Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

✔U.S Chapter 08

47 8 1
By Chencheniah

PRECIOUS' POV

Binayaran ko muna ang driver bago ako nagtungo sa malapit na coffee shop dito sa park. Pumasok ako at agad namang lumapit ang isa sa mga staff nila saka binigay niya sakin ang menu.

"Isang frappuccino coffee at isang egg sandwich, please?" order ko.

"I'll serve it in just 2 minutes ma'am," sabi niya.

"Sige, thank you!"

Tiningnan ko naman si Cali na ngayon ay nakaupo sa harapan ko. Diritso siyang nakatingin sakin na nakakunot pa ang noo.

"Sabi mo doon ka kakain sa karenderya, diba? Eh ngayon, bakit dito?"

"Coffee ang gusto ko," pataray na sagot ko.

"Coffee? Mabubusog ka ba niyan?"

"May sandwich naman," nakangiwing ani ko.

Nanliit naman ang mga mata niya saka sumandal sa inuupuan niya at pinagkrus ang braso. "Ilang sandwich in-order mo?"

"I-Isa lang."

"Isa? Mabubusog ka ba niyan?" tanong niya ulit.

Napakamut-ulo naman ako at inis ko siyang tiningnan. "Oo, busog na ako do'n. Hindi ako nagra-rice kapag umaga, okay?" asik ko kunwari pero ang totoo ay naa-appreciate ko naman ang concern niya sa akin.

"Hindi iyan maganda, dapat kasi kumain ka ng kanin lalo pa't nasisiguro kong mapapagod ka ngayon," malumanay na aniya.

Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Hindi ako sanay."

"Here's your order ma'am," ani waiter saka inilapag ang mga dala niyang pagkain.

"Thank you!"

Napatingin naman ako kay Cali na diretso pa rin ang tingin sa akin. Palihim ko namang kinagat ang labi ko. Sarap siguro magmahal nitong multong ito?

"Gusto mong kumain?" biro ko sa kanya. Pabulong ko lang sinabi iyon baka makarinig pa ang ibang tao dito at mapagkamalan akong baliw.

"Nakuha mo pang mang-aya niyan sa pagkain mo na kulang pa sayo?" nahihimigan ko ang pagiging sarkastiko niya kaya tumaas bigla ang isang kilay ko.

"Nagbibiro lang ako, alam ko namang hindi ka kumakain eh at isa pa hindi ito kulang sa 'kin no! Sakto lang to para sa akin," sabi ko pa saka sumubo ulit.

Suminghal pa siya at ngumisi ng may sarkastiko. "Sakto? Sigurado ka ba? Sa liit niyang sandwich mo? Busog ka na niyan?" sunod-sunod na tanong niya.

"Ahh basta," lang ang nasabi ko at nagpatuloy sa paghigop ng kape.

Tinapos ko kaagad ang breakfast ko at nagbayad sa counter. Pagkalabas ko ng coffee shop ay napansin kong tahimik si Cali, though tahimik nga naman ito pag may tao kaya lang iba ang pagiging tahimik niya ngayon.

"Cali, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko. Tiningnan ko pa ang paligid baka may tao na nakatingin sa akin at napansin ko namang wala kaya bumaling ulit ako kay Cali.

"Paano ako magiging okay kung iyon lang ang kinain mo? Okay lang sana kung nasa bahay ka lang at wala kang ginagawa pero hindi e nandito tayo at sigurado akong mapapagod ka. Kaya dapat may saktong laman iyang tiyan mo." Pinakita niya sa 'kin ang pag-a-alala kaya imbis na matuwa ako dahil sa concerned siya sa 'kin ay natawa pa ako dahil sa itsura niya.

"Huwag ka ngang iiyak dyan!" pabirong sabi ko.

Siniringan niya ako at nakapamiwang pa na tumingin sa 'kin. "Sumeryoso ka nga," inis na sabi niya.

Sumeryoso naman ako kunwari. "Cali, promise ganito talaga ako. Sanay na ako na ganito ang kakainin ko sa umaga. Sa bahay nga minsan bread and bacon or egg. Minsan din ay cereal and milk. Minsan din ay ganoon, sandwich and coffee kaya huwag kang mag-alala, okay? Pero salamat sa concerned mo, I appreciate it naman," nakangiting ani ko pero suminghal  pa muna siya bago gumanti ng ngiti.

"Sigurado ka ha?" paninigurado pa niya at tumango-tango naman ako.

Pumunta agad kami sa pulis station. Nilakad lang namin ito dahil noong una ay akala ko malapit lang talaga ito sa lugar kung saan nangyari ang aksidente pero nagkakamali ako dahil sobrang layo pala kung lalakarin. Ang hagard ko na tuloy at parang gusto ko ng maligo dahil sa mga pawis na nagsilabasan sa katawan ko.

"Sa wakas!" bulalas ko nang makarating kami sa destinasyon namin.

"Sana sumakay na lang tayo no?" reklamo niya.

"Bakit? Napapagod ka?" taas kilay na tanong ko.

"Medyo," nakangiwing aniya kaya taka ko naman siyang tiningnan.

"Nakaramdam ka rin ng pagod?"

"Oo, lahat ay mararamdaman ko pa rin. Nakaramdam ako ng lungkot, saya, pagod, inis, pagkadismaya, takot at saka pagmamahal."

"Lahat ng iyon?" tanong ko ulit at tumango-tango naman siya.

"Lahat ng pwedeng maramdaman ng buhay ay nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano."

"Wow! Iba ka talaga no?" hinampas ko pa siya ngunit lumampas lang ang kamay ko.

"Kung mahahawakan mo ako, siguradong masakit iyong hampas mo."

"Hindi naman," nakangising sabi ko at nagpaumunang pumasok sa loob ng pulis station. Dumiretso ako sa mamang pulis na nakaupo sa mesa. Siya siguro iyong information desk dito.

"Good morning po!" bati ko rito.

"Good morning, ano pong atin ma'am?" tanong niya.

"Ahh, may itatanong lang po sana ako," medyo may pag-alinlangan pang sabi ko ngunit nilakasan ko na lang ang aking loob.

"Maupo po muna kayo ma'am." Sabay turo niya sa upuan na nasa harap ng mesa niya. "Ano po ba iyang itatanong niyo?"

"About po sa aksidenteng naganap noong isang araw, iyong malapit sa park?" sabi ko at kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo.

"Bakit po ma'am? Ano po bang gusto niyong malaman tungkol doon?"

"Dito po ba nakafile ang case niya?" diretsong tanong ko.

"Opo, ma'am."

Biglang nabuhayan ako ng malaking pag-asa dito sa dibdib ko. Dahil sa nararamdaman ko ay napatingin ako kay Cali ngunit ibinalik ko kaagad ang paningin ko rito sa mamang pulis.

"Pwede ko po bang malaman k-kung anong pangalan niya?"

"Bakit po ma'am? Hindi po kami basta-basta magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong may case file dito. Kaya pasensya
na po," sabi pa ng mamang pulis.

Pero hindi ako basta aatras, nandito na ako kaya dapat malaman ko na ang gusto kong malaman. Hindi ako papayag na uuwi na naman akong walang mapapala. Nilakad ko pa nga papunta dito tapos mauwi pa rin sa wala? Hindi 'to pwede, dapat malaman ko na kahit pangalan niya ngayon kasi ito na e. Ito na ang pwedeng makakasagot sa lahat ng tanong ko tungkol sa kanya.

"Kahit pangalan lang po niya sir." Nagpapaawa-face pa ako.

"Ma'am pasensya na po talaga, hindi po talaga pwede." Umiiling-iling pa siya.

"Sir, jowa ko po siya. Kaya may karapatan po akong malaman iyon!" Kunwaring iiyak ako pero ang totoo ay pinigilan ko lang ang inis ko.

"Jowa niyo po siya pero pangalan niya di mo alam?" may bahid na sarkasmo ang pagkasabi niya kaya mas lalo akong nainis ngunit hindi ko iyon pinahalata.

"Sir, matagal na po kaming hindi nagkikita kasi nga po nasa ibang bansa po ako nakatira ngayon. May kakilala lang po akong taga rito na kamukha daw ng jowa ko ang naaksidente, e wala naman po siyang kakambal kaya gusto ko pong kompermahin dito kung siya nga po!" Pinalabas ko na ang acting-skills ko at sana nga ay uubra.

"Pwede po kayong komuntak ng diretso sa pamilya niya ma'am kung sakaling gusto niyo nga pong kompermahin," aniya.

"Sir, ayoko po na sa pamilya niya ako mangungumperma. Baka po hindi siya ang naaksidente tapos isipin pa nilang may balak akong masama sa anak nila o di kaya ay baka iyan lang ang dahilan na mato-turn-off sila sa 'kin at ayoko pong mangyari 'yon," nakangusong kunwaring sabi ko.

'Makuha ka naman sa mga kadramahan ko! Napapagod at nababagot na ako kakaharap diyan sa mukha mo! Litse to!'

"Ma'am ano po bang pangalan ng jowa niyo?" tanong niya.

"Sir, ayoko pong banggitin ang pangalan niya. Nasasaktan po ako kasi kung ako mismo ang babanggit ng pangalan niya, parang inisip at tinanggap ko na siya talaga ang naaksidente. Sir, naman sige na po! Pangalan lang naman po hinihingi ko e! Wala na po akong paki-alam sa ibang imbistigasyon ninyo. Basta po makumperma ko lang na iyong jowa ko ay siya ba o hindi ang naaksidente!" nagmamakaawa kunwaring sabi ko.  Pinalabas ko na lahat ng kaartihan ko kaya please naman kumagat ka!

"Sige na nga," parang naubos pa ang pasensya niya at pumindot-pindot sa computer.

"Zion ang pangalan. Zion Diaz."

'Zion Diaz?'

Literal na napatigil ako matapos niyang banggitin ang pangalan at talagang hindi ko na alam kung anong tunay na nararamdaman ko ngayon.

"Siya ba ang syota mo, ma'am?" tanong niya pero tumingin lang ako sa kanya at tila walang lumabas sa bibig ko maski isang salita. "Ma'am, okay lang po ba kayo?"

"Ahh, s-sigurado po ba kayo sa sinasabi niyong pangalan? B-baka po nagkakamali lang po kayo eh," tingi at utal-utal na tanong ko. Sa isip ko kasi ay umaasang nagkakamali lang ang pulis na ito.

"Iyan po ang nasa information list namin ma'am," sagot niya at wala na akong ibang nagawa kundi mapayuko pagkatapos niyang sabihin iyon. "Pero huwag po kayong mag-alala ma'am baka kapangalan at kaapilyedo lang niya ang biktima. Tawagan niyo po ang syota niyo para makasigurado kayo," dagdag pang aniya pero alam kong pinalakas niya lang ang loob ko.

Posibleng kapangalan at kaapilyedo niya nga lang kaya Precious 'wag kang mag-isip ng masama.

Lumingon ako kung saan nakatayo si Cali kanina ngunit nagtaka ako kung bakit wala na ito sa pwesto niya. Napalinga-linga pa ako kung saan-saan ngunit wala talaga siya.

"Ma'am, may hinahanap po ba kayo?" nagtatakang tanong sa akin ng mamang pulis.

Umiling lang ako at pilit na ngumiti."W-wala po, ahm, maaari ko po bang malaman kung dinala ba siya sa hospital?" kinakabahang tanong ko.

"Opo ma'am. Dinala po."

"S-Saang hospital po?" tanong ko.

Tiningnan pa muna niya ako ng maigi na animo'y binabasa ang laman ng isip ko kung talaga bang hindi masama ang pakay ko.

Sinabi niya sa akin ang pangalan ng hospital. Hindi na ako nagtagal pa at nagpasalamat ako sa kanya. Tinahak ko ang daan palabas ng station habang palinga-linga pa rin. Hindi ko makita si Cali sa loob kaya nagbabakasakali akong nasa labas siya.

Cali, 'di ba hindi ikaw si Zion na bestfriend ko? 'Di ba?

"Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ko nang makita ko siya at marahan naman niya akong liningon.

"Nagbabakasakali lang akong may maalala dito sa labas," malungkot na sagot niya. Napabuntong-hininga naman ako at napatitig sa kanya.

"Ano? Alam mo na ba pangalan ko? Ang tunay kong pangalan?"

Tinitigan ko pa muna siya at pilit kinikilala ang mukha niya kung kamukha ba sila ni Zion na siyang bestfriend ko ngunit masyadong malayo ang hitsura nila. Chubby kasi noon ang pisngi ni Zion kaya pilit kong inisip na hindi talaga siya ang bestfriend ko. Kapangalan at kaapilyedo lang niya talaga. Ayokong tanggapin, ayokong isipin na siya talaga kahit alam ko sa sarili ko na may posibilidad.

Continue Reading

You'll Also Like

821K 28.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022