YOUR TITLE,MY ISTORI

By DANATHOUGHTS

1.3K 122 45

Quarantine make us all bored thou too many work from home but still not enough to eat our time. THIS IS JUST... More

INTRODUCTION
ANG PAG IBIG KONG ITO
AT ANG HIRAP
KUNG SAKALI MAN
UMIIYAK ANG PUSO
HANGGANG KAILAN KITA MAMAHALIN
PAANO BA ANG MAGMAHAL
WAG MO AKONG IWAN MAG ISA
BRING BACK THE TIMES

KAILANGAN KITA

122 14 6
By DANATHOUGHTS

Fourth Entry 💚

Kasama ka,yun ang pinaka magandang nangyari sa akin.

Makilala at matagpuan ang tulad mo,wala na akong masasabi kundi thank you Lord for having you Angel!

Mahal na mahal kita!

Akala ko noon kaya ko na,pero nagkamali ako dahil sa tuwing hinahanap ka ni Erika nasasaktan ako.

Umalis ka ng walang paalam at heto ako kinakaya na wala ka.

Taon ang lumipas masasabi ko ba na sanay na ako o pinipilit ko lang ang sarili ko na masanay?

"Daddy"
Masaya pang tawag ni Erika sa akin

Sino bang makakapag sabi na hindi mapagkakailang anak ko siya

Tindig,ganda at boses manang mana sa akin lalo na kay Angel.

Im still blessed for having her,at first naguluhan ako kung bakit iniwan siya sa akin ni Angel

"Yes my princess"
Ani ko at niyaka siya

"Sad ka Daddy? Namimiss mo siya?"
Hindi ko naman na natago sa kaniya ang luha ko

"Of course not baby sad lang si Daddy kasi madaming work na hindi ko kaagad matapos"
Palusot ko pa dito na halatang hindi gumana

"Daddy,kilala po kita. Alam mo miss ko na din si Mommy pero okay lang sakin kasi nandito ka naman. At alam ko na okay lang si Mommy kasi hindi ba Daddy strong si Mommy.And alam ko one day babalik siya para makasama tayo"
Tinutuyo niya ang mga luha ko pero bakas sa boses niya ang lungkot

Ewan ko ba pero siya lang ang tanging nakakapag pasaya sa akin

Mga luhang natutuyo pag dumadating siya

Para talaga siyang si Angel

"Oo naman baby babalik si Mommy para sa atin at sana pag bumalik niya tayo pa din ang laman nito *turo ko naman sa puso niya*"

"Daddy,once you love someone hindi na yun magbabago siguro nga maydadating na tingin niya mas better pero mas mangingibabaw pa din yung ikaw na naging dahilan para magkaroon ng ako sa kaniya. Nararamdaman ko na Mommy still loves us and she'll surely chose us over them kung meron man. Pero Daddy kilala ko si Mommy hindi niya kayang gawin yun sa atin,baka may mas malalim na reason siya kaya umalis siya.
Pagpapagaan pa niya sa loob ko

Grabe bata ba talaga ito o mas matanda pa sa akin?

"Anak ka nga ng nanay mo"
Natatawa ko pang sabi at ginulo ang buhok niya

"Syempre kanino pa ba ako mag mamana kundi sa inyo ni Mommy"
Masaya pa niyang sabi

Seeing her happy without Angel masasabi kong kinaya na niya na wala ang Mommy niya.

Kinaya ba talaga niya o kinakaya hanggang ngayon?

Nasaan ka ba kasi Angel?

Nawala ka man ng matagal lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.

"Sir,may bisita po"
Tawag pa ni Manang sa akin

"Sino daw po"
Nagtataka ko pang sabi dahil wala naman akong inaasahan na bisita

"Erik"
Pagtawag pa ni Rome

Rome?

"Anong ginagawa mo dito"
Kunot noo ko pang sabi

Sinenyasan ko pa si Erika na bumalik sa kwarto niya

"Look hindi ako pumunta dito para makipag away."

"Eh ano? Pwede ba Rome matagal ng wala si Angel dito at kung maaari lang wag na wag ka ng babalik pa dito"
Pagtataboy ko pa sa kaniya

Pero matigas ang ulo niya at nagpumilit na kausapin ko siya

Akala ba niya hindi ko alam na siya ang kasama ni Angel ng umalis ito.

Rome is Angel's ex boyfriend. He is the reason why we fight,why our family is now broken.

"Look Erik hindi mo naiintindihan e"
Naiinis pa niyang sabi

"Ano ang hindi ko naiintindihan sa pag agaw mo sa asawa ko? Ang kapal naman ng mukha mo para magpakita pa matapos niyong umalis para ano? Para makalayo at magmahalan? Iniwan ni Angel ang anak niya ng dahil sayo hindi ka pa ba masaya?"
Galit ko ng sabi at hinawakan siya sa kwelyohan

Masakit ang ginawa niya pero may mas sasakit pa pala doon....

"Erik,please makinig ka muna kung inaakala mo na ipinagpalit kayo ni Angel sa akin ay sobrang laking pagkakamali noon. Oo umalis siya,oo lumayo siya,pero sinasabi ko sayo na hindi ako ang dahilan at wala akong alam noon na ganun ang plano niya. Kahit ako naguluhan pero isa lang ang alam ko yun ay kailangan ka niya ngayon"
Mahinahon pa niyang sabi

Nabitaw ako sa kwelyo niya at napatungo sa kakaisip

Anong ibig niyang sabihin?

Paano?

May iba pa ba?

"Anong ibig mong sabihin"
Naguguluhan ko pang tanong dito

"Wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang lahat dahil yun ang pinangako ko kay Angel,pero kung gusto mong malaman bakit hindi ka sumama sa akin"
Pag alok pa niya

"Sige"

Ano bang nangyayari sayo Angel...

Nasaan ka ba?

Bakit ka naglilihim ng ganito?

Sinamahan ko si Rome sa lugar kung saan si Angel nag i-stay

Halos manlumo ako sa mga nalaman ko.

Knowing na ako yung asawa niya pero hindi ko siya natulungan

Dahil mas inuna ko ang trabaho at sarili kong karamdaman

Natigil kami sa isang private rest house na pag mamay ari ni Angel

"Erik"
Gulat pang tawag ni Yen sa akin

After all this time alam niya kung nasaan si Angel

At nandito lang siya sa rest house niya na malapit sa dagat.

Bakit hindi ko naisip yun!

"A-lam mo kung nasaan si Angel pero hindi mo sinabi"
Naiiyak ko pang sabi

"S-orry Erik,hindi ko gi-nusto pero si Angel kasi ang may gusto na ilihim sayo ang lahat"
Naiyak pa niyang sabi

"Ano pa ba ang kailangan kong malaman?"
Sigaw ko pang sabi

"Ang kalagayan niya ijo"
Pagsingit pa ni Mommy

"Mommy alam mo din? After all this time alam niyo kung nasaan ang asawa ko pero wala ni isa sa inyo ang nag sabi? Bakit ha?anong nililihim niya na ayaw niyong ipaalam sa akin"
Halos magwala ako sa nangyayari

"She's sick Erik,natakot siya na baka hindi mo kayanin pag nalaman mo. Ayaw niya na mag alala ka,kaya mas pinili niya na umalis kasi akala niya magiging okay pa siya na gagaling pa siya pero..."

"pero?"
Sigaw ko pa

"Pero hindi na umabot Daddy,mas naging worst ang sitwasyon ni Mommy"
Naiyak pang sabi ni Erika habang papalapit sa akin

"Erika,you knew about this?"
Kunot noo ko pang sabi

Lahat sila alam pero ako na asawa hindi?

"paano mo nakuhang maglihim kay Daddy"

"No Daddy,I didn't mean to pero yun yung hiling ni Mommy ng ipaalam sa akin ni Tita Yen ang lahat. I'm sorry Daddy pero alam mo kung gaano ko gustong makita si Mommy noon and ito yung nalaman ko. Gusto ko noon magalit sa kaniya pero kasi nalaman ko ang reason niya. And I love her that's why sinunod ko yung gusto niya."

Napahawak nalang ako sa upuan habang pinagtatagpi tagpi ang lahat ng nangyayari

"Bro,meron siyang cancer stage 4 ginawa namin ang lahat para gumaling siya. Lahat ng treatment nagawa namin pero siguro nga this was meant to happen"
Malungkot pang sabi ni Rome

So ito pala yung dahilan kung bakit....

Nabato ko nalang ang upuan na hawak ko at doon ay napaupo ako kakaiyak

Bakit?

Bakit asawa ko pa?

"Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa akin kahit pa pinagbawal niya"

"Sana naalagaan ko siya"

"Sana nadala ko siya sa mas magagaking na doctor"

"Sana mas binigyan ko siya ng oras"

"Sana mas nabantayan ko siya"

"Sana nasa tabi niya ako habang nilalabanan ang sakit niya"

"sana kasama ko siya para mapalakas ang loob"

"Sana naparamdam ko sa kaniya yung buong pagmamahal ko bilang asawa niya"

"Sana.....sana nasa tabi niya ako"

"Daddy"
Niyakap naman niya ako

"Nasaan siya"
Tanong ko pa sa kanila

"Na-nasa balkonahe pinapanuod ang dagat"
Naiyak na sabi ni Yen

Dagat....

Alam mo ba kung gaano niya kagusto ang pumupunta sa dagat para lang tumambay

Noong mag girlfriend boyfriend palang kami doon kami madalas mag date

She loves the waves that helps her mind to think clear

Sabi niya ang tunog ng alon nito ay parang kanta....

May meaning maraming kahulugan pero nasa iyo kung paano mo iintindihin.

Natayo ako sa kinauupuan ko at inayos ang itsura ara harapin siya.

Kaya ko ba?

Kaya ko ba na makita ang mahal ko na nasa ganoong sitwasyon?

"Puntahan mo na siya Erik,matagal ka na niyang hinihintay"
Utos pa ni Mommy sa akin at sinamahan akong maglakad papunta kay Angel

Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso ng makita ko siyang nakaupo sa wooden chair na gawa ko noon para sa kaniya.

Yun yung upuan na gustong gusto niya na ginawa ko naalala ko pa anniversary namin ng ibigay ko yun

Mas nagpaluha sa akin ay ang nakabalot sa ulo niya at katawan niyang parang hinang hina

"M-ahal"
Mahina kong sabi na tama lang para marinig niya

Naiwan sila Mommy sa pintuan habang ako ay nasa tabi niya

Tumingin naman siya sa akin at marahang lumabas ang mga ngiti niya

Ngiti niyang namiss ko!

Ngiti niyang minahal ko!

"Ma-h-al nandito k-ana"
Hinihingal pa niyang sabi

Wala akong ibang nagawa kundi umiyak at niyakap siya ng mahigpit

Yakap na baka hanggang ngayon nalang

Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya

"bakit mo nilihim sa akin"
Bulong ko pa sa kaniya na nialabanan ko ang mga masasakit na hikbi

"D-ahil a-yokong ma-kaabala sa trabaho mo"

"Kahit ano ang trabahong yun handa akong iwan yun at alagaan ka mahal,at kahit kailan hindi ka at never kang magiging abala sa akin"
Ngumiti lang siya sa akin at pinatuyo ang mga luha ko

"Tama na,okay ako mahal ang mahalaga nandito ka sa tabi ko kasama kita."
Pagpapatahan pa niya sa akin

Naupo ako sa tabi niya habang yakap yakap siya

Pinapanuod ang mga alon at ninanamnam ang simoy ng dagat.

"Mahal,alam mo ba ang sinasabi ng alon sa atin"
Nahihirapan pa niyang sabi

"A-no mahal"
Pag pigil ko sa aking boses na manginig dahil ayoko pa na mag alala siya

"Na kahit kailan ang pagmamahal ko sayo ay hindi mawawala. Siguro nga ay mawawala ako pero ang ako sa iyo kahit kailan ay hindi ka iiwan. Lagi mong iisipin na nandito ako para sayo at malungkot ka man at hanapin ako ang dagat ang magsisilbing buhay ko para sa inyo ni Erika"
Mahaba pa niyang lintaya

"Mahal naman huwag ka ngang ganyan magsalita para kang nag papaalam e,bukas na bukas magpromise ka sa akin na sasamahan kita sa mga doctor. Kahit saan basta gagawa ako ng paraan para gumaling ka ha. Hindi pa huli.....ang lahat"
Naiyak ko pang sabi

Ni hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luha ko na magsilagpak

"Mahal alam ko maytrabaho ka"

"Please mahal,wala ang trabaho kumpara sa buhay mo. Magpromise ka please gagaling ka mahal,lalaban ka magsasama sama pa tayo nila Erika hindi ba yun yung plano natin"
Nahagulhol ko pang sabi

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya..

"Mommy,please pumayag kana"
Ani Erika na tumabi sa kabilang side ng Mommy niya"

"Oo anak papayag si Mommy"
Ani ko

"Mahal ko kayong dalawa,lagi mong babantayan si Daddy mo ha at ikaw Erik,Mahal na mahal kita. Hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko. Kailangan kita mula noon hanggang sa matapos ang hininga ka"

"Mahal naman e,wag ka magsalita ng ganyan."

"Promise Mommy,I will taking care of Daddy. Kailangan kita Mommy sana dito ka lang sa tabi namin"

"Mahal please...."

"Inaantok na ako Mahal"
Nanghihina niya pang sabi

Doon ay mas lumakas ang hikbi ko ang iyak at ang agos ng luha na nanggagaling sa aking mga mata

Diyos ko!!! Huwag naman pong ganito

Alam ko na hudyat na yun nga kaniyang pagpapahinga pero please kahit konting oras pa yun lang ang hiling ko!

"mahal gusto mo kantahan ka namin ni Erika"
Pinigilan ko ang mga hikbi ko para lang maging matatag sa harap ni Erika

Ang hirap hirap ng ganito.

Ansakit na para bang anytime ay pwede na din akong manghina dahil sa kaniya

Ang kahinaan niya ay ang kalakasan ko pero masasabi ko sa nangyayari ngayon ay....

ANG KAHINAAN NIYA AY KAMATAYAN KO!

NAGING MALAKAS SIYA SA BUONG BUHAY NIYA NA KASAMA AKO,PERO AKO ANG NAGING MAHINA SA PAGSASAMA NAMIN

"ple-ase"
tipid niyang sagot at nahiga sa dibdib ko habang hawak ang kamay ko at ni Erika

Sumenyas ako kay Erika na simulan ang kanta....

"Sa piling mo lang nadarama
Ang tunay na pagsinta
'Pag yakap kita nang mahigpit
Parang ako'y nasa langit"
Pag simula niya sa kanta...

Mga luha niyang pumapatak habang kumakanta sa tabi ni Angel

"Minsan lang ako nakadama ng ganito
Pag-ibig na wagas at sadyang totoo
Nananabik itong aking puso"
pag sunod ko sa kanta niya

Kailangan kita ang kanta na lagi niyang kinakanta sa tuwing anniversary namin

Kanta na minahal niya....kanta namin para sa isa't isa

Kantang kahit kailan hindi ako magsasawang kantahin dahil sa kantang ito nabuhay ang pagmamahalan ng mag asawang ERIK AND ANGEL!

"Kailangan kita, ngayon at kailanman
Kailangan mong malaman na ikaw lamang
Ang tunay kong minamahal
At tangi kong hiling ay makapiling ka lagi"
Sabay pa nming kanta ni Erika

Pero sa huling salita ng kanta bumagsak ang mga matang pagod,mga kamay na pinipilit kong igapos sa palad ko....

Pero pagod na ang ikaw...

Pinapalaya kita aking mahal kahit alam ko sa buhay ko na KAILANGAN KITA.






VOTE AND COMMENT YOUR TITLE. 💚

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 44.2K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
136K 5K 87
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
1.1M 48.8K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
154K 7.2K 52
Four siblings, two elder brothers and two younger sisters living with their rich parents!! Get ready to enter the life of these siblings and their fa...