Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 17

40 5 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

Malayo na ang narating ng pag-uusap namin ni tita. Ikinwento niya sakin kung paano nagsusumikap si Zion sa pag-aaral niya. Kung paano ito lumaki na tama. Ibinahagi niya rin sakin ang mga napagtagumpayan na mga contest ni Zion sa school nila. Maging sa academic at sport na basketball ay magaling. Yung picture na nakita namin ni Cali o ni Zion sa internet kasama ang pamilya niya ay iyon pala ang acquaintance party nila at siya ang nanalong face of the night.

Habang nagkukwento si tita ay panay ang sulyap ko kay Zion. Kung gising lang siya at nakikinig samin ay matagal ko na siyang inasar. Ngunit kahit anong sigla at saya ng mga kinwento ni tita tungkol sa kanya ay kabaliktaran iyon sa nararamdaman ko ngayon. Mas naging malungkot ako dahil kung iisipin ko ay masaya pala talaga siya noon pero kung titingnan ngayon ay ganyan na siya. Nakaratay na parang lantang gulay na kahit sigawan mo pa, buhosan ng malamig na tubig ay wala kang matatanggap na reactiom mula sa kanya.

Ngiti at buntong-hininga lang ang iginanti ko kay tita. Hinayaan ko lang siyang magkwento at hindi nalang ako nagsalita pa. Dahil sa oras na bubuka ang bibig ko ay alam ko rin na sasabay doon ang bugso ng luha ko.

Naputol lang ang kwentuhan namin nang magbukas ang pinto at iniluwa doon si Rhanz.

"Naayos ko na lahat, pati bills mo." agad na sabi ni Rhanz.

"Thank you.. Pwede ko bang malaman kung magkano ang bills ko?" tanong ko sa kanya.

"Small amount lang. Don't worry hindi kita sisingilin." nakangiting aniya habang nakapandikwatrong panlalaking umupo sa single couch sa kabilang gilid ni Zion.

"Thank you.." pinakita ko sa kanya ang sinseridad ko.

"Your welcome." walang bahid na yabang na sagot niya. "Tita, sige na po magpapahinga na po kayo.. Ako na po magbabantay dito kay Zion." baling niya kay tita.

Bumuntong-hininga pa muna si tita saka lumingon sakin. "Precious, you want to come with me? Or you stay here with Rhanz?" tanong sakin ni tita.

Umiling ako dahil gusto ko na dito nalang ako magpapahinga kasama si Zion. "No, tita. I stay here nalang po." nakangiting sagot ko kaya tumago naman siya.

"Okay, dadalhan nalang kita ng damit pang palit at iba pang gamit na maaari mong kailangan.." aniya at bumaling kay Rhanz. "Rhanz, please take care of Precious. Babalik ako mamayang 10:00am, okay?" habilin niya kay Rhanz na awtomatikong naman tumango at lumapit kay tita para yumakap.

"Take care tita.." sabi nito.

"Bye tita." sabi ko rin sabay beso.

"Magbreakfast kayo ah?" tinuro pa niya kami kaya napatango nalang din kami.

Umalis na si tita at tanging kami nalang tatlo ang naiwan dito. Napatingin ako kay Zion, at gumuhit na naman ang luha ko. Bago pa ito tuluyang pumatak ay pinigilan ko na dahil nahihiya ako kay Rhanz. Baka isipin pa niya na nagdadrama ako.

Ngayong nakita ko na ang katawan niya at napatunayan ko na hindi pa siya patay ay may pag-asa nang namumuo sa dibdib ko. Gusto ko ng hanapin siya.

Pero saang lugar ba ito? Anong hospital ba ito? Nasa Tagaytay pa ba ako? Malayo na ba ako sa lugar kung saan ako palaging pumupunta?

Napatingin ako kay Rhanz at laking gulat ko naman na nakatingin rin siya sakin. Kaya dahil naiilang ako, ay ako na ang nag-iwas ng tingin. Bumuntong-hininga pa muna ako bago nilakasan ang loob para tingnan uli siya.

"Rhanz?" tawag ko sa kanya kahit alam kong nasa akin ang atensyon niya.

"Hmm?" di parin niya inalis ang paningin niya sakin.

"N-Nasa Tagaytay pa ba tayo?" nag-alinlangan akong tanongin iyon ngunit nilakasan ko na ang loob ko. Tumango naman siya bilang sagot.
"M-Malapit ba itong hospital na ito sa lugar kong..saan nangyari ang aksidente?"

"Hindi. Medyo may kalayuan na ito. Kung tutuusin ay nilagpasan pa nga namin ang isang hospital na malapit doon e. Dito kasi ay kompleto ang gamit nila samantalang doon ay mukhang hindi." sabi niya na kay Zion nakatingin.

'Kaya pala walang record ang hospital na malapit sa nangyaring aksidente kay Zion. Kaya pala wala silang pasyenteng Zion dahil andito pala siya dinala. Ang tanga ko.. Bakit hindi ko naisip na may iba pang hospital dito sa Tagaytay!'

"Precious? Okay ka lang?" sinuyod pa niya ako ng tingin.

"Ha? O-Oo okay lang ako." nahihiyang sabi ko.

"Natulala ka kasi bigla."

"M-May naisip lang.." nagbaba ako ng tingin.

Kailangan kong balikan ang mga lugar kong saan palagi naming pinuntahan ni Zion. Baka andoon siya. Pero paano ako makakapunta doon kung hindi ko naman alam ang daanan patungo ron? Ni patungong resthouse pa nga namin ay hindi ko alam.

"Pwede mo bang ituro sakin ang daan patungo sa lugar kung saan siya naaksidente?" tanong ko kaya medyo nagtaka naman si Rhanz.

"Bakit?" kunot-noong balik tanong rin niya.

"Gusto ko lang pumunta doon." nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong rason kung bakit gusto kong pumunta doon.

Bumuntong-hininga pa muna siya bago nagsalita. "Isa lang ang daanan patungo do'n. Pagbaba mo rito sa hospital ay tahakin mo lang ng diretso ang daan pakanan. Bago ka makarating sa lugar na nais mong puntahan ay madaanan mo pa ang lugar kung saan ka natumba at nawalan ng malay." napatingin ako sa kanya matapos niyang ituro ang direksyon.

'Ibig sabihin madaanan ko pa ang resthouse namin? Natatakot ako na baka makita nila ako..'

"Wala na bang ibang daanan?" namumublemang tanong ko.

"Wala na.." sinabayan pa niya ng iling.

"Baka makita nila ako 'pag dumaan ako do'n." nag-aalalang sambit ko.

"Bakit ba kasi ayaw mong magpakita sa kanila?" usisa niya.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kay tita kanina kung bakit ako tumakas?" mataray na sabi ko.

"Narinig ko.." nanunumbat din siya.

"Oh ayun naman pala. Nagtanong pa." pabulong na sabi ko pero parang narinig niya parin.

"Narinig kita.. Ang sakin lang, bakit umabot pa sa pagtakas ang ginawa mo e isama ka lang pala pauwi nila. Hindi ko kasi masyadong naintindinhan e at alam kong ganoon din si tita. Hindi lang siya nag-abala pang magtanong sayo."

"Whatever.." pairap na sagot ko.

"Whatever, whatever ka diyan. Hindi mo ba pwedeng sabihin sakin kung ano talaga ang malalim na rason mo?" seryosong aniya kaya napatingin ako sa kanya. "Huwag mo 'kong titingnan ng ganyan baka.." sinadya pa niyang bitinin at saka ngumisi ng nakakaloko.

"Baka ano?" hamon ko.

"Baka ma-inlove ka sakin.." ngisi-ngisi pa siya at sumandal sa couch na inuupuan niya saka printeng-printeng nakapandikwatrong pambabaeng upo at pinagkrus ang braso.

Napangiwi ako. Lakas ng apog nitong lalaking 'to. Inirapan ko lang siya dahilan upang mapatawa siya.

"Maaari mo bang sabihin iyon sakin, binibini?" nang-aasar ang tono ng pananalita niya.

"Ewan ko sayo, Rhanz!" asik ko.

"Sige, na sabihin mo na.. Seryoso na ako. Promise.." itinaas pa niya ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

Baliw..

"Kahit sabihin ko sayo..hindi ka rin naman maniniwala."

"Bakit? Hindi ba 'yan kapani-paniwala?" agad na tanong niya na umayos pa ng upo.

"Parang ganoon na nga." nakangiwing ani ko na sinulyapan pa si Zion.

Bumuntong-hininga naman siya. "Okay, parang wala ka rin namang balak na sabihin sakin e.." kibit-balikat na aniya. Tiningnan ko lang siya at huminga ng malalim. "Para hindi ka nila makita.. You can use my car. Pero marunong ka bang mag-drive?"

Agad nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Nakokonsensya na tuloy ako kung bakit ko pa siya tinarayan. Unti-unting gumapang ang hiya sa buong katawan ko.

"Marunong ako. Kaya lang.." pahina ng pahina ang sinabi ko.

"Kaya lang ano?"

"N-Nakakahiya na sayo. Andami mo ng natulong sakin e.." nahihiyang sabi ko na hindi pa makatingin sa kanya ng diretso.

"Sus! Sige na, 'wag mo ng isipin ang hiya. Gamitin mo lang yung kotse ko.." kita ko naman ang sinseridad niya.

"Salamat.." sinsero ding sabi ko at nginitian siya.

Inabot niya sakin ang key niya. Nahihiya man ako ay kinapalan ko nalang ang mukha ko. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako.

"Aalis ka na?" tanong niya at tumango naman ako. "Hindi ka pa nagbreakfast. Baka mapa'no ka na naman sa daan niyan. Kumain ka muna.. teka lang hintayin mo 'ko dito. Bibili muna ako ng pagkain." aniya na akmang lalabas na ngunit hinawakan ko ang siko niya para pigilan siya.

"Huwag na.. doon nalang ako kakain." tanggi ko. Tiningnan niya ang kamay ko na nakahawak parin sa siko niya. "Sorry.." usal ko saka binitawan siya.

Walang sabi-sabi ay diretso siyang lumabas kaya wala na akong nagawa kundi maghintay. Tiningnan ko yung wall clock at alas singko na pala ng umaga.

'Bakit hindi pa bumalik yung Eunice na iyon? Ayaw pa ba niyang pumunta dito dahil andito ako?'

Lumapit ako kay Zion at hinawakan ang kamay niya. Ang lambot ng kamay niyang mamula-mula. Tingnan ko yung mukha niya at tila gwapo pa rin. Ma-kaluluwa man o hindi, ganoon parin ang itsura niya.

"Zion nalang kaya ang itawag ko sayo. Para naman maramdaman ko na buhay ka pa. Kung Cali kasi.. parang kaluluwa mo parin ang kausap ko.." sabi ko habang hinawakan ang pisngi niya.

Para akong tanga na nagsasalita, nagtatanong sa taong tulog. Pero kahit parang ganoon na rin ang dating sakin sa ginawa ko ngayon ay pinagpatuloy ko pa rin.Tumatawa akong mag-isa, umiyak habang nasa kanya ang paningin ko. Naputol lang ang moment na iyon nang magbukas ang pinto at iniluwa doon si Rhanz na bitbit ang pagkain. Naipukol niya ang paningin niya sa kamay ko na nakahawak din sa kamay rin ni Zion. Bumuntong-hininga siya saka isiniyas na doon kami kakain sa labas. Bawal kasi daw dito iyon.

Lumabas kami at pumwesto doon sa mismong gilid ng room ni Zion. Kita naman namin si Zion kasi glass ang naging division dito. Tahimik lang kaming dalawa na kumain. Walang nagsasalita samin at tutuk lang sa pagkain.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala paring nagsasalita. Hinayaan ko lang siyang iligpit ang pinagkainan namin.

"Aalis na ako. Salamat.." sinserong sabi ko at tango lang ang natanggap ko bilang sagot niya.

Hindi na ako nagtaggal pa at umalis na ako. Sinunud ko ang sinabi niya na didiretso lang pakanan. Tama nga siya dahil nadaanan ko nga ang kalsad malapit sa resthouse namin. Huminto pa muna ako saglit at sinilip mula sa bintana ang bahay.

Nakita ko naman ang sasakyan namin kaya batid kong andyan pa sila. Matapos ang ilang segundo ay ini-start ko na ang engine at pinaharurot paalis.

Binagalan ko ang takbo nang malapit na ako sa lugar kong saan naaksidente si Zion. Huminto ako sa mismong gilid ng kalsada. Tumingin-tingin pa ako kung may papalapit na sasakyan ngunit nakita ko naman wala at payapa lang ang buong kalsada. Luminga-linga ako baka sakaling makita ko ang kaluluwa ni Zion ngunit wala.

Sumandal ako sa gilid ng kotse ni Rhanz at parang naghintay ng tamang oras at nagbabakasakaling makita si Zion. Ngunit lumipas ang halos dalawang oras sa ganoong posisyon ay wala talaga siya. Kaya napagpasyahan kong dumiretso sa park.

Buti nalang may sariling parking lot ang parke na ito kaya hindi ako nahirapang ipark ang kotse. Bawat daang nilakaran at tinahak ko ay luminga-linga ako. Umupo ako sa sementadong upuan na inuupuan namin noon ni Zion, sa kaluluwang Zion.

Panay ang tingin ko sa buong parke. Sa abot ng paningin ko ay tiningan ko ito nang maigi. Ngunit ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang walang Zion ang nakita ko.

Nagpalipat-lipat ako ng pwesto. Parang isang oras umupo sa sementadong upuan. Isang oras umupo sa ilalim ng puno. Isang oras na pumunta sa gilid ng park at tinanaw ang kawalan.

Lumipas ulit ang ilang oras ay wala pa rin akong nakitang Zion. Bumalik nalang ako sa kotse at doon nagpahinga. Hindi ko nga namalayang nakatulog ako.

Pagkamulat ko ay madilim-dilim na ang paligid. Lumabas pa muna ako saglit at naglakad-lakad sa buong parke. Ngunit gaya kanina ay wala paring Zion na nagpapakita sakin. Kaya napagpasyahan ko nalang bumalik sa hospital.

To be continued...........

Continue Reading

You'll Also Like

131K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?
6.7M 243K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...
25.1K 976 15
This story is all about a two person who met online, fall inlove with each other and end up saying goodbye because of the one of them
97.4K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...