KNIGHTS I-3: Nine Cards of De...

By oaxygenknight

1.4M 49.3K 9.4K

Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Epilogue

Chapter 15

22.7K 864 152
By oaxygenknight

Silhouette

"Sorry, but this event is only for the registered and invited guests," saad ng isang lalaking naka-suit nang harangin kami nito.

Naiinip na tinaas namin ni Third ang card na nakuha namin.

Agad namang yumuko ang lalaki sa amin bago kami papasukin.

"Maghihiwalay ba tayo, boss? Doon ka sa left tapos ako naman sa right?" bulong ko sa kaniya.

"What?" nakakunot noong tanong niya.

Tumawa ako nang alanganin. "'Cause girls are always right."

Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya agad kong tinikom ang bibig.

"Follow me," malamig na saad niya at bahagya pang hinawakan ang pulso ko.

Sumunod na lang ako sa kaniya, siya naman ang may alam ng gagawin namin. Baka nga lumamon lang ako dito.

Umupo kaming dalawa sa isang table na bakante, pinagmasdan ko lang ang boss ko na seryoso sa pagmamasid sa mga guests sa event na 'to.

"Boss, ngiti ka naman, baka mamaya mapaghalataan tayo dito na mga gatecrasher, sige ka," saad ko at bahagya pa siyang sinuntok sa balikat.

Nagtagis ang bagang niya bago ako titigan. "Silhouette, focus."

Kinagata ko ang ibabang labi para matikom na ang punyetang bibig na 'to. Bakit ba kasi hindi ko kayang manahimik?

Tumingala ako nang bigla siyang tumayo. Hinubad niya ang suot na coat at pinatong ito sa akin.

"I'll try to have a conversation with the governor, just stay right here and don't do stupid things, Silhouette," bilin niya.

"Iiwan mo ako rito?" tanong ko.

"I have to," sagot niya.

"Awts, gege."

Tumango na ako at pinanood siyang umalis.

Sumandal na lang ako sa kinauupuan at inamoy ang coat na nakabalot sa akin.

"Ang bango talaga ni Third, kapag ako naging jowa niya baka hindi ko na pakawalan 'yon," bulong ko sa sarili.

Napangisi ako sa naisip, kaso lang hindi naman ata ako type no'n, napakalamig amputek. Parang kaonting danggil mo lang doon babanatan ka na, e.

Hinugot ko ang cellphone sa bulsa nang mag-ring 'yon. Kumunot ang noo ko nang makita ang number ng landline sa bahay.

"Hello?" tanong ko.

"Ate Silhouette?" Si Pow Pow?

"Hoy, bata, paano mo nalaman 'tong number ko?" namamangha kong sabi.

Humagikhik naman siya sa kabilang linya. "Ate, tinuruan kami kanina kung paano gamitin ang mga cellphone sa bahay kung sakaling may mangyari."

"Aba, umaasenso ka na, Pow Pow. Baka pag-uwi ko nagd-drive ka na ng kotse," nakangising saad ko.

"Ate talaga, nasaan ka ngayon, ate? Bakit hindi ka umuwi?" tanong niya.

"Nasa ispriktik ako ngayon, Pow Pow," sagot ko.

"Ah, okay, ate," dagdag niya.

Matalino talagang bata 'to, tanda pa 'yung sinabi ko sa kaniya. Alam naman ni Pow Pow na ganito ang trabaho ko, at may code kaming binigay sa isa't isa. Nasa mission ako kapag sinabi kong isprikitik, parang tanga lang 'di ba.

"Bakit ka tumawag?" saad ko.

"Nag-aalala lang ako, ate. Baka kasi napano ka na, hindi tuloy ako makatulog," may bahid ng pagtatampong sabi niya.

Natawa ako. "Ayos lang 'yan, may mga minions naman diyan sa paligid ng bahay kaya wala ka nang dapat ipag-alala."

"Hindi naman ako nag-aalala para sa sarili ko, sa 'yo, ate." Napangiti ako.

"Bakit ka naman mag-aalala sa akin? Alam mo naman na ako ang pinakamakapangyarihan na diyosa sa balat ng earth," natatawang sabi ko.

"Basta ate, mag-iingat ka, ayokong masaktan ka," dagdag niya na mas nagpalapad ng ngiti ko.

"Oo, sige, mag-iingat ako para sa 'yo." Tumawa pa ako matapos sabihin 'yon.

Pero nabigla ako nang biglang may kumuha ng cellphone ko.

Paglingon ko, ang galit na si Third ang bumungad sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin bago patayin ang tawag, padabog niya pang iniitsya ang cellphone ko sa table.

"Aba, walanghiya ka, alam mo ba kung gaano kamahal ang cellphone ko? Kapag ito na-damage itutuktok ko talaga sa ngala ngala mo 'to," inis na saad ko at bahagya pang niyakap ang cellphone ko.

"Sinong katawagan mo?" malamig na tanong niya.

"Si Pikachu," sagot ko.

Agad na sumama ang timpla ng mukha niya. Napaatras pa ako nang bigla siyang umupo at lumapit sa akin.

"Joke lang! Punyeta naman kasi nakakatakot ka, e! Wala 'yon," agad na dagdag ko.

"Then why are you fucking smiling like that while talking to whoever that bastard is?" mariin na tanong niya habang masama pa rin ang tingin sa akin.

"Si Pow Pow, 'yung bata ko. 'Yung inaalagaan kong bata sa bahay, 'di ba nasabi ko naman sa 'yo dati?" mahinang bulong ko.

Nawala ang pagkakakunot ng noo niya. "You should have told me, I'm sorry for shouting at you."

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na ang itim na aura niya. "Kinabahan ako doon, gago ka, huwag kang gano'n, boss. Gago ako pero takot ako sa 'yo," pag-amin ko.

Hinagod niya ang buhok bago hawiin ang buhok na tumatabing sa mukha ko.

"I'm not mad, I'll never get mad at you, I said I'm sorry," mahinahon niyang sagot.

"Weh? 'Di ka magagalit sa akin? Paano kung sunugin ko 'yung headquarters natin? 'Di mo ako papatayin?" paghahamon ko.

Sumandal lang siya sa upuan at lumingon sa ibang mga guests. "It's easy to build another one, Silhouette."

Napanganga ako. "Wow, legit, ang yaman mong lalaki ka. Gaano ba kayaman pamilya mo? Sabihin mo naman sa tatay mo ampunin na lang ako para maging Knights na rin ako."

Sumagot siya nang hindi nakatingin sa akin. "There's a better way to make you a Knights."

Ano raw?

"Natatanga ka na naman, kung anu-ano binubulong mo diyan. Ano na? Kamusta ang chitchat with the governor?" tanong ko.

"I didn't talk to him, it's boring to do that. I just eavesdropped while he's talking to Sen. Santillan," sagot niya.

Napatango naman ako.

"Anong pinag-usapan nila?" tanong ko.

"The transaction will happen at 9:00 PM, while this event is being held with the other guests." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Shit, 8:00 PM na, tangek. Kailan tayo mag-ni-ninja moves?" bulong ko.

Nakita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya. "We're actually starting right now, Silhouette."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 36.5K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
3.2K 310 74
Casey lives normally like other teenagers in her generation. Until one day, her grandmother introduced her to... a mysterious guardian. He will turn...
265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
6.6K 107 14
Republished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess w...