Fulfiller of His Needs (COMPL...

By perfectlover

2.7M 23.1K 1.7K

Hi everyone if you are wondering kung bakit wala napo ang mga chapters because this book is now published in... More

Chapter 1 ..Meet his ass!
Chapter 2 ..What the hell!
Chapter 3 ..I need him
Chapter 4
Chapter 5 ..His Kiss!
Chapter 6 ..Starting to like him!
Chapter 7..Jealousy!
Chapter 8 ..Forget About It
Chapter 9
Chapter 10 ..SEMBREAK
Chapter 11 ..Stay with me
Chapter 12 ..First Night with Him
Chapter 13 Part I ..Why His Kisses Makes Me Weak!
Chapter 13 Part II
Chapter 14 ♥After All♥
Chapter 15 ..The Start
Chapter 16 ..Reminiscing
Chapter 17 ..his fucking sex slave
Chapter 18 ..Unpredictable Feelings
Chapter 19
Chapter 20 ..CUT
Chapter 21 ..The Hurtful Fact
Chapter 22 ..I Love You
Chapter 23 ..Bohol Trip first night
Chapter 24 ..Part II
Chapter 25 Part III
Game 1 Q.& A. Portion
Chapter 26 ..2nd Day
Chapter 27 ..2nd Day Part II
Chapter 28 ..Damn!
Chapter 29 ..I got jealous
Chapter 30 ..I'am your sex slave, right?
You Must Read!!!
Chapter 31 ..Stupid before!
Chapter 31 ..We're Officially On Part II
Chapter 32 ..Love Is In The Air
Chapter 33 ..Love Love Love
Chapter 34 ..Part I
Chapter 34 ..Part II
Chapter 35 ..Valentines?
Chapter 36 ..You make me happy!
Chapter 37 ..Part I
Chapter 37 ..Part II
Chapter 38 ..He's BACK!
Chapter 39 ..When Jealousy Kicks In.
Chapter 40 ..Misunderstanding!
Chapter 41 .Gift
Chapter 42 ..Her Plan!
Chapter 43 ..Temptation.
Chapter 44 ..Betrayal Part I
Chapter 44 ..Betrayal Part II
Chapter 45 ..Surprise Part I
Chapter 45 ..Surprise Part II
Chapter 46: I Love Her (Part I)
Chapter 46: The Kiss (Part II)
Chapter 47: I'll Do Anything.
Chapter 48: Unexpected Visitors (Part I)
Chapter 48: Unexpected Visitors(Part II)
Chapter 49: Back to Normal
Chapter 50: Cold?
Chapter 51: Childhood Sweetheart
Chapter 52: Revelation (Part I)
Chapter 52: Revelation (Part II)
Chapter 52: Revelation (Part III)
Chapter 52: Revelation (Part IV)
Chapter 53: Prisoner!
Chapter 54
Chapter 55: Her New Life!
Chapter 56
Chapter 57: Her Happiness!
Chapter 58: The Invitation
Chapter 58: THE COME BACK I
Chapter 58: THE COME BACK II
Chapter 59: Between Me, You and Him.
Chapter 60: Part I
Chapter 60: Part II
Chapter 60; Part III
Chapter 64
Chapter 65: Opening!
Chapter 66: Father and Son
Chapter 67: Father and Mother
Chapter 68: Baguio
Chapter 69:
Chapter 70; Wedding Preparation
Finale
Epilogue

Chapter 32 Part II

37.8K 357 21
By perfectlover

** PL's Note: Hindi dapat ako mag-aUD ngayon dahil nga wala pa sa qouta pero nasa 80+ na naman siya at isa pa sabi ko naman diba? JOKE lang yung qouta nandun yung sa note ko, eh diko naman akalaing aabot sa 80 ang votes.. Yun lamang.

Isa pang dahilan kung bakit nag-UD ako, yun ay dahil MONTHSARY NA NATIN! HAPPY 1st MONTHSARY sating lahat.. Wew! Fireworks!

105 VOTES

para sa NEXT CHAPTER! LONG UPDATE to ha.. (One Hundred Five kapalit ng CHAPTER 33).. Osiya! Magbasa kasi kayo ng NOTE, hindi yung basta bira ng bira ng basa HAHAHA.. Paano kung may sabihin akong importante kahit wala naman, edi magtatanung kayo. Wew! Alam niyo bang natutuwa ako dahil, hindi niyo ako iniiwan, mapalamig o mapainit man HAHAHA..

Dedicated to her @serpens ..Hello ate! ^_^ lagi ko ka-chat sa FB. Wew! Appir!

_____________________________________________________________________________________

(Play the video on the right side ------>)

Chapter 32 Part II

 

Pagkatapos naming mamasyal saglit ni Ryan bumalik narin kami sa bahay nila dito sa Tagaytay.. Hindi narin naman kami nagtagal pa don dahil nga gabi na at hindi na namin masyadong ma-eenjoy ang mga view.

Pagpasok namin sa loob, pabagsak akong umupo sa upuang kahoy (Cleopatra Style) dito sa living room..

"Sweety." Tumabi sakin si Ryan at inakbayan ako, bahagya ko namang inihilig ang ulo sa balikat niya. "Bukas nalang tayo mamasyal.." Sabi niya habang nilalaro ang kamay ko. "Mukang pagod kana.. Pahinga kana." Dagdag pa niya, inangat ko ang tingin sa kanya..

"Ikaw hindi kapa ba magpapahinga?" Tanung ko sa kanya, dahil narin pagod kami pareho sa byahe tapos naglibot pa kami kanina..

"Iintayin kona muna sigurong makatulog ka." Napakunot ang noo ko ng hilahin niya ako patayo.

 

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"Magpapahinga. Bakit gusto mo ba na dyan kana lang matulog?" Sagot niya.. Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti na naman ng pilyo.

"Ayoko ng ganyang ngiti." Sabi ko habang hirap na hirap magpigil ng ngiti.. Napakapilyo talaga nitong lalaking to.

"Ou na.." Ayan nagpakita na siya ng kapaguran niya, ngumiti nalang ako at nagtungo kami sa kwarto.. Pagpasok namin ewan ko ba at naging awkward na ang atmosphere. Tumigil kami makailang sandali sa likod ng pinto.

Papalapit na sana ako sa kama ng muli niya akong higitin, magkahawak kamay panga pala kami.. Napatama ang mukha ko sa dibdib niya..

Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagyakap niya sakin, at pag haplos sa buhok ko.. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya na tumatama sa buhok ko..

Hindi ako gumalaw, ng kahit ano.. Nag-stay lang ako sa posisyon namin! Habang nakangiti, dinig na dinig at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya, katulad din ng mabilis na pagtibok ng puso ko..

"I can't imagine my life without you." Bulong niya. Naramdaman ko ang pagbilis at paghigpit ng yakap niya sakin, marahan niyang ibinaon ang mukha sa leeg ko.. Hinaplos ko ang likod niya.. Ano ba naman kasing pinagsasabi niya.. Akala mo naman aalis nako sa tabi niya para lang iwan siya.

Nung mga panahon na nasasaktan ako dahil sa kanya, pinili ko padin ang mag-stay sa tabi niya, ngayon pa kaya na kami na. Ngayon pa kaya na alam kung mahal namin ang isat-isa.. Ngayon paba ako aalis, ngayon ko pa ba siya iiwan? Sinong tanga ang gagawa non?

"Me too.. I love you so much sweety!" Nabigla ako ng maramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko at ang panginginig niya. Mas lalong humihigpit ang yakap niya sakin..

Nagtataka man ako kung bakit.. Kumalas ako saglit at hinarap siya.. "Sweety may problema ba?" Tanung ko sa kanya..

Ngumiti lang siya sakin at hinaplos ang pisngi ko.. "Natatakot lang ako..." Huminto siya saglit at napaisip. "Na baka isang araw gumising nalang ako na wala kana sa tabi ko." Lumungkot ang expression ng mukha niya at maging ang boses niya ay nababasag. "O kaya naman, baka mamaya magising kana lang isang araw.. at maisip mona.. hindi muna ako mahal." Hinaplos ko din ang pisngi niya at marahang inilapat ang labi ko sa labi niya.

Hindi ko alam kung bakit niya nasasabi yan, hindi ba dapat ako ang matakot dahil baka mamaya siya ang magising isang araw na wala ng pagmamahal sakin..

Akala ko magpapahinga na kami pero bakit mukang hindi naman.. Kumalas ako sa halik habang nakapikit padin.. Hindi pa man gaano nakakalayo ang labi ko sa kanya, hinapit na niya ako sa bewang para mapalapit na naman ang labi namin sa isat-isa..

Parang kanina lang awkward ang atmosphere ngayon naman biglang uminit.. Dahil sa nakakadalang halik niya, naiyakap kona sa leeg niya ang kamay ko para maging suporta..

Bakit sa tuwing gagawin namin ang bagay nato, parang laging fresh lang at bago palang namin gagawin na kung tutuusin maraming beses na naming nagawa.

Ng makaabot kami sa kama, marahan na niya akong inihiga sa kama.. Napaisip ako, lahat nalang ba ng pupuntahan namin, iiwanan namin ng alaala. Kumalas siya sa halik na yon at pinagmasdan ako mula sa ilalim niya.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Hindi kita iiwan.." Tumigil ako saglit mabilis na ninakawan siya ng halik mula sa ibabaw ko. "Hindi ko kaya.." Dagdag kopa..

Nakita ko ang isang ngiti na bumantad sakin.. Nakakasilaw ang mga ngiti ni Ryan. "Mahal na mahal talaga kita.. At hinding hindi ako magsasawang ulit-ulitin yan sayo." Hinalikan na naman niya ako @_@ potek! Niyakap ko siya habang naglalakbay na naman ang kamay niya.. Explorer talaga! >.<

*****

Pag-gising ko. Masakit na naman ang buong katawan ko >.< minamadalas na ata namin ni Ryan to ah.. Tumingin ako sa katabi ko na nakayakap pa sa may bewang ko..

Ngumiti ako at marahang hinaplos ang pisngi niya.. Tulog na tulog padin siya.. Mabilis ko siyang ninakawan ng halik sa labi, napakisap panga mata niya kasabay ng pagmulat niya..

"Gudmorning." Bati ko sa kanya.. Nawala ang magkasalubong niyang kilay at nagliwanag na agad ang mukha niya ng makita ako..

"Gudmorning din!" Hinalikan niya din ako sa labi.. Inangat ko ang ulo at sa braso niya umulo, nanatili kaming nakahiga ni Ryan na tanging kumot lang ang nagtatakip samin. Hinihimas himas niya ang braso ko habang nakabaon na naman ang mukha ko sa mabango niyang dibdib.

Nikka's Pov

 

"Ano kaba naman! Ou nga... Papunta na nga ako ng school! Leche naman! Pumunta ka kaya dito, wala akong kasama.. Bahala ka sa buhay mo!" Inoff ko ang phone ko. Nakakainis kasi si Harley.. Pinag-iispan pako ng kung ano ano, eh siya nga tong babaero.. Palibhasat gawain..

"Bakit mo pinatay ang cellphone mo!" Natigilan ako paglalakad ng makita tong lalaking nasa harapan ko ngayon.. Naiwan sa ereng nakanga-nga ang bibig ko.. "Baka pasukan ng langaw!" Lumapit siya at itinikom ang bibig ko, nakakaasar ang loko dahil sa ngiting napakalad niya..

"W-what are you doing here?" Tanong ko sa boyfriend ko.. Yep! Nagkabalikan na kami eh >.< kung hindi pa niya ako papanagutan dahil sa nangyari samin sa France nako matututuktukan ko siya, hindi ako preggy ha! To make things clear, ang sinasabi ko lang ginawa na namin ang bagay na yun kaya dapat lang na panagutan niya ako.. At isa pa malinaw ang usapan namin na aayusin muna niya ang business nila ng Papa niya don bago umuwi dito sa Pinas.

"Hindi kita matiis eh." Sagot naman niya sakin, inakbayan na niya ako at naglakad na kami papasok sa loob ng school.. Ngayon kasi ako mag-eenroll dahil kakauwi ko nga lang kahapon galing France at diko naman akalaing pati ang lalaking to nandito narin.

"What do you think are you doing?" Tanong ko sa kanya.. Hindi naman kasi basta basta pwedeng pumasok sa loob ng school.. Lalo na at outsider siya..

"Sasamahan ka sa loob?" Sabi niya atsaka kumindat.. Dahil narin sa pagkabigla dahil sa mga nangyayari, na makita siya dito.. Para tuloy akong naka-float.. Teka programming bato? At may source code na float? >.>

"Hindi ka pwedeng pumasok sa loob." Sabi niya.. Pero imbis na ma-bother ang loko, inalis niya ang kamay sa pagkakaakbay sakin at umuna ng pumasok sa loob.. Kumindat pa muna siya sakin and mouthed 'Akong bahala'

Nanatili akong nakatayo at tinitingnan kung anung gagawin niya.

Hindi ko man narinig ang usapan nila sa guard house nung lady guard ang tanging alam ko nalang ay hinila na niya ako papasok sa loob ng Campus.

"Sabi ko naman sayo, akong bahala eh." Inakbayan na naman niya ako.. Nagtataka ako kung anung ginawa niya at naging usapan nila.

"A-anung ginawa mo?" Tanung ko sa kanya, baka kasi mamaya ibinenta na niya ang katawan na niya dun sa matandang dalagang yun..

"Hindi na importante kung anung ginawa ko.. Ang mahalaga eto masasamahan na kita pag-eenroll.. Tamo nga, ang daming natingin sa napaka gandang model na girlfriend ko ngayon." Pinisil niya ang ilong ko.

Pagkatapos naming mag-enroll palabas na sana kami ng Campus ng magsalita itong Lady guard.

"Iho bakit hindi ko ma-contact ang number mo?" Sabi ni ladyguard sa malanding tono, kaya naman napatingin ako kay Harley na kakamot kamot ng batok at napapangiwi.. Sinamaan ko si Harley ng tingin..

"Ibinigay mo ang number mo?" Taas kilay kung tanong.. Pero imbis na sumagot ngumiti lang siya.

"Dati ko namang number yun." Sabi niya, hinampas ko siya sa braso.

"Pati ba naman matanda pinapatulan mo!" Inunahan ko na siya paglalakad. Nakakainis lang, eh mas di hamak na maganda naman ako dun sa ladyguard na yun at isa pa, sexy ako at makinis. >.< tsk! Diko lubos maisip na pati yun papatulan niya.

"Ano ka ba naman!" Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang kamay ko at iniharap sa kanya. "Ghad! Seriously, pinag-iisipan mo talaga ako na papatol sa ganon?" Iritable niyang sabi.. Lakas ng loob siya pa ngayon ang may ganang magtaas ng tono ng pananalita.

"I can't believe this!" Binawi ko ang kamay sa kanya at naglakad na ulit papunta sa kotse niya.. Tumapat ako sa back seat at inintay na makalapit siya. "Open this door for me!" Utos ko.. Napairap pa siya na lumapit sakin..

"Bakit sa back seat? Do I looks like your driver?" Iritable na naman niyang tanong..

"Ayaw mo?" Mapanghamon kung tanong sa kanya, ok lang naman sakin dahil dala ko naman ang sasakyan ko, nagkataon nga lang na nandito siya kaya ipapakuha ko nalang sa driver namin yung car ko.

Napahampas pa siya sa noo at binuksan ang pinto sa back seat.. Nanatili akong nakatayo at hindi pumapasok sa loob habang siya naman naghihintay sa pagpasok ko.

"What?" Tanung niya. Pero imbis na sumagot nilapitan ko lang siya at hinigit sa kwelyo. "N-nikka." Nanduduling ang mata niya dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa.

Bago ko pa hindi mapigilan ang sarili. Itinulak kona siya at nag-iwas ng tingin.

*****

Phia's Pov

 

"Ang ganda naman dito." Sabi ko habang nandito sa veranda.. Yakap yakap ako ni Ryan mula sa likod ko. At nakapatong naman ang baba niya sa may balikat ko..

"Naiimagine kona tuloy ang isang soccer team na mga batang naghahabulan at naglalaro dyan." Napakunot ang noo ko habang nakangiti at tiningnan siya na darechong nakatingin sa napakalawak na lupain nila dito.

"Soccer team?" Takang tanong ko sa kanya.. "Aah!" Napatili ako ng bigla niyang kagatin ang leeg ko.. Nanlaki ang mata ko ng hawakan ko yung kagat niya.. Potek ano to! Feeling ko namula yun ah.

"That's a love mark!" Napalunok ako ng marinig sa kanya ang salitang yan, lumayo siya saglit at hinarap ako. Nakangiti siyang hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "It symbolizes.. How much I love you." Dagdag pa niya..

Natigilan ako makailang sandali.. Muli kung hinawakan ang leeg ko kung saan ginawa niya yung sinasabi niyang love mark daw.

"Soccer team." Balik topic niya. "Gusto ko bigyan mo ako ng ganung kadaming anak." Matawa tawang sabi niya, kaya naman napabuga ako ng tawa at hinampas siya sa braso.

"Grabe ka naman!" Reklamo ko. Ano ba kasing gusto niyang gawin sakin? =___=;;

"Haha bakit ayaw mo ba?" Muli niya akong niyakap mula sa likod. At ipinatong ulit ang baba sa balikat ko. Hinarap ko siya habang nakapatong padin ang baba niya sa balikat ko.

"Masyado pang kaunti yon!" Matawa tawang bulong ko naman sa kanya.

Tumawa naman ng tumawa ang loko.. Pag ganito talagang usapan, buhay na buhay ang dugo ng boyfriend ko."Natatawa ka!?" Taas kilay kung tanong sa kanya.. Huminto siya sa pagtawa.

"Kung yan ang gusto mo! Mas okay sakin." Nahampas ko siya sa braso.

"Joke lang yon! Anung palagay mo sakin, baka maaga akong tumanda nan." I pouted Eh totoo naman eh >3<'

"Sweety, alam mo ba na, kapag daw ang isang couple ay nagla-love making.. Healthy daw yon!" Namula ako sa sinabi niya, feeling ko kasi totoo yung sinasabi niya.. "Lalo na kapag mahal na mahal niyo ang isat-isa." Lumayo sakin si Ryan ng kaunti at, inangat ang braso para ipakita ang muscles niya. "Katulad nito oh!" Ang tigas ng  muscle niya.. Napaiwas ako ng tingin at nakagat ko ang labi ko.. Ano ba naman yan, gumanon lang siya parang biglang may hanging mainit ang tumama sa balat ko.

"Ito pa!" Napabuga ako ng hangin at matawa tawang humarap sa kanya ng itaas niya ang t-shirt niya at ipinakita sakin yung abs niya. "Healthy'ng healty ako sweety!" Tuwang tuwang sabi niya, parang hindi niya iniisip kung anong mararamdaman ko ng itaas niya ang t-shirt niya.. Aba eh lumantad sakin ang 6packs eh.. "Yung iyo patingin." Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. "Joke lang!" Tawa na naman siya ng tawa.. Kahit kailan talaga tong lalaking to..

Pagkatapos naming magkulitan ni Ryan, namasyal na kami.. Una naming pinuntahan ay ang People's Park.. Maganda din dito, hindi nga lang masyadong na-enjoy dahil, maulan at puro fog..

Sumunod naman ay Picnic Grove, dito na kami naglunch, hindi narin naulan at ok na ang panahon.. Kaunting picture dahil kukulangin na kami sa oras.. Nag-zipline at sumakay din kami sa Cable Car.. Nagpicture sa isang Hanging Bridge.

Pinagmasdan ang bulkang taal... Bumili lang kami ng keychain, bumili ng couple shirt at kung ano ano pang matripan naming bilhin..

Pag-uwi namin sa bahay.. Nagpahinga narin kami dahil maaga pa ang uwi namin bukas. Gusto na kasing mag-enroll ni Ryan, at ayon sa napag-usapan namin, hindi naman siya pumayag na hindi ako papasok this sem. Umayaw naman ako at pinilit siyang wag nalang, kaya lang matigas ang ulo niya eh..

Ayoko lang naman kasing isipin niya na, pera lang ang habol ko sa kanya. Syempre masyadong marami naring naitulong si Ryan sakin, lalo na financially! Ayoko din dumating ang time na isumbat sakin ng iba ang mga ginagawa ni Ryan porket mahal niya ako..

"Get some sleep." Hinalikan na ako ni Ryan sa noo bago lumabas ng kwarto.. May aayusin pa daw kasi siya, kaya pinapauna na niya ako matulog.

***********

Ryan's Pov

Pagbalik ko sa kwarto namin, hindi na naman maalis ang ngiti ko ng makita ko siyang himlay na himlay sa pagkakatulog..

Maingat akong naglakad papalapit sa kama at umupo sa tabi niya.. Hinaplos ko ang buhok niya, bumaba ako ng kaunti at maingat para halikan siya sa ulo na hindi siya naiistorbo sa pagtulog..

"I love you sweety." Bulong ko atsaka umayos ng pagkakahiga.. Niyakap ko siya ng mahigpit at saka pumikit.. Sana nga lang ay lagi nalang kaming ganito ni Sophia.

Nakangiti padin ako habang nakapikit na.. Hindi ko lubos na maisip na ang batang Sophia na noon ay matagal ko ng hinahanap ay matagal ko narin palang natagpuan..

Minahal ko ang batang Sophia na yun, at minahal ko rin si Phia bilang siya, hindi dahil siya si Sophia na matagal ko ng hinahanap.. Kaya siya man si Sophia o hindi. Mamahalin ko padin si Phia. Ng lubos at higit pa sa sarili ko.

*******

Phia's Pov

Magkahawak kami ng kamay ni Ryan habang inaayos at kinukuha sa sasakyan niya ang mga dalang gamit namin. Hay! Nandito na naman kami sa Manila.. Mamaya din ay sabay na kaming pupunta ni Ryan sa school para mag-enroll.

Kamusta na kaya yung dalwa ni Rina at Nikka. Nakauwi narin kaya sila? Wala akong balita dun sa dalwang yun ah. Hindi manlang nakuhang magparamdam..

I'm sure na kapag nagkita kita na kami ng mga yon, ang dami na naman nilang kwento.. Isa pa sasabihin kona rin naman sa kanila ang meron kami ni Ryan, wala kasi silang alam na dalwa..

Ang daming nangyari samin ni Ryan, at lahat iyon idedetalye ko sa kanila.

"Sweety anung iniisip mo?" Tanung sakin ni Ryan, papasok na kami ngayon sa pad niya.

"Wala sweety!" Nakangiti kung sagot.

Napagdesisyunan na muna namin ni Ryan na matulog muna, dahil pareho kaming pagod sa byahe..

*****

Pagmulat ko..  Kinusot kopa ang mata ko atsaka napatingin sa wall clock. Nanlaki ang mata ko ng makita kung 8pm na.. Napatingin ako sa katabi ko..

Wala si Ryan.. Nasaan naman kaya ang lalaking yon!

"Sweety!" Tawag ko sa kanya bago isuot ang slipper kung pang-loob. Nasaan naman kaya yun? Maalala ko, paano kami makakapag-enroll ngayon eh, 8pm na..

Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya, pero walang Ryan dito!

*****

Ryan's Pov

 

Napatingin ako sa relo ko ng mapagtantong gabi na pala, iniwan kona muna saglit si Phia para ako na ang mag-asikaso ng pang-enroll niya.. Hindi kona siya ginising dahil mukang pagod na pagod pa siya..

Ginabi nako dahil pagkagaling ko sa School. Dumaan pako sa Mall para bilhan siya ng pasalubong.. Alam niyo naman kase na may pagka-malakas ding kumain ni Sweety, bukod sa pagkain, kinuha ko mula sa passenger seat ang isang mahabang kahon na naglalaman ng isang necklace.. Sana nga lang ay magustuhan niya.

Napakunot ang noo ko ng makitang may nagkakagulong mga tao.. Bumaba ako saglit dahil narin sa naging sanhi ito ng traffic..

"I'm not your gilfriend anymore!" Sigaw ng babaeng nakatalikod mula sa gawi ko.. Nilapitan ko ang isang mga usisero at nagtanung.

"Ano pong nangyayari dito? Nakakaabala po kasi masyado! Nagmamadali ako." Sabi ko..

Agad na naibalik ko ang tingin dun sa dalwang nag-aaway.

"Ganon nalang ba yun?" Sabi nung lalaki..

"Ayoko na nga diba?" Muli akong napatingin sa relo ko. Masyado ng late para panuorin kopa tong mga to! Ang problema nga lang nakakaabala sila dahil nagiging sanhi ng traffic ang dalwang to na nasa gitna ng kalsada, dagdagan pa ng mga usi.

Puro busina ng sasakyan ang maririnig na ingay at sigawan ng dalwang to ang nagiging sanhi ng ingay dito.

"Ahm! Excuse! Pwede bang wag kayo ditong mag-away.. Kase ang dami narin nagrereklamo, nakaharang kayo sa daan." Sabi ko dun sa dalwa..

Magkasalubong naman ang kilay nilang lumingon sakin.. Yung lalaki iyak ng iyak, at ng tingnan ko ang babaeng ito.. Nanlaki ang mata ko at napaurong ng kaunti..

Pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ko! Bakas din sa mukha niya ang pagkabigla ng makita ko..

"R-ryan?" Banggit niya sa pangalan ko.. Ilang sandali akong natigilan ng makita siya.


"S-sofia?" Hinang hinang salita na lumabas sa bibig ko.. Napalitan ng galit ang pagkabiglang naramdaman ko ng maalala ko ang lahat.. Isang taon akong niloko ng babaeng to at nagpanggap na siya si Sophia, inangkin niya ang cap at sinabing siya si Sophia ang batang nakilala ko noon, at ang babaeng napaglaanan ko ng pagmamahal. Pagmamahal na hindi dapat para sa kanya.

_____________________________________________________________________________________

Napilitang mag-type! Kaya pasensya naman, okay lang ba tong Chapter nato? Tingin ko kasi waley na naman, minadali ko na naman ata.. Hindi pinag-isipan ng matino. >.< osiya mag-VOTE kayo.

105 VOTES=CHAPTER 33.

Add to library. Fan. Comment. Mag-comment kayo dahil gusto ko ding may binabasang comment. =____=;;

Continue Reading

You'll Also Like

94.8K 279 6
(ROMANCE, COMEDY, ACTION, TRAGIC, DRAMA, SPG, FAMILY, FRIENDSHIP, LOVE, REVENGE, KILIG) PLAGIARISM IS A CRIME!!! DO NOT COPY!!! Devil's Love Theme...
254K 4.7K 48
Nicolas Dela Fuente is the son of the Mr. Rick Dela Fuente, isa din sa mga mayayamang kilala in the world of business. However, bilang kilala si Nick...
132K 7.3K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.1M 60.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...