Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 05
✔US Chapter 06
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

✔US Chapter 07

54 8 0
By Chencheniah

PRECIOUS' POV

Lakad lang ako ng lakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong makita maski isang tao. Hindi rin ito pamilyar na lugar para sa akin at ramdam ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos naliligo na nga ako sa pawis ko. Hindi ko na rin mapigilan ang panginginig ng kamay at tuhod ko dahil sa sobrang takot.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang batang lalaki na nakatalikod. Huminto ako at nanatili sa kanya ang paningin ko pero maya maya lang ay akma na sana siyang lilingon sakin ngunit may humila sa kanya sa isang madilim na parte ng lugar na ito. Naaninag ko pa ang pagpanlaban niya.

"Precious! Tulungan mo 'ko!" biglang sigaw nito at humihingi pa ng tulong sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan pa ng todo na halos hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kilala ko ang boses na iyon kaya tumakbo ako papalapit doon.

"Zion!" matinding sigaw ko.

NAPABALIKWAS akong bumangon sa kama na hingal na hingal. Panaginip lang pala ang lahat pero iyong kaba ay nandito pa din.

"Precious, okay ka lang?" Napatingin naman ako kay Cali na papalapit sakin. Umupo siya sa gilid ng kama at humarap sa gawi ko.

"O-okay lang ako. May napapanaginipan lang ako," hinihingal na sabi ko.

"Zion ang huling binanggit mo. Sino ba iyang Zion na iyan?"

Huminga pa muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya. "Siya iyong sinabi ko sayong bestfriend ko."

"Lalaki siya?" aniya at tango lang ang naisagot ko.

Bumuntong-hininga pa ulit ako bago ko kinwento lahat ng nangyari sa panaginip ko. Presko pa rin lahat sa isipan ko at pati nga itsura ni Zion ay tandang-tanda ko pa. Iyong paghingi niya sa akin ng tulong ay parang naririnig ko pa nga.

"Precious, panaginip lang iyon. Hindi iyon mangyayari sa kaibigan mo dahil dulot lang iyan ng pananabik mong makita siya."

Tumungo ako at iniisip ang mga nangyari. "Sana nga walang ibang ibig sabihin iyon. Natatakot ako Cali," naiiyak na sabi ko. Lumapit naman siya sa akin at yumakap. Naramdaman ko ang parang malamig na bumalot sa 'kin.

"Precious, huwag mo ng isipin iyon. Walang ibig sabihin iyon." Kumalas na siya sa yakap at humarap sa akin. "Sige na, matulog ka na ulit," nakangiting aniya. Umalis siya sa kama at bumalik sa couch.

Pero nagtaka ako kung bakit niya ako nahahawakan at nayayakap. "Cali?" tawag ko sa kanya. "N-nahahawakan mo ako? P-paano nangyari 'yon? Diba hindi ka makakahawak ng kahit na ano? Paanong nayakap mo ko?" nagtatakang tanong ko at kita ko naman sa mukha niya na nagtataka rin siya.

Tumayo siya at akmang hahawakan iyong picture frame sa ibabaw ng side table ko pero nabigo siya. Lumagpas lang ang mga kamay niya. Taka naman siyang lumingon sa 'kin at saka sinubukan ulit na hawakan ang frame pero ganoon parin ang nangyari.

"Bakit, hindi ko ito mahahawakan?" takang tanong niya na tumingin pa sa dalawang kamay niya.

"Subukan mo itong ibang gamit."

Inabot ko sa kanya ang libro pero gano'n pa rin at hindi talaga niya mahawakan. Inabot ko ang unan, 'yung teddy bear kong maliit, pati human sized teddy bear ko at yung phone ko pero hindi pa rin. Taka kaming nagkatinginang dalawa.

"Hindi pa rin," iling-iling na sabi niya.

Bumangon ako at lumapit sa kanya. Akma ko siyang yayakapin ngunit lumagpas lang ako sa kanya. "Yakapin mo 'ko," utos ko sa kanya.
Nag-aalangan pa siya noong una pero ginawa niya pa rin. Nagulat pa ako ng parang nahawakan niya ako at nakayakap nga siya sa akin. Kumawala agad ako at nanlaki ang mga matang tumingin sa kanya.
"Nayakap mo ako! Paano nangyari iyon?" hindi makapaniwala pa ring usal ko at gano'n rin ang pagtataka niya.

"Hindi ko rin alam. Hindi mo ko mahahawakan ngunit nahahawakan kita? Iyong ibang bagay hindi ko maigalaw at mahawakan pero bakit ikaw, magawa ko?"

"Kalokohan to." Pinisil ko pa ang pisngi ko. Sinampal ko pa ito sa kanan at kaliwa. Nakaramdam nga ako ng sakit kaya napagtanto kong tunay na gising nga ako at hindi ito panaginip.

"Bakit mo sinaktan ang sarili mo?"

"Gusto ko lang malaman kung gising na ba talaga ako o panaginip lang ito."

"Totoo 'to, pati ako naguguluhan na!" aniya na ginulo pa niya ang kanyang buhok.

Kunot-noo akong tumingin sa gilid na animo'y nag-iisip. Sinubukan ko siyang hampasin ngunit lumagpas ulit ang kamay ko sa kanya.

"Now this is crazy," bulong na usal ko na tumingin pa sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Wala akong mahitang ideya kung bakit nagkaganito," nakayukong aniya.

Bumuntong-hininga naman ako at lumapit sa study table ko. Binuksan ko ang laptop at nagsearch ng location sa pulis station malapit sa lugar ng E. Aguinaldo Highway.

"Anong gagawin mo?" sumunod siya sakin at nakitingin na rin sa ginawa ko.

"Hahanapin ko ang location ng pulis station," sagot ko.

"Precious, hindi pa ito tamang oras para gawin iyan. Matulog ka muna ulit at bukas paggising mo pwede mo ng trabahuin iyang ganyan. Huwag mong puyatin at pagurin ang sarili mo ng dahil sa akin," saway niya ngunit patuloy pa rin ako kakapindut sa laptop. "Precious, makinig ka naman sa akin. Matulog ka muna ulit, please. Saka mo na iyan problemahin."

"Cali, huwag mo na akong alalahanin. Ang alalahanin mo ay iyang misyon mo. Paano na lang kung iyang mga p-pagbabagong nangyari sa ’yo ngayon ay senyales pala para gawin na nga natin ang misyon mo? Paano na lang isang araw may pagbabago na namang mangyari sa ’yo? Paano na lang kung 'yang pagbabagong mangyayari sa 'yo ay 'yong bigla na lang maglaho iyang katawan mo tapos tanging tinig mo na lang ang maririnig ko at hindi na talaga kita makikita?" nag-aalalang sabi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.

"Precious, magagawa naman natin ang misyon ko kahit sakto ang pahinga mo. Mas importante sa akin ang kalusugan mo. Baka sa kakapuyat mo ng dahil sa pagtulong mo sa 'kin ey magdudulot pa ng masama diyan sa katawan mo. Precious, patay na ako at kahit magawa ko pa ang misyon ko ay hindi na magbabago iyon dahil patay na ako. Kaya mas inaalala kita kasi buhay na buhay ka pa. Ayokong  pabayaan mo ang sarili mo para sa sarili kong misyon!" pilit niyang ipinaintindi sa 'kin ang lahat. Naiintindihan ko naman siya ngunit may naramdaman akong kirot sa dibdib ko na animo'y ayokong tanggapin ang salitang 'patay'.

"Hindi. Cali, may kutob akong h-hindi ka pa talaga patay. Maniwala ka sa akin," seryosong sabi ko.

"Patay na ako, kaya nga ako andito sa harapan mo at kaluluwa na. Wala na akong buhay Precious," malumanay sa sabi niya at napayuko naman ako.

"Posibleng hindi ka talaga patay, Cali. Noong isang araw pa nangyari ang aksidente. Malay natin kung nasa ospital ang katawan mo at hindi biro ang dinanas ng katawan mo doon?" Muli ko siyang tiningnan.

Bumuntong-hininga naman siya at pinakita pa rin niya sakin ang nag-aalalang tingin niya. "Look, kung inaalala mo nga ako, okay wala kang dapat ipag-alala kasi kung pagod na talaga ako, kusa akong magpapahinga. And besides, hindi na ako makakatulog pa ulit sa kabila ng napaginipan ko."

"Basta huwag mong pababayaan ang sarili mo, Precious please?" Tumango lang ako at ngumiti. Nakita ko namang bumuntong-hininga ulit siya.

Hindi ko na lang muna iyon pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paghahanap ng location. Hanggang sa mahanap ko iyon at kinuhanan ko ng picture ang nakuha kong lugar. Namalayan ko na lang na umaga na pala dahil sa sinag ng araw na pumasok sa kwarto ko galing sa bintana. Sinara ko ang laptop ko at pumunta sa banyo para maligo. Hindi ko na muna pinansin si Cali na hanggang ngayon ay parang nag-aalala pa rin. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay saka pa lang ako lumabas nitong banyo.

"Tara?" yaya ko at nagtaka naman siya. "Alam ko na kung saan ang pulis station kaya tara na pupunta na tayo doon," sabi ko at tumayo naman siya.

"Ngayon na? Wala ka pang kain di’ba?"

"Doon na lang ako kakain,"

"Eh paano kung walang kainan doon? Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka na lang kakain?" nagbabantang aniya kaya pasinghal na natawa naman ako.

"May nakita ako kahapon na karinderya doon, malapit sa park.

"Kumain ka na lang kaya muna dito bago tayo aalis? Para naman sigurado akong makakakain ka talaga ng maayos. Tapos pwede ka pang magbaon ng pagkain kung sakaling matatagalan tayo doon," suhestyon niya pero umiling ako.

"Hindi ako papayagan ni daddy na pumunta doon kaya sa ngayong alam kong hindi pa sila gising ay aalis na tayo para hindi na nila ako mapipigilan." Magsasalita pa sana siya pero nauna na akong maglakad palabas ng kwarto. Ramdam ko namang sumunod siya sa akin.

Maaga pa kasi masyado at alam kong maya-maya pa sila magigising. Maingat akong naglalakad pababa hanggang sa sala. Ingat ko ring binuksan ang pinto palabas ng bahay hanggang sa makalabas na nga ako ng tuluyan at lakad-takbo akong pumunta sa kalsada.

"Hula ko dati mo ng ginawa ito no?" tanong niya nang nasa kalsada na kami.

"Ang alin naman?"

"Itong ganitong tatakas ka. Mukhang sanay ka na e."

"Hindi no?" agad na depensa ko at natawa naman siya.

"Hindi raw, pero kung makakilos ng ganoon, beteranong-beterano na." Nasa kalsada ang paningin niya habang ngisi-ngisi pa.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. "A-anong beterano?" tanong ko at natawa naman siya.

"Iyon bang kaugalian mo na talagang gawin iyon."

"Hindi talaga! Isang beses ko lang itong ginawa noon at pangalawang beses na ito," sabi ko at sakto namang may tricycle na dumating kaya agad kong pinara.

"Manong sa E. Aguinaldo Highway po sa may bandang park," sabi ko sa driver.

"Okay  ma'am," sagot niya.

Napatingin naman ako kay Cali na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. "What?" pabulong kong tanong.

"Bakit ka tumakas noon?" tanong niya na pinaliit pa niya lalo ang mata niya.

Tumingin pa muna ako sa driver bago ako sumagot ng pabulong. "Gusto ko kasing pumuntang mall noon ng walang kasama kaya ayun tumakas nalang ako," bulong ko at tumango-tango naman siya.

"Ma'am may sinabi po kayo?" tanong ng driver kaya napatikom ako at binigyan ng pilit na ngiti.

"Ahh wala po manong, may tumawag lang po sa akin." Pinandilatan ko naman ng tingin si Cali at tumikom naman ang bibig niya.

Tahimik na kaming bumyahe papuntang E. Aguinaldo Highway. Tumingin ako sa relos ko at alas sais na pala. Batid kong gising na sila do'n sa bahay, pero napagpasyahan kong mamaya na lang ako mag text sa kanya at sabihin na umalis ako.

Continue Reading

You'll Also Like

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
13.4M 749K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...