The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 43

5.3K 89 11
By Aimeesshh25

Happy reading!

Chapter 43

JERACE'S POV

Iminulat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang malambot na hinihigaan ko. Napakurap-kurap ako at tulalang nilibot ang paningin kung nasaan ako.

Puno ng kurtina. May magandang couch at may center table pa. May TV set sa unahan ko at sobrang lawak pa nito. Hinaplos ko ang malambot na kama. Ang puti nitong nakabalot ang siyang nagpaalarma sa akin.

Wala ako sa kwarto ko!

Mabilis akong napabangon. Sumakit pa ang ulo ko dahil sa biglaang ginawa.

"Omg!" Parang tanga kong nilibot ulit ang paningin. "Where am I? Gosh!"

Tiningnan ko ang suot na damit. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang iba na ang suot ko. Ang huling tanda ko, nakadress pa ako noon. Pero naka polo shirt na ako at boxers naman sa ibaba.

W-Wait. Sinong nagpalit sa akin?

"You're awake. Good morning." His voice echoed in this room.

Mabilis kong inangat ang paningin ko sa lalaking may bitbit na tasa. Prente siyang naglakad suot ang shirt na gray at shorts naman sa ibaba. Bagong ligo siya dahil amoy na amoy ko ang shower gel niya.

Ipinatong niya ang tasa sa table at naglakad palapit sa akin.

"How's your sleep?" He smiled at me.

Napamaang ako. Natulala ako sa ngiting 'yon. Ang sarap naman--wait!

"Anong ginawa mo?!" Halos isinghal ko 'yon sa kaniya.

Nangunot ang noo niya. "What?"

Tiningnan ko ang suot ko at tumayo sa kama. Kahit na nakatayo na ako ay kaunti pa rin ang itinangkad ko sa kaniya.

"B-Bakit iba na ang damit ko?" Tiningnan ko siya. "Sinong nagpalit sa akin?"

Nagkibit-balikat siya at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa.

"Who do you think?" Ngumiti siya sa akin. "Don't worry, pinikit ko ang mga mata ko habang binibihisan ka."

Nanlaki ang mga mata ko. "Patawa ka. Sinong maniniwala sa'yo? Pinikit mo?"

Sumilip ang ngiti sa mga labi niya.

"Yeah. Pinikit ko. "

Inirapan ko siya dahil hindi talaga ako naniniwala!

"Bakit ikaw ang nagbihis sa akin?" Nilibot ko ang tingin ko. "Nasaan tayo? Bakit nandito tayo?"

"Wait. Isang tanong lang." Umayos siya ng tayo. "First. Bakit ako ang nagbihis sa'yo? Ofcourse, alangan naman 'yong bellboy? Hell no. Second.  Nasa Batangas tayo. At bakit kita dinala? Diba magtatanan nga tayo?" Nagkibit-balikat siya. "Hayan, nandito na tayo."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. So tinotoo nga niya? Tanan? Ano kami, teenager?

Paano sina mommy? Ang cafe ko!

Tiningnan ko si Drain na seryosong nakatingin sa akin. Ngumiti siya bigla nang magtama ang paningin namin.

Sinabi ko bang kasama siya? Ang ibig kong sabihin, ako lang ang aalis.

"Tinawagan ko na ang mommy mo kung nasaan tayo." Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa couch. Nangunot ang noo ko nang hawak niya ang purse ko at lumapit sa akin. "Tawagan mo muna ang mga nagtext diyan kagabi pa."

Inabot ko ang purse at binuksan agad 'yon. "Ilang araw tayo rito?"

"Kung hanggang kailan mo gusto." Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. "You should take a shower, I'll wait you. Sa labas lang ako."

"Teka."

Tumingin siya sa akin. Naghihintay sa sasabihin ko.

"Paano tayo nakapunta rito?" Kunot-noong tanong ko.

Ang tanda ko kasi noong gabing 'yon, pumasok kami sa kotse niya. Siya na raw ang maghahatid sa akin dahil gabi na. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at 'ayun na! Paggising ko nandito na ako.

"Well." Napalunok siya. "Nagmaneho ako habang natutulog ka. Naisip kong baka takasan mo na naman ako pag iniuwi kita sa inyo."

Nagulat ako. At kailan pa siya naging kidnapper?

Umiwas siya ng tingin at inayos ang buhok.

"Mag-ayos ka na. Ipahahanda ko lang ang pagkain."

Dahan-dahan pa akong tumango at tinuon na ang tingin sa cellphone ko. Nagtagal pa siya sa harap ko saka tumalikod at binuksan na ang pinto.

Agaran ang pag-upo ko sa kama. Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito kami! At talagang hindi niya man lang sinabi na may balak siya! Saan ba 'to sa Batangas?

Ilang araw ko siyang makakasama. My gosh! Good luck na lang sa'yo self!

Mabilis kong t-in-ext si Selene na siya muna ang bahala sa cafe habang wala ako. Nagtext rin ako kay April at Chenny ganoon na rin kay Louie na mga nag-aalala sa akin. Tumawag pa nga si April ngunit hindi ko na sinagot. Kung ano lang naman ang sasabihin no'n.

Nangunot ang noo ko nang makita ang text ni mommy kagabi pa.

From: Mom

Enjoy. Huwag munang mag-isip ng kung ano diyan. Diyan ka muna ah, ayos lang kahit next week ka pa umuwi! I love you, Honey! Hehe.

Hindi ako makapaniwala! Ano kayang sinabi ni Drain kay mommy at ganito ang text sa akin nito? Parang pabor na pabor siya kay Drain ah!

Naligo na ako. Nakarobe ako nang lumabas ng CR. Agad akong nataranta nang maalalang wala pala akong damit!

Buwisit! Anong susuotin ko?

Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe kay Drain pero nangunot ang noo ko nang makita ang apat na paper bag sa side table.

Lumapit ako at kinuha 'yon. Ngumuso ako nang makita ang laman no'n. Tatlong dress na may ibat-ibang kulay. May dalawa pang pajama at dalawang t-shirt! Tiningnan ko ang huling paper bag.

"Drain!" Namula ako sa mga nakita.

Puro mga undies! May two-piece pa! Kinuha ko 'yon at tiningnan. Namangha ako dahil sakto sa size ko ang mga 'yon.

How did he know?

Wala akong nagawa kundi suotin na lang. Sinuot ko ang dress na off-shoulder ang style. Naglagay lang ako ng liptint at inayos ang buhok. Wala akong kadala-dala na kahit anong panlagay sa mukha ko! Liptint at press powder lang!

Bitbit ko ang cellphone nang lumabas. Natigilan ako sa naabutan ng aking mga mata. Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang dagat na kulay asul, naghahalo ang kulay berde dito. Tiningnan ko ang terrace. Gawa sa kahoy ang harang nito at may upuan pang pabilog. Ano bang tawag roon?

Mangha kong tiningnan kung nasaan kami. Gawa sa purong kahoy ang cabin na 'to. Pero hindi mo aakalain kapag nasa loob ka. Kaya pala hindi kita ang view sa loob dahil nakababa ang mga kurtina. Ang ganda exterior nito.

Huminga ako ng malalim at naglakad pababa ng hagdan na yari rin sa kahoy. Napangiti ako nang tumapak ang mga paa sa buhangin. Nalubog pa ang suot kong tsinelas. Tiningnan ko ang dagat sa harapan. Namangha ako nang makita ang papasikat pa lamang na araw. Buti naabutan ko!

Tumakbo ako palapit roon. Hindi ko alintana ang lakas ng hangin na gumugulo sa laylayan ng dress ko at ganoon na rin sa buhok ko.

"Wow!" Hindi ko na napigilan ang tuwa. "Ang ganda!"

"You like it?"

Tiningnan ko ang nagsalita. Nakangiting nakatingin sa akin si Drain. Hawak niya sa kanang kamay ang cellphone at nakatutok sa akin.

Ngumuso ako nang makuha ang ginagawa niya.

"Beautiful.." tiningnan niya pa ang cellphone bago iyon nilagay sa bulsa at lumapit sa akin.

Nahigit ko ang hininga. Bakit ba lagi akong kinakabahan sa kaniya?

"Nagustuhan mo?" Ulit niya sa tanong. Tumigil siya sa paglalakad nang makalapit na at tumingin na rin sa sunrise.

Umiwas ako ng tingin. "Hmm. Ang ganda." Ramdam kong napatingin siya sa akin. "Galing pumili ah?" Nilingon ko siya.

"Hindi lang sa lugar ako magaling pumili." Ngumiti siya at tinitigan ang buong mukha ko. "Pati sa magiging asawa ko rin."

Ngumuso ako. Edi wow, Drain.

"Saan nga pala 'to? Parang pamilyar.." pag-iiba ko sa pinag-uusapan. Ibinulong ko ang huling sinabi.

Huminga siya ng malalim at tinuon ulit ang pansin sa unahan.

"We're here in Calatagan." He said.

Nagulat ako. Tumingin siya sa akin. "Hindi ba, sinabi ko sa'yo..na babalik tayo rito? At ngayon, kung hanggang kailan mo pa gusto. Mabilis lang kasi tayo noong nakaraan, hindi natin nalibot 'to."

Mabilis na nangilid ang mga luha ko. Umiwas ako ng tingin. Nalimutan ko na kung saan kami pumunta noong unang birthday ko na kasama siya. Pero siya, tanda niya pa rin. Alam niya pa rin kung ano 'yong hiniling ko sa kaniya noon. Tinupad niya pa rin ang sinabi niya.

"Tara na. Let's eat our breakfast first."

Huminga ako ng malalim. "Thank you."

Nilingon ko siya. Natigilan siya sa akmang pagtalikod at napatitig sa akin.

"Salamat kasi.. hindi mo nalimutan." Mahinang sambit ko.

Ngumuso siya kaya bahagya akong nangiti.

"Hindi ko naman talaga nalimutan. Umalis lang ako pero hindi ako nakalimot, Jerace."

Napakurap-kurap ako at tumango. Kinuha niya ang kamay ko at hinila na.

"Kain na tayo. Kita pa rin naman ang sunrise sa patio." Aniya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Napatingin ako kung nasaan ang cabin namin. May dalawang babae roon na inaayos ang mga pagkain namin sa table. Tiningnan ko si Drain.

"Hindi tayo sa restau?"

"Hindi. Maraming tao."

Natawa ako. "Tao rin naman tayo."

Tumingin siya sa akin. "Nagtanan tayo diba? Hindi tayo puwedeng makita."

Napamaang ako. Ngumisi siya sa akin at mabilis na dinampian ng halik ang noo ko.

"Maraming lalaki roon. Ayaw ko." Huling sabi niya saka ako mas hinila palapit sa patio.

Hindi na ako nakaalma. Gosh! Mababaliw yata ako sa lalaking 'to!

Masaya kaming kumain ng umagahan. Hindi ko akalaing magagawa ulit namin ang ganito. Iyong simple lang. Iyong kami lang dalawa. Walang mga matang nakamasid. Malaya kami.

Pagkatapos namin kumain, nagpahinga lamang ng konti at naligo na kami sa nakakahalinang dagat. Ayaw niya pa noong una pero dahil pinilit ko siya pumayag rin naman.

Hinubad ko ang suot na dress at ipinatong sa buhanginan. Kanina ko pang suot ang two-piece na binili niya sa ilalim nito. Hinubad ko na rin ang tsinelas saka tumingin sa kaniya.

Naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Wala na siyang pang-itaas at kitang-kita ko na ngayon ang pinaghirapan niyang buoin.

Galing..may abs.

Binalik ko ang mga mata sa mukha niya. Nangunot ang noo ko nang makitang sumimangot siya matapos akong pasadahan ng tingin.

Problema nito?

"Drain!" Kumaway ako. "Ang sunblock ko?"

Pinilig niya ang ulo at may kinuha sa gazebo. Itinaas niya 'yon kaya ngumiti ako at tumakbo palapit sa kaniya.

Nagtiim ang panga niya. "Huwag kang tumakbo, Jerace."

"Ha?" Hinihingal akong lumapit. "Wala na. Nasa harap mo na ako e."

Tiningnan niya ulit ang suot ko bago napapikit. "Nasaan ang dress mo?"

"Ayun oh!" Parang bata kong tinuro ang buhanginan kung saan ko iniwan ang dress at tsinelas.

"Damn. Bakit hinubad mo agad kung hindi ka pa maliligo?"

Ang init ng ulo nito. Hindi ko siya pinansin at lumapit na lamang sa gazebo. Dumapa ako roon at tumingin sa kaniya.

"Put that on me." Nginuso ko ang hawak niyang sunblock.

Napakurap-kurap siya. " Ngayon?"

"Hindi, bukas." I rolled my eyes. "Kailan ba tayo maliligo?"

"Oh? Alright." Tiningnan niya pa ang dress ko. I laughed.

"Don't worry, walang kukuha no'n!"

Tumingin siya sa akin at inirapan ako. Nanlaki ang mga mata ko at napabungisngis na lamang.

Ang taray talaga.

Lumapit siya sa akin at pumwesto sa may bandang likuran ko. Inayos ko naman ang pagkakadapa at ipinikit ang mga mata.

Tagal naman.

Naramdaman ko na lang ang mainit niyang palad na humahagod sa may likuran ko. Paulit-ulit 'yon at para bang may hatid na kuryente ang mga kamay niya dahil iba ang epekto sa katawan ko.

Gosh.

Bumaba ang mga kamay niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Humagod ulit 'yon pagilid papunta sa may tiyan ko.

Pisti! Tama pa ba 'tong ginagawa niya?

Huminga ako ng malalim nang tumigil siya saglit. Naramdaman ko ang kamay niya sa ibaba ng balikat ko.

Kalma.

Mariin kong kinagat ang labi nang humagod ang mga daliri niya sa ilalim ng dibdib ko!

"Hmm.." shit! Halos iuntog ko ang sarili nang kumawala 'yon sa akin.

Napatigil siya. Mas lalo akong yumuko. Shit! Nakakahiya!

"Jerace.."

Oh! Huwag mo akong tawagin!

"T-Tapos na?" Tanong ko at sinulyapan siya.

Napamaang ako nang makita ang mga namumungay niyang mga mata. Bumangon ako at dahan-dahang inayos ang suot sa itaas. Napatingin siya roon. Nahigit ko ang hininga.

Jusme! Magkakasala ako sa ginagawa mo!

"Hindi puwede. Maliwanag pa." Sambit ko at tiningnan siya.

Kitang-kita ko ang pagkagulat niya. Binitawan niya ang hawak na sunblock at mabilis na tumayo.

Natawa ako. "Saan ka?"

"Restroom lang." Malalim ang boses na sambit niya.

Pinigilan ko ulit ang matawa. Tumango ako at inayos ang buhok.

"Okay. Balik ka ah? Maliligo na ako."

Tumango lang siya sa akin at dire-diretso nang naglakad palayo.

Humalakhak ako at iniwan ang gamit sa gazebo. Patakbo akong lumapit sa dagat at nagsimula ng maligo.

Iyon lamang ang ginawa namin sa unang araw namin sa Batangas. Naligo, kumain, nagpahinga at naligo ulit. Balak pa sana naming mag bonfire noong gabi kaso parehas na kaming bagsak dahil sa pagod.

Magkaiba kami ng kama. Pabor naman 'yon sa akin at baka magawan ko pa siya ng masama.

Charing.

Sinusuklay ko ang buhok ng lumabas siya mula sa bathroom. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng mukha dahil lagi rin namang nababasa. Mayat-maya akong naliligo eh.

Suot ko ngayon ang pajama at t-shirt na binili niya. Siya ang pumili nito at huwag na raw muna ako magdress. Sinunod ko naman. Pagbigyan na.

"You done?" Tumingin siya sa akin.

Agad akong tumayo at ngumiti sa kaniya. "Yep, kanina pa. Ikaw?" Pinasadahan ko ang suot niya at nanlaki ang mga mata ko sa naunawaan.

Parehas kami ng suot. Nakapajama rin siya at nakat-shirt na maroon.

Ngumisi siya nang mapansin ang reaksyon ko. "Sweet.. isn't it?"

"Mukha mo." Inirapan ko siya.

"Ay guwapo." Dugtong niya saka tumawa.

Napatitig ako sa kaniya. Lagi na siyang tumatawa ngayon ah? Pansin ko 'yon kahit pangalawang araw pa lang namin rito. Para ulit kaming bumalik sa pagiging highschool ng dahil dito. Noong mga panahong ayos pa kami at wala pang problema sa pagitan naming dalawa.

Kumusta kaya sina Tita Erin? Alam kaya nila kung nasaan kami?

Sino ang nagmamanage ng company nila? Kasama ko ngayon ang CEO nila.

Ipinilig ko ang ulo. Hindi muna ako mag-iisip ng kahit ano. Kami muna. Kami naman munang dalawa.

"Let's go?" Sinuot niya sa akin ang black cup at sinuot rin ang kaniya.

"Hindi ko alam na baduy ka na pala ngayon."

"What's baduy?" Kunot-noong aniya.

Napairap ako. "Yaman mo naman. Hindi mo alam ang baduy?"

Inosente siyang umiling sa akin. Seriously?

"Nevermind!" Nauna na akong lumabas ng cabin. Bumaba ako sa hagdanan at napangiti agad nang makatapak sa buhanginan.

"Ano bang meron sa buhangin?" Sabat ng nasa likod ko. Mabilis niyang nakuha ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit. "Lagi kang ngumingiti eh."

"Masarap kasi tingnan."

"What? May mas masarap pa diyan baby." He grinned at me.

Hinampas ko siya sa braso. Inalis ko ang hawak niya. Humalakhak agad siya.

"Ang manyak mo!"

"Hey! I'm not."

"No, manyak ka." Tinarayan ko siya.

"I'm not yet done with my sentence baby."

"Nyeee!" Naglakad na ako palayo.

Tumawa siya at sumabay na sa akin. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Tiningnan ko siya. Tumingala pa ako dahil nakasuot ako ng cap at humaharang 'yon.

"Hilig mo ng hawakan ang kamay ko."

Ngumiti siya. "Hilig mo ang pakiligin ako eh."

Napaawang ang mga labi ko. E-Edi wow, Drain.

Ngumuso ako at tumingin na sa unahan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, bahala na siya. Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak at wala sa sariling napangiti.

I'm so in love with this man.

Wala naman kaming ibang ginawa sa maghapon kundi ang libutin ang buong resort at kumain mismo sa restaurant nila. Panay pa ang bulong sa akin ni Drain na naiinis na siya sa mga lalaking nakatingin sa akin. Kailangan ko raw bilisan ang pagkain bago pa siya makapanuntok.

Panay naman ang pag-irap ko sa kaniya. Siraulo talaga!

Noong hapon naman ay natulog kaming dalawa sa ilalim ng puno ng niyog sa harap ng tahimik na dagat. May bitbit siya no'ng higaan at natawa talaga ako dahil lagpas na lagpas siya. Sobrang tangkad kasi. Niyakap niya lang ako noon at nakatulog ako. Hindi ko nga alam kung ilang oras kami roon eh. Nagising na lang ako na may humahaplos sa pisngi ko.

"Drain.." tawag ko at nginitian siya.

He smiled at me. Tumagilid siya sa ganoong paraan ako tinitigan.

"Gusto ko talaga pag tinatawag mo ang pangalan ko." Aniya.

Ngumuso ako at tiningnan ang kapaligiran. Nagiging kulay kahel na ang kalangitan, senyales na hapon na.

"How's your sleep?"

Tiningnan ko siya. "Masarap!" Tumawa ako.

Kitang-kita ko ang pag-ngiti niya. Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla.

"Drain.." napakapit ako sa balikat niya.

"Damn. I love you so much baby." He whispered.

Napangiti ako at hinilig ang ulo sa kaniya. Mabilis na namasa ang mga mata ko. Hindi ko pa man nasasabi ito sa kaniya pero hanggang ngayon..mahal na mahal ko pa rin siya.

"I love you." Bulong niya ulit. Mas humigpit ang yakap niya. Napangiti ako.

I love you too, Drain.

Pangatlong araw na naming dalawa rito. Hindi ko alam ang nangyayari sa mga pamilya namin dahil parehas patay ang mga cellphone naming dalawa.

Tumingin ako sa kaniya matapos niyang makausap ang nagturo sa amin kanina. Susubukan namin ang motor boating dito sa resort nila. Buti nga pumayag na si Drain eh! Ayaw niya pa noong una pero buti na lang napilit ko siya.

Love niya raw ako eh! Maiinggit kayo please!

Charing.

"Okay na?" Salubong ko sa kaniya at agad na kumapit sa braso niya.

Hindi ko alam kung kailan ako naging komportable ulit sa kaniya ng ganito. Malaki talaga ang tulong nitong pagtatanan namin kuno.

"Yeah. You ready?" Sinilip niya ang mukha ko.

Bahagya naman akong kinilig at tumango. "Yep! I'm born to be ready!"

Tumawa siya sa sinabi ko. Natawa na rin ako. Ang tanga ko talaga minsan.

Lagi bhie.

Magkahawak-kamay kaming lumapit sa dagat. Naroon na ang lalaking may hawak sa tali ng gagamitin naming bangka. Inabutan na rin kami ng life jacket kaya agad namin 'yong sinuot.

Inalalayan ako ni Drain na makasakay sa bangka bago siya sumakay. Naibsan naman ang pangamba ko dahil may kasama naman pala kami. Si Manong 'yong may hawak ng tali kanina.

Nagsimula nang umandar ang bangka. Parehas lamang kaming nakatanaw sa malawak na dagat ng Batangas. Grabe, hindi talaga nagkamali ang batangueño na ipagmalaki ang ganito kagandang tanawin. Sobrang ganda!

Tiningnan ko ang ilalim noon. Nangiti ako nang makita ang asul na pinaghalong berde at mga isdang sumasabay sa bangka namin.

"Look! Drain! Ang ganda!" Tinuro ko ang mga 'yon. "They're so cute!" Ngumuso ako. "Grabe! Sarap nilang hulihin!"

"At kainin?" Tumawa siya nang mabilis ko siyang nilingon at irapan.

"Panira."

"What? " He stared at me. "Aah. You looked adorable baby."

Mabilis na nag-init ang mga pisngi ko. Pisti ka talaga Drain Ely!

Umiwas ako ng tingin at tumingin na lamang ulit sa ibaba. Pilit kong sinilip ang ilalim noon. Nangunot ang noo ko nang parang tumigil na ang mga isda sa pagsunod.

"Puwede po kayong maligo rito." Si Manong.

Napatingin ako sa kaniya. Patay na pala ang makina at nakatigil na lamang kami.

"Really kuya?" Ngumiti ako nang tumango siya. Nilingon ko si Drain. "Tara. Langoy tayo."

"Hindi ito gaya ng nilalanguyan mo, Jerace. Malalim 'to." Tiningnan niya ang tubig.

Ngumuso ako. "Ano naman. Marunong ka naman lumangoy ah?"

"Marunong ako. How about you?" Tumaas ang kilay niya. Hindi ako nakasagot. Inirapan niya ako at nilingon si Manong na nangingiti sa aming dalawa.

"Puwede po kayang magtagal rito?" Rinig kong tanong niya.

"Oo naman, hijo. At saka mukhang gusto ng nobya mo ang maligo. Puwede naman ho. May life jacket naman kayo."

"Excuse me po. He's not my boyfriend." Singit ko at ngumiti kay Manong.

Nilingon ako ni Drain. Kunot na ang kaniyang noo at halata ang iritasyon sa mga mata.

"What?" Singhal ko.

Tunay naman ah! Hindi pa naman kami nagkakabalikan! Nye!

"Ay? Pasensya na hija. Akala ko e." Nakamot ni Manong ang ulo.

Tumawa ako at akma ng tatalikod. Napatili ako nang mabilis akong nahapit ni Drain palapit sa kaniya.

"She's not my girlfriend because she's already my fiancee, Sir." Ngumiti siya kay Manong. Tumingin siya sa akin.

Yabang mo. Nyee

Inayos niya ang suot kong life jacket at ganoon na rin ang buhok ko.

"Huwag kang lalayo sa akin, okay? Pag pinairal mo ang tigas ng ulo mo, hindi na talaga tayo lalangoy." Mariing aniya.

Pinigilan ko ang matawa. Dahil para siyang tatay na nagsesermon sa anak niya.

Nangunot ang noo niya. "Jerace?"

"Yes, baby." Malambing na sambit ko.

Natigilan siya at napaawang ang mga labi. Ngumisi ako. Pinikit niya ang mga mata at bahagyang tumingala.

"Aah. Damn. You're driving me crazy, Jerace." He whispered.

Tumawa ako. Nagbaba siya ng tingin sa akin at dinampian ng halik ang noo ko.

Pang matanda naman 'yon, bhie.

"Tara na para makabalik na tayo." Aniya at sabay na kaming lumapit sa gilid ng bangka.

Hapon na ng makabalik kami ni Drain sa cabin. Halos hindi na ako makalakad sa sakit ng mga binti ko.

"Ayoko na." Umupo ako sa buhanginan.

Nagulat siya at napatingin sa paligid bago tumingin sa akin.

"Get up, Je."

"Tinatamad na ako." Ngumuso ako.

Basang-basa parehas ang suot naming dalawa. Naka two-piece lang ulit ako dahil hinubad ko ang dress ko kanina.

"You're wearing that piece of shit baby. Get up."

Lalo akong umupo. Pagod na pagod na talaga ang mga binti ko. Baka maaga akong makatulog nito.

"Oh damn!" Aniya at lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang dress na hawak ko at sapilitang isinuot 'yon sa akin.

"Drain!" Umungot pa ako. Hanep.

"Wait! Jerace!"

"Okay." Inayos niya ang pagkakasuot noon saka ako marahan na binuhat.

Napangiti ako ngunit hindi ko pinahalata. Kinikilig ako!

"Kumapit ka." Aniya pa at inayos ang pagkakabuhat sa akin. Natawa pa ako dahil iba ang buhat niya. Hindi pang bridal style.

Pang bata kumbaga. Hawak niya ang pang-upo at likuran ko. Ang mga binti ko naman ay nakasabit sa baywang niya. Nakaharap ako sa kaniya habang yakap siya sa kaniyang leeg.

"Ito na, kakapit na." Bulong ko at hinilig ang ulo sa may leeg niya.

Napahinga siya ng malalim at humigpit ang hawak sa akin.

"Ang likot mo kasi. Sabing tama na ang isang langoy." Sermon niya pa.

Ngumuso ako at ipinikit na lamang ang mga mata. Parang ayoko ng umuwi. Gusto ko na lamang dito.

Pumasok na kami sa cabin. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng matulog pero pinilit niya akong maligo muna. Syempre naligo agad ako, halos hindi ko nga naayos dahil bumibigay na ang mga mata ko.

Nagising ako nang maramdaman ang marahang humahaplos sa may binti ko. Parang hinihilot.

Tiningnan ko 'yon. Napangiti ako nang makita si Drain na seryosong hinihilot ang mga binti ko. Bagong ligo na siya at nakaupo sa may kama. Nakapatong sa lap niya ang mga binti ko.

"Galing naman. Manghihilot ka na rin ah."

Nagulat siya at napatingin sa akin. Ngumiti agad ang loko. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong daganan at halikan sa noo.

"Good evening baby ko." He said with a deep voice.

Wala na. Tunaw na tunaw na ako punyeta!

"Good evening.." tulalang bati ko.

He smirked at me. "Natulala ka sa halik ko? Sa noo pa nga lang 'yan eh."

Hinampas ko siya sa braso.

"Kapal mo na ah!"

"Mahal kita."

Natahimik ako. Nanlaki ang mga mata ko. Tumaas ang kilay niya at tinitigan ang buong mukha ko. Huminto 'yon sa mga labi ko.

Okay?

"Hindi ako magsasawang sabihin 'yan." Ngumiti ulit siya at ipinilig ang ulo. "Halika na sa labas. Handa na ang dinner." Tinulungan niya akong tumayo.

"Buhat!" Itinaas ko ang dalawang kamay.

Natawa siya at nasapo ang noo.

"Hilig mo na akong sakyan ah?" Aniya at binuhat na ako. "Ako kaya, kailan?"

Namula ang mga pisngi ko. Agad ko siyang pinaghahampas. Humalakhak lang naman ang loko.

Ang dami niyang baon na ganiyan ah! Iyong totoo, nasaan na ang seryosong si Drain?

Natapos ang dinner namin na puro tawanan. Kwento ako ng kwento ng kung ano-ano at tawa naman siya ng tawa.

"Wear it." Inabot niya sa akin ang jacket niya.

Tinanggap ko naman 'yon at sinuot. Inayos niya ang kahoy para mas umapoy.

Nandito kami sa harapan ng cabin namin. Naggawa siya ng bonfire dahil matagal ko na 'yong sinasabi sa kaniya. At dahil hindi na naman kami pagod, natuloy na rin.

Inayos niya ang telang nilatag sa buhanginan para maupuan namin.

Umayos ako ng upo para makaupo rin siya. Mabilis niyang hinawakan ang baywang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Humilig ako sa balikat niya at doon pinanood ang apoy.

Tahimik lamang kaming dalawa. Paminsan-minsan ko ring pinagmamasdan ang tahimik na dagat.

Sobrang saya ko ngayon. Dahil dito, parang nalimutan ko 'yong nangyari sa amin five years ago. Parang lahat ng 'yon nabura. Lahat ng sakit, hirap at lungkot, nalimutan ko ng dahil dito.

Inangat ko ang tingin sa lalaking kasama ko. Naramdaman niya ang tingin ko kaya sumulyap siya sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"Thank you so much, Drain." Sambit ko. Mabilis na nangilid ang mga luha ko. " You made me so happy. Thank y-you." Hot tears rolled down on my cheeks.

He gasped. Nangunot ang noo niya at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha roon. Lalo lamang akong naiyak.

"Damn. My baby's crying.."

Natawa ako at hinilig ang mukha sa mga kamay niya.

"I'm just so happy.." nilunok ko ang bukol na bumabara sa lalamunan ko."
"Thank you. Iba ka pa rin talaga magpasaya."

"Masaya ako, dahil napasaya kita." Hinaplos niya ang pisngi ko. "I'm so sorry for everything.. hindi ko akalaing nasaktan ko ang katulad mo. Na walang ginawa kundi ang mahalin lang ako."  Namula ang mga mata niya. "Nasaktan kita at kulang pa 'to, Jerace. Lahat gagawin ko..mahalin mo lang ulit ako."

Bumuhos ang mga luha ko. Siguro naman, sapat na ang ilang taon pagdudusa namin. Siguro naman, oras na para sumaya rin kami. Iyong kami lang. Wala ng iisiping ibang tao. Gusto ko na ring sumaya.

Tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Parang may humaplos sa puso ko.

"Wala namang nagbago, Drain." Nginitian ko siya. "Sa loob ng limang taon, walang nagbago. Kung meron man..'yon ay mas lalo lang kitang minahal.." tumulo ang mga luha ko. "I love you. Mahal na mahal. Sobra, Drain."

Napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin. Paulit-ulit niyang kinagat ang pang-ibabang labi bago pumikit.

"Fuck. Thank you!" Bulong niya. Nangunot ang noo ko. Nagmulat siya ng mga mata at nagulat ako nang makitang nangingilid ang mga luha roon. "I love you. I love you so much. I love you." Paulit-ulit na sambit niya.

Tiningnan niya ang labi ko at bumalik sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit kaya agad akong pumikit.

At nang sandaling 'yon para akong nabuhayan ulit.

Naramdaman ko ang mainit niyang labi na dumampi sa akin. Bumuhos ang mga luha ko sa lahat ng sakit at sayang nararamdaman.

Gumalaw ang mga labi niya. He sucked my lower lip. I moaned. Marahan niyang kinagat iyon, napaawang ang mga labi ko. He tasted every corner of it. Naramdaman ko ang kamay niya sa tiyan ko. Hindi ko na nakayanan. I kissed him back. Sinabayan ko siya. I bit his lower lip. He moaned because of what I did.

Tumigil kami pareho nang maubusan ng hininga. Tulala ako habang nakatitig sa kaniya. Ngumuso lamang ako nang makita ang nag-aalab niyang mga mata.

"Iba na 'yang mga tingin mo." Tumawa ako.

Ngumuso siya at hinila ako saka niyakap. "This is your fault."

"Ano? At bakit ako?"

"You're such a tease."

Tumawa ako at hinilig ang ulo sa kaniya. Pinikit ko ang mga mata. Inantok tuloy ako sa eksena namin.

"I love you."

Ngumiti na lamang ako. Mas lalo akong yumakap sa kaniya at inamoy ang bango niya.

I love you too, Drain.

______

Aimeessh25.

Sleep na meeeee! Grabe! Goodnight!

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
1.8M 37.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...