Kabanata VIII

17.2K 798 134
                                    

Alexis Garcia

"Alexis, nandito na sundo mo."

Kaagad na naibaling ni Alexis ang tingin sa pintuan. Doon niya nakita si Etros. Nakapamulsa ito, medyo magulo rin ang buhok nito na siyang nagpamula sa pisngi niya. Etros smiled at him, nagulat tuloy ang mga kaklase niya. Maski siya ay nagulat rin. Hindi kasi siya sanay na ngumingiti ito. Buong college year niya'y hindi niya ito nakitang ngumiti o tumawa, ngayon lang at siya ang dahilan ng pag ngiti nito.

Etros waved his hand. Nag-aalangan naman niya itong kinawayan pabalik. Binilisan ni Alexis ang paglalagay ng gamit sa bag, iniwan ang maliit na white board at marker na siyang gagamitin niya sa pakikipag-usap kay Etros.

Nakatingin sa kanya ang mga kaklase niya. Nagtataka. Gusto nilang tanungin si Alexis at Etros kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila pero natatakot sila. Baka kasi magalit nila si Etros kaya mas pinili na lang nilang itikom ang bibig.

"Let me carry your bag." Aniya Etros nang makalabas siya sa silid aralan.

Umiling siya.

'Ako na.'

But Etros didn't bother reading what he wrote on the white board. Wala ng nagawa si Alexis nang kuhanin nito ang backpack niya. Uwian na kaya marami ang nakakasalubong nilang estudyante. Walang pinagbago, nakasunod pa rin ang mga tingin nito. Pinapanuod ang kilos nilang dalawa. Ang ibang nakangiti, ang iba'y nakatingin sa kanila ng may inggit sa mga mata, at ang iba naman ay nababahiran ng pagtataka.

Gulat na tiningala ni Alexis si Etros nang hawakan nito ang kamay niya. Dahan-dahan nitong pinagsiklop ang daliri nila. Hindi makapaniwala si Alexis sa nangyayari at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito kahapon. Etros likes him.

Does he really meant everything he said o niloloko lang siya nito. Kasi baka masaktan nanaman siya. Akala niya nakalimutan na niya ang nararamdaman niya para rito, pero hindi pala. He still have a feelings towards Etros. Si Etros pa rin.

"Where do you want to eat?"

'Sa bahay na lang ako kakain'

Ipinakita niya kay Etros ang isinulat niya.

"No, kakain tayo sa labas. Whether you like it or not."

Nakabusangot na binura ni Alexis ang isinulat. Magsusulat pa sana ulit siya nang biglang tumawa si Etros. Kunot noo niya itong tiningnan.

'Bakit ka tumatawa?'

Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Because you're cute when you're pouting."

Namula ang pisngi niya. Sinabihan siya ni Etros ng cute! Isa sa mga pangarap niya dati ay ang masabihan nito ng cute at nagkatotoo na nga.

Pinakalma ni Alexis ang sarili. Nagpanggap pa siya na tila ba walang epekto sa kanya ang sinabi nito kahit na sa loob loob niya'y halos magwala na ang kaluluwa at puso niya dahil sa kilig.

Hindi mapakali si Alexis sa kinauupuan. Naiilang siya sa mga matang nakatingin sa kanila ngayon. Naririnig pa niya ang bulong-bulungang ng iba. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng uniporme.

Abala si Etros sa pagdidikta ng kakainin nila. Maganda ang restaurant kung nasaan sila ngayon, maaliwalas at sumisigaw ng karangyaan. Mas lalo tuloy nanliit si Alexis.

"Hey, you okay?"

Tumango siya kahit na hindi naman talaga siya okay. He even faked a smile para lang mas mapaniwala niya si Etros.

Kissed by the King (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon