Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 16

38 5 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

Nanatili lang akong nakatingin sa kanila ng patago. Hindi ko rin maiwasang hindi marinig ang pinag-uusapan nila.

"Tita, he will be fine. Don't worry andito na ako para magbantay sa kaniya kung sakaling uuwi si Eunice." malumanay na sabi ni Rhanz habang nakahawak pa sa balikat ni tita Stacey.

Oo! Si tita Stacey ang kausap niya. Hindi ko alam kung ano siya kay tita at hindi na iyon importante sakin. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung bakit at anong ginagawa ni tita Stacey dito?

"Rhanz thank you.." madamdaming ani ni tita.

Niyakap siya ni Rhanz at wala sa sarili akong napalapit sa kanila dahilan upang mapalingon sakin si Rhanz. Naunang kumalas si tita sa yakapan nila at sakto namang tumama ang paningin niya sakin.

"Tita?" sambit ko at nangunot naman ang noo niya. Pinagmasdan niya ang kabuohan ko, mula ulo hanggang paa.

Batid kong nagtataka na rin si Rhanz sa inakto ko ngunit wala sa kanya ang paningin ko at sa halip ay nakay tita ang atensyon ko.

"Excuse me, Miss? Tinatawag mo 'kong tita?" nagtatakang aniya habang nakaturo pa sa sarili niya.

Lumapit sakin si Rhanz na parang hindi alam kung ano ang gagawin. "Tita.. ahmm.." di malaman kung ano ang sasabihin niya.

"Rhanz, is she's your girlfriend?" inosenteng tanong ni tita na nakaturo pa sakin.

"No tita.." depensa pa ni Rhanz dahilan upang mangunot na naman uli ang noo ni tita.

"And who is she, then?"

"Tita, ako po ito.." sabat ko at bahagyang lumapit sa kanya. "Ako to..si Precious. Nakalimotan niyo na po ba ako?"

"Precious? Precious De Guzman?" parang hindi pa siya sigurado sa sinasabi niya kahit alam ko na tama iyon.

"Oo tita, ako nga." magiliw na sambit ko kaya mas nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"Ikaw ang anak ni Stela?" parang hindi pa siya makapaniwalang tiningnan muli ako mula ulo hanggang paa. Maiyak-iyak naman akong napatango at wala sa sariling napayakap sa kanya.

Nakakahiya man dahil alam kong nagulat siya kaya hindi niya ako magantihan ng yakap.  Pero sa puso ko ay puno ng galak at saya. Hindi ko inaasahan na ngayon ko pa siya makikita.

Kumalas ako at napahiyang napatingin habang pinahiran ang mga luhang kusang lumabas. Nanlaki parin ang mga mata niya na  parang hindi talaga siya makapaniwalang ako itong nasa harapan niya.

"Oh my god.. Ikaw na ba talaga iyan, Precious?" napatakip pa siya sa bibig niya. Tumango-tango naman ako sabay ng pagpatak ng mga luha ko. "Omo.. ang laki-laki mo na! Dalagang-dalaga ka na!" masayang aniya at siya naman ngayon ang yumakap sakin.

Siya na rin ang unang kumalas at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "Masaya akong makita kang muli, Precious. Kaya lang.. batid kong hindi mo magugustuhan ang nangyari sa anak kong si Zion. Ang bestfriend mo. Pero alam ko namang magiging masaya siya kapag makita ka niya. Alam mo ba.. bago siya maaksidente at malagay sa sitwasyon niya ngayon.." malungkot na aniya dahilan para mahawa ako. Kaya lang gusto kong marinig ang huli niyang sinabi na biglang pinutol niya.

"Tita.. a-ano pong ginawa niya bago siya maaksidente?" naantig ang interes ko. Ngunit hindi na ito magawa pang sumagot nang lumapit samin si Rhanz.

"Wait.. Ikaw si Precious na kaibigan ni Zion?" biglang sabat ni Rhanz samin. "Ikaw yung batang palagi niyang kasama noon?" nakakunot pa ang noo niya.

Malaki na ba talaga ang pinagbago ko mula noong pagkabata ko hanggang ngayon? Naging mas maganda ba ako ngayon o naging pangit na?

'Aishh ewan ko sayo Precious, basta ang mahalaga ay nakikita mo na sila'!

"Oo ako nga.." mahinang sagot ko.

Tumaas pa ang kilay niya at itinuro ang sarili. "Hindi mo 'ko natatandaan?" tanong niya at iling lang ang sinagot ko.

"Ako yung pinsan ni Zion na ayaw mong papasukin noon sa bahay niyo kasi ayaw mo ng may kalarong iba maliban kay Zion.." nakapamulsang aniya.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabi niya. Nakagat ko ang labi ko nang tiningnan ko siya.

"Ano? Naalala mo na ako?" may halong sarkasmong sabi niya at napangiwi naman ako.

"Eh ano naman? Past na iyon, di na pwedeng balikan.. Nakalimotan ko na nga e pinaalala mo pa." nakangusong sabi ko kaya tumawa naman siya ng nakakaloko.

"Really? E kung hindi ko pa pinaalala sayo, e hindi mo 'ko matandaan." pinaliit niya ang mga mata niya at pinagpantay ang paningin namin.

"Well, wala na akong pake." mataray na sabi ko.

Umayos siya ng tayo at pinagkrus ang braso habang diretsang nakatingin sakin. "What a small world nga naman e no? Ikaw pa ang natulongan ko." umiiling-iling na aniya.

"Don't worry, babayaran kita sa lahat ng nagastos mo." mataray kunwaring sambit ko.

"Hindi na.. Hindi naman labag sa kalooban ko ang tumulong e." nagmamalaking tanggi niya.

"Teka.. Ano bang nangyari?" biglang sabat ni tita at nagpalipat-lipat ng tingin samin.

Humarap naman sa kanya si Rhanz at kinwento ang nangyari sakin mula doon sa kalsada na nakita niya ako hanggang dito sa hospital. Bakas naman sa mukha ni tita ang pag-alala nang bumaling ito sakin.

"Bakit ka ba nahimatay, Precious?" nag-aalalang wika ni tita at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Eh kasi tita.. n-nag-away po kasi kami ni daddy. Dahil po sa tampo ko sa kanya ey nawalan ako ng ganang kumain at.. n-nagkulong ako sa kwarto ko mula umaga hanggang h-hapon." nakayukong sagot ko.

"At bakit ka naman napunta sa kalsada?"

"T-Tumakas po kasi ako.." nahihiya at nakangusong sagot ko ulit.

"At bakit ka naman tumakas?" tanong na naman ni tita. Grabe daig pa niya imbestigador ah?

"Pilit niya po kasing isama ako pauwi sa Maynila. Eh ayoko pa pong umuwi kasi po may gagawin pa akong importante dito."

Bumuntong-hininga si tita at hinawakan ang baba ko upang magpantay ang tingin namin. Nakangiti na siyang tumingin sakin.

"Precious, hindi mo dapat ginawa iyon. Paano nalang kung hindi ka nakita ni Rhanz o di kaya ay walang dumaan doon nung time na 'yun. Pero okay..naiintindihan kita dahil alam ko naman na may pagkastrikto ang daddy mo. Kung ayaw mo pang umuwi.. pwede ka namang manatili sa bahay namin. O di kaya dito."

"Ay 'wag na po tita, nakakahiya po." totoong nahihiyang sabi ko.

"Precious, hindi ka na iba sakin, samin. Alam ko din naman na gusto mo nang makita si Zion, diba? Sasamahan kita sa kanya. Kaya lang..nakakalungkot kasi hindi niyo magawang magkumostahan. Nasa ICU siya at ilang araw na siyang hindi pa gumigising. Sana nga e magising na siya para makita ka niyang muli." nawala ang kaninang ngiti na sumilay sa labi ni tita at napalitan iyon ng lungkot.

Sinamahan nga ako ni tita kung saan si Zion. Pinasuot niya pa ako ng ewan ko ba kung anong tawag dito, kailangan daw kasing isuot 'to kapag papasok sa room na iyon. Si Rhanz naman ay bumalik sa room ko para asikasuhin ang naiwan.

Pagkapasok ko palang sa kwarto ni Zion ay agad ng bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa nakita ko na siyang nakahiga sa kama na may nakakabit na maraming apparatus. Bumugso agad ang mga luha ko habang pinagmasdan ang katawan niyang parang lantang gulay.

'Cali, hindi ka pa patay. May pag-asa ka pang mabuhay. Kaya sana naman magpakita ka na. Ito na yung katawan mo oh..'

Patuloy parin sa pagpatak ng mga luha ko habang hinaplos-haplos ang buhok niya.

"Oy, gumising ka na nga diyan! Hindi mo ba ako kukumustahin? Na mimiss na kita Zion! Sobra na yang tulog mo e! Gumising ka na!" para akong tangang kinausap siya kahit alam ko namang hindi siya sasagot. Humihikbi ako habang nagpupunas ng sariling luha.

Mas naging maugong ang paghikbi ko nang makita ang isang butil ng luha na lumabas sa nakapikit niyang mata. Pati na rin si tita ay umiiyak na at agad pinahiran ang luha ni Zion.

'Alam mo.. nalilito na ako e. Tatawagin ba kitang Cali o Zion nalang. Nasanay na ako sa Cali e..'

'Cali, huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang misyon mo, tutulongan parin kita.'

Nabalik ako sa reyalidad nang may lumapit na isang magandang babae na hula ko ay magkasing-edad ko lang. Tingin pa lang at pananamit, alam ko ng maarte ito. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik-balik pa hanggang sa nagsawa siya.

"Tita, who is she?" nakataas ang isang kilay niya habang mataray na tumingin sakin.

"Siya si Precious, ang childhood bestfriend ni Zion. Siya yung palaging kinwento niya sayo." sagot ni tita habang nagpupunas ng sariling luha. Lumapit naman siya sakin. "Precious, siya Eunice.. girlfriend ni Zion."

Kaswal parin akong nakipagkamay sa kanya kahit parang piniga na ang puso ko sa sakit. Pilit ko rin siyang binigyan ng ngiti kahit alam ko na luha ang gustong lumabas.

Maarte niyang tinanggap ang kamay ko at sarkastikong ngumiti. "Well, nice to finally meet you." pilit na ngiti lang ang iginante ko.

Siya rin ang unang nagbitaw ng kamay namin. Lumapit siya kay Zion at hinalikan ito sa labi. Naiwas ko naman ang paningin ko dahil hindi ko magawang tingnan iyon bagkus may kapalit iyon na sakit sa damdamin ko.

"I'll be back honey.." bulong nito kay Zion at muling hinagkan. Pagkatapos nun, ang lumapit siya samin ni tita. "Tita, lalabas lang po muna ako. Bibigyan ko lang po ng oras ang 'bestfriend' niya na makasama si Zion." diniinan pa niya ang salitang bestfriend at mataray akong sinulyapan bago siya tuluyang lumabas.

Nag-iwas naman ako ng tingin kay tita at bumaling nalang ako kay Zion na siyang Cali ng buhay ko.

"Pasensya ka na doon kay Eunice. Ganoon talaga ang ugali no'n." nagpapaumanhing usal ni tita.

"Okay lang po, tita. Wala lang po sakin 'yon." sinserong ani ko naman.

Iginaya niya ako paupo sa couch na nasa gilid ng kama ni Zion. Huminga pa siya ng malalim at ngumiti sakin.

"Alam mo.. mula noong lumipat kami sa Laguna. Palagi nalang ikaw ang bukam-bibig ni Zion. Gusto ka na daw niyang makita kaya lang hindi siya pinayagan ng daddy niya na bumalik sa Maynila. Hanggang nag-high school na siya, ikaw pa rin ang gusto niyang makita.. Minsan pa nga sinabi niya sakin na baka daw nalimotan mo na siya. Sobrang na-miss ka na daw niya." habang sinasabi ni tita iyon ay nag-uunahan naman ang mga luha kong pumatak. Kahit anong pahid ko nito ay papatak at papatak parin. Nagbaba nalang ako ng tingin upang hindi masyadong mahawa si tita sa emosyon ko.

"Dati, ayaw talaga niya kay Eunice. Lumalabas ang pagkasungit niya kapag lumalapit sa kanya si Eunice. Pero dahil sa sobrang pagkagusto ni Eunice kay Zion ay hindi niya ito sinukuan. Kahit saan magpunta si Zion ay andoon din siya. Hanggang nahulog na din ang loob ng anak ko sa kanya. Pero.. kahit sila ang magkasama, ikaw pa rin ang bukam-bibig ng anak ko, ng bestfriend mo." bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay ko.

"Kaya ganoon nalang ang trato sayo ni Eunice dahil batid niyang kahit sila na ng anak ko, ikaw parin ang hinahanap nito." dagdag pa niya at pinahiran ang mga luha ko.

Mas lalong bumigat ang loob ko at mas nagbigay pa iyon ng sakit sa dibdib ko. Gusto ko ng makita si Zion, yung kaluluwa niya. Gusto ko siyang makausap at mayakap. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko siya nakalimotan gaya ng iniisip niya noon. Gusto kong malaman niya na walang oras na hindi siya iniisip at na-mimiss ko. Gusto kong sabihin sa kanya itong nararamdaman ko na higit pa sa kaibigan ang pagtibok ng puso ko sa kanya.

To be continued.......

Continue Reading

You'll Also Like

131K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
97.5K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...