Maggie's Diaries Book 3: Nobo...

By _cinnamondreamer_

4.3K 203 50

"Not every guy can tell the whole world how fortunate he is to have a girlfriend like you. I can. And I alway... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Epilogue

Chapter Seven

243 11 3
By _cinnamondreamer_

FRUSTRATED na napabuntong-hininga si Czarina. Actually, hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng frustration dahil nasa ayos naman lahat ng dapat niyang gawin. Siguro ay dahil iyon sa pag-aakala ng lahat na 'sila' talaga at sila 'pa' rin ni Kaizen hanggang ngayon pero ang totoo ay hindi na naman sila nagkikita. Ni hindi na nga sila nagkaka-text. Hindi na ito nagparamdam sa kanya dalawang linggo na ang nakararaan.

Ano'ng nangyari? Iyon ang palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili. Sumuko na ba ito sa kanya? O talagang hindi siya nito mahal kaya hindi na ito nagpaliwanag pa sa kanya?

Hindi man niya aminin ng deretso sa kanyang sarili ay masakit ang realisasyon ng huli niyang katanungan. Dapat ay masaya na siya ngayon dahil hindi na siya kukulitin ni Kaizen, hindi na niya ito makikita at hindi na rin siya magpapanggap bilang nobya nito. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. She was longing for his quirks, his smile, his kisses...him. She can't deny the fact that she missed him more each day. Tama pala ang sinasabi ng ibang tao noon na kapag nawala sa'yo ang isang tao, doon mo lang malalaman ang halaga niya sa buhay mo.

The one person she hated the most turned out to be the one person she'll love the most in the end.

Wait a minute. Love? Mahal mo na siya? kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.

Alam mo iyong pakiramdam na tuwing tumutunog ang cell phone mo ay akala mo'y siya ang nag-text o tumatawag? Alam mo iyong pakiramdam na sa tuwing manonood ka ng basketball game nila ay inaasam mong sana'y batiin ka niya ulit? Alam mo iyong pakiramdam na iniisip mo pa lang siya ay napapangiti ka na? Alam mo iyong pakiramdam na gustong-gusto mo na siyang makita na halos sundan mo na ang bawat kilos at galaw niya at kung saan siya pupunta?

Yep. Nagawa niyang maramdaman ang lahat nang iyon dahil kay Kaizen. Naiintindihan na niya ngayon ang ginawa nitong pang-i-'stalk' sa kanya noon dahil nagawa niya rin iyon dito nitong mga nakalipas na araw. Mula sa MOA Arena—nang manood siya ng isang laban nito matapos ang isang linggong hindi pagpaparamdam sa kanya ni Kaizen—ay sinundan niya ang sasakyan nito hanggang sa building ng condo unit nito kaya nalaman niya kung saan ito nakatira. At doon nagsimula ang pang-i-stalk niya rito.

She was so glad that he's not seeing anyone yet. Ang daily routine nito'y condo at gym lang. Kating-kati na siyang i-text o tawagan ito pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil ayaw niyang siya ang unang gumawa ng move. If you would consider what she've done love, then yes, she's already in love with him. Or she could just be falling for him.

You're getting crazier each day, Czarina.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Czarina nang may marinig siyang kumatok sa pintuan ng opisina niya. Si Steffi iyon.

"Hi, Miss Czarina? Nakakaistorbo ba ako sa pagmumuni-muni mo?" anito sa kanya.

"Oo. Bakit?"

"Nagpapa-update lang po si Sir Nick tungkol sa pictorial n'yo bukas para sa Rapture," anito.

Shit! Isa pa ang pictorial na iyon bukas. Hindi niya alam kung paano sila kikilos ni Kaizen sa harap ng ibang tao. Magpapansinan ba silang dalawa? Magpapanggap pa rin ba silang magnobyo? O deadma na lang sila sa isa't isa?

"Everything's set up already. Ready na kaming lahat bukas. Pero hapon pa kami magpi-pictorial dahil may practice pa daw sa umaga si Kaizen," aniya rito.

Iyon pa ang isang ikinangingitngit ng kalooban niya. Hindi niya nakausap si Kaizen kahit na sa numero siya nito tumatawag. Ang palaging nakikipag-coordinate sa kanya ay ang manager nitong si Lily. Heck! She didn't even know that he has a manager.

"Okay. Alam ko namang magiging successful ang pictorial na 'yon dahil ikaw ang hahawak. For sure magiging exciting 'yon dahil boyfriend mo ang model. Kinikilig ako para sa inyong dalawa. Grabe lang! Dati todo ayaw mo kay Kaizen, 'yon pala kayong dalawa naman," nakangisi at kinikilig na saad ni Steffi.

How I wish na okay pa rin kami ngayon, piping dalangin niya.

"Yeah," tanging nasabi niya kay Steffi. Her mind had gone wandering on her moments with Kaizen. She just missed him so much. Hindi na niya namalayan ang paglabas ni Steffi sa opisina niya. "Ah, I need milk tea," aniya sa sarili.

Lumabas siya ng kanilang building at nagtungo sa Sky's Place sa tabi niyon. Ayaw man niyang magkita sila ni Kye ngayon ay gustong-gusto niyang makainom ng milk tea. Mabuti na lang at wala si Kye sa counter ng Sky's kaya nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya kailangang ma-guilty dito.

Lalabas na sana siya ng Sky's Place dahil take-out order ang kinuha niya pero nakita niya sa may bukana ng main door ng milk tea shop si Kye at may kasama itong ginang na marahil ay ina nito.

"Czarina, hi!" nakangiting bati nito sa kanya. Nakaka-good vibes ang ngiti nito pero mas lalo kang siyang nagi-guilty para dito.

"Kye, hello," ganting-bati niya rito.

"Tamang-tama. I made something for you," anito nang makalapit ito sa kanya aka yang ginang na kasama nito. Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag na dala nito. "Dadalhin ko sana 'yan sa opisina mo pero nandito ka na. Feeling ko na-perfect ko na ang ginger milk tea na 'yan ngayon. I'm pretty sure na magugustuhan mo na 'yan ngayon," nakangiting sabi nito sa kanya.

"Thank you," aniya rito.

"You're always welcome. By the way, meet the loveliest mom in the world. Mama Rita, this is Czarina. The one I was telling you about. Czarina, mama ko," pakilala sa kanila ng ginang ni Kye.

"Hi, hija! Finally, nakilala din kita. Kye had told me so much about you," nakangiting sabi ng ginang sa kanya. Nginitian niya lang ito dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi nito. "O, siya. Maiwan ko muna kayong dalawa d'yan," paalam nito sa kanila ni Kye.

"She's a cool mom," aniya kay Kye.

"You bet she is. Teka, ayaw mo bang umupo muna?" anito sa kanya. Umiling siya rito bilang sagot. "What's wrong?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Ha? Wala naman. Stressed lang ako sa work. Marami kasi akong tinatrabaho ngayon eh. Thank you sa milk tea ha. This would help. A lot," nakangiting sabi niya rito.

"Okay. Ahm, Czarina...if it's not too much to ask, can I have a chance with you?" tanong sa kanya ni Kye na tila nahihiya pa. Hindi katulad ni Kaizen na palaging straightforward.

This is Kye and she couldn't do nothing but be sorry to him. She felt like she led him on. Akala kasi niya noong una ay ito ang magugustuhan talaga niya dahil naiinis siya kay Kaizen. She found herself just amused at him. Napa-fascinate lang pala siya sa ugali nito. Kaya ilang date invitations nito ang tinanggihan niya. Ayaw niyang mas lalo pa itong umasa dahil alam niyang gusto talaga siya nito. She couldn't return the feelings.

"I'm sorry, Kye..."

"Oh, okay...ah, is there someone else?"

Tumango siya. "Yeah. And he'd been MIA for two weeks now," malungkot na sabi niya rito.

"Nami-miss mo na siya?" tanong nito sa kanya na para bang may bikig sa lalamunan nito. He sounded like he almost chewed his words out.

"Terribly," sagot niya rito.

"I see. Don't worry, Czarina. I know he misses you too. More than you could ever imagine," ani Kye sa kanya na hindi niya alam kung paano nito nasabi.

"I hope so," alanganing sabi niya rito.

"He does. Kung ako 'yon, I'd feel like hell," anito sa kanya.

"Kye? I'm sure you'll find someone worthy of you," aniya rito.

"I hope so too," nakangiting sabi nito sa kanya. Nagpapaumanhing nagpaalam siya rito.

Pagkalabas niya ng Sky's Place ay nagpasya ay naisipan niyang tawagan si Kaizen. She's hoping that this time, he'd be the one to answer her call and not his manager Lily. Gosh! Hindi niya alam na ganito pala siya magiging gaga sa pag-ibig. Kahit kailan kasi'y hindi siya naging ganito sa mga naging nobyo niya.

"Hello?" bungad niya rito nang sagutin nito ang tawag.

Dead air.

"Ate Lily, remind ko—"

"It's me," anang baritonong boses ni Kaizen sa kabilang linya. Her heart jolted at the sound of his voice. Suddenly, her skin became alive.

"Oh, hi," kiming bati niya rito. Nang hindi ito nagsalita ay nagpatuloy siya. "Ire-remind lang kita sa pictorial bukas for Rapture. Sa Alonzo Towers 'yon, okay?" aniya rito.

"Yeah, I know. I live there," anito sa kanya.

I know, ngali-ngaling sabihin niya rito.

"Ah, okay. Ahm...sige. 'Yon lang naman ang sasabihin ko," aniya rito.

Dead air again. Naghintay siya na putulin nito ang tawag pero hindi nito ginawa. So, she mustered all her courage to tell him something she felt over these past few days.

"I miss you, Kaizen," aniya rito saka niya tinapos ang tawag. Pagkatapos ay tinawagan niya si Cyrene para kung sakaling tawagan siya ni Kaizen ay busy na ang linya niya.

Gaga! Magsasabi-sabi ka nang gano'n 'tapos matatakot ka rin sa huli. Duwag, anang isang bahagi ng isipan niya.

"O?" sagot ni Cyrene sa kabilang linya.

"I'm getting crazy, Cy," agad na sabi niya rito.

"Gusto mong ihanap din kita ng boyfriend na matched sa'yo? Sasabihin ko kay Penn," sabi naman ni Cyrene sa kanya. Palibhasa'y tapos na ang problema nito sa pag-ibig dahil ayos na ito at si Penn.

"I want Kaizen," aniya rito.

"What? Akala ko ba ayaw mo sa kanya? As I've remembered well, ten years ago, you wanted to kill him dahil natalo ng Xavier ang Princeville," ani Cyrene.

"Well, I guess I lied to you...and to myself. Ngayon ko lang na-realize na gusto ko pala siya eh. I might be falling for him. Isa pa, the thing about killing him actually started our love story," aniya rito.

"What? Why? How? Oh my god!" bulalas ni Cyrene mula sa kabilang linya.

"And I actually stalked him," aniya pa rito.

"Oh my god!" tili nito sa telepono.

"Cyrene, ano ba? Masakit sa tainga," saway niya rito.

"Give me the entire scoop. 'Chosera ka! Paayaw-ayaw ka pa no'ng una, gusto mo rin pala!"

"Late bloomer ang feelings ko eh. Bakit ba," aniya rito.

"Playing hard to get. So, ano'ng nangyari?" excited na tanong nito.

Bumuntong-hininga siya saka niya ikinwento rito ang lahat ng nangyari. No holds barred. Ito ang nagsilbing human diary niya.

"Go get him, best friend," ani Cyrene nang matapos siyang magkwento rito.

"Paano kung ayaw na niya sa'kin?" nag-aalalang tanong niya rito.

"Papayag ka ba kung gano'n?"

Definitely not.



KAIZEN felt more like hell after talking to Czarina over the phone. He missed her terribly and she's not making it easier for him. Nakikita niya ito tuwing sinusundan-sundan siya nito. Sa gym, sa condo unit building niya. He felt flattered because she's stalking him. Pero hindi na siya dapat pang ma-involve kay Czarina ngayon. Dahil in love dito ang kapatid niya.

God, what's more difficult than that? aniyang nakatingin sa itaas ng kisame ng kwarto niya. Muli niyang inaalala ang pag-uusap nila noon ni Kye.

"I need to talk to you about something," ani Kye sa kanya. Sa tono pa lang ng pananalita nito'y alam niyang hindi na niya magugustuhan ang susunod na sasabihin nito.

"About what?"

"Remember the girl I was telling you about?"

"'Yong gusto mong i-date?"

"She's Czarina Perez," seryoso at pormal na sabi nito sa kanya. Pakiramdam niya'y may sumabog na bomba sa harapan niya nang sandaling sabihin nito ang pangalan ni Czarina. Gusto niyang isipin na namali lang siya ng dinig pero malinaw pa sa balintataw niya na sinabi nito ang pangalan ng babaeng mahal niya.

Ibig sabihin ay noong gabing nagpunta siya sa bahay nina Czarina ay iyon din ang gabi ng date nito at ni Kye. He ruined their date. Pero hindi naman niya alam na ang mga ito pala ang magka-date. Ibig ding sabihin ay gusto ito ni Czarina dahil pumayag itong makipag-date kay Kye.

This sucks! Of all the people in the world, ang kapatid pa niya ang karibal niya sa babaeng mahal niya! Alam ni Kye kung ano ang nararamdaman niya para kay Czarina at alam din niya ang nararamdaman nito sa babaeng gusto nito—na si Czarina din.

Fuckingly great! Magkaribal kami ng kapatid ko sa isang babae.

"I want to ask something from you, Zen. Sana pagbigyan mo ako," ani Kye sa kanya.

"Ano 'yon?" tanong niya rito. At natakot siya sa tanong niyang iyon. Parang ganoon din kasi ang tono ng pananalita nito noon nang hilingin nito sa kanya na siya na ang mag-try out para sa Xavier.

"I want to have her, Zen...wholly. Dahil lang naman sa isang pustahan kaya kayo magkarelasyon ngayon, 'di ba? Break up with her. Tapusin mo na ang pustahan n'yo. I want to have a chance with her at hindi ko 'yon makakamtan kung may relasyon ka sa kanya, Zen. Please," hiling sa kanya ni Kye na para bang kay dali lang ng sinasabi nito.

"You have everything, Zen. I only want her," sabi pa ni Kye sa kanya.

Hindi ba nito natatandaan ang kwento niya noon dito at sa mama nila? Hindi ba nito natatandaan na mahal niya si Czarina?

Well, everybody gets selfish when in they're in love, man.

"Okay," aniya rito. And he felt like that's the worst thing he had ever said.

Pumayag siya sa hinihiling ni Kye dahil alam niyang hindi naman siya gusto ni Czarina. Kumbaga sa isang fairy tale, siya ang kontrabida sa love story nina Czarina at Kye. Sa ginawa niya siguro, siya na ang pinakamabait na villain dahil ibinigay niya agad sa dalawang bida ang kaligayahan ng mga ito. Ayos lang kahit siya ang nagdurusa.

At least, I had a moment with the woman I love, pangongonsola niya sa sarili.

Only, you could've had many moments with her kung hindi mo siya agad na sinuko, sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya. She said she misses you, man. Ibig sabihin, gusto ka rin niya.

Damn! This sucks!

Nang tumunog ang cell phone niya at nakita niya ang pangalan ni Kye sa screen ay nag-atubili pa siyang sagutin ang tawag. Baka kasi kung ano na naman ang hilingin nito sa kanya.

"Kye."

"Zen."
"Napatawag ka?" tanong niya rito.

"Nakausap ko si Czarina kanina. You won," anito sa kanya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"She said she misses you terribly...and that means, she loves you. Thanks. I had my chance on her but you already have her heart," ani Kye sa kabilang linya pagkatapos ay pinutol na agad nito ang tawag. He had to commend her brother for having the courage to tell him all of that.

Damn great! It's now time for a come back, Kaizen.



DEAR Diary,

I told him I miss him. Yes. I miss Kaizen. I miss him. So damn much. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas but I'm still hoping for the best. At least, sana kahit isang tingin, o isang ngiti o kahit simpleng "hi" lang eh makuha ko sa kanya. Masaya na ako do'n. Pero mas magiging masaya ako kung sasabihin niyang "kami pa" rin. Na tototohanin na namin ang relasyon namin.

I wish...oh, how I wish for that to happen. The sad part was, baka hanggang wish ko lang 'yon. Shit! Bad vibes go, away! Argh! I want him. I like him. I love him. That's it. I fell for him the moment he told me he loved me. Hindi ko maintindihan kung bakit maraming tao ang nagpapasensiya at naghihintay. Waiting sucks. I sucked. :'(

Yours,

Czarina

---

---

Wala kasing sukuan.

Please vote, share and comment your thoughts down below. Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 9.2K 6
Dela Marcel I : Kiella Fifth Dela Marcel Story by: Diyosangwriter Cover by: CookieMallows
119K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?
3.2M 62.1K 45
Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's own Superman. Lahat ng kapritso nito ay...
66.8K 880 23
GRAB THE HARD COPY OF REACHING THE SKY PUBLISHED UNDER 8LETTERS BOOKSTORE AND PUBLISHING ♡ || There are things that people wanted to have but they ca...