Kissed by the King (Published...

Por imsinaaa

372K 15.1K 3.4K

He didn't want to play the game, but he ended up kissing the King. (Published Under Psicom) Date started: 11... Más

Kissed By The King
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Wakas
Soon to be publish under PSICOM
Kissed by the King
ANNOUNCEMENT

Special Chapter 1

9.7K 524 167
Por imsinaaa

Note: May tatlong special chapter ang KBTK pero available lamang ito sa book version. But i decided to publish one of KBTK's special chapter here in Wattpad. I hope that you'll enjoy reading this chapter and don't forget to leave a comment. 

If you guys want to avail KBTK book, just visit PSICOM's Shopee and Lazada shop :D.


SPECIAL CHAPTER I

...

Graduation day, ang pinakahihintay ng lahat. Lahat ng estudyante ay makikitaan mo ng ngiti sa kanilang mga labi. Ang iba ay hindi mapakali at ang iba naman ay kinakabahan. Isa na roon si Alexis. Kinakabahan siya na masaya. Magbabago ba ng tuluyan ang buhay niya sa oras na mahawakan na niya ang diploma na ilang taon din niyang pinaghirapan. Maghihiwalay na ang landas nilang magkakaklase. Maging abala na sila sa kanikanilanv trabaho at buhay. Nalulungkot si Alexis sa tuwing iisipin 'yon. Mamimiss niya ng sobra ang unibersidad, ang mga kaklase niya at ang mga prof.

Alas otso na at isang oras na lang ay magsisimula na ang graduation cermony. Pinasadahan ni Alexis ng tingin ang sariling repleksyon sa salamin. He's wearing a white long sleeve na naka tucked in, a black pants at kulay itim na sapatos na sa tuwing matatamaan ng liwanag ay kumikinang ito. Medyo magulo ang buhok niya dahil hindi na siya nag-abala na ayusin 'yon, ang sabi kasi ng kanyang ina ay mas bumagay sa kanya ang messy hair. Mukha raw siyang bad boy. Natawa siya. Mabuti na lang at hindi masyadong halata ang dark bags sa ilalim ng mata niya.

Napatigil si Alexis sa ginagawa nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Sunod sunod na katok na tila ba nagmamadali ito. Agad na binuksan ni Alexis ang pinto, bumungad sa kanya sina Trina at Paulo na nakangiti sa kanya. Trina's wearing a red off shoulder dress na hanggang tuhod ang haba, ang hanggang bewang nitong buhok dati ay hanggang balikat na lang ngayon, ang simpleng make up nito. Simple lang ang ayos nito pero paniguradong mapapatingin kay Trina ang lahat ng makakakita rito. Ibinalin niya ang tingin kay Paulo. Parehas sila ng porma pero ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng suot nitong long sleeve. Kulay maroon 'yon at ang kanya naman ay puti.

"Ayos, parang mag boyfriend at girlfriend kayo, parehas ng kulay na suot." Pang-aasar niya sa dalawa.

Namula naman ang mukha ni Trina katulad ng kulay ng suot nito, habang si Paulo naman ay ngumisi. Nang aasae nitong inakbayan si Trina.

"Hindi mo ba alam? Kami n aray." Daing nito nang sikmuraan siya ni Trina bago alisin ang kamay nitong naka akbay sa kanya. Nagsimulang magbangayan ang dalawa. Hind maiwasan ni Alexis na hindi matawa sa dalawa. Bagay na bagay talaga sila.

Hindi rin nagtagal ay tumigil na ang dalawa sa pag-aasaran. Inaya na siya nito na bumaba na para maka-alis na sila. Kinakailangan na nilang pumunta sa unibersidad para sa paghahanda. Kinakailangan pa nilang ayusin ang pila bago pumasok sa loob ng walaka na gymasium. Sinalubong silang tatlo ng kanyang ina nang makababa sila sa sala. Hindi maiwasan ni Alexis na mag-alala nang makita ang ina na lumuluha na. Hawak hawak nito ang litrato ng yumaon ama habang nakatingin sa kanya.

"Nay naman, huwag ka naman pong ganyan, gagraduate lang po ako, hindi ikakasal." Pabiro niyang ani para mabawasan ang lungkot sa mukha ng kanyang ina.

Napansin naman ni Alexis ang biglaang pagtinginan nila Trina at Paulo sa kanyang gilid. Saglit ding tumingin ang dalawa sa kaniyang ina. Kumunot ang noo niya. Anong ginagawa ng tatlo?

Tumikhim ang kanyang ina bago ngumiti. "Masaya lang ako kasi sa wakas ay makakapagtapos ka na ng kolehiyo." Nakangusong ani ng ina. Natawa si Alexis. bagets na bagets pa rin ang kanyang nanay.

"Halika! Picture tayo kasama ang iyong tatay! Tapos ilagay natin 'to sa lapida niya." Dali dali siyang hinatak ng ina papunta sa kanilang sofa. Umupo silang dalawa atsaka ipinatong ng kanyang ina ang litrato ng ama sa pagitan nilang dalawa. Hinawakan 'yon ni Alexis. Sayang at hindi naabutan ng kanyang ama ang pagtatapos niya sa kolehiyo, paniguradong magtatatalon 'yon sa tuwa at magpapahanda.

"Tita! Alexis! Tito! Say cheese!" Aniya Trina.

"Cheese/Keso!" Sabay nilang aniya.

Nang matapos ay sumunod naman na kumuha ng litrato ang tatlo. Umupo sila sa sofa. Nasa pagitan nila Paulo at Alexis si Trina. Inakbayan nilang dalawa si Trina.

"Ayusin niyong dalawa ah! Baka ito na ang last picture natin kasi"

"Oh ayan napl pipicture-an na tayo ni tita." Putol ni Paulo sa sinasabi ni Trina.

"1, 2, 3!" Bilang ng kanyang ina.

Nang matapos ay agad na tiningnan ni Trina ang litrato. Kumunot pa nga ang noo ni Alexis na maluhaluha ito habang nakatingin sa litrato.

"This is the best memory in my life! Dapat hanggang sa pagtanda natin ay magkakaibigan pa rin tayo." Trina said. Pinunasan nito ang luha.

Niyakap ni Alexis si Trina atsaka ginulo ang buhok nito. Sinamaan naman siya ng tingin ng dalaga. Kahit papaano, nawala ang kaba na nararamdaman niya. Napalitan na ito ng saya lalo na't nandito ang mga kaibigan niya, pati na ang kanyang ina.

"O siya! Halika na at kailangan niyo ng pumunta sa unibersidad." Ibinaling nito ang tingin sa anak. "Hinahantay ka na rin ni Etros, anak."

Namula ang pisngi niya. Nakatanggap tuloy siya ng pang aasar mula sa kanyang ina at sa mga kaibigan. He can't help but to laugh. Hindi na rin siya makapaghintay na makita si Etros.

Kasalukuyan silang naka upo ngayon sa malaking gymnasium ng unibersidad kung saan ginaganap ang pagtatapos. Kanina pa nagsimula ang seremonya kaya anu mang oras ay ang block naman nila ang sisimulang tawagin. Pinaglaruan niya ang mga daliri, isa sa mga mannerism niya sa tuwing kinakabahan siya. Napatigil siya nang makita niya si Etros na nakatingin sa kanya. Nginitian siya nito na ginantihan din niya ng ngiti na nababahiran ng kaba. Nakuha na ni Etros ang diploma nito dahil mas naunang tawagin ang department nila ang architect department.

"I love you." Etros mouthed.

Napangiti si Alexis sa sinabi nito. Nawala tuloy bigla ang kaba na nararamdaman niya.

"I love you too." bulong niya.

Maya maya lang ay sila na ang pinatayo. Pinanuod ni Alexis ang mga kadepartment na tanggapin ang mga diploma nito. Hanggang sa block na nila ang tinawag. Habang papalapit ng papalapit ang pagtawag nito sa mga apelyido ay ang siya naman pagtambol ng puso niya sa kaba. Ilang tao na lang siya na ang susunod.

"Fajardo, Julian."

Umakyat ang kaklase niya at nagtatalon na kinuha ang diploma.

"Guillermo, Dexter."

Saglit na natigilan si Alexis. Pinanuod niya na Daanan siya ng kaklase na nakapila sa likod niya si Dexter. Siya muna dapat bago si Dexter. Mauuna ang Garcia kaysa sa Gullermo. Akmang tatanungin niya sana ang adviser nila na nakatayo sa gilid nang hatakin siya ng ibang prof papunta sa gilid. Nagtataka siya.

"Namove kasi ang pangalan mo, nagkamali kasi ang list." Paliwang nito sa kanya. Tumango naman si Alexis bilang sagot. Naghintay ulit si Alexis na tawagin siya hanggang sa umabot na sa letrang L. Malapit ng matapos pero hindi pa rin siya natatawag. Bagsak ang balikat niya. Inabangan pa naman niya ang araw na ito tapos magkakaroon pala ng problema. Bumuntong hininga siya.

"Laviano, Alexis."

Agad na inangat ni Alexis ang tingin. Alexis Laviano? Nagkamali lang ba siya ng narinig. Muli ay tinawag ang pangalan niya.

"Laviano, Alexis."

Nanlaki ang mga mata niya. Napasinghap din siya. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya ng may ngiti sa labi. Hindi mapakali si Alexis lalo na nang makita niya si Etros na tinatahak ang daan paaakyat sa entablado. Huminto ito sa gitna at tumingin sa gawi niya. Inilahad nito ang kamay. Inalalayan siya ng mga Prof na umakyat sa entablado. He's clueless and shock at the same time. Wal siyang alam kung ano ang nangyayari, basta ang alam niya lang ay napalitan ang apelyido niya.

Ngayon ay nakatayo na siya sa gitna, sa harap ni Etros. Hindi magawang magsalita ni Alexis dahil wal siyang kaalam alam sa nangyayari at masyado siyang nagulat sa mga pangyayari. Naglakad ang assistant ng Dean palapit sa kanila. Inabot nito kay Etros ang diploma at ang papel na nakarolyo. Nakangiti namang nagpasalamat si Etros rito.

"Alexis."

Napalunok siya. Pakiramdam ni Alexis ay lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib. Na maririnig ng mga estudyante ang walang tigil at malakas na pagdagundong nito.

"Alexis Garcia Laviano."

Pinamulahan siya. "Etros naman."

"Tanggapin mo ang diploma na ito bilang ebidensya na ikaw ay nakapagtapos na." Inabot nito ang diploma na agad din niyang kinuha.

"Etros, bakit ikaw ang nagbigay?"

"Now, will you accept this letter?" Inabot nito ang papel na naka rolyo. Halos mapanganga si Alexis nang makita ang singsing doon, imbes na laso. Hindi makapaniwala niyang ibinaling ang tingin kay Etros. Nakangiti ito sa kanya ngunit mababakasan mo ito ng kaba.

Nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya ito inaasahan. Hindi niya inaakala na mangyayari ito sa harap ng mga estudyante. Ibinaling ni Alexis ang tingin sa mga estudyante, nawala ang kaba niya nang makita ang mga ito na nakangiti sa kanila. Nagulat na lang si Alexis nang ilabas ng mga ito ang kulay pulang lobo mula sa ilalim ng mga upuan. Mula sa gilid ay nakita niya ang kanyang ina na nakangiting lumuluha. Ang mga magulang ni Etros, ang mga Laviano na nakangiti rin sa kanilang dalawa. Si Iris na pinipigilan ang sarili na huwag pumalakpak at ang asawa nito: ang kapatid ni Etros na nakangiti sa kanila.

Nag unahang lumandas ang luha pababa sa kanyang pisngi. Pinunasan 'yon ni Etros gamit ang hinlalaki.

"Will you spend your life with me, Alexis? Will you accept my last name?" Huminto ito saglit atsaka lumuhod. Inalis nito ang singsing sa nakarolyong papel. Binuklat ni Etros ang papel atsaka ipinakita kay Alexis kung ano ang nakasulat doon.

"Will you marry me?"

"Etros." Nagsimula humagulgol si Alexis. Wala siyang pakialam kung maraming nakakakita sa pag-iyak niya. Hindi na niya kasi mapigilan ang nararamdaman. Ang saya na nararamdaman.

"Alam kong masyadong mabilis, pero Alexis, I want to spend my entire life with you. Sa laro pa lang, sinabi ko na sa sarili ko na ikaw ang taong papakasalan ko, na ikaw ang kokompleto sa buhay ko." Nanatiling nakaluhod si Etros sa harap niya. Hawak ang papel at ang singsing. "You are my life now, Alexis. Magkasama nating haharapin ang mga problema at ang mundong ito. I will love you forever, I'll protect you, I will cherish you and I'll court you till my last breath."

"Alexis, will you marry me?" Mas lalong tumahimik ang buong gymnasium nang sabihin 'yon ni Etros.

Lahat ng mata ay nakatuon sa kanilang dalawa. Kay Etros na nakaluhod at kay Alexis na umiiyak habang nakatingin kay Etros. Nagsimulang kabahan si Etros nang hindi siya sumagot. Tuloy tuloy lang ang pagluha ni Alexis. Hindi siya makasagot dahil sa nararamdaman. Hinantay ni Etros ang sagot ni Alexis ngunit wala siyang narinig ni isang salita mula sa bibig nito. Etros knew his answer, its a

"Yes, Etros. I'll marry you. I will marry you!" Alexis said between his sobs. He's so darn happy right now kaya hindi niya magawang sumagot agad.

Sa oras na 'to, si Etros naman ang natulala. Napabalik lang siya sa sarili nang magpalakpakan ang mga estudyante at ang lahat ng nasa gymansium na nakasaksi sa pangyayari. Bigla ring tumugtog ang napakasayang musika, kasabay nito ay ang pagpapakawala ng mga estudyante sa mga hawak na lobo.

Napasinghap si Alexis nang walang anu ano'y binuhat siya ni Etros. Natatawang umiiyak sa saya si Alexis habang pabirong hinahampas si Etros. Inikot siya nito bago tuluyang ibaba. Etros snaked his arms around Alexis' waist. Inilapit nito ang mukha sa mukha ni Alexis hanggang sa magtama ang ilong nilang dalawa.

"Can I kiss you?"

Alexis nodded his head. "Of course, your highness."

And again, Alexis was kissed by the campus King. His King.

Seguir leyendo

También te gustarán

30.8K 2.6K 41
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
278K 4.7K 24
Dice and Madisson
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
722K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...