KNIGHTS I-3: Nine Cards of De...

De oaxygenknight

1.4M 49.4K 9.4K

Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already... Mai multe

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Epilogue

Chapter 9

21.6K 821 67
De oaxygenknight

Silhouette

"Ate! Ate gising!" Nabulabog ako sa pagtulog nang marinig ang pag-iyak ni Pow Pow habang niyuyugyog ako.

Mabilis akong bumangon at binuksan ang ilaw sa side table ko.

"Bakit ka naiyak?" takang tanong ko sa kaniya bago siya buhatin patabi sa akin.

"Ate, may mga tao po sa baba!" Humagulhol siya habang nakayakap sa akin. "Pababa po sana ako sa kusina kanina pero nakita ko pong maraming mumu na nakaitim."

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang sinabi niya.

Ano na Delta, payag kayo napagkamalan kayong mga multo?

"Dito ka lang, todas sa akin 'yang mga mumu na 'yan," bilin ko sa kaniya bago tapikin ang balikat niya.

Lumabas ako ng kwarto at sinarado ang pintuan para hindi na marinig ni Pow Pow ang usapan namin ng Delta.

Desidido na akong sumali, kaya wala na akong balak na paalisin sila sa pamamahay ko.

Nakita ko kung paano nila pagkaguluhan ang pagong ko na ngayon ay lumalangoy langoy sa tubig.

Ngayon lang ata nakakita ng pagong ang mga taong 'to.

"What's up madlang people, madaling araw na, bakit kayo napadalaw?" tanong ko habang pababa ng hagdan.

Bigla silang nataranta sa mga puwesto nang marinig ako.

"Silhouette," banggit ni Athelia sa pangalan ko.

Napangiti naman ako bago sila haraping pito.

"What's up seven cards of Delta? What brought you here?" tanong ko bago sumandal sa pader.

"You knew exactly kung ano ang rason--"

"Caspeia, shut up, will you?" singhal ni Flame dahilan para maputol ang maarteng Caspeia na 'to.

Ngumisi ako sa kaniya bago kumindat. Pahiya ka kaonti.

"Silhouette Montevero, we are here for the second time, to personally invite you to join our group," seryosong saad ni Alpha sa gilid.

Kinagat ko ang ibabang labi bago tumango nang marahan. "Hindi ko alam kung bakit ninyo ako pinipilit na sumali sa inyo, is there any reason why are you so eager?"

Wala akong maalalang ginawa ko para maakit sila na maging miyembro ako ng grupo nila.

Hindi naman ako nag-audition para lang mapasali sa grupo nila.

Pwes, saang banda nila ako nagustuhan?

Kung sa mukha, given na masyado 'yon.

Kung sa talent, sus, mas lalo na 'yon.

"We really need one member to complete our group, and your capabilities as a former agent pushed us to be this eager, Silhouette," sagot naman ni Thunder sa gilid.

Hinilot ko ang sentido bago humakbang papalapit.

"Please accept our offer, hindi kami aalis dito hanggang hindi ka namin napapapayag," pakiusap ni Chios sa harapan ko.

"Okay," simpleng sagot ko.

Kitang kita ko kung paano manlaki ang mga mata nilang lahat, sabay sabay pa silang napalingon sa akin.

"What do you mean 'okay'?" Humakbang pa si Flame papalapit para maniguro.

"Sabi ko okay, pumapayag na ako." Sabay sabay silang napatayo at itinaas pa ang kamay sa ere, maliban kay Caspeia.

Masama ang tingin nito sa akin na para bang hindi nagustuhan ang narinig.

"Ang sama mo maningin, Caspeia, kursunada mo ba ako?" pilyong tanong ko sa kaniya.

Inirapan niya lang ako. "Why did you even join? Hindi ba at desidido ka na nga noon?"

Kibit balikat na napatawa ako. "Gusto lang kitang asarin, masyado atang maganda ang buhay mo. Ayaw mo no'n? Araw-araw makikita mo ako."

Rinig ko kung paano tumawa ang tatlong babae sa gilid dahilan para mas sumama pa ang timpla ng mukha ni Caspeia.

"Stop laughing you idiots! At ano pa ang ginagawa natin dito? We need to tell you the rules of our group," mataray na sabi nito.

Napangiti na lang ako sa kawalan.

Mukhang may masarap bwisitin minu-minuto.

"Bukas na ng umaga ninyo ako sunduin, may inaalagaan akong bata," sagot ko.

"Your brother?" tanong ni Perzeus.

"Sakto lang," kibit balikat na sagot ko.

Thunder grinned. "If he is under your care, we can hire personal body guards for him. Para hindi ka maistorbo sa mga misyon natin, especially if you need to stay in the headquarters for some reasons."

Aba, puwede pala 'yon?

Mukhang tiba-tiba talaga ako sa mga 'to. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako nagpakipot noon.

Salamat talaga, Pow Pow.

"Sige na, lumayas na kayo, nabitin tulog ko dahil sa mga presensya ninyo," pagtataboy ko sa kanila.

Sabay sabay silang yumuko sa akin para magpaalam.

"We'll fetch you here in your apartment--"

"Bahay ko na 'to."

"Yeah, we'll fetch you here in your house tomorrow morning," nakayukong sabi ni Alpha.

"Anong oras? Baka mamaya sleeping pretty pa ako sa mga oras na dumating kayo," sabat ko.

"Whatever time you want, you decide," sagot ni Perzeus.

Hinawakan ko ang ibabang labi bago mag-isip. Alasais, may pasok na si Pow Pow no'n.

"Ge, 7 o 'clock ninyo ako sunduin dito," tipid na sagot ko.

Ilang minuto muna kaming nagpaalam sa isa't isa bago sila tuluyang lumayas sa harapan ko.

Napabuntong hininga na lang ako bago bumalik sa taas. Wala nang atrasan, Silhouette.

"MAG-ARAL kang mabuti habang wala ako, ha?" bilin ko kay Pow Pow habang inaayos ang buhok niya.

"Opo, ate! Uuwi pa ako na may star sa kamay," nakangiting sabi niya.

Natatawang ginulo ko ang buhok niya nang marinig ang sinabi niyang 'yon.

"Basta makinig ka lang sa teacher mo, huwag kang makikipagchikahan sa mga nademonyo mong katabi," saad ko.

"Nademonyo? Bakit ate? Totoo po ba ang sanib?" Napatahimik ako sa tabi nang seryosohin niya ang sinabi ko.

Walanghiyang bibig 'to, walang preno kahit bata ang kausap.

Kailangan ko minsan maging lowkey lang sa pagsasalita lalo na kapag si Pow Pow ang kaharap ko. Baka kung anu-ano ang matutunan nito sa akin.

Pati kabargasan ko mamana niya at magawa niya sa mga teachers, mali 'yon.

"Sige na, pumasok ka na. Makipagkaibigan ka kapag ramdam mong mabait, basta kapag may nang-away sa 'yo, itatapon ko 'yan sa sapa," nakangising sabi ko bago siya alalayan pababa ng motor.

Sumaludo muna siya sa akin. "Copy that, commander!"

Pinagmasdan ko ang likuran niya habang papalayo siya sa akin.

Commander.

It's been months since I heard it mula sa agency ko noon.

Napatingala na lang ako sa naisip. Last time, I was the Shadow Agency's commander. But now, I am just Delta's member.

How nice.

Continuă lectura

O să-ți placă și

266K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
1.2M 36.7K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
1.4M 46.2K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
357K 13.4K 30
As the King and Lord of Elityian's Empire, Avenight has to fulfill his responsibility and find a woman to marry before his ceremony. As their whole c...