Allaria: The Blazing Fire

By yesrhyn

707K 26K 4.4K

Alexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him... More

Prologue
1 Lost
2 Royalties
3 Hope
4 Air Prince
5 Drunkards
6 Mission
7 His Smile
8 Master Healer
9 Disaster
10 Training
11 Return
12 Trauma
13 Allarian Academy
14 New Tyro
15 Space
16 Mark
17 Examination
18 Friends Forever
19 Fall
20 Nature Prince
21 Kiss Me
22 Empty
23 Found
24 Torture
25 Share Your Pain
26 Oppa
27 Let Go
28 Goodbye
29 Gone
30 Choose, Fire Prince
31 The Blazing Fire
32 Memories
33 Ritual
34 His POV
35 Risk
37 Exchange
38 Best friend
39 Elium
40 Mortal
41 Warning
42 Massive
43 Madness
44 Brother
45 Just This Once
46 Promise
47 Brave
48 She Belongs to Me
49 Fear
50 Sacrifice
51 Acceptance
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

36 Forest of Mischief

11.8K 422 158
By yesrhyn

Philippe's POV

"Kailangan niyong maghanda. Papalapit na ang digmaan. Kayo ay lilipulin ng mga kaaway upang makamit ang kanilang minimithi," saad ni Legendary Cita. Pinatawag kaming mga prinsipe sa palasyo ng Allaria para sa isang pagpupulong, at hindi pa rin maproseso ng utak ko na kaharap ko ang isang babaeng akala ko ay sa alamat lang matatagpuan.


"Digmaan? Mga Miletrian na naman ba?" Emperor Lloyd gritted his teeth, while Cita nodded in response. "Ano ang kanilang pakay sa ating lupain at ganoon na lang ang kagustuhan nilang pabagsakin ito? Matagal ko ng iniisip ito ngunit wala akong makitang mabigat na dahilan upang kuhanin at ipapatay nila ang aking anak, at ngayon, pati Allaria ay gusto nilang lipulin?!"


"Malalaman mo rin ito Lloyd, ngunit huwag kayong mabahala, nakita ko sa aking pangitain na tayo ang magwawagi. Magkaganoon man, huwag kayong pakampante. Magsanay at magpalakas pa rin kayo upang ano man ang mangyari ay handa ang ating lupain," saad niya na ikinahinga ko ng maluwag. That is a relief. Hindi ako papayag na matalo kami. Magkamatayan na.


"Ako ay lilisan na, ngunit bago iyon nais ko kayong balaan mga prinsipe." Nilingon niya kami dahilan para mahigit ko ang aking hininga. Her stare is so intimidating, pero maganda! Hot chick! Pero wag na lang, baka maaga akong mawala. "Lalong-lalo ka na prinsipe ng apoy." Xander was looking at her blankly as if he was not even scared of a legendary woman. Seryoso ba ang lalaking yan?! Hindi ba siya natatakot kay Cita?!


"Wag niyo ng ituloy ang inyong binabalak. Kapalaran na ni Amara ang kamatayan simula pa noong una. Huwag niyo ng tangkain pang baguhin ito, dahil kung hindi, pighati at sakit lamang ang inyong matatamo," she said before disappearing into thin air.


Doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag. I can't breathe properly because of her massive presence. Tsk. Sayang kung hindi lang talaga siya ganoon kalakas, liligawan ko yun. Ang ganda talaga pre. Pero maiba ako ha. Pighati at sakit? Hindi ba kabaligtaran ang mararamdaman namin pag bumalik na siya?


"Anong ibig sabihin ng sinambit ni Cita, Alexander?" Emperor Lloyd asked.


"We are going to the Cave of Chaos, your royal highness," he said casually as if it is not a big deal! Anak ng gwapo! Kung hindi lang talaga para kay baby girl ay hinding-hindi ako sasama sa kanila. Paano na lang kapag nawala ako? Babaha ng luha ng mga magagandang dilag! At mawawala ang nag-iisang gwapo sa Allaria. Iniisip ko pa lang, napapailing na ako. Hindi maaari.


Nabalik ako sa ulirat ng may mambatok sa akin. "Hoy! Bakit umiiling-iling kang mag-isa dyan? Siraulo," walang hiyang saad ni JoshTorpe dahilan para ambahan ko siya ng suntok. Tch.


"Are you sure? Malalagay sa peligro ang inyong buhay. Hindi basta-basta ang susuungin niyo sa kwebang iyon! Paano kapag hindi kayo nakaligtas? Alam kong gusto mong maibalik ang aking anak, gustong-guston ko rin Alexander, ngunit isipin niyo ang inyong mga kaharian. Mawawalan ng mga tagapagmana ang trono, hindi iyon maaaring mangyari lalo na ngayon na may banta ng digmaan."


"I will never be deserving of that throne if I can't even enter a cave to bring her back. I beg your pardon, Emperor, but I will go inside that cave with or without your permission," may diing sabi niya bago maglakad papalayo. Mapabuntong hininga na lang si Emperor Lloyd habang nakatingin sa papalayong si Xander.


"Mukhang desidido na nga ang batang iyon," bulong niya bago kami hinarap. "Siguraduhin niyong makakabalik kayo mga prinsipe. Mag-iingat kayo."


Nagkatinginan kaming tatlo nina Vinn at Josh at tumango sa isa't-isa. Hindi kami karapat-dapat sa trono kung ang pagpasok sa kwebang yun ay hindi namin kakayanin. Kaya mo to Philippe. Isipin mong may naghihintay na magagadang dilag sa iyong pagbabalik.


***


"Mga pre, sigurado ba kayong papasok tayo d-dyan?" Nakailang kurap na ako sa pag-aakalang magbabago ang paligid pero hindi. Nakakabinging katahimikan, mga patay na puno, malamig na simoy ng hangin at madilim na kalangitan pa rin ang bumungad sa mga akin putcha. Ito ang literal na kagubatan ng lagim.


"Let's go," saad ni Xander bago maglakad papasok sa loob ng kagubatan. Napahawak naman ako kay Vinniel ng biglang kumulog ng napakalakas. Walanghiya talaga. Nasa bukana pa lang kami ganito na kaagad.


Napalingon ako sa likod at nalaki ang mata ko ng makitang humahaba ang mga sanga at tuluyan ng tinakpan ang lagusan. Talagang nakakulong na kami sa gubat na ito at ang tanging paraan lang upang makalabas ay kapag napagtagumpayan namin ang misyon.


Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad patungo sa gitna ng gubat kung saan matatagpuan ang kweba. Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko pero sa tuwing magiingay ang mga paniki at kukulog ng malakas ay napapakapit na lang ako sa braso ni Vinniel.


"Ahhh! Philippe! Sa tabi mo!" malakas na sigaw ni Josh. Napalingon ako sa tabi ko at napasigaw na lang ako ng malakas ng makitang nasa tabi ko ang isang babaeng bangkay. Nanindig ang balahibo ko at kumaripas ng takbo papunta kay Alexander at nagtago sa likod niya.


"Prinsipe, pakasalan mo ako." Boses bangkay na saad niya habang nakatingin sa akin. Alam kong babaero ako pero hindi ako napatol sa bangkay!


"Lumayo ka!" sigaw ko pero parang wala itong narinig at patuloy pa rin sa paglapit sa akin. Nanginginig na ang kalamnan ko sa takot. Pumipitik ang katawan niya at gumagalaw pa ang ulo habang tinatangkang hawakan ako. Punyetang bangkay!


"M-mahal k-ko." Sobrang lakas na ng pagtibok ng puso ko, pero kung inaakala niyong dahil sa kilig, putcha ka!


Ng malapit na siya sa akin ay agad ko itong itinulak papalayo. Kasabay nito ay ang paglalaho niya na ikinahinga ko ng maluwag. Sa wakas! Napatingin ako sa mga kasama ko pero nagtaka ako ng makita ang pamumutla ni Josh habang nakatingin sa likod ko.


Dahil sa pagtataka ay lumalikod ako at napasigaw uli ako ng makita ang bangkay na nakangiti sa akin ng nakakatakot! Ngiting papatay! Hinaplos niya ang pisngi ko na ikinatuod ko na lang. "Akin ka na p-prinsipe." Ng akmang hahalikan niya ako gamit ang amoy-bangkay niyang bibig ay agad ako natauhan at itinulak muli siya. Agad akong kumuha ng bato at ipinukpok sa bungo niya. Walanghiya! Hindi ko pinangarap na makahalik ng bangkay!


Ng makitang nakahandusay na ito ay agad kong nilingon ang mga kasama ko at sinamaan ng tingin. "Mga gago! Hindi niyo man lang ako tinulungan!" sigaw ko na ikinangisi ni Xander. Aba't!


Nagpalabas siya ng apoy at sinunog ang bangkay na iyon. Buti nga sa kanya! Hinding-hindi ko ipapaubaya sa kanya ang gwapo kong mukha! Pagkapatos na maging abo nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.


"Sa kalkulasyon ko ay mga tatlong araw pa ang lalakbayin natin para makarating sa kweba. Yun ay kung wala tayong makaksagupang kahit ano. Tandaan niyo, this is the Forest of Mischief. Talagang paglalaruan tayo at lolokohin ng gubat na ito," saad ni Vinniel.


Malayo-layo na rin ang narating namin dahil ilang oras na rin kaming naglalakbay, at natrauma yata ako dahil panay ang tingin ko sa likod at tabi ko. Mahirap na, baka may lumitaw na naman na hindi kaakit-akit. Tuwing naiisip ko ang nakangising mukha ng bangkay na iyon ay hindi ko mapigilang kilabutan.


"Sandali, niloloko ata tayo dito ah! Eh pabalik-balik lang tayo dito sa pwestong to kanina pa!" saad ni Josh habang nakaturo sa malaking puno na kanina ko pa ring napapansin.


"Oo nga mga pre. Nililito tayo ng gubat na to," saad ko. Kumuha ako ng isang maliit na sanga at itinali ito pabilog bago isabit sa sanga ng puno. "Lagyan natin ng palatandaan ang lahat ng dadaanan natin para hindi na tayo magpabalik-balik." Agad naman silang tumango bago kami magpatuloy sa paglalakad.


"Aba pre, mapapakinabangan ka naman pala. Akala ko magsisisigaw ka na lang sa takot dahil sa bangkay na yun eh," nag-aasar na saad ni Josh na ikinasinghal ko. Pagtalaga naranasan niya yun, ako ang unang-unang tatawa.


Nagpatuloy pa kami at mayamaya ay narating namin ang isang ilog. "May tubig!" Agad na nagtatakbo si Josh papalapit sa ilog. Susundan ko na dapat siya ng pigilan ako ni Xander. Taka ko naman siyang nilingon at nakita kong napapangisi siya habang nakatingin kay Josh. Ng ibaling kong muli ang tingin ko kay Josh ay muntik na akong mapahagalpak ng makita ang namumutla niyang mukha.


"B..bro, ma-may kumakalabit sa b-binti ko," nauutal niyang sambit. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang ulo at nanlaki ang mata niya ng makita ang isang bangkay na nakangisi sa kanya. Kita ko ang matutulis niyang kuko na dumadampi sa hita ni Josh.


"Aking anak, muli tayong nagkita," saad ng bangkay na unti-unting tumatayo. Kita ko ang nanginginig na kamay ni Josh at ang namumutla niyang mukha na ikinatawa ko ng mahina. Mukha siyang bangkay.


"Si-si-sinong a-anak?! H-hindi mo ako anak!" sigaw niya at akmang tatakbo na papunta sa amin ng nahagip ng bangkay ay paa niya dahilan para madapa siya at sumubsob sa tubig.


"Anak, bakit mo ba ikinahihiya ang iyong ina? Hindi ka ba masayang magsasama na muli tayo?" Nagpumiglas si Josh at pinagsisipa ang bangkay kaya nabitawan siya nito at mabilis na inanod ng rumaragasang ilog. Naghabol naman ng hininga si Josh at nanginginig na uminom ng tubig mula sa ilog.


"Mas gugustuhin ko pang maging ina ang aking totoong ina kahit na galit palagi sa akin kaysa sa bangkay na iyon," bulong niya na ikinatawa ko.


"Ako ka ngayon?! Ako nagsisisigaw, eh ikaw? Nanginginig? Namutla? Hahahaha," pang-aasar ko sa kanya dahilan para sabuyan niya ako ng tubig na mabilis ko namang naiwasan.


"Ulol," inis na sigaw niya na mas ikinatawa ko pa. "Pati ba naman kayo?!" sigaw niya ng makitang nakangisi si Xander sa kanya, samantalang si Vinn ay nagpipigil ng tawa. "Tara na nga, mga siraulo."


Dahil kalahating araw na rin kaming naglalakbay ay naisipan na rin naming magpahinga. Hindi naman ako mapapagod ng ganito kung hindi dahil sa mga bangkay na iyon. Tch.


Dahil ako ang may sakop sa lupa at mga halaman ay gumawa na ako ng basong gawa sa kahoy gamit ang aking kapangyarihan at ibinigay kay Josh para lagyan ng tubig dahil kaya naman niyang magpalabas nito gamit ang kanyang kapangyarihan. Nagpalabas rin ako ng mga prutas para may makain kami. Buti na lang talaga at maaaring gamitin ang mga kapangyarihan namin dito.


Habang kumakain kami ay patuloy lang kami sa pag-aasaran ni Josh ng matigilan siya at mapalingon sa likod ni Vinn. Nangunot naman ang noo ko dahil wala naman tao o bangkay sa likod. Ng mapagtanto ko ang gagawin niya ay napailing na lang ako at napangisi ng palihim.


"Uy may bangkay sa likod mo bro!" sigaw ni Josh.


"NASAAN?! ANONG ITSURA?! MUKHA BANG BANGKAY?! HOY?! ANO NA?!" sigaw niya at hindi man lang lumingon sa likod niya dahil sa takot. Naghagalpakan naman kami ng tawa dahil dun.


"Joke lang pre. Practice lang hahaha," saad ni Josh bago kami nagpatuloy na sa paglalakad. Busangot naman ang mukha ni Vinniel na ikinatawa ko. Mga siraulo talaga.


"Alexander! Tulungan mo ako! Alisin mo! Alisin mo!" sigaw ni Josh kay Xander na blangkong nakatingin sa torpeng duwag na si Josh. Natigil naman ako sa pagtawa ng naramdaman kong may pumupulupot ding mga sanga at halaman sa mga paa ko.


"Anong kagaguhan ito?! Ako ang tagapangalaga niyo! Bakit niyo ako kinakalaban?!" kausap ko sa mga pesteng halaman habang pinipilit kumawala sa mga ito.


Napatingin ako kay Vinniel at nakita ko siyang ginagamit ang hangin para lumutang sa ere. Isang kadayaan! Pero nanlaki ang mata ko ng makita sa kalangitan ang mga bumabagsak na... tae?!


"Ahhhh! Kadiri! Kadiri kayo!" sigaw ni Vinniel na nawalan na ng balanse dahil sa mga taeng sa bumagsa---umuulan. Nakapagpadagdag pa ang mga nakakaasiwang amoy! Muli kaming nagsisigaw at maski si Xander ay napapamura na lang dahil sa kababuyan ng lugar na ito!


Hindi na ako nakapagtimpi at agad na minanipulate ang ibang halaman upang kalabanin ang kapwa nila halaman. Ganyan nga! Kalabanin niyo ang masasama niyong kauri!


Ng tuluyan na kaming makawala ay napatawa na lang ako ng makita ang itsura nila. Para silang nagswimming sa pool na puno ng tae putcha. May tae pa sa tuktok ng buhok ni Xander hahaha hayop.


"Binaboy nila akooo!" madramang sigaw ni Josh habang nakasalampak sa lupa at pekeng lumuluha.


"Fvck these shits!" sigaw ni Xander habang tinatanggal ang tae sa buhok niya na tumalsik naman sa mismong mukha ni Vinn.


"Kanina pa akong nagtitimpi!" inis na sigaw ni Vinn bago dakmain ang tae sa mukha niya at ipahid si pagmumukha ni Alexander.


"Damn it!" at doon nagsimula ang gyera ng tae.


***


"Hinding-hindi na ako babalik dito! Isang malaking kahihiyan ang nangyaring ito sa aking tanang buhay!" sigaw ni Josh habang naglilinis kami ng katawan. Ginawa na nga naming shower ang kamay niya eh. Buti na lang talaga at may kapangyarihan siyang tubig, dahil kung hindi, mangangamoy tae kami hanggang sa makabalik kami sa academy.


"Uy may bangkay sa likod mo bro!" sigaw ni Josh na ikinasama ng tingin ni Vinn.


"Wag mo akong lokohin," he said with a bored tone.


"Pre, seryoso ako, sinasabi ko sa'yo, meron nga!" Turo ni Josh sa likod niya at nanlaki ang mata ko ng makitang meron nga.


"Wala akong pakialam."


"Talaga ba kapatid ko? Magtatampo na ako sa'yo niyan." Dahan-dahang lumingon si Vinn at umawang ang labi niya ng makita ang isang lalaking bangkay na ilang dangkal na lang ang layo sa kanya.


"Ah!" Napasigaw na lang si Vinn at walang pasapasabing sinuntok sa mukha ang bangkay ng lumuwa ang mga mata nito. Muntik pang bumangon ang bangkay kaya pinagsusuntok ito ni Vinn hanggang mawasak ang pagmumkha nito.


Nakahinga naman kami ng maluwag pero agad kong nahigit muli ang hininga ko ng makita ang mga bangkay na papalapit sa amin na sa kalkula ko ay mahigit isang daan. Napapalibutan na nila kami. Walanghiya! Parang may Zombie apocalypse! Nagkatinginan kaming apat at tumango sa isa't-isa bilang hudyat na sabay-sabay kaming aatake.


Nagpalabas na ako ng espadang gawa sa aking kapangyarihan at kita kong ganoon din ang ginawa nila. Agad kong itinuon ang aking pansin sa mga bangkay na malapit sa akin at iwinasiwas ang aking santada upang paslangin ang lahat ng lumalapit sa akin. Ginamit ko na rin ang aking kapangyarihan upang pagalawin ang lupa at mga halaman at atakihin ang mga kalaban.


Si Vinn naman ay ginamit ang hangin upang mabilis na umangat sa ere at palakasin ang hangin na dumala sa kanyang mga kalaban ilang metro mula sa amin. Samantalang si Josh ay tubig at yelo naman ang sandata na lahat ng kalaban niya ay nagiging taong yelo.


Ganoon din ang ginawa ni Xander dahil kita ko kung paano tumatama ang mga bolang apoy na tumutupok sa kalaban. Ng hindi na makapagtimpi dahil parang hindi nababawasan ang bilang nila ay agad niyang itinarak ang kanyang lumiliyab na espada dahilan para kumalat ang apoy na tumupok sa halos lahat ng bangkay na nakapalibot sa amin.


Binuksan ko naman ang lupa at sumenyas ako kay Vinn na tangayin sa loob ang mga natira na agad naman niyang sinunod. Ng masiguradong wala ng narita ay agad kong ibinalik sa dati ang lupa dahilan para matabunan ang mga bangkay sa ilalim. Literal na silang inilibing.


Napatingin ako sa mga kasama ko at kita kong may mga galos sa kanilang katawan dahil na rin sa pagkalmot ng mga pesteng iyon. Kahit hingal sa pahihipaglaban ay itinuloy namin ang paglalakbay.


***


Hindi ko alam kung ilang oras o araw na ba kami dito dahil simula ng pagpasok namin ay hindi man lang sumikat ang araw. Buti na lang at kasama namin si Xander. Nagamit niya ang kapangyarihan niya upang kami ay makakita at mainitan na rin dahil sobrang lamig talaga sa gubat na ito.


"Nakakausad na tayo. Nararamdaman ko na ang kakaibang hangin na nagmumula sa kweba. Kung alam ko lang ang eksaktong kinaroroonan nun ay pwede sana tayong magteleport," saad ni Vinn habang naglalakad kami. Buti naman at malapit na kami, pero ibig sabihin ba noon ay nakailang araw na kami dito?! Hindi masyadong halata ah.


Natigil naman ako sa paglalakad ng maramdaman ang paggalaw ng lupa. Sumenyas ako sa kanila at napatigil rin naman ang tatlo. "Bakit Phil?" takang tanong ni Josh.


"May paparating," saad ko na ikinaalerto nila. Malakas ang pakiramdam ko dahil ang lupa ang expertise ko at alam ko kung may nagbabadyang panganib.


Ihinanda na namin ang aming sarili dahil alam kong hindi basta-basta ang makakalaban namin. Paglalakad pa nga lang dumadagungdong na. Tsk. Siguradong dambuhala ang malalakaban namin.


Bumungad sa amin ang isang higanteng halimaw na may dalawang sungay at may hawak na latigo. Mapula ang mata nito at nakatingin pa sa amin. Agad kaming naghiwahiwalay at humanap ng tamang tyempo. Ng iwasiwas niya ang latigo ay agad kaming dumapa upang hindi matamaan nito. Rinig na rinig ko ang pagdaan nito sa hangin. Tch. Mukhang hindi ito basta-basta ah.


Nagpaulan si Alexander ng apoy sa halimaw na ikinaungol nito ng malakas. Nagalit ata. Walang takot na sumugod naman si Vinn at pinatamaan ng kanyang espada ang ulo nito. Samantalang si Josh naman ay paa ang pinupuntirya. Agad akong tumayo ay inutusan ang lupa na hulihin ang halimaw gamit ang mga sanga.


Nagawa naman nila, ngunit ng magwala ang halimaw ay agad na nagkaputol-putol ang mga sanga. Napasinghal naman ako dahil doon. Iwinasiwas niya ang kanyang ulo na may sungay at sa kasamaang palad ay natamaan si Vinn dahilan para tumama siya sa isang bato at mapaubo ng dugo.


"Ano Vinniel, kaya pa?!" sigaw ko na ikinangisi niya.


"Gago nagwawarm-up lang," sagot niya bago tumayong muli at sugudin ang halimaw.


Nagtagumpay namang mapabagsak ni Josh ang halimaw kaya ginamit ko ang pagkakataon na iyon para atakihin ito. Tumama ang kapangyarihan ko sa ulo nito dahilan para maagaw ko ang atensyon ng halimaw. Ng tuluyan na itong nakatayo ay agad niyang hinampas ang latigo sa akin. Buti na lamang at binigyan ako si Josh ng kalasag-tubig. Napangisi ako. Maaasahan rin pala ang torpeng iyon.


"Wala man lang bang salamat dyan?" pang-aasar niya na ikina-iling ko na lang. Napalingon ako sa likod ng dambuahan ito at nakita kong aatake si Xander sa likod. He jumped from behind the dambuhala—este monster hahaha, pasensya, hindi ako magaling mag-english eh. Paki niyo ba?


Inatake niya ito mula sa likod pero nakaiwas naman ang higanteng yun at walang kahirap-hirap na pinalipad si Alexander papalayo. Napangiwi naman ito sa sakit pero mayamaya ay agad ding bumangon at muling nagpaulan ng apoy. Pero hindi katulad ng dati, mas malalaki at mas malalakas ang tira ni Xander dito dahilan para mapaungol ito sa sakit.


Nagulat naman ako ng hindi inaasahang paghampas sa akin ng latigo niyang bugok. Tumama ito sa tiyan ko dahilan para tumilapon ako. Idagdag mo pa ang hanging dala nito.


"Nakakahalata na ako ha. Parang kinakalaban ako ng sarili kong kapangyarihan?! Hoy hangin! Umayos ka nga!" sigaw ni Vinn na hindi rin nakaligtas sa atake. Sa haba ba naman ng latigo niya ay natural na madala kaming apat. Kita ko ang inis sa mukha niya at napangisi na lang ako gumawa siya ng malaking ipo-ipo na nakapagpatangay sa halimaw ilang metro mula sa amin. Sumisirit na din ang dugo sa katawan niya pero nagawa pa rin nitong tumayo at atakihin muli kami.


Sinalubong naman siya ni Xander at nagpalitan ng atake. Nagawa niyang itarak ang espada niya sa halimaw ngunit dahil dito ay nagwala muli ang halimaw at marahas na sinakal si Xander bago itapon papalayo. Duguan namang napasandal si Xander sa tinamaan niyang puno at habol-habol ang hininga.


Maging ako at sina Vinn at Josh ay kakikitaan na ng pagod. Sa laki ba naman ng halimaw na ito. Bwiset talaga. Agad na gumawa si Josh ng isang latigong-tubig na katulad ng sa halimaw at sabay nilang iwinasiwas ang kanilang mga latigo sa isa't-isa dahilan para magkaroon ng isang malaking pagsabog dahil sa banggaan ng enerhiya.


Napapikit naman ako dahil sa nakakasilaw na liwanag at ng makahupa ay napasinghal na lang ako ng makitang nakatayo pa rin ang dambuhalang yun na umurong lamang ng ilang pulgada habang si Josh ay kita ang mga sugat at pasa na masamang nakatingin sa halimaw.


Mabilis akong umurong ng muntik na akong mahagip ng latigo ng punyetang iyon. Agad akong nagpakawala ng matutulis na sanga at pinabulusok ito sa direksyon niya kasabay rin ng pagpapakawala ni Xander ng mga nagbabagang apoy. Unti-unti ring lumalakas ang hangin na galing kay Vinn kasabay ng pagpapakawala ni Josh ng bolang tubig. Sabay-sabay na tumama ang mga atake namin sa halimaw dahilan para mapatuhod ito sa lupa.


Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para pabukahin ang lupa sa kinaluluhudan niya dahilan para mahulog ito sa loob. Napakawala pa si Xander ng malaking apoy at pinatama sa ulo ng halimaw dahilan para maglagablab ang sungay nito at matupok. Agad namang gumawa si Vinn ng patalim-hangin at ibinato sa ulo nito. Kita ko ang pagsirit ng dugo nito mula sa ulo bago ko takpan ang lupang kinalalagyan niya. Rinig ko pa ang malakas niyang sigaw bago tuluyang magsara ang lupa.


Agad naman akong napasalampak sa lupa at hinabol ang paghinga dahil sa pagod. Napuruhan din ako ng hinayupak na yun ah. Napadura na lang ako ng dugo bago tumayo at lumapit sa tatlong bugok.


"Ano ihahanda ko na ba ang kabaong niyo?" pang-aasar ko sa kanila.


"Pre, red daw ang kay Xander," saad ni Josh na ikinasama ng tingin ni Xander.


"Oo nga dre, tas green ang kay Josh," dagdag ni Vinn.


"Hoy! Pink kaya."


Napailing na lang ako sa kagaguhan ng mga ito. Tsk.


***


Ilang araw pa uli ang nilakad namin bago namin mahanap ang kweba. Ilang bangkay ang halimaw din ang nakasagupa namin bago makarating dito.


"Sa wakas! Mwahahaha!" pagbubunyi ni Josh.


"Tss. Let's get in," saad ni Xander na ikinailing ko na lang. Atat na atat na buhayin si Ara eh. Mahal eh. Anong magagawa. Siya ang nauna papasok sa kweba at kaming tatlo naman ay sumusunod lang sa kanya. Pero natigil kami ng pagtapak ni Xander ay biglang kumidlat at kumulog kasabay ng paglitaw ng isang pamilyar na babae. Si Amara.


Pero nakakapagtaka ang masama nitong ngisi sa labi at ang nang-aasar niyang tingin. Gulat ang makikita sa mga mata namin dahil sa paglitaw niya, lalong-lalo na si Alexander. Pangungulila, saya, at pag-asa ang nakikita ko sa kanya.


"Nate..." bulong niya at tangkang lalapitan si Ara pero agad siyang natigil ng sumigaw ni Vinn.


"Alexander! Hindi yan si Amara!" sigaw niya. Napatingin ako kay Ara at napagtanto kong hindi nga siya ang babaeng yun. Hindi ganyan tumingin si Ara. Nagulat naman ako ng tumawa ito ng malakas.


"Napakagaling niyo naman palang kumilatis ng isang tao. Ngunit bakit naloko kayo ng isang huwad na prinsesa?" pang-aasar niya na ikinasama ng tingin ni Xander.


"Don't use her body," utos niya pero tumaas lang ang kilay ng babae at pinagkrus ang braso.


"At bakit hindi? Siya ang hinihiling mong buhayin, hindi ba? Pero ang ipinagtataka ko ay bakit nakipagsapalaran kang pumasok sa lugar na ito upang muli siyang buhayin, samantalang ikaw naman ang dahilan ng kanyang pagkamatay? Hindi ba, prinsipe?" pang-aasar pa niya.


"Fvcking go back to your real form!" nanggagalaiting sigaw ni Xander na ngayon ay umaapoy na ang kamao dahil sa galit pero hindi man lang natinag ang babae. Hindi ako sanay na makitang ganito ang inaasta ni Ara. Kahit pa sabihing hindi siya ang babaeng yun, pero katawan niya ang gamit nito.


"Why would I? If you can't kill someone who looks exactly like her, then you are not deserving to bring her back from death. In short, kill me and she will live," she grinned. "Can you?"


______mistyrhynn______

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
7.8K 569 11
Serpentine is a kingdom known for being a blessed land. Because of the salvation of the first Lord of the land thousands of years ago, the people of...
33.5K 1K 56
Meet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne...
20.8M 763K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #01 â—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...