ENCANTADIA Season 2 - The Win...

By BenificentGirl

29.7K 1.2K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... More

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
PART VIII | Trahedyang Naganap
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso
Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso

500 25 33
By BenificentGirl


Amihan: Anak .*cries*

Hindi alam ni Amihan kung bakit nya nasabi at lumabas nalang bigla ang sa ang salitang iyon sa kanyang bibig. Kahit hindi nya kilala ang babaeng kanyang hinahagkan ay nasabi ng kanyang puso ang kanyang nararamdaman. Nang makita sya ni Natasha, tumakbo sya sa kinaroroonan nina Lira at Amihan.

Natasha: Jusko naman Lovely, kung saan saan ka nagpupupunta matetegi ako kay nanay nyan pag di kita nahatid sa kanya ng buhay.*scratches her head then looks at Amihan ang Lira on the ground* Uy, bakit mo ba iniiyakan mo yang taong yan, kamag-anak mo? Best actress lang ang peg? Huy!*kinalabit si Amihan* Halika na, kailangan mo pang magtrabaho di ba? Iwan mo na yan jan.

Amihan:*still crying* Hindi ko sya kayang iwanan dito Natasha, yung katawan nya ay sobrang lamig! Hindi ko alam kung bakit ngunit ang sinasabi ng aking puso ay kailangan ko syang tulungan. Kaya maaari mo ba akong tulungan sa pagbuhat sa kanya?*holds Lira's face* 

Natasha: Ano bubuhatin natin sya ganon? Ayoko nga, masisira lang beauty ko noh.*snobs*

Amihan:*crying* Natasha parang awa mo na, tulungan natin sya. Hindi ko sya kayang iwanan nang ganito.*try to lift Lira*

Habang tinitingnan ni Natasha si Amihan na pilit at unti-unting nababagon ang walang malay na si Lira, may isang magarang kotse ang tumigil sa kanilang tapat at bumaba ang lalaking nagmamaneho nito.

Kyle: Natasha, what happend here?*worriedly walks towards Lira then helps Amihan to carry Lira*

Natasha: Eh sir Kyle, may nahimatay po kasi dito na tinutulungan ni Lovely eh naawa daw sya. 

Kyle: Relative nya ba to?

Natasha: Ayun na nga po sir eh, hindi naman. Eh kung makaiyak po itong kasama ko parang kamag-anak nya. Mamaya modus lang ng babaeng yan ang himatay-himatayan school of acting nya eh magnanakaw pala.

Kyle: Kahit na, she's right Naty. Even though hindi nyo sya kilala at kailangan nila ng tulong dapat tulungan mo. Let's go I'll bring you guys to my house, I'm sure manang Linda is waiting for us.

Habang pinapasok nila lahat si Lira sa back seat kasama doon si Amihan na walang humpay ang pag-aalala sa taong nakilala nya ay sumakay naman sa harap si Natasha at sa driver's seat naman si Kyle. Pagdating nila sa bahay nila Kyle, ay sinalubong sila ni Linda sa gate at nagulat sila kung sinong babae na walang malay ang bitbit ni Kyle papasok sa bahay niya.

Linda: Hala, sino naman yan? Natasha, ang sabi ko dalhin mo dito si Lovely, hindi magdala ng isa pa. At sumabay pa talaga kayo sa amo ko, nakakahiya tuloy sa kanya.

Amihan: Paumanhin ginang Linda, ngunit hindi naman si Natasha ang may sala. Dahil ako talaga ang nagsabi sa kanya na tulungan namin ang nakakaawang dilag na nakahandusay lamang sa kalsada.

Linda:*smiles* Okay lang naman ang tumulong hija, kaso dapat iniuwi nyo na lang siya sa bahay para hindi naman nakakahiya kay sir Kyle.

Natasha:*smirks* Wow nay, ayos ka rin po noh. Eh dagdag na naman yan sa gastusin natin eh okay na yun na nandito sya atleast si sir Kyle mayaman. Kaya syang pakainin non. Masikip na nga yung bahay dahil sa kanila magdadagdag ka pa. Hay! Nakaka stress much ah.

Linda:*stares at her daughter* O, ayan ka na naman sa kakadada mo lumayas ka na nga dito at magtrabaho ka na jan sa bar bar mo!

Natasha: Nay, gabi pa pasok ko remember? Wala namang bar ng ganitong oras noh, ang aga pa kaya.*flips her hair*

Linda: Ah basta umuwi kana muna, samahan mo doon si Harry(reffering to Khalil) baka ma bored walang tao sa bahay.

Natasha:*smiles then claps her hands* Ay gusto ko yan nay! Buti nalang pinaalala mo sa akin. Don't worry, ako bahala kay baby boy. Okay, babush!*glides happy on the street*

Linda:*looks at Amihan* Yung anak ko, nababaliw na sa pamangkin mo. Hindi na nga masyadong pinapansin na naman yung boylet nya eh.

Amihan:*small laughs* Halina po kayo ginang, baka po hinahanap na tayo ng amo ninyo.


Inakbayan ni Amihan si Linda at sabay na silang pumasok sa loob ng bahay ni Kyle. Pagkapasok nilang dalawa, kita naman ang pagkamangha sa mukha ni Amihan sa bahay ng kanyang magiging amo rin. Nilibot nya ang tingin sa bahay at sa hindi nya maipaliwanag na dahilan ay comportable na sya agad doon.

Amihan: Ginang, ang laki ng bahay ng amo nyo noh? Ngunit pakiramdam ko'y nakarating na ako dito.*comtinues to look around*

Linda:*nagulat* Huh? Nakapunta kana dito? Eh ngayon lang kita nadala dito ah.

Amihan: Alam ko po ginang, ngunit pamilyar talaga ang lugar na ito sa akin.

Mamaya maya ay bumaba na sa hagdan si Kyle galing sa guest room para pahigain doon ang wala pang malay na si Lira. 

Kyle:*looks at Amihan* So Lovely, okay lang ba sa iyo ang bahay ko? I know it's kinda old but it's pretty descent pa naman.

Amihan:*looks around* Ang ganda ng bahay mo, malaki ngunit wala kang kasama. Nasaan ang iyong mga pamilya, ginoo?

Kyle:*smile touches his chin* Wow, so formal. Pero to answer you question, yung pamilya ko nakatira doon sa second house namin, mas gusto kasi doon ng kapatid ko kasi it's cool and modern ng second home namin. Bagong gawa lang kasi eh, so my mom and dad used to live there with my younger brother, Brent.

Amihan: Kung nandoon naman ang pamilya mo, bakit hindi ka nalang sumama sa kanila?Hindi ka ba nalulungkot?

Kyle: Ako lang ang nakatira dito sa bahay ni dad, kasi mas gusto ko ang old styled house, than modern one. Pamana pa nga ito sa kanya ni lolo.*smile* Well, hindi naman ako nalulungkot kasi dumadalaw naman sila dito specially ngayon, cause it's weekend. Mamaya dadating si dad at Brent dito para bisitahin ako, kaya hindi ko rin sila gaano namimiss. And one thing pa, mas malapit ito sa company ni dad kung saan ako nagwowork ngayon.*smile*

Amihan: Ganon ba?*remembers Lira**worried* Ngunit g-ginoo, kamusta nga pala sya? Maayos ba ang kalagayan nya?

Kyle: Ate, she's weak pa. Kanina she's cold as ice but now, inaapoy sya ng lagnat. I don't know what happend, but para syang binalutan ng ice thats why hindi kinaya ng body nya.

Hindi masyado naunawaan ni Amihan kaya tumingin sya kay Linda na alam na hindi sya sanay sa mga salitang banyaga.

Linda: Ang sabi ni Sir, mahina pa daw ang babaeng nahimatay at ngayon ay nilalagnat.*smiles at Kyle* Hayaan nyo napo sir ako nalang po ang mag-aalaga sa kanya.

Amihan: Hindi na kailangan ginang, ako na lamang ang mag-aalaga sa kanya. Ako rin naman ang nagdala dito sa kanya kaya responsibilidad ko sya.

Linda:*binigay ang maliit na bimpo at maliit na plangganang may tubig* O ito, ipunas mo sa katawan nya para bumaba ang lagnat nya huh?

Amihan:*gets what Linda gave her* Sige po.

Kyle: Well then, sasamahan nalang kita sa guest room kung saan sya nagpapahinga before I rest inside my room. Come.*pinasunod si Amihan sa guest room* 

Nang makarating na si Kyle at Amihan sa guest room, iniwanan na nya si Amihan roon at pinapasok nalang sa loob upang makita ang walang malay na babaeng tinulungan nya kanina lamang. Dahan-dahan syang pumasok sa kwarto, at ng palapit na sya nang palapit kay Lira ay pabilis rin nang pabilis ang tibok ng kanyang puso at hindi inaalis ang mata sa dalaga. Inilagay na na muna ang hawak nya sa side tale at tinabihan nya si Lira sa gilid ng kama at umupo dito habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha. Hinawi hawi nya ang buhok nito at hinawakan ang mga kamay ni Lira, habang nagsisimula na namang tumulo ang kanyang mga luha.

(It's better with sounds so you can feel this scene even more hehe..)

Hinalikan ni Amihan si Lira sa noo dala ng kanyang emosyon at hindi maipaliwanag na pakiramdam sa tuwing makikita nya ito.

Amihan:*crying* Hindi ko alam kung sino ka man ngunit nais ko lamang sabihin sa iyo na sana'y magmulat ka na. Dahil nasasaktan ako na makita kang walang malay at nahihirapan. Hindi ko maipaliwanag ang ipinahihiwatig sa akin ng aking puso noong makita kita, nasa tuwing masisilayan ko ang iyong mukha ay tumitibok ito nang mabilis at labis na natutuwa.*touches Lira's face*

Pagkasabi nya noon ay hinagkan nyang muli si Lira. Kinuha nya ang pamunas at isinawsaw sa tubig sabay na ipinunas sa kanya mga braso, sa noo at kamay nito. Maya maya ay bahagyang ginalaw ni Lira kanyang ulo na parang nanaginip. Hinawakan nya ang kamay ni Amihan na pinupunasan ang kanyang kamay ng bimpong binasa sa tubig kaya napahinto si Amihan sa pagpupunas at tiningnan ang mukha ni Lira na nakapikit lang.

Lira:*nananaginip* Inay.*a tears fell down on her cheeks*

Nagulat naman si Amihan nang magsalita ito, at natuwa nang marinig nyang sambitin iyon ni Lira, kahit na nananaginip lamang ito.

Amihan: Bakit tila'y lalong sumaya ang aking puso nang bigkasin mo ang mga salitang iyan? Pakiramdam nito ay parang sa kanya ang mga salitang iyong binitawan, napaka gaang pakinggan.*touches her chess where her heart is located**smiles*

Mayamaya ay hindi inasahan ni Amihan na magmumulat na si Lira, inikot-ikot nya muna ang mata nya ago nya tinitigan si Amihan. Nginitian naman sya nito at hinawi-hawi ang mga buhok sa kanyang mukha. 

Amihan: Mabuti naman at nagisig kana.*smiles* Nabawasan ang bigat ng aking loob at pag-aalala sa iyo.

Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Lira, bagkus ay ngumiti lamang ito at niyakap si Amihan ng mahipit. Dama ni Amihan ang pagmamahal nya sa babaeng kanyang nakita, at lalong tumalon sa ang kanyang puso sa tuwa noong niyakap sya nito.

Amihan:*humiwalay na sa yakap* Bakit ka na bumangon, hindi ka pa naman magaling.*smile*

Lira: Sorry po, ah na carried away lang ako sa emosyon ko. Natuwa po kasi ako bigla noong makita po kita eh, ewan ko po kung bakit. Parang matagal na po kitang hinahanap, alam nyo po yung ganong feeling?*smiles*

Amihan: Maging ako man ay natutuwa sa iyo dalaga. Napakagaan ng pakiramdam ko sa yo.*ngumiti at tinuloy ang pagpunas sa kanyang braso*

Lira: Nako, wag nyo na po yang gawin.*gets the towel from Amihan* Nakakahiya naman po, hindi naman po kita kaano-ano.

Amihan: Ayos lang naman. Masaya akong gawin ito para sa iyo, aalagaan kita.*smiles*

Lira: Nakakahiya naman po kasi eh. A-ano po bang nangyari sa akin? Paano po ba ako napunta dito?

Amihan: Wala ka bang natatandaan?

Lira:*tries to remember* Wala po eh.

Amihan: Nakita kita sa may kalsada, nakahandusay at walang malay kaya nag-alala ako sa iyo at dinala  ka namin dito.

Lira: N-ninyo? Sino sino kayo?

Bigla namang sumilip si Kyle sa pinto at binuksan na ito nang tuluyan at tiningnan sila Amihan at Lira na nag-uusap kaya minabuti na nyang pumasok sa loob at kamustahin si Lira sa kanyang kalagayan.

Kyle:*smiles* Hey, how are you feeling right now? Kamusta na ang lagay mo?

Lira:*smile* H-hi po.*looks at Amihan Nako, ate ganda, Hindi mo naman sinabi na Inglishero po pala tong si kuya gwaps.*jokingly said*

Amihan:*laughs at Lira* Nakakatuwa ka naman kasama, ano nga pala ang iyong ngalan?

Lira:*excited* Ay gusto ko yan kapag nagpapakilala ako sa lahat. Major ko yan eh, wait lang.

Inayos ni Lira ang sarili at itinuwid ang kanyang likod at kumaway-kaway na mala beauty queen at ngumiti sa kanilang dalawa.

Lira:*clears throat* Hi guys, ako nga po pala si..*remembering her name but she can't remember**smiles* nakatira ako sa...*remembering but still can't remember**scratch her head* Teka nga, teka nga, umamin nga kayo sa akin. Nabagok ba ang ulo ko at kahit pangalan ko at kung saan ako galing eh naulyanin mode ako? Dinaig ko pa yung mga tanders eh.

Nagtinginan sila Amihan at Kyle dahil hindi rin nila alam ang nangyari kay Lira. Kaya hinawahan ni Amihan ang kanyang mga kamay habang sya ay nagpapaliwanag.

Amihan: Hindi namin alam kung ano ang tunay na nangyari sa iyo, dahil nakita ka lang namin sa gilid ng daan malapit sa isang puno na malamig ang buong katawan at walang malay. Kakatwang kaparehas ng sa iyo ang nangyari sa amin ng aking pamangkin.

Lira: Talaga po? Wala rin po kayong maalala ng pamangkin nyo ate?

Amihan: Wala. Nakita lamang kami ni ginang Linda sa gilid ng daan at pinatuloy muna ako sa kanilang tahanan. Hindi namin mantandaan ang lahat maging ang tunay naming ngalan kaya naisipan muna nila na tawagin akong Lovely, at Harry naman sa aking pamangkin.*smile*

Lira: Infairness at Lovely ah, bagay yung pinangalan nila sa iyo.*touches face while she stares at Amihan* Grabe, sana paglaki ko ganyan rin ako ganda noh.*admiring Amihan's face*

Amihan:*laughs then touches Lira's hair*

Kyle: I'll get you some medicine to help your temperature cool down.*smile*

Lira: Salamat talaga kuya pogi. Pero sana ano noh, no english policy to me because ano.*smiles and because she doesn't know what to say* Nose bloodening kuya, mahina ako sa English na yan pasensya na.*small laugh*

Kyle: I'm sorry-I mean pasensya rin, cause I can't help but to speak in english. Mahina kasi ako sa Filipino eh. Alam mo ate Lovely may kilala ako na kaparehas mong magsalita. I mean she's a stranger but parehas kayong malalim mag tagalog, eh ang babata nyo pa naman. I can't really do that tho.*small laugh*

Amihan: Sino ang iyong tinutukoy?

Kyle: Well hindi ko nakuha yung pangalan nya, pero sobrang familiar ang face nya.*looks at Lira* Same with you miss.

Habang nag-uusap ang mag-inang nawalan ng ala-ala, si Kyle nay biglang naningkit ang mga mata sa mukha n Lira dahil inaalala nya kung siya ba talaga iyon ang nakita nya noon noong bata pa sya.

Kyle: Miss, I think your a friend of my dad.

Lira: Huh? Eh paano naman nangyari yun, ilang taon na ba yung daddy mo?

Kyle: 58, I guess?

Lira:*shocked* Eh pano naman ako magiging kaibigan ng tatay mo, bata pa ako noh. Ano yun kaibigan ko na sya nasa tyan palang ako ng nanay ko ganon?*crossed her arms together*

Kyle: I know for you hindi kapani paniwala, but I swear, you look exactly like my dad's friend. Kahit bata pa ako non, I still remember her face. Later I'll ask my dad if ikaw nga yun. But for now, I'll just get your medicine.

Lira: S-salamat kuya pogi ah.

At lumabas na nga si Kyle sa guest room para kumuha ng gamot ni Lira. Naiwan doon si Amihan sa kanyang tabi at inalagaan sya nito.

***************************

= SA DAKILANG MUOG NG SAPIRO =

Nagkikipaglaro si Ybrahim kay Cassandra sa hardin ng dakilang muog ng Sapiro. Ngunit kahit nagsasaya sila at naglalaro, hindi naman nila matago ang pangungulila ng lahat sa kwela at makulit na sang'gre na sa Lira. 

Cassandra:*stops in the middle of the run*

Ybrahim:*panting then walks toward Cassandra* Oh apo, bakit ka tumigil? Akala ko'y gusto mo pang maglaro.

Cassandra:*frowns* Naalala ko lang po si ina, ilo. Namimiss ko na po sya kasi ilang araw na po syang wala dito. Ang sabi nya sa atin babalik sya kaagad.

Ybrahim:*hugs Cassandra* Ako man ay nangungulila na sa aking anak. Hindi na ako nasanay na napaka tahimik ng Lireo at Sapiro kung wala sya. Hayaan mo't itatanong ko kay Bathalumang Cassiopea. 

Cassandra: Ngunit kung aalis po kayo ulit ilo, magiging loner na naman ako dito sa Sapiro, kung nandito lang si inay ehhh.*looks at the ground*

Ybrahim: Papapuntahin ko ang iyong mga Ashti at Aldo Adamus dito para may kasama ka.

Cassandra: Mag rerequest muna ako sa iyo ilo.

Ybrahim: Ano naman iyon apo?

Cassandra: Smile ka muna-este isang ngiti naman po dyan ilo. Kahit para saakin lang.

Ybrahim: Agape Ave aking apo, ngunit ang aking mga ngiti ay nakalaan na para lamang sa pinakamamahal kong reyna. At hangga't hindi sya bumabalik sa aking piling ay hindi ako ngingiting muli. Hindi ko pa rin kaya.*frowns*

Cassandra: Sorry ilo, mukhang na bad trip ko po ata kayo.

Ybrahim: Ayos lang naman apo. Ngunit kailangan ko munang dumalaw sa Lireo at ikamusta ang iyong ina doon. Wag kang mag-alala maya maya lamang ay pupunta na rin dito sila Adamus, Aliyah at Fauna, apo. Paalam sa ngayon.*kisses Cassandra's forehead.**walked towards Maicah and Sapiro's floating ship* Tayo na Maicah.

Umakyat na si Ybrahim sa kanilang sasakyang pang himpapawid at nagtungo na sa Lireo upang kausapin ang Bathalumang Cassiopea tungkol sa kung ano na ang nangyayari kay Lira sa mundo ng mga tao.

= SA LIREO =

Pagdating doon ni Ybrahim kasama ang kanyang Mashna Maicah, nadatnan nya sa kanyang trono si Alena habang binabasa ang mga kasulatan at gawaig nakaatas sa kanyang mga gawain bilang reyna ng Lireo. Si Danaya naman at Aquil naman ay nagkukwentuhan kasama si Aliyah na kanilang anak. Naiwan naman sa Lireo ang magkapatid na sina Mira at Fauna na kasama sina Adamus at Paopao na nasa gilid gilid ng bulwagan. Lumapit si Ybrahim sa mga diwani at diwan at kinausap sila na pumunta muna sila sa Sapiro upang may kasama at kalaro naman doon si Cassandra. Agad naman nilang sinunod ang Rama at masayang nagpunta sa Sapiro gamit ang kanilang mga Ivictus. Sinamahan rin sila nila Mira at Paopao upang maging bantay sa mga bata para makatiyak na hindi na sila muli pang gagalawin ni Casilda. Pagkatapos noon ay lumapit sya kay Alena at Danaya na ngayon ay nag-uusap a bulwagan.

Ybrahim: Danaya, Alena, Agape Ave sa aking pag-istorbo sa inyo ngunit nais ko lamang malaman kung nasaan ang bathalumang Cassiopea, nais ko syang makausap.

Agad namang nagpakita si Cassiopea sa Lireo nang hanapin sya ni Ybrahim at lumitaw sa gitna ng bulwagan.

Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead* Alam ko kung bakit mo ako hinahanap Rama, nais mong malaman ang nangyayari kay Lira sa mundo ng mga tao tama ba ako?

Ybrahim: Tama ka bathaluman. Nais ko lamang malaman kung nasa maayos bang kalagayan ang aking anak, labis na akong nag-aalala sa kanya pagkat ialang araw na syang hindi pa bumabalik dito sa Encantadia. Akala ko'y saglit lamang sya roon bakit ilang araw na syang namamalagi sa mundo ng mga tao?

Cassiopea*wisdom symbol lights up on her forehead* Wag kang mag-alala Ybrahim pagkat nakikita at nasusubaybayan ko sya sa aking mga mata at nasa maayos namang syang kalagayan. Hindi madali ang ipinapahanap sa kanya ng mahal na Emre kaya maaaring matagalan sya at mahirapan syang hanapin ang mga tutulong sa atin dito kapag ninais makipagdigma ni Casilda sa atin.

Danaya: Sana mapagtagumpayan iyon ng aking hadia bathaluman, kkung ano o sino man ang hinahanap nya. Ngunit nais namin makita ang ginagawa ngayon ni Lira upang mabawasan ang aming pag-aalala sa kanya.

Alena: Maaari ba naming masilayan si Lira, bathaluman? Magagawa mo ba syang ipakita sa amin?

Ginamit ni Cassiopea ang kanyang kapangyarihan at naglabas ng mahiwagang salamin upang masilayan nila kung anong nakikita nya sa kanyang mga mata. Nakita ng lahat sa mahiwagang salamin ni Cassiopea ang naglalakad at naghahap na Lira sa mundo ng mga tao, at nakita naman nilang walang masamang nangyari kay Lira kaya naginhawahan ang kanilang mga pakiramdam na malaman na nasa maayos syang kalagayan. Pagkatapos noon ay itinago na muli ni Cassiopea ang ginawa nyang mahiwagang salamin at naghihintay ng sagot sa Rama at sa mga sang'gre.

Ybrahim: Avisala Eshma sa inyong ginawa bathaluman. Ngayon ay mas mapapanatag na ako na nasa ligtas at nasa maayos si Lira. Hindi ko na kasi makakaya na mapahamak pa yang muli, hindi mo sa akin maaalis iyon dahil isa lamang akong magulang na nag-aalala sa kaligtasan ng kanyang anak.

Danaya: Maging ako bathaluman ay naginhawahan rin. Kung pwede ko lamang sya samahan ay ginawa ko na dahil ayoko syang mapahamak.

Alena: Ngunit sana'y makabalik na sya agad dahil alam ko na lalong madaling panahon ay muli na naamng manggugulo ang iyong kapatid Cassiopea, at hindi natin alam kung ano ang maaari nyang gawin sa atin.

Cassiopea: Nakikita ko ang inyong pangamba kay Lira maging sa magaganap sa Encantadia. Ngunit kung magtagumpay si Lira sa itinakdang misyon sakanya ni Emre ay alam kong marami ang matutuwa at magagalak.

Pagkasabi noon ni Cassiopea ay mabilis na muli syang naglaho sa Lireo. At nagpaalam na muli ang Rama sa magkapatid upang bumalik na ng Sapiro at pamahalaan ang pagsasanayng mga kawal roon kasama sina Wantuk at ang kanyang ama na si Apitong.


*********************

= SA KAHARIAN NG NYEBE NI CASILDA =

Masayang masaya naman si Casilda dahil nagtagumpay ang kanyang mga plano na paglaruan ang mga pangitain ni Cassiopea upang mapaniwala sila na nasa maayos iyong kalagayan ang kanilang pinakamamamhal na sang'gre at nagtagumpay rin syang hindi nito makita ang kanyang ginawa kay Lira at sa pagkuha nito ng brilyante ng hangin.

Casilda:*wicked smile talking to her ice pet**controlling Cassiopea's vison* Haayy, napakadali talagang paniwalain at paglaruan ng mga diwata, lalong lalo na ang aking kapatid, aking alaga.

Yelong pashnea: Syang tunay mahal na reyna. Ngunit hanggang kailan nyo sila mapapaniwala at gagamitan ng iyong kapangyarihan?

Casilda: Hangga't gusto ko aking alaga. Hangga't kaya ng aking kapangyarihan na bilugin pa ang kanilang mga ulo ay wala silang magagwa kundi ang maniwala sa kung anong makikita at ibabalita ng aking "mahal" na kapatid.*villain laugh*


= SA BAHAY NI KYLE SA MUNDO NG MGA TAO =

Habang pinababayaan muna nilang matulog at magpingha nag walang naaalalang Lira ay tumulong na si Amihan sa ga gawaing bahay na laging ginagawa doon ni Linda. Nilinis nila ang ang sala at kwarto dahil sinabi nga ni Kyle na dadating ang kanyang ama at kapatid upang doon muna manatili hanggang sa matapos ang weekend kaya kailangang maging presentable ang bahay. Kinahapunan ay dumating na ang tatay at ang kapatid ni Kyle, na tamang tama namang katatapos lang sa paglilinis nina Linda at Amihan. Pagkapasok ng ama at kapatid ni Kyle ay masaya naman nila Linda at Amihan na binati ang mga ito. At sumunod naman si Kyle na niyakap pa ang dalawa.

Kyle:*happy*Dad, Brent! So nice to see you! Buti nalang po dumating kayo ng maaga.*hugs his dad*

Dad ni Kyle: Kyle, how are you? Ang ganda ng bahay ah, ang linis. I see that kumuha ka na ng makakasama ni Linda sa household chores dito.*looks at Amihan*

Kyle: Well yes. Manang Linda recommended her here.

Amihan:*smiled at Kyle's dad*

Dad ni Kyle:*looks at Amihan then to Kyle**taps Kyle's shoulders* Kyle, just tell me if you need tips from your dad huh, I got you.*teasing smile*

Kyle:*understands his dad* Dad.*shyly blushed*

Dad ni Kyle:*small laugh* What? I'm just joking you know. Pero I like her for you.*smiles*

Kyle: Dad, would you please stop teasing me, nakkahiya kay ate Lovely.

Dad ni Kyle: Kyle, hindi bagay sa kanya na tawagin mo syang ate, she's too young to call her that.*Kyle looks at Amihan, his father saw his look* Anak, alam ko na yung mga ganyang tinginan mo huh, hayaan mo bukas na bukas tutulungan kita.

Brent: Daddy can I join? I'll help kuya too!*excited*

Kyle: Hey guys, it's not what you think okay? Anyways, enough of me. By the way, dad nilipat ko nalang kayo ni Brent sa isang guest room dahil may tinulungan kami ni ate Lovely kanina, and I know parang familiar sya sa akin at maybe your familiar with her too.

Dad ni Kyle: Okay, sige. I'll try to remember her if I can. Kasi alam mo naman tong daddy mo medyo, senior na.*chuckles* Who is she?


Maya-maya, narinig ni Lira na parang sya ang pinag-uusapan sa baba kaya naisipan na nyang lumabas at maki halu-bilo sa mga tao doon. Kaya bumaba sya ng hagdan at nakita naman sya ng lahat. Masayang nakatingin ang lahat kay Lira nung bumaba sya ng hagdan, maliban sa tatay ni Kyle. Naningkit ang kanyang mata na may halong pagkagulat at pagkamangha.

Kyle:*smiles* Oh, speaking of. Dad, I want you to meet her. Sya yung sinasabi kong babae na tinulungan namin. And you miss, meet my dad Anthony.*smiles*


Masaya namang pumunta sa harapan ni Anthony si Lira, at inilahad ang kamay nito sa kanya.

Lira: Hi po Mr. Anthony. Masaya po ako na nakilala ko po kayo! Grabe, magkahawig talaga po kayo ni Kyle.*smiles*

Hindi makapaniwala si Anthony sa kanyang nakikita ngayon, parang nananaginip sya na hindi nya maintindihan. Hanggang ngayon ay nakakanganga pa rin sya sa babaeng kaharap nya ngayon na nakalahad ang kamay nito sa kanya. Pilit syang hindi naniniwala sa kanyang nakikita ngayon pero ang nakaraan sa kaya ay hinding hindi na mabubura pa.

Hindi nya malilimutan ang bawat detalye ng kanyang mukha.

Ang bawat ngiti at kanyang malambing na boses,

Lahat ng iyon ay hindi nya malilimutan kailanman, kahit gaano pa katagal na panahon na ang lumipas. Kaya gulat na hinawakan ni Anthony ang kamay ni Lira at tinititigan ang bawat sulok ng kanyang mukha na kailanman ay inakala nyang hinding hindi na nya makikita.




Anthony:*schocked* Lira?






Avisala mga ka-Encantadiks!! Im sorry ngayon lang ako nakapagupdate kasi busy na sa online class namin, pero pramis sa weekend babawi ako sa inyo hehe. Salamat sa paghihintay na makapag-upload ako ng bagong chapter na alam kong ilag days nyo na hinhintay. Enjoy reading guys! E Correi Diu!

Published Date: August 26, 2020

Continue Reading

You'll Also Like

171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...