Different Space, Same Sky

By Karirai

3.8K 194 0

"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of... More

KARIRAI's
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS 1
WAKAS 2
WAKAS 3
WAKAS 4
ADIÓS

KABANATA 29

57 3 0
By Karirai


Kabanata 29 | Sombra

Matunog akong bumuntong hininga. Kanina pa ako gising ngunit hindi ako makabangon dahil sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin ng lalaking katabi ko.

Ibinaling ko sa kaniya ang paningin. Matunog at malalalim ang kaniyang paghinga, senyales na mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog niya.

Lihim akong natawa nang may maisip.

Kung tulugan niya ako ay parang siya pa ang pagod na pagod sa aming dalawa. The heck? Ang hapdi kaya ng pagitan ng hita ko!

Parang hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin yung ano niya sa pagitan ng hita ko-

God, I need to stop.

Kahit pa gaano ko gustuhin na bumangon ay hindi ako gumawa ng kahit na anong galaw dahil ayokong maka-istorbo sa tulog ni Samuel. At isa pa, may napagtanto ako. Sa pagitan naming dalawa ay tiyak nga na siya ang mas pagod. Sa sobrang sipag ba naman niya kagabi ay talagang mapapagod siya.

Ilang babae na kaya ang-

Fuck. I really need to stop. Ayokong masira ang umaga ko. What's in the past should really remain in the past. Ako na ang future niya kaya wala na akong pake sa past niya.

I stiffened when I felt him moving.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong harapin siya matapos ang nangyari sa amin kagabi. Oh dahil ba iyon ang first time namin kaya medyo ilang pa ako?

The heck?

May next time pa ba?

Dahan dahan kong sinilip ang mukha niya. Umawang ang bibig ko nang makitang mulat na ang mga mata niya habang diretsong nakatingin sa'kin.

"Alam ko ang naiisip mo," he suddenly said.

Wala man lang good morning?

Pinag-kunutan ko siya ng noo. "Anong naiisip ko?" litong tanong ko. Bangag pa yata si Samuel at kung ano ano ang sinasabi.

"Morning sex?" he guessed.

Fuck.

Literal na umawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung posible ngunit pakiramdam ko ay pulang pula ang buong mukha ko!

"Mali ba ako?" natatawang tanong niya pa at pilit na inangat ang ulo ko na nakabaon sa dibdib niya. "Ngayon ka pa ba mahihiya sa'kin? Really? I already saw everything," patuloy parin ang pang-aasar niya.

Mas lalo lang yatang uminit ang mukha ko dahil sa mga sinasabi niya. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat ng nangyari kagabi. God, talaga po bang may nangyari sa amin? May nangyari sa amin nitong lalaking minsan ay pinangarap ko lang?

"Oh my God," nababahala akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang may mapagtanto.

"Why?" tanong niya nang makita ang naging reaksyon ko.

"You didn't use protection..." punong-puno man ng kahihiyan ay naisatinig ko iyon. Ang inaasahan ko ay tatawanan niya ako ngunit kabaliktaran nito ang nangyari.

"And?" Seryoso ang pagkakatanong niya.

Mariin akong napa-pikit nang maisip ang mga magulang. God, I'm such a bad daughter for not thinking about my parents reaction if they ever find out about this.

Ngayon pa lang ay grabeng kaba na ang idinudulot nito sa'kin. Hindi ko yata kakayaning makitang disappointed sa akin ang parents ko. Hindi nila ako pinalaking ganito...

"What if... What if mabuntis ako?" nanghihinang tanong ko. Hindi ko na malaman ang gagawin. Bakit ba napaka-padalos dalos ko? Bakit kung kailan nangyari na ay tsaka ko lang maiisip ang kahihinatnan?

He tapped my cheek before giving me an assuring smile. "Sorry for not thinking about you. Alam ko kung gaano ka iniingatan ng magulang mo kaya napakagago ko para..." he sighed. Ginulo niya ang magulo naman niyang buhok. "I didn't hold myself back and this is exactly fault. I'm fucking willing to take all the responsibility... But I could assure you that you won't get pregnant."

Gumaan man ang loob ay naguluhan ako. "How can you say? Hindi natin alam ang pwedeng kalabasan ng ginawa natin, Samuel. Paano kung mabuntis ako? Natatakot ako, Samuel..." halos umiyak na ako sa harapan niya. Maisip ko palang ay hindi ko na kaya.

Ngayon ko naintindihan kung gaano kahalaga ang payo ng mga magulang. At ngayon ko rin naramdaman kung gaano kahalaga ang pakikinig natin at pagsunod sa kanila.

At the end of the day, mapapagtanto mo na tama sila. Nagpayo sila... Nasa atin nakasalalay ang pagsunod.

"Wala kang dapat na ikatakot, okay?" ani Samuel at niyakap ako.

"Paano ka nakakasigurado? Nakakainis ka naman. Bakit sobrang kalmado mo samantalang ako ay halos maiyak na?"

Hinarap niya ako. "I pulled out. Okay? At tsaka..."

"At tsaka?" I impatiently made a face. Kung bakit ba naman kasi sobrang pabitin niya!

Huminga siya ng malalim na tila nahihirapan siya sa sasabihin. Nagbuga siya ng hangin at tipid na nginitian ako. "We won't do it again, okay? Sobrang nadala lang tayo kagabi pero hindi na natin uulitin," ani niya na tila sarili niya ang kinukumbinsi. "Right. Hindi na natin uulitin. Hindi na mauulit," tumango-tango pa siya.

Natigilan ako. "Hindi na natin uulitin?" tanong ko, wala namang gustong ipakahulugan ngunit na-misinterpret niya yata dahil bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

"Bakit parang disappointed ka?" he teased.

Napailing ako. Namamangha kung gaano siya kabilis na magpalit ng mood.

*:..。o○ ○o。..:*

After the Boracay trip, hindi na kami muling nagkita ni Samuel. Palagi ay thru messages nalang ang pag-uusap namin. Minsan pa ay talagang hindi kami nakakapag-usap dahil abala siya sa kaniyang trabaho na hanggang ngayon ay ayaw niya sa aking ipaalam.

Ewan ko ba sa kaniya. It's not like as if macho dancer ang trabaho niya kaya ayaw niyang ipaalam. Ewan ko ba sa mga trip niya sa buhay.

It was evening nang mag-message ako kay Jhimwell para itanong kung nasaan ang Kuya niya. Till now ay hindi pa rin ako sigurado kung alam na ba nila Jhimwell ang tungkol sa amin ni Samuel, hindi na lang ako nagtatanong dahil natatakot ako.

At tsaka sinabi naman ni Samuel na kakausapin niya ang dalawang kapatid. I'll just hold onto that.

Jhimwell replied to me saying na nagluluto daw si Samuel kaya natawa ako. Na-imagine ko ang hitsura niya sa kusina habang naghahalo ng kung ano mang ulam ang niluluto niya.

May apron ba siya kapag nagluluto?

Or baka naman topless?

Masarap kaya siya magluto?

Kasing sarap ba niya ang luto niya?

Oh baka naman mas masarap siya?

Damn.

Ganito ba talaga 'pag nami-miss mo na ang isang tao? Kung ano ano na ang nasasabi mo tungkol sa kaniya?

It's been week mula ng huli kaming magkita. Alam ko namang hindi necessary na magkita kami but I don't know. Gusto ko siyang makasama. But also, naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko na may trabaho siya. Naiintindihan ko na busy siya. Naiintindihan ko na pamilya niya ang priority niya.

But I know... Deep inside of me wants to feel kung paano niya ako gawing priority.

He's messaging me... Hindi nga lang kasing-dalas ng pagme-message ko sa kaniya.

But for now, ayos na siguro iyon. Maku-kuntento naman ako siguro sa kaunting oras na inilalaan niya. Siguro.

Me:
Can I call?

I sent a message but he didn't replied right away. Busy pa siguro siya. Maybe I should wait a little longer. Baka busy pa sa trabaho.

Me:
Busy?

I sent a message again. Alam kong sa ganitong oras ay nasa bahay na siya. I waited for a few minutes. Ngunit lumipas ang kinse minutos ay hindi pa rin ako namakatanggap ng reply mula sa kaniya.

Paulit-ulit lang ang nangyari sa mga sumunod na araw. Sa tuwing susubukan ko siyang tawagan ay out of reach siya. Sa tuwing nagme-message naman ay kung hindi aabutin ng isang oras bago siya mag-reply ay talagang hindi na siya magre-reply.

Alam kong sobrang babaw na dahilan, but somehow it really frustrates the fuck out of me.

Sinubukan ko siyang intindihin. Hanggang makakaya ay susubukan kong umintindi. I signed up for this. Hindi pwedeng sa simpleng problema na ito ay maapektuhan ang relasyon namin.

Busy lang siya.

Yeah. Busy lang siya.

*:..。o○ ○o。..:*

Habang papalapit ng papalapit ang Christmas ay tila papalayo naman kami ng papalayo ni Samuel.

I asked him if we could celebrate Christmas together but he just said no.

Walang dahilan. Walang explanation. Just no. Just a big NO.

"Babawi ako sa'yo. New year? We could celebrate the new year together," he promised, but I never hold onto that.

Ayoko na lang na mag-expect. Gusto kong ipakita niya sa akin. Gawin niya na lang. Ayoko na ng salita.

Nakakapagod umasa.

Days passed, hanggang sa inabot ng linggo at hindi ko napansin na lumipas na ang pasko na hindi man lang kami nakapag-usap ni Samuel. Ang huling natatandaan kong pag-uusap namin ay before Christmas. Mas maaga niya akong binati ng Merry Christmas dahil sa mismong araw daw ng pasko ay baka hindi na niya mahawakan ang phone niya dahil magiging abala siya.

What's new, anyway. Lagi naman siyang busy.

One time nga ay dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay binago ko ang pangalan niya sa contact list ko. Imbes na Samuel ay Busy na ang pangalan niyang naka-register. Para kapag mate-temp ako na tawagan siya ay mapipigilan ko ang sarili dahil maiisip ko na busy nga pala siya.

From: Busy
Busy ka ba ngayon?

Kumunot ang noo ko matapos makatanggap ng message mula sa kaniya. Kahit anong pagtatampo ang naramdaman mula sa mga nakaraang araw ay hindi ko mapigilang mapangiti.

Me:
Oo.

I replied, pinapaniwala ang sarili na kunwari ay galit ngunit heto ako ngayon at ngiting ngiti habang nakatitig sa pangalan niya.

From: Busy
Tawag sana ako kaso busy ka. Bukas nalang.

Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa. Dali dali akong nag-reply sa takot na baka magbago ang isip niya.

Me:
Joke. 'Di ako busy. I swear.

Mas mabilis pa sa alas-cuatro ang pagre-reply ko. Maya maya pa ay lumabas ba ang pangalan niya sa screen ng phone ko.

Dali dali kong tinanggal ang mask na inilagay ko. Wala nang skincare skincare kapag jowa ang tumatawag.

"Hi," ngiti ko matapos sagutin ang video call niya.

Tumambad ang mukha niya sa akin. Naka-white shirt siya habang may cap sa ulo niya. Bakas pa ang pawis sa noo niya dahil nakadikit na doon ang buhok niya.

He sighed in relief. Napahawak pa siya sa dibdib niya na tila kinabahan talaga siya. "Thank God, akala ko ay galit ka sa'kin," tila naginhawaan siya matapos sabihin ito.

Sinubukan kong magtaas ng kilay para maitago ang nais na kumawalang ngiti mula sa mukha ko. "Galit naman talaga ako," kunwari ay masungit na ani ko pa.

"Kaya pala ngiting ngiti ang mukha mo."

"Paanong nakangiti? Hindi mo 'ko madadaan sa mga pa-gwapo mo, del Carmen. Napipikon na ko sa'yo," muli ay kunwaring seryoso na banta ko.

He tsked bago nag-reklamong naiinitan siya kaya hinubad niya ang suot na cap at ipinadaan ang daliri sa kaniyang pawisang buhok.

"Natatandaan mo ba kung ilang linggo mo akong hindi kinausap?" taas kilay kong tanong.

Umiling siya. "Nope. Hindi umabot iyon ng isang linggo. At nagre-reply naman ako sa'yo. Tuwing madaling araw nga lang dahil iyon lang ang free time ko."

"Huwag ako, del Carmen. Sa presinto ka magpaliwanag."

Tinawanan niya lang ang lahat ng pagpapanggap kong galit kaya sa huli ay sumuko na ako. I never got mad at him, anyway. Naiinis siguro, madalas. I mean, he's really annoying. But I love him annoying me.

Because he's not Samuel del Carmen if he's not annoying me.

"Are you free tomorrow?"

Umiling ako.

"So pwede tayo magkita?" parang hindi pa siya sigurado.

Bumuntong hininga ako. Natawa siya.

"Parang 'di ka pa sure?"

"Aren't you gonna spend New Year with your parents? Family? Baka busy ka at makaabala ako."

"Nope. We're just gonna eat together, konting nood ng fireworks and matutulog na after."

Tumango siya. "Okay. Susunduin nalang kita bukas," aniya.

"Baka makita ka ni Dad..." I trailed off.

"He invited me."

Nanlaki ang mata ko. "What? Why?"

"I work for him, babe. At isa pa, malakas ako sa Dad mo. Ewan ko, he just asked me if I wanted to come. Sinabi pa niya na isama ko ang mga kapatid ko. Para naman daw umingay ang New Year sa bahay niyo, lagi daw malungkot eh."

"Malungkot? What the fuck?" na-offend yata ako sa malungkot. Grabe naman ang term ni Dad. Masaya naman ang New Year namin kahit na tatlo lang kami. Well, minsan talaga ay may mga workers sa company na pinapapunta si Dad. Hindi ko lang in-expect na si Samuel.

Close na sila ng future father-in-law niya?

"Stop cursing. Kita nalang tayo bukas. Any particular place you want to visit?"

"Hmm..." umasta akong nag-iisip. "Gusto ko pumunta sa Mars, pwede?"

Umiling iling siya na para bang napaka-pangit ng joke ko. "Mercury nalang para mas malapit," natatawang aniya. "Katabi lang ng 7/11."

I clapped. "Funny," pang-aasar ko pa.

We talk for a few more hour and it felt like just a minutes. Napatigil nalang kami nang may itinuro siya sa bandang likod ko.

"Sino yung nakasilip sa pinto?" he asked, confused.

Agad akong kinabahan. "Huwag kang nananakot ah, del Carmen," nagbabantang saad ko. My God, kabang kaba na ako. Madilim ang paligid ng kwarto ko dahil tanging table lamp lang ang naka-ilaw.

"Seryoso nga. Parang may naka-silip," normal lang naman na ani niya. Hindi naman tunog nananakot ngunit hindi ko alam kung bakit takot na takot ako.

God, hindi pa ako ready maka-kita ng multo, please.

"Ayoko na nga. Matutulog na ako. Tinatakot mo 'ko, eh."

"Silipin mo kung sino yung naka-silip," utoe niya.

Nanlaki ang mata ko. "No!" mabilis kong saad. Umayos ako ng pagkakahiga at halos magtago na sa ilalim ng comforter.

"Tingnan mo lang. Parang may nakita talaga ako."

"Ewan ko sa'yo. Papatayin ko na 'tong tawag bago ako mamatay sa takot dito."

Mahina siyang tumawa bago tumango. We both said goodnight bago ko tuluyang pinatay ang tawag.

Tumalikod ako ng higa mula sa pinto dahil sa takot na makita ang kung ano mang tinutukoy ni Samuel. But out of curiosity, dahan dahan kong nilingon ang pinto.

Nanigas yata ang buong katawan ko dahil sa sobrang takot nang makitang may anino nga doon. Gustuhin ko mang gumalaw ay hindi ko ma-control ang sarili.

Lumipas ang minuto na nandoon parin ang anino. At kahit na gustuhin kong matulog ay hindi ako hinahayaan ng kaba ko.

Huminga ako ng malalim bago lakas loob na tumayo para harapin ang kung sino mang nasa pinto. At nang tuluyan kong makita kung sino ang nagma-may-ari ng anino na kanina ko pa nakikita ay hindi ko malaman ano ang magiging reaksyon ko.

Hindi ko sigurado kung nakahinga ba ako ng maluwang o mas lalo lang nalito nang makitang si Victor ang nagma-may-ari ng anino.

"Anong... Anong ginagawa mo diyan?" gulat kong tanong. Ngunit mas gulat yata siya dahil hindi siya nakasagot.

Mahina niyang tinapik ang pisngi ko bago natatawang naglakad palayo.

Nanatiling gulat at naguguluhan ang reaksyon ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

God, what was that?

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 51 27
Isang ulirang guro si sofia, sa edad na benta y kwatro hindi pa siya nakaranas mag-kanobyo man lang, isa siyang napakagandang babae ngunit itinatago...
3.1K 141 46
Anastasia Catia de Ayala is a humble, soft- hearted and polite kind of woman. Nabibilang ito sa isang pinakamayamang pamilya sa bansa. She's having a...
33.7K 1.4K 41
Hyant Gray Saint Castillo suddenly got a call from her mother claiming that he got pregnant a unknown woman, and went viral on social media.
11.5K 369 33
#2: "She let me enter her life as someone who'll teach her academically, but I ended up making things with her romantically. She was my student, my f...