Afianna: The Reincarnation Of...

By Eklipxe

344K 15.6K 1.7K

Sa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers ou... More

Afianna: The Reincarnation Of A Goddess
I
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV

II

12.3K 598 34
By Eklipxe

The Process

Walang ibang maririnig sa silid kung hindi iyak at hagulgol. Lahat ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang kaeskwela, kaibigan, at kapamilya. Lahat ay nakatanaw sa kabaong ng yumaong babae na si Afianna.

Si Mrs. Felicity Morris, ina ni Afianna, kanina pa nakatulala sa isang sulok habang hawak-hawak ang pabiritong stuffed toy ng anak at bigla-bigla na lang kung lalabas ang mga luha galing sa kanyang mga mata. Sobrang tamlay niya, ni ngumiti hindi niya magawa. Ilang araw na rin ang nagdaan noong huli siyang kumain ng maayos, ilang araw na ring patay si Afianna. She lost someone. AGAIN. She lost someone so dear to her again. Wala namang magagawa ang kanyang mga kaanak kung hindi ay maawa na lamang sa sinapit ng kanyang anak at sa nangyari sa kanya.

Afianna's best friend, Grace, has been crying nonstop since she visited her funeral.

"Bes, naman eh. Bakit mo ko iniwan? Sisters forever diba?" Pumipiyok nitong bigkas na hindi binabalingan ng tingin ang kanyang mga magulang na nag-aalalang tumingin sa kanya. "Bes, ayos lang naman talaga sa akin na kani-kaninong pangalan ang bigkasin mo eh. Basta bumalik ka lang, Bes. Mag-isa na lang ako. Wala na akong matatawagan, Bessy." Patuloy lang siya sa pagsasalita ng kung ano-ano at walang tigil ang mga luha na tila wala itong katapusan. Hindi rin kumakain ng maayos si Grace simula ng mabalitaan ang sinapit ng kanyang matalik na kaibigan. Napapakiusapan naman siyang kumain pero agad ding napapatulala at titigil na sa pagkain.

Lahat ay naawa sa lagay ng mga malalapit sa buhay ni Afianna. Kung hindi umiiyak, nakatulala. Minsan lang kung sila ay magsalita kaya hinahayaan lang sila. Everyone is mourning, the place is gloomy despite of the bright place due to the lights. Everyone have similar moods these past few days, pity, worry and sympathy are written all over their faces.

Habang nasa sala silang lahat, wala silang kaalam-alam sa kakaibang nangyayari sa loob ng kwarto ni Afianna.

Umilaw ng sobrang liwanag ang buong kwarto nito sabay ng pagkabukas ng unang pahina sa itim na libro ni Afianna, ang libro kung saan naka lagay ang isang pangarap niya.

Sa unang pahina, umilaw ang mga nakasulat na mga salita ng ilang segundo bago napunta sa susunod na pahina kung saan ang nakasulat na pangarap at ito ay paunti-unting umilaw, patindi nang patindi. Para namang nagkaboses ang libro at binasa ang nakasulat.

"To be reincarnated having all of the magic powers out there except dark magic."

Mahina lang ang pagkakabigkas nito. Malalim, magaspang, at nakakakilabot na boses ang maririnig at tiyak na matatakot ang kung sino mang nilalang ang nakarinig non.

Paulit-ulit na binasa ng libro ang nakasulat sa loob ng isang minuto bago nawala ang ilaw at sumarado ang libro. At balik sa dati ang kwarto na tila walang kakaibang nangyari rito.

Sa isang lugar naman, nagising si Afianna sa isang napakalambot na kama na tila ito'y gawa sa mga ulap. Nagmulat siya ng mga mata at nasilawan sa kanyang nakitang kalangitan. Pumikit siya ulit upang masanay sa liwanag bago ulit nagmulat.

"Nasaan ako?" Unang mga salita na lumabas sa kanyang nanghihinang boses bago hinawakan ang kanyang ulo dahil sa biglaang pagkirot at pag kahilo. Nang mawala ang sakit at pagkahilo, dahan-dahan siyang bumangon at tiningnan ang paligid.

Isang hardin ang kanyang nakikita, puno ng mga bulaklak sa paligid at mga paru-parung masayang lumilipad sa paligid. Iba't ibang mga kulay ang pwedeng makita sa hardin.

Linibot niya ang kanyang paningin sa paligid at isang salita lang ang pumasok sa kanyang isip.

'Wow.'

She is speechless. Nasa isang paraiso siya ngayon, napapalibutan ng iba't ibang uri ng mga halaman. May isang maliit na talon hindi kalayuan sa kanyang hinigaan at isang crystal blue na maliit na lawa. A paradise it is.

Nahagilap sa kanyang mata ang isang lamesa na pangdalawahan malapit sa talon na may nakapatong na basket na naglalaman ng mga ubas.

Her favorite.

Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad patungo sa lamesa. Sa hindi malamang dahilan, nakikiliti ang kanyang mga paa sa Bermuda grass kaya tiningnan niya ang kanyang inaapakan at nalamang siya ay nakapaa lamang. Nagkibit-balikat siya at binalewala lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating ang lamesa, agad siyang umupo sa isang upuan paharap sa talon at kumuha ng isang ubas at kumagat habang tumitingin sa paligid.

"Nasaan kaya ako."

Tila naman nagkaroon ng isang maliit na ipo-ipo sa maliit na lawa at biglang sumulpot ang isang babae kasabay ng pagkawala ng ipo-ipo.

Maganda siya, napakaganda. Nakasuot siya ng isang Bohemian off-shoulder dress na hanggang talampakan niya na kulay puti. At may headdress siyang flower crown na gawa sa mga puting carnation flowers na bumabagay sa kanyang light brown colored wavy hair. Siya ay nakapaa rin tulad ni Afianna. She is gorgeous. No, she is more than words to describe. She is undeniably unbelievable to look at.

With an opened mouth, Afianna stared at her for a long time as the lady slowly walk on the water.

'Wa-wait. Wait what?' shock is visible on her face now. 'Natutulog pa ba ako ngayon?' Agad niya namang pinagsasampal ang sarili at kinurot-kurot ang tagiliran.

"Stop that Afianna." Natatawang pigil sa kanya ng babae. May malambing itong boses na parang pinagpatulog ka niya.

"Natutulog po ako diba?" Lakas-loob na tanong ni Afianna.

Umiling naman ang babae at umupo sa kanyang harapan. Hindi pa rin makapaniwala si Afianna sa kanyang nakita.

"Natutuwa ako at nagising kana, Afianna." Nakangiting sabi ng babae.

"Paano niyo po alam ang pangalan ko?" Taka nitong tanong.

"I know you for a long time now Afianna. Matagal na kitang pinagmamasdan dito sa aking hardin."

"Ano ang ibig niyo pong sabihin?"

"Gamit ang mahiwagang lawa, nakikita ko kung ano ang iyong ginagawa, saan ka napaparoon, sino ang iyong kasama at iba pa." Nakangiti pa rin ito sa kanya ng matamis na tila hindi alintana ang lalong pagkataka ni Afianna.

"Stalker ka po ba?" Napayaka si Afianna sa kanyang katawan at nanliliit ang mga matang tinitigan ang babae. "Ang ganda niyo pa naman po pero stalker pala kayo." Dugtong niya.

Napatawa naman ng mahina at napailing. "Hindi sa ganon yun, Afianna."

"Teka. Teka. Kanina niyo pa po sinasabi ang pangalan ko pero hindi ko naman po alam ang pangalan mo." Nakataan pa ang dalawa nitong mga kamay na parang pinapatigil ang babae.

"My bad." Ngumiti muna ito ng pagkatamis-tamis bago inilahad ang kamay sa harapan ni Afianna. "Ako si Andromeda. Goddess of Life."

Tinanggap naman ni Afianna ang kamay ni Andromeda. "Afianna Valerie Morris po. Goddess of------" napakurap-kurap ang kanyang mga mata bago pumasok sa kanyang isip ang mga katagang binitawan ni Andromeda. "Says what?!" Nanlalaki ang kanyang mga mata at napatayo dahil sa gulat.

"I know you won't believe me pero nandito ako ngayon sa harapan mo upang gantimpalaan ka." Hindi pinansin ni Andromeda ang sigaw ni Afianna bagkus ay mas kumawak pa ang matatamis nitong ngiti.

"Teka po." Isang kamay ni Afianna ang naggegesture na nagsasabing 'stop'. Ang isang kamay ay nasa dibdib bago siya nag-eenhale-exhale na parang pinapakalma ang sarili. Itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa lamesa habang nakatayo. "Tell me po. Nananaginip ako ngayon diba? Una, yung paglakad mo sa ibabaw ng lawa tapos ngayon naman ikaw pala ang Goddess of Life. Nananaginip talaga ako." Dahan-dahan siyang napaupo at hinilot ang kanyang ulo.

"No Afianna. Nasa Hardin kita na kung tatawagin ay Garden of Samsara." Nakatingin lamang si Andromeda Kay Afianna na walang tigil sa paghilot ng kanyang ulo.

"Sabi niyo po kanina, may igagantimpala kayo sa akin." Tila nahimasmasan na ito sa pagkagulat at naging kalma na ang boses.

"Yes, I will give you your second life."

Bigla namang napatingin si Afianna kay Andromeda. "What do you mean?" Kunot ang noo nitong tanong.

"You already died Afianna."

Para itong naging hudyat upang magbalik ang ala-ala ni Afianna sa nangyari sa kanya bago siya napunta sa Garden of Samsara.

Mula sa paggising niya sa umaga, sa paghalik at pagyakap niya sa kanyang mama, ang pagmamadali niya upang hindi malate, ang pagsakay niya ng taxi, ang pagtawag ng kanyang mama, at nagtapos sa pagbangga ng kanyang sinasakyan. Sa isang segundo, lahat ng mga imahe na ito ay mabilis na pumasok sa kanyang isipan. Isa-isa namang pumatak ang kanyang luha at parang pinipiga ang kanyang dibdib sa sakit. Parang tinutusok ng isang libong mga karayom sa sakit.

She died. She left her mother alone.

Ayaw man niyang aminin, alam naman niyang totoo ito. Totoong nangyari na siya ay namatay.

Napailing-iling siya at marahang pinahiran ang kanyang mga luha pero tila wala itong katapusan kaya hinayaan na lamang niya.

"Ba-bakit?" Hindi siya makatingin sa dyosa at pilit pinapahinto ang kanyang luha sa pag-agos.

Parang naintidihan naman ito ng dyosa bago pumitik sa hangin at unti-unting lumapag ang itim na libro sa harapan nilang dalawa.

"Naalala mo ba yan?" Pagtukoy ng dyosa sa itim na libro.

Unti-unting tiningnan ni Afianna ang libro at tinitigan ito. Kaparehong-kapareho ito sa sinulatan niyang libro. Hindi sumagot ang dalaga bagkus ay tiningnan niya ang dyosa.

"Ang libro na yan ang sinulatan mo, Afianna."   Walang mababakas na emosyon ang mukha nang dyosa ngunit hindi nawala ang lambing sa kanyang boses. Bumukas ang libro sa unang pahina.

"Grápse to óneiró sou. Nióse to. Pístepsé to. Diekdikíste to." Bigkas nito sa lingwaheng griyego. "Write your dream. Feel it. Believe it. Claim it."

Hindi nagsalita si Afianna kaya nagpatuloy ang dyosa. Pumunta siya sa kasunod na pahina at binasa ito.

"To be reincarnated having all of the magic powers out there except dark magic." She paused and looked at Afianna but the latter silently look at her. Andromeda sigh. "You will given a chance to be reincarnated but it is still up to you if you will agree or not. So?"

"Ibig sabihin, you will grant me my dream." Napatango naman si Andromeda.

Napaisip-isip naman si Afianna sa mga sinabi ni Andromeda. She always wanted this but ngayon, parang ayaw na niya. She don't want to live another life without her mother beside her. She don't like it.

"Paano kung hindi ako papayag? Dito pa rin ba ako titira?" Tanong niya.

Umiling naman si Andromeda. "You will pass the judgement stage and stay at the Tower of Souls."

Napatango-tango naman si Afianna. "Kung nandoon ako, will I lose my memory?"

"Yes, that is a 100% possibility."

Napaisip ulit si Afianna at bagsak ang mga balikat na napatingin sa kawalan.

'Nakakalungkot.' sabi niya sa kanyang isipan. 'Parang naging patay na nga ako non. Hindi pala parang, patay na nga pala ako.' Mas lalong naging malungkot ang aura ni Afianna and a tear fell.

"Mother won't see me again." Malungkot na umiling naman si Andromeda.

"If I will be reincarnated, can I keep my memory with my past life?"

Napangiti naman si Andromeda at tumango. "Yes, you can."

"Can I keep my name? Afianna Valerie?"

Matagal na hindi nakasagot si Andromeda. "Why?" Tanging naibigkas niya.

"My name is my only remembrance of my mother." Afianna answered directly.

"Do you agree to be reincarnated?" This time, nakangiting tiningnan ni Andromeda si Afianna. Marahan naman itong tumango. "Why?"

"I want to live a life remembering the life I had with my mother. So please, can you really do that?" Wala namang pag-aalinlangang tumango ang dyosa

Bumuntong hininga muna si Afianna bago nagsalita. "What will be my power?"

Matagal silang nagtitigan bago itinuro ni Andromeda ang isinulat niya sa libro. Nanlalaki ang mga matang nakatingin si Afianna sa isinulat niya.

"Of course, it's with a twist." Matamis na ngumiti si Andromeda kay Afianna. "You will be using the power of words, Afianna." She said and snapped in the air bago unti-unting naglalaho si Afianna na may nanlalaking mga mata. "You will remember this conversation when you reach 2 years old, Afianna. Don't worry." Sabi niya at naglaho na ng tuluyan ang dalaga.

"Be the powerful Goddess, Afianna."

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...
72.6K 2.5K 31
Nine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what ma...
856K 58.3K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
264K 20K 32
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...