ENCANTADIA Season 2 - The Win...

By BenificentGirl

29.7K 1.2K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... More

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
PART VIII | Trahedyang Naganap
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso
Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante

615 26 10
By BenificentGirl

Sa tagal na ng nagdaang panahon na hindi na ginamit ng mga diwata ang brilyante na sinimulan ng mga at puno't dulo ng pagkikipagdigmaan at pagkikipag-agawan sa mga kapangyarihan nito na inasam ng marami ay ngayon nalang muli ito hinati at nagkahiwala-hiwalay. Akala ng mga diwata ay hindi na nila muling paghihiwalayin pa ang mga brilyante ng naging sanhi ng pagkawala ng marami, ngunit heto sila ngayon at humaharap na naman sa mga bagong banta sa Encantadia at isa sa pinaka kinatatakutan nila ulit mangyari. Matapos ang huling madugong digmaan ng nakaraan, ay naging malaya ang kanilang mundo na mamuhay ng payapa at wala nang pinangangambahan pang kalaban at ang maganda pa'y napaunalad ang buhay ng bawat isa at ang mga kahariang nasa Encantadia.

Ang Lireo na patuloy ang pag-unlad at pagtulong sa mga Encantadong walang lupa at matitirhan at lalo pang pinalalago ang kanilang agrikultural at malawak na pataniman para sa lahat. 

Ang bagong bangon na Kaharian ng Sapiro na ang may gawa ang magiting nilang Rama na si Rama Ybrahim kasama ang kanyang anak at apo na sila Lira at Cassandra, ay siyang naging kanlungan at tahanan ang kanyang kaharian ng mga encantadong nais makawala at magbago sa mga liko nilang gawain noon upang maging tapat na tagapag lingkod sa kaharian na tinanggap sila ng walang pag-aalinlangan.

Ang pag-unlad ng Hathoria kasabay ng pagsanib nila sa kabutihan na siyang pinamumunuan ng kanilang magigiting na Hara Pirena at Rama Azulan na isang Punjabwe ay masaya na sa kanilang pamumuhay at pamilya kasama ang anak ni Pirena na si Mira at ang bagong diwani ng kanilang pamilya na si Fauna.

At ang huli ay ang pagtatag at pagbangon ni Hara Alena ng Kaharian sa Adamya upang muling tirhan ng dati nitong mga nasasakupan. Ang pagtatag ng kaharian para sa posibleng hinaharap nilang Hari nito na si Adamus, na siyang unang salinlahi ng magkahalong dugo ng isang magiting na diwata at isang matapang na Adamyan. Ang siyang sanang magbubuo sa kapayapaan ng buong Encanadia.


Ngunit sa ngayon ay hindi na muna tuloy tuloy ang kapayapaang ninais nila maging noon pa, sapagkat may nagbabanta na namang kalaban na hindi pa sila sigurado na makakaya nilang labanan. Sapagkat pinaglalaruan palang sila nito at hindi pa pinakiilala ang kanya tunay na katauhan at pakay sa mga lalang ng Encantadia. Pagkatapos kunin ng mga sang'gre ang mga brilyante sa Lireo ay nagmadali na silang puntahan ang mga nagyelong Adamyan sa silangang bahagi ng gubat. Pagkarating nila doon ay dali daling lumapit si Pirena sa mga kaawa-awang Adamyan na naninigas sa lamig.


= KAGUBATAN SA SILANGANG BAHAGI NG LIREO =

Pirena:*patakbong lumapit sa mga Adamyan at ibinuka ang kanyang kanang palad**lumabaas ang brilyante ng apoy* Brilyante ng apoy, tulungan mo akong palambutin at tunawin ang makakapal na yelong bumabalot sa kanilang katawan at biyan mo ulit ng init ang kanilang katawan nang sa ganon aymabuhay silang muli at makabawi nang lakas.


Pagkasambit non ni Pirena ay agad na natunaw ang mga yelong bumabalot sa kanilang mga katawan at sa tuluyang pagtunaw sa mga yelo ay nakita narin nila ang paghinga ng mga ito at nanginginig parin lahat sa lamig. Masaya naman si Alena na ligtas silang lahat, maliban sa isang argonang hindi na kayang gamutin pa.


Alena:*nawala ang konting lungkot at pangamba* Banak Nakba, mga Adamyan, mabuti naman naagapan pa namin kayo. Wag na kayong mag-alala huh? Ligtas na kayong lahat. 

Banak:*speaking in Adamyan language* Avisala Eshma mahal na reyna. Akala ko ay mamamatay na kami nila Nakba at iba pa naming kasama.

Nakba:*speaking in Adamyan language* Oo nga po mahal na reyna. Ang gusto lang naman po sana namin ay maglaro lang sa gubat dahil matagal na naming hindi nabibisita ang Lireo pagkat gumanda na at may sarili nang kaharian ang Adamya. Poltre mahal na reyna, akala namin ay payapa na ang Encantadia.

Alena:*naintindihan sila* Wag na kayong humingi nang tawawad dahil hindi naman natin aakalain na hindi pa pala tapos ang kasamaan dito, mayroon pa pala. O, sa susunod wag na wag muna kayong lalabas sa inyong tirahan, ayos ba iyon? Ayoko na kayong mapahamak muli dito ng inyong mga kasama naiintidihan nyo ba ako?

Banak Nakba: Masusunod po Hara Alena. 

Lira:*niyakap sila Banak Nakba* Minions!! Sobrang nag-alala ako sa inyo!

Banak: Maayos na kami sang'gre Lira, Salamat po sa inyong mga diwata.

Lira: Basta kayo mga minions! Wag na muna kayo maggala-gala huh?? Baka kasi kung ano na namang mangyayari sa inyo. Wag muna kayo lalayo sa Adamya huh??

Banak Nakba: Masusunod mahal na sang'gre.

Alena:*kinuha ang mga balabal na nasa isang kawal ng Lireo at itinaklob sa mga Adamyan* Ito para hindi kayo lamigin.*inutusan ang mga kawal ng Lireo* Mga kawal, ihatid ang mga Adamyang ito sa kaharian ng Adamya. Bantayan silang maigi upang hindi na ito maulit at makapag-ipon na muli sila ng lakas.

Kawal: Masusunod mahal na reyna.*hinatid na ang mga Adamyan pabalik ng Adamya*

Mira:*natutuwa* Ina, nagawa nyo pong mailigtas sila!

Pirena: Nailigtas natin sila, Mira. At niligtas sila ng brilyante, hindi lang ako. *sigh* Sayang nga lang at hindi natin naabutan ang argonang sinaksak at binalot pa sa yelo.

Alena: Sa ngayon mga apwe, Lira, Mira, Paopao at lahat ng kasapi ng konseho ay bumalik ng Lireo at ako'y magpapatawag na pagpupulong tungkol sa mga kaganapang ito at kung sino man ang nanggugulo sa atin ngayon.

Danaya: Ipapatawag ko nalang si nunong Imaw sa Adamya upang makisali sa atin sa pagpupulong. Mahal ko, mauna kana sa Lireo.

Aquil: Hindi mahal ko. Sasama ako sa iyo, hindi ako mapapakali na wala ka sa aking tabi lalo na ngayon, may paparating na naman tayong kalaban.

Danaya: Avisala Eshma, irog ko. Maaasahan ka talaga sa lahat ng bagay.

Aquil:*lumapit ka Danaya at bumulong* Walang anuman mahal ko. Pero maaari bang makahingi ng isang matamis na halik jan??*smiles*

Danaya:*sinungitan si Aquil* Ang dami mong alam. Bahala ka na nga jan, I love you ka talaga!*at nauna nang umalis*

Aquil:*nagmamadaling sabayan si Danaya* Mahal ko, saglit lamang, wag mo akong unahan!*pagkasabi nya noon ay nakahawak pa si Aquil sa balikat ni Danaya bago pa ito maglaho*


Habang naglalakad sila Lira, Mira at Paopao kasama ang mga kawal pabalik ng Lireo ay nagtanong si Mira sa kanila kung bakit ni Hara Alena pinasama ang dalawa sa kamara ng mga brilyante.


Mira: Bessy tanong lang, bakit kayo sinama ni Paopao kanina sa kamara ng mga brilyante? Anong ginawa ny doon?

Lira:*lumapit ng konti at bumulong* Ganito kasi yun bessy.*huminto silang tatlo sa paglalakad at binuka ni Lira ang kanang palad nya sabay na lumabas ang brilyante ng hangin*

Mira: Nasa iyo ang brilyante ni inang Amihan?

Lira: Oo, at yung brilyante ng diwa naman ay na kay Paopao ulit. Naisip kasi nila ashti Alena baka manganib na naman ang mga to kapag iniwan nila na hindi buo sa kamara ng mga brilyante. Eh baka daw may pumunta na namang Godzilla doon na gustong manakaw ang mga to kaya pinatago na muna nila sa amin.

Paopao: Oo nga po ate Mira, lalo napo itong kaibigan ko madaling makuha ng ibang encantado.*nilabas ang brilyante ng diwa at pinakita kay MIra sabay binalik rin*

Mira: Tama lang ang ginawa nila ashti dahil nga natatakot na silang mangyari muli ang noon.

Lira: *sinarado na ang palad at nagpatuloy na sa paglalakad*Natutuwa nga ako bessy kasi dream ko talaga mahawakan ang brilyante ni inay. Triny ko na hawakan to dati kaso you know, shy type si madam.*natawa si Mira*

Paopao: Bilisan napo natin ang paglalakad kung ayaw nyong gumamit ng Ivictus.

Lira: Masarap kaya sa feeling minsan na naglalakad ka. Ayokong masyado umasa sa kapangyarihan ko.

Mira: Halina kayong dalawa sa pagpupulong at ay importante pa tayong pag-uusapan lahat.


*******************************

= SA HILAGANG HARDIN NG LIREO =


Pagkatapos ng aralin ng mga batang sang'gre kay Mashna Muros ay pinabayaan muna sila nitong magpahinga at maglaro muna sa hardin upang maliang habang nag-aantay ng susunod nilang gagawin.

Cassandra:*tumatakbo dahil hnahabol sya ni Adamus* Habulin moko! Bilisan mo nga Adamus, kahit kailan talaga napaka slow mong tumakbo!*tumawa*

Adamus: Anong slow?*hinahabol parin si Cassandra*

Cassandra:*inaasar si Adamus* HAAHAHAHA, hulaan mo!


Maya maya ay tumigil si Cassandra sa katatakbo na ani'y moy'y inaasar ang nahuling Adamus na pinapakiramdaman nya kung malapit na sa kanya. Nakita naman ni Adamus ang paghinto ni Cassandra na nakatalikod sa kanya. Napangiti lang si Adamus nang tahimik dahil ang nasa isip nya ay pagkakataon na nya upang mataya si Cassandra kaya dahan- dahan syang pumupuslit sa likod nito. Nang makalapit na sya sa likod ni Cassandra, hahawakan at tatayain na nya sana nang bigla itong maglaho.


Adamus:*nabigong tayain si Cassandra* Grabe ka talaga Cassandra nakapadaya mo talaga kahit kailan! Uy! Walang gamitan ng Ivictus mga Ashtadi! Isa pa kayo, Fauna at Aliyah. Uy, wag nyo naman akong taguan! Ang pagkakaalam ko ay habulan ang nilalaro natin hindi taguan!


Ang mga naka Ivictus na mga sang'gre ay mahinang pinagtatawanan ang nalilito nang Adamus. Maya-maya ay nagpakita na si Fauna sa kanya, nasa taas ng puno at inaasar pa ang pinsan.


Fauna:*nagpakita sa taas ng puno* Tayain mo muna kami.*naglaho ulit*

Adamus: Napakadaya nyo naman lahat. Ako na nga lagi ang taya, gagamit pa kayo ng Ivictus.*crossed his arms and sadly sat on a rock*


Lumabas si Aliyah at nagpakita sa harapan nya at umupo sa tabi nito.


Aliyah:*tumabi at pinalopalo ng mahina ang likod**tumawa* Grabe ka naman Adamus, masyado ka namang pikon eh. Napagkakatuwaan ka lang namin, eh ikaw lang kasi ang lalaki sa amin eh.*inasar si Adamus*


Tiningnan ni Adamus si Aliyah na concern sa nararamdaman nya kaya grinab nya ang pagkakataon na iyon upang linlangin si Aliyah at sya naman ang maging taya sa kanilanga apat.


Adamus:*kunwaring malungkot at tumayo* Kaya pala lagi nyo akong pinagkakaisahan dahil ba ako lang ang lalaki sa inyo?*humarap kay Aliyah*

Aliyah:*tumayo at lumapit na naman kay Adamus* Uy, patawarin mo na kami. Sige na, palalabasin ko na yung dalawa.

Adamus: Salamat ah. Ang bait mo talaga Aliyah, pero wag mo muna silang tawagin.*malungkot parin*

Aliyah:*nagkamot ng ulo* Eh bakit naman? Diba ayaw mo nang maglaro dahil lagi kang taya at ginagamitan ka namin ng Ivictus?

Adamus: Oo, pero nagbago isip ko.*tumingin at ngumiti*

Aliyah:*nagtaka* Eh bakit naman?

Adamus:*nakakalokong ngiti kay Aliyah*Dahil may bago nang taya. 

Aliyah: Eh sino naman?*nalilito*

Adamus:*nginitian si Aliyah ng malaki at hinawakan ang braso nya*IKAW!*sabay nag Ivictus*


Nagtawanan ang mga nagtatagong sang'gre dahil nauto ni Adamus si Aliyah sa sobrang bait nitong ugali.


Aliyah: Kainis ka Adamus!! Naisahan mo ako don ah, humanda ka hahanip talaga kita!*sabay takbo kung saan sa hardin*


Samantalang napunta si Adamus sa may gilid ng puno at nagtago sa likod ng puno na pinipigolan ang sariling tumawa at baka marinig sya ni Aliyah at baka mataya na naman sya ulit nito. Habang nagtatago sa gilid ng puno, nakaramdam sya ng panlalamig ng kanyang paligid kaya napahawak sya sa kanyang mga balikat. Nagtaka sya kung bakit lumamig ang simoy ny hangin. Maya-maya ay tumingala sya sa kawayan ng puno at may nakita sya doong isang mala yelong pashnea na ngayon nya lang nakita.


Adamus:*amazed* Napakaganda mo namang nilalang. At kakaiba ka din dahil isa kang yelong pashnea at ngayon lamang ako nakakita ng ganito. Maaari ka bang mahawakan?*inangat ang kamay para hawakan ang yelong pashnea na ngayon nya lang nakita*


Mahahawakan na sana ni Adamus ang yelong pashnea nang biglang dumating sina Amarro at LilaSari at tinawag si Adamus.



Amarro: Diwan Adamus, bakit ka mag-isa jan sa gilid ng puno?

Adamus: Ginoong Amarro! Ginang LilaSari! Andito po pala kayo.


Lumingon muli si Adamus sa taas ng puno at hinanap ang yelong pashnea, ngunit paglingon nito ay wala na ang pashneang yelo na nakita nya kanina. Maging si LilaSari at si Amarro ay napalingon sa direksyong tinanaw nito.


LilaSari: Diwan Adamus, anong tinitingnan mo sa punong ito?

Adamus: Ah, wala naman po. May nakita lang po akong pashnea na yelo ang buong katawan ngunit buhay sya at nakakagalaw.

Amarro: Hhhmm, pashneang yelo ang katawan. Kakaiba nga. Ngunit saan sya nagtungo diwan?

Adamus: Bigla nalang po naglaho pagtingin ko muli bigla naman ito naglaho sa puno, hindi ko po alam kung saan ito nagpunta.


Habang nag-uusap silang tatlo ay biglang lumitaw sa paligid nila ang tatlong diwani na tinatawanan si Adamus.


Adamus: Bakit kayo nasisitawanan?

Fauna:*tumatawa* Ginoong Amarro at Ginang LilaSari. maaari bang mag-anak na po kayo, yung lalaki po ah para naman po may kasama napo itong si Adamus.

Cassandra: Oo nga po lagi nalang pong OP si Adamus sa amin eh.*nagtinginan sina Amarro at LilaSari dahil himdi nila alam*

LilaSari: Ano ang OP diwani Cassandra?

Cassandra: OP po as in Out of Place.

LilaSari:*ngumiti* Agape Ave mahal na diwani ngunit hindi namin maunawaan ang iyong mga tinuran at pananalita.

Amarro: *tiningnan si LilaSari*Mahal, sapagkat ang ina nyang si Lira ay namuhay nga noon sa mundo ng mga tao kaya ganyan ang kanilang mga pananalita. Malamang ay itinuro sa kanya ni Sang'gre Lira ang mga sinasambit nya. Pero tama ka diwani Fauna, siguro'y pag-iisipan muna namin ng aking mahal na asawa ang inyong hinihiling nang sa gayon ay may bago na kayong kalaro at may makasama narin si diwan Adamus.*small laugh*

Aliyah: Ayos po iyan Ginoong Amarro para mas sumaya po kaming lahat. *all laughs*


Maya-maya ay nagsipasukan na ang mga paslit para sa susunod nilang gawain at maging sina Amarro at LilaSari ay sumama narin sa paspasok.


= SA BULWAGAN NG LIREO =


Nagpulong pulong muli ang mga Rama, Hara at maging ang mga Sang'gre sa Bulwagan upang pag-usapan ang mga nagaganap ngayon sa Encantadia at kung sino ang nagpapatay at nanggugulo sa mga pashnea at ibang Encantado. Nakaupo na ang ibang nauna sa Lireo nang dumating sina Danaya at Aquil na kasama si nunong Imaw dahil sinundo nila ito sa kaharian ng Adamya. At dumalo rin ang Bathalumang Cassiopea sa pagpupulong upang malaman ang kanilang pag-uusapan.


Imaw: Mahal na Reyna Alena, nagpatawag daw kayo ng isang pagpupulong?

Alena: Oo nunong Imaw. Pagkat may importante tayong pag-uusapang lahat, tungkol sa mga kababalaghang nagaganap muli dito sa Encantadia. Muros?*sinenyas ang setro ni Mine-a* 

Muros:*binigay ang setro kay Alena* Hara.

Alena:*tinanggap ang setro* Avisala Eshma.*itinaas ang setro at umilaw* Ipinatatawag ko ang pagpupulong na ito. Nawa'y patnubayan tayo ng malinis na pag-iisip at malawak na pag-intindi.*binaba ang setro sa lamesa at nagsimula na ang pagpupulong*

Imaw: Tungkol saan ang pagpulungan natin mahal na reyna?

Alena: Tungkol sa mga nagaganap ngayon dito sa Encantadia. Ang panggugulo at pamiminsala ng isang nilalang na hindi natin alam ang dahilan.

Pirena: Kung kaya nyang saktan ang mga pashnea sa gubat, kaya nya ring masaktan ang mga Encantadong makikita nya, na syang ayokong umabot tayo sa ganoon.

Lira: Nakita ko po yung nilalang na possible pong nagpapatay ng mga pashnea at pinaglalaruan sila.

Ybrahim: Anong nakita mo anak? Namukhaan mo ba sya?

Lira: Malabo itay pero babae sya na may powers. Yung malamig nahangin ay lumalabas sa kamay nya at nagagawa nga nyang yelo ang mga gusto nyang biktimahin. Alam nyo po yun para po syang si Elsa sa Frozen.*nalilito ang lahat sa mga pinagsasabi nya*

Danaya: Sinong Elsa, Lira? At anong Frozen ang pinagsasabi mo?

Lira: You know guys? Let it go, let it go?*ginagaya ang moves ni Elsa habang nakatingin ang lahat sa kanya*

Pirena: Ssheda Lira! Kahit kailan talaga ay wala kang kwentang kausap.

Lira:*nilagay ang kamay sa dibdib* Grabe naman Ashti, walang kwenta kaagad? Dinidescribe ko lang yung nakita ko. Palibhasa po kasi di pa uso cartoons sa inyo dito,*inisnab si ashti Pirena nya sabay tahimik na tumawa si Mira kay Lira*

Danaya: Bathaluman wala ka ba talagang magagawa upang makilala natin ang sinasabing babae ng aking hadia? Bakit ganoon nalang kalakas ang kanyang kapangyarihan upang maharangan nya ang kakayahan nating makita sya?

Cassiopea:*wisdom symbol lights up in her forehead* Hindi ko rin alam Danaya. Kahit ako na Bathaluman na ay nahaharang parin nya ang aking kakayahan upang siya'y aking makita. Ngunit may hinala  na ako kung sino ang maaring gumagawa nito at siya ay muli nang magbabalik sa Encantadia.

Alena: Babalik? Hindi kita maintindihan Bathaluman. sino ang sinasabi mong maaaring magbalik at magiging malaking banta na naman ba sya sa amin?

Cassiopea*wisdom symbol lights up in her forehead*Hindi ko pa maaaring sabihin sa inyo kung sino sya pagkat hindi pa ako nakakasigurado kung tama nga ang aking hinala. Ngunit kung mapatunayan ko nga na totoo ang aking hinala, oo. Maaari syang maging napakalaking banta muli sa atin at sa Encantadia. Sana ay hindi sya ang naiiisip ko na muling magbabalik dito.*worried*

Muros: Kung sino man yang tinutukoy mo Bathaluman ay lubos na kaming natatakot para sa mga Encantado ngayon palang, sapagkat hindi pa natin alam kung hanggang saan ang kapangyarihan nya.

Mira: Kung gayon ay maghanda na tayo ngayon palang hangga't wala pa syang masyadong napipinsala. Dapat ay wag na muna tayong maging pabaya sa ating mga kinikilos at lagi tayong maging alisto dahil ilang saglit lamang ay mananakit na naman sya ng ibang nilalang dito.

Cassiopea:*wisdom symbol lights up in her forehead* Mga Hara at Rama ngayon palang ay magsipaghanda na tayo sa kung sino man ang muling susugod sa inyo dito. Iminumungkahi ko rin na aking ipagpatuloy ang pag-eensayo sa mga natirang napili kong tagapangalaga noon upang maging handa na sila sa anumang laban o digmaang inaasahan natin.

Alena: At mas mainam muna siguro na huwag na muna namin ibalik ang mga brilyante sa kanilang lagayan at kailangan muna namin itong panatilihing magkakahiwalay sa aming mga magkakapatid upang sa ganon ay mas mabilis naming mapapangalagaan ang mga nangangailangan muli ng aming mga tulong.

Lira: Pero ashti, paano po ang mga brilyanteng hawak namin ni Paopao ngayon?

Paopao: Oo nga po ate Hara Alena. Kanino po namin ipapahawak ang mga to?

Casseopea*wisdom symbol lights up in her forehead*Mas mabuting nasa inyo na muna iyan Lira, Paopao. Sapagkat bilang magiging susunod na tagapangalaga ng mga iyan, kailangan nyong matutunan at maging bihasa sa mga kakayahan at kapangyarihan ng mga ito. At ikaw Mira, maaari mo namang hiramin ang brilyante ng tubig kay Alena sa oras ng ating pagsasanay.

Mira: Avisala Eshma Bathaluman.

Lira: Eh pero wait po, tita Bathalumang Cassiopea. Diba po ako po ang pinili ng sagisag ng brilyante ng lupa noon? Maaari ko po bang gamitin ang brilyante ni inay kahit na hindi po ako ang napili nyang tagapangalaga?

Cassiopea: Maaari naman Lira. Sapagkat ang dalawa nitong napili ay pumanaw na hindi ba?

Lira:*nalungkot* Sila Arianna at Muyak.*hinagod naman ni Ybrahim ang likod ng anak*

Cassiopea: Kaya maaari mo itong gamitin Lira. Sapagkat may posibilidad na payagan ka nito na maging bago nyang tagapangalaga.

Azulan: At saan naman sila mageensayo Bathaluman? Ayaw na naming mauit pa ang nakaraan.

Cassiopea:*naalala ang nangyari noon* Sa ngayon, mas ligtas kung dito ko muna sila ilalagay sa Lireo nang mabantayan sila ng maigi at hinding hindi na muli ako aalis sa kanilang tabi.

Pirena: Sana nga karapat dapat kana ulit sa aming tiwala Bathaluman, dahil kaligtasan lang naman ang iniisip namin sa mga bagong tagapangalaga, lalong lalo na sa kaligtasan ng aming mga anak.

Cassiopea: Makakaasa kayo Hara Pirena, Rama Azulan at Rama Ybrahim na hinding hindi ko muli pababayaan ang inyong mga anak.

Danaya: Baka nga oras na para muli nating gamitin ang mga brilyante na aming tinago sa matagal na panahon.

Alena: Kung magsasanay nang muli ang mga tagapangalaga ay kailangan narin natin siguro magpatibay at mag-ensayo muli ng ating mga hukbo.  Mga Mashna ng tatlong kaharian pag-igihin pa ang pagsasanay sa inyong mga kawal. Mashna Muros ng Lireo*nagbigay pugay si Muros*, Mashna Maica ng Sapiro *nagbigay pugay si Maica*, at Mashna Ramir ng Hathoria *nagbigay pugay si Ramir*pag-igihan at pagtibayin ulit ang inyong mga kawal at hukbo nang sa gayon ay maging handa na muli tayo sa posibleng mangyari at nang maipagtanggol muli natin ang Encantadia.

Mga Mashna: Masusunod mahal na reyna Alena.*nagbigay pugay*

Cassiopea: Sa ngayon ako na muna ang maghahanap sa nilalang na muling sumisira ng ating katahimikan. At ako na rin muli ang susubok sa tatlong natitirang tagapangalaga na napili noon ng mga sagisag kasama ang mga brilyane upang matutunan at makasanayan na nila ang mga kapangyarihan ng mga ito.

Danaya: At manghihikayat rin ako ng mga gunikar sa Adamya na mag-ensayo sa pakikipaglaban upang mas lumakas pa ang hukbo at ating pwersa pagdating ng takdang panahon.

Alena: Sasamahan kita Danaya pagkat kakamustahin ko rin muli ang mga Adamyang nasaktan kanina. Iyon muna ang mapag-uusapan natin. Sa ngayon,*inangat ang setro ni Mine-a* tinatapos ko muna ang ating pagpupulong. Muros pakibalik muli ito sa kamara ng mga brilyante.

Muros:*kinuha ang setro kay Alena* Masusunod mahal na Hara.

Alena: Aquil, Amarro, samahan mo kami ni Danaya patungong Adamya.

Aquil at Amarro: Masusunod mahal na reyna.


Umalis na sina Cassiopea sa Lireo at nauna na sina Azulan, Pirena at si Ybrahim kasama ang kanilang mga mashna patungo sa kani-kanilang kaharian. At bago pa makaalis sila Alena, Danaya at ang mag-amang kawal ng Lireo, lumapit sa kanila si Lira.


Lira: Ashti Alena! Wait lang po.*lumingon naman sila kay Lira* May isasauli lang po ako. Kung pwede po kayo po muna magtago.*inilahad ang kanang kamay at lumabas ang brilyante ng hangin* Kukunin ko nalang po kapag mag eensayo napo kami.*smiles*

Alena: Bakit Lira, ayaw mo bang ikaw muna ang magtago sa brilyante ng iyong ina?

Lira: Eh hindi naman po sa ganon ashti pero, hindi po kasi ako sanay na may hawak po na ganitong makapangyarihang bagay.

Alena:*hinawakan ang kamay ni Lira at isinara ang palad ni na maybrilyante* Lira, narinig mo ba ang sinabi ng Bathalumang Cassiopea? Kailangan nyo nang masanay na may hawak na brilyante. At isa pa, bagay sayo ang brilyante ni Amihan. Ipangako mo lang sa amin na aalagaan mo ito, ayos ba iyon?

Lira: Opo ashti, aalagaan kopo ito promise. Syempre po mahalaga po ito kay inay kaya pahahalagahan ko rin po ito para sa kanya.*smiles then hugs Alena*

Alena: Sige na Lira, kailangan na naming umalis.


Pagkatapos nilang mag-usap ni Alena ay naglaho na sila papunta sa Adamya. Si Lira naman ay sumama kayla Mira at Paopao at naglibot muli sa Lireo.


= KAHARIAN NG NYEBE NG KAPATID NI CASSIOPEA =

Kakambal ni Cassiopea: *wicked laugh* Nakakatawa naman ang mga diwata aking alaga.*nasa kamay ang yelong pashnea* Talagang nasindak na sila sa aking simpleng handog [ara sa kanila. At ngayon ay nagsisipaghanda na?*nakatingin sa setro nya at pinapanood ang mga diwata* Mga nakakaawang nilalang. Maging ang aking kapatid ay hindi malaman na ako ang gumagawa ng mga iyon, *sigh* walang kwentang Bathaluman.

Castrell: Isang walang kwentang bathaluman na kayang kaya mong talunin mahal na reyna.

Kakambal ni Cassiopea: Alam ko Castrell. At alam ko ring wala namang kalaban laban sa aking mga mga Sang'greng pashneang mga diwata na yan.

Castrell: Kaya nga nananabik na akong makaharap ang mga pashneang diwata na iyan mahal na reyna, at mapatay ko na ang sinasabi nilang Luntaie*galit*.

Kakambal ni Cassiopea: At bakit sabik na sabik kang mapaslang ang anak ng namayapang Hara ng Lireo na si Amihan?

Castrell: Hindi ba sya ang susunod na tagapagmana ng trono ng Lireo mahal na reyna?

Kakambal ni Cassiopea: Sya nga Castrell, ano naman sa iyo kung sya nga?

Castrell: Sapagkat nais ko syang mamatay upang mapaghiganti si Adhara sa mga diwata dahil hindi nila ito kinilala bilang tagapagmana rin ng trono. Pinalit pa nila ang walang kwentang apo ni Dimetria.

Kakambal ni Cassiopea: Si Mine-a.

Castrell: Kapag mapatay ko ang Lirang iyon, magiging masaya na ako dahil mapaghihiganti ko na si Adhara. Si Adhara na aking kaisa-isang anak.




Avisala Encantadiks!! Sana po nagustuhan nyo po ang part na ito. Hope you guys vote and comment rin para makilala ko  rin ang mga nagbabasa ng story ko. Sana po support nyo po ang story ko. Avisala Eshma!!


Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...