Twisted Fate

By fuckoffxxcc

13.8K 358 26

Dev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that... More

Introduction of Characters
1
2
3
Cast 2
4
5
6
7
CHAPTER 7.5
8
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
Cast or Characters 3
23
24
25
26
27
28
29
30
31

11

182 10 2
By fuckoffxxcc

Dev's POV

Agad kong pinasibad ang motor ko ng makatanggap ako ng text kay Arria na may emergency daw sa bahay nila. Pagkarating ko dun ay pinapasok ko muna ang motor ko sa garahe bago pumasok sa loob at naabutan doon ang buong barkada.

"Dev!!" sigaw nila at agad akong dinamba nagyakap, nagtataka man ay niyakap ko rin sila pabalik.

"Anong problema? Miss niyo na agad ako eh dalawang araw pala akong di kayo kasama" natatawang saad ko nakita ko namang sumimangot ang tatlong magkakapatid habang sina Dian, Dale at Dzane naman ay natatawa lang sa tabi.

"Yun nga eh, dalawang araw kang di nagpakita sa amin kaya di mo naabutan si Kuya Ian noong nakaraan paghatid niya kay ate" saad ni Kiya kaya napatingin ako kay at Erica na ngumisi lang sakin.

Ngayon ko nalang rin napansin si John na nandito rin, ngumiti ito sa akin habang tinanguan ko lang ito pabalik.

"So anong problema?" tanong ko ng maka-upo na kaming lahat sa living room.

"Well~" kinakabahang saad ni Arria habang nilalaro ang daliri nito, nakita ko naman si John na nakangiting nakatingin sa kinakabahang Arria kaya tinaasan ko ito nh kilay.

"Spill it John" bagot na saad ko bago tumayo at pumunta sa bar counter.

"D-dev" biglang kinakabahang saad nito kaya napa sulyap muna ako sa kanila bago ibalik ang tingin ko sa mga drinks.

"I said spill it" matigas na saad ko at kinuha ang drinks na gagamitin ko sa pagmix.

"K-kami na" sabay nilang saad ni Arria kaya napabuntong hininga nalang ako at tinuloy ang pagmix. 

Biglang tumahimik ang paligid sa narinig nila at ang tanging naririnig lang ay ang pagsangaan ng mga utensils na ginagamit ko sa pagmix.

"WHAT!!??" rinig kong sabay-sabay na sigaw ng barkada kasabay rin nito ang patapos ko ng pagmix ng drinks.

"Ang sabi namin kami na" diretso ng saad ni John at hinawakan ang kamay ni Arria.

Nagkatinginan naman ang barakada pati narin ang dalawang kapatid na tila ba nag-iisip kung ano ang iba pang itatanong kaya bago pa ako malumutan dito ay kumuha ako ng tray at nilagay dun ang drinks na mix ko bago ito ilatag sa centet table ng living room.

"Congrats this call for a celebration" saad ko bago bumalik sa bar counter at nagmix ulit ng drinks.

Kita ko namang lumapit sina Dzane, Dale at Dian kina John at Arria bago ito batiin. Pagkatapos nun ay kumuha narin sila ng inumin sa center table. Sumunod sa kanila si Kiya at Ate Erica na niyakap si Arria at kinamayan si John bago kumuha rin ng inumin sa center table. Kumuha rin sina Arria at John ng inumin pagkatapos nun ay tumingin silang lahat sa akin. Kumuha ako ng blue torch at wine tsaka ito pinaputok at pina apoy kaya nakagawa ako ng flamethrower.

"CHEERS!!" sigaw ko at sabay-sabay silang uminom.

"Juice?" takang saad nila sabay lingon sa akin.

"Syempre naman juice, alangan namang mag alcohol drinks talaga kayo eh di pa nga tayo kumain ng hapunan baka malasing pa kayo" saad ko sabay alis sa bar counter at dumiretso sa kusina, narinig ko naman ang tawanan nila.

Lumapit ako sa ref at tumingin kung ano ang pwede kung gagamitin para sa lulutuin ko. Ilang sandali pa ay natapos na ang niluluto ko kaya tinawag ko na sila.

"Dinners ready!" sigaw ko habang inaayos ang mesa, narinig ko namang may nagtakbuhan papunta rito at alam ko naman kung sino na yun.

"Wow bulalo!!" masayang saad ni Dale ng unang makarating ito kaya napailing nalang ako.

*bogsh*

"Arayy~" rinig kung daing nito ng batukan ni Dzane.

"Ang pg mo talaga kahit kailan" naiiling sabi nito pero binelatan lang siya ni Dale.

"Hmmm ang bango naman niyan" saad ni Dian at umupo sa upuan.

"Kaya pala ang tagal mo dito sa kusina akala ko nga umuwi kana yun pala nagluluto ka na dito" saad ni Kiya at umupo narin.

"Sana tinawag mo kami para matulungan ka namin" dugtong ni Dian kaya napangiti lang ako.

"Naahh okay lang tsaka nag-uusap kasi kayo at ayoko namang istorbohin kayo kaya di na ako humingi namg tulong" natatawang saad ko, nakita ko namang pinaghila ng upuan ni John si Arria.

"Ayiiee sanaol sweet boyfriend" tukso ni Dale tsaka tinaas baba ang kilay sa direksyon nina Arria at John natawa naman ang barkada.

"Tama na yang tuksuan kumain na kayo" saway ko sa kanila kaya kumain na sila.

"Hmm ang sharap mo tsalagang marglusho" saad ni Dals habang punong-puno ang bunganga.

"Wag kang magsalita na puno ang bunganga kung hindi kukutasan kita" banta ng kambal nito kaya tumahimik na si Dale at pinagpatuloy nalang ang pagkain, napailing naman ako at kumain na rin.

"Mukhang tama nga si Dale ang sarap mong magluto Dev, siguro maswerte ang mapapangasawa mo kapag nagkataon" biglang komento ni John kaya napatahimik ang mesa at napatingin sa akin.

"Gutom lang yan kumain nalang kayo ng marami" bored na saad ko at pagkatapos ay tumayo na.

"Tapos ka na?" tanong ni Kiya tumango lang ako at dumiretso sa bar counter sa living room.

"Sa susunod wag mong bangitin ang mga ganyan" rinig kong saad ni Arria kay John habang papalayo na ako sa pwesto nila.

"Bakit naman?" rinig ko pang tanong ng loko pero nakalayo na ako kaya di ko na marinig yung iba pa sinabi nila.

Napabuntong hininga nalang ako at nagmix na ng iinumin ko. Habang nagmimix ako ay di maiwasan ng isip ko na balikan ang nangyari noon.

Flashback~

"P-please babe don't leave me" umiiyak na saad ko habang yakap-yakap ko siya sa likod.

"Bitawan mo ako Devon" malamig na saad nito habang pinipilit na alisin ang kamay kong nakapulupot sa katawan niya.

"N-no b-babe please stay d-diba mahal mo ako" iyak na saad ko habang mahigpit siyang niyakap lalo.

"Let go of me!! I told you it's over, we're over" pasigaw na saad nito at marahas pinakawala ang sarili niya sa yakap ko, lalo lang akong napa-iyak.

"Wh-why?!" nanginginig kong tanong

"I just don't love you anymore" malamig na saad nito at iniwan na ako, napaluhod nalang akong umiiyak sa dalampasigan kung saan niya ako iniwan.

End of Flashback~

'I just don't love you anymore'

'I just don't love you anymore'

'I just don't love you anymore'

'I just don't love you anymore'

Bigla namang umecho sa akin ang mga salitang huling sinabi niya sa akin kaya naman mabilis kong tinunga ang inuming ginawa ko at malakas na binagsak ang baso.

"Dev are you okay?" bigla naman akong napatingin sa kanan ko at nakita ko nalang ang mata niyang nag-aalala.

"I'm good be- Arria" di ko na siyang magawang tawagin beb dahil naalala kong may boyfriend na ito.

"Are you sure?" dagdag pa nito, napatango lang ako at binigyan rin siya ng inumin, ang paborito niyang bloody merry drink.

"Thanks" pasalamat nito tsaka nilagok ang inumin.

"Babe" biglang salita sa likod niya at pumulupot ang kamag nito sa beywang ni Arria.

"John ang landi mo talaga" natatawang saad ni Arria.

"Namiss lang kita agad" saad ni John at nagpout pa nakita ko namang papalapit ang mukha ni Arria kay John kaya naman iniwas ko na ang tingin ko.

"Hey lovebirds umalis nga kayo sa harap ni Dev kung maglalandian labg kayo, pinapa-inggit niyo lang ang isa" saad ni Dian na kakarating lang kasama si Kiya, Dzane at Dale.

*ring-ring*

"Excuse me I need to answer this call first" saad ko bago lumabas sa gate at pumunta sa puno na nasa harap lang ng bahay nina Arria para doon sagutin ang tawag.

"Hello?"

'Night' rinig kong sagot sa kabilang linya

"What is it Black?"  tanong ko

'The Empress gives you a month rest and she wants you to spend it on a vacation' bungad nito.

"But what about my studies?" tanong ko

'We both know you don't need it Night' bored na sagot nito

"I know I know pero dapat parin akong umattend alam mo namang ayaw ko sa lahat yung aabsent ako" dahilan ko

'Ang Empress na daw ang bahala sa school mo pati na rin ng companya basta makapagbakasyon kalang, you can also bring your friends' paliwanag nito

"Okay maghahanap lang ako ng lugar na babakasyunan namin" saad ko

'Sa resort niyo daw kayo sa Maldives magbakasyon tsaka ready na naman ang lahat, sa malaking resthouse niyo kayo tutuloy at bukas na bukas na agad ang alis niyo, 1 week pala kayo dun' paliwanag nito

"What?!! Bukas agad? di ba pwedeng sa susunod na araw pa?" reklamo ko

'Di pwede eh, na arrange na kasi yung flight niyo gamit ang private jet niyo' dahilan nito

"Aishhh~ sige sasabihan ko lang sila" gigil na saad ko.

'Oo nga pala, kailangan mo ring isama si Ms. Jones dahil wala ang magulang nito sa mansion nila kaya walang kasama ito' dagdag pa nito.

"Oo na, tss paniguradong world war III to pag nagkita sila nina Arria" naiinis na saad ko

'Hahaha goodluck Night bye' at binabaan na ako. Ang bastos talaga nito kahit kailan.
Binalik ko na ang cp ko sa bulsa ko bago sumandal sa likod ng puno at tumingin sa mga bituin.

Ate miss na miss na kita, at napabuntong hininga na naman ako, kinuha ko ang sigarilyo sa secret pocket ng jacket ko bago ito sindihan.

Sana magiging maayos lang ang mangyayari bukas, saad ko sa isipan ko bago humithit ng sigarilyo.

Natapon ko naman bigla ang sigarilyo ko ng may marinig akong naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Dev?" tawag nito kaya umalis na ako sa pagkakasandal at pumunta humarap sakanya.

"Ba't ang tagal mo?" tanong nito habang papalapit sa akin

"Marami lang kasi ang pinag-usapan namin,  tara pasok na tayo sa loob may ibabalita ako" mabilis na saad ko at naglakad na pabalik sa mansuon habang hila-hila ang kamay niya.

"Wow excited lang" natatawang saad nito tumango lang ako.

Nang makapasok kami ay nakita ko silang naka-upo sa gmliving room habang umiinom ng vodka. Agad akong dumiretso sa bar counter at kinuha ang tinago kong inumin at ininum ito ng diretso.

"Woah Dev dahan-dahan naman" saad ni Kiya ng makita niya akong nilagok agad ang inumin ng makapasok kami sa loob.

"Ahaha, sorry" natatawang saad ko at napakamot nalang ng kilay ko.

"Tara dun tayo kasama nila diba may sasabihin ka naman sa amin" saad nito napatango nalang ako at sumunod sakanya na pumunta sa pwesto ng barkada.

"Ano na?" agad na tanong nito ng maka-upo kaming dalawa kasama ang barkada.

"Ang alin?" tanong ni Dale habang nguniguya ang chichirya.

"May sasabihin daw si Dev" sagot ni Kiya kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Uhmm ano kasi- magbabakasyon tayo bukas na bukas sa resort namin at isang linggo tayo dun, sa resthouse namin tayo tutuloy" saad ko nakita ko naman nabilaukan si Dale, siguro sa bigla at yung iba naman nanlaki ang mata.

"Bakasyon? Bukas na bukas agad?" tanong ni Dale nakatikim naman ito ng batok sa kapatid niya.

"Paulit-ulit? Unli ka ba?" inis na saad ni Dian kaya napatahimik naman si Dale na nakasimangot.

"Saan naman?" biglang tanong ni Dzane

"Maldives" sagot ko kaya lalo silang nagulat.

"Talaga?!!" excited na tanong ni Kiya tumango lang ako.

"Waahhh magbabakasyon tayo bukas!! At sa Maldives pa!!" masayang sigaw naman ni Dale.

"Pwede kang sumama samin John tutal bf ka naman ni Arria" saad ko.

"Thank you Dev, the best ka talaga" usal ni Arria.

"Aalis tayo ng umaga at sa airpot namin tayo magkikita" paliwanag ko nakita ko naman silang napatango.

Lumapit sa akin si Dzane at hinila ako papunta sa bar counter.

"Nag smoke ka ba?" agad na tanong nito, napabuntong hininga naman ako bago tumango.

"Haysstt kala ko ba titigil ka na?" dagdag pa nito.

"Sorry Dzay pero kailangan ko lang talaga ito kanina, stress lang ako sa companya. Kaya nga pina bakasyon muna ako ni lola kasi baka masobrahan daw ako" paliwanag ko.

"Alam ko pero sana itigil mo na yan, naku pag nalaman to ng magkapatid lagot ka talaga sa kanila" naiiling na saad nito.

"Alam ko, naiingat naman ako eh. Aalis na pala ako may susunduin pa kasi ako na makakasama natin bukas tsaka inform mo nalang sila na may sasama sa atin" saad ko nakita ko naman napatango ito at bumalik na kasama ang barkada.

Maingat na umalis ako sa mansion ng Frost ng di nagpapa-alam dahil alam ko namang si Dzane na ang bahala sakanila. Ng makasakay ako sa motor ko ay agad ko itong pinasibad paalis para puntahan na ang taong makakasama namin bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

748K 39.6K 21
This book is about the two daughters-in-law of Rajputs who have gotten married to the two Rajput siblings and are best friends as well even before be...
2.7M 157K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.5M 132K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.6M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...