang binigay ko sa kanya. "Goodnight baby," matamis na sabi ko.
"Isa pa," bulong niya sabay kagat ng kanyang labi. Siniringan ko siya at kunwaring naiinis na tinusok ang bibig niya.
"Umabuso ka na ah?"
Natawa naman siya saka hinila at niyakap ako. "Babalik ka dito ah?"
"Oo nga, pagdilat mo andito na ako."
"Sige.." nakangiting sabi niya saka nagnakaw pa ng halik.
"Kahit kailan ka talaga.. adik ka!" pabirong asik ko.
"Luh sinong adik? Ako? Baby, umabot na ako sa edad kong 'to na hindi nakakataikim ng mga illegal drugs kahit pa pag-inom ng kahit anong alcoholic drinks." agad niyang paliwanag kaya natawa ako.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" nagtataka kunwaring tanong ko.
"Eh sabi mo adik ako e.." nakangusong sabi niya.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin.." nakangising sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
Hindi ako sumagot sa halip ay matunog lang akong ngumisi. 'May pagka-slow pala itong boyfriend ko, haha'.
"Ang ibig niyang sabihin ay 'yang bibig mo ang adik. Masyadong kisscoholic.." sabat ni kuya na ngumisi pa ng nakakaloko.
'Kisscoholic?'
Saan naman kaya napulot ni kuya ang salitang iyon? May sarili ba siyang dictionary sa utak?
"Loko ka kuya Percei!" pabirong asik sa kanya ni Zion.
"Sige na, aalis na talaga ako. Kayo nalang muna ang magbantay dito ah?" bilin ko kina kuya at Rhanz.
"Ikaw lang bang mag-isang pupunta do'n?" seryosong tanong sakin ni Rhanz. Tumango naman ako bilang sagot. "Sasamahan nalang kita."
"Ay naku, Rhanz. Huwag na, dito ka nalang. Magpahinga ka na rin dahil alam kong pagod ka." tanggi ko.
Wala na silang nagawa dahil bawat alok nila na samahan ako ay tinggihan ko agad. Nagtaxi ako papuntang presinto. Ang akala ko ay maabotan ko pa sila tita at mommy pero nagkakamali pala ako. Wala na sila dito at batid kong nagkaiwasan kami. Siguro ay ando'n na nga sila sa hospital. Pero dahil si Eunice naman talaga ang pakay ko ay dumiretso na ako.
Sa gabing ito ay tila ako nalang dumalaw. Mag-isa ako dito sa visitors area. Mag-isa akong nakaupo habang hinihintay na lumabas si Eunice. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na nga ang bruha.
"Alam mo bang nakakapagod lumabas pasok para lang i entertain ang mga walang kwentang mga bisita, katulad mo? Alam ko na naman kong anong pakay mo e, ang manumbat sa mga nagawa ko!" agad na asik niya na hindi man lang lumapit sakin.
"Eunice, hindi ka parin ba magbabago? Ganyan na't lahat ang sitwasyon mo, ang sama-sama parin ng ugali mo!" malumanay man ang pagkasabi ko pero pinaramdam ko naman sa kanya ang galit ko.
"Anong ine-expect mo? Ang magiging mabait na at magmakaawa sayo ngayon? Gano'n ba ang gusto mong marinig at makita sakin?" napasinghal pa siya. "Sasabihin ko sayo, Precious. Hindi dito nagtatapos ang lahat. Dahil hindi ako papayag na mangyari ito sakin. Sige, magpakasaya lang kayo ngayon dahil kapag oras ko na, sinusumpa ko na babaha ng luha't dugo sa mismong bahay niyo."
Tinalikuran niya ako ng gano'n- gano'n lang. Naiwan akong nakatayo habang nakayukom ang kamay ko. Napasinghap ako sa galit.
'Sinusumpa ko na babaha ng luha't dugo sa mismong bahay niyo.'
Nagpabalik-balik sa pandinig ko ang huling sinabi niya. Hindi ako natatakot sa halip ay mas lumalim pa ang galit ko. Gusto ko siyang sabunotan, tadyakan pero hindi ko kaya. Aaminin kong wala akong sapat na lakas para gawin iyon at 'yon ang mas ikinagagalit ko.
Umupo ako saka sinabunotan ang sariling buhok sa inis at galit. Ilang beses pa akong bumuntong-hininga saka yumuko na naman.
Lumalim na ang gabi kaya napagdesisyonan ko ng umuwi. Matamlay kong tinahak ang daan palabas nitong presinto. Napatingin ako sa relos ko at do'n ko lang napansing mag-aalas dose na pala. Habang naghihintay ako sa tabing kalsada ng taxi ay panay lingon ako sa kung saan. Parang ako nalang ata ang gising sa lugar na ito.
Napaigtad pa ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Napabuga ako ng hangin dahil sa nerbiyos. Tiningnan ko pa kung sino ang caller ko. Si mommy pala.
"Hello mom?" habang sumasagot ako aa kabilang linya ay panay parin ang paglingon ko.
"Anak, saan ka na?"
"Andito pa po ako sa labas ng presinto. Naghihintay pa po ako ng taxi."
"Anak, wala ng taxing dadaan diyan ngayon.."
Nasapo ko ang noo ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Paano na ako makakauwi ngayon? Dito nalang ba ako matutulog sa presinto?
Sana naman kunin nila ako dito. Natatakot na rin kasi ako dahil bawat lingon ko ay sobrang dilim na at tanging ilaw ng poste nalang ang nagsilbing liwanag sa kalsada. Gusto ko na nga lang ring pumikit dahil kapag dadapo ang paningin ko sa madilim na parte nitong lugar ay parang may nakatayong tao.
"Anak? Andyan ka pa ba?" nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita ulit si mommy sa kabilang linya.
"A-Ah opo.. M-Mommy, ano ng gagawin ko dito ngayon?" nanginginig na talaga ang boses ko.
"Papunta na diyan si Rhanz. Ang kuya mo kasi sinama ng tito Ralf mo do'n kay Clark."
"Mom, bakit si Rhanz po? May sugat po 'yan sa braso tapos siya pa ang magda-drive? Mom, 'wag nalang po!"
"Wala na siya dito anak. Umalis na siya."
"Mommy naman e! Kita ng may sugat sa braso 'yong tao!"
"Anak siya ang nag-insist na kukuha sayo diyan. Sumang-ayon naman si Zion dahil nag-aalala na siya sayo."
Napabuntong-hininga nalang ako sa kawalang magawa. "Sige po, salamat po."
"Sige anak, mag-ingat ka diyan."
"Yes mom, thank you."
Yun lang at ibinaba ko na ang linya. This time nakatungo nalang ako sa paanan ko dahil ayokong mag-angat ng tingin. Panay kuskos ako sa palad ko. Para kasing nanlamig ako e.
Napaangat ako ng tingin ng may papalapit na sasakyan. Nakaramdam na ako ng tuwa dahil sa wakas ay uuwi na rin ako. Pero gano'n nalang ang pagbagsak ng balikat ko nang dumiretso lang ito. Akala ko 'yon na e..
Napabuga ulit ako ng hangin saka yumuko ulit. Siguro mabagal lang ang pagmamaneho ni Rhanz dahil may sugat siya.
Napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang isang malamig na dumapo sa bandang kaliwang leeg ko. Hindi ako makakilos na parang naestatwa ako. Hinintay ko lang itong mawala pero hindi talaga bumitaw e. Kagat labi kong tinaas ang kanang kamay ko at nang mahawakan ko na ito ay..
"Yahh!!" napatili ako saka buong lakas na inalis iyon sa leeg ko.
Pagkamulat ko ay nasa harap ko na ang sasakyan ni Rhanz. Nakita ko naman siyang patakbong lumapit sakin. Nanginginig parin ako.
"Precious, anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na hinawakan pa ang balikat ko.
Hindi ako sumagot sa halip ay kinuha ko ang phone ko saka binuksan ang flashlight. Alam kong nagtataka siya sa inakto ko ngayon pero bahala na basta makita ko kung ano 'yong dumapo sa leeg ko.
Hinanap ko ito sa banda kong saan ko pabatong tinapon. Pero nakailang hakbang lang ako ay napaigtad na ako.
"Ya!!!!!" tili ko at patakbong bumalik kay Rhanz. Muntik pa akong ma-out of balanced. Buti nalang nasalo niya ako.
Habol ko ang hininga saka napakapit sa braso niya. Buti nalang hindi 'yong brasong may sugat ang nahawakan ko. Nagtago ako sa likod niya na parang bata.
Natawa siya. "Ano bang nangyari sayo?"
"B-Butiki, may..butiki." nanginginig na sambit ko. "B-Butiki pala ang dumapo sa leeg ko kanina."
Kinuha niya ang phone ko saka tiningnan kong totoo ba ang nakita ko. Para naman akong tanga na sumunod sa kanya habang nakahawak parin sa braso niya.
"Ahh!!"
"Yah!!!" sigaw ko rin nang sumigaw siya. Pero ang mukong ay tumawa lang pagkatapos.
"Joke lang.. Ito ba ang sinabi mong butiki? Eh ang liit lang oh?"
"Baliw ka talaga! Nakakadiri kaya 'yan!" sabi ko na nandidiri pa.
"Nandidiri o natatakot?" pang-aasar niya.
"Pareho!"
Tumawa siya. "Wait lang, kukunin ko." sabi niya na akmang kukunin talaga.
Pero bigla ko siyang hinila. "Rhanz!!"
"Hahaha..oh bakit?"
"Nakakadiri ka!" sigaw ko. "Halika na nga!" sabay hila ko papuntang kotse niya.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng kotse. Binigyan naman niya ako ng nagtatakang tingin. "What?" tanong niya.
"Akin na ang susi, ako ang magda-drive."
"Ayoko ko nga."
"Sige na. Bigay mo na sakin, kundi pipiktusan kita!" kunwaring banta ko.
"Sadista mo. Oh ito na!" nakanguso pa siya ng ibigay niya sakin ang susi.
"Goodboy.." sabi ko at ngumiwi naman siya.
Kanya-kanya na kaming pumasok sa kotse niya. Nakangisi ko siyang tiningan. "Magseatbelt ka."
"Hindi na kailangan." nakangiwi paring sabi niya.
"Magseatbelt ka sabi.." pamimilit ko. Wala na siyang magawa kundi gawin ang inutos ko.
Ngumisi pa ako nang matapos siyang magsusuot ng seatbelt. Saka pinaharurot ang kotse. Wala naman ibang sasakyang dumaan kaya okay lang na bilisan ko ang pagtakbo.
Aaminin ko isa rin akong kaskasera minsan at gusto kong gawin ito ngayon. Mas binilisan ko pa lalo ang pagtakbo na para bang isang segundo, isang daang kilometro na ang layo ko.
"Woy! Nagmamadali ka ba?!" angil niya.
"Namiss ko 'to e.." nakangising sagot ko.
Sa bilis ng takbo ay agad din kaming nakarating sa hospital. Tingnan ko pa si Rhanz na ngayon ay napahilamos na.
"Okay ka lang?" kunwaring tanong ko.
"Grabe ka, sobrang hinhin mo pero bakit gano'n ka magmaneho?! Parang lalabas na lahat ng organs ko."
"Haha..ang OA mo naman." yun lang ang nasabi ko saka binigay sa kanya ang susi.
Sabay kaming pumasok sa hospital. Minsan pa akong mapalingon sa kanya dahil panay himas siya sa kanyang tiyan.
"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalala na talagang tanong ko.
"Nasusuka ako.." aniya na napangiwi pa.
"Omo..baka buntis ka Rhanz?" biro ko. Huminto naman siya saka nanlaki ang mga matang nakatingin sakin.
"Baka nga.." hindi ko inaasahang makikisabay siya sa biro ko. Kaya tuloy sabay kaming natawa.
Para kaming mga loko-loko na nagtatawanan sa gitna ng hallway nitong hospital. Parang kami lang nga ata ang nag-iingay.
To be continued......