Afianna: The Reincarnation Of...

By Eklipxe

344K 15.6K 1.7K

Sa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers ou... More

Afianna: The Reincarnation Of A Goddess
I
II
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV

III

12.1K 513 3
By Eklipxe

The Arrival

Ang bayan ng Tuelolo ay ang pinakamaliit na bayan na makikita sa timog-kanluran ng Heart Kingdom. Lahat ng mga mamamayan dito ay masayahin at masisipag. Kadalasang hanap buhay nila ay agrikultura at weapon wielding. Kilala sila bilang mga mababait na nilalang. At dahil sa isang dragon na kung tatawagin ay Black-winged lava dragon na isa sa mga kilalang dragon dahil sa angkin nitong lakas at laki. Dahil sa dragon, namamalagi ang mga mamamayan sa bayan ng walang mga masasamang nilalang ang umaatake o mga demonyo na mga hayop dahil sa aura ng dragon na nakapaligid sa bayan na nagpoprotekta sa mamamayan.

Hindi man kalakihan ang bayan, lahat ng tao rito ay may angking lakas na matatapatan ang isang opisyal sa Heart Kingdom.

Nagdidiwang at nagsasayahan ang mga mamamayan ng Tuelolo dahil ngayon ang 501st year na naitayo ang kanilang bayan. Lahat ng lugar ay may dekorasyon na nakakaakit sa mga mata. Makukulay na mga lanterns at kakaibang mga hugis ng lobo ang makikita sa iba't ibang paligid. Lahat ay may nakahanda sa harapan ng bahay nila na mga candy para sa mga bata na naghahabulan o naglalaro sa iba't ibang bata.

Nang biglang napatigil sila sa kanilang kasayahan at iisang deriksyon ang tiningnan nang umatungal ang dragon ng napakalakas na tila ito ay nagtatawag ng tulong.

Nagkatinginan ang mga mamamayan at mabilis na kinuha ang kani-kanilang sandata  at mabilisang tinakbo ang tirahan ng dragon. Iniwan nila ang kanilang mga anak sa loob ng bahay upang masigurong ligtas sila doon.

Pagkarating nila sa bulkan kung saan namamalagi ang dragon, nakita nila kung paano ito lumipad papataas. Lahat ng mga tao na nakakita nito ay naghintay sa susunod na gagawin ng dragon at nakatingala sa langit upang ito ay matanaw.

Nagtataka man ay naghintay pa rin sila at hinanda ang kanilang sarili sa anumang labanan ang mangyayari.

Binuka ng dragon ang kanyang bunganga at nagbuga ng lava papataas na siyang pinagtaka ng lahat. Naghugis ipo-ipo ang lava na galing sa bibig ng dragon na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin na tila kinokontrol ang kapangyarihan na inilalabas. Kasabay nito ay ang paglitaw ng isang nakabalot na nilalang ang nahuhulog galing sa taas at dumiretso sa direksyon ng dragon. Kasabay nito ay ang paglaho ng kapangyarihan na nilabas ng dragon at ang pagsalo ng dragon sa nilalang na nakabalot gamit ang noo nito.

Pinagaspas naman nito ang malapaniki na pakpak upang makababa ng dahan-dahan palapit nang palapit sa mamamayan na kanina pa nakatingin sa nangyayari.

Ang mga nakakunot na noo ng mga mamamayan ay kitang kita sa kanilang mukha.

Nanglumapag ang dragon sa kanilang harapan, hindi sila tumakbo bagkus ay lumuhod sila gamit ang kanang tuhod at ang kanilang kanang kamay ay nasadibdib at nakayuko para magbigay ng galang.

"Paano po namin kayo matutulungan?" Nakayuko pa ring bigkas ng pinuno ng Tuelolo.

Tinitigan lamang sila ng dragon ng ilang segundo upang sila ay kilatisin.

Makalipas ang isang minuto, dahan-dahang ibinaba ng dragon ang kanyang ulo upang hindi mahulog ang isang nilalang na nakabalot sa noo nito.

Agad namang nakuha ng isang babae ang ibig na ipahiwatig ng dragon kaya siya ay tumayo at mabilisang kinuha ang nilalang sa noo nito ng marahan.

Ang babae ay nabigla nang makita niya kung ano ang nakabalot. Isang sanggol, babaeng sanggol. Napakaganda nito, mahahaba ang mga pilikmata, malarosas na mga pisngi, kasing puti ng nyebe at may itim na itim na buhok. Bumukas ang mga mata nito at marahang kumurap-kurap bago ngumiti sa babae.

Napatingin naman siya sa dragon na sya rin palang nakatingin sa kanya.

"Itago sa lahat ng tao ang nangyari rito." May otoridad na wika ng dragon. Nagtataka man, tumango na lamang ang mga mamamayan. "Alagaan mo siya." Sabi niya at tiningnan ang babae na may hawak sa sanggol bago lumipad papaalis.

Matapos ang pangyayaring yun, kinupkop nga ni Carmela Glae ang sanggol at itinuring itong tunay na anak. Pinangalanan niya itong Afianna Valerie Glae dahil na rin sa nakita nyang nakaburdang pangalan sa suot nitong damit ng makita niya ito.

Afianna's POV

Hindi man kapani-paniwala, I got reincarnated again. True to Andromeda's words, I regain my memories when I turned 2 years old. Simula rin non, I think like an adult already at nagsimulang magtraining ng lihim sa Inang Carmela para makontrol ng tuluyan ang kapangyarihan.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang madilim ngunit nakakaakit na kalangitan dito sa bubong ng aming bahay.

"Afianna, kakain na tayo." Rinig kong tawag ni Ina sa aking likuran.

Liningon ko naman siya at nginitian bago tumango at lumapit sa kanya. Hinawakan niya naman ang aking pisngi gamit ang isang kamay niya.

"Hindi ko aakalaing magkakaroon ako ng isang anak na napakaganda." Nakikita ko ang pagmamahal sa kanyang mga mata habang tinitigan niya ang mukha ko.

Hinawakan ko naman ang kamay niya gamit ang dalawa kong kamay at mas dinama ang init na nanggagaling sa kanyang palad. A mother's warmth.

Magkahawak kamay kaming tumalon pababa sa bubong namin.

"Balita ko kanina sa sentro ng bayan na pupunta dito ang tatlong opisyal ng akademya upang maghanap ng mga may potensyal." Sabi ni Ina at sumobo ng pagkain.

'Seal Activated.' I chanted in my mind.

"Academy?" Tanong ko kay Ina.

"Heart Academy. Isang akademya sa Heart Kingdom. Nandoon nag-aaral ang mga may potensyal at mga malalakas na kabataan." Paliwanag ni Ina.

Napatango naman ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Baka gusto mong sumali sa paligsahan, anak."

Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kanya. "Paano kayo?"

Napatawa naman ng mahina si Ina kaya nagtaka ako. "Parang sinasabi mo na ring mananalo ka talaga anak. Pero, alam kong kayang kaya mo silang labanan. Para saan pa ang iyong pag-eensayo kung hindi mo ito gagamitin diba?"

"Po?"

"Alam ko anak. Alam kong nag-eensayo ka ng lihim tuwing sumasapit ang hatinggabi. Alam ko kung anong uri ng kapangyarihan ang meron ka anak. Sinabihan ako ni Andromeda."

Napatigil ako sa pagkain at marahang ibinaba ang kutsara at tinidor.

"Paano?"

"Nagpakita siya sa aking panaginip ilang buwan na ang nakaraan." Tumigil naman siya sa pagsubo at tumingin sa akin. "Power of words. You are only allowed to tell 2 words at a time kung naka activate ang seal sa kapangyarihan mo." Seryoso ang kanyang mukhang nakatingin sa akin kaya napayuko ako.

"Sorry." Ang tanging naibanggit ko.

"Naiintindihan ko anak." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis ginulo ang buhok ko. "Bilisan mo na ang pagkain at maghanda para bukas."

Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Mahirap magsalita sa kahit na anong oras. Aaminin ko, mahirap magkaroon ng napakalakas na kapangyarihan at lalong mas mahirap itong kontrolin. A great power comes with a big responsibility indeed.

Power of words. This power restricted me from talking anywhere, anytime. Even in my mind, I can't just think of anything bad baka kung ano pa ang mangyayari. Kung tutuusin, I can kill someone with just one word, I can destroy and create or bring back someone to life Kung gugustuhin ko pero ayaw kong gawin dahil malaking kabayaran ang kapalit. I don't want to overuse this power. It'll bring everyone to danger. But, I accept this responsibility in exchange of my memory of my past mother. That is enough, more than enough. Don't get me wrong. Mahal ko rin si Inang Carmela. Pantay sila sa puso ko.

My power can be activated but there is a time limit which is 5 hours. I usually train my psychological power to resist the urge of my power to leak out so that I can just live a day without minding if the activated seal already expired. I usually do that to explore.

KINABUKASAN

Rise and shine, morning sun.

Nakangiti akong bumangon at binuksan ang bintana sa aking silid upang makapasok ang sariwang hangin. Bago dumeristo sa banyo, tiningnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin na body length. Bagsak na bagsak ang itim na buhok na hanggang balakang, ang aking balat ay kasing puti ng nyebe, ang dalawang pisngi ay malarosas na pink ang kulay, a clear crystal blue eyes with long and thick eyelashes, a proud nose and a thin pinkish lips with a perfect match shape of face. Napangiti na lang ako at kinilala ang kaanyuan sa harapan. She is just too beautiful to be me. This is not my appearance in my first life but wala naman akong magagawa, reincarnation lamang ako. Isang kaluluwang naninirahan sa isang katauhan.

I take a bath pagkatapos pagmasdan ang sarili.

Matapos ang bath routine, I pick up a plaim white v-neck shirt, jeans, a pair of socks and low-cut converse shoes. Pagkatapos ay isinuot ko ang isang cloak that is specially made for me. Puting puti ito na may isang hood at isang mask to cover my whole face hanggang talampakan ko ito at hindi makikita ang suot ko sa ilalim. Hindi ako maiinitan nito dahil gawa ito sa mahika ng nyebe kaya mapapansin rin ang tika maliliit na kislap kung masisinagan ng araw.

Kinuha ko ang isang briefcase na may lapad ng 2 meters sa ilalim ng kama at binuksan. Nakita ko rito ang dalawang katana na may kakaibang desinyo sa cover nito. Matapos maicheck, isinara ko ito at bumaba ng hagdan bitbit ang briefcase.

Nakita ko si Mama sa kusina kaya agad ko siyang nilapitan.

Napansin niya naman ako at nginitian ako.

"Kain ka na muna bago pumuntang sentro."

Tumango naman ako at ibinaba ang hawak sa isang upuan at umupo sa isa at kumain ng tahimik, as usual.

Pagkarating ko sa sentro, maraming mga kaedad ko ang aking nakita at ibang mga makikinuod. May parang ginawa silang arena sa gitna at isang stage sa harap na may apat na tao ang nakaupo. Ang pinuno ng bayan at tatlong opisyal ng akademya.

"Afianna." Tawag ng isang lalaki sa gilid kaya nakita ko si Gelo. "Sasali ka rin?"

Tumango na lang ako. Kahit nakacloak ako, makikilala niya ako dahil sa naging signature ko na rin ang pagsuot ng cloak tuwing lalabas ng bahay.

"Ang tahimik mo talaga." Sabi niya at tinapik ang balikat ko sabay tumawa.

Baliw.

"Sige, magkita na lang tayo sa arena mamaya. Ang tagal ko ng hinihintay na makalaban ka. Woooh! Excited na ako!" Sigaw pa niya at kumaway papaalis.

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa harapan dahil mukhang magsisimula na.

"Lahat ng kalahok pumunta sa arena para tayo ay magsimula na." Anunsyo ng isang opisyal na babae na may seryosong boses.

Pumasok naman ako sa arena kasabay ng mga kaedad ko rin.

Pansin ko naman ang titig sa akin ng babaeng opisyal ngunit hindi ko na lang siya pinansin. Hindi lang pala siya ang nakatitig sa akin, lahat pala ng opisyal ay nakatingin sa direksyon ko.

Napabuntong hininga ulit ako.

Ano ba naman yan? I pout underneath my mask.

Nakita ko namang bumulong ang isang opisyal kay pinuno kaya napatingin ito sa akin at tumango.

Ano kaya pinag-uusapan nila?

Parang naging hudyat naman ito upang lumakas ang aking pandinig.

"Nakatira ba yan sa bayan ang nakaputing cloak?"
"Oo."
"Babae o lalaki?"
"Babae."
"Kasing edad ng lahat?"
"Oo."

At natapos ang kanilang pinag-usapan.

Dahan-dahan kasi sa pag-iisip, Afianna!
'Seal Activated.'

"There are two stages that you need to take. First stage would be evaluation of magic. Kung makukuha niyo ang black, brown at orange, hindi na kayo makakapasok sa susunod na pagsubok. Sa second stage naman ay one-on-one combat hanggang sa makuha namin ang dalawang magwawagi." Mahabang paliwanag niya.

Bigla naman siyang pumalakpak at nagsilitawan ang tatlong measuring crystals na kasing laki ng isang tao.

"Pumila kayo sa kahit saan upang sabihin ang inyong pangalan at ang gagawin niyo lamang ay maglabas ng energy sa palad papunta sa crystal. Mas malakas, mas mabuti." Gumalaw naman ang lahat at nagsipila.

Dahil sa mas malapit ako sa gitna, dito na lang ako pumila at naghintay.

"Let this contest begin!"

Best of luck. This will be the start of your destined journey, Afianna Valerie.

Continue Reading

You'll Also Like

847 68 66
sino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

58.4K 2.4K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...
1.9K 202 24
Si Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang...
72.5K 2.5K 31
Nine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what ma...