ENCANTADIA Season 2 - The Win...

By BenificentGirl

29.8K 1.2K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... More

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso
Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

PART VIII | Trahedyang Naganap

484 28 14
By BenificentGirl

Nagpaalam sina Alena at Danaya kay Adamus upang kausapin ang hukbo ng mga gunikar na kanilang tutukan nila sa pag eensayo sa pakikipag laban kasama ang tatlong kahariang naghahanda na rin sa mga possibleng mangyari. Kaya kinausap muna ng Hara ng Lireo ang mga gunikar na gustong mag-ensayo sa laban.


Alena: Adamus anak, jan ka lang muna sa tabi ni Aquil at Amarro huh? Wag kang lalayo at mawawala sa paningin nila. NAiintindihan mo ba?

Adamus: Opo ina. Kausapin nyo na po ang mga gunikar ina, mukhang naghihintay na sila sa inyo ni ashti Danaya.

Alena:*hinalikan sa noo ang anak* O sige na, magpakabait ka sa kanila huh? Wag kang maging sakit ng kanilang mga ulo.*smiles then walked towards an army of gunikars with Danaya beside her*


Nakipag-usap na sila Alena at Danaya sa isang hukbo ng gunikar na nais magensayo sa Lireo upang mahasa pa nila lalo ang galing nia sa pakikipaglaban at bilang pagtanaw na rin ng loob kay Alena sa pagbabangon at pagsasa ayos ng kanilang minamahal na Adamya. Ipinakilala na ng pinuno ng mga gunikar na si Gamo ang mga gunikar na nais maunang magsanay sa Lireo.


Gamo: Mahal na Hara, narito na po ang isang hukbo ng gunikar na nais maunang magsanay sa Lireo. Poltre sa kanilang bilang sa ngayon pagkat ang iba ay hindi pa sigurado sa pagsali sa inyong kawal.

Alena: Ayos lang Gamo. Sa ngayon ay sapat na muna ang isang hukbo na mag-eensayo sa Lireo. Nagagalak rin akong pina-unlakan nyo ang aking pahayag na pakikipagtulungan ng Adamya sa tatlong kaharian.

Gamo: Walang anuman iyon mahal na reyna. Ito na rin ang paraan namin ng pagbawi sa inyong mga nagawa sa Adamya, kahit na isa kayong mataas na uri ng diwata'y hindi nyo tinalikuran ang aming tahanan.

Alena: Hinding hindi ko tatalikuran ang Adamya, Gamo. At bilang tagapangalaga na rin ng brilyante ng tubig na minsa'y naging brilyante nyo rin, ay hinding hindi ako magsasawang tumulong sa inyong mga Adamyan.

Danaya: At wala rin sa lahi ng isang nilalang upang makatulong sa kanila. Kahit anong oras Gamo, ay handang tumulong kaming mga diwata sa lahat ng suliranin na mangyayari dito sa Encantadia.

Gamo: Kaya napakataas ng respeto at pagtingin namin sa inyong mga sang'gre kahit noon pa man. Sapagkat handa kayong magsakripisyo at ibuwis ang inyong mga buhay sa kahit sinong nilalang ng Encantadia. Mga bayani kung aming tatawagin.

Alena: Avisala Eshma sa iyong matatamis na papuri sa amin Gamo. Sa ngayon, hayaan nyo munang ipaliwanag ni Danaya ang mangyayari sa pag-eensayo ng mga gunikar sa Lireo.

Gamo: Masusunod mahal na Hara.


Agad na munang lumayo si Alena sa kinaroroonan ni Danaya at ng mga Gunikar. Nakaramdam kasi sya ng kaba sa kanyang puso sa hindi malamang dahilan. Hinawakan nya ang kanyang dibdib na pilit pinakakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Habang pinapakalma nya ang kanyang sarili ay bigla na lamang nag flash sa kanyang isipan si Adamus. Nagtataka sya kung bakit nya agad naisip ang kanyang anak, gayong nasa labas lamang sila nina Aquil at Amarro kung iisipin.


Alena:*kausap ang sarili habang nasa dibdib ang kanang palad**kinakabahan at mabilis ang tibok ng puso*Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito na lamang kabilis ang pag-tibok ng aking puso nang maisip ko si Adamus? *sigh* Kalma Alena, nasa labas lamang ang iyong anak at ligtas sya.*trying to calm herself but does not work*


 Pagkatapos ng pakikipag-uusap ni Danaya sa hukbo ng gunikar ay napansin nya ang nangyayari kay Alena sa gilid kaya nilapitan nya ito para kamustahin at kausapin ang kanyang kapatid dahil maging si Danaya ay bigla na ring nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib.


Danaya: Alena, ayos ka lang ba?

Alena: Hindi ko alam Danaya pero bigla nalang akong kinabahan nang maisip ko ang aking anak na si Adamus. 

Danaya: Ngunit alam natin na nasa labas lamang sya ng palasyo kasama sina Aquil at Amarro. 

Alena: Alam ko naman yun, Danaya. Iba lang talaga ang naramdaman ko hindi ko lamang maipaliwanag. 

Danaya: Kakatwang pareho tayo ng nararamdaman ngayon, apwe. Naisip ko bigla si Aliyah, na alam kong kasama si Muros ngayon at nag eensayo.

Alena: At sana nga'y mali itong mga nararamdaman natin Danaya.*worried*

Danaya: Ngunit hindi nagkakamali ang nararamdaman ng isang ina na gaya natin Alena, at alam kong alam mo yun.

Alena: Danaya, lalo mo akong pinakakaba sa mga sinasabi mo, kung hindi nga tayo nagkakamali sa ating mga kutob, maaaring may nangyayari na talaga sa labas ng palasyo.*nakatingin sa gate ng palasyo*



Pagkatapos niyang sabihin ito ay may narinig silang isang boses na pamilyar sa kanilang lahat, lalong lalo na kay Alena. At hindi sya pwedeng magkamali sa kanyang narinig. Isang batang lalaking humiyaw sa labas at kagubatan ng Adamya.


Alena: ADAMUS!


Pagkadinig nila ni Danaya ay patakbo na silang lumabas sa palasyo at nakita nya sila Aquil at Amarro na sugatan at walang malay na na nakahiga sa lupa. Agad na muna nilang nilapitan ang mag-amang sugatan.


Danaya: Aquil!!*niyugyog at nilabas ang brilyante ng lupa upang pagalingin si Aquil*

Aquil:*napagaling na ni Danaya at nagkamalay na* Danaya, mahal ko.*tumayo* Si ama.


Habang pinapagaling ni Danaya si Amarro, nilapitan ni Alena si Aquil hinahanap ang kanyang anak na sobrang nagaalala.


Alena: Aquil nasan si Adamus?! San sya nagpunta bakit hindi nyo sya kasama?! Anong nangyari dito?!

Aquil: Agape Ave Hara Alena, hindi namin sya nabantayan nang maayos. Ngunit pagkarinig namin sa sigaw ni Adamus ay agad kaming kumilos para hanapin sya. Ngunit bago pa kami makaalis dito ay may lalaking tumambang na sa amin. At napakalakas nya mahal na reyna dahil napatumba nya kami ng aking ama nang mag-isa lamang sya.*hawak parin ang batok na kumikirot parin sa sakit*

Alena: Kailangan ako ni Adamus.*nagmamadaling tumakbo sa gubat ng Adamya habang sinusundan sya ng tatlo* 


Pagkadating nila sa gubat, kanya-kanya sila ng libot doon upang mahanap si Adamus na bigla nalang nawala at sumigaw ng sa hindi nalalamang dahilan. Ilang kakahuyan na ang kanilang nadaan at tiningnan hanggang sa sumigaw si sa Amarro sa kabilang dulo ng batis na bigla nalang nagyelo ang tubig.


Amarro: Reyna Alena, si Adamus!Nakita ko na si Adamus!*sumigaw mula sa kinaroroonan*


Nang marinig ang sigaw ni Amarro, mabili namang tumakbo ang tatlo kung nasaan si Amarro. At pagdating nina Alena, Danaya at Aquil sa tinurong lugar ni Amarro. Nadurog ang puso ni Alena nang makita nya ang kanyang anak na si Adamus, na walang malay at sugatang nakahandusay sa lupa. Binabalot pa ng yelo ang kalahati nitong katawan. Tumulo ang luhang nilapitan nina Danaya at Alena ang kawawang diwan.


Alena: Anak!*crying while lifting Adamus's head to her arms*

Danaya: Adamus!*crying*

Alena: Anak gumising ka! Adamus, anong nangyari sa'yo?!*screaming*

Aquil: Mahal na reyna, mas mabuti pa siguro'y bumalik muna tayo sa Lireo nang magamot natin si Adamus at nang matunaw ni Pirena ang bumabalot sa kanya.

Danaya: *crying*Tama si Aquil Alena. Wag kang mabahala, ililigtas ko si Adamus.

Alena:*crying* Parang awa mo na Danaya. Gawin mo lahat ng inyong makakaya upang magising ang anak ko. Hindi ko na kakayanin pa kung pati sya ay mawawala sa akin.

Danaya: Wag kang mag-alala Alena, humihinga pa ang aking hadia, pangako magigising pa sya.

Amarro: Hara Alena, kami na bahalang magbuhat kay Adamus.

Alena: Avisala Eshma.


Binuhat nina Aquil at Amarro ang walang malay na Adamus at nagmamadaling nag Evictus Papunta sa Lireo.


= SA BULWAGAN NG LIREO =


Dinala ng kawal sila Lira, Mira at Paopao sa bulwagan kung saan sinasabi ng kawal sa kanila na may nangyari sa mga diwani. Hindi naman mawala ang kaba ng tatlo lalo na sila Mira at Lira dahil ayaw nilang mapahamak ang mga ito. Pagkadating sa Bulwagan, agad namang sinalubong nina Wantuk at Apitong ang tatlong tinawag ng kawal upang malaman nila ang nangyari.


Lira:*teary-eyed* Wantuk, a-anong nangyari sa mga diwani? Nasan sila? Sabi ni mamang kawal nandito daw sila sa Bulwagan. Mr. Apitong? Guys? Ano na? Okay lang sila Cassandra diba?


Tinanggal ni Wantuk ang kanyang sumbrero at yumuko, maging si Apitong ay nakayuko habang binibigyan sila ng impormasyon.


Apitong: Mga mahal na sang'gre,*hirap sabihin* M-malubha ang lagay ng mga diwani nung makita namin sila sa kagubatan malapit sa Adjantao.

Mira: Teka, masyado nang malayo ang Adantao para sa kanila, anong nangyari?

Paopao: Ate Mira, saka nalang natin tanungin kung anong nangyari. Ang importante makita natin sila. Mang Apitong, Wantuk, nasan sila.


Agad namang tumabi sila Wantuk at Apitong sa kanilang daraanan at nang makarating na ang tatlo sa tapat ng trono ay tumambad sa kanila ang mga diwaning walang malay na puno ng sugat at nakahandusay sa lapag dahil ang kanilang katawan ay nababalot ng yelo at nyebe. Pagkakita nila sa mga kaawa-awang mga diwani, hindi na napigilan nina Lira at Mira na tumakbo sa tabi ni Cassandra na kanyang anak, at kay Fauna na kapatid ni Mira sa ina. Si Paopao naman ay umiiyak rin na nilapitan si Aliyah dahil wala pa ang mga magulang nito.


Lira:*cries waking Cassandra up* Cassy,*binuhat ang ulo nito at pinatong sa hita nya* Cassy si inay mo to. Gumising ka please, nandito na si inay. Cassy diba sabi ko sa inyo mag ingat kayo palagi. Anak, gumising ka!*patuloy ang pagluha ni Lira*

Mira:*crying while hugging Fauna* Fauna gumising ka, nandito na si edea Mira mo. Fauna!

Paopao:*lumapit kay Aliyah* Aliyah, kumapit lang kumapit lang kayo. Feel ko na padating na sila ate Danaya at kuya Aquil.

Lira:*crying with anger* Cassy sino may gawa sa inyo nito? Mga pashnea sila!*wind reacts to Lira's anger*

Mira: *crying*Mga kawal tawagin nyo sila ina at amang Azulan, kailangan nilang malaman ito. 

Wantuk: Pinasusundo na sila ng kawal ng Lireo Sang'gre Mira. Maya-maya ay nandidito narin sila, wag na kayo mag-alala.

Lira: Wantuk, sila ashti Danaya at sila ashti Alena? Kaylangan namin sila.*crying holding Cassandra in her arms she is cold as ice* Wala nang init sa kanilang mga katawan*holding Cassandra's hand on her face*

Mira:*crying* Lira. hindi ko na maramdaman ang kanilang mga pulso! Fauna!

Paopao: *crying while panicking talking to himself* Ano bang pwede kong gawin? Anong pwede kong maitulong?! PAOPAO MAG-ISIP KA!*pinukpok ng kamay ang ulo*


Maya-maya ay naisip ni Paopao na nasa kanya pala ang brilyante ng diwa, na may taglay na kapangyarihan ng apat na brilyante kaya muli syang nabuhayan ng loob dahil naalala nyang nasa kanya pala ang kanyang kaibigan na minsan na ring nagligtas sa kanyang minamahal na ate Amihan. 


Paopao: Ate Lira, ate Mira wag na kayong mag-alala may naisip na kong tulong para sa kanila.*binuksan ang kanang palad at lumabas ang brilyante ng diwa at pumwesto sa gitna upang tunawin ang mga yelong nakabalod sa kanilang mga katawan* *crying*Brilyante ng diwa, aking kaibigan, tulungan mo ang mga kawawang diwani na matunaw ang mga yelo sa kanilang katawan, please po please.


Sa mga sinabi ni Paopao tiningnan sya ng mga umiiyak na sang'gre at nagbabaka-sakali ang mga ito na didinggin ng brilyante ang hiling ni Paopao. Maya-maya ay umilaw ang mga katawan ng mga diwani at sabay sabay na natunaw ang mga yelo sa kanilang katawan. Kita kay Lira at MIra ang nabawas na pagkataranta sa kanilang mga mukha, mabuti nalang at naisip ni Paopao na nasa kanya ang pinakamalakas na brilyante sa lahat. Matapos nang tuluyang matunaw ang mga yelo sa kanilang katawan, humiling muli si Paopao sa kanyang brilyante.


Paopao: Salamat at pinakinggan mo ako kaibigan. Sana rin bigyan mo ng init ang kanilang mga katawan para hindi sila magkasakit.*umilaw ang brilyante at naglabas ng pulang ilaw at pumalibot sa mga diwaning nilalamig*


Habang nililigtas na ni Paopao ang mga diwani, sabay sabay nang nagsidatingan sina Ybrahim, Pirena at Azulan na ikinagulat naman ang kanilang nakita at dali-dali nang lumapit sa kinaroroonan ng mga at diwani.


Pirena at Azulan: Fauna!*patakbong pumunta kay Fauna*

Ybrahim: Cassandra!! Lira anong nangyari dito?!*pumunta ka Cassandra at Lira*

Lira: *crying*Itay, hindi ko rin po alam eh.

Pirena: Pashnea napakarami nilang mga sugat! Sino ang may gawa nito?! Magbabayad sya!*hawak ang kamay ni Fauna*


Kasunod namang dumating sila Alena,Danaya, Aquil at Amarro buhat rin ang walang malay na Adamus na binabalot rin ng yelo ang katawan at may sugat pa. Nagulat rin ang lahat sa nangyari kay Adamus na hindi rin pinagbigyan kahit pa kasama nila ito. At lalong nagulantang sila Alena, lalong lalo na si Danaya at Aquil sa sinapit ng kanilang anak at ng mga diwani. 


Danaya:*crying*Aliyah anak!! *tumakbo at sabay na binukas ang kanyang palad at lumabas ang brilyante ng lupa upang gamutin ang kanyang mga sugat*

Aquil:*crying* Anak, patawad wala ako upang iligtas ka.


Pagkatapos bigyang init ni Paopao ang mga katawan nila at ang kararating na rin na si Adamus ay tinulungan nya na si Danaya upang gamuting ang sugat ng mga diwani. Lumapit sya kay Cassandra upang lapatan ito ng lunas.


Paopao: Wag kana mag-alala ate Lira, nandito napo ako.*tinapat ang brilyante kay Cassandra* Kaibigan gamutin mo si Cassandra pawalain mo ang sugat sa buong katawan nya.*Umilaw ang mga sugat ni Cassandra at isa-isang nawawala*


Alena:*wiping her tears* Akala ko'y si Adamus lang ang kanilang sinaktan, maging ang tatlo rin palang mga diwani. Kung sino man sya, napaka sama nya! Pati ang mga paslit na ito ay kanya pang sinaktan! 

Pirena:*tumayo mula sa pagkakaluhod* Husto na ang kanyang pamiminsala Alena! Maging ang ating mga anak ay kanyang sinaktan at pinaglaruan nang hindi natin namamalayan!

Danaya: Magbabayad sya sa mga ginawa nya sa mga paslit! 

 Pirena:*galit at akmang aalis*

Alena: Pirena san ka pupunta?!

Pirena:*namumula sa galit* Hahanapin ko ang gumawa nito sa kanila! 

Alena: Ngunit Pirena kailangan ka pa*hindi na natapos sa pagsasalita ay bigla nalang naglaho si Pirena* 

Azulan: Ako na ang bahala sa anak ko Hara Alena, hayaan mo muna si Pirena pagkat kilala mo naman ang kanyang pag-uugali, mabilis syang magalit, lalo na kapag ang kanyang mahal sa buhay ang nasasaktan at na aagrabyado.

Alena:*worried* Sana nga lang, pati sya hindi mapaano.


Pagkatapos gamutin nina Danaya at Paopao ang mga diwani at ang diwan Adamus ay pinalagay na silang lahat sa isang silid na magkakasama upang mas makapag-pahinga ang mga kawawang bata. Pagkalipat sa mga bata sa iisang silid ay muling nagpatawag ulit ng pagpupulong ang Hara Alena upang mapag usapan ang nangyari sa mga paslit sang'gre at upang mapag-usapan na muli kung paano na muli nilang pagtitibayin ang seguridad ng bawat kaharian at palasyo para hindi na muling masaktan pa ang mga ito.


= KAHARIAN NG NYEBE NI CASILDA =


Habang ang mga diwata naman ay umiiyak sa mga nangyaring trahedya sa kanilang mga anak na ginawa ni Casilda at ng kanyang mashna, maligaya sila Casilda at Mashna Castrell sa kanilang ginawa sa mga batang sang'gre at dahil rin nagtagumpay silang paiyakin ang mga diwata.


Casilda:*nanonood sa kanyang setro**wicked laugh then sigh* Hhaayyy, mga kaawa-awang mga diwata.

Castrell: Nagtagumpay nga ang inyong mga plano mahal na reyna. Napaiyak mo nga ang mga Hara at Rama ng Encantadia, pinapahanga mo ako ngayon palang.*pinalakpakan si Casilda*

Casilda: Sabi ko naman sayo Castrell, alam ko na ang takbo ng kanilang puso at isip. At walang ibang laman iyon kundi ang kanilang pesteng pagmamahal. Nagiging mahina sila sa pagmamahal. Kahinaan nila ang mga paslit sapagkat kanila nitong minamahal ang mga iyon. Napakahina!

Castrell: Kung gayon mahal na reyna, bakit hindi nyo pa pinapaslang sa aking ang tatlong diwani? Nang sa gayon ay tuluyan nang madurog ang kanilang mga puso?

Casilda: Masyado pang maaga para jan Castrell, kasasabi ko lamang sa iyo kanina. Darating rin tayo jan. Sa ngayon, panoorin muna natin ang kanlang pagtangis.*wicked smile*

Castrell: Nakita ko na nagamot na nila ang mga sugat nito at natanggal na rin nila ang mga nyebeng binalot mo sa kanilang mga katawan. Bakit hindi parin sila nagigising mahal na reyna?

Casilda: Ah. Nakalimutan ko bang sabihin sa iyo na nilagyan ko ng pantanggal ng ulirat ang mga hinipan kong pangpahina sa mga diwani? Bukod kay Adamus na maswerteng hindi ko nabigyan non, hindi pa nila mababatid kung magigising pa nga ba ang mga diwaning pinakamamahal nila, kahit pa gamitan nila ng kanilang mga brilyante.


Castrell: Talagang napaghandaan mo nga ang mga diwata mahal na reyna.

Casilda: Matagal na akong handa Castrell, ngunit simula pa lang iyan ng kanilang pagtangis, at walang magagawa ang walang kwenta nilang Bathaluman kundi ang makiramay nalang sa kanila. At alam kong alam na ng aking kapatid ang aking pinaggagagawa kaya wala nang bisa ang proteksyon ko sa kanya upang hindi nya ako makita.*wicked laugh*


Castrell: Hindi ka ba nababahala mahal na reyna na nalaman na ni Cassiopea na tayo ang may gawa noon sa mga batang paslit?

Casilda: Bakit ako mababahala? Gayong kasama naman iyon sa aking mga plano. Para naman masaksihan nila ang mga nangyari sa mga batang kanilang pinangangalagaan.

Castrell: Ano na ang susunod mong hakbang pagkatapos nito mahal na reyna? Ako'y labis nang nananabik.

Casilda: Sa tamang pagkakataon na naman tayo gagawa ng panibagong hakbang. Magdiwang muna tayo ng ating unang tagumpay.*smiles*



= SA LIREO =


Pagkahatid sa mga batang sang'gre sa isang silid na pinaligiran nila ng maraming mga kawal upang sa ganon ay maproteksyonan na sila dahil sa takot na rin ng kanilang mga magulang na balikan sila at paslangin. Matapos mahimasmasan ang lahat sa mga nangyari kanina, nagpatawag na muli sila ng pagpupulong sa Bulwagan at nakiisa doon sila Wantuk at Apitong dahil sila ang nagdala at nakakita sa mga diwani. Bago rin magsimula ang kanilang pagpupulong, dumating na rin sa wakas si Cassiopea upang makiisa at malaman na nilang lahat kung sino ba talaga ang nagbabalik at mammiminsalang muli sa Encantadia, na sya ngang dapat nilang ikabahala at katakutan. Pinabalik na rin muna ni Alena sa LIreo ang galit na galit na Pirena dahil sa sinapit ng kanyang anak na si Fauna upang mapag-usapan at malaman nya rin kung ano nga ba talagang nangyari sa mga bata. 



Alena: Alam kong lahat kayo ay natatakot pa rin sa sinapit nina Aliyah, Cassandra, Fauna at ang aking anak na si Adamus. Ngunit kailangan nating magpulong at pag-usapan ang mga nangyari sa kanila at kung sinong lapastangan ang nanakit sa kanila ng ganon. Kaya magsisimula na ang pagpupulong ngayon.*nilagay na ang setro sa lamesa*


Imaw: Anong nangyari rito mahal na reyna? Bakit ganoon nalang ang sinapit ng mga minamahal nating diwani at diwan?

Muros: Mahal na Hara. Nag eensayo ang mga diwani na aking itinakda sa kanilang bagong aralin nang bigla nalang silang nawala sa aking paningin matapos kong utusan ang mga kawal ko. Akala ko'y pinagtataguan lamang nila ako kaya hinanap ko sila sa buong palasyo. Ngunit nabigo akong makita sila.


Alena: Wala man lang may nakapansin na may nakapasok na palang mga vedalje dito sa Lireo?

Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead*Alena, walang nakapansin sa inyo sapagkat tinaon nya na abala ang lahat sa paghahanda nyo laban rin sa kanya. At itinaon nya rin na hindi magkakasama ang mga Hara at Rama nang sa gayon ay makakilos sya ng malaya dito sa Lireo.


Ybrahim: Wantuk, bakit kayo dumiretso dito? diba ang sabi ko sa iyo na dalhin mo si ama at ang nakalap nyang mga hukbo sa kanyang paglalakbay sa Sapiro?


Wantuk: Eh eto na nga po mahal na Rama. Papunta nga kami sana sa Sapiro galing sa Askano kasama ng mga Encantadong nahanap ng iyong ama na si Apitong upang maging karagdagang kawal ng iyong hukbo nang madaanan namin sa kagubatan malapit sa Adjantao ang mga diwani na nakahandusay sa lupa at puro sugatan. Binabalot rin sila ng malalaki at malalamig na yelo. kaya pinagtulungan naming madala sila dito sa Lireo.


Pirena: Sa Adjantao? Napakalayong lugar na iyon para sa kanila. Sino ang nagdala sa kanila doon, nakita mo ba Wantuk? Nang mapagbayaran na ng mga Wenuveshkang iyon ang ginawa niya sa mga bata!

Danaya: Ssheda Pirena! Walang saysay kung magagalit ka jan at kung padalos-daos kang mag-isip!


Alena: Maging si Adamus ay nakuha nya pang saktan kahit na nasa Adamya kami.

Lira: Kaya po pala ako nakaramdam ng masamang ihip ng hangin dahil may nangyari kayla Cassandra. Nung mga panahong hindi pa po kayo dumadating ashti, natataranta na po kami dahil humihina na yung pulso nila. Buti nalang po at binigay nyo kay Paopao ang brilyante nya kaya nagamot nya sila Cassandra. Salamat Paopao ah.


Paopao: Walang anuman po ate Lira.

Azulan: Buti na nga lang at naiwan sa yo ang brilyante ng diwa, kung hindi ay baka mas lumala pa ang kondisyon ng mga bata.


Alena: Avisala Eshma Paopao, sa paliligtas mo sa kanila.

Paopao: Kakayahan po yun ng mga brilyante Hara Alena, hindi po sa akin.

Danaya: Ngunit kung hindi mo naisip ang brilyanteng hawak mo Paopao ay baka huli na ang lahat.

Aquil: Mas mabuti siguro mga Hara na gamitin nyong muli ang mga brilyante upang muling lagyan ng proteksyon ang bawat kaharian ng Encantadia kagaya noon.

Muros: Tama si Aquil mahal na reyna. Dahil kung hindi nyo lalagyan ng pananggala ang mga kaharian, lalo na ang Lireo ay may posibilidad na balikan nya ang mga bata.

Mira: At ashti, hindi na po muna natin palalabasin ang mga batang sang'gre hangga't may banta pa ang kanilang mga buhay. Mainam na dito muna sila sa Lireo habang nagpapagaling na rin sila.

Ybrahim: Anak, wala pa bang malay sina Cassandra?

Lira: Sa ngayon po itay, wala pa po eh. KInakabahan nga po ako baka hindi sya magising.*teary eyed*

Ybrahim: Ssshh, wag mong isipin iyon mamaya maya ay magmumulat na rin ang mga iyon.

Alena: Kailangan na talaga nating malaman kung sino talaga ang totoo nating kalaban. Pinakialaman na nya ang mga bata, at hinding hindi na ako papayag na maulit ito. kaya habang maaga ay dapat na natin syang mapigilan.

Pirena: Huwag lang nyang masubukang harapin ako, pagkat magigilitan ko talaga sya ng ulo.

Azulan: Kalma lang mahal ko, kailangan mong kumalma.*hinahaplos ang mga braso ni Pirena*

Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead*Nalaman ko na ang nangyari rito bago pa ako makapunta, sapagkat nawala na ang engkantasyon at bisa ng kanyang pananggala para sa aking kakayahan upang makakita. At labis akong nalulungkot sa kalunos-lunos na sinapit ng apat na sang'gre kanina. Eto at panoorin nyo.



Gamit ang kapangyarihan ni Cassiopea, pinakita nya sa lahat ang lahat ng nakita nya sa kanyang mga mata kung anong ginawa ni Casilda sa mga bata. Nakita nila kung paano dinukot ang mga bata at dinala ng isang lalaking kasama ni Casilda. Pagdating nila Castrell sa kagubatan, malapit sa Adjantao ay agad nyang nilatigo ang mga diwani hanggang sa sila'y bumigay at mawalan ng malay. Pinakita rin si Adamus kung paano nya ito pinasunod gamit ang isang nagyeyelong pashnea at sinakal ito saka sunugatan ang pisngi atnbinalutan ng yelo.



 Pumunta rin si Casilda sa mga diwani upang gawin rin iyon sa kanila. Pagkakita ng lahat kung anong mga nangyari sa kanilang mga anak, hindi matawaran ang kanilang galit at paghihinagpis sa ginawa ng dalawa sa kanilang mga anak, lalong lalo na si Pirena na naglabas na naman ng apoy sa kanyang katawan. Nakita nang lahat ang babaeng nanakit sa mga batang paslit na kamukhang kamukha ni Cassiopea kaya hindi na nya pinagsalita pa si Cassiopea at agad nyang sinugod ang bathaluman at sinakal ito.


Imaw: Hara Pirena!

Pirena:*galit na galit na sinakal si Cassiopea sa leeg habang pinipigilan sya ni Azulan* IKAW ANG MAY GAWA NANG LAHAT NG TOH BATHALUMAN?! PAANO MO MAIPAPALIWANAG SA AMIN ANG LAHAT NG AMING NAKITA?! SUMAGOT KA!

Danaya: Ssheda Pirena! Bitawan mo ang bathalumang Cassiopea!

Alena: Pirena, maghulus-dili ka! Wag mong lalapastanganin ang isang Bathaluman!

Pirena: SINASABI NYONG WAG KONG LALASAPATANGANIN ANG ISANG BATHALUMAN?! Bakit?! Hindi nyo ba naisip ang paglalapastangan na ginawa nya sa ating mga anak?!*lalong hinigpitan ang pag-sakal*

Ybrahim: Pirena hindi solusyon ang pairalin ang iyong init ng ulo!

Lira:*crying* Ashti tama po si itay. Makinig po muna tayo sa paliwanag ni Bathalumang Cassiopea.

Azulan: Mahal ko, pakinggan muna natin ang Bathaluman, wag ka munang magalit sa kanya.

Mira: Ina, tama si amang Azulan. Sana'y pakinggan muna natin ang paliwanag ni Cassiopea.*nagmamakaawa sa ina*


Nang kausapin nila Mira at Azulan ang galit na galit na PIrena, nahimasmasan na sya at nabitawan na ang kanina pang namimilipit na bathaluman. Pero kahit ginawa sa kanya yun ni Pirena ay hindi sya nagalit dito. Binigyan ng lahat ng pagkakataong magsalita si Cassioea tungkol sa babaeng nakita nila na kamukhang kamukha ng bathaluman.



Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead*Alam kong nagagalit kayo dahil sa mga nangyari sa mga batang sang'gre at hindi ko sila naipagtanggol agad. Ngunit sinasabi ko sa inyo na hindi ako ang may gawa nyan sa kanila.


Muros: Mahal na bathaluman, paano mo kami mapapaniwala na totoong hindi ikaw ang Encantadang nanakit sa mga sang'gre gayong magka wangis kayo?


Cassiopea:*nagsalita* Acrimeya ese alsha etlar adi sshavoya(kaligtasan lamang ng lahat ang aking nais).*wisdom symbol lights up on her forehead* Kaya bakit ko naman sasaktan ang mga batang wala namang kalaban laban? Kilala nyo ako mga Hara, Rama at mga sang'gre. Namanata ako para maging bathaluman upang makatulong at maglingkod sa Encantadia at sa inyong lahat. Kaya ang inyong mga paratang ay walang katotohanan.


Aquil: Kung hindi si  Bathalumang Cassiopea ang naninira at nanakit sa mga bata, sino siya, bakit sila magkawangis? At bakit nya sinaktan ang mga batang walang kalaban laban?


Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead*Alam kong magiging mahirap isipin ang mga susunod na sasabihin ko. Ngunit sana'y paniwalaan nyo ang aking mga sasabihin sa inyo.

Imaw: Ano yun mahal na bathalumang Cassiopea?

Cassiopea: Ang Encantadang nakita nyo ay hindi ordinaryong nilalang lamang. Ang too nyan, sya rin ay isang lalang noon ng Encantadia.

Alena: Sino sya Cassiopea? Sino ang Encantadang iyong ka wangis?



Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead* Sya ay walang iba kundi si Casilda, ang aking lihim na kakambal.






Hi Encantadiks! Hope you enjoy this new chapter. Sana po ay ivote at magcomment po kayo para po maka interact ko po ang mga readers nitong story ko. Avisala Eshma apwes!!!! 



|© 2020 Wattpad

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...