Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 13

44 5 0
By Chencheniah


PRECIOUS' POV

KINABUKASAN nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nahihirapan pa akong idilat ang mga mata ko dahil nga nasisilawan ako. Inuunat ko pa ang katawan ko saka bumangon ng tuluyan sa kama. Bumaling agad ako sa couch at nagtaka akong wala si Cali doon. Tiningnan ko din ang bintana ngunit wala din siya. Hinalugad ko ang buong kwarto ngunit wala talaga siya.

Kinabahan ako ng sobra. Ngayon lang 'to nangyari na magising akong wala siya. Natatakot at nag-aalala na ako sa totoo lang.

'Hindi kaya tuluyan na nga siyang naglaho?'

Ako ang nasaktan sa naisip ko. Aaminin kong hindi ko kayang tanggapin na basta-basta na lang niya akong iwan. Parang kinurot ang puso ko ngayon at parang may bumara sa lalamunan ko.

Hindi ko napansin ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi. Pumunta ako sa verandah nitong kwarto ko at tinanaw siya sa labas ngunit wala pa rin siya. Patuloy parin sa pagdaloy ng mga butil ng luha ko sa pisngi. Pabalik-balik kong pinuntahan bawat sulok ng kwarto nagbabakasakaling naroon na siya. Pero ganoon nalang ang pagbasak ng balikat ko nang wala akong makita ni kahit anino niya.

Napaupo ako sa couch at pinahiran na parang bata ang mga luha. "Cali! Lumabas ka naman oh! Nag-aalala na ako e.. Huwag ka namang ganito oh.. Please.." humihikbing usal ko.

Para na akong tangang nagsasalitang mag-isa. Umiiyak mag-isa at nagmumukmuk. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Sa isip ko ay nagsasabing naglaho na nga siya ng tuluyan pero sa puso ko ay patuloy na tumatanggi. Sa bawat tanggi ng puso ko ay may sabay na kirot akong nararamdaman.

'Lord, please naman po.. Huwag niyo po munang kunin si Cali sakin. Hindi ko nga po siya natutulungan sa misyon niya pero pangako ko po.. gagawa ako ng paraan para matulungan siya..'

Nagsusumamo ako at nagmamakaawang sabi ng isip ko. Nanlumo akong yumuko at niyakap ang sariling tuhod habang patuloy na humihikbi. Pinikit ko ang aking mga mata at idinaop sa nakapantay na tuhod ang mukha ko.

"Hindi ko pa nga nasasabi sayo ang nararamdaman ko.. iniwan mo na ako. Ang daya mo naman Cali.. matapos mo 'kong kantahan kagabi..iiwan mo na ako ng walang paalam. Nagtatampo na ako sayo, alam mo ba, ha? Ang gago mo.. ngayong alam ko na, na mahal kita..saka mo ko iiwan? Mahal kita e.. anong magagawa ko.." patuloy parin sa paghikbing sabi ko.

Maya maya lang ay biglang nagbukas ang pinto at iniluwa doon si mommy na nakangiti ngunit bigla itong napalitan ng pag-aalala.

'Ang engot mo din Precious. Umaasa kang si Cali ang nagbukas, e kaluluwa na nga siya at alam mo namang hindi niya magagawa yan..'

Sa sarili kong naisip ay ako parin ang nadismaya. Nagbaba nalang ako ng tingin upang hindi na magtaka masyado si mommy. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Pinahiran niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Anak.. Huwag ka ng umiyak. Ito na oh.." nakangiting aniya habang iwinawagayway ang susi.  Gayon paman hindi ko magawang ngumiti. Kaya unti-unting nawala ang mga ngiting pinakawalan niya. "Anak, tapos na ang parusa sayo ng daddy mo. Hindi ka na makukulong dito sa kwarto mo. You can go anywhere now, pero hindi yung lugar na tinutukoy ng daddy mo."

'Wala na mommy, kahit pwede na akong lumabas. Kahit hindi na ako grounded. Wala na ring saysay ang lahat. Iniwan na ako ni Cali, naglaho na siya dahil alam niyang hindi ko siya matutulungan.'

Gusto ko itong sabihin kay mommy ngunit hindi ko ito magawa sa kadahilanang baka magtaka si mommy at mapagkamalan pa akong baliw.
Nagbaba nalang ulit ako ng tingin at pilit tinatago ang emosyong kanina pa gustong lumabas.

"Ahh.. Alam ko na, yung gadgets mo ang inaalala mo? Yeah, just wait me here..Kukunin ko lang ang mga iyon." sabi pa ni mommy na nagmamadaling lumabas ng kwarto.

'Hindi ko na po yan kailangan. Ngayong wala na po si Cali..'

Agad namang bumalik si mommy dala ang mga gamit ko. Inilagay niya ito sa study table ko at saka bumaling sakin ng nakangiti.

"Here anak.. you can now use it." nakangiting aniya. Sinuklian ko naman siya ng pilit na ngiti. Pero batid kong nag-aalala parin siya sa mga pinakita ko. "Anak, I'm sorry kung ngayon ko lang nakumbense ang daddy mo. Ang totoo niyan, hindi sana siya papayag ngunit pilit ko siyang ikumbenseng palayain ka na sa parusang ginawa niya sayo."

"Mom, okay lang ako. Salamat po dahil sa ginawa niyong pagkumbense kay dad.." pilit akong ngumiti.

Kung andito lang kaya si Cali, matutuwa kaya siya? Bakit ba ngayon pa siya nawala gayong pwede ko na siyang tulungan?

"Anak, please tell me.. ano ba talagang ginawa mo sa lugar na iyon? Bakit parang napapansin kong madalas ka ng pumunta don?" biglang tanong niya kaya napatungo ako. Ayokong mabasa niya ang lungkot sa mga mata ko.

"Gusto... gusto ko lang po ang lugar na iyon mom. Wala na po akong ibang dahilan.." pagsisinungaling ko.

"Hmm.. basta huwag ka nalang pupunta doon ha?"

"Bakit pati po kayo ayaw akong papuntahin don? Ano po ba talagang problema, mommy?" nagtatakang ani ko. Hindi naman siya makatingin sakin. Alam ko na ang ganitong aksyon ni mommy, may tinatago ito sakin.

"Your dad and I are just.." bumuntong hininga pa muna siya. "Concerned lang kami sayo.. Alam ng daddy mo kung gaano ka delikado ang lugar na iyon.."

Naging sarkastiko ang pagngisi ko. "Delikado? Paano naman naging delikado doon, e nung andun nga ako ay sobrang linis at parang lahat ng tao ay disiplinado.." kunot-noo kong sabi. Nag-iba naman ang reaction ni mommy at kitang-kita ko sa kanya na nagsisinungaling lang siya.

"Anak, we do this for your safety.. I hope you understand.."

"Iyon bang accident na nangyari ang nagpadelikado sa lugar na yun mom?" diretsang tanong ko. Nagbaba naman siya ng tingin.

"Basta.. huwag kang pupunta don." matigas na sabi niya kaya nagitla ako at takang tumingin sa kanya. Umiiling-iling ako.

"Hindi ko na kayo maiintindihan.." mahinang sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Maiintindihan mo rin kami, anak.." sabi niya na hinawakan pa ang balikat ko.

"I need to rest mom. I want to be alone."

"Anak.."

"Mom, please.." nilingon ko siya at pinakita sa kanya kung gaano ako ka seryoso.

Bumuntong-hininga siya saka tumango. "Okay.. Magluluto nalang din ako para sa almusal natin. Babalikan kita dito mamaya.. Alright?" sabi niya at tango lang din ang tanging sagot ko.

Lumabas na siya at sinara ang pinto. Halo-halo na ang nararamdaman ko pati isip ko ay  ganoon na din. Parang may tinatago sila sakin at wala ata silang balak ipaalam.

Nagtungo nalang ako sa banyo at doon ko ibinabad ng husto sa tubig ang katawan ko. Inihiga ko ang sarili ko sa bathtub at ipinikit ang mga mata.

'Hindi ko akalain na siya ang magiging first love ko. Pero parang siya na rin ata ang kauna-unahang bibiyak nitong puso ko. Hindi ko pa nga nasabi sa kanya na mahal ko na siya, sinaktan na niya ako at iniwan pa ng walang paalam.'

Kasabay ng paglabas ko ng malalim na hininga ay tumulo ang aking mga luha. Kung natulungan ko kaya siya noong unang araw palang ay magkasama pa kaya kami ngayon? Hindi ba siya mawawala ng ganito ka bigla at iiwan akong mag-isa? Naghahanap na kaya siya ng ibang tutulong sa kanya? Sana man lang sinabi niya para hindi ko na hahayaang lumala itong nararamdaman ko sa para  kanya.

Halos isang oras akong nakalublob sa tubig at hinayaan ang isip na maglakbay kahit saan. Pilit hinihilom ang sugat sa puso kahit mahirap.

Narinig kong nagbukas ang pintuan galing sa labas ng kwarto. Pero hindi parin ako kumikilos sa halip ay nakapikit parin ako.

"Anak? Andyan ka ba sa loob?" sabay katok ni mommy sa pinto ng banyo.

"Yes mom.." walang ganang sagot ko.

"Breakfast is ready.. Halika ka na.."

"I'm not hungry mom." nakapikit paring sagot ko.

"Anak, hindi pwede.. Ang kunti lang ng kinain mo kagabi!" sigaw niya sa labas. Hindi ko siya sinagot kaya narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "We'll wait you downstair." maowtoridad na aniya.

Narinig ko pang nagsara ang pinto. Batid kong bumaba na si mommy kaya napagpasiyahan kong umahon na at magshower. Nakapikit akong sinalubong ang mukha sa tubig. Baka sakaling kasabay ng tubig na dumaloy pababa ay ganoon na rin ang bigat sa dibdib ko.

Maya maya lang ay nagbihis na ako. Lutang na lutang ako habang ginawa iyon hanggang sa pagbaba patungong kusina. Nadatnan ko sila na nakaupo na sa hapagkainan, pero nagtaka ako kung bakit hindi pa sila kumakain.

Dumerecho ako sa upuan ko habang nakatungo. Nakakabingi ang katahimikang bumalot sa buong kusina. Sa sobrang tahimik ay dinig ko na ang hininga ko.

"Kumain na kayo.." binasag ni mommy ang katahimikan. Nilagyan niya ako ng kanin sa plato ko pati ulam.

"Hindi po ako nagra-rice." malamig na sabi ko ng hindi sila tiningnan.

"Hindi anak... dapat magkanin ka ngayon dahil nga kaunti lang ang kinain mo kagabi." si mommy.

Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Kahit wala akong gana ay pinilit kong ubusin ang nilagay ni mommy na rice sa plato ko. Naagaw ang pandinig ko nang tumikhim si daddy. Senyales ito na may sasabihin siya, hindi ko alam kung kanino. Siguro sa aming lahat o di kaya sakin.

Inilagay pa niya muna ang kutsara at tinidor sa gilid ng plato niya at saka ipinatong ang siko sa mesa at pinaghawak ang kanyang dalawang kamay.

"Magsimula na kayong mag-impaki mamaya. Aalis na tayo dito. Babalik na tayo sa Maynila." seryosong sabi niya kaya naantig ako at napatigil sa pagkain.

Napatingin ako kay mommy ngunit nagpatuloy lang siya sa pagkain. Batid kong alam na niya ang plano ni daddy na bumalik kami sa Maynila. Napalingon naman ako kay kuya at nakita kong natigilan siya ngunit nasa pagkain lang niya ang paningin niya. Huli kong tiningnan si daddy na ngayon ay nakatingin sakin. Agad akong nag-iwas at nagbaba ng tingin.

"Bakit naman po biglaan?" may respeto paring tanong ko.

"Plinano ko na to noong isang araw pa. Bukas ang napili kong araw para tayoy bumalik don."

"Diba po ay isang buwan tayo dito? Paanong nagbago agad ang plano mo?" kunwari akong nagtaka. Ngunit batid ko na ang dahilan kung bakit niya ito naisip.

"May aasikasohin pa akong trabaho sa Maynila."

"Diba po nag-file kayo ng isang buwang leave sa trabaho niyo?" tanong ko ulit. Ramdam kong nakatingin siya sakin ngayon at pinigilan ang inis.

"May urgent meeting bigla."

"Alam ko pong nagsisinungaling at nagdadahilan lang po kayo. Ako po ang dahilan kung bakit tayo babalik doon bukas kahit hindi pa natin natapos ang isang buwang bakasyon dito." malamig na sabi habang nakatingin na sa kanya ng diretso. "Huwag niyo nalang po idahilan ang trabaho. Hindi na po ako bata para maloko sa mga pinagsasabi niyo ngayon. Mas lalo pa po kitang hindi maiintindihan diyan sa mga dahilan niyo. Alam ko pong may tinatag--"

"Shut up, Precious! Wala kang galang sakin at sa pagkaing nakalatag sa harapan mo!" biglang sigaw niya. Pero hindi ako natinag sapagkat alam ko ang sinasabi ko.

"Hindi po nawala ang respeto ko sa inyo dad. Sadyang hindi ko na po kayo naiintindihan. Napakababaw ng mga dahilan niyo kung bakit ayaw niyo akong papuntahin doon sa lugar na palagi kong pinuntahan! Tapos ngayon, biglaan naman tayong aalis at babalik na sa Maynila? Eh kilala ko po kayo e! Dati.. kung magbabakasyon tayo kahit may tumawag sayo na may kinalaman sa trabaho mo ay isinantabi mo. Bakit ngayon? Bukod sa naninibago ako sayo, hindi ko rin magawang maniwala sa mga dahilan niyo dahil batid ko na hindi trabaho ang dahilan ng pagbalik natin dun kundi dahil 'sakin'!" inis na  sabi ko. Nakita ko na rin ang galit sa mukha ni daddy.

"Oo! Dahil sayo! Dahil kahit anong pigil namin sayo na huwag ng babalik doon dahil nga delikado, ayun at matigas ang ulo mo at patuloy parin sa pagbalik dun! Hindi ka na bata, Precious para hindi alam ang salitang delikado!" tiim-bagang aniya.

"Ikaw na rin mismo nagsabi dad na hindi na ako bata! Kaya nga hindi ako naniniwala sa mga dahilan mong ang bababaw e! May sarili na akong isip dad! Alam ko na kung ano ang delikado sa hindi! At sa mga nakikita ko sa lugar na iyon ay wala akong mahitang delikado dun! Kung concerned po kayo sakin, yung totoong concerned po.. hindi po dapat umabot pa sa ganito!" may diin na sabi ko sabay tayo at tumakbo patungo sa taas.

Narinig ko pang tinatawag ako ni mommy ngunit hindi ko na siya liningon pa. Ni lock ko ang kwarto ko at doon ibinuhos ang inis at galit.

Unang beses kong sinagot si daddy ng ganon. Nagawa ko lang iyon dahil sa sobrang inis at tila hindi ko na siya kilala.

To be continued............

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 151K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
99.7K 1.6K 8
Hell University By KIB A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong...
828K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.