The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 48

134K 3.8K 750
By Maria_CarCat

Kuya










Parang may kung anong malaking bagay ang bumara sa lalamunan ko habang nakatitig sa matandang lalaki sa aking harapan. Ang kanyang mga mata ay bumuhay sa kung ano sa aking dibdib. Ang pakiramdam na titigan niya ay nagpapahabag sa aking puso. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na ito, pero parang naramdaman ko na ito nuon, hindi ko alam kung kailan pero mukhang matagal na.



"Sera..." nagtatakang tawag ni Kenzo sa akin. Naputol tuloy ang tingin ko sa Doctor at kaagad na nalipat sa kanya. Duon ko lang napansin na nasa tabi ko na siya.



Mabilis na gumapang ang kamay niya sa aking bewang. "Doctor Del prado. This is Seraphine Serrano. My wife" pagpapakilala niya sa akin duon sa Doctor na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa akin. Muli ko siyang sinulyapan tsaka ako nagiwas ng tingin.



Pakiramdam ko, pinagalitan ako ng magulang ng kalaro ko dahil inaway ko ito.  Napanguso na lamang ako, kahit may nararamdamang takot ay naiinggit din ako kay Fidez dahil may Daddy siya na nandyan para ipagtanggol siya. Kahit gaano pa siya kamali, kahit ang totoo ay siya naman ang naunang mangaway sa aming dalawa. Siguradong siya ang kakampihan ng Daddy niya.



"Daddy, this is nothing. Just a misunderstanding" seryosong sabi ni Fidez na hindi din makatingin sa amin ni Kenzo. Mukhang nakaramdam ng hiya dahil nasa harapan na namin si Kenzo.


"Bakit, anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Kenzo sa akin. Nagawa pa niya akong paharapin sa kanya para lang makita ako. Bumaba din ang tingin niya sa kabuuan ko para icheck kung may mali sa akin o kung nasaktan ako.



"Sinampal ko si Fidez, kesa sinampal niya din ako" seryosong sabi ko kay Kenzo. Wala ako sa mood na magsinungaling ngayon. At anong magagawa ko? Iyon naman talaga ang totoo. Nagsampalan kaming dalawa ang mali nga lang ay nakita kami ng Daddy niya.



"Fidez, hindi iyon maganda...lalo sa public" rinig kong matigas na sabi ni Doc Del prado sa kanyang malditang anak. Napayuko si Fidez at tsaka tumango sa ama.


"Sorry, Dad. Hindi na mauulit" parang kaawa awa ito ngayon sa harapan ng Daddy niya. Eh parang kanina lang ay kung magbubuga ako ng apoy ay siguradong magbubuga din siya!.


Napatikhim ako ng muling bumaling sa akin ang matandang Doctor pagkatapos ay kay Kenzo. "I'm so disappointed. Kenzo" matigas na sabi niya dito kaya naman napanguso ako. Kita ko ang pagyuko ni Kenzo. Walang balak na manlaban.


Muli siyang tumingin sa akin kaya naman bumagsak ulit ang tingin ko sa sahig. "Sana ay hindi na ito maulit" pinal na sabi niya sa aming tatlo bago sila umalis ni Fidez sa aming harapan. Hindi ko na sana papansin at hahayaan na lang, pero may kung anong nagtulak sa akin para muling sumulyap sa kanila. Hindi ko alam kung bakit halos hanapin siya ng mga mata ko. Na para bang gustong gusto siyang makita ng mga ito.


Napabalil ako sa wisyo ng maramdaman ko ang hawak ni Kenzo sa aking siko. "Sinaktan ka ni Fidez? Ano pang ginawa niya sayo?" may diing tanong niya sa akin.


"Sampal lang" tipid na sagot ko sa kanya at muling sumulyap duon sa hallway kung saan nawala ang mag ama.



Hindi ko na nabanggit pa kay Kenzo ang naabutan ko sa clinic niya. Tama na sa aking nakita at narinig ko na pinapalayo niya sa Mandee sa amin. Iyon naman talaga ang dapat mangyari. Hindi kami makakapagumpisa kung palagi siyang aaligid sa aking magama. Kung gusto niya ay gumawa siya ng sa kanya. Akin ito kaya wala siyang habol dito!


"Damn. Patayan naman ito, kung hindi sa Soco ay sa imbestigador!" nakangiwing sabi ni Augustine habang nakaharap siya sa kanyang laptop.


Hinampas ko ang lamesa kaya naman medyo nagulat siya. "Gaga! Wala pang Soco at imbestigador that time!" asik ko sa kanga kaya naman napa-O ang bibig ng gaga. Napairap tuloy ako. "Tsaka puro patayan naman yan! Namatay ba ako? Di ba kidnap!" pagpapatuloy ko pa kaya naman napahawak na lamang siya sa batok niya.


Napabuntong hininga siya bago niya sinarado ang laptop. "Hintayin na lang natin ang binayaran ko para dito. Wala akong detective blood...hanggang stalking lang ako" pagbibida pa niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin bago tumaas ang isang sulok ng aking labi. Sabagay! Magaling talagang mag stalk ang loko lalo na pagtype na type niya yung lalaki. Lahat nalalaman, in just a minute kilala na ata niya ang buong pamilya. Kulang na lang ay makasuhan dahil sa masyadong pagiging baliw at hayok sa impormasyon.


Sandali siyang tumayo para muling magsalin ng wine sa kanyang wine glass. Napatingin din ako sa suot kong orasan. Hinihintay ko lang mag alas tres at aalis na ako para sunduin si Kianna sa school. Matapos naming maglunch ni Kenzo ay dito ako sa condo ni Augustine dumiretso. Ayaw pa sana ni Kenzo, pero ng ilang beses kong ulitin sa kanyang never magkakainterest si Gust sa akin dahil isa din itong binabae ay wala na siyang nagawa pa. At hindi din naman niya ako mapipigilan.



"Anong problema mo?" tanong niya sa akin ng makabalik siya. Mukhang naabutan niya akong nakatitig sa aking wine glass.


Marahan akong umiling. "May iniisip lang" sabi ko at napabuntong hininga pa.



Maarte siyang nagtaas ng kilay bago siya muling umupo sa aking harapan. "Tulad ng?" tanong niya bago sumimsim sa kanyang wine glass.


"Kung paano ka umiihi, nakatayo o nakaupo?" nakangising sabi ko kaya naman halos mapahalakhak ako ng masamid ang gaga.



"Tangina ka, Seraphine" inis na sabi niya sa akin habang pinupunasan ang basa niyang labi.


Muli akong natawa. Kaya naman mas lalo siyang nainis. "Papunta na tayo sa drama eh! Lumiko ka pa, Gago!" bulyaw niya sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.



Nang muli siyang makaayos ay sinamaan niya ako ng tingin. "Sagutin mo ako ng seryoso" duro at pagbabanta niya sa akin kaya naman napanguso ako.



Nagbuga ako ng malalim na paghinga. Kahit ilang beses kong subukang takasan ay hindi pa din talaga maaalis sa akin ang madaming katanungan. Pakiramdam ko hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikilala ang totoo kong pamilya. Hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako nawala sa kanila at kung bakit hindi nila ako nahanap.



"Ano kayang itsura ng totoo kong Daddy? Ang Mommy ko? May kapatid kaya ako?" tuloy tuloy na tanong ko kay Augustine.


Napanguso din siya. Mukhang nahirapan ding sagutin ang mga tanong ko sa kanya. "Kaunting tiis na lang. Masasagot din ang lahat ng iyan...sabihin mo na kay Kenzo. Para naman aware siya, at mas mapapabilis ang paghahanap natin kung  tutulong siya" sabi niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.


Plano ko naman talagang sabihin sa kanya. Ang kaso ay alam kong busy pa siya ngayon para sa annual PHA ball. At mukhang mas lalo niyang kailangang mageffort dahil nauna na akong naawardan ng PHA president dahil sa pagsampal ko sa anak niya.



"Ay bawas points yun!" deklara ni Gust ng ikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Fidez at ang ama nito bilang presidente ng Philippine Hospital Association.


Napanguso ako. "Eh malay ko ba. Tsaka dapat hindi na siya makisali, away bata ito...I mean, bawal kasali magulang" giit ko.


Napailing si Gust at napangisi. "Gaga, syempre tanda ka na nun. Inaway mo ba naman anak niya eh" pananakot pa niya sa akin imbes na panatagin ang loob ko. Ang gago talaga!



Imbes na ako lang ang sumundo kay Kianna ay sumama na si Gust. Hindi siya nasisiyahan sa pagkakakulong niya sa kanyang Condo kaya naman muli niya kaming inaya na kumain na lang sa labas at maglibot na lang sa mall. Work from home muna siya ngayon para sa companya nila lalo at hindi pa ganuon kaayos ang relasyon niya sa kanyang ama. Mabuti na lang at kahit papaano ay tanggap na siya ng kanyang mga kapatid.



"Sera, pwede ka na lang kapatid ni Kianna? Tapos kami ni Kenzo ang mga magulang" kinikilig na sabi niya at mukhang nagdaydream pa.


Inabot ko ang tagiliran niya para kurutin. Siraulo talaga. Nakitang nandito ang anak ko at kung ano ano pang pinagsasabi niya. Binilhan niya si Kianna ng ice cream, magkasundo na talaga sila ng anak ko. Napatigil ako sa pakikipagtawanan sa kanila ng tumunog ang aking cellphone. Nagulat ako ng makita kong si Abby iyon.



"Sera..." umiiyak na tawag niya sa akin.



Kaagad namin siyang pinapunta ni Gust kung nasaan kami. Kailangan niya daw ng makakausap. Mukhang may problema nanaman sila ni Apollo. Tungkol nanaman ba ito sa librarian? The fuck?



"Bilog na ang tiyan mo. Nagaaway pa din kayo? Seriously, ilang make up sex ang kailangan?" maarteng reklamo ni Gust ng magkita kita na kami ni Abby. Sa isang fine dinning restaurant kami nauwi. Katabi ko ang anak ko at sa harapan naman namin ay si Gust at ang naiiyak na si Abby. Halata na din ang tiyan niya at ang cute niya sa suot na maternity dress. Kahit ganuon ay kita pa din ang magandang hubog ng kanyang katawan. Parang hindi buntis!



"Pakiramdam ko, nagsasawa na sa akin si Apollo. Halos gabi gabi din siyang may lakad kasama ang mga kabarkada niya ang mga katrabaho niya" umiiyak na kwento ni Abby sa amin. Hindi kami nagsalita ni Gust, hinayaan na muna namin siyang magkwento bago kami magbigay ng kumento.


"Dati naman isinasama niya ako. Ngayon siya na lang. Kasama ang mga kaibigan niyang Doctor, mapalalaki man o babae" pagpapatuloy niya. Napatingin ako kay Gust, nagtaas siya ng kilay sa akin bago niya inilabi sa akin ang naisip niyang dahilan. Buntis kasi.


Napatango ako. Yun din ang una kong naisip, na baka kaya siya medyo emotional ay dahil na din sa pagbubuntis niya. Hinagod ni Gust ang kanyang likuran. "Pakiramdam mo lang iyan. Medyo emotional ka lang ngayon dahil sa pagbubuntis mo" pangaral niya dito pero napailing si Abby.



Panay pa din ang pagpunas niya sa kanyang luha kahit patuloy pa din ang pagtulo nuon. "Pakiramdam ko, gumaganti siya sa akin dahil sa pakikipagkita ko nuon kay Wilson" sabi niya at muling humikbi. Napabuntong hininga ako, napabaling ako sa anak kong busy sa pagkain ng kanyang ice cream.


Nakita ko ang paglagay ni Gust ng kanyang kamay para takpan ang kanyang bibig. "Make up sex lang ang katapat niyan" sabi niya sabay halakhak. Halos gusto ko siyang batuhin ng kutsara o kahit anong mahawakan ko. May nalalaman pa siyang patakip takip sa bibig eh halos marinig na nga din ng anak ko!


Mula sa pagiyak ay napatawa din si Abby. Nasiraan na din ata ng bait. Matapos tumawa ay muli siyang umiyak. "Ginawa ko na nga lahat..." paguumpisa niya. Kumunot ang noo ko, maging si Gust ay napahinto sa pagtawa para lang pakinggan ang susunod na sasabihin ni Abby.


Sandali siyang huminahon. Hanggang sa manlaki ang aking mga mata ng itinaas niya ang kamay niya malapit sa kanyang bibig. "I gave him...blow...bj" nahiya pang kwento niya. Muli siyang naiyak ng humalakhak ang gagong augustine.



"Baka naman hindi ka marunong!?" natatawang tanong niya sa kaibigan naming umiiyak pa din.



Pinanlakihan ko siya ng mata. "Augustine!" sigaw ko sa kanya. Pero tawa pa din ng tawa ang loko.


"Or...nakagat mo?" sabi pa niya at muling humalakhak. Napasapo na lamang ako sa aking noo. Hindi ko na talaga alam, masisiraan na ata ako ng bait sa mga ito.



Natigil lamang ako ng kalabitin ako ni Kianna. "Mommy. Rest room lang po ako" paalam niya sa akin.


"Sige baby, samahan kita" sabi ko at maghahanda na sanang tumayo kasama siya ng kaagad siyang napasimangot.


"Big na po ako, Mommy" laban niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko. She's not big for me...kung pwede nga lang na bumalik siya sa mas bata para lang maranasan kong maalagaan siya.



Itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro sa akin ang restroom na tanaw sa aming kinauupuan. "There lang po oh" sabi pa niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako. Ngumiti siya sa akin at kaagad na tumayo para magtungo sa restroom.



Sinundan ko siya ng tingin. Sinigurado kong hindi siya mawawala sa aking paningin. Hanggang sa makuha ni Abby ang atensyon ko ng may ipinakita siyang message sa amin ni Gust.



Isang message daw iyon galing sa kaclose niyang nurse. Mukhang sinadya niyang kaibiganin ito para lamang makakuha ng impormasyon tungkol sa asawa. Parang gusto ko din tuloy gawin iyon. Sino kaya? Si Linda? Manunuod din ako ng korean drama para maging close kami?



"May pre party daw ang mga Doctor mamaya. Paghahanda para sa PHA ball..." sumisinghot singhot na kwento pa niya sa akin. Inalam nila ni Gust ang eksaktong lugar at oras. Mukhang may balak pa ang dalawa na makigate crash sa party mamaya. Hayop, siguradong kasama ako at hindi ako makakatanggi.


Muli kong ibinalik ang tingin ko sa restroom. Duon ko lamang napansin na may lalaking yumakap sa anak ko. Kumunot ang noo ko at bago pa man ako makatayo ay nakalayo na siya, nakangiting bumalik ang anak ko sa akin na parang walang nangyari. Halos hablutin ko siya sa takot na mag kumuha sa kanya.



"Sino iyon? Anong ginawa niya sayo?" nagaalalang tanong ko. Dahil sa pagaalala ay nakuha na din namin ang atensyon nina Abby at Gust.



"He was crying when he saw me. I remind him of someone daw po..." sagot sa akin ng anak ko. Mas lalong kumunot ang noo ko.


Napatingin muli ako sa buong restaurant. Pero wala na duon ang lalaking nakita kong yumakap sa anak ko. Matangkad at matipuno ang katawan. Probably a bussinessman, he was wearing a suit. Mukhang kagagaling lamang sa isang bussiness meeting? I don't know.


"He called me Frances" sabi pa ni Kianna kaya naman halos mabato ako sa aking kinauupuan. Parang may kung anong bumalik na pakiramdam sa akin.


Maraming nagsasabing kamukhang kamukha ko si Kianna. Pitong taong gulang siya ngayon, halos magkamukha kami. Pitong taong gulang din ako ng makidnap ako. Kung ganuon, ang lalaking iyon? Possibleng kapamilya ko?



Sinubukan kong takbuhin ang daan palabas ng restaurant. Tinawag pa ako nina Abby at Gust ng iniwan ko si Kianna sa kanilang dalawa. Tumulo ang masasaganang luha ko habang nagpaikot ikot sa loob ng mall. Tumakbo din ako kung saan saan, nagbabakasakaling makita ko ulit yung lalaki. Likod lang ang nakita ko, pero makikilala ko naman siguro kung makita ko ulit.



Bigo ako ng bumalik sa restaurant. Takang taka silang dalawa dahil sa nangyari pero wala akong lakas ng loob na ikwento sa kanila ang mga nasa isip ko. Hindi ko pa nakukumpirma, at ayoko munang ikwento sa iba dahil ayokong umasa.



"Magumpisa kaya tayo sa kilalang mga bussinessman galing sa iloilo?" suwestyon ko kay Gust ng palabas na kami ng mall. Bahagyang kumunot ang noo niya bago siya tumango. "Sige, sasabihin ko sa mga tauhan ko"



Dumiretso si Abby at Gust sa condo ni Ausgutine. Kailangan ko munang humiwalay sa kanila para ihatid si Kianna sa bahay. Pupunta kaming bar at kahit ayokong mahiwalay sa anak ko ay hindi ko siya pwedeng isama duon. Baka makuha ko na ang highest award mula kay Kenzo pagnagkataon.


"Kayo na po muna ang bahala kay Kianna. May kailangan lang po akong puntahan" paalam ko kay Yaya Annie. Tumango siya at ngumiti sa akin.


"Ingat ka po. Mommy" malambing na sabi ni Kianna sa akin. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago siya sumama sa Yaya Annie niya papasok sa kanyang kwarto.


Pagod akong nagbabad sa shower. Hindi pa din matanggal sa isip ko yung nangyari kay Kianna sa mall. Malaki ang posibilidad na nakita niya si Frances kay Kianna. Sino kaya siya? Siya kaya ang totoo kong ama?



Pagkalabas ko ng banyo ay nakatanggap ako ng message kay Kenzo. Nagpaalam siya sa akin tungkol duon sa party na sinasabi ni Abby. Medyo nagulat pa ako nung una. Buong akala ko ay hindi siya magpapaalam sa akin. Inaya pa niya ako, pero tinanggihan ko na lang. Pupunta din naman ako duon, nga lang. Para kay Abby, at siguradong kakailanganin naming magtago. Lalo na at gagawin niya iyon para bantayan si Apollo.


Sandali akong nagayos. Nagsuot lamang ako ng simpleng black body hugging dress. Spaghetti strap siya ag box type ang neckline. Wala masyadong cleavage nga lang ay medyo maikli sa akin dahil mahaba ang legs ko. Isang simpleng single starp heels din ang ipinares ko duon. High end bar iyon at kahit gustuhin ko na lang mag sleevless top at pants ay baka hindi pa kami makapasok. May dress code ata duon.


Nang magtext ako kay Gust na tapos na ako ay mabilis din silang dumating ni Abby para sunduin ako. "Sexy momma!" nakangising puna niya sa akin pagkapasok ko sa kanyang sasakyan. Halos hampasin ko siya ng hawak kong purse dahil sa sinabi niya kaya naman napahalakhak ang gago.


Hindi ko din maiwasang punahin ang suot niyang itim na button down shirt at dark pants. Kung hindi ko lang talaga alam na lalaki din ang hanap nito ay paniguradong maloloko ako. Tipid ko namang binalingan ang kaibigan kong parang batang nakanguso, medyo revealing din ang suot niyang puting dress. Parang anghel na nangaakit. Ang gago talaga ni Gust! Panigurado akong siya ang may pakana nito. Napagdiskitahan nanaman si Abby.


Hindi masyadong halata ang umbok ng tiyan biya dahil sa loose cut ng dress. Medyo revealing lang talaga sa bandang itaas. Gusto ko sana siyang punahin pero nagsimula nanamang magtubig ang kanyang mga mata.

Itinaas niya ang kanyang cellphone at may ipinakita sa akin. Message iyon mula kay Apollo. Kumunot ang noo ko ng maging ako ay hindi nagustuhan ang laman ng text nito. It's too cold. Tanginang apollo. Humanda siya sa akin mamaya.



"Sabi niya. Mauna na akong matulog at gagabihin siya. Wag ko na daw siyang hinatayin..." naiiyak na sabi ni Abby. Tanginang Apollo iyon, hindi man lang sinabi sa asawa kung ano talaga ang meron ngayon. Kung hindi pa sinabi ng friend na nurse ni Abby ay baka nakahiga sa kama ngayon ang kaibigan ko at nagmumukmok.



Pasado alas otso ng dumating kami sa The Vega's isang high end bar dito sa may BGC. Maraming branch ito, sa pagkakaalam ko ay pag mamay ari ito ng pamilya ng mga Dela Vega. School mate pa nga namin nuon ang nagmamahala ngayon. Thomas Dela Vega? Kung hindi ako nagkakamali.



Pinapasok kami kaagad ng bouncer. Isang kausap lang ni Gust ay walang kahirap hirap kaming nakalusot. Maingay na sa loob, pero dahil nga high end at mukhang maaga pa para sa mga totoong party people ay hindi pa ganuon ka crowded. Mabilis kaming nakahanap ng mauupuan. Half circle couch iyon na bagay na bagay sa mga magkakabarkada. Dahil panay din ang linga ko para hanapin si Kenzo ay si Gust na ang umorder sa para sa amin.


Nilingin ko si Abby at panay din ang linga nito. Naawa tuloy ako sa kaibigan ko. Kahit hindi ko pa alam ang totoong side ni Apollo ay kumukulo na ang dugo ko sa kanya. For goodness sake! Buntis ito at natural lang na emosyonal at naghahanap ng atensyon.


Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya kahit papaano. Pumungay ang kanyang mga mata ng tumingin siya sa akin.



"Tatamaan yan sa akin si Apollo mamaya" sabi ko sa kanya kaya naman napanguso siya.



"Ako na lang ang bubogbog" pangaasar ni Gust kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.



Panay ang hanap namin sa kanilang table hanggang sa natamaan namin ito. Pamilyar sa akin ang ibang mukha duon, grupo nga sila ng mga doctor. Sa gilid ay nakita ko ang nakangising si Kenzo, may kausap na isang lalaking doctor din. Sa kabilang dulo nama ay si Apollo. Tahimik lamang ito at mukhang tamad ba tamad. Aba't ayaw pala niyang magparty eh bakit hindi na lang siya umuwi sa buntis niyang asawa.



Nanatili ang tingin ko kay Kenzo. Aba magbabantay din ako ngayon. Isang maling galaw lang niya ay matatamaan siya sa akin. Dumating ang order ni Gust para sa amin. Juice para kay Abby at hard liquor naman ang para sa aming dalawa. Pinanlakihan ko siya ng mata bago ako napailing at ininom din iyon.



"Woah..." sambit ni Gust sabay nguso sa akin ang gawi nila Kenzo. Nagtiim bagang ako ng makita ko ang pagdating ng magbestfriend na sina Mandee at Fidez. Hands down sa mala victoria model na katawan ni Mandee. I can't take it from her. Masyado ding revealing ang suot niyang damit kaya naman hindi ako kumurap ng muli kong tingnan si Kenzo. Subukan mo lang tumitig, papasok ka bukas na maga ang mata.



"This is exciting" pangaasar pa ni Gust sa akin pero hindi ko siya pinansin.


Nakita kong lumapit si Mandee kay Kenzo, sandali lamang sumulyap si Kenzo sa kanya at kaagad na ibinalik ang tingin sa kausap na doctor kanina pa. Hindi umalis si Mandee sa harapan nito, mukhang gusto niya talagang ibalandra ang katawan niya sa harap ng asawa ko. Hayop!


Kita ko ang matalim na tingin ni Kenzo sa kanya at tsaka ito umiling. Bumagsak ang balikat ni Mandee. Hanggang sa mawala sila sa paningin ko ng kumapal ang tao sa dance floor. Kinailangan ko pa tuloy tumayo. Hanggang sa imbes na si Mandee ang mahagip ng mata ko ay nakita ko ang lalaki kanina sa mall. Hindi ako nagkakamali, siya iyon.



Wala ako sa sariling lumapit sa bar counter kung nasaan ang lalaking yumakap kay Kianna kanina. Habang mas lumalapit ako sa kanya ay duon ko lang nakikitang nasa late 30's pa lang siya. So hindi siya ang totoo kong Daddy. Kung ganuon ay sino siya? Bakit kilala niya ang batang si Frances?


Ilang hakbang na lang ay napahinto ako ng may lumapit na babae sa kanya.



"Kuya..." tawag ni Mandee duon sa lalaki. Shit!?

















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7M 227K 65
His Punishments can kill you
9.1M 246K 66
The Doctor is out. He's hiding something
5.9M 233K 64
A battle between love and service.
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...