Maggie's Diaries Book 3: Nobo...

Od _cinnamondreamer_

4.3K 203 50

"Not every guy can tell the whole world how fortunate he is to have a girlfriend like you. I can. And I alway... Více

Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Epilogue

Chapter Two

272 17 3
Od _cinnamondreamer_

YOU can do this, Czarina! Si Kaizen Arenzana lang siya. Kayang-kaya mo siyang harapin at kumbinsihing maging model ng Rapture. Kayang-kaya mo 'yon, pagtsi-cheer ni Czarina sa kanyang sarili habang naghihintay siya sa labas ng Rain or Shine dugout. Hinihintay niya roong lumabas si Kaizen—ang taong pinakaayaw niyang makaharap pero kailangan.

Hindi gumana kay Kaizen ang convincing powers ni Kim kaya balik sa kanya ang "operation: convincing Kaizen". Nagpunta si Kim sa gym kung saan nagpa-praktis ang team nina Kaizen pero hindi daw ito hinarap ng lalaki dahil nalaman ng huli na naroon si Kim para sa Rapture. Pero naging matiyaga si Kim dahil hinintay talaga nitong makalabas ng gym si Kaizen. Sinundan pa daw nito ang basketball superstar sa isang restaurant para ma-corner ito pero tumawag daw ng mga guwardiya si Kaizen para itaboy si Kim.

Kaya sa huli ay sumuko rin si Kim. But "giving up" is not in her dictionary. By hook or by crook, magiging Rapture model si Kaizen. Kahit na anong inis niya rito'y gagawin niya ang lahat para makuha ito—para sa Rapture siyempre.

Nang makarinig siya ng mga yabag at ng mga boses ay agad niyang inayos ang kanyang sarili. Nagsuot siya ng wig na kakulay ng buhok niya at dark sunglasses bilang props niya. Ayaw niya kasing makilala siya ni Kaizen dahil sampung taon nang nakalipas ay may naging pustahan sila nito. Kapag siya ang unang lumapit kay Kaizen at magmakaawa sa atensyon nito'y magiging nobya siya nito sa isang pitik lang. Pero kapag ito ang unang lumapit sa kanya'y magkakaroon siya ng bahay at kotse sa isang pitik lang. Kaya hindi siya nito maaaring makilala.

Ipinapanalangin na lang niyang sana'y hindi siya nito makilala at sana'y limot na nito ang tungkol sa naging pustahan nilang dalawa.

Naghanda siya ng isang malawak na ngiti para isalubong kay Kaizen. Kanina lang niya naisip ang istratehiyang ito at sana lang ay maging epektibo. Magpapanggap siyang isang super fan ni Kaizen para makuha ang atensyon nito. May puso kasi si Kaizen sa mga fans nito kaya alam niyang papansinin siya nito.

Isa-isang lumabas ng dugout ang mga Rain or Shine players pero hindi niya binati ang isa sa mga ito dahil loyal San Mig fan niya. Mas gusto pa nga niyang asarin ang mga players na ito ngayon dahil nanalo ang team niya laban sa mga ito. Series tied to one na ang status ng PBA Finals ngayon at proud na proud siya sa San Mig Coffee Mixers niya.

"Kaizeeeeeen! Ang galing-galing mo kanina pero sayang dahil natalo tayo 'no? Hayaan mo, bumawi ka na lang next time. Mananalo ang RoS next game! Fighting!" masiglang bungad niya kay Kaizen kahit ulo pa lang nito ang nakita niyang lumabas ng dugout. Napatingin sa kanya ang mga players na naunang lumabas dito pero hindi niya pinansin ang wirdong tingin ng mga ito sa kanya.

Sorry, San Mig. Todo cheer naman ako sa inyo kanina eh.

Imbes na magsalita ay tiningnan lang siya ni Kaizen mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy siyang na-conscious sa get up niya. Nakasuot siya ng dress na hakab sa katawan niya dahil galing siya sa isang luncheon meeting at dumeretso siya sa Mall of Asia Arena para manood ng laban ng mga ito. Hindi na siya nakapagpalit ng damit. Mabuti na lang nga at nakasuot siya ng high heeled shoes dahil kahit papaano'y umabot siya sa balikat ni Kaizen. Pero alam niyang ang nakakuha ng atensyon nito'y ang wig at shades niya.

May narinig siyang sumipol pero hindi na siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon. Nang dumako ang tingin ni Kaizen sa kanyang mukha ay ngumiti siya—kahit plastik na ngiti lang iyon. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya iyon pero may nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata ni Kaizen nang matitigan nito ang mukha niya.

Nakilala ba siya nito?

"Gutom na ako. Let's go," sabi lang ni Kaizen saka siya nilampasan at umagapay ito sa paglalakad sa iba pang miyembro ng Team RoS. Napanganga lang siya dahil sa naging reaksyon nito.

Don't just stand there, Czarina! Follow him before he gets away, anang isang bahagi ng isipan niya na sinunod naman niya.

"Kaizen, wait lang. Pwede bang magpa-picture with you? O, kaya naman, autograph? Please? I'm a big fan," pangungulit niya kay Kaizen habang umaagapay sa paglalakad nito.

"Saan ba masarap kumain ngayon?" pambabale-wala ni Kaizen sa kanya.

Kung hindi lang para sa trabaho ko 'to, nunca kitang lapitan man lang! ngali-ngali niyang sabihin dito.

"Dude, why don't you take her out to dinner instead?" anang isang ka-teammate ni Kaizen dito.

"Hindi ako nakikipag-date sa babaeng hindi ko kilala at hindi ko nakikita ang mukha," sagot ni Kaizen sa teammate nitong nagsalita.

"Miss, tanggalin mo na ang wig at shades mo. Malay mo, you might get a chance to have a date with Kaizen," anang isa pang kasama ni Kaizen.

Oh, no, no, no, no, no! At lalong ayaw kong makipag-date sa kanya 'no!

"She's got a nice ass, man," anang isang teammate nito.

"And a good front bumper too," sabi pa ng isa.

"She's hot. Never mind the face," sabi naman ng isa pa.

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa mga sinasabi ng mga ito tungkol sa kanya—sa katawan niya. At pangit ba siya? "You all know that I'm standing right here and I can clearly hear you!" inis na sigaw niya sa mga ito.

"We're sorry, babe," natatawang hinging-paumanhin ng isang player.

"Don't call her that," biglang sabi ni Kaizen na ikinataas niya ng isang kilay. "Mauna na kayong kumain. Basta i-text n'yo ako kung saan kayo pupunta," anito sa mga ka-team nito.

Pagkasabi niyon ni Kaizen ay inulan ito ng tukso ng mga kasama nito. Ilang minuto rin bago humupa ang mga pag-aasaran bago tuluyang umalis ang Team RoS at silang dalawa na lang ni Kaizen ang naiwan sa may dugout.

"Why are you here, Czarina? As far as I know, San Mig ang paborito mong team," sabi sa kanya ni Kaizen.

"Natatandaan mo ako? At paano mo nalamang ako 'to? Paano mo rin nalaman na San Mig supporter ako?" gulat na tanong niya rito.

"I know your voice. Hinding-hindi kita makakalimutan. We made a bet, remember? I'm keeping that bet until now. Isa pa, I know that you would bet on any team against me. Kaya alam kong hindi talaga kita fan. Ikaw pa. You loathed me. To answer your last question, nakikita kita sa patron seats sa likod ng San Mig team madalas," anito sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na napapansin pala siya nito sa dami ng mga taong nanonood ng bawat laban ng mga ito. Well, siguro nga ay nakilala na siya nito noon pa man. Ibig sabihin ay isinasakatuparan talaga nito ang pustahan nila noon!

"So, why are you here? Don't tell me kasama ka rin ng mga taga-Rapture?" anito sa kanya.

"Actually, yes. Would you endorse for them? Please?" sabi niya rito.

"Convince me," nanghahamong sabi nito sa kanya.

"Kaizen, forget about that bet for now. Personal na bagay 'yon, trabaho ang inilapit ko sa'yo ngayon," prangkang sabi niya rito.

"And then again, you never fail to hurt my ego, Czarina. Kung hindi pa pala dahil sa trabaho, hindi mo pa ako lalapitan. Pero alam mo kung ano ang ibig sabihin nang paglapit mong ito sa'kin ngayon 'di ba?" ani Kaizen sa kanya.

Oh, shit! "Hindi."

"Nakalimutan mo na ang pustahan natin? Okay. Let me remind you about it. Ten years ago, we made a bet and a deal. Kapag ako ang unang lumapit sa'yo at nagmakaawa, I'll buy you a car and a house. No questions asked. Pero kapag ikaw ang unang lumapit sa'kin at nagmakaawa para sa atensyon ko, katulad nang ginawa mo ngayon, magiging girlfriend kita. No questions asked. Naalala mo na ba, babe?" mahabang litanya nito sa kanya na binigyang diin pa ang mga katagang "girlfriend" at "babe".

Mariin siyang napapikit habang tinatanggal niya ang suot na wig at shades. "It's just a teenage bet! Seventeen lang ako no'n," katwiran niya rito.

"A bet is a bet. A deal is a deal. No question should be asked," sabi sa kanya ni Kaizen. Nginitian pa siya nito. Ten years made him more eye-stuckingly gorgeous, more nerve-wrackingly hot and more irritatingly charming.

"Kalimutan mo nang nangyari 'to! Let's go back to zero. Forget about the Rapture ad project too," sigaw niya rito saka siya naglakad palayo rito.

Kung gusto ng Rapture ng sportsman para sa bagong ad ng mga ito'y marami pang iba diyan. Hindi lang si Kaizen. Pwede rin naman silang kumuha sa San Mig. Iyon nga lang, nakakuha na sila ng model dati sa San Mig.

Ah, basta! Bahala na, aniya sa sarili. Hindi niya kayang maging girlfriend ni Kaizen at ayaw niyang magkaroon ng koneksyon dito.



DEAR Diary,

I hate Kaizen Arenzana! Then and now! Hindi na magbabago 'yon. Ever! Unang-una, dahil alam kong playboy siya. Pangalawa, over sa cool siya. Ibig sabihin, mayabang siya. Pangatlo, kaaway ko siya noon at ngayon. Kalaban namin ang basketball team nila noong college at kalaban ng paborito kong San Mig team ang Rain or Shine team niya ngayon. 'Buti na lang nga at hindi siya sa San Mig na-draft dahil magwe-welga ako kung mapupunta si Kaizen sa favorite team ko.

Ten years ago, we made a bet and a deal. Nagkaengkwentro kasi kami noon sa parking lot sa labas ng coliseum and he hit on me. Siyempre, kalaban siya ng basketball team ng university namin. At dahil loyal fan ako, itinuturing ko siyang kaaway. So, I shove him away. Until we reached the point of the betting game. Napagpustahanan namin na kapag lumipas na ang sampung taon at siya ang unang lumapit sa'kin at magmakaawa sa atensyon ko—again, katulad ng ginawa niya noon—bibilhan niya ako ng kotse at bahay. No questions asked. Kumbaga, automatic na 'yon dahil may usapan kami. Iyon ang nasabi ko sa kanya noon dahil hindi naman kami mayaman at iyon ang gusto kong ibigay sa pamilya ko.

Pero kapag ako ang unang lumapit sa kanya at magmakaawa para sa atensyon niya, magiging girlfriend niya ako—instantly. And I can't believe na hinayaan ko ang sarili kong unang lumapit sa kanya at nagmakaawa pa ako sa kanya kanina. Grabe! Hindi ko 'yon na-look forward ten years ago. Confident pa ako no'n na hindi ako lalapit sa kanya. Pero nagawa ko kanina. Dahil sa trabaho ko. And, urgh! Ayaw ko siyang maging boyfriend! Kahit na lokohan lang at lalong dahil lang sa isang pustahan.

So, I backed out. Sinabi ko sa kanya na kalimutan na lang na lumapit ako sa kanya at back to zero ulit kami para safe ako. Hindi ko alam kung sineryoso niya iyon pero I'm hoping. Basta ayaw ko siyang maging boyfriend. That bet and that deal was made by two stupid teenagers ten years ago. Hindi ko pa nga rin maisip ngayon kung bakit pumayag ako noon. Siguro dahil para matapos na ang usapan namin noon at hindi na niya ako kulitin dahil uwing-uwi na ako noon.

The thing is, I hate him more now. I can't believe he grew up to be that hot...Shit! No. Ugh! Whatever!

Yours,

Czarina



"CZARINA, in the conference room now!"

"Ay, yes, Sir!" gulat na sabi ni Czarina. Nabitawan niya ang lapis na hawak niya nang bigla na lang pumasok sa opisina niya si Nick at iyon ang ibinungad sa kanya pagkuwa'y mabilis din itong lumabas. "Ano'ng mayro'n?" tanong niya dito nang makaagapay siya sa paglalakad nito patungo sa conference room nila.

"Biglang nagpa-set ng meeting ngayon si Mr. Flores. May naihanda ka na bang theme para sa ad project nila? Baka 'yon ang pag-uusapan natin ngayon. May kasama daw siya eh," mabilis na sabi sa kanya ni Nick. Alam niyang naiirita ito ngayon dahil ayaw nito nang ganoong urgent meeting. Gusto kasi palagi nito'y handa sila.

"Baka 'yong bagong model na gusto nila. Nasabi ko na kasi sa kanila na hindi ko talaga makumbinsi si Kaizen Arenzana eh," aniya rito. Napatigil si Nick sa paglalakad at kinabahan siya.

"Ano? Kailan pa? Bakit hindi mo muna sa'kin dineretso bago mo sinabi sa Rapture? I should know about your moves first, Czarina. You work for me," galit na sabi sa kanya ni Nick.

"I'm sorry, Sir. Pero mas minabuti kong malaman agad ng Rapture para malaman ko na rin agad kung sino ang gusto nilang maging model. Gusto kasi nilang sa hobby ng model ibase ang theme ng bagong ad," mahinahong paliwanag niya kay Nick.

"What is it with you and this Kaizen?" pagkuwa'y tanong sa kanya ni Nick. Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Nang makita nila sa hallway si Steffi ay agad naman itong sumunod sa kanila.

"He's an ass," sagot lang niya rito.

"Miss Czar, ang gwapo kaya niya. Magaling pa siyang maglaro," singit ni Steffi.

"Mas magaling pa rin kaysa sa kanya ang San Mig players ko 'no," aniya rito.

"Good morning, Mr. Flores!" bati ni Nick sa nasa loob ng conference room pagkapasok nito. Sumunod naman sila ni Steffi rito pero napaatras siya sa may pintuan nang makita niya kung sino ang katabi ni Mr. Flores sa loob.

Oh, shit! Ano'ng ginagawa ni Kaizen dito?

"Good morning, Sir Santi," bati niya sa may-ari ng Rapture sa mababang tono.

"Czarina, come in, come in. Mahaba-haba ang pag-uusapan natin ngayon. At sigurado akong hindi rin 'yon alam ng boss mo," sabi sa kanya ni Sir Santi Flores. Lumapit siya rito at nakipagbeso. Sa tatlong taong pagsasama nila sa iba't ibang ad ng Rapture ay naging malapit na sila ni Sir Santi sa isa't isa. Saka siya umupo sa tabi ni Sir Santi katapat ni Kaizen.

"Ano naman 'yon, Mr. Flores?" curious na tanong ni Nick.

"Czarina, bakit hindi ka tumabi kay Kaizen? Hindi n'yo na kailangang mahiya. Tayo-tayo lang naman," ani Sir Santi na ikinakunot-noo niya. Pakiramdam kasi niya'y may alam ito na hindi nila alam.

"Hindi, Sir. Okay na ako dito," tanggi niya rito.

"Naku! Nahiya ka pa. Hindi n'yo naman kailangang itago ang relasyon n'yo eh. Wala namang magagalit. Bagay na bagay naman kayong dalawa," dere-deretsong sabi ni Sir Santi. Kung may iniinom lang sana siyang tubig ngayon ay nasamid na siguro siya dahil sa sinabi nito.

"What?" bulalas niya. Saka siya tumingin kay Kaizen. Nagkibit-balikat lang ito habang nakangisi sa kanya.

"Boyfriend mo si Kaizen, 'di ba?" ani Sir Santi sa kanya.

"What?!" sigaw niya. Napatayo siya mula sa kinauupuan niya. Pakiramdam niya'y puputok na ang mga ugat niya sa ulo nang marinig niya ang sinabi nito.

---

---

Hahahahaha!

Disclaimer: Hindi po ito related sa San Mig or Rain or Shine team ng PBA.

Please vote, share and comment your thoughts down below. Thank you for reading!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.2M 56.6K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...
388K 2.4K 5
Katerina Torres, sole heiress to one of the richest businessmen in Asia, was kidnapped on the night of her eighteenth birthday. Nakilala niya si Alec...
30.7K 1K 10
Victoria Jule Crivelli is at the top of her game. Everything is going according to her plan. But somehow, she feels like her life is dull. Like somet...