HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 27

9.4K 318 150
By hunnydew

Bawal talagang magmura sa bahay namin. Lalo na kapag nandun si Mama. Nagiging monster nga siya kapag naririnig niya sina kuyang nagmumura kahit 'pag nagbibiruan lang sila. Buti nga ngayon 'di na siya namamalo. Pinandidilatan na lang niya kami.

Suki talaga kami nina Kuya sa sinelas ni Mama noong umuwi na siya galing Singapore. Lalo na sina Kuya Marcus at Kuya Chino. Si Mason nga lang yata ang di pa nasinturon kasi nga tahimik.

Ayaw din nila Papa na nakakarinig ng 'bobo', 'stupid', 'moron' kahit pabiro lang din. Tumatatak daw kasi sa isip yung ganun. Pati nga yung salitang 'shit', ayaw din nilang naririnig na sinasabi namin. Di raw magandang pakinggan.

Kaso talaga, sa araw na 'to. Di ko mapigilang mapamura eh.

"CHARLIE!" halos sabay-sabay na bungad nina Chelsea pagkapasok ko sa klase. Kulang na nga lang kaladkarin nila ako papunta sa upuan nila eh.

"Anyare?! Anyare?!" gulantang kong tanong sa kanila.

"Ikaw ba 'to?"

Kumunot ang noo kong tumingin sa isang magazine na nakabuklat. "Ay, tae!" bulalas ko. Nandun kasi sa magazine yung picture ko nung business launch na katabi ko si Tita Louise!

"Eeeww, Charlie. Kababae mong tao, ganyan ka magsalita," angal nila.

Ngumuso lang ako. "Ano'ng kaibahan niyan sa 'shit' na lagi niyong sinasabi? Tinagalog ko lang naman ah," depensa ko naman. Maganda na rin yung naiba yung usapan, baka makalimutan nila yung picture ko-

"Ano nga? Ikaw ba 'to?" ulit ni Chelsea. Kinuha pa niya yung magazine tas tinitigan din niyang mabuti. "Kamukhang-kamukha mo eh." Tas nilingon niya yung grupo nina Martin. "Uy, tignan niyo. Parang si Charlie 'to diba?"

At dahil do'n, nagsilapitan yung mga lalaki naming classmates at tinitigan rin nilang mabuti yung litrato. Nagpabalik-balik yung tingin nila sa'kin tsaka dun sa litrato. "Oo nga 'no. Kamukha mo nga, Charlie!"

Habang ako, pinagpapawisan nang malamig at malagkit. "Di ah. Di naman ako nagsusuot ng besti-bestida!"

"Ah, oo nga. Akala ko nga makikita kitang naka-gown nung JS prom natin nung high school eh. Kaso naka-tux ka rin," dismayadong sabi ni Martin.

"Ganun na nga! Tsaka ang ganda naman niyan para maging kamukha ko," sabi ko na lang.

"Oo nga 'no? O, Martin, eto na lang pala ang ligawan mo. Kamukha naman ni Charlie eh. Tas babaeng-babae pa. Baka magkaroon ka ng pag-asa dito, ayieee," panunukso nina Dennis.

"De, di pa naman ako nawawalan ng pag-asa tsaka mas gusto ko pa rin yung charm ni Charlie. Diba, 'no?" Siniko pa talaga ako ni Martin tas tinanguan ako.

Nilipat ko yung isang page kasi naiilang akong nakikita yung sarili kong nakaayos. "Ha? Diba nabasted na kita?"

"Boom! Saket no'n pare! Sapul na sapul!"

"Eto talagang si Charlie, walang preno eh!"

Tas nilapit ni Paolo sa mukha niya yung magazine. "O, diba ito yung nag-aya sa'yo ng date? Ano na nga ulit ang pangalan nun? Si Henry? Diba? Inaya ka niya nung nasa ilalim tayo ng Dita Tree?"

Napalatak ako. Bakit antatalas ng utak netong mga kaklase ko? "Inayawan ko," halos singhal ko. Buti na lang talaga, hindi kami nakuhanan ng litrato nang magkasama ni Henry nung gabing 'yon kundi mahihirapan akong magsinungaling. Basang-basa na kaya ang kili-kili ko sa kaba! "Tsaka, ano namang gagawin ko diyan? Pang matanda lang yata yang nangyari diyan eh. Wala naman akong maiintindihan diyan kung sakali."

"Eh bakit sina kuya mo, nandito?" tanong ni Paolo bago niya tinuro yung picture nina-

"Kuya Marcus at Kuya Chuckie?!" Lumuwa talaga yung mata ko nung nakita ko yung magkahiwalay na litrato nila. Kasama ni Kuya Chuckie si Ate Elay. Tas, hindi ko kilala yung kasama ni Kuya Marcus. Gelpren kaya niya? Mas maganda kesa kay Ate Nica.

Kinuha ulit ni Chelsea yung magazine at binuklat sa gitna. "Eto pa o."

Halos malaglag ako sa pagkakaupo nung nakita ko yung malaking picture ni bespren Louie at ni Mason! Nando'n pala sila? Baket di man lang nila sinabi sa'kin?! Paniguradong nabagot lang si bespren do'n lalo na kung si Mase ang kasama niya. Ang tipid magsalita no'n eh.

"Boyfriend ba ni Louie si Kuya Mase?" tanong ni Martin.

Sumagot ako nang hindi tumitingin sa kanya habang pinapasadahan pa yung ibang litrato. Baka kasi may makita akong iba pang kakilala ko eh. "Di ah. Si bespren magkakaboypren?" Umiling-iling ako. Di nga tumagal yun kay Sting Ray eh. "Tsaka si Mase magkaka-gelpren? Mag-aaral na lang 'yon kesa dumiga! Oy! Si Van!" tuwang-tuwa kong sabi. Pero nagsalubong yung kilay ko nung nakita ko yung isang picture nung may kausap na babae. Kamukhang-kamukha kasi ni Chan-Chan.

"Teka nga lang," angil ni Chelsea at hinablot mula sa'min yung magazine. "Hindi naman talaga 'yan ang gusto kong tanungin eh. Binili ko 'to dahil kay Hiro my labs."

"Hah? Pakelam ko naman do'n?" sumbat ko.

Pinanlisikan niya lang ako ng tingin bago nilapag sa armchair yung magazine at dinuro yung mas malaking picture ni Hiro na may kasamang magandang babae. "Sino 'tong mahaderang nakapulupot kay Hiro my labs? Ambisyosang palaka 'to!"

Nagkibit-balikat ako. "Malay ko. Di ko naman madalas makausap 'yon." Sa'kin din siya hinahanap nina Mama kasi di na rin dumadalaw sa bahay 'yon eh. Wala naman akong alam. "Baka gelpren niya?"

Halos umusok ang ilong ni Chelsea sa sinabi ko. "Ano?! Girlfriend niya 'to?! Hinde! Hindi ako makapapayag, huhuhu. How could he do this to me? I thought we had something special? Huhuhu."

Hindi ko na siya napakinggang maglupasay dahil nalaglag na naman yata ang panga ko. Sa sulok kasi nung page na yun, may picture yung gwapong lalaking nakausap ko sa may milk tea. "Chelsea, ano...sa'n mo pala nabili 'to?"

Nung sinabi niyang sa Mini Stop niya binili, hinintay ko talagang mag-free period tas kumaripas na ko sa pinakamalapit na convenience store! Buti talaga may natira pang isang kopya kaya nakakuha rin ako. At buti na lang talaga kasya yung pera ko! Agad ko pa ngang binuklat yung magazine dun sa page kung saan ko nakita yung artista eh.

Habang papasok ulit ako sa campus, nangingiti talaga ako habang tinititigan yung picture niya. Sayang, walang mga pangalan yung karamihan ng mga litrato kasama yung kanya. Pero mabuti na lang at wala ring pangalan yung picture ko kundi, patay ako sa mga kaklase ko, huhuhu. Ayoko talagang malaman nila eh. Naiilang ako.

"Ms. Pelaez!"

"Ay, tae!" bulalas ko kasi may nakabungguan ako. "Wah! Dean Aya! Sorry po!"

Pinanlakihan niya ako ng mga mata dahil sa sinabi ko. "Why are you not looking at where you're walking?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Ah eh...na-eksayt po kasi ako sa binabasa ko eh."

Nagsalubong ang mga kilay ni Dean at tinignan ang hawak kong magazine. Nung inilahad niya ang palad niya, napalunok akong iniabot yung magazine na binulatlat niya. Wala naman siyang imik habang naglilipat-lipat ng page. Tas maya-maya, binalik din niya sa'kin. "Mamaya ka na magbasa. Tignan mo muna kung saan ka naglalakad because you might hurt yourself if you don't."

Tumango-tango ako habang binibilot yung magazine. "Okay po. Sorry po ulit."

Aalis na sana ako kaso nagsalita siya ulit. "You looked really lovely in that picture. I hope to see you more in the same demeanor," pahabol niya tas nakangiti pa.

Nagtaka pa ako kasi bakit siya siguradong-sigurado na ako yung nasa litrato? Samantalang yung mga kaklase ko, di pa rin makapaniwala? Ang galng talaga niya. Sabagay, kaya siguro talaga siya naging Dean ng department namin 'no?

Talagang nagnanakaw ako ng tingin dun sa magazine kahit habang nagkaklase kami. Nakakatuwa kasi yung ngiti nung lalaki. Kapag nakikita ko, napapangiti rin ako. May mga ganun palang tao 'no? Nakakahawa yung ngiti.

Kahit pasang-awa ako sa isang quiz namin, hindi rin ako nalungkot kasi anlakas nung talab nung ngiti ni Mr. Smiley. Siguro kapag nalulungkot ako, mabisang pampagaan ng loob yung pagtitig ko sa picture niya. Nagtataka lang ako kasi walang pangalan. Di ba kapag artista, dapat kilala siya ng mga photographer? Tas dapat ilalagay yung pangalan sa kahit anong picture? Bakit ito wala? Baka bago pa lang? O baka naman laos na?

Nung pagkauwi ko sa bahay, nakangiti pa rin ako. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nung nakita kong kumpleto kami ulit! Pati si Kuya Marcus nandoon eh. Sakto, ipapakita ko sa kanila yung magazine!

Kaso, naunahan nila ako.

Kasi ba naman! May napakalaking picture ko na ang nakasabit sa may dingding ng sala namin! Yung solo picture ko galing dun sa photobooth nung business launch! NUUUUUhuhuhu.

---

A/N: Nagbabalik na si Charlie pagkatapos manahimik ng ilang buwan! hahaha. Kung nabasa niyo ang NYORK, edi alam niyo na kung sino yung mukhang artista na nakausap ni Charlie. Congrachumaleyshens kay shesashekimbyun!!! Siya kasi ang pinakaunang nakahula na si Taki 'yon.. sina Corinneeey at Sehunizm kasi.. 'sehun' ang sinabi nila, hahahahaha :D kelangang specific eh.. sarreh.. huehue. Opo, pahirapan mangalkal sa Chapter 24 para malaman ko kung sino ang nanalo lels XD

-Hunny

posted on 17 March 2015 at 10:00 AM

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...