Crittenden Academy

By I_am_a_badgirl

154K 5.7K 745

Boyish na babae, iyan si Circe (Sirse). Hindi siya fan ng palda at ng kikay stuffs. Hindi man perpekto ang bu... More

EINGETRAGEN
WILLKOMMEN AN BORD
SELTSAM DINGE
MEINEM ELEMENT
ES IST
NEUE GESICHTER
GEHEIMNISSE UND FRAGEN
ERSTE FLANNEN
GESCHICHTE
Besiegen
Gestohlene Zeit

UNTER DER GRUPPE

12.2K 524 66
By I_am_a_badgirl

UNTER DER GRUPPE

(UNDER THE GROUP)

Nasa loob ang sobrang daming estudyante at naka-upo sila sa mga silya na nasa loob rin. Pero hindi ko kinakaya ang nasa harapan.

Isang estudyante ang nasa harap at nagpapalabas ng ipo-ipo sa kamay niya. Woah. Okay. Alam kong hindi normal ang academy na ito dahil sa kanina pero ano yan? Kinakalaban ata niya iyong isang babaeng mukhang nasa mid-30's eh.

"Good job. You are a member of the Arialies Family." announce ng isang babae na nasa gitna at naglilista.

Nagpalakpakan naman ang mga estudyante ng nagbow ang lalaking nagpalabas ng ipo-ipo sa kamay niya at pumunta sa isa sa mga row of tables kung saan nakapalibot ang iba pang students. Doon ko lang napansin na iba-iba ang colors ng table.

Is that related to the Family Thingy kanina?

"Next will be, Ms. Circe Coyle. Come here in front and let's determine what family are you." Napablink ako ng sunod-sunod. Ako? As if on cue, lahat ng mga tao ay napatingin sa akin.

Gusto kong manliit habang naglalakad ako papunta sa harapan. Una, halatang-halata sa suot ko na hindi ako dapat nandito. All the students' uniforms screams royalty and power. At ako? Normal lang na short, oversize shirt, basketball shorts at ang aking cap. Minus the fact na I am dripping wet dahil sa pagbagsak ko sa may fountain.

"Let's see. Hmmm." Naiilang ako sa paraan ng pagtitig ng babaeng ito. Para akong microscopic organism kung makatitig siya sa akin.

"Do you have a clue kung sa anong family ka nabibilang?" Napaisip ako.

"Ahhm? Coyle Family po." alanganing sagot ko. Aba. Wala naman akong ibang alam na apelyido ko? Hindi naman siguro ako anak sa labas or kahit ampon man lang.

At grabeng tawanan ang sumunod doon. Pinagtatawanan ako ng buong student body for crying out loud.  Tangina nitong mga ito. Tumigil lamang sila ng itaas nung babae ang kaliwang kamay bilang sign of silence.

"Let's have a battle para ilabas natin kung anong elemental family ka." What?! Teka! Teka! Anong laban pinagsasasabi nito? Elemental? Family? Water air fire ganon? Is human element family?

Halos atakihin ako sa puso ng maglabas siya ng water ball sa mga kamay niya at ibato sa akin. Buti na lang nakayuko ako bigla at hindi ako tinamaan. Muntik na akong malunod!

Halos lumuwa na ang mga mata ko ng mas malaking waterball naman ang ginawa niya ngayon at balak ihagis sa akin.

Agad na nagtatakbo ako. Juice Colored! Never kong inisip na hahabulin ako ng isang malaking bola ng tubig sa unang araw ko dito! What is really happening?!

Baka naman nanaginip lang talaga ako? Pero hindi! Totoo ang bola ng tubig na humabol sa akin!

"Stop."

Napatigil ako sa pagtakbo at napatingin sa sinong nagsalita. Natigil din iyong bola at nawala na lang bigla. Isang lalaking sobrang tanda ang nakatayo ngayon sa pagitan namin nung babaeng naglalabas ng tubig at nakatitig sa akin.

"You don't have to do that Emelia. We already know what group she belongs." Gusto kong yakapin si Tanda! Hindi pa ako malulunod ngayong araw!

"What do you mean?" takang taka naman ung babae na nagngangalan palang Emelia.

Napangiti si Tanda at saka tinitigan naman ako.

"Lerious."

Ewan ko kung anong nangyari pero nagbulungan lahat ng mga tao. Nagkaroon ng tension ang mga tao sa loob at kung makatingin sa akin akala mo isa akong malaking weird na bagay. Sa bagay, compared nga naman sa kanila ay ako ang naiiba. Marangya sila ako dukha. Drama dre.

Narinig kong napabuntong hininga si  Emelia at tumikhim bago nagsalita.

"Ms. Coyle belongs to Lerious. Well, I truly home so." Bakit parang di sya happy? Hindi ko alam pero napipilitan lang talagang magpalakpakan ang lahat ng mga estudyante dito. Hindi ata sila makapaniwala na Lerious ako. Kung ano man iyon.

So after this, I am supposed to sit with the others, right?

Agad na hinanap ng mga mata ko ang grupo ko pero hindi ko rin talaga alam kasi wala namang karatula or something na nakalagay dito.

"Here!" agad na napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Isang babaeng mahaba ang buhok ang nakita ko. Naka-upo siya sa dulong table kasama ang anim pang estudyante.

Eh? Bakit ang konti naman ata namin kumpara sa iba? I mean. They are all consists of more than fifty, I guess. Bakit ang konti lang namin?

Pagkarating ko sa may table ay agad na nagoffer ng seat ang babaeng tumawag sa akin.

"So, you are Circe right?" Napatango na lang ako sa sinabi tanong nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero sabi nung matanda dito daw ako. Medyo naiilang kasi ako sa tingin ng ibang mga kasama namin sa table. Para akong kakatayin na ewan.

"Guys! Don't scare her!" agad namang nagiwas ng tingin iyong iba ng magsalita iyong babaeng katabi ko. "I am Karten." sabi niya sabay abot ng kamay niya. Smiling face siya. Friendly din ata.

Inabot ko naman ito at nakipag-shake hands sa kaniya. I have a bad feeling about this though. Para kasing may weird na aura akong nararamdaman sa lahat ng students dito.

"You? What is your Elemental name?" Huh? Nakatitig lang ako kay Karten ng sabihin niya iyon. Dapat ba may ibang pangalan pa ako bukod sa real name ko? Nickname ba ang tinutukoy niya?

"Ahm. Circe lang ang tawag sa akin. Wala akong nickname eh. Pero pwede niyo akong tawaging parekoy, dude, pre, tropapips." sabi ko na ngiting-ngiti and they gave me a confuse look. Okay. I guess mali ang sinabi ko.

"You don't know your Extensions?" hindi makapaniwalang tanong nila sa akin. Extensions? Extensions of what? Hair extensions? Bawal ba maiksi buhok dito? Hindi naman ganun kaiksi ang buhok ko ah. Humaba na ito. May parang bob cut nga ang buhok akong nakita kanina eh.

"I guess, no." sabi ko na lang. Napasulyap sila sa isa't-isa na para bang nag-uusap sila. Hmm. Is that their expression of saying I am in trouble?




"Ayan iyong kama mo tapos dito naman iyong cabinet." tumango tango na lang ako at pilit inaabsorb ang mga sinasabi ni Karten. Apparently, every family was given a house to live in. Astig. Lahat ng mga family may mga nakalaan na bahay. Pwedeng more than one bahay depende sa dami ng members ng family. Since anim lang daw sila plus ako so pito na kaya isa lang ang bahay namin.

Lahat ng rooms ay nasa second floor. Nasa iisang room lang ang boys at nasa iisang room din ang mga girls.

So I am sharing the room with Karten, and Kette. Si Kette iyong isa pa sa dalawang babae sa family. She introduced herself awhile ago. Mukha ring siyang friendly.

I am sitting on my bed and searching my stuffs when Karten and Kette also sit on my bed.

"Sure kang hindi po pa alam ang Extensions mo?" tanong ulit ni Karte.

Umiling na lang ako. Hindi ko alam kung anong extensions talaga iyan.

"Well, my extension is that I can materialize cards." sabi niya sabay tayo. Itinaas lang niya ang kamay niya at isang card ang lumitaw sa kamay niya. Isang hindi ordinaryong card. Hinagis niya ito sa itaas at bigla itong sumabog.

"That's my extension. I can materialize my cards and turn it into bombs or blades. Also, I am an air user." Hindi ko alam kung kaya pang iabsorb ng utak ko ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari dito. Is that magic or what?

"As of me, I can materialize chains." sabi naman bigla ni Kette. Tumayo rin ito at itinaas ang kamay. Biglang may lumabas na chain mula sa mga kamay nito at napakahaba nito. Hindi ko alam kung anong nangyari pero biglang pumulupot iyong chain ni Kette sa isang vase tapos the next thing I know ay may kuryenteng dumaloy sa kadena na naging dahilan ng pagkabasag ng vase.

"I can also use the element of electricity." obvious naman. Feeling ko kung ako ang puluputan ng kadena na iyon ay tustado kaagad ako.

"Bakit nga pala ngayon ka lang pumasok dito?" tanong naman ni Karten sa akin.


"Hmm. Siguro kasi last week lang ako nag-drop out sa school ko. Dapat ba matagal na akong umalis? Dapat ba na-expelled na ako unang araw ko pa lang sa dati kong school? At saka, ano yang mga yan? Magic ba yan? Witch craft?" sunod-sunod na tanong ko.

"Woah. Easy. Wala ka talagang alam teh?" Magtatanong ba ako kung hindi?

"Hindi ba sinabi ng pamilya mo? I am so sure na ka-uri natin sila." I eyed them with curiousity. Ka-uri? Ano kami? Bampira? Abnormal? Mental? Gulong-gulo na ako, pakshet.

"Hay. Mahaba-habang explanation ito." napakamot si Kette sa ulo niya. Kung alam lang niya na masahol pa sa kung ano ang frustration na nararamdaman ko.

"But first, magbihis ka na muna. Diretso ka sa library para doon na namin ipaliwanag." sabi ni Karten sabay bigla silang naglaho.

Gosh. I am officially insane.






Ouch. Wrong move. Dapat talaga hindi ko na lang pinayagan silang dalawa na umalis eh. Saan ang library sa lahat ng buildings at rooms na naririto? Baka abutin ako ng isang taon bago ko makita ang library sa laki ng lugar na ito eh.

Nagpasya akong maglakad lakad muna. I think I need to find the library by myself. Baka may makita ako na kung ano kung saka-sakali.

Hindi nga ako nagkamali. Ilang metro lang natanaw ko na ang isang malaking sign board na Library. Agad na pumasok ako at namangha sa aking nakita.

Woah.

Ang daming libro. As in ang dami! Kasing taas ata ng ceiling ng room ang mga shelves at iyong mga books ay parang umaabot sa ilang libo. Grabe. Kung dito magresearch ang ibang mga tao, sure akong ang dami nilang matututunan. Baka pati iyong mga nagththesis sabihin na heaven ang lugar na ito.

"Circe dito!" agad na pumunta ako doon sa book shelves kung saan nakatayo malapit sila Kette.

"Let's start."yaya ni Karten.

"Start ng alin?" tanong ko naman.

"Here. Get inside that book." Huh? Natatanga ako sa pinagsasasabi nila. Get inside this book daw? May inabot sila na libro? Paanong get inside ang sinasabi nila?

Hinawakan ko naman iyong book at... Wait! Waa! Help! Help!

Para akong hinihigop ng kung anong force. The next thing I knew. Nasa loob na ako ng parang sala at mayroong malaking tv. Teka? Nasan sila Karten?

This place is so familiar. Parang.. hala! Eto iyong cover ng book! Omg. Nasa loob ako ng book?! Nasa loob talaga ako? Hindi Circe. Isa pa gusto mo? Nasa loob ka nga ng book! Pakshet!

"Good Afternoon Student." Woah! Tumalon ng konti ang puso ko sa gulat ng magsalita iyong monitor.

"Good Afternoon din?" sagot ko.

"Crittenden Academy is an academy for extra abilities. Lahat ng student dito ay may iba't-ibang abilities which is grounded by the elements. For example, is air, water, electricity, and others. Students are divided based on their classifications of elements, but there are special students who are given more than that. They belong to the Lerious family." paliwanag ng TV na parang computer program naman.

Lerious? Hindi ba iyon ang family na kinabibilangan ko?

"Lerious family members have extensions. Meaning, they have extended powers other than their elements." Ahh. So iyon ang extensions na sinasabi nila Kette.

"All students have their elemental name. Kadalasan ay konektado ito sa kung anong elements ang kaya nila." Elemental name? Does that mean Karten means card and Kette means chain?

"Excuse me. Pwedeng malaman paano ko malalaman ang element at extentions ko?" I asked.

"Question invalid." Wow. Choosy sa questions maging computer. Arte nito.

"Eject Initiation." Okay. Mukhang warning at sure na hindi maganda ang ibig sabihin ng mga words na iyon at—Waa!

"Aray!" napasapo ako sa likod ko at sa puwet ko ng tumalsik ako mula sa libro. Grabe. Hindi man lang dahan dahan ang pag-itsha sa akin sa labas.

"So?" napansin kong nakatayo si Karten at Kelle sa tabi ko. Agad akong tumayo at inayos ang cap at damit ko.

"Medyo gets ko na." Tumango-tango naman sila bilang approval.

"Lahat ba ng libro dito ganyan?" tanong ko.

"Ay nope. Mas marami pa din ang normal na libro dito." Woah. Buti naman. Kasi parang aatakihin ako kung ganyan lagi.

"So? Anong Extensions mo?" hoping na tanong nila sa akin. Napailing ako signalling that I am not sure what it is.

"Alam ko na!" napabaling naman kami kay Karten.

"Itanong na lang natin sa Head Master kung anong Extensions mo. Malay mo alam na nila." Mukhang magandang suggestion nga iyon kaya naman sumang-ayon na lang ako.

After a while, nasa loob na kami ng office ng head master. Iyong si Tanda pala ang Head Master dito. Baka nga alam niya ang extensions ko.

"Kayo pala girls. Anong kailangan niyo?" magiliw na tanong ni Tanda.

"Tanda! Alam mo ba ang extensions ko?" magalang na tanong ko.

"Circe!" sita nila Kette sa akin. Tumawa lang ng pagkalakas-lakas si Tanda.

Anong problema sa tanong ko? Iyon naman talaga ang pinunta namin dito eh.

"Ewan." nang-aasar na sabi ni Tanda.

"Aba! Tanda wag kang madaya." Frustrated na sagot ko sa kaniya.

"But I can tell you your Elemental Name." nagsparkle ang mata ko. Sige kahit elemental name na lang. Okay na muna ako doon.

 "Anong elemental name ko?" Agad na nag-abang kami nila Karten at Kette sa sasabihin ni Tanda. Parang may kinuha naman siya na kung anong file at binuksan iyon.

"No. There must me some mistake in here." nagtaka naman ako sa reakyon ni Tanda. Para kasi siyang nakakita ng multo sa nabasa niya sa file ko. Namutla pa nga siya.

"Bakit? Anong meron sa name ko?" I asked. Kinabahan ako bigla. Ganun ba kapangit ang name ko at ganyan siya kung makareact?

Baka iyong name ko is Pig at kaya kong materialize ng kaning baboy. Ang baho naman.

"Anong name niya, Sir?" tanong na din nila Karten at Kette.

Titig na titig si Tanda sa akin. Titig na to the extent

"Feuer."

Narinig kong napa-gasp sila Karten sa narinig. Ano ba kasing meron sa name ko? Sa name na Feuer?

"Hindi naman pangit ah. Ang ganda nga eh. I like my Elemental Name." sabi ko naman. Naastigan ako sa name ko eh. Feuer.

"There is a history about that name. Sinong pumili ng name niya Head Master?" tanong naman ni Karten.

"No idea." sabi ni Tanda.

"Bakit ba? Ano bang meron?" naiinis na tanong ko. Nakaka-OP kasi eh. Sila lang ang nagkakakintindihan.

"Circe, Feuer is the name that nobody wants here in the Academy. There's no written rule na bawal gamitin ang pangalan na iyan. Many believe that Feuer is a bad luck. The last one who used that name committed suicide." sabi naman ni Kette. Medyo na shock ako doon.

"Wala naman akong balak magsuicide. Totoong gusto kong makasama ang parents ko sa langit pero may Aunty pa akong nahihintay sa pagbabalik ko kaya imposible. I will use that. Cool naman eh. Parang FEUERfume."  Nag-joke ako. Yep. Nag-joke ako. Walang tumawa. K. Last na yon.

Still, I am curious. Why did Feuer commit that act? Teka. Parang alam ko na. Baka ang ibig sabihin ng word na yon ay NO POWERS at kaya niya yon nagawa kasi nahihiya siya? Urgh. Ano ba yan... Name pa lang ang dami ng hanash.

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 1.5K 70
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
486K 34.7K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...