Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.4M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 334

402K 21.2K 31.2K
By eatmore2behappy

Back Home

Jay-jay's POV

Natatakot akong pumasok ng bahay. Pakiramdam ko nag-aabang na sa pinto si kamatayan, hawak ang kalawit niya. Tapos biglang bubulong ng 'Welcome Home'.

Ay putcha! Hindi ko yata kakayanin.

"Gusto—?"

"KAMATAYAN!" Sigaw ko na pumutol sa sasabihin ni Yuri.

Sabay sila ni Keifer na tumingin sakin na para bang isa akong baliw. Alanganin ngiti at ngiwi ang naging sagot ko.

"Look, kung natatakot ka kay Angelo sasamahan kita sa loob." Prisinta ng Hari ng mga Ulupong.

"That's what I'm about to say." Sabi ni Yuri.

Palihim kong kinagat ang labi ko. Kung tutuusin dapat kanina pa sila naka-uwi. Kayalang ayaw nilang umalis hanggat hindi nila nasisiguro na magiging okay ako sa kamay ni Kuya Angelo.

Hindi mangyayari yon.

Sinilip ko ang cellphone ko ng marinig ko ang pagdating ng text message. Lalu akong kinabahan ng makita kong galing yon kay Kuya yon.

From: Kuya Angelo
Message: Alvin said your whole section is absent. Please...if you read my messages call me.

Sa pagkakataon na to alam kong nag-aalala na siya. Mabilis akong nakaramdam ng konsensya. Mas sanay ako kapag galit siya dahil sa mga kalokohan ko, hindi ganitong nag-aalala siya sakin.

Hindi ko siya tinawagan kagaya ng gusto niya pero nagpadala ako ng text message na pauwi na ko ng bahay. Huminga pa ko ng malalim bago pindutin ang send.

Sandali kong tinignan ang gate ng bahay bago harapin sila Yuri at Keifer.

"O-okay na. Papasok na ko sa bahay." Sabi ko sa kanila at tumango naman sila.

Binuksan ko ang pinto ng kotse pero bago pa man ako makalabas nauna na sila bumaba sakin.

"We'll wait here for a while incase something happens." Sabi ni Keifer.

Tumango nalang ako at naglakad na palapit sa gate ng bahay. Sandali ko pa sila nilingon bago ako tuluyang pumasok. Dahan-dahan pa ang bawat hakbang ko bago makapasok sa pinto ng bahay.

Si Tita Gema ang una kong nakita na nakaupo sa sofa at halatang balisa.

"T-tita." Mahinang tawag ko sa kaniya at agad siyang lumingon.

"Jay-jay!" Sigaw niya at mabilis na tumayo para salubungin ako ng yakap. "Saan ka galing? Pinag-alala mo kami."

Yumakap din ako sa kaniya ng mahigpit. Akala ko galit pa rin siya sakin. Kahit papano nabawasan ang takot ko.

"Wag mo na uulitin yon. Baka patayin kami ng Mama mo kapag nalaman niyang nawala ka." Biro niya at bahagyang ngumiti.

Pero mabilis nawala ang ngiti niya ng makita niya ang pumasok sa pinto. Nilingon ko yon at bahagyang nakayukong si Keifer ang bumungad sakin.

"Good morning—."

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa malakas na sampal ni Tita Gema. Natakpan ko ang bibig ko dahil sa gulat.

"Ang kapal ng muka mo!" Isa pang sampal ang binigay niya. "Anong ginawa mo sa pamangkin ko?!"

Agad akong lumapit para pigilan siya pero nakahawak na ang dalawang kamay niya sa damit ni Keifer.

"Tita... W-wala siyang ginawa." Sabi ko pero parang wala siyang naririnig.

"Anong ginawa mo kay Jay-jay?! Ha?!" Sigaw pa niya at hinampas si Keifer gamit ang isang kamay niya. "Kagaya ka din ng Tatay mo! Walanghiya ka din! Mga hayop!"

"Tita!" Sigaw ko at pilit siyang nilalayo.

Kita ko ang galit sa mga mata niya habang umaagos ang mga luha. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya at bakit pati ang Tatay ni Keifer nabanggit niya.

Hindi naman lumalaban o nagsasalita si Keifer kay Tita Gema. Nakayuko lang siya habang tinatanggap ang hampas at sampal sa kaniya. Hindi ko maiwasan na hindi masaktan sa nakikita ko.

"Tita! Tama na po!" Sigaw ko habang naka-yakap sa kaniya at pilit siyang nilalayo.

"Mga walanghiya kayo! Hindi pa kayo nasiyahan sa paninira ng buhay ko pati pamangkin ko idadamay niyo!"

"MA!" Parang kulog na sigaw ni Kuya mula sa likod ni Keifer.

Napabitaw ako mula sa pagkakayakap kat Tita st tinignan si Kuya na may pakiki-usap.

Bumitaw si Tita Gema at sinalubong niya si Kuya. "Tumawag ka ng pulis! Ipadampot mo ang hayop na to!"

Kusa nalang ako napa-iyak ng makita kong umaagos pa rin ang luha ni Tita. Mabilis siyang niyakap ni Kuya.

"Sshh... Nothing happens. Jay-jay is okay." Mahinahong sabi ni Kuya Angelo.

Tinignan ko si Keifer na pinupunasan ang labing duguan dahil sa malakas na sampal ni Tita. Gusto kong lumapit at humingi ng tawad sa kaniya pero baka biglang magwala si Tita at magalit si Kuya.

"Hindi! Ipakulong mo yan!" Pagpipilit ni Tita.

"Ma, Keifer is not him. Please..." Halos pabulong na sagot ni Kuya.

"Ako ang tatawag —!"

"MA! STOP!" Sigaw ni Kuya na nagpatigil kay Tita.

Napa-atras naman ako dahil sa takot. Galit ang tono niya pero ramdam ko na may kirot. Ramdam ko na ayaw niyang ganito si Tita.

Nasasaktan siya.

Napalingon ako sa pinto ng makita ko si Yuri sa likod ni Keifer. Mukang nakuha na niya kung anong nangyari.

Nagsalubong ang tingin namin ng Hari ng mga Ulupong. Ngumiti siya para sabihin na okay lang ang nangyari. Pero hindi ganun ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako makita na tinatanggap lang niya ang sakit na para bang wala na siyang magagawa.

Pwede naman siyang mag-dahilan. Pwede naman niyang sabihin na inutos yun ni Kuya at nagkataon lang na kailangan naming magtagal. Pwede naman siyang magsinungaling.

Pero bakit tinanggap mo lang?

"Jay." Tawag ni Kuya na bahagyang nagpa-iktad sakin. "Ask them not to leave."

Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumango. Pinanood ko siyang alalayan si Tita papunta sa kwarto niya. Hinintay ko muna silang mawala sa paningin ko bago lapitan ang dalawa na nakatayo pa rin sa pinto ng bahay.

"W-wag daw muna kayong umalis."

Ngumiti si Yuri at tumango.

"I have no plan to." Mayabang na sagot nitong kumag. "Mama-manhikan na ko."

Pareho kami ni Yuri na napangiwi sa kaniya.

"Sira ba ulo mo?" Inis na tanong ko.

"Hindi. Pananagutan na kita." Sabi niya na parang wala lang. "Kaya nga galit na galit ang Tita mo. Sayang naman ang galit niya kung wala akong gagawin."

Sira-ulo!

Nag-tinginan kami ni Yuri at alam kong pareho kaming gusto ng banatan ng suntok ang tukmol na to.

"Alam mo, tarantado ka." Sabi ko at tinalikuran siya para pumunta sa kwarto ko.

Hindi ako tanga, alam kong nagbibiro lang siya para pagaanin ang sitwasyon. Hindi mawawala sa isip ko ang itsura niya habang tinatanggap ang mga sampal at masasakit na salita ni Tita. Sumisikip ang dibdib ko tuwing naiisip ko na wala kaming magawa para itama ang akala niya.

Nadaanan ko ang kwarto ni Tita na bahagyang nakabukas ang pinto. Nakahiga na siya sa kama habang kinakausap ni Kuya. May isang maid sa loob na may hawak na baso ng tubig.

Pinili kong wag muna manghimasok sa usapan nila. Hindi ko alam ang totoong nangyari, pero may mga bagay akong naalala habang naririnig ang mga sinasabi ni Tita.

Kilala ni Mama at Tita Gema ang mga Watson dahil minsan ng nagsalita si Mama tungkol sa kanila. Pero ngayon, napatunayan kong kilala ni Tita Gema ang Tatay ni Keifer. Base sa mga sinabi niya, meron siyang hindi magandang karanasan sa kanila.

Sinira nila ang buhay ni Tita.

Pagdating sa kwarto ko, inayos ko muna ang gamit ko bago magbihis. Nakatulala ako habang naka-upo sa kama at yakap ang dalawang tuhod ko.

Hindi ko gusto ang mga naglalaro sa isip ko. Bakit pakiramdam ko meron pang mas malalim na nangyari noon? Gusto kong malaman ang totoo pero hindi ko naman pwedeng tanungin si Tita at Kuya. Hindi ko rin alam kung may alam ba si Keifer.

Nakagat ko ang ibabang labi ko bago tumayo at maglakas palabas ng kwarto. Balak kong balikan sila Keifer sa sala pero napahinto ng makita kong kausap sila ni Kuya. At mukang seryosong-seryoso ang usapan nila.

Gusto kong lumapit para makinig pero alam kong malilintikan ako kay Kuya kapag ginawa ko yon. Nakontento nalang ako sa panood ko sa kanila sa malayo hanggang sa umalis na si Yuri at Keifer.

Hindi ko man lang sila naka-usap.

Napa-igtad ako sa gulat ng makita kong nakatitig sakin si Kuya Angelo.

"K-kuya..."

"Mag-usap tayo." Sabi niya at tuloy-tuloy na naglakad.

Sumunod ako sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa kwarto niya. Naupo siya sa swivel chair sa harap ng study table niya. Napa-upo naman ako sa kama.

"Sinabi ko bang maupo ka?"

Sabi ko nga tayo lang.

Napatayo ako ulit. Pasimple kong pinag-lalaruan ang mga kuko ko dahil sa kaba at takot. Kulang nalang lumabas ang puso ko sa dibdib at ipakitang natatakot din siya.

"Saan ka dinala ng tarantadong yon?" Seryosong tanong niya.

Lutong naman.

"S-sa... isla..." KO!

Sandali siyang tumahimik at nag-isip. Pakiramdam ko naglalaro na sa isip niya kung paano ako parurusahan. Baka iniisip niya kung ano ang mga pwedeng ginawa namin don. Baka akala niya kung ano-anong kalokohan ang ginagawa namin. Baka akala niya tumatakbo kami sa tabing dagat habang mag-kahawak ang mga kamay.

Wala naman kaming ginawang ganon! Tamang hinala pa naman si Kuya. Kaylangan kong linawin sa kaniya na wala talaga kaming ginawang masama o bagay na pagsisisihan namin.

"What did—?"

Agad akong lumuhod at pinagdikit ang mga palad ko bago pikit matang nagmaka-awa.

"Wala kaming ginawa Kuya! Maniwala ka! Galit ako sa kaniya kaya hindi siya makalapit sakin ng maayos tapos naaksidente pa ang shunga nadulas sa batuhan! Tabi kami natulog pero wala siyang nagawa kasi tinadyakan ko ang reindeer niya! Maniwala ka tinulak ko ang tukso! Walang siyang ginawa!" Sunod-sunod na sabi ko na hindi na pinagsalita si Kuya.

Dinilat ko ang isang mata ko para silipin siya at ang seryosong mga tingin niya ang bumungad sakin.

"Wow. Thanks for letting me know." Parang tunog sarcastic na sabi niya.

Tumayo ako nakayukong humarap sa kaniya. "W-wala talaga Kuya. Hinihingi niya kapatawaran ko kaya hindi siya pwedeng basta-basta gumawa ng kalokohan."

"But you literally sleep together."

Napalunok ako. "H-hindi ko siya pinayagan pero nagigising akong katabi ko na siya."

"That cunning asshole." Bulong niya na dinig ko pa din. "Kapag nalaman kong may ginawa siya sayo habang tulog ka, puputulan ko siya ng kinabukasan."

Reindeer?

Hindi na mabubuo si Caretaker at si Watcher. Dapat ba kong manghinayang?

"Bukas ka na pumasok. Wala na kayong afternoon class dahil sa hindi niyo pagpasok. Si Alvin na ang kakausap sa mga teacher." Sabi at akmang tatalikod sakin.

"Pwedeng magtanong Kuya?" Pigil ko sa kaniya.

Tumango siya para senyasan akong magpatuloy.

"Bakit mo inutusan si Keifer na wag ako pauwiin nung Friday?"

Alam ko naman ang sagot pero nagbabakasali ako na sasabihin niya sakin ang totoo. Na sasabihin niyang andito na si Papa at hinahanap niya ko.

Pero mukang wala talaga silang balak sabihin sakin.

"May bisita nung Friday. At naki-usap siyang payagan kitang tulungan siya." Sagot niya.

Gusto kong magmura at magalit sa kaniya. Gustong manumbat at paaminin siya sa totoong dahilan. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatago nila ang totoo sakin.

"G-ganun ba." Ang tanging nasabi ko.

Tinignan niya na ko na para bang sinusuri ako. "Make sure that you never done things with Keifer. Sinasabi ko sayo! Sa kumbento ang pasok mo!"

"Ay hindi ako tatanggapin don!"

Pinandilatan niya ko ng mata bago hubarin ang pambahay niyang tsinelas at akmang ipapalo sakin. Agad akong nagtatakbo palabas ng kwarto niya.

Akala ko talaga burol ko na ngayong araw. Mabuti nalang at nahabag pa siya sakin. Pero malamang ko naghahanap lang ng tyempo si Kuya. Bigla nalang isang, aawayin ako niyan.

Paghahandaan ko yon.

Balak ko sanang puntahan si Tita Gema pero baka nagpapahinga pa siya. Kaya bumalik nalang ako sa kwarto at nahiga. Kusa din akong nakatulog dala ng pagod.

Nagising ako ng gabi para sa hapunan. Pero tapos na silang kumain at ako nalang ang hindi pa kumakain. Habang nasa kusina at iniinit ang ulam bigla nalang pumasok si Aries.

"Hey..." Bati niya sakin.

"Yes, yes, yow." Sagot ko naman at agad niya kong tinignan ng masama. "H-hey..."

"Saan ka dinala ng kumag na yon?" Tanong niya habang nangunguha ng baso.

"Sa isang isla."

"Hindi kayo nagkita ni Percy?"

Umiling ako. "Hindi pa. Bakit?"

Bahagya siyang umubo bago magsalin ng tubig at uminom. Bigla kong naalala ang mga text message niya sakin.

"Tungkol nga pala saan ang mga message mo?"

"A-ano... Wag ka munang makikipag-kita sa kaniya."

Pati ba naman ikaw?

Gusto kong magalit dahil pinagtutulungan na naman nila ako. Pinaglilihiman. Walang silang alam na meron na kong clue sa kung anong dahilan ng kaguluhan nila.

"Hindi ko mapapangako."

Hindi na siya nagsalita. Binaba nalang niya ang baso sa lababo bago tumalikod at umalis. Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya.

Alam kong may kinalaman kay Papa ang dahilan kaya ayaw niya kong makipag-kita kay Percy pero hindi ko pa rin makuha ang ibig sabihin ng text message niya. Para bang meron siya kinatatakutan.

Naisip kong kuhanin ang cellphone ko at basahin ang ilan sa mga text niya. Para talaga siyang nagmamaka-awa na pakinggan ko ang paliwanag niya. Feeling ko tuloy alam niya na merong sasabihin sakin si Percy.

Tsk! Ano na naman kaya to?

Hindi ko maiwasan na hindi kabahan at isipin ang mga messages niya. At dahil sa kakaisip ko muntik ng masunog ang iniinit kong ulam.

Akala ko magliliyab na naman ang kusina ng dahil sakin. Baka ihawin na ko ni Kuya ng buhay. Hindi nga ako nasermunan sa hindi ko pag-uwi, malilintikan naman ako sa nasunog na kusina.

Napa-antanda nalang ako ng di-oras. Tahimik akong kuma-kain mag-isa sa kusina pero habang ginagawa ko yon naisipan kong padalhan ng text message ang kapatid kong asul ang mata.

To: Percing...
Message: Yow, wazzup?

Hinintay ko na sumagot ang kumag pero wala akong nakuhang sagot galing sa kaniya. Natapos akong kumain at nahugasan ko na ang mga pinagkainan ko pero wala pa rin. Wala na sana akong balak mag-abang pero dumating ang hinihintay ko kung kailan balak ko ng bumalik sa kwarto.

From: Percing...
Message: My pretty-pretty sistah, I'm outside your maderpaking house.

Napangiwi ako sa sinabi niya pero dali-dali pa rin akong lumabas. Siniguro ko na hindi ako magiging maingay. Pati sa pagbubukas ng maliit na gate.

Hinanap ko ang kumag at buti nalang hindi siya nagparada malayo sa bahay. Para akong kawatan na tumakbo palapit sa kotse niya at pumasok sa loob. Hindi ko pwedeng kalimutan na may nagtatangka pa rin sakin.

"Wazzup, Baby sistah." Bungad niya sakin sabay ngiti ng malapad.

Fresh na fresh ang itsura ng gago. Hawing-hawi pa ang buhok na para bang natadtad ng gel o hair wax.

"Ang pangit mo. Bakit ganyan ang ayos mo?"

Gulat niya kong tinignan na para bang masamang salita ang binitiwan ko. Humawak pa siya sa dibdib at napa-'o' ang bibig.

"Bastos!" Sigaw niya at mahina akong sinampal.

"Aray!" Reklamo ko at sinampal din siya.

Mas malakas nga lang ang bawi ko kaya matindi ang pag-ngiwi niya.

"Tado ka."

"Ang sakit naman! Sinisira mo ang maganda kong muka!" Tinignan niya ang sarili sa salamin.

"Tinatanong ka kasi. Bakit nga ganyan ang ayos mo?" May halong inis ang boses ko.

Kinuha niya ang maliit na suklay mula sa glove compartment. Sinuklay-suklay niya ang buhok pati ang kilay.

Mukang gago.

"Inaya ko kasi si Freya mag-date." Panimula niya. "Alam mo na, trying to get a second chance."

Tumango ako.

"Kaso nasa pinto palang ako ng bahay niya..." Napailing-iling siya. "Hindi na ko pinapasok. Sobra-sobra daw ang ka-gwapuhan ko para sa bahay nila."

Peke akong napatawa. "Lasing ka no? Korni ng joke mo eh."

Peke din siyang tumawa. "Hindi joke ang ka-gwapuhan ko."

Sabay kaming pekeng tumawa. Nagpalakasan pa kami hanggang sa masamid siya at naging tunay ang pagtawa ko.

"Tangina ka."

"Aray..." Sabi niya at hinawakan ang leeg bago bahagyang umubo.

Sa totoo lang naaawa ako sa kaniya. Ilang beses nang pinapa-muka sa kaniya ni Freya na wala siyang pag-asa pero hindi pa rin siya sumusuko. Gusto ko na din siyang patigilin pero nang minsan sinabi ko yon sa kaniya mabilis na naging malungkot ng mga mata niya.

Ayoko siyang makita ng ganun kaya hinayaan ko nalang siya.

"Yun lang ang dahilan kaya ganyan ang ayos mo?" Tanong ko at nagpilit siya ng ngiti.

"Balak ko din siyang ipakilala kay Mother."

Natigilin ako at napatitig sa kaniya. Kung andyan ang Nanay niya ibig sabihin, nandyan na nga talaga ang Papa ko.

Kinabit ko ang seatbelt na ipinagtaka ni Percy.

"Dalin mo ko kay Papa." Utos ko pero hindi siya gumalaw.

"Pwede naman. Kung handa ka sa sagupaang Jeana at Jaspher. Digmaan ng malulutong na mura at sampalan ng pera."

Napasibangot ako. "Ano? Anong pinagsa-sasabi mo dyan?"

Napakamot siya sa ulo. "Hindi ko talaga alam ang nang-yari pero hindi pa kayo pwedeng magkita hanggat hindi pumapayag ang Mama mo."

"Bakit? Hindi ba pwedeng kahit sandali lang? Hindi naman nila malalaman." Inis na sabi ko na may halong pag-mamaka-awa.

"Intindihin mo nalang. Ang Papa mo, nire-respeto ang gusto ng Mama mo. Ayaw din niya ng gulo. Kung pipilitin niya na makita ka, baka magkaroon ng maliit na digmaan." Paliwanag niya.

Inis kong tinanggal ang seatbelt. Gusto kong maiyak dahil sa inis. Ilang beses akong nagbuntong hininga hanggang sa maramdaman ko ang braso at kamay ni Percy sa balikat ko.

"Kaunting tiis nalang. Sooner or later you'll meet your Daddey."

Mahina akong natawa sa pagkakasabi niya ng Daddey. May halo pa kasing lande.

Wala talaga akong choice kundi ang tiisin muna na hindi siya makita. Nagpapa-salamat ako dahil andyan siya at si Keifer na gumagawa ng paraan at inaalalayan akong maghintay sa araw na hinihintay ko.

"Sa ngayon, magkasya ka muna sa pasalubong." Sabi ni Percy at bumitaw sakin para kuhanin ang nasa backseat.

Dalawang paperbag ang inabot niya akin. Puro mamahaling chocolate at candy ang laman non. Tinignan ko isa-isa ang laman at tinikman ang iba. Pinag-usapan namin ang mga gagawin sa susunod na araw.

Sa kasamaang palad pinag-bawalan na din siya ni Kuya na lumapit sakin kaya pala ngayong gabi niya naisipang magpakita. Napag-usapan din namin kung anong itsura ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi masabik.

"Dapat nga kay Freya ko bibigay yan eh." May tampong sabi niya.

"Buti nalang hindi mo naibigay." Mapang-asar na sabi ko.

Lalo siyang sumibangot at bigla ko nalang naalala ang mga nalaman ko tungkol kay Freya.

Balak ko sanang tanongin si Percy pero bigla kong naisip na baka wala din siyang alam. Matagal din siyang nawala at halos kailan lang bumalik. Minabuti ko nalang itahimik ang bibig ko.

Matapos ang ilang oras naming usapan, nagpa-alam na kami sa isat-isa. Bumalik na ko sa bahay at nang akmang bubuksan ko ang gate napahinto ako ng hindi ko mabuksan. Sinubukan kong silipin ang bahay at nakaramdam ako ng takot ng wala na kong makitang bukas na ilaw.

Hala! Nasaraduhan ako.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
541K 19.9K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...
29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
710K 24.8K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...