Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.3M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 333

425K 24.6K 62.7K
By eatmore2behappy

A/N: Wazzup? Tagal no? Ako din nainip.

By the way, a reminder to everyone. May nagsabi sakin na may gumagaya daw kay Jay-jay at lagi na din nagmumura.

Please! Don't!

Walang Keifer na hahalik sa inyo. Nanay na sasampal meron.




Home

Jay-jay's POV

"Jay-jay." Tawag ng kung sino. "Gising na."

Pilit kong dinilat ang mga mata ko at ang bukas na bintana ang bumungad sakin. Madilim pa rin sa labas, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ginigising na nila ko.

"Bangon na. Papanoodin natin ang sunrise." Excited na sabi ni Ci-N. "Tapos uuwi na tayo."

Oo nga pala.

Bago kami pumasok sa loob para matulog, napag-usapan na panoorin ang pagsikat ng araw bago kami umuwi. Lahat kami pumayag dahil baka matagalan pa ang susunod na outing namin.

Pinilit ko ang sarili kong bumangod. Bumungad si Kei—kwanan na nagpupunas ng muka gamit ang twalya.

Dito siya natulog?

"Bangon ka na! Gigisingin ko ang iba." Nakangiting sabi ni Ci bago lumabas ng kwarto.

Bumangon naman ako kagaya ng utos niya. Tinignan ko ng masama ang Hari ng mga Ulupong. Inosente siyang nagtaas ng kilay sakin.

"Dito ka natulog?" May halong pagbabanta ang boses ko.

"No. Dito lang ako naghilamos." Sagot niya na nagpahinahon naman sakin.

Agad akong tumayo para makapag-ayos na. Ni-lock ko agad ang pinto ng banyo pagpasok ko. Ako naman ang naghilamos at nag-ayos. Nagpalit na din ako ng damit.

Sandali kong tinitigan ang mga natitira pang damit. Paano kaya ang mga to kapag umalis na kami? Wala namang ibang tao dito sa isla kaya walang gagamit nito o pwedeng pagbigyan.

Iuwi ko kaya?

Matapos mag-ayos lumabas na ko ng banyo at kwarto. Abala ako sa pag-iipit ng buhok habang pababa ng hagdan. Nagkakagulo ang mga Ulupong. Minamadali na nila Felix, David, Eman at Yuri ang iba. Si Ci-N naman labas-masok sa pinto at halatang excited na excited.

"Dali na! May liwanag na ang langit!" Gigil na sabi ng Batang Kumag.

Pupungas-pungas si Kit habang pilit ginigising si Mayo na nasa tabi niya. Si Eren naman cellphone agad ang hinanap. Si Blaster binalak pang bumalik sa pagtulog pero hinampas siya ni Eman ng unan. Nakabangon na si Drew na nakipag-unahan kay Josh sa banyo.

"Pwede bang magkape muna?" Tanong ni Calix pagkatapos mag-inat.

"Mamaya na. Maghimalos na kayo, bilis!" Pagmamadali ni Eman.

Napilitan ang lahat na bumangon na at pumila papunta sa banyo. Ang iba sa taas nagpunta, si Kit hinatak ni Eren papunta sa likod kung saan may gripo. Sumunod naman sa kanila si Mayo at Denzel.

"Good morning." Bati sakin ni Yuri habang nakangiti.

"Good morning din. Natulog pa ba kayo?" Tanong sa kaniya.

Late na rin kami bumalik sa bahay para matulog. Tapos ang iba sa kanila naiwan pa para tapusin ang kwentuhan at ubusin ang natitirang alak.

"3 hours. Then I woke up because of Ci-N." Sagot niya at naghikab.

Ang tindi talaga ma-excite ng isang yon. Napailing nalang ako bago mag-paalam sa kaniya at mauna ng lumabas ng bahay. Nakita ko si Ci-N na pabalik-balik sa dalampasigan at sa terrace ng bahay.

Pa-totoo sa sinabi niya, nag-kakaroon na nga ng liwanag ang langit. Hindi ko napansin ang oras kanina pero sa tantsa ko mga 5 na ng umaga.

"Ayan na! Ayan na! Hindi natin makikita!" Sigaw niya na parang problemadong-problemado.

"Eto na..." Walang buhay na sagot ni Felix habang palabas ng bahay.

Kasunod niya ang ibang Ulupong na halatang napipilitan lang sumama. Gusto ko silang batukan dahil sa mga itsura niya. Ang lakas ng loob nilang sumang-ayon tapos ngayon parang ayaw nilang ituloy.

"Dun tayo sa cliff." Sabi ni Kei—kwanan at nagpauna maglakad.

Lahat kami nakasunod sa kaniya hanggang sa marating namin ang malaking bato kung saan siya nadulas. Kaniya-kaniya na kami ng akyat para lang marating ang tuktok.

Malapit na ko sa taas ng ialok sakin ni Yuri ang kamay niya para tulungan ako. Tinanggap ko naman at mas mabilis akong naka-akyat. Dahil hindi pantay ang tuktok ng batuhan nag-kaniya-kaniya kami ng pu-pwestuhan kung saan kami magiging komportable.

Mas nagliliwanag na ang langit. Si Ci-N nasa dulong bahagi ng batuhan. Samantalang ako nasa dulo katabi si Kei—kwanan. Sandali siyang naghikab kaya napatingin ako sa kaniya.

Sinalubong niya ang tingin ko ng mapansing nakatingin ako. Ngumiti siya tapos kumindat. Irap naman ang naging sagot ko sa kaniya.

Ang aga-aga! Manahimik ka dyan!

"My morning is better now, coz I know you're just by my side." Sabi niya at bigla nalang ako nakarinig ng nagsusuka.

"Ang corny!"

"Nasusuka ako!"

"Pre, buntis ka?"

"Gago! May matres ba ko?"

"Ladies and gentlemen, this an example of a person who forgot to eat breakfast." Parinig ni Yuri at nagtawanan naman ang mga Ulupong.

Pumulot ng maliit na bato si Kei—kwanan at binato kay Yuri. Hindi naman niya yon ininda at tumawa lang habang umiiling.

"Ayan na!" Sigaw ni Ci-N kaya napatingin kaming lahat sa harap.

Sumisilip na ang haring araw. Bahagya naman kaming lumapit para mas makita. Ganun nalang ang ngiti ko ng maghalo ang liwanag at dilim. Pero mabilis nangibabaw ang liwanag dahil sa sinag ng araw.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha ng mas magpakitang gilas ang kulay ng langit. Tinignan ko naman ang mga Ulupong at lahat sila namamangha din maliban sa isa. Sa akin nakatingin ang walanghiyang Hari ng mga Ulupong. Sinenyasan ko siyang tumingin sa harap pero inabot lang niya ang kamay ko para hawakan.

"I love you." Sabi niya ng walang lumalabas na boses.

Parang may sumipa sa puso ko at nagsimula ng magwala. Mabuti nalang at lahat ng Ulupong sa harap nakatingin. Pilit kong inagaw ang kamay ko pero tinatawanan lang ako ng kumag.

Pag-ako nainis, ihahampas ko siya sa batuhan.

Sandali akong napapikit ng tamaan ako ng sinag ng araw. Hinarang ko ang isang kamay ko sa muka ko para takpan ang liwanag pero ang malapad na kamay ni Kei—kwanan na ang gumawa non para sa akin kaya nilingon ko siya.

Ang seryosong tingin pero nangungusap niyang mga mata ang sumalubong sakin.

"Talon!" Sigaw nila pero hindi ko na nagawang tignan kung anong ginawa nila dahil na rin sa liwanag na humaharang o mas tamang sabihin na dahil sa hindi ko mahiwalay ang tingin sa kumag na to.

Hanggang sa marinig ko ang sigawan at pagtama nila sa tubig.

"Para sa ekonomiya!"

Isa.

"I love you Mica!"

Dalawa.

"More utang!"

Tatlo.

"I love you daw Friend!"

Apat.

"Sira ulo mo Rory!"

Lima.

"Kit and Mayo! Forever!"

Anim.

"Walang forever!"

Pito.

"Gusto ko girlfriend sirena!"

Walo.

"Balyena para kay Eren!"

Siyam.

"Pauwi na ko Edy!"

Sampu.

"More sleep!"

Labing-isa.

"Sana magka-girlfriend na ko!"

Labing dalawa.

"Grace at Baby namin!"

Labing tatlo.

"More foods!"

Labing apat.

"Wait for me Hahaoya!"

Labing lima.

Wala ng natitira. Kaming dalawa nalang ng Hari ng mga Ulupong at nakatitig pa rin sa isa't-isa. Alam kong dapat na kaming sumunod sa mga Ulupong na yon dahil magtataka sila kung bakit ang tagal namin.

"Kei—."

"Itataya ko ang lahat ng yaman ko, basta ikaw ang una kong m-makikita pag-gising ko sa umaga." Sabi niya kahit halos mamalipit ang dila niya sa pagtatagalog.

Ako din, kaso wala akong yaman.

"K-keifer—."

Bigla nalang siyang ngumiti na nagpatigil sakin. Nakita ko din ang pagkislap ng mata niya at unti-unting pagpatak ng luha.

Gusto kong itanong kung bakit samantalang pangalan palang niya ang binabanggit ko.

"Why does my name sounds so lovely when it comes from your lips?" Tanong niya.

Whut?

Bago pa man ako magkapag-salita nakalapat na ang parehong kamay niya sa magkabilang pisngi ko. At mabilis na dumikit ang labi niya sa labi ko.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nasabik ako. Parang isang bagay na matagal ko ng hinahanap at ngayon nasa harap ko na. Kusang yumakap ang mga braso ko sa kaniya. Kasunod ng pagpikit ng mga mata ko at pagpapaubaya sa halik niya.

Malakas ang ihip ng hangin na tumatangay sa ilang hibla ng buhok ko. At nang dahil sa hangin naramdaman ko ang malamig na tubig sa mga pisngi ko.

Luha?

Mga luha pero hindi galing kay Keifer, kundi galing....sa akin.

Mas mabilis at nakakabingi ang tibok ng puso ko. Sumisikip ang dibdib ko at kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung anong tamang gawin, basta ang alam ko lang mahihirapan akong bumitaw.

Hawak ko ang taong mahal ko, ang taong matagal kong hinihintay pero bakit nakakaramdam ako ng takot?

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na magkayakap basta ang alam ko lang, sa amin ang oras at kami ang may hawak. Nang humawalay siya pinagdikit niya ang mga noo namin.

Nakapikit pa rin ako at pinipigilan ang pag-iyak.

"Let me keep you." Bulong niya.

Pilit akong humahagilap ng tamang salita na isasagot sa kaniya. Malaking bahagi ko ang gustong umo-o pero hindi mawawala ang pangamba at takot. Wala akong ibang maisip na isasagot.

"G-gago." Ang tanging lumabas sa bibig ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Sasagot pa sana siya pero narinig namin ang pagtawag ng mga kapwa niya Ulupong.

"Hoy! Talon na!"

"Anong ginagawa niyo dyan?"

"Talon na Jay-jay!"

Bumitaw siya sakin at pinunasan ang muka. Malakas siyang nagbuntong hininga pero nasundan yon ng pag-ngiti.

"They're looking for us." Sabi niya at naglakad palapit sa dulong bahagi ng batuhan.

"Keifer! Talon na!"

"Tara na dito!"

Kumaway si K—Keifer sa kanila bago tumingin sakin.

Keifer.

Ano nga bang dahilan ko kung bakit ayokong banggitin ang pangalan niya? Dahil sa tuwing naririnig ko o binabanggit ko tumatalon ang puso ko.

Meron pa rin naman akong nararamdaman pero ngayon hindi na ko natatakot sabihin ang totoo niyang pangalan.

"Hihintayin kita." Sabi niya sakin bago umayos ng pwesto.

"I love you Jasper Jean!" Sigaw niya bago tumalon.

Naglakad ako palapit sa dulong bahagi ng batuhan. Nakita ko agad ang mga Ulupong habang nakatingala sakin. Kumaway sila sakin kaya kumaway din ako.

Kaya kong tumalon. Nagawa ko na nung isang araw ng mahulog ang kumag na yon pero napatigil ako ng makita siya kasama ng mga Ulupong.

Bakit parang sasabog ang puso ko?

Alam kong mali na nagpa-ubaya ako. Mali na tumugon ako sa halik niya pero kusang sumusuko ang sarili ko kapag nakikita ko nahihirapan siya. Ang rupok din!

Tumingin ako sa babagsakan ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ang haring araw.

"Wag nang marupok!" Buong lakas kong sigaw at tumalon.

Naramdaman ko ang pagtama ko sa tubig. Agad na may humila sakin pataas para makahinga. Pinunasan ko ang muka ko para makadilat at malakas na hiyawan nila ang bumungad sakin.

"Nice one!" Pang-aasar ni Eman.

"Marupok!" Tumatawang gaya sakin ni Eren.

"Iba din!" Sabi ni Felix at pumalakpak.

Mga bwisit kayo!

Nauwi sa malakas na tawanan ang pang-aasar nila. Nagbabad muna kami ng ilang minuto bago umahon dahil sa gutom. Hindi pa kami nag-aalmusal.

Wala kaming tigil sa pag-ku-kwentuhan habang naglalakad pabalik ng bahay.

"Balik tayo dito after graduation." Sabi ni Ci.

"Gusto mo tuwing summer." Sagot ko at pumalakpak naman siya sa tuwa.

Pagbalik sa bahay dumiretso ako sa banyo para maligo at mag-ayos. Mabilis ang naging kilos ko dahil alam kong aalis na kami ng isla at kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko.

Sinuot ko na ulit ang uniform kong suot ko ng magpunta ako dito. Si Keifer ang naglaba para sakin gamit ang washing machine. Meron namang laundry area sa baba katabi ng gripo.

Nang-hihinayang ako sa mga maiiwang gamit dito. Kahit hindi ko naman pagmamay-ari sayang pa rin.

Paglabas ko ng banyo, napatingin ako sa bag ko na nasa kama. Katabi non ang box na nakuha ko nung Friday na may lamang tasa na Snorlax. Katabi din non ang cellphone ko at ilang notes na ginamit namin sa pag-re-review. Pati na din ang medyas kong magka-iba.

Una kong kinuha ang cellphone ko at binuksan. Ganun nalang ang takot ko ng sunod-sunod ang pagpasok ng mga text messages. Malakas ang kutob kong galing sa nagpapanggap na anghel ang mga mensahe.

Gagawa na ba ko ng sulat pamama-alam?

Nang matapos ang walang humpay na pagtunog ng cellphone ko, tsaka ko lang tinignan ang mga messages.

Pinaka-marami ang kay Kuya na umabot ng 529. Sunod jay Aries na umabot ng 413. May 12 naman galing kay Tita Gema at ang iba pang natitira galing naman sa mga Ulupong at network na masipag magpa-alala ng expiration at load.

Binuksan ko ang ilan sa messages ni Kuya.

From: Kuya Angelo
Messages: Where the fvck are you?

From: Kuya Angelo
Messages: Are you ignoring my messages?

From: Kuya Angelo
Messages: I can't reach your phone. Call me when you get my messages.

From: Kuya Angelo
Messages: JASPER JEAN! IT'S 12 MIDNIGHT!

From: Kuya Angelo
Messages: JASPER JEAN!!! I'M ABOUT TO LOSE MY TEMPER NOW!

From: Kuya Angelo
Messages: TELL KEIFER THAT HE'S DEAD!!

From: Kuya Angelo
Messages: NO! YOU'RE BOTH DEAD!!

Karamihan sa mga sumunod niyang text at puro pagbabanta at naglalakihang letra pa. Parang gusto ko ng simulang umiyak. Napahiga nalang ako sa kama kasunod ng pagpapadyak.

Hindi ko naman kasalanan to. Bakit pati ako?

Hindi ko naman ginustong mapunta sa isla na to. Kung alam ko lang hindi ko na sana ininom ang tubig na yon. Anong saysay ng isla na to kung maaga naman akong ma-mamatay.

Baka pwede kong pagpalit ang buhay ko sa isla? Sasabihin ko kay Kuya kaniya nalang isla ko, wag lang niya ko saktan. Pero syempre hindi papayag yon at ayoko din namang mawala sakin ang islang to. Meron na kong tatakbuhan at tataguan kapag umandar ang topak ni Kuya.

Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Matindi-tinding sermon ang matatanggap ko. Kailangan maisip kagad ako ng counter attack.

Meron akong isla! Ikaw wala! Mga ganung linyahan. Ewan ko lang kung hindi pa ko sampalin ni Kuya Angelo dahil sa galit.

Sunod ko namang binuksan ang messages ni Aries na sumusunod sa pinaka-marami.

From: Horoscope
Messages: Who are you with?

From: Horoscope
Messages: Wag kang sasama kay Percy.

Sandaling nangunot ang noo ko dahil sa text niya tungkol kay Percy. Bigla kong naisip na baka may kinalaman to sa pag-uwi ni Papa.

Ibig sabihin pati si Aries may alam?

Bigla kong naalala nung unang beses na magkita kami ni Papa sa school tour na ginawa namin sa isang University. Kilala siya ni Papa at pinagsalitaan din niya na para bang matagal na silang magkakilala.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maghinala. Nagsisimula na naman ba silang lokohin ako? Ako na naman ang maiiwang walang alam.

Tinignan ko pa ang iba sa mga messages niya na lalo pang nagpakunot ng noo ko.

From: Horoscope
Messages: No matter what he says against me, I have an explanation about it.

From: Horoscope
Messages: I have lots of thing to explained. Don't make an assumption.

Nakagat ko ang kuko sa hinlalaki ko. Meron siyang tinatago sakin at natatakot siyang si Percy ang magpapa-alam. Alam din niyang meron akong ibang iisipin. Pero tungkol naman saan?

Mukang kailangan ko na talagang makauwi para maka-usap siya. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Nilagay ko muna lahat sa bag at binitbit yon palabas ng kwarto. Mabilis ang hakbang ko pababa ng hagdan.

"Almusal muna Jay!" Sigaw ni Eman mula sa kusina.

Sakto namang kumalam ang sikmura ko.

Makaka-paghintay si Aries, ang pagkain hindi.

Binaba ko muna ang bag sa sofa at lumapit sa kanila. Dahil walang ma-pwestuhan, nakatayo ang iba habang kumakain.

"Hoy! Sinong kumuha ng ham?" Inis na sigaw ni Rory.

"Hanapin mo kay Friend! Letse ka!" Inis na sagot ni Edrix pero malakas na tawa lang ang binawi ng isa.

"Fried rice pa!" Si Ci habang nakasahod ang plato kay Eman.

"Pang-ilang balik mo na yan?" Si Felix habang sinusundan ng tingin ang sinasandok na kanin.

"Pangatlo mo na yan!" Si Eren ang sumagot.

"Dalawa palang!" Pagtatama ni Ci pero halatang walang maniwala sa kaniya.

Pasimple akong kumuha ng plato at inabot yon kay Eman. Para kaming nanghihingi ng rasyon sa mga itsura namin. Pagbalik ng plato sakin, malakas na tumawa sila Felix at Ci-N. Punong-puno ng kanin ang plato ko na para bang hindi na ko uulit.

Tinignan ko ng masama si Eman na ngiting luko-luko na naman. Halatang tuwang-tuwa siya sa kalokohan niya.

Sinadya ng walanghiya.

"Napaka-dami naman!" Reklamo ko.

"Kuwari ka pa. Ganyan ka naman talaga karami kumain." Pang-aasar pa ni Eman.

"Saan ko lalagay ang ulam?" Inis na tanong ko.

Mas lalong lumakas ang pagtawa nila Felix kaha napatingin ang ibang Ulupong samin.

"Napakatakaw talaga!"

"Bibitayin ka na ba?"

"Para wala ng balikan!"

Inis ko naman silang tinignan. Kapag talaga nakakuha ng pagkakataon ang mga walanghiya, hindi nila ko tinitigilan ng pang-aasar.

"Orasan mo. Sandali lang kay Jay-jay yan." Utos ni Yuri kay Felix at nagsimula ang pustahan.

Merong tumaya ng 5 minuto, merong 10 minuto at ang pinaka-matagal ay 15 minuto. Hindi talaga nila ko hinayaan na kumain hanggat hindi tapos ang usapan at hindi pa nagsisimula ang oras.

Wala nga lang nanalo dahil inabot ako ng 7 minutes para maubos ang pagkain ko. Sinadya ko yan dahil nagkanda samid-samid ako dahil sa kanila.

Mabilis na natapos ang pagkain namin ng almusal. Sila Denzel, Drew at Blaster ang naatasang maghugas ng plato. Nang matapos sila tsaka ko lang napansin na wala si Kei—keifer. Magtatanong palang sana ako ng lumabas si Ci-N.

"Andyan na si Keifer!" Sabi pa niya.

Kaniya-kaniya na kami ng lakad palabas. Tinuro ng Hari ng mga Ulupong ang kaparehong daan kung saan galing ang mga kapwa niya Ulupong kahapon.

Lumapit naman ako sa kaniya para kausapin siya.

"Paano tong bahay saka mga gamit sa loob?"

"May pupunta dito para ayusin lahat ng yan." Sagot niya at ngumiti.

Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero agad akong lumakad pahabol kila David na nasa hulihan.

"Seriously? Until now?" Tanong niya pero hindi ko pinansin.

Napatingin naman ako kay David ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tinignan ko siya at bahagya naman siyang umiling.

"Tawa ka dyan."

"How long are you planning to threat him like this?" Pabulong niyang tanong.

"Hindi ko alam. Bakit?"

"Papahanda lang ako popcorn habang pinapanood siyang nahihirapan." Sagot niya at bahagya kaming tumawa.

Pasimple kong tinignan ang Hari ng mga Ulupong at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko siyang masamang nakatingin samin. Pero sa halip na matakot ako, natawa nalang ako.

Malayo-layo din ang nilakad namin hanggang sa matanaw ko ang yate ng kumag na sinasabi nilang ginamit nila papunta dito. Napakurap-kurap ako sa ganda at laki ng yate.

Tapos sasabihin ni Eren hindi kasya mga girlfriendsssss niya. Ilan ba sila?

Isang mahabang kahoy na rampa ang dinaanan namin para makalapit sa yate. Hindi pa din kami tuluyang nakakalapit ng husto nangunot na ang noo ko dahil sa nabasa kong nakasulat sa gilid ng yate.

Jay-jay's rocking boat.

Agad kong hinanap ang walanghiya. Tama ba namang ilagay ang pangalan ko sa bangka.

"Ano to? Sasakmalin kita dyan!" Inis na sabi ko habang nakaturo sa pangalan ko.

Dinig ko ang pagtatawanan ng mga Ulupong habang sumasampa sa yate.

"What? You should feel flattered for naming it after you."

"Muka ba kong bangka?" Sarcastic na tanong ko at natawa nalang siya.

Umiling lang siya habang natatawa. Nilapitan niya ko at pilit pinapasampa sa yate. Hinampas ko muna siya bago gawin yon. Kung todo irap naman ako sa mga tukmol na sinasalubong ako ng pagtawa.

Lalo lang ako nabu-bwisit sa kanila. Pinili ko nalang manahimik sa isang sulok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pero ramdam kong buhat ako ng kung sino at nilapag sa malambot na higaan.

"Sweet dreams my Queen."

Continue Reading

You'll Also Like

29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.9M 48.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...