The Lust Suffer

By Stoutheart

5.8M 59.1K 4.4K

This is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malama... More

The Lust Suffer
Authors Note
PROLOGO:
UNANG KABANATA
IKALAWANG KABANATA:
IKATLONG KABANATA
IKA-LIMANG KABANATA:
IKA-ANIM NA KABANATA
IKA-PITONG KABANATA
IKA-WALONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKA-LABING DALAWANG KABANATA
IKA-LABINTATLONG KABANATA
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-LABINLIMANG KABANATA:
Note :
IKA-LABINGANIM NA KABANATA:
IKA-LABINPITONG KABANATA:
IKA-LABING WALONG KABANATA:
IKA-LABING SYAM NA KABANATA:
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:
IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT DALAWANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT TATLONG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA:

IKA-APAT NA KABANATA

121K 2.5K 284
By Stoutheart

"Johanna!" Nagulat pa ako nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa'kin ni Grace na ngayon ay nasa tapat pinto ng classroom ko at hinihingal na galing yata sa pagtakbo.

"Tara kumaen!" aya ko naman dito na may kasamang senyas nang kamay. Nang buksan ko kasi ang dala ni Thorin ay pagkain ang laman n'on. Mabilis itong lumapit sakin sabay hatak ng bangko.

"Ang layo ng building n'yo grabe!" Reklamo nito sabay kuha sa plastic at s'ya na mismo ang naglabas ng mga pagkaen mula d'on.

"Hindi ka naman n'yan gutom ano?" nakangiti kong sabi sa kanya sabay kuha ng isang styro at kuha ng fries. Mabuti nalang at dalawa ang binili ni Thorin. Tumango-tango lang ito habang nilalantakan ang pagkain."Bigla kang napasugod dito?" tanong ko naman at nagsimulang kumain.

"Wala, kakamustahin ko lang kung virgin kapa! Virgin kapa ba?" diretso nitong sagot kaya bigla kong naibuga sa harap nya ang kanin na subo ko.

"Ahhhh! Dugyot!" sigaw nito sabay punas ng mukha. Habang ako naman ay nagmistulang kamatis sa pagkapula.

"Ano bang klaseng tanong' yan Grace! " naghuhumindik kong tanong.

"Aba! Joan, kilala yang Dela fuente na 'yan sa pagiging machicks at mabilis sa babae! Sa Department namin kilalang kilala 'yan! Pinapaalalahanan lang kita, at kung mahila hila ka n'on sa condo nya wagas!" sermon nito at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ano kaba naman Grace! Ang grabe mo naman mag isip!" Mabilis kong sagot dito.

"Do you like him? " Diretso nitong tanong. Diretso rin s'yang nakatingin sa'kin na may nakapaskil na ngiti sa labi. Napahinto naman ako sa pagsubo ng pagkain at tumingin lang sa kanya na nanlalaki ang mata.

"Grace!" sigaw ko.

"Im asking you Johanna, do you like him?" ulit nitong tanong.

"O--Of course n-not." shems! Bakit ba nauutal ako.

Ngumiti naman s'ya ng nakakaloko.

"You're not a good liar Joan!" iiling-iling pa ito at umayos ng upo."Aminin natin, oo super gwapo n'ya, at kahit naman sino mahuhulog sa kolokoy na 'yon, even me. And I admit, I "had" a crush on him, pero dahil g'wapo lang s'ya. But you? Kitang-kita ko sa malaki mong mata na meron ee." diretso n'yang sabi at humalukipkip pa.

"Natural na magkagusto ka doon noh. Babae tayo at basic needs natin magka crush para may inspirasyon!" natatawa naman ito at ipinagpatuloy ang panenermon."Malay mo, ikaw ang maging dahilan para magbago ang kolokoy na 'yon! nakakasawa na kasing lahat ng babae sa department ko ee napasok n'ya na, para na s'yang walking virus pag nagkataon. Kaya ikaw aminin mo na sakin kung may gusto ka doonn hindi kita huhusgahan, tutulungan pa kita." Kinindatan pa ako ng bruhang to.

Tiningnan ko naman sya at huminga nang malalim bago sumagot.

"Yung totoo, hindi ko din alam kung may gusto nga ba ako sa kanya, ang nararamdaman ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko kapag magkasama kami." bigla naman itong tumili ng malakas.

"Confirmed!" sigaw nito at napahawak sa balikat ko."Dalaga kana nga eshfriend! I'm so proud of you." kunwari pa itong nagpupunas ng invisible tears.

"Uhm .akala ko ba ayaw mo kay Thorin dahil babaero s'ya?" taas kong kilay na tanung.

"Yeah, I don't like him, but... I like him for you. Baka ikaw na ang babaeng makapagpabago sa walang hulog n'ong utak." Ngingiti-ngiti nitong sambit.

___

"May problema ba Joan? " nag- aalalang tanong sakin ni Anding. Nakita siguro nito ang takot kong ekspresyon pagkabanggit ng apelyidong iyon. Umiling ako at yumuko para abutin ang kutsarang nahulog. Nang makuha ko na ang kutsara ay umayos ako nang upo at ipinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari kahit pa nga sobrang kumakabog ang dibdib ko ng marinig kong muli ang apelyidong iyon.

Kinakabahan at natatakot ako sa kung anong p'wedeng mangyari kung si Thorin nga ang sinasabi nilang bagong may ari ng Hacienda. Kapag nagkataon, siguradong magugulo na naman ang buhay ko, pati ng anak ko.

Hindi pa ako handa na magkita kaming muli, wala pa akong lakas ng loob na humingi ng tawad. Natatakot pa rin ako.

Kilala ko si Thorin, hindi 'yon basta-basta nakakalimot, hindi 'yon titigil hangga't hindi nakakaganti.

Nanginginig akong tumayo at nagpaalam na susunduin na si Taurein. Lutang akong lumabas ng mansyon at tumungo sa palayan kung saan nandoon sina tatay Arsenio.

Habang naglalakad ako'y napaisip akong umalis nalang kami ng aking anak at muling lumayo. Pero, kung gagawin ko 'yon ay naawa naman ako sa anak ko, dito n'ya na nagisnan ang isang pamilya at ayoko ng muling ipagkait iyon sa kanya.

Napapikit ako ng mariin. Ilalayo ko nalang si Taurein. Haharapin ko nalang ang galit ni Thorin. Doon na rin kami pupunta kung sakali, kahit kailan ay hindi ako p'wedeng magtago sa kanya.

Nakarating ako sa bahay namin ng hindi ko namamalayan. Sa maliit naming terasa na gawa sa kugon at sawali ay natanaw ko sina nanay Amelia at tatay Arsenio na masayang nilalaro ang aking anak na panay ang tawa.

Sa t'wing pinagmamasdan ko ang nakangiting mukha ng anak ko ay sapat na para labanan lahat ng takot na gawa ng nakaraan. Ang ngiti at yakap ng aking anak ang nagpapahilom sa mga pisikal na sugat na gawa ng taong iyon. Ang anak ko na nagbigay buhay sa'kin. Ayoko nang maulit muli na sa mismong harapan ko kinuha ang buhay ng aking anak.

Nang makita ako ni Taurein ay agad itong sumigaw at tumakbo palapit sa'kin.

"Nay! Bakit po ang tagal n'yo?" nakanguso nitong tanong na kaagad yumakap sa leeg ko at nakipagtitigan sa'kin.

"Sorry boss! Madami pong ginawa sa mansyon." pinisil ko pa ang ilong nito bago kami pumasok sa loob ng bahay.

Nagmano ako kila tatay at nanay nang makapasok kami."Kumain na po ba kayo 'Tay? 'Nay? " tanong ko sa kanila.

"Tapos na anak. Pati si Taurein ay pinakain na ng tatay mo." Sagot naman ni nanay. Kasalukuyan silang namamahinga sa terasa namin. Nakapangbukid pa sila.

Napansin ko ang pamumutla ni tatay Arsenio kaya't lumapit ako dito at sinalat ang noo.

" 'Tay, may sinat ka aa," nag-aalala kong sambit sa kanya.

"Wala ito anak. Dala marahil ng init kaya mainit din ang katawan ko." natatawa nitong sagot.

"Nako Joan! Kilala mo naman ang tatay mo, ang maipilit! Sinabi ko na ngang 'wag nang pumunta sa bukid ayan namilit pa. Kagabi pa yan may sinat!" lint'ya naman ni nanay Amelia.

"Abay naman. Wala lang 'to!" Sagot naman ni tatay" Ohh diba Joan may pupuntahan pa kayo ng apo ko? Gumayak na kayo't dito na muna kami ng nanay n'yo." sabi pa nito.

"Sigurado ba kayo 'tay na okey lang ang pakiramdam n'yo? Gusto n'yo po bang ipatingin ko na kayo sa Doctor?" nag-aalala talaga ako kay tatay. Ewan ko, ayoko ko kasing nahihirapan sila. Sila nalang ang pamilya namin ng anak ko.

"Kuh! Ikaw talagang bata ka, ayos lang ako. O s'ya gumayak na kayo at baka mainip ang bulinggit na hawak mo." natatawa pa nitong ginulo ang buhok ni Taurein bago ito nahiga sa papag katabi ni nanay.

Napabuntong hininga nalang ako nang pumasok kami ni Taurein sa loob ng silid namin. Kumuha lang ako ng t'walya at sabon at nagpalit ng panligong damit at dumiretso sa poso sa likod bahay namin.

Ang bahaging iyon ang itinuturing naming banyo, natatakpan iyon ng sako at bubong na kugon. Isinabay ko na sa pagligo si Taurein.

Nang makatapos kaming maligo ay isinuot ko sa kanya ang t-shirt na magkapares kaming dalawa, kulay puti iyon na ang tatak ay "MY LITTLE BOSS" ang sa akin naman ay "MY BIG BOSS". Nagsuot nalang din ako ng kupas na pantalon at tsinelas. Si Taurein naman ay maong na short at rubber shoes na kulay itim. Ang medyo kulot nitong buhok ay hinayaan ko nalang nakalugay. Nilagyan ko rin s'ya ng polbo at winisikan ng pambatang pabango. Ganoon rin ang ginawa ko. Nilagyan ko rin ng manipis na lipstick ang labi ko.

Nang tingnan ko ang aking repleksyon sa salamin ay bahagya akong napangiti, napakalaki na ng ipinagbago ko simula nang maipanganak ko si Taurein, at isang biyaya 'yon para sa akin.

Tiningnan ko ang aking anak na ngayon ay nakatayo na sa pinto. Sinong mag aakala na magluluwal ako ng isang napakagwapong bata. Kamukhang-kamukha s'ya ng kanyang ama, lalo ni Taureil ang anak kong babae, parehas nilang nakuha ang mata ng kanilang ama na kulay asul na hinaluan ng kulay abo isama na rin ang matangos nitong ilong at kulot na buhok.

"Tara na po 'nay! Baka naiinip na si ambal d'on at kulitin n'ya si tito Ed"

nakakunot nitong sabi. Tss. Pati ang pagkunot ng noo nito ay nakuha rin sa ama.

"Oo na boss! Ohh s'ya sige, mauna kana pong lumabas at magpaalam kila lolo dali! " nangingiti kong saad dito na agad namang tumalima. Natatawa itong tumakbo habang isinisigaw ang pangalan ng lolo at lola n'ya.

Isang ngiti pa ang pinakawalan ko sa repleksyong kaharap ko bago tumalikod at lumabas ng silid.

Inabutan kong nakikipagkulitan si Taurein kila tatay.

" 'Tay, 'Nay, Pupunta na po kami." Paalam ko sa kanila pagkatapos kong magmano at humalik, gan'on din ang ginawa ng anak ko.

"La,Lolo! Aalis na po kami, baka mainip si ambal don." natatawa nitong paalam.

"Ohh s'ya sige! Mag-ingat kayong dalawa. Magpahatid na kayo sa bayan kay pareng Ricky, nand'yan naman iyon. " saad ni tatay Arsenio.

Tumango na lamang ako at lumabas na balkonahe. Natanaw ko naman si manong Ricky na tila inaabangan kami.

"Lolo Ricky! Sasakay po kami ni nanay! " Hiyaw ni Taurein at hinatak na ako patungong Tricycle.

Nang makarating kami sa bayan ay nagsimba muna kaming dalawa. Matapos iyon ay bumili kami ng dalawang pumpon ng puting rosas at nagtungo na sa Angel Sanctuary.

Pagyapak palang ng paa ko sa tapat ng gate ng naturang lugar na iyon ay namuo kaagad ang luha ko. Dalawang taon na ang lumipas ngunit, hindi ko pa rin matanggap na nawalan ako ng anak. Nawalan ako ng isang kaibigan.

Nawalan ako nang minamahal.

Nawalan ako ng pamilya

Nawalan ako ng isang kapatid.

Ang paghawak sa kamay ko ng aking anak ang nagpanumbalik sakin sa realidad. Inakay n'ya ako hanggang marating namin ang dalawang puntod na iyon.

In memory of loving brother

Eduardo Almario Samonte

Born: Oct.10 1985

Died: Dec. 12, 2011

In loving memory of an angel

Taureil Alessandra Dela Fuente

Born: Sept.17 2010

Died: Dec. 12 2011

_

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 43.6K 59
Honestly, at first I didn't know though it was an accidental encounter till now I've learned more about sorrow than happiness maybe that's the purpos...
1.6M 32.6K 56
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
29.6K 1.1K 50
Sa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagka...