Trapped

By AmNotYourOrdnryOne

138K 2.6K 631

This is a fan fiction story.if may pagkakahwig sa lugar or pagkakakilanlan ay hindi nangangahulugan na sila n... More

Trapped
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 17

8.4K 121 27
By AmNotYourOrdnryOne

A/n: medyo may pagka violent ang chapter na ito so kung hindi kayo kumportable please wag na ninyong basahin... ayan na naman baka mamaya may magtatanong na naman hahaha ✌️..

Anyway sorry for the typos and sorry ngayon lang ulit nakapag UD... Salamat sa pag-antay...

---------

Nagising si Marco dahil sa sobrang alinsangan ng panahon kaya naman bumaba siya para uminom ng tubig... nasa huling baitang na siya ng kanilang hagdana ng naulinigan niya ang pagtatalo ng mga nasa labas ng bahay nila...

Sinilip niya ito sa bintana at nakita niyang nagtatalo ang kanyang anak at ang pinsan nitong si Mika... Dali-dali siyang lumabas ng bahay para sana awatin at pag sabihan ang dalawa ng mapako ang kanyang mga paa dahil sa nadinig niya sa kanyang anak...

Den: may nangyari na sa amin...

Marco: pwede ba tayong mag-usap alyssa?

Nagulat ang lahat ng tao duon sa inuman pati na ang mga nakiki usyoso sa palitan ng mga salita ni den at mika ay nagulat ng makita ang tatay ni den...

Si aly naman ay halos maihi na sa shorts niya dahil sa kaba..

Aly: o-opo pw-pwede naman po tayo mag-usap...

Tumalikod na si Marco papasok ng bahay nila dahilan para makuha ni aly ang gustong gawin ni Marco ang mag-usap sila sa loob ng bahay nila denden...

Den: my labs... (hinawakan niya si aly sa kamay, gusto niyang sumama kay aly.. gusto niyang mag paliwanag sa tatay niya na sinabi niya lang yun dahil sa inis niya kay Mika at para matapos na ang pangungulit ng pinsan niya na iwanan niya si aly)

Aly: okay lang ako my labs... ako na lang ang kakausap sa tatay mo... sige na baka mainip yun sabihin pa iniiwasan ko siya.. (hinalikan niya sa noo si den para mabawasan ang kabang nararamdaman nito)

Maging siya man ay kinakabahan sa mga mangyayari pero kailangan niyang maging matatag para kay den... alam niyang kaya ito sinabi ni den at para maipamukha kay Mika na siya ang mahal nito yun nga lamang ay nadinig siya ng tatay niya...

Sumunod na si aly sa tatay ni den... Nakita niyang nag-aantay ito sa may sala ng bahay nila... naka-upo at seryoso ang mukha.. hindi kagaya nuon na pirming naka ngiti ngayon mababakas ang lungkot sa mukha nito...

Marco: maupo ka!! (utos niya ng makita niyang nakatayo si aly sa May pintuan ng bahay nila at nag-aalangan)

Aly: sa-salamat p-po... (kinakabahang sabi nya sa tatay ni den)

Marco: totoo ba ang nadinig ko kanina?!! (Diretsong tanong niya kay aly)

Aly: mang Marco... pwede po bang tanungin ko kayo?? paano po kung totoo nga pong may nangyari sa amin ni den? papalayuin ninyo na po ba siya sa akin?

Marco: hindi ko alam!!! aaminin ko hindi ko inaasahan na aabot kayo kaagad sa ganyan!! pinag katiwalaan kita!! pinapayagan ko matulog ang anak ko sa tabi mo sa kwarto mo ng kayong dalawa lang dahil malaki ang tiwala ko sa iyo tapos ganyan ang gagawin ninyong dalawa...

Aly: humihingi po ako ng paumanhin sa inyo.. sorry po kung nadinig ng mga kapit bahay ang sinabi ni den pero hindi ko po sinira ang tiwala ninyo sa akin... nang mahalin ko po si den, kasama po duon ang panindigan siya... ang masigurado na hindi siya mapapahiya at ang maging karapat dapat ako sa kanya...

Marco: sana lang wag mo siyang sasaktan at sana lang hindi porket mahal na mahal ka ng anak ko ay aabusuhin mo na siya... gustuhin ko man na magalit sa iyo, alam ko na matalino ang anak ko at alam niya ang ginagawa niya... Kung hindi lang kayo mga bata hihilingin ko na sana pakasalan mo na ang anak ko...

Aly: pangako po hinding hindi ko siya aabusuhin... Rerespetuhin ko po ang anak ninyo kagaya ng pag respeto ko sa inyo...

Marco: salamat naman kung ganuon... (nakipag kamay siya kay aly) sige na lumabas ka na duon at baka kinakabahan na ang anak ko at baka inisip na nuon kung inano kita dito...

Aly: sige po... maraming salamat po...

Tumalikod na siya at lumabas ng bahay nila den... Nakita naman niya na nag-aabang si den sa kanya at halatang kabang-kaba ito...

Den: my labs anong sinabi ni tatay? pinapalayo ka ba niya sa akin? kakausapin ko siya...

Aly: (Niyakap niya si den at hinalikan niya si den sa noo) wag ka mag-alala hindi naman niya ako pinapalayo sa iyo... hindi din naman ako papayag.. kung kailangan na lumuhod ako sa harap niya gagawin ko yun my labs..

Den: maraming salamat my labs... pasensya ka na ha... (sasabihin niya sana na dahil sa sinabi niya na may nangyari sa kanila)

Aly: wag ka na mag-alala ayos na yun my labs... alam ko naman kung bakit mo ginawa yun eh.. salamat din kasi pinag tanggol mo ako sa pinsan mo...

Speaking of the devil sumabat si Mika sa usapan nilang dalawa...

Mika: huy timang!! (referring to aly) wag mong isipin na porket nauto mo ang pinsan ko at may nangyari sa inyo eh boto na ako sa iyo!!! tandaan mo ito gagawin ko ang lahat para magising ang pinsan ko sa kahibangan niya!!! (sigaw niya sa mukha ni aly)

Sasagot pa sana si den pero hinawakan na siya ni aly sa kamay..

Aly: hayaan mo na si Mika.. wag mo na patulan. hahaba lang eh... (bulong niya kay den)

Matapos ang kumusyon ay pinatulog na ni aly si den dahil alam niyang hindi titigil si Mika hanggang pumapasok ng bahay si den...

Ayaw pa sana ni den dahil ayaw niyang iwan si aly kay amanda pero nang ipaalala sa kanya ni aly na siya lang ang mahal nito ay kumampante na siya at sinunod na ang kasintahan... umuwi na siya at natulog...

Nagpatuloy naman sila sa pag-iinuman pero mararamdaman mo na medyo dumidistansya si amanda sa kanya dahil sa nadinig nito... Hindi naman na pinilit ni aly ang mga bagay bagay at hindi din siya nagpaliwanag sa mga kaibigan nila dahil naiintindihan niya kung bakit ginawa ni den ang ganuon... hindi niya ikinatutuwa iyon at hindi dahilan yun para yumabang siya pero mas naisip niya na mahal talaga siya ni den para maipag sigawan nito sa mukha ng pinsan niya at sa mga ka lugar nila na may nangyari na sa kanila.

---------

Sabado ngayon dapat ay magde-date ang magkasintahan na aly at den pero mas pinili ni den na umpisahan ang pagtuturo niya kay aly at kim para bumasa at sumulat...

May mga dala siyang flash cards na alphabet at mga libro na pwede nilang pag praktisan na basahin...

Bagamat nahihiya si aly at kim kay den dahil ang lalaki na nilang damulag ay hindi pa sila marunong magbasa at mag-sulat ay natutuwa siya dahil tinupad ni den ang pangako nito sa kanya...

natutuwa din siya kasi hindi niya nakakakitaan ng pagkailang si den at seryoso ito sa pagturo sa kanila... in fact sobrang seryoso masyado tuloy itong naging strikto... pag nilalaro laro lang nila ni kim ang pagtuturo ni den nakakakuha sila ng pingot mula dito..

Bumili din si den ng mga alphabet charts at idinikit niya sa dingding ng kwarto ni aly para hindi nito makalimutan ang mga pinag-aaralan nila...

Sa twing natutulog si den sa bahay nila aly ay nagbabasa pa sila bago matulog... pagka gising naman ay tinutoro niya ang mga letra tapos pinapa bigkas niya ito kay aly...

Makalipas ang ilang araw at unti-unting natututong magbasa si aly... mas nahihirapan siyang mag-sulat kasi nanginginig ang kamay niya kaya ang pangit ng sulat niya... parang kinalahig ng manok pero ang sabi ni den okay lang daw yun ang inportante marunong na siyang sumulat...

Aly: my labs matulog na tayo... pagod na ako eh... (reklamo niya habang hinahalik halikan niya si den sa leeg)

Sa bahay kasi nila matutulog si den, nakaupo sila pareho sa kama.. nasa pagitan si den ng mga hita ni aly... nakayakap pa sa baywang niya si aly... habang tumatagal ay mas lalo silang nagiging malambing sa isat isa...

Den: hmmm... tapusin na natin ito malapit naman na eh... pag natapos mo ito may premyo ka sa akin... (nilingon pa niya si aly at tinaas baba niya ang kilay niya)

Aly: ano muna yun?!

Den: basta... sige na tapusin mo na ito... isang pharagraph na lang oh...

Aly: eh my labs pagod na ako eh.. (sige pa din siya sa pag halik kay den sa leeg at sa balikat nito)

Den: my labs tigilan mo yang ginagawa mo at baka hindi ako makapag pigil at manggigil ako sa iyo... (napapa pikit na kasi siya sa ginagawa ni aly)

Aly: hmmm mahal ko...

Den: ano yun.. (bahagya pa niyang nilingon si aly dahilan para mag dikit ang mga pisngi nila)

Aly gave den an open mouth kisses on her neck... napa hawak siya sa mga braso ni aly ng mahigpit...

Aly: my labs... (she called den in between kissing her neck)

Den: hmmm (she moaned)

Aly kissed den underneath her jaw and gently licks it...

Den was about to face aly becuase she wants to kiss her lips pero mas niyakap pa siya ni aly para hindi siya makapihit...

Aly: my labs... (muli niyang tawag kay den... may gusto siyang itanong kay den, may gusto siyang sabihin sa kasintahan niya pero pinipigilan niya ang sarili. ayaw niyang sirain ang tiwala ng mga magulang niya sa kanila ni den... ayaw din niya sirain ang pangako sa tatay ni den na patuloy niya itong rerespetuhin)

Ramdam ni den ang pag-iinit ni aly, sya man ay namumula na dahil sa nararamdaman niya.. gusto niyang pumihit para mahalikan si aly sa labi pero mahigpit ang yakap nito sa kanya kung kaya hindi siya makakilos at nanatili sila sa ganuong pwesto...

Kanina pa siya tinatawag ni aly, alam niyang may gustong sabihin si aly sa kanya... kinakabahan siya dahil iniisip niya na pwedeng may mangyari sa kanila ni aly dahil ngayon lang naman ito naging mapusok pero hindi naman nito tinutuloy ang sasabihin... alam din niya sa sarili niya na pag hiniling ni aly yun hindi naman siya tututol dahil mahal na mahal niya si aly..

Aly: my labs.... matulog na tayo... (Bulong niya sa tenga ni den)

Den: okay lang sa akin my labs... (napahinto siya at napadilat. huli na ng mag register sa kanya ang sinabi ni aly, iba kasi ang iniisip niya na tatanungin ni aly sa kanya kaya naman ng sabihin niya na okay lang sa kanya ay para yun sa ibang bagay) sandali.. anong sabi mo?

Aly: sabi ko matulog na tayo my labs... (Kumalas siya sa pagkakayakap kay den at nahiga na sa kama)

Den: (nakakunot ang noo niya at nakatitig lang kay aly, nang makita niya na nakahiga na ito tsaka lang niya naisip na tama ang nadinig niya. napailing na lang sila at sa inis kinuha ang unan at hinampas niya ito kay aly... tapos nahiga siya sa tabi nito pero tumalikod kay aly..

Aly: aray!! (nakangiting sabi niya kay den) my labs yakapin mo na ako...

Den: tse!! matulog ka diyan!!! bahala ka sa buhay mo!!!

Aly: (tumagilid si aly at itinukod niya ang siko niya tapos sinisilip niya si den kung nakapikit na ito) my labs...

Den: ano ba Ly kanina ka pa tawag ng tawag sa akin... mamaya sasabihin mo lang inaantok ka na!! kaya ayan matulog ka na!!!

Aly: bakit ka nagagalit my labs... (nakangiting tanong niya kay den)

Den: ewan ko sa iyo!! matulog ka na ha!!

Aly: ihhh yakapin mo na ako para makatulog na ako... (pangungulit niya kay den tapos niyakap pa niya ito)

Den: ayaw ko!! bwisit ka!! (inis na inis talaga siya kay aly)

Aly: sige na my labs... yakapin mo na ako... (she kissed den on her neck again) my labs (malambing niyang tawag kay den Sabay halik ulit sa leeg nito)

Den: (ayan na naman po siya sabi niya sa sarili niya, napangiti siya ng may naisip siya)

Bigla siyang pumihit at dahil nagulat si aly hindi nito inaasahan ang sumunod na gagawin niya...

Umupo siya sa ibabaw ni aly... At hinawakan ang magkabilang kamay ni aly while pinning her down...

Aly: my labs... (natatakot siya sa susunod na gagawin ni den)

Den: iniinis mo talaga ako eh... tignan natin ang galing mo!!!

Hinalikan niya si aly sa labi... mapusok ang halik niya, madiin at mapag imbita...

Pinipilit ni aly ang umiwas pero hindi siya masyado makagalaw dahil nakadagan sa kanya si den den...

Kinagat ni den ang ibabang bahagi ng labi ni aly dahil gusto niyang ibuka nito ang mga labi nito.. Pero hindi siya pinagbigyan ni aly.. kaya hinalikan niya si aly sa leeg..

Aly: my labs... (pilit niyang pinapapa tatag ang boses niya dahil nangingig ang buo niyang katawan)

Den: bakit?? (in her most seductive voice.. she even gently bit aly's shoulder dahil naka sando lang ito)

Aly: my labs... tama na baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at kung ano ang magawa ko sa iyo.. (pagmamakaawa niya)

Den: (tumitig siya sa mga mata ni aly) bakit sinabi ko bang pigilan mo ang sarili mo??

Aly: ehh my labs hindi pa pwede...

Den: bakit? bakit hindi pa pwede?! (nakatitig pa din siya sa mga mata ni aly)

Aly: ihh basta... matulog na tayo please... (pahingal na sabi niya kay den)

Den: ikaw ang nagsimula eh... tapos ngayon ikaw ang takot na takot!!

Aly: sige na my labs sorry na hindi ko na uulitin...

Den: (lumuwag na ang pagkaka hawak niya sa kamay ni aly pero humiga na siya ng tuluyan sa ibabaw ni aly) sige matulog na tayo... pangako yan ha wag mo na uulitin dahil sa susunod talagang hindi na kita titigilan!!

Aly: (niyakap niya si den at hinalikan ang noo nito) matulog na tayo.. I love you mahal ko...

Den: mahal na mahal din kita mahal ko... (sumiksik siya sa leeg ni aly bago pumikit)

--------

Akala ni aly ayos na ang lahat... mahal siya ni den at hindi ito nahihiyang ipagsigawan ito sa buong mundo... kahit papaano ay natututo-tuto na siya magbasa at mag-sulat, hindi pa din siya hinahanap ng amo nila... bagamat wala siyang makitang trabaho ayos pa din ang pakiramdam niya.. alam niya dadating din ang panahon nila ni kim ang importante ay hindi na sila mabilang ni kim sa hindi magandang gawain...pero sabi nga nila minsan ang problema parang mag-nanakaw dumadating ito sa panahon na hindi ka handa...

Naka tanggap na siya ng tawag mula kay Jake... nuong una ang akala niya ay dahil lang sa mangungumusta ito kagaya ng dati pero ito pala ang tawag ni Jake na magpapa bago ng buhay niya...

Aly: hello Jake...

Jake: Ly... alam mo ng ako ang tumatawag? (takang tanong niya... never pa kasi nangyari na sinabi na ni aly kung sino ang tumatawag sa kanya. palaging patanong ito kung sumagot ng telepono nito dahil nga sa hindi nito alam bumasa)

Aly: ah.. eh... marunong na kasi akong bumasa ng kaunti... (masaya niyang bati kay Jake)

Jake: talaga?!! wow!! masaya ako para sa iyo tol!!!

Aly: salamat!! ako din masaya din ako para sa sarili ko... Pero teka Jake bakit ka nga ba tumawag?? Ano magkikita tayo mamaya?! sabihan mo ako hanggang maaga alam mo naman may sinusundo ako sa skwela eh...

Jake: Ly....

Aly: (sa tono ng boses ni Jake alam na niya halos kung ano ang sasabihin nito sa kanya) si amo ba???

Jake: oo eh... hinahanap na niya kayo... hindi ko na nagawan ng paraan... kahit anong paliwanag ko na hindi naman kayo gagawa ng aksyon laban sa amin ayaw niyang makinig... pinaintindi ko din sa kanya na wala naman nakaka-alam sa inyong tatlo nila kim kung sino talaga siya eh pero ayaw pa din niyang makinig... alam mo naman Baldo na nag-iisa ka sa pag diskarte dito kaya hindi ka niya pwedeng basta na lang pakawalan... (mahaba niyang litanya kay aly)

Aly: anong gagawin ko? Jake bagong buhay na talaga ako... ayaw ko nang bumalik pa sa ganyang buhay... Oo mahirap ang buhay ko ngayon kasi hindi ako kumikita.. hanggang ngayon wala pa din kaming trabaho nila Kim at bang pero ang importante nakaka tulog ako ng mahimbing sa gabi...

Jake: tol, kilala ko si amo.. baka pag hindi ka bumalik pag diskitahan niya ang mga mahal mo sa buhay... Si kim, bang, ang pamilya nila, ang pamilya mo at ang syota mo!!

Aly: (nagbago ang ekspresyon ng mukha niya) subukan niya lang kantiin ang mga mahal ko sa buhay lalo na ang girlpren ko.... ako mismo ang hahanap sa kanya at papatayin ko siya!! (madiin niyang sabi)

Jake: hindi naman tayo kailangan umabot sa ganuon eh... tol inihingi kita ng laban kay amo... sabi ko paano kung may ipagawa siya sa iyo... huling trabaho pero hindi ka na kukuha ng para sa iyo.. kung baga bayad mo sa para kalayaan ninyong tatlo nila kim at bang... punayag naman siya... kaya ano tol gawin mo na ito tapos nito hindi ka na gagambalain nuon...

Aly: paano naman ako nakaka siguro?!?

Jake: akong bahala sa iyo.. hindi kita pababayaan...

Aly: si-sige... Pero hindi ko na isasama pa sa lakad na ito ang dalawa... ako na lang ang tratrabaho nito...

Jake: sige ako na ang mag sasabi kay amo... pumunta ka dito para mapag-usapan natin ang detalye ng lakad natin... medyo malayo kasi ito sa davao ito...

Aly: sige... papunta na ako diyan...

Napa buntong hininga na lang si aly ng matapos ang usapan nila ni Jake... aaminin niya umasa talaga siya na ganuon lang sila kadali makaka alis nila kim sa sindikato pero sino ang niloloko niya alam niyang hindi basta papayag ang amo nila dahil matatakot ito na isiwalat nila ang lahat ng nalalaman nila...

Aly: gawin mo na ito baldo... huli na ito, pagka tapos nito malaya ka sa kahapon mo... (pag kumbinsi niya sa sarili niya)

Nagmamadali siyang nag bihis para puntahan si Jake... mamaya na niya ibabalita kanila Kim ang nangyaring pag tawag ni Jake sa kanya... kailangan niyang maka balik agad dahil susunduin pa niya si den... hindi na din niya kailangan pang magpasama kay bang dahil nga marunong naman na siya bumasa...

-------------

Naibigay na ni Jake kay aly ang detalye ng lakad nila... pupunta sila sa davao para mag masid sa isang intsik na may-ari ng isang pabrika ng textile... matagal na daw na naninirahan ang intsik sa Pilipinas pero kailanman ay hindi ito nagbayad ng buwis... nagbabayad lang ito sa mga contact nia sa BIR tapos wala na... ang mga empleyado daw nito ay hindi nasu-swelduhan ng tama at wala din silang SSS, Phil Health at benipisyo kapag nagkasakit...

Bukas na ang alis nila ni Jake para simulan ang trabaho... bagamat ayaw na sana niya gawin iyon wala siyang magawa... alam niyang kailangan niyang sundin ang amo nila kung hindi baka nga madamay ang mga mahal niya sa buhay...

Isa pa sa pinag-aalala niya ay kung paano siya magpapaalam kay den... magugulat ito, hindi naman ito sanay na malayo siya at maging siya din naman ay hindi sanay na malayo kay den... mula nga ng sabihin nito sa lugar nila na may nangyari na sa kanila na nadinig ng tatay nito parang kulang na lang talaga ay magsama na sila... maging siya kasi ay nakaka tulog na kanila den, napaka bait ng mga magulang nito sa kanya kaya wala na siyang mahihiling pa... kaya naman gagawin niya ang lahat para maayos ang gusot na mapasukan niya simula pa ng bata siya... natatakot din siya na madamay ang pamilya niya at pamilya ni den...

Den: (hinalikan niya si aly sa labi) my labs...

Aly: (nagulat siya dahil may humalik sa kanyang mga labi) my... my labs..

Den: ako nga... Ano ba yan... bakit tulala ka.. kanina pa ako andito sa harapan mo hindi mo man lang ako napapansin...

Aly: pasensya na my labs.. napagod lang ako sa nilakad ko ngayong araw... pumunta kasi ako sa pinsan ko at may maganda akong balita sa iyo... bibigyan niya ang ng trabaho... (masaya niyang balita kay den, pero hindi niya naituloy dahil nakita niyang may mga kasama ang my labs niya)

Den: my labs.. mga kaklase ko si Jia, mitch at ella... matagal ka na nilang gustong makilala eh...

Aly: ah ganun ba? kamusta naman kayo?? (napakamot pa siya sa ulo niya dahil nahihiya siya sa mga kaklase ni den)

Mitch: okay lang naman kami tol... ang tangkad mo pala talaga sa malapitan ano??

Den: naman... ganda ng tindig ng my labs ko diba? (proud niyang sabi sa mga kaklase niya)

Aly: my labs... (pigil niya kay den habang namumula ang mukha niya, nakangiti din siya ng alanganin dahil nga sa hiya)

Ella: cute... (hindi niya napansin na napalakas ang pagkaka sabi niya... dapat sa utak lang niya iyon pero huli na nadinig na siya ni den na parang dragon ngayon at kaunti na lang ay bubugahan na siya ng amoy)

Den: ella umayos ka ha!! (banta niya kay ella) uhm my labs si Jia at mitch nga pala... guys si aly ang nag-iisang my labs ko... (ngumiti pa siya ng matamis bago ikinawit ang kaliwa niyang kamay sa baywang ni aly)

Ella: at hindi talaga ako ipinakilala... ikaw na ang possessive at selosa!! (natatawa niyang sabi kay den) pero wag ka mag-alala tangkad kaya ko naman ipakilala ang sarili ko... Ako si ella, kaibigan ng my labs mo na patay na patay sa iyo na gusto ka nang pikutin kaya mag-iingat ka hahaha (pang-aasar niya kay den.. Pero totoo ang sinabi niya na mahal na mahal ni den si aly kanino niya nalaman eh di kay den mismo. Para itong palaging nanaginip sa twing kinukwento nito si aly)

Aly: wag ka mag-alala ella ako man ay patay na patay sa my labs ko... Tsaka magpapa pikot naman ako sa kanya kaya wala namang problema duon.. (naka ngiting sabi niya)

Jia: kaya pala ganyan si den eh, matamis din pala ang dila ng isang ito... bolero din eh.. (naiiling na sabi ni Jia)

Aly: huy hindi bola yun ha... mahal ko talaga ang my labs ko... (hinalikan pa niya nag sintido ni den)

Mitch: aray!! aray ang daming langgam!!

Ella: oo nga eh... tara na nga at hayaan na natin ang dalawang yan at baka magka diabetes tayo!!!

Jia: sige aly aalis na kami... hindi na namin kayo iistorbohin at mukhang kanina pa kating kati kay si den na sumabit sa iyo hahaha...

Den: tse!! ang sama mo... akala mo naman hindi sila ganito ni mitch... magkasama pa kayo mag hapon ha samantalang ako mag-hapon ko hindi nakita ang my labs ko... kaya nga din siguro ako ganito kasi palagi ninyo akong iniinggit!!

Ella: korek!! kulang na lang mag kandungan sa klase!! (reklamo din niya)

Jia: huy ella wag ka nga... bakit kasi hindi mo lambingin si Rex?! Palibhasa wala kang sweet bone sa katawan eh!!

Mitch: oo meron lang siya sweet tooth...

Natawa silang lahat sa sinabi ni mitch, maging si aly ay napatawa sa bumanat ng kaibigan ni den.... napasimangot na lang si ella pero wala na siyang sinabi dahil totoo naman ang sinabi ng mga ito...

------------

Magkatabi na sa kama si aly at den, gaya ng madalas mangyari si den ay matutulog sa bahay nila aly... busy ito na nag-aaral at nakatitig lang si aly sa kanya... maya-maya hindi ito naka tiis at lumapit ito kay den, umupo ito sa likuran ni den dahilan para mapwesto nanaman si den sa pagitan ng mga hita ni aly..

Den: my labs... ayan ka na naman ha... (banta niya kay aly)

Aly: hindi my labs, yayakapin lang kita... sandal ka sa akin.. (sumandal nga si den sa kanya tapos ay hinapit niya ito palapit sa katawan niya. Niyakap niya ang dalawa niyang braso sa baywang ni den)

My labs... natatandaan mo sinabi ko sa iyo kanina na binigyan ako ng pinsan ko ng trabaho?

Den: ay Oo nga pala... sorry my labs hindi ko na naitanong sa iyo yun... ang kukulit kasi ng mga kaibigan ko... Ano nga pala yun? anong trabaho?? (excited niyang tanong kay aly)

Aly: uhm... magbantay ako ng tindahan niya... sandali lang naman yun trabaho kasi aalis siya papuntang ibang bansa kaya kailangan may tumao sa tindahan niya... Prutasan kasi ang tinda niya kaya naman ako ang naisip niya dahil alam niya na medyo may alam ako sa mga iyon... (pagsisinungaling niya)

Den: sige... masaya ako para sa iyo my labs... Pero (humarap siya kay aly ng kaunti) Siguraduhin mo na wag kang mag pa cute sa mga namimili ng prutas ha!! baka pati ikaw bilhin nila!! Pero dibale pasyalan na lang kita duon...

Aly: (napalunok siya sa sinabi ni den) my... my labs... yun nga sana ang isa pang sasabihin ko sa iyo... sa davao kaso ang tindahan niya... (mahina niyang sabi kay den)

Den: (kumunot ang noo niya) davao? ang layo nun my labs!! wag na duon!! makakahanap ka pa dito ng ibang trabaho... (pag kumbinsi niya kay aly)

Aly: my labs.... (niyakap niya muli ng mahigpit si den at ipinatong ang baba niya sa balikat nito) sayang naman yun.. tsaka nakakahiya naman pumayag na ako tapos umasa na yung pinsan ko tapos biglang magbabago ang isip ko?? my labs naman ayaw ko nang nangangako na hindi tinutupad..
Mahirap lang ako pro may isa akong salita...

Den: pero my labs ang layo naman nuon... matagal kitang hindi makikita!! ayaw ko basta dito ka lang!! (pagmamaktol niya na parang bata)

Aly: makinig ka my labs... hindi naman pwede na palaging naka buntot lang ako sa iyo... sa ngayon hindi pa nagrereklamo ang pamilya mo pero pag nakapag tapos ka na ng pag-aaral syempre maaalangan naman ako sa iyo... ayaw ko naman yun.. paano kita bubuhayin? pakakasalan pag dating ng panahon at paano tayo magpa pamilya kung hindi ako kikilos??

Den: ihhh.... (ayaw pa din niyang pumayag, Naiiyak na siya sa ideya na hindi niya makakasama si aly ng ilang araw.. ayaw niya ng pakiramdam na maiiwan.. yun ang isa sa mga kahinaan niya dahil na din sa iniwan siya ng totoong tatay niya. kahit pa naging mabuting ama si Marco sa kanya alam niya na may isang bahagi ng pagka tao niya ay kulang)

Aly: my labs.. kailangan ko talaga gawin ito... wala ka bang tiwala sa akin?

Den: meron... (nakalabing sagot niya kay aly)

Aly: yun naman pala eh... tsaka mabilis lang yung isang bwan...

Den: isang bwan?!!! hay hindi na talaga!! ayaw ko... Ayaw ko... Ayaw ko.... tinanggap mo ang trabaho ng hindi mo ako tinatanong?!! basta ayaw ko TAPOS!!!

napapailing na lang si aly sa inaasal ni den... hindi din niya itatanggi na kinikilig siya dahil ayaw siyang payagan dahil lang sa mapapa layo siya dito...

Den: anong nginiti-ngiti mo?!! (tanong niya habang naka lingon kay aly at nakataas pa ang kilay)

Aly: mahal mo ako talaga ano?? (nakangiting tanong niya)

Den: hindi pa ba halata?? basta my labs wag kang mag pa cute duon ha... wag kang mag hanap ng ibang babae duon!! wag kang magpapansin sa ibang babae duon!!

Aly: ibig bang sabihin niyan pumapayag ka na??? (kunot ang noong tanong niya)

Den: eh ayaw ko sana kaya lang tama ka naman eh kailangan mo ito... alam ko naman na matagal mo na gusto magka trabaho tapos ngayo na meron ipagkakait ko pa sa iyo... Pero isang bwan lang ha?!! uuwi ka kaagad dito ha?!! (pang titiyak niya kay aly)

Aly: opo my labs... isang bwan lang... Uuwi din ako kaagad.. Sayang din kasi yung kikitain ko duon tapos malalaman ko pa ang pasikot-sikot sa pag titinda ng prutas hindi yung basta na lang binabagsak namin ni kim sa palengke... pag uwi ko dito titignan ko kung baka pwedeng iyon na ang maging negosyo namin nila kim at bang...

Den: sige... kelan ba ang alis mo?

Aly: bukas... (mahinang sagot niya kay den)

Napabuntong hininga na lang si den at napayakap ng mahigpit kay aly...

---------

Nagpalate si den sa pag pasok sa school.. hindi siya pumasok ng dalawa niyang subject dahil tinulungan niya si aly na mag empake ng damit nito... panay naman ang iyak ni den habang inaayos ang gamit ni aly...

Habang inaayos ni den ang gamit ni aly nagpaalam ang huli sa mga magulang niya.. nagkataon na may mga kamag-anak talaga sila sa davao at may pinsan talaga siya na may ari ng prutasan duon... sinabi na lang ni aly na nagkasalubong sila sa isang palengke nuong isang buwan at magkapalitan ng numero at nakalimutan na lang niyang mag kwento...

Nalungkot naman ang nanay at tatay niya dahil sa tinagal tagal na niyang buhay sa mundo ngayon lang siya mahihiwalay ng ganuon katagal sa mga ito.. Pero alam nilang magiging masaya ang anak nila kung mag kaka trabaho ito... hindi din naman kasi lingid sa kaalaman nila na nag-hahanap ng trabaho ang anak nila at wala itong makuha...

Idinahilan din ni aly na gusto niyang matutunan ang pagnenegosyo at baka matutunan niya ang ginagawa ng pinsan niya...

Kagaya ni den abot abot din ang pag bilin ng mga ito na mag-ingat siya...

Matapos niya mag paalam sa mga magulang ay pumasok na siya ulit ng kwarto... Nakita niyang humihikbi si den habang nakaupo ito sa gilid ng kama at inaayos ang gamit niya...

Aly: ano ba yan my labs... parang namatay naman ako niyan... wag ka na umiyak. sandali lang naman ako duon... (lumuhod siya sa harap ni den para mahawakan ang mukha nito at mapunasan ang luha)

Den: ihh my labs isang bwan yun, matagal yun... (umiiyak na sabi niya kay aly)

Aly: sandali lang yun... bukas makalawa andito na din ako... palagi akong tatawag sa iyo... palagi kong sasabihin kung anong ginagawa ko at kung nasaan ako... (niyakap niya si den ng mahigpit)

Den: (ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ni aly) pangako yan ha...

Aly: pangako mahal ko...

Den: (isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ni aly habang umiiyak pa din) mahal din kita mahal ko...

-------

Hapon na ng makarating sila ni Jake sa Davao... nagpasya sila na mag pahinga muna at kinabukasan na umpisahan ang pagmanman sa instik na tratrabahuhin nila.. syempre pa hindi naman nakalimot si aly na tawagan si den dahil alam niya na mag-aalala ito sa kanya... higit sa lahat gusto naman talaga niya madinig ang boses nito...

Kausap pa niya si den ng may kumatok sa kwarto niya... nagpaalam muna siya kay den bago tinignan kung sino ang kumakatok..

Jake: Baldo, may makakatulong tayo sa trabaho natin... ito si Jonjon at badong..

Baldo: (kumunot ang noo niya) Jake pwede ba tayo mag-usap muna...

Lumabas silang dalawa at nag-usap sila dalawa sa labas ng kwarto..

Aly: Jake ano ito? sino ang mga yan? akala ko ba tayo lang dalawa ang tratrabaho nito? kung kailangan natin ng katulong eh di sana pala sinama ko na lang si kim at bang...

Jake: kanina ko lang din nalaman eh... ang sabi ni amo tayo lang ang lalakad pero kung kailangan natin ng backup sila ang backup natin... gawin na lang natin taga bili ng pagkain or alak...

Aly: natatandaan mo ba ang nangyari sa akin nung huling beses na may pinagawa sa atin si amo na biglaan??

Jake: alam ko Baldo... wag kang mag-alala akong bahala sa iyo... hindi kita pababayaan.. sinabi naman ni amo na huli na itong trabaho na ito.. nangako naman na siya eh...

Aly: sige... Pero Jake hindi ako kumportable ha... basta kailangan mapag masid ka din ha...

Jake: sige... wag kang mag-alala hindi ako masyado magtitiwala masyado sa kanila...

Pumasok na sila ulit sa kwarto at pinag-usapan na nila ang mga kailangan nilang gawin...

-------

Hatinggabi na hindi pa din matulog si aly... iniisip niya si den.. miss na miss na niya ang kasintahan niya... palagi man silang magkausap sa cell phone pero Iba pa din pag nakikita niya ito dahil nayayakap niya ito...

Nagpasya si aly na tawagan si den para naman mawala ang lungkot niya ng kaunti... napasinghap siya ng marinig niya ang antok na antok na boses ni den...

Den: he-hello.. my labs... may problema ba?

Aly: wala... gusto ko lang madinig ang boses mo... grabe isang linggo pa lang tayo hindi nagkikita miss na miss na kita my labs... (pinipigilan talaga niya ang hindi umiyak)

Den: (tumagilid siya ng pagkaka higa) miss na miss na din kita my labs.. Pero tatlong linggo na lang magkikita na tayo ulit... alam mo ba minamarkahan ko mga petsa ng kalendaryo hanggang sa huling araw na umuwi ka... (naiiyak na ulit siya miss na miss na talaga niya si aly)

Aly: pasensya na my labs... alam ko ako ang gusto nito tapos ngayon ako ang gumaganito ayan nalulungkot ka tuloy... nagising pa kita...

Den: okay lang my labs... miss na miss na din kita... gusto na kita mayakap... nahihirapan ako matulog kasi madalas sa inyo na ako natutulog nuong andito ka...

Aly: kung gusto mo duon ka matulog sa kwarto ko para, hindi mo ako ma-miss...

Den: sige... gagawin ko yan... magpapa alam ako dito sa bahay namin... my labs mag praktis ka mag basa basa ha... kung hindi lagot ka sa akin!! pati pala mag sulat..

Aly: opo... wag kang mag-alala nagbabasa basa talaga ako dito pati nagsusulat sulat ako...

Den: sige... dapat pag uwi mo may sulat ka sa para sa akin... kunwari hindi mo ako nakaka usap sa cellphone.. nakaka practice ka na may sulat ka pa sa akin...

Aly: sige gagawin ko yan my labs... Pero baka hindi mo maintindihan ang sulat ko kasi parang kinalahig ng manok ang sulat ko eh...

Den: maiintindihan ko yan my labs... ako ang bahala.. (she yawned)

Aly: sige mahal ko matulog ka na... pasensya na ulit at nagising kita...

Den: ayos lang yun mahal ko... wag mong ibaba ha diyan ka lang para kunwari magkasama pa din tayo ngayon... mahal na mahal kita mahal ko... I miss you na talaga... (pahina ng pahina ang boses ni den hanggang sa nakatulog na siya)

Aly: mahal na mahal din kita... kaunting tiis lang mahal ko magkikita na ulit tayo.. pangako hindi na tayo magkakalayo pa...

Hindi nga niya pinatay ang linya... Pumikit na siya at natulog...

Para naman talagang nakatulong iyon a kaniya dahil sa wakas nakatulog ng mahimbing si aly...
--------

Pang sampung araw na ni aly at Jake sa Davao.. nasubaybayan na nila ang mga pang-araw araw na ginagawa ng negosyanteng instik na tinatrabaho nila...

Pati ang mga kaibigan nito at mga naka associate sa instik ay unti-unti nilang nakikilala... maging ang pang araw araw na ginagawa ng pamilya nito ay napag-aralan na nila...

sa lahat ng lakad nito palaging anduon si aly o si Jake... Tinitiyak ng dalawa na hindi sila nahahalata nito.. paminsan sinasama din nila ang dalawang tauhan na pinadala ng amo nila para wala naman masabi ang dalawa pero tinitiyak ni aly at Jake na maingat sila sa pag bigay ng impormasyon sa mga ito.. Hanggang ngayon kasi hindi pa din nila masyadong pinagkakatiwalaan ang mga ito..

Nasa isang kainan sila sa Davao... Magkakaharap sila aly, Jake, Jonjon at
Jake: oh bukas planuhin na natin ang paglapit sa alaga natin (ibig sabihin ay ang taong minamanmanan nila) kailangan mabigyan natin siya ng pagkakataon na makapag handa ng halaga na hihingin natin sa kanya...

Aly: sige ako na ang magpa-plano kung paano tapos bukas ng umaga puntahan ninyo ako sa kwarto ko tapos pag-usapan natin...

Jake: kayong dalawa (referring to Jonjon and badong) sabihin ninyo kay amo malapit na tayo makalapit sa alaga natin...

Tumango lang naman ang dalawa...

Badong: boss mag cr lang ako...

Jonjon: sama na ako... (nagmamadaling siyang tumayo para sundan ang kasama niya)

Dahil kanina pa napapansin ni aly na nagtitinginan ang dalawa lalo pa ng sabihin nila na lalapitan na nila ang intsik kinutuban na siya...

Nagpalipas din siya ng ilang minuto bago niya sinundan ang dalawa... tineyempuhan niya na may lumabas sa cr ng mga lalaki... Ng makita niya na walang tao pumasok siya dali daling pumasok sa cubicle...

nadinig niyang nag-uusap ang dalawa...

Jonjon: anong plano pare?

Badong: basta ang sabi lang ni amo... pag nakuha na natin ang pera kay intsik tumba na natin si tangkad...

Jonjon: pare babae pa din si tangkad... hindi ko ata kayang mag-tumba ng babae...

Badong: puta may gusto ka pa ata kay tangkad... sige ganito na lang kung gusto mo pare.. para hindi ka masyado nanghinayang sa kanya eh di tikman mo muna bago mo tapusin... okay na ba yun sa iyo??

Jonjon: pwede din hahaha (evil laugh) pero pare paano nga pala ang mga kaibigan niyan sa Maynila? diba alam din nila ang operasyon ni amo??

Badong: syempre bago natin kunin ang pera kailangan may tao na tayo duon... kailangan natin matumba ang mga iyon... mga tanga eh alam mo ba na si tangkad daw ang paborito nila amo kaya lang gusto na humiwalay... alam mo naman sa trabaho natin bawal ang salitang bagong buhay...

Ika nga nila dito ka nabuhay, dito ka din mamatay!! kung kinakailangan burahin sa mundo pati ang pamilya niyan gawin natin!! para walang sabit!!

Jonjon: sige... pagka kuha natin ng impormasyon papuntahin na natin ang mga tao natin sa maynila...

Nadidinig ni aly ang lahat... sinasabi na nga ba niya at hindi mapagkakatiwalaan ang mga pinadala ng amo nila... ang tanong ay paano niya sasagipin sila kim at bang. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito... Ang pamilya niya... paano kung malaman ng mga ito ang tungkol kay den??

Kinabahan siya... biglang Napaisip siya ng malalim... bigla din siyang napaunat ng tayo ng maisip niya na baka alam
ni Jake ang utos na iyon ng amo nila...

Aly: tang-ina ka Jake papatayin kita... (pangako niya sa sarili niya)

Inayos niya ang sarili niya at pilit na kumilos ng parang wala lang nangyari...

Bumalik siya sa lamesa nila... Nakita niyang kumakain na ang mga ito... mukha namang hindi nakahalata ang dalawa...

Matapos silang kumain ay nagsibalikan na sila sa kanilang mga kwarto... binigyan kasi nila ng pagkakataon si aly na makapag plano kung makakalapit sa "alaga" nila...

Pero Iba ang nasa isip ni aly... nang mag-gagabi na lumabas siya ng kwarto at pinuntahan ang kwarto ng mga tauhan ng amo nila... nag sumbrero siya pilit niya Itinago ang kanyang buhok... nag supporter din siya para maisip ng kahit sino na makasalubong niya na lalaki siya... Nag suot siya ng pantalon at maluwag na t-shirt...

Pumuwesto siya sa di kalayuan ng kwarto ng mga ito... hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya duon... ni wala siyang kungktretong plano... may kung ano lang na nagsasabi sa kanya na kailangan niyang pumwesto duon at may matutuklasan siya...

Makalipas nga ang 30 minuto lumabas ang dalawa... isa lang ang naisip niyang gawin ang sundan ang mga ito...

Pumunta ang dalawa sa isang bar... umupo ang mga ito sa pinaka sulok na lugar ng bar... kumuha din siya ng lamesa malapit sa mga ito pero sinigurado niya na hindi siya mahahalata ng mga ito...

Nagsimula naman ng umorder ang dalawa ng alak at babae... siya man din ay umorder na ng alak... wala siyang balak inumin ito. gusto niya lang na hindi siya mahalata sa tunay niyang pakay duon...

May mga babae din na lumalapit sa kanya at inaalok siya ng serbisyo ng mga ito pero hindi niya pinatulan... kailangan niyang masiguro na walang makaka kuha ng atensyon niya...

------

May dalawang oras na siya duon at nakaka dami na din siya ng alak buti na lang at malakas din talaga siya uminom kung hindi baka malasing na siya...

Pauwi na sana siya ng makita niyang may dumating na isang may edad na lalaki... napaunat siya ng upo at pilit na sinisipat at kinikilala kung sino ang bagong dating... dahil sa pananamit at tindig nito makikita mo na may kaya ang dumating... nakasumbrero ito kaya naman hindi masyado makita ni aly mukha nito...

Tinignan lang niya ang bawat kilos ng mga ito... sinigurado niya na hindi niya inaalis ang mga mata niya sa tatlong lalaki na kasalukuyang nag-uusap ng seryosohan... nang napansin niya na tumayo si badong, sinabayan niya ito ng tayo... susuray suray na ito kaya naman kinuha nito na oportunidad... binunggo niya ito...

Badong: gago ka ha!!!

Aly: (sumenyas lang siya ng pasensya at hindi nagsalita)

Hindi naman na siya pinag-ukulan pa ng masyadong pansin. dumeretso na ito at pumunta na sa cr ng mga lalaki...

Dali-daling pumunta si aly sa cr ng babae...

Badong: psh!! bakla pala... kaya pala hindi umalma!! pwe!! (nakita kasi niya ang itsura ni aly. mukha itong lalaki pero papasok ito sa cr ng mga babae)

tinignan niya ang cellphone buti na lang at wala itong password... tinignan niya ang mga huling text na nakuha ni Badong...

Wala naman siya halos nakita except sa isang text... nakapangalan ito ng "bathala"

Binasa niya ang text nito..

Bathala: basta kapag nakuha na ninyo ang pera itumba na ninyo si tangkad at ang alaga natin!!

Medyo mabagal pa ang pagbasa niya dahil nga hindi pa naman siya marunong magbasa ng sobra...

Nang matapos niya basahin ito kinuha niya ang sim tapos hinulog ang cellphone sa toilet...

Lumabas na siya sa bar at tumambay malapit sa establishimento na pinanggalingan niya...

Inabangan niya ang paglabas ng kasama ng dalawang traidor...

Hindi pa nagtagal lumabas na din ang dumating na ang mistereryosong tao... Sumakay ito sa kulay pulang otto... kinuha ni aly ang plate number ng sasakyan nito tsaka umalis at bumalik na sa kwarto na tinutuluyan niya...

-----------

Pag dating niya sa kwartong inuupahan dali-dali niyang tinawagan si kim... pina-alam niya dito kung sino ang nagmamay-ari ng plate number na nakuha niya... madami pang tinanong si kim pero hindi niya ito sinagot mabuti ng wala itong alam dahil baka matakot ito... binilin pa niya na hindi niya dapat ipaalam kay Jake ang pinapagawa niya...

Pagkatapos niya tawagan si Kim nahiga siya sa kama niya at inisip niya ang mga nalaman at nadinig niya... iniisip niya kung paano niya maisasalba ang mga kaibigan niya at ang pamilya niya... hindi siya basta pwede tumakas dahil pag nagkataon baka pati si den den at madamay sa kanyang problema..

Sa ngayong hindi pa niya masyadong alam kung ano ang dapat na gawin... isa lang ang tiyak niya hindi niya hahayaan na masaktan si Dennise...

dahil sa malalim na pag-iisip niya hindi niya namalayan na nagliwanag na... namalayan na lang niya na may kumakatok sa kanyang kwarto, iinot-inot siyang tumayo at pinag bukasan ang kunakatok...

Si Jake ang nasa kabilang bahagi ng pintuan...

Jake: oh anong nangyari sa iyo? parang wala kang tulog ha...

Aly: tsk! ewan ko ba tol, hindi ako dalawin ng antok kagabi kaya bumili nga ako ng ilang beers tapos umuinom ako ng kaunti pero ganuon pa din...

Jake: baka naman masyado iniisip ang plano natin... tol wag mong masyadong madaliin...

Aly: salamat ha... baka nga alam mo naman gusto ko na talaga matapos ito para makauwi na ako sa pamilya ko... (tinignan niya sa mga mata si Jake, inaalam niya ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya, pinili niyang wag ipagtapat kay Jake ang mga nalaman niya dahil hindi niya alam kung kakampi niya ito o kalaban)

Tumalikod si Jake para tignan ang ibabaw ng lamesa na anduon sa maliit na kwarto na inuupahan nila para kay aly... dahil sa ginawang iyon ni Jake inisip ni aly na umiwas ito...

Jake: miss na miss mo na talaga ang pamilya mo ano?? (nakatalikod pa din siya kay aly)

Aly: oo tol eh... mahal na mahal ko ang pamilya ko... ayaw ko na nahihirapan sila at nasasaktan... (medyo diniinan pa niya ang pagkakasabi nito para magsilbing babala sa kausap)

Jake: hayaan mo tol, matatapos din ang lahat ng ito... Sige kung wala ka sa mood wag ka muna mag plano... mag pahinga ka na muna... Siguro mamaya na lang natin pag-usapan ang mga kailangan nating gawin...

Aly: tol, baka siguro dapat pumasok akong trabahador ng alaga natin... alam mo na para mas makalapit pa ako sa kanya... mahirap na tol baka madami palang kilalang opisyales yan sa maynila o kahit dito sa Davao... kilala mo naman ang mayor dito baka pag nagkataon mayari tayo dito...

Napaisip naman si Jake, hindi alam ni aly kung bibilhin ni Jake at amo nila ang gusto niyang mangyari pero ang gusto lang ni aly ay to buy some time para makaisip pa siyang paraan para hindi masaktan sila kim at pamilya niya lalong lalo na si Dennise...

Jake: sige sasabihin ko kay amo... feeling ko tol may point ka eh... Sige sabihin ko sa kanya yang naisip mo tapos malaman mo mamaya sakin... Sige pahinga ka muna ha..

Lumabas ng pintuan ng kwarto niya si Jake... dalangin niya na sana pumayag ang amo nila... may kutob siyang ang kinita ng dalawang kasama nila ay ang amo nila mismo... kailangan niya malaman kay kim kung kanino ang baka rehistro ang sasakyan na pula na gamit ng misteryosong may edad na lalaki kagabi....

Nakatulog siya habang malalim ang iniisip marahil ay dahil sa nakainom din siya at puyat hindi niya tuloy namalayan na tumatawag na pala si den sa kanya...

Mag aalas dos na ng hapon ng magising siya... Una niyang tinignan ang kanyang cell phone at lumaki ang mata niya ng makitang 35 missed calls na ang ginawa ni den... pa low batt na din siya kaya dali-dali siyang nag charge ng phone...

Habang baka charge ang phone niya ay tinawagan niya si den... kinakabahan siya habang nagri-ring ang phone nito...

Den: HELLO!! Ano buhay ka pa pala?!! buong maghapon mo ako hindi tinawagan kahapon tapos halos mapudpod na ang daliri ko kaka tawag sa iyo pero hindi no sinasagot ang mga tawag ko?!!! Ano may nakita ka na bang ibang babae diyan!! Siguro may babae diyan sa kwarto mo ano?!!! Ano sumira ka an sa pangako mo sa akin?!! (umiiyak na tanong niya kay aly)

Aly: good morning my labs... Sorry po ngayon lang kasi ako nagising.. hindi po ako nakatulog ng maayos kagabi kaya puyat na puyat ako eh... pasensya na my labs, hindi ko sinasadya na hindi masagot ang mga tawag mo.. Wala po akong babae dito sa kwarto ko pero may babae po ako sa puso ko at ikaw yun my labs... I love you po..

Hindi naman umimik si den pero nadidinig lang ni aly ang pag hikbi nito sa kabilang linya...

Aly: my labs, wag ka na magalit please??? sorry na... mahal ko...

Den: oo na!! nakakainis ka kasi eh.. lan mo na nga na miss na miss na kita tapos hindi mo man lang na maisip na tawagan ako?!! parang sa iyo ang dali-dali lang na wala ako diyan!!! (pagmamaktol niya)

Aly: my labs akala mo lang yun... ikaw lang ang iniisip ko mula pag gising ko hanggang matutulog na lang ako... hanggang panaginip ko nga ikaw ang nakikita ko eh... Alam ko korni my labs pero totoo talaga ikaw lang ang mahal ko...

Den: oo na mahal din po kasi kita...

Aly: hindi ka na galit? (mas pinalambing pa niya ang boses niya)

Den: hindi na po... (nakangiting sabi niya)

Aly: hay salamat naman (nakahinga siya ng maluwag) mahal ko nami-miss ko na yung yakap... sandali na lang pangako... sandaling sandali na lang magkikita na din tayo... I love you mahal ko...

Den: pangako yan ha sandali na lang... kasi pag hindi ako nakatiis baka puntahan kita diyan... miss ko na din yung mga yakap mo tsaka... yung kiss mo.. (binulong niya ang huli niyang sinabi kay aly dahil basa library siya nya ngayon at baka may makarinig sa kanya)

Aly: ako din my labs miss ko na yung kiss mo, yung yakap mo tsaka yung amoy mo...

Den: naku Sige na nga baka kung saan pa mapunta ang usapan natin at baka mapauwi ka pa dito ng walaa oras... tsaka tapos na din ang break time ko... tumawag ka mamaya ha.. mag-ingat ka diyan... walang babae ha!! mag pakabait ka diyan...

Aly: hahaha ang dami namang bilin ng mahal ko... Opo tatawag po ako mamaya, opo mag-iingat po ako dito, opo magpapakabait po ako at higit sa lahat opo wala po akong ibang babae... ikaw din mahal ko mag ingat ka at wag ka mag palapit kay jovee...

Den: opo hinding hindi po ako mag papalapit duon... Sige na mahal ko baka mapagalitan na ako.. usap na lang tayo ulit mamaya... Bye my labs I love you..

Aly: I love you too.. (tinapos na niya ang usapan nila ni den)

Para siyang nasa langit ng matapos ang usapan nila ni den da telepono... inuulit ulit pa niya sa kanyang isip ang mga sinabi nito sa kanya...

Aly: kailangan ka na talaga makaalis sa ganitong buhay Baldo... kailanagan mo nang ilibing si Baldo para kay den... (sabi niya sa sarili niya)

Bigla niyang na-alala ang SIM card na kinuha niya sa cellphone ni badong... Tinanggal niya ang SIM card niya sa cellphone niya at nilagay ang kay badong.. ang plano niya ay tignan at kunin ang number ng sinasabi duon na bathala.... Kailangan niyang maka tyempo na makuha ang cellphone ni Jake para maikumpara kung yuon din ba ang number ng amo nila..

Nagulat pa siya ng tumunog ang cellphone niya... may nag text kay badong.. nakita niyang galing iyon kay bathala.... Dalawang magkasunod na mensahe ang natanggap niya mula kay bathala... nagmamadali at kinakabahan siyang binuksan ang text messages na iyon....

Bathala: (first message) kailangan matumba ninyo si tangkad!! hindi pwedeng makatakas yan.. hindi pwedeng mauwi sa wala ang pinag hirapan ko!! Matigas ang ulo niyan sinabi na namin dati na walang pwedeng tumalikod sa samahan pero mapilit siya... hayaan ninyong isipin niya na makaka alis pa siya dito... Gusto ko malinis walang sabit... pag pumalag idamay ang mga andito sa maynila para hindi na maka palag pa...

Galit na galit si aly habang binabasa niya ang mensahe na iyon ng isang nagngangalan na "bathala"

Naalala niya may isa pa nga pala siyang kailangan basahin... Binuksan niya ang message at mas nanlumo siya sa nabasa niya...

Bathala: may bata pala yan si tangkad dito sa maynila ayon sa tao ko na pinapoposte sa mga kaibigan niya... ang sabi maganda daw at maputi ang pangalan daw ay DENNISE!!!

Aly: TANG-INA PAPATAYIN KITA KUBG SINO KA MAN!! (nahagip niya ang isang baso at binato niya iyon dahilan para mabasag ito) MAPAPATAY MO MUNA AKO BAGO KA MAKALAPIT KAY DEN!!! (halos mabasag sa kamay niya ang cellphone niya dahil sa pagkaka diin ng kanyang pag kuyom sa kanyang kamao)

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto niya para puntahan si Jake...

TOK TOK TOK!!

Jake: oh tol ayos na ba ang pakiramdam mo?? (nakangiting tanong niya kay Jake)

PAK!!!

Sinuntok niya si Jake sa mukha... dahil hindi ito inaasahan ni Jake tumumba siya at napaupo sa sahig... dumugo din ang ibabang bahagi ng labi nito... Maging si aly ay nasaktan sa ginawa niyang pag suntok kay Jake pero hindi nia masyadong inininda iyon ang importante malaman niya ang totoo...

Jake: putang ina tol para saan yun?!! (Nagtatakang tanong niya kay aly)

Hindi sumagot si aly, madilim ang kanyang mukha at halatang galit na galit... Kinuwelyuhan lang niya si Jake at marahil siguro sa matinding galit nakuha niyang itayo si Jake at isandal sa pader ng kwarto nito... inilagay niya ang forearm niya sa leeg ni Jake kaya hindi ito makagalaw...

Aly: TRAIDOR KA!! PAPATAYIN KITA!! SINABI KO SA IYO WAG NA WAG NINYONG IDADAMAY SI DEN DITO!!! (sabi niya habang sakal sakal si Jake)

Jake: akkk a...l....y... (hindi na siya maka salita at hindi makahinga dahil sa pagkaka diin ng forearm ni aly sa leeg niya.. hinahawakan niya si aly sa balikat at pilit na inaabot niya ang mukha nito para mailayo niya si aly sa kanya.. pilit din niyang inaabot ang buhok ni aly, baka sakali kung mahatak niya ang buhok ni aly baka maka kawala siya dito pero nanghihina na talaga siya)

Paunti-unti nawawalan na ng hangin sa katawan si Jake at ramdam na nito na nagdididlim na ang paningin niya...

Jake: t..ol... (hinawakan niya si aly sa balikat pero huli na niyang subok yun dahil tuluyan ng nagdilim ang paningin niya at lumaylay na kamay niya)

----------

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
111K 2.9K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
10.9K 322 11
BONUS CHAPTERS