The One That got Away

Af 4rme_ililau

2.1K 209 9

"IN ANOTHER LIFE I WILL MAKE YOU STAY SO I DON'T HAVE TO SAY YOU WERE THE ONE THAT GOT AWAY" Mere

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
THE ONE THAT GOT AWAY
Author's Note

Chapter 20

53 6 0
Af 4rme_ililau

Pagkagising ay lumabas agad silang magka-kaibigan para mag-agahan.Umalis daw ang boys dahil iche-chek daw ang huli naming pupuntahan bukas,ang "stone of promise". Isa daw iyon sa palaging pinupuntahan ng mga turista dahil maganda ang view at specially ang mga couples na gustong magtagal.

Kailangan pa 'yong akyatin at mahigit kumulang 2 oras baka mo marating,pero sulit naman daw ang pagod kapag nasa taas na dahil tatanggalin ng masarap at malamig na hangin ang pagod mo. May mga malamig na ulap na dadampi sa katawan mo.

"Anong oras daw silang babalik?" Tanong ko habang nakain kami.

"Pabalik na ata,tanghali tayo mangingisda para bago maghapon ay maka balik na at maihaw natin yon." Tumango at palihim na ngumiti. Masaya siguro mangisda.

Pagkatapos kumain ay naligo na kami at naghanda para sa pangingisda. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na kami at naabutan ang mga boys na kumakain. Kumandong ako kay cy at nagkrus ng braso.

"Na-miss mo agad ako?"

"Ha?"

"Na-miss mo--"

"Halaman" Tumawa ako at kinurot sya sa pisngi.Kinagat nya naman ng mahina ang balikat ko kaya sinuntok ko sya sa braso.

"Para kayong tanga" Natatawang sabi ni archer. Tinarayan ko lang sya at pinagdiskitahan ang buhok ni cy, sya naman ay taimtim umano na kumakain.

"Pagkatapos mo dyang kumain,tirintas ko yung buhok mo mamaya" Tinantsa ko ang buhok nya,hindi naman 'yon sobrang haba pero kaya ko naman' yong itali.

Sunod-sunod nyang sinubo ang pagkain nya at uminom.Hinatak niya ako palabas kahit na puno pa ang bibig nya.

"Baka mabulunan ka!" Inis na sabi ko sa kanya at bumalik sa table para kumuha ng tubig. Inabot ko sa kanya 'yon pagka balik ay pinainom sa kanya.

Humupo sya sa buhangin at inaantay akong talian sya.Hinati ko sa gitna ang tuktok niyang buhok at pinahawak sa kanya ang isa para hindi magsalo.

"Happy birthday babylove" Sinilip ko sya at palihim syang ngumiti kaya tumawa ako.

"Ano ba yan! Dapat na ba kong kiligin?!" Kunyaring wala sa mood niyang sabi.

"Tse! Kinikilig ka na dyan!" Ngumiti sya at nagtakip ng bibig para pigilan ata ang pagtawa.

"Thank you,regalo ko?" Inabot nya sakin patalikod ang palad nya, kinagat ko 'yon kaya napahiyaw sya.

"Yan ang regalo ko." Tinali ko ang buhok niya ng ipit ko na may paro-paro na kulay pink. Tinignan ko ang sideview niya at tinawanan sya.

"Bakit ka tumatawa? Hindi ba bagay?" Umiling ako at sinimulang talian sya sa kabila.

Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at pinicture-an ko ang ulo niya. Tumawa ulit ako dahil ang cute nung tali.

"Bakit ka ba tumatawa?!" May halong pagtataka ang boses niya.

"Wala,ang cute lang nung tali. Para kang tanga". Humarap sya sakin at kinagat ang pisngi ko.

"Oh my god! Kinagat mo ba ang pisngi ko?!" Hiwakan ko ang pisngi ko habang nanlalaki ang matang humarap sa kanya.

"Antaba na ng pisngi mo" Lumapit ang mukha ko sa mukha nya at may pinaka titigan pang mabuti

"W-why?" May kinuha ako sa baba ng mata nya.

"Up or down?" Umayos ako ng hupo at naka ngiting humarap sa kanya.

"Down!" Pinitik ko yung buhok tapos tumalsik pababa.

"Gotcha! Wish! Wish! Wish!" Pinatong ko ang dalawa kong siko sa tuhod at nangalumbaba at tinitigan sya.

"World's piece"

"Lahat naman ata tayo wish 'yon pero yung sa' yo muna!" Hinampas ko sya ng mahina sa braso.

"Eh hindi mo pa naman kayang ibigay 'yon"

"Malay mo kaya ko! Ano ba kasi' yon? Anak? Ilan ba gusto mo?" Tumawa ako ng malakas ng biglang nanlaki ang mata nya at napa takip ng bibig.

"Hindi baliw!"

"Eh ano ba kasi?" Natatawang tanong ko

"Wish ko,ang sagutin mo ako" Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ko at nag-iwas ng tingin.Atat naman to masyado,bukas ko pa nga sasagutin.

Natahimik kaming dalawa habang naka tanaw sa dagat.Hindi alintana sikat ng araw na tumatama sa balat namin. Napa tingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti sya na parang sinasabing huwag akong mag-alala.

"Hindi naman kita pinipilit" Napakamot sya sa sintido. Yinakap niya ko patagilid at inihiga sa dibdib nya. Tuluyan na akong humiga at inunan ang hita niya.

"You know that i love you" Pumikit ako dahil nasisinagan ng araw ang mata ko.Naramdaman kong tinakpan ng palad niya ang side na sumisinag sa mata ko.

"I know,that's why I'm waiting. You're worth to wait." Sinuklay nya ang buhok ko ng mga daliri niya.

Matagal pa kaming nag stay sa gano'ng posisyon bago kami tinawag para maghanda na dahil mangingisda na daw.

Bandang alas kwarto na ng matapos kami,naligo agad ako dahil mahapdi ang balat ko marahil sa araw dahil naka sando bra lang ako at short ng mangisda kami. Nakalimutan kong maglagay ng sunblock.

Pagkatapos namin maligo ay naghanda na kami ng pang-ihaw at nilinisan ang isda.

"Wee,wag kang ano dyan, parehas lang tayong pinagpalit sa bestfriend" Pang-aasar ni zoey kay amelia.

"Ay pinagpalit din kayo sa bestfriend?" Pangtsi-tsismis ni cy.

"Oo,napagdanan na namin magka-kaibigan 'yon." Tinignan niya si karen na naka tingin sa malayo.

"Edi may samahan pala kayo?" Natatawang sabi ni cy.Nagtataka naman kaming napa tingin sa kanya.

"Samahan ng?" Kunot-noong tanong ko.

"Samahan ng pinagpalit sa bestfriend" Tumawa sya ng malakas. Napa sapo naman ako ng noo sa kabaliwan niya.

"Tse! Umalis ka nga dyan, andami mong alam tanga!" Binangga ko ng bewang ko ang bewang niya, muntik pa syang ma-out of balance kaya tumawa ako.

Habang nag-iihaw kaming girls ay inaayos naman ng mga boys ang pagka-kainan namin. Naisip naming mag boodle fight at sa tabing dagat ang napili nilang spot para daw feel na feel.

"Antagal, nagugutom na 'ko" Ngumuso si karen na nasa likuran ko at sinisilip ang pinapay-payan ko.

"Kakain mo lang ah" Tumawa ako at pinay-payan ang mukha niya.

"Nagutom ulit ako eh"

"Kukuhanan kita ng maka kain,may naluto naman na" Akma akong aalis ng pigilan nya ako.

"No,i want that" Parang batang takam na takam siya habang naka turo sa iniihaw ko.

"Oh, okay" Nagtataka man ay nagkabit-balikat na lang ako.

Nang matapos na kaming mag-ihaw ay hindi maalis ni karen ang tingin sa isda habang inaayos namin yon  sa dahon ng saging. Nilagay ko 'yon sa tapat ng kanin niya at napa palakpak sya.

"Yey,thank you!!" Niyakap niya ako patagilid at kiniss-an sa pisngi. Natawa ako sa naging reaction niya. This past few days nagiging showy sya sa ugali nya,and madalas syang masungit kay mark, umiling na lang ako at tumabi kay cybier.

"Let's pray first!" Pumikit kami at ako ang naglead ng prayer, nagpasalamat sa mga blessings na natanggap.

"1,2 3!!!"Kanya-kanya kaming kain.Wala ng kaibi-kaibigan dito dahil pare-parehas kaming gutom.

Maya-maya ay gulat akong napa tingin kay karen ng mapansing paubos na ang isda nya. Ang takaw naman.

Napa tigil sya ng mapansing naka tingin ang lahat sa kanya.

" Ang takaw mo ha,baka iba na yan!"Pang-aasar ni Jiro kay mark.

" Nakita ko syang sumusuka sa cr kahapon" Sabi ni archer habang may laman pa ang bibig niya.

Nanlaki ang mata ko at nagpapalit-palit ng tingin kay mark at karen. Akala ko kaya lang sya nagsuka nung una naming gabi rito dahil nalasing sya, hindi kaya--???!!!!

"H-hindi pa ako dinadatnan" Napa yuko si karen at sinubsob ang mukha sa mga palad. Gulat naman ang lumatay sa mukha ni mark. Namuo ang luha sa'min at agad akong lumapit kay karen para yakapin sya.

"Oh my god, oh my god!" Masaya naming sabing magka-kaibigan at niyakap nila si karen ng mahigpit.

"Hey! Baka maipit niyo ang tyan!" Inalos ko ang mga braso nila at tinignan si karen na umiiyak na ngayon,takot at saya ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Don't cry,I'm happy for you if tama ang iniisip namin. We're here, no matter what" Hinalikan ko sya sa noo at pisngi tapos niyakap. Tinignan ko naman si mark na ngayon ay gulat pa rin at umiiyak na. Bunitaw ako sa yakap at bumalik sa tabi ni cy.

"Hey love" Pinunasan ni mark ang pisngi ni karen at hinalikan ito sa noo ng matagal habang magkayakap silang dalawa.

"P-panagutan mo ba ako?" Napa yuko si karen at kinagat ang ibabang labi para ata pigilan ang pag hagulgol.

"Of course love,I love you so much" Pinunasan ni marl ang pisngi ni karen "I'm going to marry you as soon as possible" Napa takip ako sa bibig ko ng bigla syang lumuhod at may binunot na box sa likod ng short nya. "Last month,napapansin ko na yung palagi mong pagsuka and pagiging masungit mo sa akin.Tinanong ko yung kaibigan ni daddy and he says na isa daw yon sa s-sinyales ng pag-bubuntis,so that time,pumunta agad ako sa inyo para hingin ang kamay mo sa mga magulang mo,na magiging magulang ko na rin."  Naka ngiting sabi ni mark.

Kinuha niya ang kamay ni karen at hinalikan ang likod ng palad nito. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at lahat sila ay naiiyak at masayang nakatingin sa dalawa.

"Is that the day na nagalit ako sa'yo kase nalate ka sa date natin?"

"Yeah,na-late ako ng 5 minutes,kaya nagalit ka, tapos nilayasan mo ko sa restaurant at umuwi bigla." Napa nguso si mark,nagtawanan naman kami. "So.. Ahm,yeah. I'm here in front of many people,to ask my beautiful girl, Karen, Are you willing to marry a guy, who will turn into man just for you and for our soon family?" Naiiyak at mabagal na tanong ni mark.


Hindi na namin napigilan kundi ang maiyak na rin sa mga nasasaksihan.Hindi ko aakalain na kaibigan ko ang papangakuan ni mark ng masayang pamilya.Hindi naman ako nagagalit o nasasaktan.Sobra-Sobra pa nga ang tuwa ko,dahil sa tagal na panahon, nagkaron sila ng lakas ng loob na umamin at maging malaya.


Kung hindi rin dahil sa kanilang dalawa ay hindi ako mapapadpad sa bahay ni auntie at hindi ko makikilala ang pinaka amazing na lalaki na totoong magpapatibok ng puso ko.

I'm inlove with cybier,i admit it


"Yes, yes, yes" Tumango-tango si karen at ng mailagay na ni mark ang sing-sing ay tumayo ito at niyakap. Pumalakpak naman kaming magka-kaibigan, mga crew at ang mga turistang nanonood.

Hanggang gabi kami nag-celebrate,hindi ko hinayaan si karen na mag-inom,tubig lang ang binigay ko sa kanya. Inasar pa nga ako ng mga kaibigan ko na bakit daw hindi pa kami sumunod. Susunod ko sila,susunod kong ilibing.

Kinabukasan ay gumising kami ng madaling-araw dahil ngayon kami pupunta sa stone of promise. Ngayon ang birthday ni cy,at ngayon din ang araw kung kailan ko sya sasagutin. Kaunti lang ang tulog ko dahil cinelebrate namin ni cy ang birthday niya.

bandang alas-onse ay gumising ako para ihanda ang cake na ginawa ko sa kanya.Inayos ko na rin ang rooftop na pang supresa ko sa kanya. Limang minuto bago ang kaarawan nya ay tumawag ako at sinabing umakyat sya sa rooftop dahil may emergency,hindi pa ako tapos sa sasabihin ko dahil tumakbo agad sya sa elevator dahil nag-aalala sa pag-iyak ko. Ano ka ba, acting lang 'yon.

Nang maramdaman kong malapit na sya ay ni-ready ko na ang recorder at sinindihan na ang cake tapos ay pumunta sa gilid at pinatay ang ilaw.

Bumukas ang pinto at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni cybier. Binuksan ko ang ilaw at pinaputok ang confetti.

"Happy birthday, babylove!" Kinuha ko ang cake at lumapit sa kanya. "W-why?" Nag-aalala kong tanong ng mapansing umiiyak sya.


"Pinag-alala mo ako" Naka hinga ako ng maluwag at ngumiti ulit ng matamis sa kanya. Pinunasan ko ang pisngi niya at kinuha ang cake

"Blow your candle first" malambing na sabi ko

"First,blow candle. Second, blow job." Tumawa siya ng malakas.

"Oh gosh! Napaka bastos2!" Tinarayan ko sya at tinawanan niya naman ako.Pumikit sya at pinagsiklop ang mga daliri habang naka ngiti.

"Happy birthday self,isa lang ang wish ko,yun ay ang better future na magkasama tayong dalawa." Nagmulat sya at hinipan ang candle. Pinunasan ko naman ang pisngi ko dahil umiiyak na pala ako.

"Palagi na lang ako ang wish mo" Nagtatampo kong sabi.

Totoo naman.Palaging ako ang inuuna niya.Sa lahat ng bagay,walang palya.

"Because, all i want is you,to be with you,forever...I love you" Hinalikan niya ako sa labi ng matagal.Inabot ko ang cam at in-off 'yon

"I love you more" Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ulit sya.This time,with rhythm.

"Let's go!" Lumabas kami ng kwarto at sakto namang pagbukas ng kwarto ng boys,nagtama ang tingin namin ni cy. Nag-iwas agad ako ng tingin at binilisan ang naunang maglakad. Narinig ko ang tawa nya kaya napa pikit ako.

"Hey, wait up!" Natatawang sabi niya. Bumuntong-hininga naman ako at ngumuso sa kanya.

"Nahihiya na akong humarap sayo,happy?" Sarkastiko akong ngumiti at nag thumbs up sa kanya. Binaba niya 'yon at inakbayan ako.

"Why? You're the wildest girl I've ever known." Siniko ko ang tiyan nya pero kinatawa nya lang' yon.

"Tse! Dyan ka na nga!" Inunahan ko sya pero naka akbay sya kaya nahatak niya ulit ako pabalik.

"Sana all po pumapatong" Namula ang pisngi ko at tumingin sa paligid kung may naka rinig ba non. Nakahinga ako ng maluwag ng lahat sila ay busy sa mga kanya-kanyang love life.

Nang nasa paanan pa lang kami ay madilim pa kaya naglabas kami ng kanya-kanyang flashlights. Tumabi agad ako kay cy at humawak sa braso nya.

"Takot ka bhie?"

"Bhie amp!" Mahina ko syang tinulak at tumabi kay karen. Inalalayan ko syang umakyat kahit kaya naman nya.

"Ano ka ba, kaya ko naman" Natatawang sabi niya.Umiling lang ako.

"Bakit di mo kasi gayahin si mark, cy?" Nang-aasar na sabi ni owen.

"Eh kung hambalusin kaya kita!" Dumampot sya ng pamatpat at inambahan si owen na tinawanan lang sya.

Kahit napaka bastos ng bunganga ng isang 'to.Takot rin pala.

"Paki-alalayan at segu-segundo mo tignan ha" Tinapik ko ang balikat ni mark.

"Yes, madam thank you" Lumapit ako kay cy at piningot sya.

"Aray! Para san 'yon?!"

"Wag kang pulot ng pulot! Mamaya manuno ka" Tinampal ko ang kamay niya kaya binatawan niya yung stick. Medyo madilim pa rin ng sinabi ng nag-babantay na malapit na daw kami.

Napa hawak ako sa tuhod at hinihingal na pinagpatuloy ang paglalakad.

"Ayos ka lang?" Inabutan ako ni cy ng tubigan. Uminom ako doon at tumango.

"Hey karen,are you fine?"

"Yeah! Ako dapat ang magtanong niyan dahil mabilis kang hingalin. So, are you okay?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglalakad at napansinang pag-iiba ng paligid. Nagiging malamig at parang may umuusok sa paligid.

"Kapag ho nasa taas tayo ay makikita niyo ang pinagmamalaking view dine sa la suena brisa,are ho ang pinaka pinupuntahang spot lalo na ang mga kopols  na ikakasal at mga mag nobyo." Tinignan ko si mark at karen na parehong naka ngiti. Tumingala ako at napansin ang kulay orange at pink na kulay ng langit. Napaka ganda.

Nang maka rating sa malaking bato ay namangha ako ng mas lalong maramdamang lamig at usok.

"Kuya ano po itong usok?" Tanong ni owen at pilit na hinahawakan iyon. Tumawa ng mahina ang nagbabantay.

"Hindi yan usok taking,ulap iyan." Nanlaki ang mata namin at napa tingin sa paligid. Hindi pa lumilitaw ang araw pero may kaunting liwanag na.

Nagpicture-picture lang kami at in-enjoy ang view. Humupo ako sa tabi ni cy at pinicture-an ang araw na medyo paangat na.

"Kelan niyo balak magpakasal?" Tanong ni zoey kay mark.

"Kung pwede lang ngayon ay papakasalanan ko na si karen,I pa-pa check up ko muna sya to make sure na buntis sya.At magpa-paalam ulit ako sa mga magulang niya,this time kasama ko naman ang pamilya ko.And after that, magpapakasal na kami. I think 2 months or 3."Hinawakan niya ang bewang ni karen at hinalikan sa pisnge.

Pinicture-an ko ang kamay namin ni cy ng hawakan niya iyon.

"Hulaan kita!" Umasyos siya ng hupo at kinuha ang dalawang kamay ko.

"Di mo sinabi saking manghuhula ka pala" natatawang sabi ko.

Pumikit sya at pinagapang ang kamay sa dalawang palad ko.

"Magiging swerte ka sa lovelife mo"

"Talaga?" Sarkastiko kong tanong at ngumisi.

"Magkakaron ka ng dalawang anak." Napamulat sya at gulat na tumingin sakin.

"Ano pa?!"

"Turn around and you'll see." Nagtataka man ay sinunod ko ang inutos niya. Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

"Haharap ka sakin at mamahalin mo ako habang-buhay."Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mata ko ng bigla niyang niluhod ang isa niyang tuhod sa lupa at nag labas ng isang box na naglalaman ng sing-sing.

"What is the.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagunahang tumulo ang luha ko. Napatakip ako sa bibig para hindi kumawala ang hagulgol, dala siguro marahil ng sobrang saya na nararamdaman.

"Bietriz De Guzman,my babe, my babylove,my bestfriend and enemy,my partner in all the shit." Mahina syang tumawa at pinunasan ang luha. "Will you spent the rest of your life with me?" Nilabas niyaang sing-sing sa kahon. "Will you be my girlfriend?"Garalgal na ang boses niya.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tumango.Halos hindi pa nagsi-sink in sa akin lahat.Parang biro lang ang lahat.

Napaka bilis.

"Yes!" Nanlaki ang mata niya at bigla akong niyakap.

"I love you" Bulong niya at humarap sakin para isuot ang sing-sing sa daliri ko.Tinignan ko 'yon kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata na dala ng saya. Tinignan ko ang mga kasama ko at nginitian nila akong lahat.

"Finally, you're mine now" Hinawakan ni cy ang magkabila kong pisngi at siniil ng halik. Naghiyawan ang mga kasama ko kaya palihim akong natawa.

Nagulat ako ng biglang lumuhod si jiro,archer at owen.Nilabas nila ang mga sing-sing na tinago sa bulsa. Namuo na naman ang luha sa mata ko, niyakap ako patalikod ni cy habang pinapanood ang mga nangyayari.

"This ring symbolize my love and respect,as your boyfriend and future husband,nangangako ako na mananatili ako sa tabi mo." Sinout ni jiro ang sing-sing kay lucy.

"This ring symbolize my love and respect,as your boyfriend and future husband,nangangako ako na hindi kita iiwan." Sinot ni archer ang sing-sing kay zoey.

"This ring symbolize my love and respect,as your boyfriend and future husband,nangangako ako na magmula ngayon ay ikaw lang ang mamahalin ko." Sinuot ni owen ang sing-sing kay amelia.

Nag-picture kaming lahat na masaya at nag tatawanan. Iniangat ko ang sing-sing ko at pinicture-an iyon. Nilapit ni karen ang kamay sakin at pinicture-an ang kamay naming dalawa.

" Oh my gosh,i think we have the same ring!" Sabay naming sabi.

"Wait,parehas din kaming tatlo." Lumapit samin si zoey at tinignan ang sing-sing namin. Ganon din si lucy at amelia.

"Iisa lang talaga ang sing-sing niyo" Nagkatinginan ang boys at natawa dahil sabay-sabay silang nagsalita.

"Sinisimbolo ng sing-sing na yan ang pagmamahal" Naka ngiting sabi ni mark

"Respeto sa minamahal" - Owen

"Responsibilidad na dapat gampanan" - Archer

"Problema na sabay ninyong su-sulosyonan" - Jiro

"And syempre, Forever!" Nag finger heart si cy kaya natawa kami.

Tuluyan ng lumitaw ang araw kasabay ng paglitaw ng pagmamahal sa aming mga puso. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na masaya at puno ng pagmamahal. Tinignan ko si cy na dahilan kung bakit ako nabuo ulit.Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

This is the best day ever.Indeed.

"I love you so much" Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"I love you more,this is our start."Pinaulanan nya ng halik ang ulo ko habang sinusuklay ang buhok ko.

"This is it."


~END~

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
276K 22.3K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...