Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 37

39 4 0
By Chencheniah


RHANZ'S POV

NAGING MAHIRAP para sa amin na hulihin si Clark, sa totoo lang. Bukod sa madami rin siyang tauhan ay may kakayahan din siyang makipaglaban. Parang bihasa niya siya masyado para sa gano'ng pangyayari.

FLASHBACK...

Pagkatapos naming malaman na nasa Tagaytay si Clark ay walang sabi-sabing nagsibalikan kami sa kanya-kanyang sasakyan. Agad namang tinawagan ni dad ang mga tauhan niya para humingi ng tulong.

Pinangunahan ko ang mga pulis at iba pa naming kasama na umalis. Nanggigigil na ang mga kamay ko na nakahawak sa manibela. Ito ang unang pagkakataon na nagmaneho ako ng ganito ka bilis. Minsan pa akong sinuway ni dad para magdahan-dahan pero hindi na talaga ako makapaghintay na mahuli ang kumag na 'yon.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay tumawag ang isa sa mga tauhan ni dad. Sinabi sa amin kung saang bahay lumublob si Clark. Nagtataka kami kung ba't do'n ang address na pinagtataguan niya. Isang malaking kaguluhan sa isip namin kung bakit doon pa.

Nasabi ko nalang sa isip ko na baka nagkamali lang ng tingin ang tauhan ni dad. Pero imposible namang magkamali sila? Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ng sasakyan dahil naisip kong baka anong ginawa niya do'n. Baka may gawin siyang masama.

Malayo pa lang ay kita ko na ang mga tauhan ni dad na nakapwesto sa tapat ng bahay. Agad naman kami ni dad na lumabas ng sasakyan at lumapit sa isang tauhan.

"Confirm ba na andyan ang suspect?" tanong ni dad.

Tiningnan ko ng maigi ang bahay at may nakita ako sa bintana na lalaking nakatayo. Batid kong si Clark iyon. Kabisado ko na itong bahay kaya hindi mahirap sakin na pasokin ito. Pero bago pa man ako makalapit sa pinto ng gate nila ay pinaulanan na kami ng bala.

"Dad!!" sigaw ko pabalik sa kinaroroonan ni daddy saka dumapa kami.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagpapaulan ay do'n ko lang napansing may daplis pala ako sa kanang braso. Pero hindi ko na ininda iyon dahil agad akong sumunod sa mga pulis papasok ng bahay. Naghiwalay kami ng daan ni daddy dahil sa main door ako dumaan samantalang siya ay sa likurang bahagi kasama ang mga tauhan niya.

Patakbo akong umakyat patungo sa kanang bahagi ng bahay kung saan nakita ko kanina si Clark. Pero pagdating ko do'n ay isang malaking kalokohan ang bumungad sakin.

"Pakshit!!" napasabunot ako sa sarili kong buhok.

Kagagohan! Isa lang palang manekin ang nakatayo malapit sa bintanang ito. Mautak talaga ang taong iyon.

"Clark Santiago! Sumuko ka na! Kung ayaw mong masaktan!" boses iyon ni dad na naka megaphone.

Napalinga-linga ako dahil nagbabakasakali akong may madinig na ingay senyales na ando'n si Clark. Patuloy parin sa pagsasalita si dad pero wala parin siyang nakuhang sagot mula kay Clark.

Nagtungo ako sa kabilang kwarto pero wala ring tao. Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga kasamahan namin naghahalungkat sa iba't-ibang bahagi ng bahay.

Sigurado ba silang andito nga si Clark nagtungo?

Pinapakiramdaman ko ang paligid. At eksakto namang tumama ang paningin ko sa isang malaking paiting na nakadikit sa dingding. Doon ko naalala ang secret room ng bahay na ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa painting saka marahan kong tinulak ito. Oo! Itong painting na ito ay siyang nagtatago sa sekretong pintuan ng secret room. Dahil kung titingnan mo lang kasi ay parang painting lang ito na nakadesinyo sa malawak ng wall na ito.

At tama nga ako, dahil andito nga nagtatago ang walang hiyang Clark. Printeng-printe pa siyang nakaupo sa swivel chair habang nakapandekwatrong nakatingin sa bintana. Nakatanaw siya sa mga kasamahan kung nagkakalat sa kalsada at bakuran nitong bahay.

"Magtatago ka na nga rin lang, sa lugar pa na madali lang hanapin." sarkastikong sabi ko.

"Hindi ako nagtatago. Gusto ko lang paglaruan kayo." kalmado lang siya kung magsalita.

Kanina pa ba niya alam na andito ako sa likod niya?

Humarap siya sakin saka tumabingi at ngumisi ng nakakaloko. "Nag-enjoy ba kayo?" sarkastikong aniya.

Pasinghal naman akong tumawa. "I really don't want to play."

"Then, don't!" nanlisik ang kanyang mga mata nang sabihin niya iyon. "Masyado kang pakialamero!"

"Hindi pakikialam ang ginagawa ko. Gusto ko lang ng hustisya para sa pinsan ko." tiim-bagang sabi ko.

"Bakit namatay ba?" nakangisi siya ng sabihin iyon dahilan para mas lalong lumiyab ang galit ko. "Sa totoo lang, hindi ako ang nagmaneho sa kotse ni Percei no'ng nangyari iyon. At sigurado akong magugulat ka kung sino ang kasama ko at ang puno't dulo ng gulong ito."

"Walang hiya ka!!" pasugod na sigaw ko pero agad siyang tumayo at tinutukan ako ng baril.

"Sige! Lumapit ka! Pasasabugin ko 'yang bungo mo!"

Wala ng mas isasama pa sa tingin namin sa isa't-isa. Hindi ako kumilos para hugutin ang baril ko sa likod dahil kapag ginawa ko iyon ay sigurado akong basag ang ulo ko.

Binabantayan at pinag-aralan ko ang posibleng kilos niya kung sakaling gagalaw ako. Nang makakuha na ako ng tyempo ay agad kong sinubukang agawin ang baril sa kamay niya. Naging mahirap ang pag-agaw ko dahil malakas din siya. Minsan pa kaming tumimbawag sa sahig pero hindi parin kami nagbibitawan sa pag-agaw ng baril. Itinuon niya ako sa dingding at pilit  niyang iniharap sa mukha ko ang baril.

Sa abot ng makakaya ko ay inilabas ko ang aking buong lakas para maiharap sa kanya ang baril. Bahagya ko siyang itinulak at natuon ang baril sa baba. Umikot ako para siya naman ang maituon ko sa pader. Napagtagumpayan ko naman pero ang bibig ng baril ay nasa baba na.

"Huwag mo ng sayangin ang lakas mo. Dahil hindi mo ko kaya!" pabulong na sabi niya.

"Okay lang na masayang ang lakas ko dahil alam kong makakapagpahinga ako ng maayos pagkatapos nito. Eh ikaw? Humina na nga ang lakas mo, sa selda pa ang punta mo!"

"Selda? Sinong nagsabi sayong papayag akong makapasok do'n? Papasok lang ako kapag makakapatay na ako! At ikaw ang uunahin ko!" tiim-bagang aniya saka pilit itaas ang kamay niya pero nilabanan ko ang kanyang lakas.

Natigilan at nanlaki ang mga mata ko pati hininga ko ay napatigil na nang pumutok ang baril. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pamimilipit niya. Naramdaman ko namang lumuwag ang pagkahawak niya ng baril.

Agad ko namang inihagis palayo ang baril nang lumayo siya sakin habang nakahawak sa gilid niya. Natamaan pala siya at ito'y dumudugo na.

Pinanood ko siyang lamunin ng dilim saka siya natumba sa sahig. Napatingin naman ako sa pinto nang magsipasukan ang mga kasamahan ko. Agad naman nilang binuhat si Clark saka inilabas sa kwartong ito. Pahakbang na sana ako nang bumukas ang pinto sa likuran ko at bago pa man niya maihampas sa akin ang baseball bat na dala niya ay naisangga na ito ng mga kamay ko. Saka pabato itong itinapon sa gilid.

"Bakit mo 'to ginawa sa'min, Eunice!" hinigpitan ko ang paghawak sa magkabilang braso niya. "Ikaw ba ang kasama ni Clark? Ikaw ba ang nagmaneho at bumangga sa kotse ni Zion? Sumagot ka!!"

Yumuko lang siya saka do'n humahagulhol. Umiiling siya ng umiiling. "Rhanz, h-hindi ko talaga sinasadya! It was an accident!"

"Aksidente? Hindi mo sinasadya? Paano mo nasabi ang lahat ng 'yan, Eunice?! Alam mong si Zion ang nabangga mo pero hindi ka man lang bumaba para tulungan siya? Mas pinili mo pang humarurot paalis at iwan si Zion?!"

"N-Natatakot kasi.. ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko no'ng oras na iyon!"

"Natatakot? Alam mo bang utak kriminal lang ang tumakas sa kasalanang kanyang ginagawa?! Isa kang kriminal, Eunice!! At ang kapal pa ng mukha mong magpakita sa hospital at iiyak sa harap ni Zion?!" sigaw ko sa mismong mukha niya. "Kaya pala todo alaga ka no'ng hindi pa gumigising si Zion dahil nakokonsensya ka! Ginawa mo 'yon para malinis ang konsensya mo, gano'n ba?!"

Umiiling parin siya. "Hindi..hindi ko talaga sinasadya,"

"Alam mo bang gusto kitang patayin ngayon? Alam mo bang gusto kong gawin ngayon sayo kung anong ginawa mo kay Zion? Ha? Eunice, para kaming tanga na ginawa ang lahat para hanapin ang totoong 'kriminal' pero nasa harapan na pala namin! Nasa harapan na pala namin at umaakto na parang anghel!! Para sabihin ko sayo Eunice, wala kang ikakasama dahil para sakin mas masama ka pa sa demonyo!!" gigil at galit ang namuo sa ulo ko. Parang namumula na nga ako sa galit at kulang nalang ang usok na lumabas sa ilong ko.

Binalingan ko ang naiwang mga pulis. "Isama niyo na rin ito. Siguraduhin ninyong hindi ito makakatakas dahil kampon 'yan ng demonyo."

"No!! Rhanz please, ayokong makulong!" umiiyak siya habang lumuhod pa sa paanan ko.Pilit siyang pinatayo ng dalawang pulis para akayin na palabas.

Sumunod naman kami sa kanila pero kaming mga sugatan ay dumiretso sa hospital. Habang si daddy naman at ibang mga pulis ay sumama kay Clark, sa hospital parin nila dinala. Si Eunice naman ay pinadiretso sa presinto at si mommy na ang bahala sa kanya.

END OF FLASHBACK.......

Kita sa mga mata ni Zion ang pagkadismaya matapos malaman na si Eunice pala ang totoong suspect. Napahawak pa siya nitong hospital bed saka ikinuyom ang mga kamay.

"Sobrang tanga ko. Isa siyang manloloko! Nakuha pa niyang humarap sakin? Ang kapal ng mukha niya.." parang hindi makapaniwalang sambit ni Zion.

"Huwag kayong mag-alala, tapos na. Nahuli na natin sila at sisiguraduhin nating magbabayad sila." tiim-bagang sabi ko.

"Rhanz, thank you.." napatingin ako kay Precious nang madamdamin niya itong sinabi.

"You don't have to say thank you, Precious. Gagawin ko talaga iyon dahil 'yon ang nararapat." nakangiting sabi ko.

"Kahit na, thank you parin dahil isinugal mo ang buhay mo para lang mahuli sila.."

Ngiti lang ang naisagot ko kay Precious.

Siguro naman ay magiging masaya na ang daloy ng buhay namin ngayon. Ang iisipin ko nalang ay ang pinapagawa sakin ni Zion. Dahil bukas na pala iyon gaganapin.

To be continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
25.1K 976 15
This story is all about a two person who met online, fall inlove with each other and end up saying goodbye because of the one of them
822K 28.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.