How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You

25.4K 660 47
By xxxRavenJadexxx



Wise men say only fools rush in
but I can't help falling in love with you
Shall I stay
would it be a sin
If I can't help falling in love with you

Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
some things are meant to be
take my hand, take my whole life too
for I can't help falling in love with you

 

 

 

Napangiti ako nang marinig ko ang kantang ito na pinapatugtog sa radyo habang ako’y nakahigang nagmumuni-muni sa aking kama. Paborito ko talaga ang bersyon na ito ni Richard Marx na sobrang tagos sa puso. Ternong-terno ang kanta sa iniisip ko ngayon patungkol sa nilalaman ng aking puso.

Would it be a sin, If I can’t help falling in love with him?

 

Wise men say, only fools rush in. I was in a rush like a fool kanina nang pasimple ko siyang halikan na  na-miss naman daw niya? Napakasarap pakinggan na marinig ito mula sa labi niya na parang ginu-good time lang niya ako. Gustong gusto ko lang ‘yung sinabi niya na nagpatibay sa paniniwala kong mahal na mahal pa ako ng loko.

Halo-halo ang nararamdaman ko na Oo na Ewan. Naisip-isip ko lang din, kung pareho kaming ganito e wala talagang patutunguhan at magiging walang saysay ang pinagsamahan namin. May gusto akong gawin na hindi ko ma-figure out kung anong dapat gawin. Kailangan na ba ng formality kung saka-sakaling pumayag siyang makipag relasyon sa ‘kin? Bakit? Kailan? At higit sa lahat.... Paano?

Ang hirap talaga pag ang nilalaman ng puso’t isip ko e tungkol sa love. Ilang beses ko na itong naranasan kahit gaano pa kakumplikado ng mga relasyon ko sa mga nakarelasyon ko. Iba itong senaryo ko ngayon. Masyadong kumplikado dahil sa lalaki ako umiibig. Pucha, paano ko sasabihin sa buong mundo na mahal ko si Mick e maging ako e nahihiya na malaman ito ng ibang tao maliban na lang kay Alex? Ang hirap talaga pero gusto kong may patunguhan ito at kailangang may direksyon ang paglalakbay namin na kailangan na lamang ay alamin kung paano namin ‘yun gagawin.

Siguro kailangan ko na lang ito itulog baka sakaling kinabukasa’y makaisip ako ng paraan patungkol sa bumabagabag sa sistema ko.

********

Alas Dose na ng tanghali ako nagising nang makita ko ang Wall Clock na diretso ang dalawang kamay sa numerong “12”. Inunat ko muna ang aking mga braso at ginawa ang everyday routine ko for morning excercise. Wala pa akong plano para sa araw na ‘to maliban sa masinsinang pakikipag-usap kay Alex para pagdiskusyunan ang nalalaman niya tungkol sa natatagong kayamanan ng mga Saavedra.

Matapos mag-exercise e bumaba ako para maglinis ng sarili at mag-almusal. Laking gulat ko nang biglang makita si Alex na nakaupo sa Sofa at masayang nakangiti sa ‘kin.

“Good Morning Papa Jace,” bati niya sabay tayo.

“Paano ka nakapasok dito?” tanong ko sa kanya.

“Hello naman. Nakalimutan mong isara ang gate kagabi pati ‘yung pintuan mo. Mabuti nga at walang nagtangkang magnakaw sa malawak mong bahay e?” pangiti niyang sabi.

“O siya anong ginagawa mo rito?”

“Ano pa nga ba? E di siyempre....”

“Sasabihin mo na ba sa ‘kin ‘yung sinabing sikreto sayo ni Mama?” prangkang sabi ko sa kanya.

“Oo naman. Pero ano ka ba Papa Jace marami pa tayong oras para dun. Nandito ako para.... alam mo na. I just want to know if...,” sabi niyang may halong kilig. “If malapit na ba kayong mag Starting Over Again ni Kuya Mick?”

Napakunot ang nuo ko sa pinapakita niyang awkward gestures. Hindi ko na siya sinagot at agad akong dumiretso sa kusina upang magsipilyo sa may Sink.

“Uy, may nangyari na ba sa inyo kagabi? It Started with a Drink ba ang drama?” patukso niyang sabi sa ‘kin.

Hindi naman ako makapag rebuttal dahil busy ako sa pagsipilyo ko nang ngipin. Nang matapos e sinagot ko kaagad ang patutsada niya.

“Masyado kang maraming alam Alex.”

“Of course, sana ‘wag mo namang mamasamain kung ganito ako kakilig sa inyong dalawa. Aminado naman akong wala na akong chance para mahalin mo ‘ko.”

Napalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Naalala ko nang i-confess niya sa ‘kin na type niya ako mula ng una niya akong makita. Sabi ko naman sa kanya’y hindi ko siya type dahil masyado pa siyang bata... batang isip!

“Sira! Alex hindi purke alam mo na ang tungkol sa ‘min ng Kuya mo e tutuksuhin mo na ako ng ganyan. Hindi ako kumportable sa mga ganun,” pagprangka ko sa kanya.

“Ah... well... Okay.... Sige I’ll tone down a little bit.”

“Anong tone down? I just want you to respect me and your uncle. Naiilang lang kase ako sa mga banat mo e,” sabi ko sa kanya.

Kumuha ako ng mainit na tubig sa Thermos at nagtimpla ng mainit at matapang na kape para sa aking almusal.

“Okay fine? Pero ‘yung totoo Papa Jace. Ano nang score niyong dalawa? Meron ka bang gustong ipagawa sa ‘kin just to make sure na kayong dalawa ang magkakatuluyan ‘till the end?”

Ito talaga ang premyo ko nang sabihin ko kay Alex ang lahat-lahat patungkol sa ‘min ni Mick. Naalibadbaran ako sa mga tanong niya na hindi naman sumasakto sa timpla ng mood at personality ko. Ang kaso lang sinabi ko na sa kanya kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganun siya magsalita patungkol sa ‘ming dalawa ng Kuya niya.

“Ano namang ipagagawa ko sayo? Alex, pinagkatiwalaan kita na sabihin sayo na mahal ko ang Kuya mo, pero hanggang duon lang iyon okay? Magkatuluyan man kami o hindi e wala ka na dun. Diskarte ko na ‘yun!”

Lumapit nang malapitan sa ‘kin si Alex at hinawakan ang magkabilang braso ko. Tinitigan niya ako ng ubod nang seryoso na tila may gustong ipahiwatig o isuggest.

“I will help you Papa Jace. Kilala ko si Kuya more than you know. Alam ko rin kung ano ang mood at panlasa niya kaya malaki ang maitutulong ko sayo para mas mapalapit ka pa ng husto sa kanya. Just let me help you and you’ll never regret it,” pakindat na sabi niya sa ‘kin.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Wala namang masama siguro kung subukan ko ang posible niyang maging suhestyon, pero nag-aalangan ako dahil hindi ako kumpyansa sa mga galaw niya.

“Ano namang maitutulong mo?” pakunot noong sabi ko sa kanya.

Binitiwan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Nagpalakad lakad siya in a circular motion na tila may gustong sabihin mula sa kanyang suhestyon.

Habang hinihigop ko ang aking kape’y bulalas niyang sinabi ang ideya niya.

“Dinner Date! Tama! Magdi-dinner date kayo!”

Napangisi ako sa tinuran niya. Isang bagay na kahit sino’y maaaring maisip.

“Pucha,pinag-isipan ba ‘yun? Gawain lang ‘yan ng babae sa lalaki. Atsaka gasgas na ‘yan.”

“Hindi pa ako tapos Papa Jace. ‘Yung Date will be exclusive para sa inyong dalawa ni Kuya. Hihingi ako ng tulong sa kaibigan kong si Darla for the location, motif and everything. At ikaw Papa Jace...”

“Ano?”

“Diba marunong kang kumanta?”

“O-oo,” halos hindi ko siguradong tugon.

“Perfect! Haharanahin mo si Kuya. Your Voice should be heard kung saan boses mo ang puhunan para kayo’y magkaibigan! This is The Voice!” masigla niyang sabi.

Mahilig akong kumanta at alam kong kagandahan rin naman ang boses ko kaya’t medyo natipuhan ko agad-agad ang suhestiyon ng makaulit na ‘to. Iniisip ko ang pwedeng mangyari kung saka-sakaling maganap iyon. Mukhang magiging masaya ang loko kung haharanahin ko siya for our exclusive date. Hindi pa niya alam kung gaano kaganda ang boses ko kaya parang surpresa ito para sa kanya. Awkward nga lang dahil kung nuon e babae ang hinaharanahan ko, this time lalaki na. E ano ngayon?

Hindi ako umimik tanda nang medyo pagsang-ayon ko kay Alex sa suhestyon niya.

“I know Papa Jace gusto mo ang suggestion ko. You still have time naman para i-finalize ‘yan tama ba ‘ko?”

Nginitaan niya ako nang ubod ng sigla na akala mo’y siya ang makikipag-date. Pagkatalikod na pagkatalikod niya sa ‘kin upang lumabas ang bahay ay bigla niyang kinanta ang kanta na pinakikinggan ko kagabi.

“Wise men say only fools rush in
but I can't help falling in love with you
Shall I stay
would it be a sin
If I can't help falling in love with you”

Medyo makabasag tenga lang ang pagkakakanta niya nun pero ‘yun talagang kantang ‘yun ang tumutugtog sa isipan ko nang paulit-lit mula kagabi.

Hay naku Mick, I Can’t Help Falling In Love with You!

Continue Reading

You'll Also Like

107K 5.7K 38
Hindi siya nagbibinata. Hindi rin nagdadalaga. NAGBIBINAKLA! Rank 88 in Gen Fiction - Dec 20, 2017 Rank 171 in Gen Fiction - Oct 2, 2017 Rank 146...
562K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
10.8K 370 5
Age doesn't matter. Baby, JUST LOVE ME RIGHT!
16.3K 841 22
Sabi nila, 'love is blind and one of a kind'. Kakayanin niyong dalawa ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay dahil sa may pinanghahawakan kayo...