OVERCOME

By softdamsel

33.8K 1K 31

Property Series 1: OVERCOME. . .your fear All things in life has a reason. All things that happened has reaso... More

SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
WAKAS

Chapter 18

575 19 0
By softdamsel

CHAPTER 18

DAHIL sa iniwang sulat na iyon ni Tatay ay kahit paunti-unti parang kaya ko na. Mas pagbubutihin ko pa dahil kakayanin ko. Isang linggo na ang lumipas simula ng mabasa ko 'yon. Sa buong linggong 'yon ay nasa pagdadalamhati pa rin ako na yugto ng buhay.

Binasa ko ulit ang sulat na isang linggo ko ng hawak. Kahit naman nagdadalamhati ay hindi ko nakakalimutang linisin ang katawan ko dahil alam kong hindi gusto ni Tatay ng dugyot na anak. Niyakap ko ang sulat ng sandali bago nilagay sa drawer na pinaglalagyan ko ng mahahalagang bagay.

One step at a time. Kahit pa sabihing isang bagsakan lang ang ginawa para mabasag ako, kailangan ko ng pasensya. . .mahabang pasensya.

Sisimula ko sa pagpapakatatag ng sarili ko. Hindi pa huli ang mundo. Nawala man ang inspirasyon ko pero nasa puso ko pa rin s'ya. Hinding-hindi s'ya mawawala rito.

Inayos ko ang sarili ko. Naglinis ako ng sarili; naligo; nagsipilyo at nagbihis ng maayos. Maghahanap ako ng trabaho.

Hinanda ko ang dapat kong ihanda, ang mga kakailanganin para makapagtrabaho. Mag-aaral ako pabalik. Gagawin ko ang sinabi ni Tatay. Magiging nurse ako.

Mahirap maging working student pero kakayanin ko para sa Tatay ko. Masakit na wala na s'ya rito sa tabi ko, rito sa mundo, pero kakayanin ko. Matapang ako. Malakas ako, kayâ kaya ko.

Lumabas ako ng bahay at ang usual na makikita ang nabungaran ko. Bukod sa mga kasama ko sa sementeryo noong araw ng libing ni Tatay ay wala nang may alam na wala na s'ya. Ang alam lang nila ay nasa hospital pa rin ang Tatay ko. Wala naman akong pakialam sakanila. As if kailangan pa nila iyong malaman.

Nagsimula na akong magpasa ng resume sa mga 7/11 or fast food chain na nag ha-hire ng mga working student. Mas maganda na roon mag apply dahil madali lang i-manage ang schedule. Nasa last two years nalang naman ako bago maging nurse kaya madali na lang.

Halos hapon na nang matapos ako kakalibot at kakapasa ng resume ko sa mga fast food chains at 7/11 pero bago lang ako natanggap. Salamat sa 7/11 ni aling Nina. Medyo malayo sa bahay dahil dalawang sakayan pa pero malapit lang naman sa University na papasukan ko. Siguro ay lilipat nalang ako.

"Abay asan ba ang mga magulang mo, Ineng?" Tanong ni aling Nina na may pagka-batanggeño ang accent, ang may-ari ng 7/11 na pagta-trabahuan ko.

Laki raw kasi s'ya sa batanggas kahit pa raw wala sa dalawa n'yang magulang ang mga batanggeño.

"Wala na po akong mga magulang. Ang nanay ko po, katorse anyos palang ako ay pumanaw na tapos ang Tatay ko po. . ." Ramdam ko ang sakit sa aking lalamunan dahil sa pagpipigil na maiyak.

"Ayos lang iyown, Ineng. Abay wag mo ng ituloy kung alam mong ika'y masasaktan lang ey," hinaplos n'ya ang likod ko.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Kailan po ba ako magsisimula? Sure po kayong ayaw n'yo muna akong i-interview?"

Akmang magpapasa kasi ako ng resume ko sakanya nang hindi n'ya 'yon tinanggap, bagkus ay tinanong n'ya lang kung ilang taon na ako. Pagkasabi kong 23 na ako ay mukhang hindi na s'ya nagdalawang isip na I-hire ako.

"Ano ka ba, Ineng. Hindi na naman kailang iyown. Ayos na. Pwedi ka ng magsimula bukas, alam kong pagod, aba'y kay layo ng pinanggalingan nimo."

"Salamat po talaga, aling Nina. Kailangan na kailangan ko po talaga ngayon ng trabaho."

Ilang palitan pa ng salita ang nangyari sa pagitan namin ni Aling Nina atsaka ako nagpaalam na umalis na. Pinayagan naman n'ya ako kaagad dahil alam n'yang malayo raw ang pinanggalingan ko.

Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep. Mabuti nalang at sa sobrang focus ko maghanap ng trabaho ay nawala sa isip ko ang sumakay ng jeep o kaya trycicle para gawin 'yon. Natira ang dapat pamasahe ko kanina. Singkuwenta pesos nalang ang pera ko.

Kinse para sa dalawang sakay ko ng jeep. Bente para sa u-ulamin ko ngayon na titipirin ko nalang para meron pa bukas. At ang kinseng natitira ay para sa pamasahe ko ngayon bukas.

Nakarating na ako sa unang sakayan ng Jeep. Dahil medyo may araw pa, sa tingin ko'y alas singko pa lang, quarter to six kaya medyo masikat pa ng kaunti ang araw.

Akmang sasakay na ako ng jeep, nang mahinto ang paa ko.

"Ano ayaw mo bang sumakay?!" Pasigaw na tanong ng kundoktor ng jeep na akala mo naman kelayo-layo ko samantalang nasa harap n'ya lang ako nakatayo.

Buti hindi nananakit lalamunan nito. "Ayaw ko na pong sumakay."

Napagpasyahan ko nalang na maglakad papunta sa ikalawang sakayan ko. Madadaanan ko kasi ang sementeryo kung maglalakad ako kaya plano kong dalawin ang Tatay. Kahit hapon na at sabi ng iba'y nakakatakot daw. Hindi ko alam kung saan sila natatakot.

Sa patay ba? Dapat ngang mas matakot sila sa buhay eh.

Nang makarating sa sementeryo ay kaagad kong hinanap ang lapida ni Tatay. Napalagyan ko na s'ya ng lapida mula sa naipon kong barya sa alkansya kong baboy. Iyon nalang din ang huling pera ko, kasama ang singkuwenta pesos na hawak-hawak ko.

Wala akong kandila na dala kaya yung kandilang huli kong inilagay na kalahati palang bago namatay, siguro dahil sa hangin kaya namatay. 'yun nalang ang sinindihan ko dahil sayang naman kapag hindi maubos. Hindi raw kasi pweding dumalaw sa patay kung hindi mag si-sindi ng kandila. Sabi 'yon ng Tatay ko noong buhay pa s'ya isang araw na dumalaw kami kay nanay at tinanong ko s'ya kung bakit may kandila.

Magkatabi nila ni nanay ng lapida, dahil na rin sa iyon ang hiling ko.

"Hi, Nay. Hi, Tay. Kumusta na kayo diyan dalawa? Kumakain pa ba kayo ng maayos? Masaya ba kayo dyan? Kasi ako, hindi. Wala na kayo eh. " Pagkausap ko sa dalawang lapida.

Huminga ako ng malalim nang magsimula ng magsitulo ang mga luha ko. Masakit pa rin dahil ngayon dalawa na silang wala.

"Magtatapos ako ng pag-aaral ko. Tapos magiging nurse ako. Magpapagawa ako ng mansion para sa ating tatlo. Dahil kahit wala na kayo, kasama kayo sa mga pangarap ko. Kayong dalawa ang inspirasyon ko. Bigyan n'yo 'ko ng lakas, ha? Bigyan n'yo ng lakas ang anak n'yong maganda."

Medyo madilim na ng natapos ako sa pakikipag-usap sa malamig na lapida ng mga magulang ko. Mabilis ang ginawa kong paglakad nang makalabas ako nang gate ng sementeryo.

Feeling ko kasi may nakasunod sa akin. Hindi s'ya masamang ispirito o kung ano, ramdam kong tao. Hinahagod ako ng tingin.

Nang bumilis ang lakad ko ay s'ya ring pagbilis ng lakad n'ya. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang tumakbo dahil medyo madilim ang kalyeng nadaanan ko. Ayokong lumingon. Natatakot akong lumingon. Kung bakit kasi dito ko pa naisip na dumaan eh!

Nakahinga lang ako ng maluwang nang nasa terminal na ako ng jeep na sasakyan ko ng ikalawa para makarating sa bahay.

Nang sabihin ng kundoktor na isang tao nalang at lalarga na ay dali-dali akong sumakay roon, pumewesto sa bakanteng upuan sa dulo at sinabi ang bayad ko.

Nang umandar ang jeep ay saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumingon. Doon ko nakita ang isang lalaking su-suray suray na naglalakad pabalik sa dinaanan ko kanina.

Posible kayang s'ya ang humahabol sa akin kanina? Pero mukhang imposible dahil feeling ko straight ang lakad nun. Pero ika nga ng iba, maraming namamatay sa maling hinala. Baka s'ya iyon. At kahit hindi n'ya sabihin o gawin, alam ko kung anong pakay n'ya lalo't nasa ilalim s'ya ng kontrol ng alak.

Kailangan ko na talagang lumipat ng matitirhan, yung malapit sa 7/11 na pagta-trabahuan ko.

Kahit nakahinga ng maluwag ay hindi pa rin naalis sa akin ang mabilis na tambol ng kaba.

"Thanks, Lord. Keep me safe." Nasabi ko na lamang.

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 518 45
Paano kung ang ex-boyfriend mo ay bigla bigla na lang nagparamdam sayo out of nowhere? Sasabihing mahal ka pa rin niya after 7 long years? Oo naging...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
132K 3.4K 12
"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance Status: Completed | Unedited Cover: Uno...
101K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...