The Lust Suffer

By Stoutheart

5.8M 59.1K 4.4K

This is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malama... More

The Lust Suffer
Authors Note
PROLOGO:
IKALAWANG KABANATA:
IKATLONG KABANATA
IKA-APAT NA KABANATA
IKA-LIMANG KABANATA:
IKA-ANIM NA KABANATA
IKA-PITONG KABANATA
IKA-WALONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKA-LABING DALAWANG KABANATA
IKA-LABINTATLONG KABANATA
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-LABINLIMANG KABANATA:
Note :
IKA-LABINGANIM NA KABANATA:
IKA-LABINPITONG KABANATA:
IKA-LABING WALONG KABANATA:
IKA-LABING SYAM NA KABANATA:
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:
IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT DALAWANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT TATLONG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA:

UNANG KABANATA

182K 2.9K 236
By Stoutheart

"Takbo Johanna! 'Wag na 'wag kang lilingon. Kahit anong mangyari 'wag kang titigil sa pagtakabo!"

Bang!

________

"Joan!" Awtomatiko akong napalingon nang marinig ang matinis na boses na iyon magmula sa aking likuran. Hindi ako maaring magkamali dahil si Anding lang may matinis na boses na kayang-kaya akong sigawan. Ngumisi ako sa kanya at ipinapatuloy ang paglalaba sa likod bahay namin.

"Ano kaba!? tumayo kana r'yan at magbihis!" Nakakunot noong singhal muli nito sa'kin. Kita sa kanyang paghinga ang pagod sa pagtakbo. Suot nito ang uniporme namin na bestidang puti na may nakapatong na kulay itim na apron. Nakahairnet ang buhok at nakadollshoes na kulay itim din.

"Day off ko ngayon Anding." Marahan kong saad. Si Anding ang naging matalik kong kaibigan nang umalis ako sa poder ni Thorin apat na taon na ang nakakalipas. Dito sa probinsya nila sa Tarlac ako napadpad at namumuhay ngayon nang tahimik. Malayo sa lugar na ayoko nang maalala o mapuntahan man lang. Kahit apat na taon na ang nakalipas ay parang kahapon lang lahat nangyari ang mga iyon sa t'wing maalala ko.

Umayos ito nang tayo at nameywang sakin "Joan, ngayon ang dating nang bagong may ari nang Hacienda kaya kailangan tayo doon ngayon." Paliwanag nito. Binibit nito ang lagayan ng maruming damit at ipinasok sa loob.

Mabilis naman akong tumayo. Sinundan ko na s'ya sa loob. Naabutan kong kalong na nito si Taurein na pupungas-pungas pa at halatang bagong gising. Kahit papano, kapag nakikita ko ang anak ko na may maayos na buhay ay masaya na ako. Lahat nang hirap at sakripisyo ay worth it dahil sa anak ko.

Apat na taon na ang nakalipas nang matagpuan ako nila nanay Amelia at tatay Arsenio, mga magulang ni Anding. Nang matagpuan nila ako sa gilid ng kalsada ay hindi sila nagdalawang isip na tulungan akong mabuhay. Hindi nagging maganda ang nagging unang buwan ko sa poder nila dahil natrauma ako. Kahit nahirapan sila sa akin ay hindi nila ako sinukuan, lalo nang malaman nilang nagdadalang tao ako. Makalipas ang halos limang buwan ay naging maayos naman ako. Kahit papano ay nakakatulong na ako sa bahay. Nang makapanganak ay ipinasok nila ako sa mansyon ng mga De Vera.

Kambal ang naging anak ko, kung kaya't kailangan kong magdoble kayod para sa kanila, ngunit, sadyang malupit sa akin ang tadhana dahil kinuha nito sa kin ang anak kong babae at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa'rin ang sarili ko kung bakit s'ya nawala. Kung sana'y hindi na lamang ako bumalik.

"Nay, aalis po ikaw? " Salubong na tanong ng anak ko nang makita akong nakatayo sa may pintuan. Maliit lamang ang tahanan namin. Gawa ito sa sawali at kugon. May maliit na sala, k'warto at kusina. Lahat ng naninilbihan sa mansyon ay binigyan ng tirahan.

Lumapit naman ako dito at kinuha s'ya kay Anding.

"Kailangan si nanay sa mansyon." Sagot ko dito. Nakita ko paglungkot ng kanyang mukha. Alam nito kasi ay hindi ako papasok ngayon.

"P'wede po akong sama naynay?" Maliit ang boses na turan nito. Hindi kaagad ako nakasagot. Kapag kasi nasa mansyon ako ay madalas itong naiiwan sa bahay nila Anding. Gusto kasi ng mag-asawa na doon ang anak ko.

"Magbihis kana Joan." Untag ni Anding sakin. Kinuha nito si Taurein. Kaagad naman akong pumasok sa maliit naming k'warto. Doon na ako nagbihis. Mabuti nalang pala ay maaga akong naligo kanina.

"Isama na natin si Taurein. Doon mo na paliguan, sigurado namang hindi maglilikot 'to e." Saad ni Anding. Naririnig ko pa ang kulitan nilang dalawa sa labas habang nagbibihis ako. Naglagay rin ako ng gamit ni Taurein sa maliit na bag

"Tara na!" Sigaw ni Anding makalipas ang ilang minuto. Binibit ko nalang ang bag at lumabas na. Nauna silang dalawa at sumunod nalang ako.

"May balita kana ba kung sino ang nakabili ng mansyon nila Don Alberto?" tanong ko kay Anding habang naglalakad kami. Hawak namin sa magkabilang kamay ang anak ko. Palaisipan parin sa akin kung bakit kaagad naibenta. Naghihinayang ako dahil napakabait ng pamilya ng mga De Vera. Anim kaming naninilbihan sa mansyon, ngunit kahit minsan ay hindi naming naramdaman na iba kami. Itinuring nila kaming kapamilya.

"Ang sabi ni Manang, galing pa raw maynila ang nakabili. Sobrang yaman siguro n'on no? Pati ang Hasyenda binili n'ya." Sagot ni Anding na bahagyang lumingon sa'kin.

"Sa tingin mo, tayo pa rin kaya ang kukuhanin nilang maninilbihan sa mansyon?" Nag-aalala kong tanong.

"Wala naman daw babaguhin ang bagong may-ari. Tayo pa rin ang magiging kasambahay, at mga tauhan pa rin ng hasyenda ang magiging mga tauhan. " Paliwanag nito. Nakahinga ako ng maluwag. Ang paninilbihan ko kasi sa mansyon ang bumubuhay sa amin ng anak ko. Kaya natatakot talaga akong mawalan ng trabaho doon.

Halos isang taon na rin kasi nang magpasya akong bumukod kila nanay Amelia. N'ong una ay hindi sila pumayag. Pero n'ong sinabi ko ang dahilan ay pinayagan na rin naman nila ako. Si Anding naman ay may sarili nang pamilya pero wala pa ring anak kaya naman spoiled na spoiled ang anak ko sa kanilang mag-asawa.

Malawak ang Hacienda De Vera. Hindi ko nga alam kung ilang ektaryang lupain ang sakop nila. Ang alam ko lang ay napakalawak nito. May palayan at mga punong mangga ito na ibinabyahe pa sa kamaynilaan at pang export sa ibang bansa kaya naman hindi ko talaga lubos maisip kung bakit nagawang ibenta ito ng mga De Vera.

Sa ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa mansyon. Nang makapasok kami sa loob ay napansin kong may ilang lamesa ang naroon. Tila may gaganaping pagtitipon dahil sa ayos ng hardin. Napapalibutan kasi ito ng mga palamuti. Ang mga halaman ay may nakasabit na pailaw.

Tahimik lang ang anak ko sa aking tabi nang pumasok kami sa loob nito. Sinalubong ako ni Manang Edith sa may pinto. Nakangiti ito nang magblessed kami sa kanya. Kaagad yumakap ang anak ko sa kanya. Malapit ang anak ko sa mga tao sa mansyon, lumaki s'ya na ito na ang nakagisnang pamilya kaya masaya ako na kahit papaano'y hindi naghahanap ang anak ko kung ano ang kulang sa kanya.

"Naku, pasensya kana Joan at naabala naming ang day off mo. Sadyang kailangan talaga naming ng tulong dito sa mansyon." Naghihinging pasensyang saad nito.

"Okey lang po Manang Edith." Sagot ko naman rito.

"Hello Taurein." Bati naman ni Joward sa anak ko. Kaagad sumama si Taurein ditto. Si Joward ay isa rin sa naninilbihan sa mansyon. Bakla ito at kasundong kasundo nito ang aking anak.

Ilang sandali pa ay naging abala na kami sa mansyon. Nakakapagpahinga lang kami kapag kakain na. Kahit nakakapagod ang trabaho ay hindi mo iyon mararamdaman kapag masaya ang paligid, kaya nga hindi na naming namalayan na madilim na ang paligid. Naging abala rin kasi kami ng dumating na ang mga pagkain na ihahanda sa hardin.

Natigil lamang kami ng may marinig kaming mga busina, hudyat ng pagdating ng mag asawang De Vera. Halos malula ako sa ganda ng hardin nang sinindihan na ang mga ilaw. Ang mga lamesa ay natatakpan ng itim at puting tela. Eleganteng- elegante ang dating. Mukhang mayaman nga ang nakabili dahil may inihandang malaking salo-salo para rito.

Bandang alas s'yete nang magsimulang magdatingan ang mga bisita. Karamihan dito ay puro kamag-anak at kaibigan ng mag-asawa. Sunod ang dalawa nitong anak na lalaki kasama ang kani-kanilang pamilya. Naka Americana halos lahat ng kalalakihan. Ang mga babae naman ay tila nagpapatalbugan sa mga magaganda nilang kasuotan.

Nang makita kong dumarami na ang tao, agad kong hinanap ang anak ko. Nakita ko itong buhat ni Anne.

"Joan!" Tawag ni Anne. Nakangiti akong lumapit sa kanila sabay kuha kay Taurein nang makita kong inaantok na ito.

"Mukhang mayaman talaga ang nakabili ng Hacienda no." pagbubukas ng usapan nito. Si Anne rin ay isa sa naninilbihan sa mansyon. Bestfriend sila ni Joward.

"Oo nga." sang ayon ko naman. Pinagmasdan ko kung paano unti-unting mapuno ng tao ang hardin na iyon.

"Patulugin mo na 'yang si Taurein, tutal kumain na 'yan. Napagod siguro kakalaro kay Joward." natatawang saad ni Anne habang hinahagod ang buhok ng anak ko. Napansin kasi naming na malamlam na ang mata nito at ilang beses na itong humikab.

Nagpaalam muna ako sa kanila at naglakad patungo sa loob ng mansyon. Nakasalubong ko pa si manang Edith at sinabing doon ko na sa k'warto n'ya patulugin ang anak ko.

"Nay, ano pong meron?" Inosente nitong tanong nang makapasok kami sa loob ng kwarto ni Manang Edith.

"May malaking salo-salo anak para sa bagong may-ari ng Hacienda." sagot ko naman dito.

"Naynay, p'wede po pa rin kaya ako dito? Tsaka pala 'nay, bibisitahin po natin si ambal bukas tsaka si tito Ed." Malumanay n'yang paalala sa'kin.

"Opo boss!"sumaludo pa ako kunwari na s'yang ikinatawa n'ya."Halika kana bibihisan na kita." Saad ko, sabay buhat ko sa kanya patungo sa banyo.

"Nay," tawag n'ya sakin habang kinukuskos ko ang katawan n'ya.

"Uhmm?" sagot ko.

"I love you po." sabi n'ya na nakayuko.

Napangiti ako. Napayakap tuloy ako ng mahigpit sa kanya kahit puro bula ang katawan nito.

S'ya nalang ang meron ako ngayon kaya kahit ano gagawin ko 'wag lang s'yang mawala sa akin. Bumitaw ako sa yakap naming mag-ina. Pinakatitigan ko s'yang mabuti. Ang anak ko nalang ang nagsisilbing gabay ko upang magpatuloy sa buhay ko. Kahit ano gagawin ko para sa kanya.

"I love you too." Mahinang saad ko. Humagikgik naman ito. Sabay kaming napangiti, at habang pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata—may isang tao ang kaagad kong nakikita sa kanya. Isang taong kinatatakutan kong makita.

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 318 35
FAR IN TIME (Completed) Romance/Teen & General Fiction Language : Tagalog-English "You are the sun that light up my life, but can be the heat that w...
2.8M 52K 52
(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call me, tanggap ko na yun... But you cannot...
2.3M 25.6K 22
SEBASTIAN DEL ROSARIO is the man behind the most powerful and feared organization in the world. His physique screams nothing but danger, authority an...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

88.6K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]