Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 27

40 3 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

PAULIT-ULIT na parang sirang plaka sa pandinig ko ang huling sinabi ni Zion. I don't really want to compare the feelings no'ng si Rhanz ang nagtapat sakin at ngayon naman ay si Zion. Pero hindi ko maiwasang maisip na iba-iba ang naging epekto nila sakin. Noong gabing nagtapat si Rhanz ay puro lungkot ang nasa loob ko dahil alam kong hindi ko iyon matatapatan pero masasabi kong kabaliktaran ngayon ang nararamdaman ko. Kilig at saya ang naidulot sakin ni Zion ngayon.

Wala sa sarili akong napayakap kay Zion. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kay Zion ko lang ito nararamdaman. Iyong tipong siya ang dahilan kung bakit parang magwawala ang buong sistema ko pero siya lang din ang makagawang magpapakalma nito.

Naramdaman kong umakap din siya sakin pabalik at hinagkan ang buhok. Hindi ko masasabing ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko dahil alam kong may mas isasaya pa ito kasama siya.

"I love you, Precious.." bulong ni Zion sa mismong tenga ko. Parang nagtaasan lahat ng balahibo ko dahil sa malambing at malamig niyang boses na parang nanunuot sa kalamnan ko.

"I love you too, Zion.." madamdamin pero nakangiting sabi ko. Saka palang ako kumalas sa yakap namin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka pinagdikit ang mga noon namin. Sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isat-isa. 'Yung tipong isang daliri nalang ang namamagitan sa mga labi namin at tila nararamdaman ko na ang hininga niya. Parang maduduling ka na nga sa sobrang lapit kaya napapikit nalang ako.

"Sobrang saya ko ngayon..dahil hindi ko inakalang mahal din pala ako ng taong mahal ko. Alam mo Precious, no'ng una nagdadalawang isip akong sabihin ito sayo pero.. naisip kong baka pagsisihan ko sa huli kapag hindi ko sinabi sayo." hindi na ata mawala ang malambing niyang tinig. "Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako bumalik.." pagkatapos niyang sabihin iyon ay do'n lang ako nagmulat at diretsong tumingin sa maganda niyang mga mata.

"I love you.." parang wala na akong ibang natutunang salita maliban do'n. Pinuno ng halo-halong emosyon ang buong sistema ko kaya hindi ako makapag-isip ng ibang sasabihin bukod don.

Wala na akong ibang iniisip ngayon bukod sa mahal ko siya at mahal din niya ako. Parang kailan lang na palaging ginugulo ng nararamdaman ko ang isip ko na baka ako lang ang may ganitong nararamdaman sa'ming dalawa. Na baka hanggang kaibigan lang ang turing niya sakin pero heto ngayon at sinabi niyang mahal niya rin ako. Kung panaginip lang ito ay parang ayoko ko ng magising pa.

"Ang swerte ko..dahil ang dating bestfriend ko ay naging girlfriend ko na ngayon." sabi niya na may sumilay na matamis na ngiti sa kanyang labi.

Mas naging doble ang bilis ng tibok ng puso ko nang bumaba ang paningin niya sa labi ko. Matagal niya itong tinitigan saka palang nag-angat muli sa mga mata ko. Marahan akong napapikit nang halikan niya ang tuktok ng ilong ko at wala pa mang limang segundo ay nararamdaman ko na ang init at lambot ng labi niya na dumapo sa sarili kong labi.

'I stiffened when a soft lips crushed against mine. My knees trembling, I feel dizzy and my heart beats so fast like crazy.'

Isang makabagbag-puso ang paraan niya sa pagsiil ng ibabaw'ng labi ko. Sa abot ng makakaya ko ay ginantihan ko din siya ng marahan ngunit buong pusong halik. Hindi ko alam kung gaano katagal ang matamis na sandaling iyon. Siya na rin ang unang humiwalay sa mga labi namin. Nakapikit parin ako nang marahan niya itong bitawan. Nang magmulat ako bumungad kaagad ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Zion.

"I love you liit.." nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya iyon.

Agad akong umayos ng upo saka pasinghal na tumawa. "Liit?" di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah? Liit, eh 'yon naman ang tawagan natin dati diba?"

"Maliit pa din ba ako sa paningin mo?" pataray na sabi ko dahilan para matawa siya.

Inabot naman niya ako saka pinahiga sa dibdib niya. "Ano bang gusto mong itawag ko sayo?"

"Kailangan pa 'yon?"

"Para kasi sakin.. 'yong endearments ay nakapagpadagdag ng sweets sa isang relasyon.."

Agad naman akong umalis at bumangon saka nakangiwing tumingin sa kanya.

"Ang corny mo ah! Gusto mo pala ng sweet e..bakit liit tinawag mo sakin?" nakangusong angil ko.

Tumawa naman siya saka binigyan niya ako ng nanunuksong tingin. "Baby ba gusto mo?" nakangising aniya. Mahina ko namang hinampas ang balikat niya.

"Ang pervert mo ah?!" sigaw na asik ko.

Nagulat siya pero agad din siyang nakarecover. Pasinghal siyang natawa saka umiwas saglit ng tingin.

"Anong ginawa ko sayo para naging pervert na ako para sayo?" natatawa paring aniya.

"Eh..t-tinanong mo 'ko na g-gusto ko ba ng baby e.." nakangusong sabi ko.

"Hahaha.. Ibig kong sabihin..baby ba ang gusto mong itawag ko sayo? Gano'n 'yon.. Pero kung gusto mo 'yong ano.. okay din naman sakin." sabi niya habang nakangising nakakaloko.

Hinampas ko na naman siya. "Pervert ka! Ayoko na," sabay kunwaring aalis pero hinawakan niya agad ang kamay ko para pigilan.

"Baby naman e.. nagbibiro lang naman ako." nakangusong sabi niya.

"Ewan ko sayo.."

"Hehe.. I love you baby.." malambing na sambit niya.

"I love you too.." binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti.

"Sa'n 'yong baby?"

"Huh?" kunwaring di ko gets.

"Tawagin mo rin akong baby.."

"Tss..ngayon ko lang nalaman na may pagka-corny ka pala 'baby'.." pinagdiinan ko pa ang salitang 'baby'.

"Ay..feeling ko napipilitan ka lang e."

"Hindi naman, baby sushei.." sabay ngiting sabi ko.

"Okay na sana e..dinugtungan mo pa ng sushei."

Natawa ako. "Ang cute kaya,"

Puro lang kami asaran at kulitan ni Zion. Hanggang sa pumasok na sina tito at tita pati si mommy. Pero nagtataka ako kung bakit wala si Rhanz. Sinilip ko pa ang labas baka nahuli lang siya pero ilang oras na't wala pa rin siya. Hindi na rin ako nag-abala pang magtanong sa kanila. Dahil nagkakasiyahan na kasi sila.

Masya din sila para sa'min ni Zion. Iyan tuloy panay kwento si mommy tungkol sa amin ni Zion no'ng bata. Binabalikan nila kung paano kami ka kulit noon, kung gaano katigas ang mga ulo namin.

Hanggang sa matapos ang araw ay panay kwentuhan lang ang nagawa. Kahit sa tuwing kakain ay nagkukwento parin at tawanan. Binuo ang buong araw ng masaya at parang walang mga problema.

"Paano ba 'yan.. aalis na ako. Gusto ko pa sanang tagalan ang pagkukwentuhan natin pero kailangan ko na talagang umuwi. Baka kasi hinahanap na nila ako.." paalam sa'min ni mommy. "Pwede naman akong bumalik dito diba?"

"Oo naman Stella.. Mas mabuti nga't andito ka para may kasama kaming kakwentuhan." masayang sabi ni tita.

"Sige..babalik ako bukas." nakangiting ani ni mommy saka ito bumaling sakin. "Anak, dito ka lang ba o sasama ka sakin?"

"Mommy..baka po--"

"Alright anak, I understand. Basta 'wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Ako ng bahala sa daddy mo."

"Thank you mommy." sabay yakap na sabi ko.

Pagkatapos ay bumaling naman siya kay Zion. "Zion..magpagaling ka."

"Opo tita, salamat.."

"Precious alagaan mo si Zion ah?" may halong panunukso ang pagkasabi ni mommy.

"Yes mommy.." mahinang sagot ko.

"Oh sige na..I have to go. I'll be back tomorrow okay?" ani mommy.

Pagkatapos niyang magpaalam sa'ming lahat ay umalis na siya kaya kami nalang apat ang andito sa loob. Gabi na rin at nakapagtataka na hanggang ngayon ay wala pa rin si Rhanz.

'Ano kayang nangyari sa lalaking 'yon?'

Simula kanina ay hindi na siya nagpakita pa muli dito. Wala naman siyang sinabi na may gagawin siya dahilan para hindi siya makakapunta dito ngayon.

Lumabas sila tito at tita para bumili ng panghapunan namin. Mag-aalas syete na kasi ng gabi at hindi pa kami nag didinner.

"Gutom ka na?" baling ko kay Zion.

"Oo..gutom na gutom na 'ko.." sabay himas pa sa tiyan niya.

Tumayo ako saka lumapit do'n sa side table niya at pumili ng prutas para sa kanya.

"Itong prutas nalang muna ang kainin mo para malagyan naman 'yang tiyan mo.." sabi ko habang kinuha ang apple at saka hinugasan.

"Ayoko niyan.." sabay ngiwing sabi niya.

"Eh anong gusto mo?"

"Ayoko ng prutas.." tinapunan pa niya ng tingin ang mga prutas saka nakangusong tumingin sakin.

"Baby, medyo matatagalan sila tita e. Kakain pa muna sila do'n bago sila babalik dito.. Eh wala namang ibang pagkain dito e bukod sa mga prutas.."

"Baby, ayoko nga niyan.. iba gusto ko e."

Parang hindi ko na alam ang gagawin ko. Gutom na gutom na siya pero ayaw naman niya ng prutas. Alam ko din na medyo matatagalan pa sila tita do'n.

"Ahm.. okay lang bang iwan kita dito? Bababa lang ako do'n sa canteen para kumuha ng makakain mo.."

Umiling naman siya saka kinuha ang kamay ko. "Ayoko rin kumain ng mga hospital foods."

Napabuntong-hininga nalang ako sa kawalan ng ideya kung ano pang dapat gawin. "Eh anong gusto mo?" puno ng pagpapasensya ang boses ko.

Bigla niya akong hinila dahilan para mapaglapit ang mga mukha namin. Nasa dalawang daliri nalang ang namamagitan sa mga labi namin. Kitang-kita ko pa ang pagtitig niya rito saka palang nag-angat ng tingin sa mga mata ko.

"Ito ang gusto kong kainin.." sinabi niya iyon nang mapungay ang mga mata saka muling tumingin sa aking mga labi.

Hindi pa man ako nakapagsalita ay sinakop na niya ang labi ko. Gusto kong kuwestiyonin ang pagngisi niya habang siniil ng halik ang aking labi. Sinabayan ko nalang ang nakakabaliw ng galaw at sa abot ng makakaya ko ay tinugunan ko talaga iyon.

Nakapikit pa ako nang marahan niyang inihiwalay ang mga labi namin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko naman kaagad ang ngisi ng isang loko.

"Nakakabusog," sabi niya na bahagya pang kinagat ang pang-ibabang labi niya at muling tumingin sa labi ko.

"Talaga? Busog ka na?" kunwaring inosenteng tanong ko.

Tumango-tango siya na hindi man lang inalis ang mga tingin sa labi ko. "Busog na 'ko pero gusto ko pa.."

Ngumisi ako saka unti-unting inilapit ang mukha ko. Pero nang akma na naman niyang sunggaban ang labi ko ay umiwas ako saka tumayo. Diretso akong tumalikod sa kanya saka lumapit doon sa table at hiniwa ang mansanas.

Nang matapos na ako sa paghihiwa ay inilagay ko ito sa plato saka lumapit sa kanya. Natawa pa ako sa itsura niya dahil para siyang bata na nakanguso.

"Bakit ganyan itsura mo?" kunwaring hindi ko alam ang dahilan. Feeling inosente kuno. Hahahaha..

Hindi siya sumagot at patuloy niya lang akong tinititigan habang nakanguso. Pero hindi ako nagpaapekto. Umasta ako na parang wala akong ginawa na ikagaganyan niya.

"Gusto mo?" alok ko sa kanya.

Umupo ako sa gilid niya saka do'n kumain ng ini-sliced kong apple. Ngumunguya akong nakatingin sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya kaya pinipigilan ko nalang na matawa.

"Nakuha mo pang kumain sa harap ko nang hindi mo man lang ako binigyan.." kunwari pa siyang nagtatampo.

"Eh diba busog ka na? So..akin nalang 'to, gutom ako e." sabi ko habang patuloy na kumakain.

Hanggang isa nalang ang natirang sliced sa pinggan. Agad ko itong kinuha at akmang isubo na nang hawakan niya ang batok ko at hinila palapit sa kanya. Magkalapit na naman ang mukha namin pero ang mas worst pa do'n ay naiwan ang isang sliced sa bibig ko at kalahati lang ang nakain ko.

Ngumisi siya ng nakakaloko kaya matunog akong napalunok. Hindi ko inaasahan na sunggaban niya ang kalahati ng sliced apple sa bibig ko saka kinain iyon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat habang siya ay ngisi-ngisi lang.

"Masarap ah!" sabi pa niya nang ibinalik niya sa higa ang ulo niya.

Siniringan ko lang siya saka padabog na tumayo para ibalik ang pinggan sa mesa.

"Ulitin nga natin 'yon?" sabi pa niya pero this time hindi na ako umupo sa gilid niya. Sa single sofa na ako umupo pero sa gilid lang niya.

"Pwede naman.. pero may dalang kotselyo na 'yong apple na isusubo ko sayo." sarkastikong sabi ko.

"Woyy! Sa'n mo natutunan 'yan, baby? Bad 'yan ah!" asik niya kaya natawa ako.

"Hindi naman 'yon bad 'pag sayo ko gagawin.." nakanging sabi ko.

"Ang sadista mo," bulong niya pero rinig ko parin.

"Hindi ah!" angal ko.

"Hindi daw.."

Nahinto lang ang pag-aasaran namin nang magbukas ang pinto at iniluwa doon si tita at tito. Agad naman akong tumayo saka tinulungan silang ilapag sa mesa ang mga dala nilang pagkain.

"Wow! Ang bango! Sigurado akong masarap 'yan!" tinaasan ko naman ng kilay si Zion pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Ahh..tita akin lang 'to lahat ah? Busog na po kasi 'yan si Zion." baling ko kay tita at nakita ko naman ang pagtataka niya. "Eh diba po tita, bawal po ang masobrahan ng busog? Kaya akin nalang po 'to lahat.." nakangisi akong sumulyap kay Zion.

"Gutom--" akmang mangsasalita na sana si Zion pero pinutol ko.

"Baby..diba sabi mo kanina na busog ka na? Bilhan nalang kita bukas ng ganito okay?" sinadya kong sabihin iyon ng malumanay para mas convincing kina tita ang lahat. Nakaawang naman ang bibig niya habang nakatingin sakin na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Baby..gutom ako.." pinigilan kong matawa sa itsura niya.

"Ang bilis mo namang magutom baby? Wala pa namang isang oras pagkatapos mong sabihin sakin na busog ka. Grabe naman 'yang tiyan mo!" pang-aasar ko saka palihim ko siyang nginisihan.

"Zion anak..makakasama ang masobrahan ng busog." singit ni tito.

"Daddy, gutom po ako." para na siyang batang nagsusumbong. Pinigilan ko na talagang matawa. "Nagbibiro lang naman ako kanina e.. Totoo po talagang gutom na ako.."

"Talaga?" singit ko habang inisa-isang inilabas ang mga pagkain sa paperbag. "Hmm..ang bango!" nakapikit 'kong inamoy ang adobong manok saka bahagyang humarap sa kanya at ngumisi.

"Baby.." nakangusong tawag niya sakin.

"Sige na nga..nakakaawa ka na e." sabi ko sabay kuha ng plato at nilagyan iyon ng mga pagkain. Narinig ko naman ang matunog na pagngisi ni tita at tito.

Kumakain kami habang nagkipagkwentuhan kina tito at tita. Minsan pa kaming tumawa dahil sa mga corny'ng jokes ni Zion. Hanggang sa lumalim na ang gabi at napagpasyahan na naming matulog.

Umuwi naman sina tita dahil nakikiusap si Zion na ako nalang ang maiwan dito. Babalik nalang daw sila bukas ng umaga.

"Matulog ka na.." sabi ko kay Zion.

"Dito ka nalang kasi sa tabi ko.."

"Huwag ka na lang kasing makulit.. Nasa hospital tayo, wala tayo sa bahay kaya 'wag kang mag-inarte ng ganyan.."

"Wow ha? Pag-iinarte na ba 'yang ganyan?"

"Oo, kaya matulog ka na.." sabi ko sabay tayo at inayos ang kumot niya. Lumapit naman ako sa kanya saka ginawaran ng halik sa labi. "Good night, baby.." matamis na ngiting sabi ko.

Ngumiti rin siya saka bahagyang bangon at ginawaran din ako ng halik. "Good night, baby.. I love you.."

"I love you too.."

Masarap pala 'pag may minamahal. Hindi ko rin inakalang si Zion pala ang kauna-unahang lalaking magpapatibok nitong puso ko. Gusto ko siya ang una at panghuli kong mamahalin. Gusto kong siya ang makasama ko habambuhay.

To be continued........

Continue Reading

You'll Also Like

20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
102K 1.6K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
32.8K 1.2K 36
[Published] "Love is a choice." TN: Not edited. © 2017 CrystalineG