Unexpected Soulmate

By Chencheniah

3K 285 24

COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro... More

Unexpected Soulmate Prologue
✔US Chapter 01
US Chapter 02
✔US Chapter 03
✔US Chapter 04
✔US Chapter 06
✔US Chapter 07
✔U.S Chapter 08
✔U.S Chapter 09
Unexpected Soulmate Chapter 10
Unexpected Soulmate Chapter 11
Unexpected Soulmate Chapter 12
Unexpected Soulmate Chapter 13
Unexpected Soulmate Chapter 14
Unexpected Soulmate Chapter 15
Unexpected Soulmate Chapter 16
Unexpected Soulmate Chapter 17
Unexpected Soulmate Chapter 18
Unexpected Soulmate Chapter 19
Unexpected Soulmate Chapter 20
Unexpected Soulmate Chapter 21
Unexpected Soulmate Chapter 22
Unexpected Soulmate Chapter 23
Unexpected Soulmate Chapter 24
Unexpected Soulmate Chapter 25
Unexpected Soulmate Chapter 26
Unexpected Soulmate Chapter 27
Unexpected Soulmate Chapter 28
Unexpected Soulmate Chapter 29
Unexpected Soulmate Chapter 30
Unexpected Soulmate Chapter 31
Unexpected Soulmate Chapter 32
Unexpected Soulmate Chapter 33
Unexpected Soulmate Chapter 34
Unexpected Soulmate Chapter 35
Unexpected Soulmate Chapter 36
Unexpected Soulmate Chapter 37
Unexpected Soulmate Chapter 38
Gift Of Love
Gift Of Love (2)
I Love You Goodbye
I Love You Goodbye (2)
Tears In Heaven
Tears In Heaven (2)
Epilogue
Special Chapter
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

✔US Chapter 05

61 9 0
By Chencheniah

PRECIOUS' POV


First time kong bumyahe ng mag-isa at magko-commute pa. Kadalasan kasi kung lalabas akong mag-isa ay dala ko ang kotse ko.  Pero aaminin ko na may kaunting pangamba akong nararamdaman ngayon. Una ay hindi ko kilala itong manong na ito, pangalawa hindi ko alam kung saan ba talaga ang lugar na pupuntahan ko, pangatlo ay first time ko dito sa Tagaytay kaya hindi ko pa alam ang takbo ng utak ng mga taga dito. May kasama nga ako pero hindi naman niya ako matutulongan kung sakaling may lokong tao na lumapit sa akin.

Tahimik kaming bumyahe at napansin ko si Cali na busy'ng-busy kakatingin sa madadaanan naming lugar. Gusto ko siyang kausapin kaso baka mapansin ng manong driver at mapagkamalan pa akong baliw.

"Ma'am, sa Sky Ranch po ba punta niyo?" biglang tanong ni manong.

Narinig ko na iyang Sky Ranch na iyan. Kung hindi ako nagkakamali ay isa iyon sa mga best place dito. Pang leisure park yata ang lugar na iyon pero hindi ako narito para mag-enjoy. May misyon akong gagawin at iyon ang tulongan kong magawa ang misyon ni Cali.

"Hindi po, manong," sagot ko.

"E ma'am, saan ko po kayo ibababa?" tanong naman niya ulit.

"M-Manong, pwede po bang doon nalang sa iyong may naaksidente po noong nakaraan? Pwede po bang doon mo nalang ako ihahatid?" nag-aalinlangang sabi ko at nakita ko naman kung paano siya natigilan.                           

"B-Bakit po doon, ma'am?" mautal na tanong niya sa akin.

"May titingnan lang po ako."

"Imbistigador ka po ba, ma'am? O may connection ka sa biktima?" tuloy-tuloy na tanong ni manong at napaisip naman ako sa tanong niya.

'Grabe! Imbistigador agad? Mukha na ba akong SOCO neto?'

"H-hindi po ako imbistigador, manong." Nginitian ko pa siya ng pilit.

"Kaano-ano mo po ba ang biktima, ma'am?"

"A-Ahh..." Napatingin ako kay Cali na ngayon ay nakatingin na rin sakin. Chismoso mo manong ah! 

"K-Kaibigan lang po ako. Oo."

"Ahh... gano'n po ba, ma'am? Grabe iyong nangyari sa kaibigan mo, ma'am." Napailing-iling pang siya at biglang nagising ang interes ko.

"Nakita niyo po ba ang nangyari, manong?" usisa ko.

"Naku ma'am, baka po kung magsasalita ako e gagawin niyo po akong witness sa nangyari. Ayoko ko pong madamay, ma'am," seryosong aniya.

"H-Hindi naman po kita gawing witness sa kaso, manong. Gusto ko lang talaga malaman ang nakita mo. Kung paano nagsimula at nauwi sa ganon ka brutal na pangyayari."

Matagal pa bago siya nagsalita. "Namamasada po ako noong mga oras na iyon ma'am, pero sakto naman po na nakasunod ako sa sasakyan ng biktima at nasa saktong linya lang po talaga siya. Iyong takbo po ng sasakyan niya ay normal lang kaso po may isang kotse na nangnakaw ng daan at pilit kaming lampasan. Laking pasasalamat ko nga po kasi nalampasan niya ako ng maayos pero sa di inaasahan nabangga niya ang sasakyan na siyang sinasakyan ng biktima. Sobrang lakas ng pagkabunggo at natapon ito sa gilid ng kalsada. Wasak na wasak ang kotse niya ma'am! Mas nadagdagan pa po noong mabangga rin sa poste ng railings no'ng tumilabog siya," mahabang kwento niya.

Nakikinig lang kami sa kanya at tiningnan ko naman si Cali na ngayon ay alam kong nagugulat rin siya sa sinabi ni manong. "Ahh, manong, iyong bumangga po e a-ano pong nangyari doon?" tukoy ko sa suspek.

"Huminto pa po siya sandali matapos mangyari ang banggaan. Hindi nga lang po siya lumabas ng kotse niya. Mga dalawang minuto po ang lumipas at bigla siyang humarurot paalis. Hindi po siya naabotan ng mga pulis kaya balita ko po ay hanggang ngayon hindi pa po nahuhuli iyon." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagkatinginan pa muli kami ni Cali.

"Natandaan niyo pa po ba ang plate number ng kotse ng suspek?" tanong ko ulit.

"Hindi po ma'am, eh nabigla po talaga ako sa pangyayari. Hindi ko na po naisipang tingnan sapagkat iyong halos lahat ng mga buto ko sa katawan ay nanginginig na po noong mga oras na iyon."

Napaisip ako sa mga sinasabi niyang pangyayari. Hindi ko maiwasang maawa kay Cali dahil hindi talaga matatawaran ang nangyari sa kanya at iyon pa ang nagiging dahilan kung bakit siya namatay.

"Nandito na po tayo, ma'am," maya-mayang ani manong at do'n lang ako naibalik sa ulirat. Agad naman akong bumaba ng tricycle saka binayaran si manong. "Naku ma'am ang laki naman nito!" aniya at akma pa sanang ibabalik sakin ang pera.

"Iyo na po iyan, manong. Salamat din sa paghatid sakin dito tsaka sa mga impormasyong ibinahagi mo," sinserong sabi ko at ngumiti naman siya.

"Salamat din po dito, ma'am! Makakabili na po ako ng bigas para sa pamilya ko." Bakas sa mukha niya ang tuwa't saya. Kaya humugot pa ulit ako sa wallet ko ng isang libo at binigay sa kanya. "Para saan to ma'am?"

"Pang-ulam na rin yan," nakangiting ani ko.

"Maraming salamat po ma'am! Salamat po talaga!"

"Sige na manong, mag-iingat po kayo sa byahe niyo! Salamat ho ulit," sabay kaway na sabi ko.

Pinaandar na niya ang tricycle niya at sumaludo pa muna siya sa akin bago tuloyang umalis. Tinanaw ko pa siya hanggang sa hindi ko na siya makita saka palang ako bumaling kay Cali na ngayon ay nakatingin na sa kanang bahagi ng kalsada na nilagyan ng yellow line.

"Dito ka naaksidente," usal ko habang nasa poste ng railing sa tabi nitong kalada ako nakatingin.

"Wala pa rin akong maalala," sambit sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Huwag mo ng pilitin ang sarili mo, hayaan mong magkusang babalik ang alaala mo."

"Iyan din ang sabi ni taga-bantay." Bumuntong-hininga pa siya at muling tumingin sakin.

Kita ko talaga ang lungkot sa mga mata niya kaya pati ako nahawa na din. Bumuntong-hininga nalang ako saka bumaling sa tabi ng kalsada, baka sakaling may isang bagay na nahulog at pwedeng gawing impormasyon pero nabigo ako dahil wala akong makita kahit ni isa. Kung sabi ni manong kanina na may pulis na dumating pagkatapos ng aksidente, ibig sabihin naka record do'n sa kanila ang mga impormasyon tungkol kay Cali?

"Cali halika samahan mo ko," yaya ko kaagad sa kanya. "Magtatanong tayo kung saan ang pulis station dito," sabi ko saka nagpaumunang naglakad paalis.

Umalis kami at pumunta sa isang park na medyo malapit lang din sa lugar kung saan naganap ang aksidente. Medyo marami rin ang mga taong nandito pero kailangan ko na talagang kapalan ang mukha ko
kaya lumapit kami sa isang mama na nagkukurte ng mga halaman.

"Ahh kuya, excuse me? Pwede po bang magtanong?" sabi ko sa mama.

"Opo ma'am. Ano po iyon?"

"Alam niyo po ba kung saan ang pulis station dito?" tanong ko.

Umiling naman siya. "Bago pa lang po ako dito, ma'am eh. Hindi ko pa po masyadong kabisado itong luga."

"Hmm, sige po salamat na lang at pasensya na rin sa abala," sinserong sabi ko.

"Pasensya rin po, ma'am, pero pwede po kayong magtanong doon." turo niya pa sa mga lalaking nakatambay.

"Ah sige po, salamat!"

Iyon lang at umalis na ako. Papalapit na sana ako sa mga lalaki na parang mga tambay nang biglang humarang sa nilalakaran ko si Cali. Tiningnan ko pa ang mga tao sa paligid ko at nakita ko namang abala sila sa kanya-kanya nilang ginagawa kaya bumaling ulit ako kay Cali.

"Bakit?" bulong ko.

"Huwag kang lalapit sa kanila. Kita mo naman na itsura pa lang nila loko-loko na," sabi niya na tinuro pa ang mga lalaki.

"Magtatanong lang naman ako baka alam nila kung saan ang pulis station dito," pabulong na sabi ko saka tumingin sa mga tao sa paligid.

"Precious, parang mga addic iyan e! Pa'no kung pagtripan ka lang nila? Tandaan mo precious, sa paningin nila ay wala kang kasama. Hindi nila ako nakikita at mas lalong hindi kita matutulongan kung sakaling pagtripan ka nila," seryosong sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako.


Tumingin ako sa kanya at bahagya pa akong tumingala kasi medyo mataas siya sakin ng kaunti. "Paano natin malalaman kung saan ang pulis station?" nadidismayang tanong ko.

"Precious, mas mahalaga ang kaligtasan mo. Pwede ka namang magtanong sa iba. Sa kanila oh?" Tinuro niya pa ang mag-couple na parang nagde-date.

"Hala, ayoko! Baka mapagkamalan akong third wheel niyan!" pabulong na asik ko.

"Hmm, may point ka rin. Baka sampalin ka bigla ng babaeng iyan." Tumawa pa siya at pabirong inirapan ko lang siya.

"Halika? Upo tayo do'n?" Tinuro pa niya ang isang cemented bench na nasa dapit gilid ng park.

Pinagkrus ko naman ang braso ko saka sumunod sa kanya at umupo doon. Sa paningin nila ako lang mag-isa, pero di nila alam na may kasama akong slight creepy but a very good friend.

"Alam mo dati, palagi akong nakatambay sa park malapit sa bahay namin. Kasama ko iyong bestfriend ko," sabi ko at tumingin naman siya sakin. "Siya lang talaga ang palagi kong kasama kung busy si kuya pero iniwan din niya ako. Lumipat sila sa Laguna tapos wala na akong balita sa kanya. Pero kahit di ko na siya nakasama, bestfriend parin ang turing ko sa kanya. Actually, namimiss ko na nga siya ng sobra-sobra e," kwento ko habang nakayuko.

"Kung sakaling magkita kayo tapos hindi ka na niya papansinin, ituturing mo pa rin ba siyang bestfriend?" maya-mayang tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Napaisip naman ako. "Hmm, kung mangyari man iyon? Siguro ituturing ko parin siya. Siya lang kasi ang nag-iisang friend slash bestfriend ko pa. Kaya kahit gawin pa niya iyang sinasabi mo ay siya parin ang bestfriend ko," seryosong sabi ko saka bumuntong hininga at tumingala sa puno. Napangiti naman ako nang may nakita akong dalawang ibon na naglalaro sa sanga nito.

"Totoo ka talagang kaibigan. May ganyan kaya akong kaibigan noon?" aniya na parang nag-iisip pa.

"Siguro. Malalaman lang natin iyan kapag nakilala na natin ang tunay na ikaw," sabi ko na nasa dalawang ibon parin ang paningin ko.

"Sana nga." Nahihimigan ko naman ang malungkot na pagkasabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Huwag ka nang malungkot. Gagawin ko naman lahat para matulongan ka. Tiwala lang tayo, dahil alam kong magagawa rin natin iyang misyon mo at makakabalik ka na sa langit. Kaya cheer up!" masiglang sabi ko pa.

Ngumiti naman siya at tumango-tango. "Mabuti na lang at ikaw ang nakatakda no? Kasi kung iba, siguro gumawa na sila ng paraan para hindi ko sila magagambala."

"Ang totoo, noong una talaga gustong-gusto kong kumuha na espiritista para m-mapalayas kita. Kaso noong time na din 'yon, nakita ko iyong picture mo sa diyaryo ni daddy at nalaman kong naaksidente ka. Nakaramdam ako awa sayo kaya naisipan kong tulongan ka," seryosong sabi ko habang nakatingin kami sa isa't-isa.

Ngumiti pa siya sa 'kin. "Salamat!"

"Diba sabi ko sa iyo, saka ka na magpasalamat sa akin kung nagagawa ko na ang dapat kung gawin. Mamadaliin ko 'to sa abot ng makakaya ko," sabi ko sa kanya at tanging ngiti lang ang ginanti niya.

Muli siyang tumingin sa kawalan na animo'y nag-iisip. Tumingin naman muli ako sa puno at sa dalawang ibon na hanggang ngayon ay nasa sanga parin naglalaro. Ganyan kami noon parati ni Zion. Sana makita ko na siya. Ilang oras pa ang lumipas bago kami nagpasyang umuwi. Parang nag-eenjoy na ako kasama si Cali.

Continue Reading

You'll Also Like

810K 13.6K 32
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
162K 9K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
25K 976 15
This story is all about a two person who met online, fall inlove with each other and end up saying goodbye because of the one of them
99.7K 1.6K 8
Hell University By KIB A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong...