MARRIED At First Sight

By Brad_Poison_Ivy

29.4K 666 65

VICERYLLE STORY More

EXPLANATION
INTERVIEW
MATCHMAKING
THE WEDDING DAY
THE HONEYMOON ( 1st night)
1 WEEK HONEYMOON
7 DAY OF MARRIAGE (Rated SPG)
PAALAM NA!
5 YEARS AFTER
NICE TO MEET YOU....AGAIN!
MULING IBALIK
PUSANG GALA!
SPY VICE
THE TRAGEDY
#ALAMNA
NEW HOME, NEW LIFE, NEW BEGINNING
ASAR TALO!
BE PATIENT
ISTORYA
Selfish Alert
Happy Moments
-_- MALING AKALA -_-
MALING AKALA TALAGA
THE MAGIC WORD

ANG PAGBABALIK

944 18 1
By Brad_Poison_Ivy

Mahigit dalawang oras nang naghihintay si Karylle sa airport upang sunduin ang mga mahal sa buhay na isang buwan ring nawalay sa kanya. Tumawag ang kanyang ina kahapon ayon na rin sa bilin niya na ipaalam sa kanya ang oras ng flight ng mga ito. Wala pa siyang maayos na pahinga simula nang bumalik sila sa Manila galing Bulacan kaya medyo inaantok pa siya.

Ilang saglit pa ay natatanaw na niya ang kanyang pamilya kasabay ng ilang mga balikbayan. Kumaway siya sa mga ito para makita siya sa kanyang kinaroroonan. Nang makita siya ng anak at ng kanyang pamangkin ay nag-unahan pa ang mga ito sa pagtakbo palapit sa kanya.

Sa pananabik na mayakap ang mga ito ay sinalubong rin niya ng takbo ang mga bata. Lumuhod siya para magpantay sila ng mga bata.

"Mommy!!!" Bulalas ni Nathalie nang mayakap ang ina. "I miss you very much po!" Humalik halik pa ito sa mukha niya.

"Tita Mommy! I miss you" Excited na wika ni Nathan sabay yakap sa tiyahin.

"I miss you too" Pinaghalikan niya sa pisngi ang mga ito.

Magkasabay na lumapit sa kanila ang nakangiti niyang ina at si Dingdong na hila-hila ang mga bagahe.

Tumayo si Karylle sa pagkakaluhod upang yakapin naman ang kanyang ina at si Dingdong.

"Ma, na-miss ko kayo. Kumusta ang flight nyo?"

"I miss you too. Mabuti naman ang naging byahe namin. Nagkaaberya lang kanina bago kami makasampa sa eroplano pero naayos naman agad" Sagot ng kanyang ina.

"Ikaw? Kumusta naman ang sadya ng pagbabakasyon nyo sa Amerika? Nagkita ba kayo ni Bea? Nagkausap na ba kayo?" Sunod sunod niyang tanong na ang tinutukoy ay ang babaeng napupusuan ni Dingdong.

"Yeah. And you know what? Pumayag pumayag na syang magpakasal sakin!" Excited na balita nito sa kanya.

"Talaga!? Im so happy for you" Sagot niya at niyakap ng mahigpit ang binata.

"Mga anak,pwede bang sa bahay na ninyo ituloy ang kwentuhan? Para naman makapagpahinga na ang mga bata" Singit ng Ina ni Karylle.

"Tama si Mama" Natatawang wika ni Dingdong.

○■♤●◆○♡◆♡○¤●♡♤●}♤●}♤●}♤●}♤●[♤●{●[●♡[●♢○《♢○♤♡▪◆▪♤□♤◆▪♡¤○♡■♡○■○♡○♢○♤♢♤●♢♤●}♤♢●♤♢●♤[♤

Isang block lang ang pagitan ng bahay nina Dingdong sa bahay nina Karylle sa isang kilalang subdivision sa Pasig. Ngayong kasama na ulit ni Karylle ang pamilya niya ay malamang na isang beses nya lang ulit mauuwian ang kanyang apartment na malapit sa pinapasukan nyang ospital.

Pagkarating sa kanilang bahay ay nagpaalam na muna si Dingdong sa kanila upang tumuloy ito sa sariling bahay kasama ang anak na nakatulog na sa byahe.

Si Karylle naman ay buhat rin ang tulog na anak paakyat sa kanilang kwarto. Ilang  beses nyang hinalikan ito sa noo at hinaplos ang pisngi dahil sobrang na-miss niya ang bata. Iniwan muna niya sa kwarto ang anak at bumaba upang tulungan ang ina sa pag-aayos ng mga gamit at pasalubong.

Ito na rin ang tamang oras upang masabi sa ina ang tungkol sa muli nilang pagkikita ni Vice. Nagkwentuhan muna silang mag-ina tungkol sa pagbabakasyon ng mga ito sa Amerika. Inalam rin niya kung ano ang ginagawa ng kanyang anak doon. Hanggang tumigil siya sa ginagawa at matahimik dahil naalala niya ang ama ni Nathalie.

"Anak bakit?" Anito nang mapansing hindi siya umiimik.

Tiningnan niya ng diretso ang ina. "Ma, may sasabihin po kasi sana ako sa iyo eh."

"Ano 'yon? May problema ba? Tungkol ba 'to sa trabaho mo?" Sunod-sunod nitong tanong.

"H-hindi po tungkol sa trabaho ko"

"Kung ganon, ano?"

"Tungkol po sa ama ni Nathalie. Si Vice"

"B-bakit? Anong tungkol sa lalaki este sa baklang 'yon?" Gulat na tanong nito.

"Ma, hindi po sinasadyang nagkita ulit kami"

"Ano!?, Paano? Saan? Bakit? At Kailan? Ha?" Natataratang tanong nito.

"Ma, kalma lang. Isang linggo na po ang nakalipas. Sa birthday party ni Paolo. Niyaya po ako ni Iza non. Hindi ko naman po alam na ang baklang kaibigan ni Vice ay kaibigan rin po pala ni Pao. Kaya 'yon po" Pagtatapat niya.

"Anong sabi nya sayo? Nag-usap ba kayo? Nalaman ba nya na nagkaanak kayo?"

"Nagkausap naman po kami. Pero hindi nya alam ang tungkol kay Nathalie. Natatakot po akong malaman nya na may anak kami. Pano kung kunin nya sakin ang anak ko?" Nababahalang wika niya.

"Ako man ay natatakot rin. Pero anak, walang lihim na hindi nabubunyag. Mas maigi parin na sabihin mo ang totoo sa kanya kesa sa iba pa niya malaman"

"No Ma, hindi pa ako handa. Tsaka na po siguro kapag malakas na ang loob kung magtapat sa kanya tungkol sa anak namin" Kontra niya.

"Kung yan ang gusto mo, ikaw ang bahala. Ito lang ang lagi mong tatandaan. Suportado kita sa lahat ng desisyon mo noon pa man. Kaya sige, kung gusto mong ilihim muna ang tungkol sa apo ko eh susuportahan kita. Pero pag isipan mo parin ang sinabi ko sayo ha? Walang lihim na hindi nabubunyag." Paalala nito.

"Alam ko po 'yon Ma" Aniya at lumapit sa ina upang yakapin ito. "Salamat po"

□》♡¡◆♢♤■♡ ■●■■•♤◇■♢■{●●♡■[}●♤□♤○>○♡■♢¤♡◆■◇♤¤♢¤♤◇¤◆♡¤♢♤♢

Kinagabihan, napagdesisyunan ni Karylle at Dingdong na sa bahay na nila sila maghahapunan. Nakagawian na nila ito noon pa man. Gusto rin ni Karylle na makipagkwentuhan sa mga ito tungkol sa mga  napasyalang lugar sa Amerika. Simula nang umupo sila sa hapagkainan ay walang tigil sa pagkwento ang pitong-taong gulang niyang pamangkin na si Nathan. Ibinibida ng bata ang nasakyan nitong rides sa mga pasyalang pinupuntahan nila. Dala rin nito ang camera ng ama at ipinapakita sa kanya ang mga larawang kuha sa iba't ibang lugar sa Amerika.

"Kuya Nathan, stop na muna 'yan. 'Yong pagkain mo oh, wala pang kalahati ang nababawas" Puna ni Dingdong sa anak.

"Wait lang Daddy. Ipinapakita ko lang kay Tita Mommy ang mga pictures namin ni Baby Nathalie" Sagot nito na nakatayo sa kaliwa ng inuupuan ni Karylle.

"Sige na Kuya, umupo ka na sa upuan mo. Mamaya nalang natin ipagpatuloy ang pagtingin sa mga pictures ha? Eat ka muna. Di ba sabi ni Teacher Glenda, bawal na pinaghihintay ang food?" Aniya sa pamangkin at hinila ang katabing upuan para makaupo ito.

"Ok po" Saka umupo na. "Daddy, pwede po bang dito na muna ako matutulog kina Tita Mommy? Pleassssseee??? Miss ko na po kasi siya eh" Paglalambing nito sa ama.

Napangiti naman si Karylle sa inasal ng pamangkin. Tiningnan niya si Dingdong na nag-iisip pa. Tinaasan niya ito ng dalawang kilay na nagtatanong rin kung papayag o hindi.

"Ok,sige. Pano ba kita hindi papayagan kung ganyan na ka-cute ang mukha mo? Basta uubusin mo yang pagkain mo?" Anito sa anak. Nakanguso kasi ito, kunot ang noo at papikit-pikit pa ang mata.

"Yehey!!!Opo! Thank you Daddy!" Excited nitong wika at niyakap ang katabing ama.

Nagpatuloy sila sa pagkain pati na rin sa kwentuhang hindi maubos-ubos. Ilang sandali pa ay tapos na rin silang kumain.

Magkatulong na nagligpit ng kanilang mga pinagkainan sina Dingdong at Karylle habang ang dalawang bata ay nasa sala at nanunuod ng Tv kasama ang kanilang Lola ChaCha.

Matapos malinis ang lahat ng hugasan ay agad nang nagpaalam si Dingdong sa kanila. Isinama muna nito ang anak pauwi upang makapaglinis at mabihisan na ng pantulog bago muling ihihatid sa kanila.

Tulad ng sinabi ni Karylle sa pamangkin ay pinagpatuloy nga nila ang panunuod ng mga pictures pati na rin ng mga videos sa camera na naka-connect sa kanilang Tv. Aliw na aliw siya sa panunuod ng mga larawan ng anak na tuwang-tuwa sa mga nakikita sa paligid.

Halos isang oras at kalahati rin silang nanuod bago nagyaya ang pamangkin na inaantok na. At dahil namiss niya ang mga ito ay sa sala na lamang sila lumatag ng higaan upang magkakatabi silang lahat matulog. Maliit lang naman kasi ang space sa kwarto ng kanilang bahay kaya siguradong hindi silang apat magkasya isa man sa dalawang kwarto roon.

Mabuti na lamang at hindi naalala ng anak niya ang paborito nitong kwento na gawa-gawa lamang niya tuwing matutulog ito.

Gawa-gawa nga lang ba?

Maaga silang lahat nakatulog dala na rin ng pagod ng mga ito sa mahabang byahe. At maging siya rin ay pagod dahil sa limang oras lamang ang tulog niya ng nagdaang gabi.

♤□♤●>●♤◆♢¤♢■{□>●♤■♢¤♡□>○♤●♢■♢¤♡□●♤□♢◇¡◆♧¤♢◆♤◆>◇《◆♡¤》《♢■>●》◆♢¤♢¤¡♤¡《¡《¤♡□●♡◇》《《¡《♢

Abala parin si Vice sa mga pagpirma sa mga papeles na nakaantabay sa kanyang mesa. Halos isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang umuwi siya galing Bulacan. Isang linggo na rin siyang hindi nagpapakita kay Karylle. Hindi rin niya magawang tawagan o itext ito dahil kailangan niyang mag-focus muna sa trabaho. Bahagya niyang napabayaan ang negosyo simula nang muli niyang makita si Karylle.

Umikot sa dalaga ang buong atensyon niya kaya hindi niya napapansing unti-unti na palang bumababa ang ratings ng kumpanyang minana niya sa kanyang Lolo Enzo. Kailangan niyang makabawi. Pansamantala na muna niyang hindi iisipin ang dalaga.

Nakaramdam siya ng pagod sa buong hapong pagtatrabaho. Sumandal siya sa kanyang swivel chair saka inunat ang mga kamay pataas at patagid habang maingat na iniikot ikot ang ulo na kanina pa namimigat. Marahan niyang hinilot ang kanyang batok upang mawala ang pangangalay nito.

Iwasan man niyang hindi isipin si Karylle ay pilit sumisiksik sa isip niya ang nakangiti nitong mukha nang makita ang bahagharing nasilayan nila sa Bulacan. Tumatak na yata sa utak niya ang mukha ng dalaga.

Napapangiti naman siya kapag naalala ang tungkol sa mga pusa na nakita nila sa lugar na iyon.

Nakaramdam muli siya ng sigla at sinimulan na naman ang pagkilatis sa mga papers na may isang linggo na ring nakatingga sa kanyang mesa. Kailangan niyang matapos ang lahat ng kanyang dapat gawin upang may panahon na muli siyang mapasyalan ang dalaga.

Tok...

Tok...

Tok...

"Come in" sagot niya sa kumakatok.

Bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi na niya tiningnan ang pumasok sa pag-aakalang ito ang kanyang secretary na tinawagan niya kani-kanina lang upang magpa-templa ng kape.

"Busy?" Tanong ng isang boses na pamilyar sa kanya.

Awtomatikong umangat ang kanyang ulo upang tingnan ang nagsalita. Napangiwi siya.

Patay!

"Jollibee!? Anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong.

"As in? Hanggang ngayon yan parin ang tawag mo sakin? Kakarating ko lang ngayong araw at dito na agad ako dumiretso para ipaalam sayo na dumating na ako. Surprise!?" Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa harap ng mesa niya.

"At bakit naman kailangan mo pang ipaalam sakin ang pagdating mo aber?" Taas kilay na sagot ni Vice.

"Dahil may utang ka pa sakin. Sinabi ko naman sayo na hindi ako titigil hanggat hindi mo tinupad yong promise mong makikipagdate ka sakin."

"Ano!? As in rin? Hanggang ngayon hindi mo parin nakakalimutan ang pesteng date na yon? Hoy para sabihin ko sayo, kaya ko lang sinabi yon ay para tigilan mo na ako sa pangungulit mo!"

"Huh! Pwes, nagkamali ka dahil mas lalo lang kitang kukulitin kapag hindi mo tinupad ang promise mo" Ngiting wika nito.

"Diyos ko naman! Ang dami-dami ko pang gagawi  oh. Nakikita mo ba yang tambak ng mga importanteng papeles na 'yan? Pwede bang wag ngayon? Pwede!?" Naiinis nang wika niya.

"Hmmm..." nag-iisip kunwari. "Pwede rin naman. Basta ba sabihin mo lang na papayag ka na talaga na makipagdate sakin eh aalis na ako"

Kung hindi lang masamang pumatay ng kamukha ni Kakai, kanina ka pa nakabulagta sa sahig!

"Oh sige! Sige! Fine! Sige na,payag na ako. Kaya pwede ba? Umalis ka na muna para mapagpatuloy ko na 'tong ginagawa ko?" Sumusuko niyang sabi.

"Good! Sinabi mo 'yan ha? Wala nang bawian. Tomorrow 7PM sa Heaven Stairs Hotel and restaurant. Hihintayin kita 'don" Tumayo ito at umupo sa mesa upang mapalapit sa kanya. "Aakyat tayo sa langit" Malambing na wika ito sabay kindat.

Hindi naman maiguhit ang mukha ng nandidiring si Vice sa sinabi ni Jovy Lee.

"Ewww...kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" Pagtataray niya. " Parang mas gusto 'kong sa purgatory stairs tayo mag-date. Para ibaon-"

"Ang ano!?" Putol nito sa sinasabi ni Vice. Pinaikot pa nito ang dila sa sariling labi saka kinagat ang pang-ibabang labi.

"Kadiri ka talagang babae ka! Umalis ka na nga! Kinikilabutan ako sayo!" Bulyaw niya rito.

"Okey. See you tomorrow. Bye!" Malambing nito wika. Nag-flying-kiss pa ito bago tuluyang lumabas sa kanyang opisina.

Napasabunot na lamang siya sa kanyang sarili dahil sa inis na nararamdaman. Pagkalabas ng di inaasahang bisita ay noon palang naman pumasok ang kanyang sekretaya dala ang kanya g kape.

"Sir coffee mo po" Inilapag nito sa mesa ang dalang kape.

"Next time,bago ka magpatuloy ng tao dito sa opisina ko,ipaalam mo naman muna sakin! Pwede ba 'yon!?" Matigas niyang sabi.

"So-sorry po Sir. Tatawagan po sana kita kanina kaso makulit po si Ma'am Jovy. Ayaw nya pong ipaalam ko sa iyo na nandito sya para raw po ma-surprise ka"

"Na-surprise nga ako! Kaya lumabas ka na bago pa ako makapagbitiw ng salita na makapag-pasurprise rin sayo!" Bulyaw niya.

"Y-yes Sir!" Aligaga itong lumabas ng kanyang opisina.

¤●¤●♤●□○>□♡♡■♡●♤《♡■♡□♤○□●♡■♡¤♡■♤□♤□》¤¡¤♡◆●■●◆》¤》•¤◆》♤♡>●■○♤●}《○♤○¤{○♤》●●《●¤●●¤○¤●○

Tinupad ni Vice pakikipag-date kay Jovy Lee para tigilan na rin siya nito sa pangungulit sa kanya. Siguro naman, pagkatapos ng gabing ito ay tatantanan na siya ng babaeng mukhang pustiso sa kanyang paningin.

Kakapasok pa lamang niya sa restaurant na sinabi nito at palinga-linga siya sa paligid. May ilang nakakakilala sa kanya sa lugar na iyon na bumabati sa kanya. Ang iba naman ay nagpapa-picture pa.

Sinadya niyang magsuot ng pambabaeng damit at kinapalan rin niya ang kanyang make-up upang mas lalo siyang magmukhang babae. Nagpalagay rin siya ng hair extensions na abot hanggang balikat. Naka-high heels rin siya. Gusto niyang inisin ang babae para layuan na siya nito at para na rin hindi isipin ng mga tao sa restaurant na iyon na nagdi-dinner date sila.

Ilang sandali pa ay nakita na niya sa isang sulok ng kainan ang nakapusturang si Jovy Lee. Kumaway ito sa kanya na kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha nang pasadahan nito ng tingin ang kanyang kabuuan nang siya'y makalapit.

"Hashtag OOTD! Ok ba?" Aniya. Nginitian niya ang dalaga ng nakakainis na ngiti.

Tagumpay ang plano niyang inisin ito. Wala pang kalahating minuto ang kanilang pagkikita ay agad na nagpaalam ang babae. Hindi na siya nito kinakausap. Halos sumayad na rin sa lupa ang nguso nito sa kakasimangot.

Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong si Jovy Lee na bagsak ang mga balikat. Animo'y nalugi sa negosyo ang hitsura nito.

Hindi na muna siya tumayo sa kinauupuan. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan ang mga kaibigang bakla. Ngunit makailang beses na niyang dinayal ang numero ng mga ito ay walang sumasagot. Sa iba naman ay busy tone ang kanyang naririnig. Nagdesisyon na lamang siyang panandaliang manatili sa lugar na iyon.

Abala siya sa pagdutdot ng kanyang cellphone nang may isang lalaking lumapit sa kanya. Kilala siya ng lalaki pero hindi niya ito kilala.

"Hi! Alone?" Anito sa kanya.

Tiningnan niya ang nagsalita. Kumunot ang kanyang noo na tila tinatanong ang binatang lumapit sa kanya kung kilala niya ito. Gwapo ang lalaki. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Pasok sa criteria ng pagiging modelo.

"Maybe you do not remember me pero isa ako sa mga dumalo sa birthday celebration mo last year na ginanap sa Tagaytay Highlands. Im Allan Ferrer." Inilahad nito ang palad sa kanya.

Nakipagkamay naman siya. "Hindi ko na maalala, im sorry. Ahm maupo ka. May kasama ka ba?" Aniya.

Umupo ito. "Wala. May inihatid lang akong kaibigan na nag-check-in dito. Actually paalis na ako nang makita kita. Napansin kong nag-iisa ka lang dito sa table mo kaya naisipan kong makipagkwentuhan muna. Maaga pa naman para umuwi"

"Ah ganun ba? May kasama rin ako kanina kaso nagkatupak kaya iniwan na ako." Wika niya.

"By the way, ang ganda mo sa suot mo. Muntik na nga kitang hindi makilala"

"Talaga ba?" Pa-cute niyang tanong.

"Yeah"

Patuloy silang nag-uusap ng kahit anong bagay na madalas nilang ginagawa. Nag-eenjoy rin si Vice sa company ni Allan kaya habang tumatagal ang kanilang kwentuhan ay palambing ng palambing naman ang kilos at pananalita niya. Likas na sa mga bakla ang ganitong gawi lalo pa't matipuno at gwapo ang kanyang kakwentuhan.

SA kabilang banda, magkasamang pumasok sa Heaven Stairs Hotel and Restaurant sina Karylle at Dingdong. Nagpasama si Dingdong sa kanya upang tingnan ang magiging venue ng kasal nito sa fiancee na si Bea. Surprise wedding ang magaganap tatlong buwan mula ngayon. Kaya habang maaga pa ay sinisimulan na nilang asikasuhin ang mga gaganapan ng okasyon.

Ang Heaven Stairs ang napili nilang pagdadausan ng reception pagkatapos ng kasal upang dito na rin makapag-check in ang bagong kasal pagkatapos ng kanilang salu-salo.

Nilibot sila ng isang staff ng hotel upang makita ang mga kwarto nito. Ilang mga suggestions at plano ang kanilang pinag-usapan bago sila bumaba pabalik kung saan naroon ang kainan.

"What do you think K?" Tanong ni Dingdong kay Karylle matapos kilatisin ang kabuuan ng restaurant.

"Ok sya. Maganda ang lugar na ito. Bongga" Nakangiting sagot ni Karylle.

"I like it too! Ito na 'to K! Finally! After three years na away-bati namin ni Bea. Mauuwi rin kami sa kasalan" Masayang wika nito. Nasa boses ang excitement.

"Masaya ako para sayo, pati na rin kay Nathan kasi magkakaroon na sya ng Mommy"

"Thank you!" Napatingin ito sa suot na relo. "Maaga pa naman, tara kain muna tayo dito. Ililibre kita kasi sinamahan mo ako"

"Sure! Gusto ko 'yan, libre eh. Hehehe"

Humanap sila ng bakanteng mesa. Nakakuha naman agad sila ng pwede nilang upuan sa bandang dulo ng restaurant.

Habang papalapit sa bakanteng mesa ay napansin ni Karylle na may ilang lalaki't babae ang masayang nag-uusap sa tabi ng magiging upuan nila. Magkatabi ang mga ito sa upuan. Napansin rin niya ang isang shoulder bag na nakapatong sa upuan na nasa harap ng mga ito. Marahil doon nakaupo ang nasabing babae at lumipat lamang sa tabi ng binatang katabi nito. Hindi mapagkakailang magkasintahan ang dalawa base na rin sa paglalambingan ng mga ito.

Nang tuluyang makaupo sa upuang hinila ni Dingdong para sa kanya ay iniiwas na niya ang paningin sa magkasintahang tahimik na naglalambingan. Baka kapag patuloy na tiningnan niya ang mga ito'y isipin nilang tsesmosa siya.

Kinuha na lamang niya ang menu na nakapatong sa mesa at binuklat iyon upang makapili ng oorderin. Kaharap niya si Dingdong na nagbabasa rin sa menu.

Caramelized Banana Pudding Dessert na lamang ang kanyang inorder. Nakakain na rin naman siya ng hapunan kanina bago umalis ng bahay.

Habang hinihintay ang kanilang inorder ay nakita niyang tumayo ang nobya ng lalaking tinitingnan niya kanina. Sumenyas ito sa nobyo na pupunta lang ng CR. Natatakpan ng buhok ang mukha nito kaya hindi niya makita ang hitsura ng babae pero sigurado siyang maganda ito. Matangkad rin sya at lalo pang pinatangkad ng suot nitong high heel. Hindi niya naririnig ang usapan ng mga ito. Bukod sa may iba pa silang katabing mesa na may mga nag-uusap rin ay alam niyang mahina lang ang kwentuhan ng magkasintahang ito.

Ilang saglit lamang ay dumating na rin ang kanilang pagkain. Kakasubo pa lamang niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa kanyang dalang bag upang sagutin.

"Excuse me,tumatawag si Mama. Kakausapin ko lang ha?" Paalam niya kay Dingdong.

"Go ahead"

Hindi niya gaanong maintindihan ang sinasabi ng kanyang ina dahil may kalakasan rin ang usapan ng ilang kumakain sa restaurant na iyon. Tumayo siya at ipinaalam kay Dingdong na pupunta lang saglit sa banyo upang magkaunawaan sila ng kanyang ina.

Naglakad siya patungo sa direksyon kung saan naroon ang banyo. Hawak parin niya sa kanyang tenga ang cellphone habang nakikipag-usap sa kanyang ina. Naririnig na niya ang sinasabi nito.

"Ma? Hello? Ma? Okay na po. Naririnig na kita. Bakit ka ho napatawag?"

"Itong pamangkin at anak mo kasi kanina pa kayo tinatanong sa akin. Kinukulit akong tawagan ka,kaya ito. Oh kausapin mo muna sila"

Ibinigay ng kanyang ina ang cellphone sa kanyang anak. Naririnig rin niya ang boses ng kanyang pamangking si Nathan na iniwan muna sa kanilang bahay habang wala sila.

"Hello Mommy? Pauwi na po ba kayo ni Tito Daddy?"

Sasagutin na sana niya ang tanong ng kanyang anak nang may makabangga siya. Malakas ang impact nito sa kanya kaya nalaglag ang hawak niyang cellphone.

"Aray!" Aniya.

"Ooopppsss!! Sorry miss" Wika ng nakabangga niya. Pinulot nito ang nalaglag niyang cellphone. Mabuti na lamang at may jelly case ito kaya hindi nagkahiwa-hiwalay nang mabitiwan niya.

Napakunot naman ang noo ni Karylle. Parang pamilyar sa kanya ang boses nito. Iaabot na nito sa kanya ang cellphone na nalaglag nang pareho silang matigilan. Kapwa sila nagulat ng magtama ang kanilang mga mata at mamukhaan ang isa't isa.

"Ikaw!?" Gulat na tanong ni Karylle kay Vice. Tiningnan niya ito mula ulo mukhang paa este hanggang paa. Ito 'yong inakala niyang babae na naglalambingan kasama ang nobyo sa malapit sa mesang inukupa nila ni Dingdong.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabay nilang tanong.

"Wala kang pakialam kung anong ginagawa ko dito." Pabalang na sagot ni Karylle. Naiinis siya dito. Lalo na't nakita niya ang paglalambingan nito at nang lalaking kasama nito sa restaurant na rin.

Pahablot niyang kinuha ang kanyang cellphone na hawak nito. Naglakad siya pabalik sa kaniang mesa upang yayain na ang kasamang si Dingdong na umuwi. Nakasunod naman sa kanya si Vice. Hinawakan nito ang kanyang kanang braso upang patigilin siya sa paglalakad.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Mahina pero galit niyang sabi. Iwinaksi niya ang kanyang kamay upang makawala sa paghawak ni Vice. May ilang nakatingin sa kanila.

"Sagutin mo muna ang tinatanong ko. Why are you here? Sa Pasig ka nakatira di ba? Anong ginagawa mo dito sa QC?" Mahina niyang tanong.

"Bakit ko naman sasabihin sayo aber? Ano ba kita?"

"Kaibigan. Normal lang naman sigurong magtanong ang isang kaibigan di ba? Lalo pa at mahigit na rin isang linggo tayong hindi nagkita. Syempre itatanong ko kung anong ginagawa mo dito. Tsaka bat ka ba nagagalit ha?"

"Dahil nakakainis ka!"

"Bakit? Dahil sa pananamit ko ngayon? Dahil sa mahaba kong buhok at sa high heels ko? Ano?"

"Lahat! Ok!? Lahat! Tsaka wag mo na nga akong pag-aksayahan ng panahon. Bumalik ka na 'don sa boyfriend at baka magtaka 'yon kung bakit matagal kang bumalik" Sarkastikong wika niya.

"Nakita mo kami?"

"Hindi ko alam na ikaw 'yong malanding babae na nakita ko kanina. Kung hindi pa tayo nagkabanggaan, hindi ko malalamang ikaw 'yan. At hindi ko malalamang nandito ka rin!"

"Hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang sya."

"Magpaliwanag ka sa Lola mo. Tsaka ano ka ba!? Hindi mo kailangang magdepensa kasi wala namang kaso kung magboyfriend ka di ba? 'Yan ang tunay na ikaw eh. Kaya walang problema." Ngumiti siya para pagtakpan ang tunay na nararamdaman.

Maglalakad na sana ulit siya pabalik sa kanilang mesa nang makasalubong niya si Dingdong hawak ang kanyang shoulder bag. Ibinigay ito sa kanya.

"Thank you. Lets go home"

"Any problem?" Nagtataka nitong tanong.

Hindi niya sinagot ang tanong ni Dingdong. Nagpatiuna na siyang naglakad palabas ng restaurant. Pero bago tuluyang makalabas ay humabol pa ang nagtatakang si Vice nang makita nito na may kasamang lalaki ang dalaga.

"Karylle wait. May kasama ka? Nandito kayo para mag-date di ba?"

"Sinabi ko na sayo, wala kang pakialam." Tuluyan na siyang nakalabas ng restaurant.

Nakasunod naman sa kanya ang nagtatakang si Dingdong na hindi alam kung ano ang nangyayari. Napadaan ito sa naguguluhang si Vice. Tinanguan niya ito tanda ng pagbati. Kilala ni Dindong si Vice pero sa pagkakataong ito ay hindi niya kilala ang kaharap dahil sa kakaibang pananamit nito.

Hindi naman napigilang tanungin ni Vice si Dingdong nang nasa harapan na niya ang lalaki.

"Excuse me, magkasama kayo ni Karylle?"

"Yeah. Why?"

"Anong ginagawa nyo dito? Dinner? Date? Or what?"

"No,no,no, nandito kami para sa isang Wedding preparation"

"Wedding!?" Gulat na tanong  ni Vice.

"Yup" - Dingdong

"Sinong ikakasal?"

"Excuse me! Pwede bang tigilan mo na ang katatanong!? Pauwi na kami oh! Istorbo ka!" Singit ni Karylle sa usapan ng dalawa na bumalik upang hilahin si Dingdong patungo sa nakaparada nitong sasakyan.

"Im sorry kung magaspang ang pakikitungo niya sayo. May tumawag kasi sa kanya kanina. Baka may nangyari sa bahay. Bye" Ani Dingdong kay Vice habang hila-hila siya ni Karylle sa kamay.

Hindi na nakapagtanong pa si Vice dahil nakasakay na ang mga ito sa kotse. Mas lalo siyang naguguluhan nang marinig ang huling sinabi ng lalaking kasama ni Karylle.

Magkasama sa iisang bahay ang dalawa? Paano nangyari 'yon? May hindi sinasabi sakin si Karylle. Tapos malalaman kong ikakasal na pala sya? Isang linggo lang na hindi kami nagkita. Isang linggo lang............


Itutuloy------------------------->>>>>>>>
Bye!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

365K 7.9K 28
Highest rank #2 in short story. lyr father wants to marry her to his bestfriend son and shes not agree with it.. she get drunk on a bar and give her...
3K 109 16
Isang masayahing asawa at ina si Helena sa kanyang limang anak nang maganap ang isang trahedya sa kanilang pamilya sa Negros Occidental. Wala siyang...
130K 1.6K 46
Si Terrence Emmanuel Lee, nanakit ng damdamin, pinaalis at muling bumalik para humingi ng tawad sa kanyang mahal na si Miadelle Imee Tiu na ikakasal...
21.8K 617 16
Liam Cruz ay isang masipag na tao at tapat na kaibigan kay Wilfred simula noon. Mabait, gentleman, masipag at loyal sa mga importanteng tao. Sierra C...