Afianna: The Reincarnation Of...

By Eklipxe

344K 15.6K 1.7K

Sa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers ou... More

Afianna: The Reincarnation Of A Goddess
I
II
III
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV

IV

9.8K 536 45
By Eklipxe

Chapter 4 - Fight

Nagdaan ang sampung minuto, marami na ring pumasa at marami na ang natanggal dahil nakakuha sila ng black, brown or orange. Ang black ay ang pinakamababa sa lahat ng rank. Sumunod rito ang brown tapos ay ang orange.

Highest to Lowest Rank:
White
Red
Green
Blue
Yellow
Purple
Orange
Brown
Black

"Next." Sabi ng isang opisyal sa aking harapan.

Ako na pala.

I step forward and wait for his instructions.

"Your name." Sabi niya habang nakatingin sa papel at may hawak na panulat.

I give him a card na naglalaman ng pangalan ko na siyang pinagtaka niya. My name is too long for me to say kahit nakaseal ang kapangyarihan ko. Even my name is restricted for me to say.

"Afianna Valerie Glae." Basa niya sa card at tumingin sa akin. "You don't talk?"

Agad naman akong umiling.

"Well then miss, kailangan mo lang maglabas ng enerhiya sa iyong mga palad at ilapat iyon sa crystal. Now go."

Agad naman akong tumalima at ginawa ang kanyang sinabi.

Bitbit ko ang case sa kaliwang kamay kaya ang kanan ko ang inilapat sa crystal at naglabas ng kakaunting kapangyarihan. Kontrolado ko ang paglabas para hindi masyadong magtaka ang mga nag-aabang at nanunuod.

The crystal shine brightly that is why I immediately close my eyes and just concentrate on controlling my power.

Yellow. Yellow was vividly seen in the crystal.

"You pass." Tinanguan niya ako kaya nagbow muna ako bago umalis at umupo sa gilid.

Makalipas ang tatlumpong minuto, natapos ang evaluation at 18 lang ang nakapasa out of 29.

Lahat ng nakapasa ay natuwa at lahat ng hindi nakapasa ay nadismaya.

"Those who pass the test, proceed forward to pick a number."

Pumila ulit kami habang bitbit ko pa rin ang case sa kaliwang kamay. Nang ako na ang susunod, tumayo ang sa box at tinitigan ang pabilog na butas sa gitna ng box at ipinasok ang kamay ko ron at kumuha ng card bago umalis at naglakad papunta sa ibang kalahok.

"Afi!" Sigaw ng isang lalaking kilalang kilala ko. Naglakad ito papunta sa akin na may malalaking ngiti.

Here we go again.

"Ano ang number mo?" Sabi niya at pilit na tumitingin sa card ko. "Aww. Sayang. 7 ako eh tapos 3 ka. Baka may pagkakataon pa tayong maglaban sa arena kung mananalo tayo at tapos sa panghulihan tayong dalawa na ang maglalaban." Masiglang wika niya.

Tinitigan ko lang siya at bumuntong hininga.

"All participants attention. Bawat numero ay may kapareho. Ang labanan ay simple lamang, kailangan niyo lang talunin ang iyong kalaban gamit ang inyong kapangyarihan, sandata at lakas. Depende na sa inyo kung paano niyo gawin. Ang mandadaya ay disqualified agad." Sabi ng lalaking opisyal habang tumitingin sa mga kalahok.

Handa na ba ako? Handa na! Pfft hahaha

"Para manalo kailangan lamang mapalabas ang inyong kalaban sa arena circle or if you can make your opponent surrender." Napatango naman ang mga kalahok. "Number 1 please proceed to the arena circle."

Dalawang kalahok ang naglakad papunta sa harap at nagbow sa isa't isa bago naglaban.

Malipas ang pitong minuto natapos ang labanan at ang nagwagi ay ang weapon shifter na si Hans.

Sumunod naman ang pangalawang maglalaban at natapos sa loob ng tatlong minuto at nanalo si Yannah na may Telekinesis.

"Number 3, proceed to the arena circle!" Sigaw ng opisyal.

Ako na pala. Good luck self.

Pumunta ako sa arena circle at hinarap ang makakalaban ko. Si Jake, weapon shifter din kagaya ni Hans.

"Afianna, hindi ko alam na ikaw pala makakalaban ko." Nakangisi niyang wika habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbow na lang sa harapan niya, ganon din naman siya.

"Maghanda ka Afianna! Tatalunin kita!" Sigaw ni Jake at umatake sa akin ng napakabilis gamit ang kanyang axe. I slide to the right at tinuhod ko ang kanyang sikmura at malakasang sinipa siya kaya siya ay lumipad papalayo sa akin, palabas ng arena circle at tumama sa pader na nakapaligid sa amin. Oops. Sobrang nalakasan ko yata ang sipa ko kasi bumaon siya sa pader at nasira naman ang pader habang si Jake ay nawalan ng malay.

Sorry.

Nakarinig naman ako ng mga bulong pero binalewala ko na lamang ito.

And that is how I win my first fight.

Lumipas ang 40 minutes natapos ang lahat na maglalaban kaya winner versus winner naman ngayon for the second round.

Nanalo rin si Gelo sa kanyang laban kanina kaya nakangiti na naman ito lumapit sa akin kanina.

"Ang galing mo talaga, Afianna! Nakakabilib ka talaga! Hahaha! Excited na ako sa laban natin mamaya!" He also pats my shoulder while he exclaimed.

Wala naman akong magawa kung hindi ngumiti kahit hindi niya makita.

Hindi talaga siya nagbabago. Gelo will always be Gelo.

Natapos ang second round na kagaya nong una. Isang sipa lang at labas na sila sa arena circle pero hininaan ko ng kunti para hindi mawalan ng malay. Nakakakonsensya.

The third round will be an all-out battle, matira ang matibay.

Ang mga kalahok na natitira ay si Yannah, Gelo, Michael, Jordan at ako, Afianna. Lima kaming papasok sa arena circle upang maglalaban-laban. Gaya sa first and second round, kung wala na sa arena circle, out na agad.

"Let the battle begin!" The official announced.

"Yannah, unahin natin si Afianna." Sabi ni Jordan pero narinig ko parin.

Gelo and Michael are already fighting sa isang banda gamit ang kanilang mga magic. Fire vs Air. Kung saan apoy ang kay Gelo at hangin ang kay Michael. Sa kapangyarihan pa lang alam mong sino na ang mananalo.

Bigla kong naramdaman ang isang pwersa na pilit akong hindi pinapagalaw. Tiningnan ko si Yannah na siyang tutok na tutok sa akin habang nakataas ang dalawang kamay. Bigla namang nagpalipad si Jordan ng maraming daggers papunta sa pwesto ko.

Para hindi matamaan, I blocked Yannah's Telekinesis using my own Telekinesis without them noticing. I used my case to block the daggers at isa-isa itong nahulog pababa. Kahit gaano pa kalakas ang pagbato ng daggers papunta sa akin, ni gasgas ay wala kang makikita sa case dahil sa magaganda nitong materyales at sa tibay na pagkagawa.

Because of this, pinalabas nila ang sarili nilang weapon at sabay na sumugod sa akin.

This is unfair. I pouted mentally. Pero kailan pa nga ba naging patas pag may laban?

I swiftly dodge both their attacks at pumunta sa likuran ni Yannah at inatake siya gamit ang lalagyan ng sandata. Napadapa naman siya sa semento kaya wala akong sinayang na panahon at inilagay ang case sa likuran niya.

Sinabi ko na bang sobrang bigat ng case na yun? Pwes, alam niyo na. Hahaha

"Kunin mo ang bagay nato sa likuran ko Afianna!" Nahihirapan niyang sigaw at pilit na tumatayo. "Lumaban ka ng patas!"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Kanina pa hindi patas ang laban, Yannah.

Bigla ko namang naramdaman ang mga dalawang daggers na papunta sa gawi ko. I dodge it and hold its handle mid-way and throw it back to Jordan with accuracy and speed aiming for both his thighs.

"Ahh!" Daing niya at napaluhod sa sakit. Tumingin naman siya sa akin at itinaas ang dalawang kamay, gesture of surrendering.

Agad naman siyang dinaluhan ng medics at lumabas sa arena circle.

"Afianna!" Pilit na sigaw ni Yannah. "Kunin mo to!"

Pero kahit anong sigaw niya, hindi ko siya pinansin at tiningnan si Gelo na masayang kumakaway sa akin. Nakita ko naman si Michael na naka-upo sa gilid at basang-basa ng pawis.

"Laban tayo!" Sigaw niya at nagpalabas ng dalawang fire ball.

Binalingan ko naman si Yannah na pilit pa ring tumatayo pero wala pa rin siyang magagawa.

"I won't surrender!" Sigaw pa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad patungo kay Gelo. Napangisi naman ang unggoy at tinira ako. Walang kahirap-hirap na iniwasan kaya nagpaulan siya na fire ball pero hindi ito naging hadlang upang makalapit ako sa kanya ng mabilis. Napapaatras naman siya sa kanyang puwesto. Mabilis ko siyang pinuntahan at sa loob ng isang segundo, I roundhouse kick him but he blocked my attack. Pero wala siyang magawa at tumalsik papalayo sa akin, pero hindi ito naging sapat upang mapalabas siya sa arena.

"Woooh! Ang lakas non!" Sigaw pa niya at hinilot ang kanyang mga brasong pinangsangga.

"Tangina! I surrender!" Malakas na sigaw ni Yannah kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagod, panghihina at inis.

"Afianna! Tayo na lang ang natitira! Bilis! Laban ulit tayo!" Masiglang sigaw ni Gelo at tumatalon pa.

Unggoy talaga.

Tinuro ko naman si Yannah na sobrang nanghihina na. Napatingin naman siya sa dalaga.

"Mamaya na yan!" Napailing na lang ako at pinuntahan si Yannah.

"Kunin mo na, please." Sobrang nanghihina na ang boses niya. Kinuha ko naman sa likuran niya ang lalagyan ng sandata at agad naman siyang nilapitan ng mga medic.

"Fight me! Fight!" Nandoon pa rin ang sigla sa boses ni Gelo.

Tiningnan ko siya at hinanda ang sarili sa pagsugod.

Sinugod ko siya ng kasing bilis sa kidlat at sinuntok siya sa tagiliran na hindi niya napansin at sinipa ng malakas.

Kita ko ang nanlalaki niyang mga mata nang tumalsik na naman siya papalayo sa akin, palabas ng arena bago bumangga sa pader.

"Acckk--" daing niya at buti naman at hindi siya nawalan ng malay.

Palakpak at hiyawan ng mga tao ang nagpabaling sa akin sa mga nanonood.

"Ngayon ko lang nakita si Afianna na lumaban pero ang galing niya!"
"Totoo siguro ang tsismis na lihim siyang nagsasanay sa gubag tuwing hatinggabi."
"Ang galing mo Afianna!"
"Kahit si Gelo na alam natin na ang pinakamalakas sa lahat ng kabataan sa bayan ay natalo niya ng mabilis."

Iba't iba pang mga komento ang aking narinig pero hindi ko na lang ito pinansin at hinarap ang mga opisyal na papalapit sa akin.

"The winner is Afianna Valerie Glae!" Sigaw ng babaeng opisyal na mas lalong nagpalakas sa hiyaw ng mga nanonood.

"Miss Glae, you will be directly enrolled to Heart Academy once you arrived there." Tiningnan ko naman ang isang opisyal at tumango. "Call me Maestro Silver." May suot siyang rectangular shape na salamin.

"Call me Maestro Karis." Sabi naman ng isang opisyal na lalaki at tumango naman ako.

"You can call me Lady Paula, Afianna dear." Sabi ng babaeng opisyal na nakangiti sa akin. Tinanguan ko rin siya bago nagbow sa kanilang harapan.

"Bukas sa alas-otso ng umaga tayo maglalakbay patungo sa Heart Academy kasama ang huling nakalaban mo kanina." Sabi ni Maestro Silver. "Umuwi ka muna sa ngayon at maghanda ng gamit magkita na lang tayo rito bukas."

Tumango ulit ako at nagbow bago tumalikod. Tuluyan na sana akong aalis nang tawagin ako ni Lady Paula.

"Wait, Afianna dear." Napahinto naman ako sa paglalakad at hinarap ulit sila. "Pwede ko bang hawakan ang dala mo, dear?"

Napatingin naman ako sa dala ko at bumaling ulit kay Lady Paula.

Nagdadalawang-isip man, inabot ko ito sa kanya. Kinuha niya naman ito at napakunot ang noo bago bumagsak ang lalagyan ng sandata sa semento kasabay ng kamay niya kaya medyo napayuko siya.

Napangiwi naman ako ng magkaroon ng crack ang semento.

Nakita ko rin ang pagkabigla sa mga mukha ng dalawang maestro.

"Let me try." Sabi ni Maestro Silver at hinawakan ang handle ng case at pilit na binuhat ito. Kumunot ang kanyang noo at hinawakan ang handle ng dalawang kamay. Nagawa niya naman itong angatin ngunit lumipas ang limang segundo ay bumagsak ulit ito sa sahig.

Napangiwi ulit ako.

"Ang hihina niyo." Sabi naman ni Maestro Karis at hinawi si Maestro Silver. Gamit ang isang kamay, pilit niya itong iangat. Pero wala pa rin, kaya ginamitan niya na ito ng dalawang kamay kaya umangat ito pero mababakas sa mukha ni Maestro Karis ang hirap kaya agad niya itong binaba at pinahiran ang pawis na tumulo.

"Ano ang laman niyan Miss Glae?" Sabi ni Maestro Silver at inayos ang kanyang salamin. "Maaari bang malaman?"

Ipapakita ko ba? Makikita rin naman yata nila soon.

Lumuhod ako at inihiga ang case sa sirang sahig. Makikita mo rito ang initials ng pangalan ko na may kulay na gold. A.F.M.G. Afianna Valerie Morris Glae. Napangiti ako ng makita ito saka binuksan ang case.

Pinakita ko sa kanila ang twin katana sa loob ng case na may foam sa loob upang komportable ang lalagyan ng dalawa kong babies. Si Des at Troy.

"Ang gandang sandata niyan Miss Glae." Komento ni Maestro Karis.

'Salamat.' Sabi ko sa kanilang isipan at isinara ang case at iniangat mula sa sahig gamit ang isang kamay.

"Telepathy. I see." Maestro Silver said. "See you tomorrow morning, Miss Glae."

I bowed down before I left and went home.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
80.1K 2.7K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
251K 19.1K 31
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

58.4K 2.4K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...