Unexpected Soulmate

Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... Еще

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

Unexpected Soulmate Chapter 11

55 6 1
Chencheniah


PRECIOUS' POV

Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong malaking kasalanan kay daddy na umabot pa sa ganito ang sitwasyon. Dati na namang strikto si daddy pero naging mas grabe pa mula noong nakaraan. Mas madali na siyang magalit, ni hindi ko na nga nakita sa kanya yung natural na itsura niya kapag nasa bakasyon kami.

Hindi ko talaga siya naiintindihan. Ang babaw ng rason niya kung bakit niya ako kinulong sa kwartong ito. Kung nag-aalala siya sakin, bakit pa niya ito ginawa? Dahil sa pagsuway ko sa kanya? Hindi naman na ako bata gaya ng sinasabi niya kanina para ganito ang parusang ibigay niya sakin.

Pangalawang araw pa namin dito pero parang hindi ko naman naramdaman ang pagbabakasyon. Hindi ako nag-aalala o nalulungkot dahil nasira ang pagbabakasyon ko kundi mas nag-alala at mas nakaramdam ako ng lungkot dahil posibleng hindi ko na matulongan pa si Cali, na ngayon ay alam ko ng si Zion pala na bestfriend ko.

Kung tutuusin wala naman talaga akong natulong pa sa kaniya. Puro nalang palpak lahat ng hakbang ko. Minsan nga naisip ko na, ako ba talaga ang nakatakdang tumulong sa misyon niya?

Masakit isipin na posibleng hindi ko na siya matutulongan pa. Pero lahat gagawin ko para matulongan siya. Kahit pa ganito ang sitwasyon ko ngayon. Gagawa ako ng paraan para malutas ito.

"Precious, tahan na.." malumanay na sabi ni Zion. Ngunit sa halip na tumahan ako ay yumuko ako at sinapo ng dalawang kamay ko ang mukha. Ilang beses pa akong umiling-iling saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Cali.. I-I mean Zion.." huminga pa muna ako ng malalim saka tumitig sa kanya.

"Pwede mo akong tawaging Cali kung dyan ka komportable.." nakangiting aniya. Nahawa naman ako sa matamis niyang ngiti. "Tahan na kasi.. sige ka papangit ka talaga 'pag hindi mo pa tigilan ang pag-iyak.." pananakot pa niya.

"C-Cali.. Paano na 'to?" umiiyak at nag-aalala paring usal ko.

"Anong paano?" kunot-noong aniya kaya napayuko naman ako.

"Hindi ko alam kung.. kung kailan ako pwedeng ilabas dito ni daddy. Hindi ko alam kung paano na kita matutulongan nito.. I-I'm sorry.." patuloy parin sa pag-agos ng mga luha ko.

"Precious, 'wag mo muna akong intindihin.. Intindihin mo muna ang sarili mo. Irelax mo muna ang sarili mo Precious.." nag-aalalang aniya.

"Cali, ako ba talaga ang nakatakdang tumulong sayo?" tanong ko nang mag-angat ng tingin sa kanya. Nakita ko naman ang lungkot na bumalot sa mga mata niya.

"Precious.."

"Eh kasi, puro ako palpak e.. Tapos ito pa ang nangyari sakin. Mas lalo na kitang hindi matutulongan nito.."

"Sa matulongan mo man ako sa hindi, masaya parin ako at nagpapasalamat kasi muli kitang nakilala at nakasama.." madamdamin niyang sabi habang diretsong nakatingin sa dalawang mata ko.

Hindi ko na magawan pang sumagot. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nagmukmok at nasa ganoong pwesto parin.

Napatingin ako sa bintana at napansin kong dumilim na pala. Namugto na ang mga mata ko. Wala ng luha na dumaloy sa pisngi ko na tila ba'y naubusan na ng luha ang mga mata ko. Si Cali, andyan parin siya at pilit iparamdam sakin ang comfort. Nakayuko parin ako at nilalaro ang mga daliri ko. Ayokong makita ni Cali ang lungkot sa mga mata ko.

Maya maya pa ay parang may bumukas sa pinto. Nang magbukas na ito ay pumasok agad si mommy. Hindi ko magawang lumapit sa kanya kahit gumalaw man lang dito sa kinauupuan ko.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni mommy nang tuluyan na siyang umupo sa tabi ko at tinabig ang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Anak, I'm sorry.. Pilit kong kausapin ag daddy mo pero hindi siya nakinig sakin. Pili kong kinuha sa kanya ang susi ngunit hindi niya binigay sakin. Siya pa nga ang naghatid at nagbukas para makapasok ako rito. Nasa labas siya ng pinto at nagbabantay." parang nawalan ng pag-asang sambit ni mommy. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga. Pilit kong binigyan si mommy ng ngiti upang hindi siya gaanong mag-alala sakin.

"Mommy, huwag na po kayong mag-alala sakin. Kasalanan ko din naman 'to e.. Sinuway ko ang utos niya." nagbaba ako ng tingin at narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni mommy.

"I'm sorry anak, wala akong nagawa para hindi mangyari ito.." gumagaral na boses ni mommy. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay kitang-kita ko ang pangingilid ng luha niya.

"You don't have to say sorry mom. I'll take this as consequence. I'm responsible to face this.." nakatungong ani ko kaya agad niya akong niyakap.

"Magiging okay rin ang lahat, Precious. Even me, hindi ko na maiintindihan ang daddy mo."

"Okay, lang mom. Kahit hindi ko talaga siya maiintindihan, pilit ko nalang siyang intindihin. Alam kong concerned lang siya sakin kaya ganon lang ang galit niya." malungkot na sabi ko. Hindi naman siya nagsalita sa halip ay buntong-hininga lang ang tanging tugon niya.

"Kumain ka muna anak. Dinalhan na kita ng pagkain.." aniya habang kinuha ang tray na dala niya na nakapatong sa table malapit sa pinto. "Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo kaninang umaga? Pinuntahan kita dito para sana mag-breakfast pero nagulat ako nang wala akong madatnan dito sa kwarto mo. Nang magtanghalian naman.. ay wala ka parin. Nalaman ko nalang sa daddy mo na dumating ka na raw at kinwento niya sakin ang ginawa niyang pagkulong sayo rito.." sabi niya habang isa-isang nilatag ang mga pagkain.

"Mom, wala po akong ganang kumain.." nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nahagip naman ng paningin ko si Cali na nakatayo sa may bintana habang diretsong nakatingin sakin.

"No, dapat kumain ka. Alam kong hindi ka kumakain ng lunch kanina kaya dapat kumain ka ng dinner." maowtoridad na sabi ni mommy kaya napilitan nalang akong pulutin ang mga kubyertos at sinimulan ang pagkain.

Nasulyapan ko naman si Cali na ngayon ay nakangiti at isenenyas pa niyang magpatuloy akong kumain.

"Anak, ano yang tinitingnan mo sa bintana?" nagtatakang tanong ni mommy kaya agad akong bumaling sa kanya.

"W-Wala po mommy, may naisip lang po." pagsisinungaling ko. Patago ko pang sinulyapan si Cali.

"Huwag kang mag-alala. Sisikapin kong kausapin ang daddy mo.." aniya pero hindi ko nalang siya sinagot.

Kahit wala akong gana ay parang nagkusa ang mga kamay kong sumubo. Natatakam ako bigla sa mga pagkaing dala ni mommy.

Natapos akong kumain at hindi na ako umimik pa. Marami pang sinasabi si mommy pero parang wala akong narinig ni kahit isang salita. Masyadong malalim ang mga iniisip ko. Halo-halo ang laman ng isip ko. Kung paano ako makakalabas dito. Kung paano ako makakapunta sa mga lugar kong saan ang katawan ni Cali. Kung posibleng mabuhay pa ba siya. Sobrang dami na tila hindi ko na alam ang mga sagot niyon.

LUMIPAS ang tatlong araw ay andito parin ako sa loob ng kwartong ito. Tanging si mommy lang ang palaging pumasok dito para hatidan ako ng pagkain. Ni hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa labas. Hindi ko na rin nakausap at nakikita sila kuya at daddy.

Binalot na ako ng pagkabagot sa loob ng silid na ito. Kinuha rin kasi ni daddy ang lahat ng gadgets ko. Sabi niya grounded daw ako.

Ganoon ba talaga kalaki ang nagawa kong kasalanan para umabot ng ganito katagal ang pagtitiis ko?

Si Cali nalang parati ang nasa tabi ko. Gumawa siya ng paraan para mapasaya ako. Kahit nagmukha na siyang tanga kakagawa ng mga weirdong bagay para lang mapangiti ako.

Gabi na naman. Parang umaga, tanghali at ang pag gabi nalang ang napapansin ko parati sa labas. Panibagong pagkabagot na naman ang sumalubong sakin bukas ng umaga.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumerecho na ako sa kama. Kahit pa basa pa ang buhok ko ay humiga na ako. Nakaharap ako sa gawi kung saan nakaupo si Cali sa couch.

"Matulog ka na.." nakangiting aniya.

"Tatlong araw na naman ang lumipas at wala na naman akong nagawa para sa misyon mo.." mahinang sabi ko.

"Okay lang, naiintindihan naman kita e.." pilit ang ngiting aniya.

"Cali?"

"Mm?"

"Pwede ko bang malaman kung ano talaga ang misyon mo? Hindi mo pa sakin sinabi e.."

"Ang totoo, hindi ko rin alam. Basta ang sabi nang tagabantay ay may ginawa daw ako bago ako.. namatay--" pinutol ko ang sinabi niya.

"Hindi ka pa patay." matigas na sabi ko na ikinagugulat niya. Nang makarecover na siya ay binigyan niya ako ng pilit na ngiti.

"Kung namatay man ako o hindi.. basta ang sabi niya yung panghuling ginawa ko ay yun ang dapat kong tapusin."

"Ano kaya ang huli mong ginawa?" nag-iisip na tanong ko at nagkibit-balikat naman siya.

"Sige na, saka mo na yan iisipin. Matulog ka na.." pag-iba niya ng usapan.

"Hindi ako makatulog.." sabi ko. Tumayo siya at lumapit sakin saka umupo sa gilid ng kama ko. Hinawi niya ang nakaharang na buhok sa mukha ko.

"Sige na.. Ipikit mo na ang iyong mga mata at kakantahan kita." nakangiting aniya na ikinatataka ko.

"Marunong kang kumanta?" takang tanong ko at ngumiwi naman siya.

"Hmm parati ko itong naririnig e.. nasaulo ko na." sabi niya.

"Wee.. sige nga pa-sample naman diyan.." nanghahamon na sabi ko at natawa naman siya.

"Pikit ka muna.." utos niya kaya yun ang ginawa ko.

Kung kakantahan man niya ako ngayon ay aaminin kong siya lang ang nakakagawa sakin ng ganyan. Napakaswerte ko at naging bestfriend ko siya kahit hindi na niya maalala ang iba pang mga ginawa namin noon nung bata pa kami.

Pero ayos lang kasi kasama ko naman siya ngayon at ipinaramdam niya sakin ang mga pinaramdam niya sakin noon. 

Masaya ako dahil andito siya sa tabi ko kahit na ang totoo ay hindi ako ang dahilan kung bakit siya napadpad dito. Ang misyon niya ang dahilan kung bakit ko siya kasama ngayon at ako ang nakatakda para tulungan siya. Pero kahit na ganoon ang dahilan ay masaya parin ako.

To be continued.....................

Продолжить чтение

Вам также понравится

822K 28.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
A Love Without label [Completed] Charice Abegail

Подростковая литература

25.1K 976 15
This story is all about a two person who met online, fall inlove with each other and end up saying goodbye because of the one of them
The Demon General's Young Wife Ms. Thaiii

Любовные романы

94.9K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...