THE PRESIDENT'S WIFE (PUBLISH...

By KayeEinstein

5M 150K 28.4K

Summer Gonzales has been living her life as a popular actress and model away from her home country. When she... More

PROLOGUE
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Final Author's Note
Special Announcement

Chapter 6

124K 4.4K 966
By KayeEinstein

Summer

Present

Nagising ako dahil may balasubas na nagbukas ng kurtina at direktang tumama sa' kin ang sinag ng araw.

Nagtakip ako ng unan sa mukha dahil nasisilaw ako at ang sakit sakit ng ulo ko.

"Summer, bumangon ka na nga riyan!" sigaw nito sa' kin.

"Pam, please! May hangover ako," sabi ko at pinikit ang mata ko.

Hinila n'ya ang comforter na nakabalot sa' kin.

"Alam mo ba anong pinaggagawa mo kagabi?"

Awtomatiko akong napabangon dahil sa tanong n'ya.

What the hell happened? Alam ko naman na nasa wisyo pa ko nung umalis si Julian habang umiinom ako sa bar counter.

Did I cry out loud? Nagbasag ba ko?

"Anong iniisip mo?" my manager asked me.

Naihilamos ko sa mukha ko ang mga palad ko.

"Pam, ano na namang ginawa ko?"

I feel irritated kasi ang sakit na ng ulo ko at sa way pa ko tingnan ng manager ko ay parang napakalaki ng ginagawa kong kalokohan.

"Ha! You wouldn't believe it if I tell you," sabi nito at umupo sa couch sa harapan ng bed ko at nag-cross arms.

"Ano nga?!"

"Well, partially siguro kasalanan ko dahil nag-standby ako. Pero kasi naman Summer may sparks talaga kayo ng asawa mo no?"

"What are you saying? Si Julian?"

Umalis na siya 'di ba? OMG.

"Sino pa ba, may nauna ka pa bang maging asawa? Grabe, susunduin na sana kita kaso nagwala-walaan ka sa entrance tapos grabe ang lakas nung dating nung i-ni-level n'ya 'yong sarili n'ya para magkapantay kayo. Para akong nanonood ng kdrama! Ang gwapo-gwapo ni Mr. President!"

"I'm so dead, I'm so dead. Nagwala ako sa harapan ni Julian?! Summer Madelaine! I cannot believe myself, ano kayang pinagsasabi ko doon? May nasabi kaya ako?"

"Aba malay ko Madelaine! I-inom-inom ka riyan! Pero malas mo lang talaga dahil 'yong dahilan ng pag-inom mo ang naka-spot on sa 'yo pero girl. Grabe bagay na bagay kayo. Feeling ko sa Malacañang ka dapat matutulog dahil buhat ka na n'ya kung hindi lang ako umepal syempre ayokong sumaya ka," sabi nito at tumawa.

Pero ako mismo hindi ko magawang matawa, hindi ko lubos maisip kung paano akong pinagtatawanan ng Julian na 'yon ngayon.

This is frustrating as fck.

May photoshoot ako that day pero parang lutang ako at hindi ko namalayan na matatapos na ito. Geez, ano kayang itsura ko sa mga picture ko?

Magkaibang industry pa rin naman ang politics and showbiz 'di ba? Tho connected pero parang pinagdidikit kami ng tadhana ni Julian.

Utang na loob kupido! Ilang taon mo na kaming pinaniwalang magkakatuluyan kaming dalawa pero hindi naman pala! Durog na durog pa ko cupid, 'wag ka na mag round two pa.

"That's a wrap! Summer, you're a goddess. Thank you for doing this, I know you just got back but I just wanna thank you for accepting to be our cover," sabi sa' kin ng chief-editor ng PWM (Philippines Women Magazine) na si Seth.

"It's actually my pleasure Seth," sabi ko kahit pakiramdam ko, wala naman talaga akong ginawa dahil napakasabaw ng utak ko. "Please do send me that photo, keep it private. I really appreciate it."

"Oh sureness, bakit kasi hindi mo na lang din i-pa-publish 'yong shot na 'yon. That tattoo is awesome, name ba ng boyfriend mo 'yon?"

Mabilis akong umiling at ngumiti.

"Let's just say that name belongs to someone I truly love," sabi ko bago ngumiti, he smiled also at mabilis siyang nagpaalam sa' kin ng tinawag siya ng photographer. "Someone I love more than my life," I said in a very low tone.

Lumapit sa' kin si Pam. Sinuot n'ya sa' kin ang coat ko dahil naka skin toned glittery fitted dress na kung saan naka reveal ang likod ko.

"Are you tired? Iniisip mo pa rin ba? You are pretty occupied, though totoong mala-diyosa ka sa shot mo, pero I know you personally and I know you're not okay," sabi ni Pam.

Matangkad sa' kin si Pam ng kaunti kaya sinandal ko ng palambing ang ulo ko sa balikat n'ya.

"Thank you Pam, I'll be okay," sabi ko.

"I'll be just here, whenever you are ready to talk, I will listen."

"Thank you Pam!" sabi ko at niyakap siya.

"Maddie." Napalingon ako sa tumawag sa' kin and there he is, handsome as ever.

"Primo, you're back!" sabi ko at mabilis na niyakap ito.

Twin brother siya ni Pam. Pakiramdam ko ay magkamukhang-magkamukha sila kung hindi lang trangender itong si Pam.

"Gumagwapo ka," bati ko rito.

Totoo naman kasi, Pam and Primo are just 4 years older than I am. Primo kinda has the look of Gale Hawthorne ng hunger games. He is also a supermodel and may business siya ng wine at alak.

"Gumagwapo nga pero hindi mo naman siniseryoso," he said and hindi ko alam saan nanggaling 'yong kaba sa dibdib ko ng magkatitigan kami.

What the hell?! Isang taon mahigit lang siya nung umalis to work on his business pero pakiramdam ko may mga pinagbago siya at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang munting kilig na nararamdaman ko sa mga biro at tingin n'ya.

Pinagsalubong ko ang kilay ko pero mabilis n'yang kinurot ang pisngi ko, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Primo, ayokong maging sister-in-law itong si Summer, ilang taon ko na siyang inaalagaan tapos ikaw pala ang aasawahin," sabi ni Pam.

"I really like her, Paco." Natawa ako nang tinawag n'ya sa real name si Pam. Ramdam na ramdam ko ang paghinga ng malalim ni Pam.

"Alam mo, mamili ka kung sisipain kita pabalik sa US or kusa kang aalis. Ang ganda ganda ko binubwisit mo ko!"

"Sorry na, my little sister, Pamela," sabi na lang ni Primo and I just looked at them.

Kambal sila pero Primo is a very responsible person, he treats Pam na parang mas nakakabata at babaeng kapatid n'ya talaga.

He often jokes na crush n'ya ko pero looking at him na mas nag mature at naging gwapo. Parang ako yata ang nagka-crush sa kanya.

I shook my head in my mind. Kung anu-anong iniisip ko pagod na siguro ako at idagdag mo pa ang Julian na iyon!

"Ano bang ginagawa mo rito, hindi ka pa dumiretso sa bahay?" sabi ni Pam dito.

"Well, I need a date," sabi nito at tumingin sa' kin.

"Date, para saan?" tanong ko.

"You'll know when we get there, you'll be surprised. So what do you say? Please, I need one para hindi ako mabored doon." Pagyaya nito sa' kin.

"That's okay naman, pero ganito ang suot ko," sabi ko.

"That's okay, lagi ka namang maganda sa kahit anong suotin mo and pasok lang din naman 'yan sa event dahil evening dinner naman siya."

Hinarap na ko ni Pam to bid goodbye. Pupunta raw muna siya sa bar to find a boylet.

"Let's go?" tanong n'ya. I nodded and smile. He guided me to his car. Napaka gentleman!

Binuksan n'ya ang tugtog at nagkataon 'yon ang favorite naming kinakanta pag nag-ro-roadtrip kami.

Sabay lang kaming kumakanta habang nagmamaneho siya.

Natapos na 'yong kanta pero napalingon ako sa gawi n'ya at nakita kong nakatingin pa rin siya sa' kin at nakangiti.

"Hoy Primitivo Colesonn anong tinginan 'yan?" pang-aasar ko rito.

"Summer, I love you."

Tila huminto ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi n'ya. Ay sht, did I just got a confession?

Anong sasabihin ko? At ano bang nararamdaman ko?

"Joke lang! Hahahaha." Bigla nitong pagbawi at tumawa ng malakas.

"Bwisit ka talaga! Kung anu-anong sinasabi mo!" sabi ko at hinampas siya.

"I wanted to see your face and I did not fail, it's just that, I have a feeling na, baka gusto mo rin ako," sabi nito at diretsong tumingin sa daan.

"H-hoy, ang k-kapal ng m-mukha mo! Hindi kita gusto!" sabi ko at bakit ba ako nag-i stutter! For Pete's sake si Primo lang 'yan, Summer.

Bumaling ulit siya sa' kin pero this time seryoso na ang mukha n'ya.

"Joke nga lang, 'wag ka ng magalit, alam ko naman na hindi ka pa nakakamove on doon sa dati mong asawa."

Napalunok ako at nawala ang ngiti ko.

I never told Pam about it dahil natatakot ako na pagalitan n'ya ko before but Primo found out about it, when he saw my wedding ring. I denied it at first pero what's the sense? I just told him na I was married before pero hindi ko sinabi kung kanino.

"What makes you think na hindi pa ko naka move on sa kanya?" sabi ko and I faked a smile.

"If you already have moved on, then I'm pretty sure na binuksan mo na sana ang puso mo sa iba."

"I am just not ready."

"For four years huh?"

"Ewan ko sayo, basta ako naka-move on na ko sa kanya."

"Whatever, ano bang pangalan n'ya ng masearch ko? Baka mas gwapo pa ako," sabi nito at tumawa.

"Siraulo ka! Wag mo ng hanapin, matagal naman na siyang wala sa buhay ko," sabi ko.

"He's a douche bag for believing you cheated on him, the only thing that bothers me is after all siya ang dad ni Maddox," sabi nito. I bit my lip. Hearing my child's name is always a heartbreak for me. "Let's visit Maddox, malapit na ang death anniversary n'ya."

I smiled at Primo. He knows about Maddox too and he often comes with me pagbibisita ako nung nandito siya sa pinas.

"Namimiss ko na 'yong anak ko." Napalingon ako sa kanya at tumawa naman ito. "Well, nag-pa-practice lang ako. Syempre, ako magiging step dad n'ya."

"Hoy Primo, sisipain na talaga kita riyan," sabi ko rito.

"Sa susunod na sabihin kong mahal kita, totoo na talaga," sabi nito and he winked on me. Natulala ako ng bahagya. "We're here na, Maddie."

Hininto n'ya ang kotse at lumabas sa driver seat at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Nung makalabas ako ay inabot n'ya ang susi n'ya sa valet at doon ko lang narealize kung nasaan kami.

Ang daldal kasi ni Primo that I didn't pay attention sa daan.

Why the hell am I here?

Of all places!

Bakit sa Malacañang Palace?

This is Julian's teritory.

Muntik na akong tumalikod at magmadaling sumakay ng kotse only to find out na wala na 'yong kotse.

Bunaling ako kay Primo, he gave me a confused look. I smiled. A fake one. Buwisit talaga. Ang husay mo, Summer!

"Did you forget anything sa kotse?" tanong ni Primo.

Umiling lang ako. Kill me. Primo offered his arms and wala akong option kundi kumapit dahil feeling ko nanghihina ang tuhod ko.

Nakapasok na kami ng Malacañang.

While we are walking sa malaking function hall.

"Ano bang ginagawa natin dito?" bulong ko kay Primo.

There's a lot of press people, may mga kapwa artista akong nakikita, politicians, at sandamakmak na security personnel.

"Sorry, I forgot to tell you. Ako ang supplier ng mga wines and food sa events para kay Mr. President," sabi nito.

Just before we enter the main function hall, may sumalubong sa 'min and helped me remove my coat at tanging 'yong suot ko na lang kanina ang nakikita. I'm comfortable and okay with my dress dahil hindi ito ang unang beses kong magsuot ng ganito sa isang party.

"Dapat pala pinagpalit muna kita," sabi ni Primo kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Mapa-politician, artista at halos lahat ay nasa iyo ang tingin. Why do you always have to be this gorgeous?"

Tumawa ako at hinampas siya.

"Bolero," sabi ko.

"Mr. President!" Tila huminto ng literal ang puso ko ng sabihin iyon ni Primo at nakangiting tumingin sa likod ko. Ayaw kong humarap pero ramdam ko ang titig n'ya at hindi ko alam kung feeling ko ba or totoong sa' kin siya nakatingin.

Naramdaman ko ang paglapit n'ya at marahan naman akong iginiya ni Primo paharap.

Nagtama ang paningin namin ni Julian pero mabilis akong yumuko.

"Good evening, Mr. President," mabilis kong sabi.

Nagulat ako ng walang magsalita sa kanila. Iniwasan kong tingnan si Julian at bumaling kay Primo, who awkwardly smiled at me.

"Happy Birthday, Mr. President!" nakangiting pagbati ni Primo rito kaya mabilis naman na kumunot ang noo ko.

"Teka, anong birthday? Hindi naman n'ya—"

"Ehem." Mabilis akong tumingin kay Julian. "Thanks Primo, as always. I am impressed sa trabaho mo."

Hindi ko maiwasang makipagtitigan kay Julian. Birthday? Hindi n'ya birthday ngayon. I am pretty sure of that. Naramdaman ko ang marahang pagbangga ni Primo sa siko as if asking me to greet the president.

"Happy Birthday, Mr. President," sabi ko na lang.

"Thank you." Walang emotion nitong bati.

"I brought her tonight as my date, Mr. President but you don't have to worry, I'll make sure to still do my job and ensure that everything goes smoothly," Primo said.

Julian nodded at him bago tumingin siya sa' kin saglit. I don't see any emotion pero pakiramdam ko ramdam ng sinumang titingin sa 'ming dalawa ang tensyon.

"Enjoy the party." Pagkasabi nito ay tinalikuran n'ya na kami.

"Ang sungit." Hindi ko maiwasang masabi. Primo chuckled.

"He's always like that but he really is a cool guy, baka nagkatampuhan lang sila ni Ms. Melissa. Bagay na bagay talaga sila," sabi ni Primo.

Pinigilan ko ang sarili ko na mag roll eyes dahil sa sinabi n'ya.

I saw Melissa came in from somewhere and went to Julian and gave him a kiss on the cheek at mabilis na nag-abot ng regalo. Julian smiled at her pero hindi ko malaman kung anong meron sa sarili ko pero bigla akong nalungkot.

Nakakalungkot pala talagang makita na 'yong isang tao na pinangarap mong makasama habang buhay dati tapos ngayon, iba na ang kasama.

Hindi pa nga yata talaga ako nakaka-move on ng husto.

Maybe I was over the fact na hindi kami para sa isa't isa but I am not over him. Afterall, siya pa lang naman talaga ang minahal ko ng husto.

"Sir, sir." May nagmamadaling lumapit sa 'min ni Primo. "Sir, nagka problema doon sa mga incoming additional delivery ng wine natin, nabangga raw sila at nabasag ang lahat. Hindi enough ang alak na dala natin to last the whole night."

"Damn it." Napahawak sa noo si Primo. "Maddie, aayusin ko lang to, maybe I'll help on picking up the new set. Would you be okay here? Isasabay na kita pauwi."

"No, it's okay. Ka-text ko kanina si Pam. Sabi n'ya nearby lang daw 'yong bar n'ya I'll ask her to pick me up," sabi ko.

There was hesitation in Primo's eyes.

"Are you sure?" tanong nito.

"Sure na sure. Sige na, nagmamadali kayo 'di ba? I'll be okay," sabi ko and I kissed him on his cheeks at tinulak na siya palayo sa' kin. "Go na."

He smiled at me.

"Text me or I'll call to check on you later," sabi nito as he was walking away. Nag-wave na lang ako sa kanya.

Hindi sinasadyang makita ko ang seryosong pagkakatingin sa' kin ni Julian.

Damn, nakita n'ya ba 'yong paghalik ko kay Primo? It's normal. I often do that to my friends in Paris, pero teka bakit kailangan kong mag-explain? Tumalikod na lang ako sa kanya. Makauwi na nga.

Nilabas ko ang phone ko and I was about to call Pam ng may humarang sa daan ko. Nagtaas ako ng paningin dahil hindi hamak ma mas matangkad siya.

"Mr. Bautista," magalang kong pagbati rito. Remember siya 'yong producer ng TOP

"Summer, I'm glad you're here and 'di ba sabi ko sa 'yo Francis na lang. I am just 35 feeling ko tuloy ang tanda ko na," sabi nito.

Lol, akala ko talaga mid 40s na siya.

I just smiled at him.

"Francis then, sorry I have to go na."

"Samahan mo ko kahit saglit lang, sige na please," sabi nito.

I mentally rolled my eyes pero ganito sa showbiz kahit ayaw mo. You always have to be nice or people will have something against you.

"Okay, sige saglit lang," sabi ko.

"Great, masyadong maingay dito. May private bar counter si Mr. President and since he is my close friend, I am allowed to go there. Let's go." Naglakad siya at sumunod ako.

Isang shot lang at uuwi na ako kahit mag taxi or grab pa ko sasabihin ko na lang may LBM ako. Bwisit na matandang to.

Pumasok kami sa isang room, may nakaharang na guards pero pinapasok siya.

Pagpasok namin sa loob ay namangha ako dahil may bar counter nga doon at may server at napakaraming alak. Halos lahat mamahalin.

Ito na ba ang hobby ni Julian?

Umupo ako sa bar counter at tumabi naman sa' kin si Francis. Nag serve ng alak 'yong bartender. Ininom ko agad iyon. Doon ko lang din napansin na amoy alak na si Francis.

"Grabe ang ganda mo talaga sa personal," sabi nito while looking at me intently.

I just faked a smile. Paano ba ko makakaalis dito? Paano ka ba ipapasok ang LBM act ko? Panay ang refill nung bartender ng alak kaya ininom ko na lang ulit.

"You know what, I can give you more than just being the host of TOP," sabi ni Francis at sumandal sa bar counter. "I'm a big hit sa network na may hawak sa 'yo kaya I can make you a superstar," sabi nito at lumapit sa mukha ko kaya napalayo naman ako.

"M-Mr. Bautista, what you are doing?"

"I told you to call me Francis!" napalakas ang boses n'ya.

"Sir, 'wag kayong sumigaw dito." Pag-awat ng bartender. Kaming tatlo lang ang nasa loob ng room na ito.

Mabilis na hinawakan ni Francis 'yong shot glass na animong ihahampas sa mukha nung bartender pero huminto siya midway. Nakita ko 'yong takot sa mukha ng bartender at nakaramdam na rin ako ng kaba. Tatayo na sana ako pero mabilis akong hinawakan sa braso ni Francis.

"B-bitawan mo ko!" nanginginig kong sabi rito.

Tiningnan ako nito ng masama at muling bumaling sa bartender.

"Don't you know who I am at kung gaano ako ka-close sa presidente? Umalis ka rito ngayon bago ko basagin to sa mukha mo!" pagbabanta ni Francis dito. Tumingin sa' kin ang bartender at pakiramdam ko maiiyak ako dahil parang nagpapaalam siya sa' kin. Umiling-iling ako pero mabilis itong umalis.

Nagpupumiglas ako kay Francis.

Hinatak n'ya ako patayo at marahas na tinulak kaya tumama ang likod ko sa bar counter kaya may mga nagbagsakang bote galing sa ceiling pero hindi ko na napansin dahil natatakot ako sa kanya.

"P-please, stop Mr. Bautista," sabi ko. Nag start ng magbagsakan ang luha ko dahil sa takot.

"Call me Francis!" sigaw nito.

"F-Francis." nanginginig kong pagsunod dito.

"There, that's more like it. Ang sarap sigurong pakinggan n'yan kapag nasa kama tayong dalawa." Mas hinigpitan n'ya ang pagkakahawak n'ya sa akin.

I closed my eyes ng makita kong papalipat siya sa mukha ko para halikan ako.

Pero mabilis akong napadilat ng may malakas na humila palayo kay Francis at tumalsik ito kung saan.

Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako ng makita kung sino ito.

It was Julian.

He looked at me for a brief moment pero mabilis siyang lumapit at itinayo si Francis ng hawak sa kwelyo.

"Hey, Julian," sabi ni Francis at tumawa pa. "Sorry, nakalimutan kong may party ka. Aalis na kami ni Summer. Pasensya ka na. Alam mo naman nagkakatuwaan kami."

"Really? It doesn't look like that." Sinapak ni Julian ulit ito at muling tinayo.

"Teka Julian, bakit ba nagagalit ka?" Hawak ni Francis 'yong ilong n'yang dumugo. Tingin ko ay nabali ang ilong n'ya.

Julian looked so mad. Nakakatakot siya.

"Remember this Francis, lay your hands on my wife again and I'll break every bone on your body," sabi nito at muling sinapak si Francis.

Sandaling parang hinding nag process ang utak ko.

Binitawan n'ya si Francis at dahan-dahan siyang lumapit sa' kin.

Hindi siya nagsalita pero kinuha n'ya ang kamay ko at doon ko lang narealize na dumudugo pala ito.

Kinuha n'ya ang pan'yo at marahang binalot ang kamay ko.

"You're shaking," sabi nito.

I tried to stand still pero ramdam ko ang kaba.

"I-I'm fine."

He looked at me intently.

"Why don't you look surprised?"

"On what?" sagot ko.

Ang weird ko talaga lalo na pag magkalapit kami.

"That I called you my wife," sagot nito.

Napalunok ako and looked back at him.

"There was never an annulment," sagot ko sa kanya.

He just smiled.

Pero kinakabahan talaga ako dati pa, naba bother din ako na hindi n'ya inasikaso ang annulment namin.

Maybe dahil naging busy siya sa politics?

Nagulat ako ng may mga nagmamadaling PSG n'ya ang pumasok sa room na iyon, kasunod ang bartender na tinakot ni Francis kanina.

"Mr. President, are you alright?" sabi nung pakiramdam ko ay head security n'ya.

Bumaling sa kanya si Julian.

"I am."

Bumaling 'yong head security sa' kin na tila ba dapat ay wala ako doon.

"Will bring you to our headquarters for questions," sabi nito sa' kin at mabilis akong hinawakan at akmang poposasan.

Pero mabilis na na humarang si Julian sa pagitan namin kaya nabitawan ako nito. Nasa likod ako ni Julian at confused na nakatingin sa kanila.

"Hands off," sabi ni Julian.

"Mr. President, we have to questio—"

"Take your hands off away from the First Lady of the Philippines."

Oh shoot.

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 142K 77
Silvanus "Silas" Alvarez is fantasizing over a girl who is unfortunately his niece-Athena Aine Alvarez-to his horror. For him, Athena is like an ench...
86.6K 1.5K 66
Zoey Amanda Carpio was determined to keep a low profile until graduation but then.. maybe fate has other plans for her and her friends and it has som...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
470K 7.8K 47
Tala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delg...