Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3.1K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 33

38 3 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

NASA HALLWAY na ako pupuntang room ni Zion. Kaba at takot ang namumuo sa dibdib ko. Parang nanginginig ang tuhod ko habang dahan-dahan humakbang papalapit do'n. May halong pananabik na makita si Zion pero mas lamang talaga ang takot at kaba.

Kagat-labi kong tinahak ang daan pero agad din akong natigilan nang makita si Eunice na lumabas sa kwarto. Hindi pa niya ako nakikita dahil medyo malayo pa ako sa kinaruruonan niya. Napatigil ako sa paglakad na para bang naestatwa.

Nang malapit na siya sa kinatatayuan ko ay napaangat siya saka binigyan ako ng matalim na tingin. Halatang umiiyak siya pero wala na akong pakialam. Nagulat at nagtaka pa ako nang bahagya siyang tumawa pero batid kong peke iyon at may halong sarkasmo.

"Where do you think you're going?" mataray na ani niya.

"B-Bibisitahin ko si Zion." kinakabahang sagot ko.

Suminghal pa siya. "Really? Pagkatapos naming malaman na ang kuya mo pala ang bumangga kay Zion, may gana ka paring magpakita? May pagkakapal din pala 'yang mukha mo no?" sarkastikong aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ang lakas din ng loob niyang sabihin iyon na para bang hindi niya minahal si kuya. Na para bang hindi niya ginamit si kuya para pagtaksilan si Zion.

"Hindi si kuya ang bumangga kay Zion." matigas na sabi ko. Kita ko ang pagkagulat niya pati pa nga paglunok ay nahalata ko pa. Pero agad din siyang naka-recover saka ngumisi ng sarkastiko.

"Natural lang na pagtakpan mo ang kuya mo. Pero.. nakakalungkot kasi may evidence kami." kunwari pa siyang nalungkot. Plastic ka talaga! "Hindi ka ba nagi-guilty? Muntikan ng mamatay si Zion dahil sa katangahan ng kuya mo?"

Nagtiim ang bagang ko dahil ayokong marinig na ginaganyan niya si kuya. Pero naisipan kong hindi siya ang ipinunta ko dito, hindi siya ang gusto kong makita, hindi siya ang gusto kong makausap. Si Zion ang dahilan kung ba't ako narito kaya palalampasin ko lang 'tong si Eunice.

Sininghalan ko lang siya saka nilampasan para magpatuloy papuntang kwarto ni Zion.

"Saan ka pupunta?" mataray na tanong niya na hinawakan pa ang buhok ko saka hinila pabalik.

Napapikit ako dahil sa sakit. Parang namumuo na ang mga luha ko. "Ahh!!" sigaw ko nang pabato niya akong binitawan.

"Kung si Zion ang pupuntahan mo, pwes sabihin ko na ito sayo. 'HINDI KA NA KAILANGAN NI ZION! Galit siya sayo, galit na galit siya sa pamilya mo! Ayaw ka na niyang makita! At mas lalong hindi ka na niya 'MAHAL'." natigilan ako sa sinasabi niya.

Bawat salita niya ay may diin pero mas dumadagundong ang huling salitang sinabi niya. 'Mahal'?  Hindi na niya ako mahal?' Sinong niloloko niya? Imposibleng mangyari iyon dahil kanina pa sinabi sakin ni Rhanz na gusto akong makita ni Zion.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko habang nasa gilid ang paningin.

"Siguro.. sinabi ni Rhanz na hinahanap ka ni Zion, tama? Tss.. Naniwala ka naman? Siguro nga hinahanap ka..para komprontahin sa mga kasalanang ginawa niyo ng pamilya mo. Pero kung inaasahan mong hinahanap ka niya dahil gusto ka niyang makita dahil nami-miss ka niya..isang malaking kamalian." sinabi niya iyon sa mismong mukha ko. Gusto ko mang salubongin ang titig niya ngunit hindi ko na kaya dahil sa sakit na dinulot ng mga pinalabas niyang salita.

Bahagya pa siyang lumayo sakin kaya do'n ko sinalubong ang titig niya. Nakangisi siya habang pinagkrus ang brasong nakatingin sakin. "Tinanggap ko na nga rin sana na hindi ako ang mahal ni Zion. Pero nagulat ako kanina na pinuntahan pa ako ni tita sa bahay para papuntahin dito..dahil hinahanap daw ako ni Zion." aniya na parang binabalikan pa ang nangyari. "No'ng una nagtaka ako.. pero pagdating ko dito ay sobrang nagulat ako dahil bigla nalang akong hinalikan ni Zion at sinabing ' I'm sorry Eunice.. narealized ko na ikaw pala ang mahal ko..gusto kong ikaw lang ang nasa tabi ko.'" ginaya pa niya ang paraan ng pagsalita ni Zion.

May kung ano sakin ang hindi maniwala pero mas nilalamangan ng sakit ang nararamdaman ko. Hindi matanggap ng buong sistema ko ang mga pinagsasabi niya. Gusto kong sigawan siya na tama na pero hindi ko kayang ibuka ang bibig ko dahil alam kong hikbi ang unang lalabas.

"Kung ako sayo.. umalis ka na. 'Wag mo na kaming guluhin ni Zion. Infatuation lang 'yong sayo at kailangan mo ng tanggapin na ako parin ang mahal niya. Umalis ka na.. at mas mabuting 'wag ka ng magpapakita pa muli dito maski anino mo." yun lang at tinalikuran na niya ako. Naiwan akong umiiyak dito sa hallway.

Patakbo kong tinahak pababa ng hospital hanggang sa paglabas. Sobrang sakit, ang sakit-sakit! Parang tinusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko. Namamanhid na lahat ng parte katawan ko.

Agad akong pumasok sa kotse ni Rhanz. Doon ako humahagulhol at pinalabas ang mga sakit na nararamdaman.

'Zion..bakit mo ginawa sakin 'to? Huwag mo naman akong saktan ng ganito oh..'

Napunan na naman ng tanong ang isip ko. Mga tanong na hindi ko alam kung ano ang sagot at kailangan ko na talaga ng sagot.

Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa ring humpay ang pag-iyak ko. Nahihirapan na nga akong huminga. May kung ano sakin na umaasang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Eunice. Pero natatakot din ako na baka totoo nga iyon. At mas masakit kung kay Zion pa mismo magmula ang mga salitang iyon.

Dahil sa walang tigil kong pag-iyak at paghikbi ay hindi ko namalayan si Rhanz na bumalik na pala. Nagulat na lang ako nang binuksan niya ang pinto sa driver's seat. Nagtagpo ang mga paningin namin kaya kita ko ang pagtataka niya. Agad akong umiwas saka bahagyang yumuko.

"Bakit ka umiiyak?" nahihimigan ko ang  pag-aalala niya. Umiling lang ako saka tumingin sa bintana.

"Sasama ka parin ba sakin papunta sa kaibigan ng kuya mo o ihahatid na kita pauwi?" dagdag pang tanong niya.

Klinaro ko pa muna ang lalamunan ko. "Sasama ako." nahiya pa ako dahil bahagya pang pumiyok ang boses ko.

Narinig ko namang bumuntong-hininga siya saka ini-start ang engine ng kotse. Habang nasa byahe ay nanatiling tahimik kami. Walang na namang kumibo ni isa sa amin para basagin ang bumalot na katahimikan. Siguro ay naintindihan ako ni Rhanz kaya hindi nalang niya ako kinukulet.

Hinayaan ko ang isip ko na maglayag kung saan-saan. Pero napuyoko ako saka pinahiran ang namumuo na namang luha nang humantong ang isip ko kay Zion. Naalala ko kung paano niya sinabi sakin ang nararamdaman niya, kung paano niya pinaramdam sakin na mahal niya ako.

Kung sakaling galit man siya sakin sana hindi naman humantong na sabihin niya sakin na hindi niya ako minahal. Kasi hindi ko alam kung makaya ko ba ang sakit kung sakaling mangyari nga iyon.

I always found the word LOVE whenever I'm with him. I felt so precious, the time he said 'I love you' and gently kissed my forehead. When his arm wrapped around me, I felt safe. Pero paano nangyari lahat ng ito? Parang tutol ang tadhana para sa'min.

Hindi ko na namalayang huminto na pala kami. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Rhanz ang kaliwang kamay ko.

"Are you okay?" tanong niya na naman. Pero kagaya kanina ay iling lang ang naisagot ko. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. "Kung gusto mo..dito ka na lang maghintay. Ako nalang ang kakausap kay Seth."

Binalingan ko siya. "Hindi. Sasama ako." sabi ko. Tinanguan naman niya ako saka lumabas ng kotse at pinagbuksan din ako.

"Fix your self." aniya nang makalabas ako. Aligaga akong tumingin sa side mirror ng kotse niya at do'n ko napagtantong ang haggard ko. Pati buhok ko ay parang hinahabol na ng suklay.

Nahihiya ako kay Rhanz dahil sa itsura ko ngayon. Ang hirap 'pag may dinaramdam, halos hindi mo na maalagaan ang sarili mo.

Tumagilid ako saka kinuha ang panyo ko at ipinahid iyon sa aking mukha. Pero natigilan ako nang suklayin ni Rhanz ang buhok ko gamit lamang ng mga daliri niya saka iyon itinali. Hindi ko alam kung anong ginamit niya pangtali basta pagkatapos niya itong gawin ay iniharap niya ako saka kumuha ng sarili niyang panyo at marahang pinahiran ang ilang parte ng mukha ko.

Habang patuloy niya itong ginagawa ay napatitig ako sa mukha niya. Nakaramdam ako ng swerte dahil naging kaibigan ko siya. Sobrang maalaga niya. Ang swerte siguro ng babaeng mamahalin at magiging katuwang niya dahil sa tinataglay nitong ugali na minsan nalang itong makikita sa isang lalaki.

'Sana mahanap mo na ang babaeng mamahalin ka din katulad ng pagmamahal mo, Rhanz..' sa isip ko nalang iyon naisatinig.

"Okay na.." biglang sabi niya. Do'n lang ako nabalik sa reyalidad.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Salamat,"

Matunog siyang ngumiti saka iminuwestra ang daan. "Lets go?"

Tumango lang ako kaya agad naman siyang nagpaumunang maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa pintuan ng gate nila ni Seth.

Kilala ako ni Seth dahil minsan niya na sin akong nakita no'ng time na pumunta sila sa bahay namin. Pinakilala ako ni kuya sa kanya at sa iba pa niyang kaibigan.

Nakatatlong door bell pa kami bago pinagbuksan. Tumambad ang isang yaya nila. "Sino po sila?" tanong nito.

"Ah..ako po si Precious. Kapatid po ako ng kaibigan ni Seth." ako agad ang nagpakilala. "Andyan po ba si Seth?"

"Opo ma'am, nasa loob po."

"Pwede ba namin siyang makausap?" biglang singit ni Rhanz.

"Sandali lang po sir, ma'am. Tatawagin ko lang po siya." tango lang ang naisagot namin. Kaya agad naman siyang bumalik sa loob.

Dalawang minuto ang lumipas bago pa lumabas si Seth at hinarap kami.

"Oh, Precious? Anong ginagawa mo dito?" galak na sabi ni Seth. "Hali kayo, pasok."

Sumunod kami at pumasok. Pinaupo niya kami saka pa lang inutosan ang isa pa nilang katulong na dalhan kami ng juice.

"Siya na ba ang boyfriend mo Precious?" agad na tanong niya. Agad naman akong umiling bilang pagtanggi.

"Hindi. Kaibigan ko siya." sabi ko saka binalingan si Rhanz. "Rhanz siya si Seth. " saka naman ulit ako bumaling kay Seth. "Seth siya si Rhanz."

Matapos kong ipakilala sila ay saka pa lang sila nagkamayan. "Nice meeting you, Seth." pormal na sabi ni Rhanz.

"Ang pormal mo naman masyado, dre!" pabirong asik ni Seth. "Anyway, ano nga bang isinadya niyo dito? Nakakapagtaka lang kasi."

Sasagot na sana ako ngunit inunahan na ako ni Rhanz. "We're here to ask you about your friend Clark." pagdidiretso ni Rhanz kaya gano'n nalang ang pagkakunot ng noo ni Seth.

"Bakit? Anong gusto niyong malaman tungkol sa kanya?" tanong ni Seth na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa'ming dalawa ni Rhanz.

"Please, let me ask you a favor. Just answer my questions and please tell us the truth." seryoso na talaga si Rhanz.

"Okay," kibit-balikat na ani Seth saka sumandal sa sandalan ng couch.

"Alam mo ba na nakabangga siya?"

Nakita namin ang pagkagitla niya. Tumikhim pa muna siya saka sinalubong ang tingin namin. "H-Hindi ko alam kung..tama bang sagotin 'yang tanong niyo."

"Just answer me, yes or no. Gano'n lang ka simple."

"Hindi ko alam." sabay iwas niya ng tingin.

"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong na naman ni Rhanz.

"I don't know.." umiiling pa siya pero nasa gilid na ang paningin niya.

"Kilala mo ba si Percei?" pangatlong tanong ni Rhanz. Saka palang nag-angat ng tingin samin si Seth.

"Syempre kilalang-kilala ko. Tropa ko 'yon." asik ni Seth.

Suminghal naman si Rhanz. Pero hindi 'yong tipong nanginginsulto. "Alam mo ba kung anong nangyari sa kanya ngayon?" pang-apat na tanong ni Rhanz.

"H-Hindi.. Pero ang alam ko, nagbabakasyon sila ngayon dito sa Tagaytay." inosenteng sagot niya saka binalingan ako. "T-Tama naman ako, diba Precious?" baling na tanong niya sakin at tango lang ang naisagot ko.

Hinayaan ko nalang kasing si Rhanz nalang ang magtanong at makikinig nalang ako sa mga sagot ni Seth.

"Nagbabakasyon nga silang magpamilya dito. Pero alam mo ba kung naging masaya ang pagbabakasyon nila?"

"Teka nga! Rhanz, Precious diretsohin niyo nga ako? Sabihin niyo sakin kung anong nangyayari kay Percie?" nagpalipat-lipat siya ng tingin sa'min at nangagapa sa aming sagot.

"Nasa presinto na siya. Alam mo kung bakit? Dahil siya lang naman ang pinaghinalaan na bumangga sa pinsan ko."

Hindi agad nakasagot si Seth. Nakatulala siyang nakatingin kay Rhanz na animo'y hindi maitanggap ng kanyang sistema ang mga nalalaman.

"Kung totoong kaibigan ka ni Percei. Tutulongan mo siyang linisin ang pangalan niya."

"Gustohin ko mang tulongan si Percei pero.. ayoko ring ilaglag si Clark dahil naging mabuti rin siyang kaibigan sakin." aligagang sagot ni Seth.

"Hahayaan mo lang ba na si Percei ang magbabayad at magdurusa sa mga kasalanang hindi naman niya ginawa?"

Kita namin ang pagkatuliro ni Seth. Tila ba'y naiipit din siya sa sitwasyon ng dalawang kaibigan niya.

"Kilala ko si Clark," maya mayang sabi niya. "kapag may nanglaglag sa kanya ay siguradong hindi niya bubuhayin. Kahit pa kadugo o kaibigan niya."

Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya tungkol sa kaibingan niyang si Clark. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ka demonyo ang kaibigan niya.

"At nasisiguro kong pinagbabantaan niya ang kuya mo Precious, dahil kung hindi ay noon palang isinumbong na siya nito." dagdag pa niya.

Napatingin ako kay Rhanz na ngayon ay napatitig kay Seth na animo'y hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito.

"S-Sinabi sakin ni kuya na kapag magsusumbong daw sila ay sisiguraduhin ni Clark na bumagsak ang kompanya ni daddy." nag-aalalang sabi ko. Napatingin naman sakin si Rhanz.

"Sigurado akong hindi lang iyan ang binanta ni Clark sa kanila. Dahil minsan na ring binahagi sakin ni Percei no'ng oras na nagkausap sila ni Clark sa telepono na bukod sa pagbabanta niya sa kompanya ng daddy mo, ay pati buhay niyo ay binantaan niya."

Hindi na talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Seth. Parang nakaramdam na ako ng takot, hindi lang para sakin kundi sa pamilya ko. Kaya pala pinili nila ni daddy na itago lahat ng ito. Inakala ko pa na tanging kompanya lang ang inaalala ni daddy pero pati pala buhay namin.

Pero bakit gustong-gusto ni kuya na sabihin ang totoo nang sa gano'n ay pinagbantaan naman pala ang buhay namin?

Nalilito na talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ko na tuloy alam kung isusumbong nga ba namin si Clark at linisin ang pangalan ni kuya? O hahayaan nalang na makulong si kuya alang-alang sa buhay namin? Pero ayoko ring makulong si kuya dahil alam kong magdudusa siya sa loob ng seldang iyon ng ilang taon!

To be continued.........

Continue Reading

You'll Also Like

32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
23.4K 110 49
Ito po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad...
374K 19.6K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.