Philautia

Galing kay dark_symphony

303 48 16

Celestial Series #1: Philautia Aya and Maddox ended up fighting the first time they met. Sa kasamaang palad a... Higit pa

Prologue
Chapter 1: Brown eyes
Chapter 2: If I die now
Chapter 3: Wishful thinking
Chapter 4: Home
Chapter 6: Protected
Chapter 7: The reason
Chapter 8: Surreal
Chapter 9: Concerned
Chapter 10 Memories
Chapter 11: Mama
Chapter 12: Feelings
Chapter 13: Lies
Chapter 14: Came back
Chapter 15: Gabriel
Chapter 16: Murderer
Chapter 17: Exhausting day
Chapter 18: Selfish
Chapter 19: Isla Teresita
Chapter 20: Surprise
Chapter 21: Demon Worshippers
Chapter 22: See you again
Chapter 23: Deal with a demon
Chapter 24: Isabel
Chapter 25: Questions
Chapter 26: The end of rope
Chapter 27: The Guardians
Chapter 28: Enchanted

Chapter 5: The man in my dream

9 2 0
Galing kay dark_symphony

Chapter 5: The man in my dream

Matapos nila akong ihatid, hindi rin naman ako nakatagal sa bahay. Hindi ko maatim na panuorin ang patuloy pa nilang pag aaway.

Nagimpake lang ako ng gamit ko at bumaba na. Nagpaalam ako kay na Mommy at Daddy na doon muna ako titira sa isang kaibigan. Narinig ko lang sila pareho na nagsabing ingat pero agad din silang bumalik sa pagtatalo nila. Dumiretso ako sa condo ni Nathan. Kasama kasi ang susi nito sa iniwan niya para sakin. Si Mon ang nagbalik nito sakin. Nabanggit daw kasi ni Stanley na kinuha ito ni Maddox sakin. And so I was staying here in this condo for the past three days. I was thinking of getting some work to make myself productive. I used the last three days  in making a presentable resume. Now that it's finished, I have to look decent.

Ang kaso...wala naman akong damit na presentable. Naibenta ko na lahat ng magaganda at branded kong damit noon para matubos ang bahay. Naisanla kasi ito noon ni Daddy. Hindi naman ako puwedeng magapply ng naka tshirt at short lang. Siguradong sa labas pa lang ay haharangin na ko ng guard pag nagkataon.

"Anong nangyari? Bakit nakakalat lahat ng damit mo, Aya?'' Stanley suddenly appeared with a bag of groceries in his hands. Walang palya niya kong dinadalhan ng pagkain nitong nakaraang tatlong araw. Tapos ngayon groceries naman.

"Stanley, you don't have to do this. Ang dami mo ng dinalang pagkain dito. Hindi kita kayang bayaran." I hissed.

Binaba niya naman ang mga dala niya sa ibabaw ng mesa saka ako muling nilapitan at pinitik sa noo.

"Ano ba? Ba't mo ko pinitik?!" I glared at him and he chuckled.

"Hindi mo naman kasi ako kailangang bayaran. Bigay ko to sayo, Aya." he insisted, cupping my face.

"Pero ayokong maging dependent sayo or kay Nathan. Ang dami niyo ng ginawa para sakin...tama na yon." I sighed, taking his hands away from my face.

"Kung ganon isipin mo na lang na pinautang kita at babayaran mo ko kapag nagkapera ka na." he beamed.

"Babayaran talaga kita pag nagkatrabaho nako pero bago yon puwede bang isagad ko na ang utang ko?"

Natawa naman siya bago muling nagsalita.
"Ano ba yon? Anong kailangan mo?"

"I need clothes. Decent ones. Hindi ako puwedeng mag apply ng ganito lang ang mga damit ko." I eyed the clothes that was scattered all over the floor.

"Sabi ko naman kasi sayo sa Clarity ka na lang magtrabaho. Hindi mo na kailangang mageffort pa na magbihis ng maganda. Hired kana agad doon pag nagapply ka!" he chortled as he shook his head.

Simula ng sinabi ko sa kanya ang balak ko na magtrabaho, lagi niyang sinasabi na doon na lang ako magapply sa bar ni Nathan...kaso ayoko. Ayokong makita ang lalaking yon.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko. Ayokong magtrabaho sa Clarity, Stanley." I rolled my eyes at him.

"Ayaw mo kahit malaki ang suweldo?" totoo yon. Galante si Nathan sa mga employee niya kaya mas mataas ang rate ng mga ito compare sa ibang lugar.

"O ayaw mo kasi may iniiwasan kang tao?" he scoffed. Smirk was plastered on his face.

He was obviously teasing me out. Everytime he opened up that topic—when Maddox dragged me away I always diverted him to something else. Alangan namang sabihin ko sa kanyang tinutukan ako ng baril ng matalik na kaibigan ni Nathan kaya nadulas ako at nahulog sa bangin pero prinotektahan ako nito kaya ito naconfine sa ospital.

Ano na lang ang iisipin niya kapag sinabi ko yon diba? 

"Shut it. Wala akong ikukuwento kahit ano pang gawin mo." I snickered, looking away.

"Well I guess...I'll just ask Maddox then." he chuckled.

"Bahala ka. Gawin mo kung anong gusto mo. Isa pa, kung wala kang balak na tulungan ako maghanap ng disenteng damit, puwede ka ng lumabas ng condo, Stanley." I didn't want to sound cold. It just somehow ended up like that. Ang kulit kasi niya eh tss.

Natatawa niya naman akong inakbayan.

"May regla ka ba? Bakit parang ang init ng ulo mo ngayon?" naiiling na sabi nito, hindi pa rin nawawala ang munting ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi.

"G*go." pinaningkitan ko siya ng aking mga mata.

"Tara na nga sa mall ng lumamig naman yang mainit mong ulo." he winked after. I just shook my head towards his banter.

***

"That one and that! Oh I think you should also try that but this one is also good. Subukan mo din ito," halos mahilo na ang sales lady sa kakaturo ni Stanley ng mga damit. Medyo marami ito kaya't halatang medyo nahihirapan ang sales lady na buhatin ito kaya naman kinuha ito ni Stanley mula sa kanya at siya na ang nagbuhat.

Halata namang nagulat ang sales lady sa inasal nito.

"I'm sorry for letting you carry such a heavy thing. Hindi dapat pinagbubuhat ang magagandang dalaga katulad mo." Stanley even winked at the lady which made her blush. Napailing na lang ako sa ginawa ng aking kaibigan. What a flirt tss.

"Can you lead us to the fitting room?" I asked but the lady still seemed to be in daze as I didn't even get her glance. She was charmed by my flirty friend. Great. I glared at Stanley who was grinning widely.

Tuwang tuwa pa siya sa kalokohan niya tss. Mga lalaki nga naman sadyang malandi.

"Puwede mo bang sabihin kung saan yung fitting room...para malagay ko na ito sa loob at masukat na ng girlfriend ko?" he smiled sweetly. Namutla naman ang sales lady at binigyan ako ng alanganing ngiti.

"Di-di-dito po tayo ma'am." she stammered, guiding me the way to the empty fitting room. Agad namang sumunod si Stanley dala ang mga damit na pinili niya. Iniwan niya ito sa loob at nagpasalamat sa sales lady.

Thre latter just lowered her head then turned her back to go away. She's probably embrassed by her actions thinking that I really am Stanley's girlfriend—but I'm not.

"Girlfriend huh?" I turned to Stanley who immediately laughed.

"Bakit? Effective naman diba? Natauhan na siya ng marinig niya yon. Saka totoo naman na girlfriend kita—babaeng kaibigan." he chortled.

Agad ko naman siyang binatukan. Puro talaga siya kalokohan tss.

"G*go ka talaga kahit kailan." I rolled my eyes over.

"Ang g*go na to ang magbabayad ng mga damit mo kaya isukat mo na yan lahat bago magbago ang isip ko, Aya." he smirked.

Muli ko siyang inirapan bago ko sinara ang pinto ng fitting room para isukat ang mga damit. Hindi ko mapigilang mapangiti matapos makita ang sarili kong suot  ang mga mamahaling damit na ito. Ngayon lang uli ako nakapagsuot ng mga branded na damit simula kasi ng malugi ang negosyo ng pamilya ay unti unti ng nawala ang ari arian namin. Wala ng natira samin ngayon kundi ang bahay na kinalakihan ako—hindi ko pinagsisihang nawala ang mga mamahalin kong gamit kapalit noon.

Aanhin ko naman ang materyal na bagay kung wala naman kaming bahay na matutuluyan?

"Hoy Aya! Kinain ka na ba ng halimaw dyan sa loob, bakit ang tagal mo?"  I could hear Stanley's complaint. Mabuti pang lumabas na ko.

Hinubad ko na ang damit na isinukat ko at isinama sa iba pa. Binuksan ko ang pinto saka ko kinuha ang mga damit at binuhat palabas. Agad naman itong kinuha sakin ni Stanley at siya na ang bumuhat.

"Kasya ba lahat? Ba't hindi  mo man lang pinakita sakin?" he pouted.

"Baka matulala ka lang sa kagandahan ko kaya hindi ko ginawa." I chortled.

"Ay edi wow. Ikaw na maganda," he rolled his eyes. "Tara na nga magbayad ng makakain na tayo. Ginutom ako sa pagbubuhat ng damit mo." he took my hand and brought me over to the counter.

Hindi naman ganoon kahaba ang pila kaya mabilis ang usad nito. Sa katunayan, malapit na nga kami eh kaso kanina ko pa napapansin si Stanley na panay ang tingin sa bandang likuran niya. Ano bang tinitingnan niya doon?

"Bakit ka ba tingin ng tingin sa likod?"

"My phone is vibrating. Can you please get it for me? It's in my backpocket." agad ko naman itong kinuha at tiningnan ang screen.

Big bad wolf calling.

Ano ba namang klaseng contact name to? Bakit ganito?

"Sinong natawag?" he asked.

"Big bad wolf." I replied, shortly. He suddenly looked tensed. Nanlaki pa nga ang mata niya dahil sa gulat. Bakit kaya?

"I have to take this phone call. Babalikan na lang kita, Aya." he snatched his phone and gave me all the clothes. agad ko naman itong pinatong sa counter.

Nagmamadali siyang umalis. Bakit ba parang tarantang taranta siya? Sino ba yung tumawag?

"Thirty five thousand po lahat, Ma'am."

I turned my gaze to the cashier with my widened eyes. What the eff? Ilang pirasong damit lang to tapos magkano daw? Thirty five thousand lang naman! Buti na lang kasama ko si Stanley kundi panigurado wala akong ipangbabayad dito.

"Ano po bang mode ng payment niyo, Ma'am? Cash or Credit po?" nakangiting  baling ng Cashier.

"Stanley cash or-

I literally froze over. Iniwan nga pala ako ni Stanley...anong ipangbabayad ko ngayon? Wala naman akong dalang pera.

"Ma'am, ayos lang ba kayo?"

I bit my lip in frustration. Ano ng gagawin ko? Hindi naman ako iniwanan ni Stanley ng pangbayad. Makiusap na lang kaya ako na kung pwede balikan ko na lang to? Nakakahiya...grabe talaga, pero ito na lang ang tanging magagawa ko.

"I'm sorry to say this but I don't have a single cash with me. Nasa kasama ko kasi ang pangbayad kaso iniwan niya ko. Puwede bang balikan ko na lang ang mga ito?" gusto ko ng kainin ng lupa sa totoo lang. Nakakahiya talaga.

Nagbuntong hininga naman ang cashier saka ako tiningnan ng masama.
"Alam niyo Ma'am, lumang style na yan. Siguro budol budol ka no kaya wala kang pambayad."

What the? This girl is so judgemental!

"Hindi ako budol budol!" my tone raised in annoyance.

"Edi magbayad ka. Hindi ka naman pala budol budol eh ba't hindi ka maglabas ng pera." she rolled her eyes, irritated.

At siya pa talaga ang may ganang mairita eh samantalang siya nga tong judgemental. tss.

"Wala nga sabi akong pambayad kaya babalikan ko na lang!" I exclaimed,

"Gaga ka pala eh! Sana hindi ka na pumasok sa shop na to kung wala kang pambayad. Napunch na yan lahat at naibalot na tapos sasabihin mong babalikan mo na lang? Ibang klase ka din Ma'am, alam mo bang napakalaki mong istorbo?"

Damn her. Why is she making a scene here? Ganyan ba talaga ang mga cashier sa mall na to? My goodness.

"What's wrong here? Anong kaguluhan ito?" A familiar face sudddenly showed up. Sa kasamaang palad , salahat ng puwedeng mapunta dito bakit siya pa? Bakit ang baliw na bestfriend ni Nathan pa?

"Sir Maddox! Yang kasing babaeng yan ang daming damit na nilagay sa counter eh wala naman palang pambayad. Napunch at nawrap na lahat bago niya sinabi."

"Aya?" Maddox turned to me, giving me a questioned look.

I sighed before meeting his eye.

"I didn't mean to. Iniwan kasi ako bigla ni Stanley ng may tumawag sa kanya. He was supposed to pay for this but he forgot to leave me some cash. Wala naman akong dala kaya nakiusap ako kung pwedeng balikan ko na lang pero sinabihan niya akong budol budol daw ako," my breathing hitched. Nakakapanginit talaga ng ulo ang cashier na to grabe.

"Magkano?" he suddenly asked. "Magkano ang kailangan niyang bayaran?"  he shifted his gaze from me to the girl cashier.

His voice was cold as usual. Hindi ko alam kung galit siya o sadyang ganyan lang talaga siya makipagusap sa ibang tao.

"T-thirty five thousand pesos po lahat, S-Sir."

Nakita ko naman ang paglabas niya ng wallet at pagkuha ng isang card mula  dito. Ibinigay niya ito sa cashier saka kinuha ang mga shopping bag sa counter.

"That card has five hundred thousand in total. Ibawas mo na lang dyan yung maga pinamili niya." Maddox said as he held my hand using his free hand. "The pin of that card is 372481, the rest of the amount is yours now. Consider it as your severance pay because you're fired now, Miss—whoever you are." he shook his head as he dragged me away from that place.

What the hell just happened? Did he just saved my ass back there by firing that girl? How could he even do—wait if I remember things correctly this mall is under the Ibañez group of companies. And Maddox is an Ibañez! Damn!

Bakit hindi ko agad napansin yon?

But more importantly, where is he planning to take me now?

"Saan mo ba ako dadalhin?"

He stopped. Finally!

"I don't know. I just dragged you out unconsciously." he sighed

"Well then, thank you for saving me earlier. " kinuha ko ang mga shopping bag mula sakanya. "Mauuna na ko." I was about to walk away when he grabbed my arm and made me look back.

"Iniiwasan mo ba ako?" he asked in a low voice.

"Hindi kita iniiwasan." I hissed in annoyance.

Ano bang paki niya kung iwasan ko siya? Karapatan ko yon dahil ayoko siyang makita tss.

"Kung ganon bakit hindi ka na napadpad sa Clarity simula ng nakabalik na tayo dito?" his eyes darted at me suspiciously.

"For starters, hindi ako mahilig magbar. Napunta lang ako doon kapag nakikitulog ako." I stated in a manner of fact tone. "Besides, Nathan gave me this keys—including his condo. Natural mas pipiliin kong matulog doon kaysa sa maingay na bar."

"Fine then. But why are you refusing Stanley's offer to work at Clarity? Naghahanap ka ng trabaho diba?" naningkit ang mata ko matapos marinig ang sinabi niya. That stupid Stanley! Bakit niya sinabi kay Maddox?

"I don't want to work there." I insisted.

"Is this because of what happened? Are you...are you afraid of me?" he looked sad. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko bumigat ang puso ko matapos marinig ang sinabi niya.

"I'm not afraid of you." I heaved a long sigh.

It's true. I'm not afraid of him.

What I'm afraid of is the images I keep on seeing in my dreams. Simula ng mahulog  kami sa bangin, lagi na kasi akong nananaginip ng kakaiba. It was me together with that man in the beach. Nung una wala akong nakikitang mukha pero habang tumatagal ay para bang lumilinaw ito paunti unti. At ang unang luminaw sa mukha nito ay ang kanyang mga mata.

Iniiwasan ko si Maddox dahil naiilang akong tingnan siya.

It was because of his eyes...his eyes looks exactly the same just like the eyes of the man in my dream.




































Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...