The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 42

5.4K 83 25
By Aimeesshh25

Happy reading!

Chapter 42

JERACE'S POV

Unti-unting nanumbalik sa akin ang lahat. Mula noong inamin niya na gusto niya na ako. Ang panonood ko lagi  tuwing may game sila. Ang pagpunta niya sa akin sa classroom tuwing break time at nagsasabay kaming kumain tuwing lunch time. Ang pagpunta namin sa kanila. Ang pagiging close namin ng buong pamilya niya.

Ang first birthday ko kasama siya. Ang unang paghihiwalay. Ang pagbabalikan. Muling masasayang ala-ala na binuo namin. Hanggang sa dumating 'yong problema sa pagitan ng pamilya namin. Ang lahat-lahat ng sakit, hirap at lungkot na pinagdaanan ko. Hanggang sa gabing 'to.

Lahat 'yon nanumbalik sa akin dahil lang sa iisang lalaki na minahal ko.

At mahal ko pa rin.

"Can I hold your hand?"

Napatingin ako sa kaniya. Namumungay ang mga mata niya habang titig na titig sa akin.

Yumuko at bahagyang pinunas ang mga kamay sa lap ko.

Dahan-dahan akong tumango ngunit nasa una na ang mga mata ko.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang malaki at mainit niyang kamay na sumakop sa kaliwang kamay ko.

Hindi ako tumingin sa kaniya. Pinanatili kong nasa una ang mga mata kahit na matindi na ang pagkabog ng dibdib ko.

Matapos ang sinabi niya kanina, hindi ako nagsalita at tinalikuran ko siya. Lumapit ako sa isang upuan na bakal saka roon umupo. Kitang-kita ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. Hindi pa rin siya tumatayo mula sa pagkakaluhod.

Ilang sandali kaming ganoon hanggang sa lingunin ko siya at nakatitig pa rin siya sa akin habang nakaluhod. Napairap ako.

Problema nito?

"Bakit nakaluhod ka pa diyan?"

Nagulat siya. "Y-You're not saying anything.."

"Ano bang sasabihin ko?" I raised a brow.

Hindi agad siya nakapagsalita. Binasa niya ang pang-ibabang labi. Pula pa rin ang mga mata niya mula sa kaiiyak niya kanina.

"I told you..." He looked at me. "I love you, Jerace. And I want another chance. " Determinadong aniya.

Bahagya akong natawa. "Parang candy lang ang hinihingi mo ah?" Seryoso ko siyang tinitigan. "Hindi porque hiningi mo, ibibigay ko agad sa'yo."

He blinked twice. "O-Ofcourse. Hindi naman ako nagmamadali. Paghihirapan ko lahat." He cleared his throat. "Makuha ka lang ulit."

Muntik yata akong masamid sa sinabi niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at umiwas ng tingin.

"I love you."

Namula ako! Meganon?!

Hindi ako tumingin. Bakit ba siya sabi ng sabi ng ganiyan?

"I lov--"

Inis ko siyang nilingon. "Puwede ba?! Tumayo ka na diyan!"

Nanlaki ang mga mata niya ngunit agad ring tumayo. Pinagpagan niya pa ang suot na pants saka dahan-dahang lumapit sa akin.

"Uupo ako ah?"

Napairap ako. Edi umupo ka!

Hindi na ako umimik hanggang sa makaupo siya at matahimik kaming dalawa.

Napatingin ako sa mga daliri niyang nilalaro ang buong kamay ko.

"I missed this." He whispered. Paulit-ulit niyang dinama ang buong palad ko. Hanggang sa dahan-dahan niyang itinaas ang kamay ko at dinala 'yon sa mga labi niya.

Napatingin ako sa kaniya nang halikan niya ang likod ng palad ko. Nahigit ko ang hininga nang titig na titig siya sa akin habang ginagawa 'yon.

"I missed you." Emosyonal niya 'yong sinabi.

Dinikit niya ang palad ko sa may pisngi niya at bahagyang hinilig ang ulo niya.

"I waited for this for how many years. Na makakatabi ulit kita. Mahahawakan at kahit mahalikan."

"D-Drain.."

Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at ngumiti ng malaki.

"Aah. My baby."

Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Mahina siyang tumawa nang makitang yumuko ako.

"You're so cute. I love you."

Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob. Hindi na namin namalayan ang oras kung hindi pa nagtext si April sa akin na kailangan ko ng bumalik. Bilisan ko raw at wala rin si Drain doon. Natawa pa nga ako sa isip. Hindi niya alam na magkasama kami.

Kanina ko pa pilit na inaalis ang kamay ko. Nahihiya ako na baka may makakita sa amin.

"Wag na. Kailangan ba hawak kamay talaga?"

Nangunot ang noo niya. "I want to hold your hand, Jerace."

"Wag na kasi. Maraming tao." Tumigil ako sa paglalakad nang makita ang mga taong nakaupo na at mukhang kanina pa nagsisimula ang program.

Hala! Late na pala kami!

"What's wrong? Walang mali sa pakikipaghawakan ng kamay."

"Nakakahiya.." parang batang sambit ko.

"Kinakahiya mo ako?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ah! Nahihiya lang ako."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Hindi ako nahihiya. So let's go?" At saka niya ako hinila.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa lalaking kasama ko. Napapikit pa ako nang halos makaagaw kami ng atensyon. Kami lang ang bukod-tanging naglalakad sa gitna ng mga tahimik at nakaupong mga bisita.

Buwisit ka talaga, Drain! Bakit kasi sa may gitna pa kami dumaan?! Bakit?

Pisti, nakakahiya!

"Fuck."

Natigilan ako at nag-angat ng tingin kay Drain sa biglaang sinabi niya.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hinila na ako papunta sa table namin.

Bakit kaya?

Palapit na kami sa table namin at kitang-kita ko ang pagkakatigil nila roon. Nanlaki ang mga mata ni April habang pabalik-balik ang tingin sa kamay naming dalawa. Ngumisi si Axel at pabiro pang sumaludo kay Drain. Nakangiti naman si Reggie sa amin at bahagyang naiiling.

Pinaghila agad ako ni Drain ng upuan at inalalayan umupo. Ganoon rin ang ginawa niya. Syempre katabi ko siya.

"What do you want?" Tiningnan niya ang mga pagkain na hinahatid ng mga waiter sa amin.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang ramdam ko agad ang mga kurot ni April sa hita ko.

Napangiwi ako at nilingon si Drain. "Kahit ano na lang. Ikaw na ang bahala."

Tumango siya at may sinabi sa lumapit sa aming waiter. Napatingin ako kay Axel na tila kinakabahan habang nakaharap na kay Drain. May pag-uusapan yata.

"Jerace.."

Nilingon ko si April na hindi na mapakali.

"Ano ba? Bakit?"

"Nagkaayos na kayo?" Nanlaki ang mga mata niya. "Hanep ah. Nag CR ka lang, comeback na?"

"A-Anong comeback ka diyan?"

"Oh bakit hindi ba? Bakit may pa HHWW na kayo."

Nasapo ko ang noo at bahagyang sinulyapan sina Drain na busy na sa pakikipag-usap sa dalawa. Mukhang seryoso sila ah.

"Nagkausap lang kami. Tapos..humingi ng second chance.." umiwas ako ng tingin.

Nahihiya ako okay? Kinain ko rin 'yong mga sinabi ko sa kaniya sa loob ng limang taon!

"Binigyan mo naman? Ano kayo, Popoy at Basha?"

Inirapan ko siya. "Saka na nga natin pag-usapan."

"Sus. Showbiz masyado ah." Biglang nanlaki ang mga mata niya. "May sasabihin pala ako!"

Napatingin ako sa paligid sa lakas ng boses niya. Buti na lang medyo maingay na rin dahil nag-aabutan na ng mga regalo sa nakaupong si Tita Carla katabi ang mag-ama niya. Mukhang patapos na yata.

Nilingon ko si April. "Ano 'yon?"

Kabado siyang napatingin sa likuran namin. "S-Sina...Tita Erin."

Pagkasabi niyang 'yon, saktong narinig namin ang boses ng babaing ilang taon ko ring hindi narinig.

"Drain."

Mabilis na napalingon si Drain at gulat na napatingin sa likuran niya. Hindi naman ako lumilingon at nakatingin lamang ako kay April.

Anong ginagawa nila dito? Akala ko wala pa sila dito sa Pilipinas?

Mabilis ang pintig ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Mom." Si Drain. Tumayo rin si Axel at tipid lang na ngumiti.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka galing?" Malumanay ang boses ng ginang.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanila. Hindi man lang nagulat si Tita Erin at tumaas lang ang kilay niya sa akin. Umiwas ako ng tingin. Nangunot ang noo ko nang makita ang isa pang babae na kay tagal ko ring hindi nakita. Katabi niya si Tita Erin na ang gandang tingnan sa cream niyang dress. Maganda pa rin ang ginang kahit may edad na.

Hindi sumagot si Drain at sa halip ay nilingon niya ako.

"Mom. Si Jerace. You--"

"Son, kanina pa kaming naghihintay. Samahan mo kami sa table. Busy ang daddy mo roon." Nginuso niya kung nasaan sila Tita Carla.

Napayuko ako. Pinutol niya sa pagsasalita si Drain.

"I'm sorry. Dito na ako." Mariing sabi ni Drain.

Nangunot ang noo ni Tita Erin. "Puwede mo naman silang iwan rito kahit saglit."

"Mom--" hinawakan ko sa braso si Drain. Ramdam ko na ang iritasyon niya sa ina. Nilingon niya ako.

"It's okay." I smiled.

Kumunot ang noo niya bago tumingin sa dalawa. "Nandito si Jerace. Hindi ko siya maiiwan."

Napapikit ako sa sinabi ni Drain. Tumaas ang kilay ni Ashley sa akin.

Oo bhie, si Ashley. Kilala niyo pa?

Bumuntong hininga si Tita Erin bago tumingin sa akin. Halos mahigit ko ang hininga dahil roon. Tumaas ang kilay niya saka ako pinasadahan ng tingin.

"Okay. You can bring her there."

Nanlamig ako. Mabilis akong napatingin kay Drain. Tatanggi na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at tumango sa ina.

"Madali lang kami." Aniya.

Hindi na sumagot si Tita Erin at sinenyasan na si Ash na umalis na. Sinundan ko sila ng tingin. Mukhang close na close silang dalawa. Paano kaya? Noong nasa states ba sila? Kasama siya?

"Jerace." I looked at him. "Madali lang tayo. "

Tumango ako. Wala na rin naman akong magagawa eh. Kahit pilit ko 'tong iwasan, alam kong darating rin ang panahon na 'to. Magkakaharap-harap rin kami.

Pero hindi ko pa kaya pag nandito na sila Mommy. Ayos lang na ako muna. Ako muna ang sasalo.

Para akong lumulutang habang palapit kami sa table nila. Nanlambot agad ako nang makita kung sino ang mga naroon.

Puro mga malalapit nilang kaibigan at 'yong kapatid ni Tita Erin!

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Drain. Napatingin siya sa akin.

"Hey, are you okay?" Tumigil siya sa paglalakad. "Babalik tayo kung hindi mo talaga kaya."

Umiling agad ako. Napatingin sa amin silang mga nasa table. Nanlaki ang mga mata ni Tita Carla. Tumingin ako kay Drain. Nag-aalala siya.

"Ayos lang. Nandiyan ka naman diba?"

Namungay ang mga mata niya. "Of course. I'm just here. Hindi kita iiwan."

Para akong nabunutan ng kung ano sa sinabi niya. Tumango ako kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad palapit sa table nila.

Tumahimik ang kanina lang na maingay nilang table. Napatingin sa amin lahat, actually sa akin talaga. May nakita pa akong napailing at nagbulungan. Kita ko pa ang pagngisi ni Ashley sa akin. Unang tumayo si Tita Carla. Wala si Louie roon at hindi ko alam kung nasaan.

"J-Jerace!" Ngumiti siya. "Halika! Upo kayo!"

Nahihiya akong ngumiti at tumango. Nag-iinit na agad ang sulok ng mga mata ko. Siya lang kasi ang mukhang may tanggap sa akin rito.

Inalalayan ako ni Drain paupo. Nagulat pa ako na katabi ko si Daisy na malaki na at sobrang ganda. Ngumiti siya sa akin at may binulong.

"It's nice to see you again, Ate Jerace." Malumanay na bulong niya.

Natuwa ako at nginitian siya. Nilagay ko sa kandungan ang mga nanlalamig na kamay. Umupo na si Drain sa tabi ko. Inasikaso niya agad ang plato ko at naglagay ng pagkain roon.

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

Batid kong narinig 'yon ng lahat dahil tahimik sila at medyo malakas pa ang boses ni Drain.

"Kahit ano na lang." Hindi ko yata maiproseso ang kahit anong pagkain ngayon.

Tumango siya at ngumiti pa sa akin. Bahagya kong nakagat ang labi.

Buwisit na 'to. May pag ngiti pa.

May tumikhim. Napatingin agad kami roon. Umirap ang kapatid ni Tita Erin.

"Bakit kasama mo 'yan, Drain?" Maarteng aniya.

Halos hindi ako nakakibo. Sinuway siya ng katabi niyang lalaki. Sa tingin ko ay asawa niya.

"Eat your food." Nilapag ni Drain say akin ang plato na may ibat-ibang pagkain na.

"What? I'm just asking." Anito sa asawa.

"Eris.." umiling ang asawa nito.

Umirap na naman siya at tumingin kay Tita Erin. "Wala kang sasabihin, Erin? Bakit nandito ang babaeng 'yan?"

"Tita." Drain sighed.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"What? Anong Tita ah?" Inis niyang nilagay ang mga kamay sa table. "Nahihibang ka na ba, Drain? Hindi ka na ba naawa sa Mommy mo? Talagang dinala mo pa 'yan dito!"

Kumunot ang noo ko. Pilit kong iniintindi ang mga sinasabi nila. Alam ko kung gaano nila ako kinamumuhian. Paano pa kaya sina Mommy?

"Eris." Saway ni Tita Carla.

Napatingin si Tita Eris dito. "What? Huwag mo sabihing kampi ka sa mga 'yan?"

"Kampi? Eris naman. Hindi na tayo mga bata. Ilang taon na ang nakakalipas oh."

"Oh ano naman? Baka nakakalimutan mo, Carla. Sila ang dahilan kung bakit namatay ang pamangkin ko!"

Walang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung naririnig na ba kami rito. Baka oo, kasi hindi naman malakas ang music na pumapailanlang sa buong bahay.

Inis na tiningnan ni Tita Carla ito. "Hindi kasalanan ng bata kung ano man ang naging kasalanan nila Kate."

"Tama na 'yan. Bakit ba nag-aaway kayo?" Sumingit si Tita Abby.

Halos wala namang imik ang mga lalaki at nakatingin lamang sa mga nagsasalita.

"Ang bait mo naman yata sa kanila, Carla?" Tumawa si Tita Eris. "Akala mo hindi namin, alam? Nakipaglapit ka pa kay Kate noon. Una pa lang wala na akong tiwala sa babaeng 'yan eh. Baka nga pinlano talaga nila 'yon dahil inggit silang mag-asawa."

"Eris!" Tumayo na si Tita Carla. Agad siyang inawat ni Tito Luhan at Tita Abby.

Napamaang ako. Nasaktan ako sa sinabi nila about kay Mommy at Daddy.

"Tumigil ka na, Eris."

Tumawa ito. "Oh bakit? Tama naman ako ah? Inggit siya kasi hindi siya ang nagustuhan ni Drake."

"Hindi ganiyan si Mommy." Hindi ko na nakayanan.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanilang lahat. Natigil sina Tita Carla at napatingin sa akin.

Tumaas ang kilay ni Tita Eris sa akin. Hinawakan ni Drain ang kamay ko. Ngunit hindi ko siya pinansin.

"Oh really? Hindi ganoon ang Mommy mo? Hindi siya malandi?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nagulat rin ang iba. Napapikit pa ang asawa niya sa tabi niya. Nakita ko lamang ang pag-iling ni Tita Erin.

"Tita!" Drain voice thundered.

Ngumisi lamang ito bago tumingin sa akin.

"Bawiin mo ang sinabi mo." Mariin ko siyang tiningnan. "Huwag na huwag mo siyang pagsasalitaan ng ganiyan. Hindi mo siya kilala."

Napairap siya. "Yes my dear. You're right. Hindi nga namin siya kilala. Kita mo naman ang tinatago ng Mommy at Daddy mo. Oops, baka ikaw rin.."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Bawiin mo ang sinabi mo."

"Bakit galit na galit ka? Malandi naman siya ah?"

"Eris! Stop it!" Si Tita Abby.

Kumuyom ang kamao ko. Nagulat siya nang makita niya ang talim ng titig ko.

"Saka ikaw. Parehas kayong malandi."

"Tita!" Galit na tumayo si Drain. "Who are you to disrespect her like that?!"

"Drain." Tawag ko. Ramdam ko ang galit niya.

Nanlaki ang mga mata nito. "H-How dare you? I'm your Tita!" Napatingin siya ito sa akin. "Dahil sa kaniya, nagkakaganito ka? Totoo naman ah! Malandi rin iyan. Kung hindi siya malandi, wala siya rito ngayon! May girlfriend ka na, pero lumalapit pa rin 'yan!"

Hindi ako nakapagsalita. Gulat akong lumingon kay Drain na agad nasapo ang noo at huminga ng malalim. Napatayo na sina Tita Abby at Tito Darren. Prente pa ring kumakain si Tita Erin.

"Eris!" Tumayo na ang asawa niya. "Let's go. Aalis na tayo."

"No, Carl. Hindi tayo aalis." Taas-noo siyang tumingin sa akin. "Oh you didn't know?" Tumawa siya. "May girlfriend na 'yan, hija."

Namasa ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Ate."

Natahimik ang lahat nang sambitin 'yon ni Tita Erin. Kalmado niyang inilapag ang mga kubyertos at nagpunas gamit ang table napkin.

"Stop it. Kanina pa kayo diyan. Hindi niya kasalanan."

Napakurap-kurap ako. Mabilis kong nilingon si Tita Erin at unti-unti akong napangiti.

Ngumiti siya. "Hindi niya kasalanan kung bakit ganoon ang mga magulang niya. Malas nga lang siya at mga walang hiya ang bumuhay sa kaniya." Tumingin siya sa akin. Natahimik ako. "Don't waste your time, Ate with those kind of people. Sila na ang tinulungan mo, sila pa ang nang walang hiya sa'yo. Ang kakapal ng mukha."

Para akong nanghina sa sinabi ni Tita Erin. Akala ko... akala ko ipagtatanggol niya ako kahit bilang tao na lamang.

Pero hindi.

"Mom.." nagbabanta ang tinig ni Drain sa ina.

Hindi siya nito pinansin at sa halip ay tumingin sa akin. Parang hindi ko na kilala si Tita Erin.

"Hindi ko alam kung gaano kakapal ang mukha mo para magpakita pa dito. "

"Erin. I invited her." Mariing sambit ni Tita Carla.

"Oh? Okay. May kapit pala..kaya matapang." Pinagsalikop niya ang mga kamay at ipinatong sa table. "Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ng anak ko. Grabe naman. Ang bilis mo rin eh. Kauuwi lang ng anak ko, nadikitan mo agad. Do me a favor, hija..please..tigilan mo na siya. He has a girlfriend already. "

Parang may bumaon na kutsilyo sa puso ko. Nasaktan na ako kanina nang marinig ko ito sa kapatid niya at mas nasaktan ako ngayon na nanggaling ito mismo sa kaniya.

Hindi na ako makapagsalita. Ni makalunok hindi ko magawa.

"Mom?! What are you talking about?!" Galit na sambit ni Drain at napatingin sa akin.

Hindi ako lumingon. Unti-unti akong nagbaba ng tingin. Hindi ko na kaya.

"What? Mali ba ako? Hindi ba't pag-uusapan na natin ang engagement niyo ni Ash?" Takang napatingin siya kay Ashley na napalunok at nag-iwas ng tingin.

May sumapol ulit sa puso ko. Tagos! Unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko.

Engagement? Wow. Ang kapal ng mukha mo, Drain.

"What the fuck?!" Galit na galit na sigaw ni Drain sa ina.

Napatayo si Tito Drake. "Lower your voice, Drain."

Agad kong pinunasan ang luha ko nang tumulo 'yon. Mabilis akong tumayo. Halos napatingin sa akin lahat. Namumula na yata ang mga mata at ilong ko sa pagpipigil ng mga luha. Nagulat ako sa humawak sa kamay ko. Tiningnan ko 'yon.

Si Daisy. Lumuluha ang kaniyang mga mata. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang mga tao roon sa table.

Tumigil ang mga mata ko sa magkapatid.

"Sabihin niyo na kung anong gusto niyong sabihin. Wala na akong pakialam. Pero sana..sana irespeto niyo naman ako..kahit bilang tao na lang." Lumunok ako kahit masakit ang lalamunan ko. "Nagkasala sina Mommy at Daddy. Tanggap namin 'yon. Tanggap namin ang ginawa niyo sa amin. Tinanggap ko..pinakawalan ko ang anak niyo." Tumigil ako saglit. Tiningnan ko si Tita Erin na walang emosyong nakatingin sa akin.

"Hindi niyo alam ang pinagdaanan namin..para tratuhin niyo ako ng ganito ngayon. Hindi niyo alam ang lahat ng h-hirap na dinanas nila..m-mommy.." bumuhos ang mga luha ko. Napasinghap si Tita Carla. Hindi ko na 'yon pinansin.

"Baby.."

Hindi ako nagpatinag. Mariin kong tinitigan si Tita Erin. Gusto kong malaman niya na hindi niya ako puwedeng ganunin na lang.

"Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman niyo. Pero wala kayong karapatan..na bastusin ako ng ganito. May kasalanan kami..pero hindi kayo Diyos para luhuran at sambahin namin. May kasalanan kami..at napagbayaran na namin 'yon noon."  Mariing sambit ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko.

Hindi siya nakapagsalita. Tumaas lamang ang kilay niya sa akin.

"And one more thing.. hindi ako ang dumidikit sa anak niyo. Kung may girlfriend na pala siya at ikakasal na-" Natigil ako sa pagsasalita nang may humawak sa braso ko.

Nilingon ko 'yon at nakita ko si Drain na namumula ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Hinawi ko ang kamay niya. Batid ko ang pagkakagulat niya. Binalik ko ang tingin sa ina niya.

"-hindi ko 'yon hahadlangan. Magpakasal sila. Wala akong pakialam." Tinitigan ko pa muna siya bago tumalikod.

Ngunit lumingon ulit ako.

Tiningnan ko si Ash. "Congrats. Ang ganda mo na ngayon ah? Hindi ko akalaing naging kapantay mo na ang kuko ko sa mga paa." Saka ako mabilis na tumalikod.

Nagulat pa ako nang makitang nakatigil na pala lahat ng tao sa party at nanonood sa amin. Naipikit ko ang mga mata.

Pisti talaga! Nakakahiya!

Lumakad na ako. Patakbong sumalubong sa akin si April na nag-aalala habang hawak ang purse ko.

"Ayos ka lang?"

"Yeah." Kinuha ko ang purse.

"Jerace!"

"Shit!" Sambit ko at mabilis na naglakad. "Mauna ka na, April! Bye!"

"Hala! Teka, punyeta naman!"

Patakbo akong lumabas ng bahay nila Louie. Hindi ko na siya nakita. Bahala na. Magtataxi na lang ako.

"Jerace!!"

"Oh tangina!" Napatakip pa ako sa bibig nang lumabas ang mura roon.

Nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang galit na galit siyang nakasunod sa akin.

Ikaw pa galit ah?! Pisti ka!

Hinatak ko pataas ang masikip na laylayan ng dress ko para makatakbo ng mabilis pababa ng hagdan nitong mansion nila!

"Jerace! Stop running!"

Hindi ako tumigil. Ano ako, tanga?

Oo bhie.

Nakarinig ako ng malulutong na mura mula sa kaniya.

Napapikit ako nang sa isang iglap ay tila lumutang ako sa ere. Napakapit ako sa batok ng may buhat sa akin ngayon!

"Stubborn woman." He whispered with a deep voice.

Iminulat ko ang mga mata ko. Buhat ako ni Drain habang nakatiim ang panga na nakatingin sa una.

"Bwisit! Ibaba mo nga ako!"

Hindi niya ako pinansin.

Nagpumiglas ako. "Drain! Ibaba mo sabi ako!"

"Ayoko!" Sigaw rin niya.

Napamaang ako. "Aba! Ang kapal mo! Ibaba mo ako o sasapakin kita?"

Tiningnan niya ako. "Sapakin mo na lang ako."

Gago mo. Sasapakin talaga kita!

Inis ko siyang hinampas sa dibdib niya. "Buwisit ka! Ibaba mo ako!" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papunta kami sa kotse niya.

Ayoko!

Mabilis akong nagpumiglas at sabay noon ang paghampas ko sa dibdib niya. Halos mapatili ako nang mabitawan niya ako ngunit nakasuporta pa rin sa may likod ko.

Hinawi ko ang kamay niya nang makalapag ako sa kalsada at nagsimula nang maglakad.

"Oh fuck! Jerace!" Humabol agad ang aso!

"Huwag mo na akong susundan! Gusto ko ng umalis!" Naiinis na sambit ko.

Hindi siya nagsalita at tangina! Nahigit na naman ako sa braso.

"Jerace..let's talk." Hinihingal na sabi niya.

Sarkastiko akong natawa. "Ano na naman? May sasabihin ka na naman? Kulang pa ba 'yong masasakit na salitang narinig ko? Tama na, Drain! At may girlfriend ka na! Ang kapal ng mukha mong lumuhod at sabihing mahal mo ako!" Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nauubusan ako ng lakas.

Hindi siya umiwas ng tingin. Nanatili sa akin ang malalim niyang mga mata.

"Ang kapal kapal mo, Drain! Paano mo nagawang humarap sa akin kanina kung may girlfriend ka na!" Bumuhos ang mga luha ko. "Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng umalis."

Naalarma siya. Nakita ko ang takot sa mga mata niya. Mabilis siyang lumapit sa akin.

"She's not my girlfriend. Fuck, baby. She will never be." Nangilabot ako roon. Mariin ang mga titig niya sa akin. "Hindi ko alam kung bakit bigla 'yong sinabi ni Mom. But believe me..she's not my girlfriend. No one owns me. Except you. Ikaw lang. Sa'yo lang ako."

Pisting buhay oh!

Napapikit ako at ilang sandaling hindi nakapagsalita. Parang natunaw ako sa sinabi niya. Parang kahit na nasaktan ako kanina, mabilis pa ring naniwala ang puso ko sa sinabi niya.

Marupok ang tawag ro'n bhie.

Tiningnan ko siya. "Kahit na gano'n. Hindi tayo puwede. Hindi ako tanggap ng buong pamilya mo, Drain. At ayokong maramdaman 'yon! Lahat na lang ayaw sa akin. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko! Gusto kong magpakalayo! Malayo sa lahat! Kasi pag nakikita ko lang ang buong pamilya mo, bumabalik sa akin lahat ng sakit na pinagdaanan ko." Tumulo ulit ang panibagong luha. "Kaya sige na..pakawalan mo na a-ako."

Napaawang ang mga labi niya. Mabilis na namula ang mga mata niya ganoon rin ang ilong niya.

Suminghap siya para makahinga. Mabilis siyang umiling. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit.

"Kung gusto mong umalis? Then..fine, aalis tayo. Malayo sa kanila. We'll run away..hindi mo na sila makikita. Hindi ka na nila masasaktan." Hinalikan niya ang kamay ko. "Huwag mo lang hilingin na pakawalan kita. Hindi ko kaya, baby. Hindi ko kakayanin. Mababaliw ako."

Napakurap-kurap ako. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Magtatanan tayo. Huwag mo lang akong sukuan, Jerace.."

Napasinghap ako. "B-Baliw ka na.."

Ngumiti siya at hinalikan ulit ang dalawang kamay ko.

"Yes, baby. I'm crazy. Baliw na baliw ako. Binabaliw mo ako..at pag nawala ka..baka ikamatay ko."

Tuluyan na akong bumigay. Nanghihina ako sa mga sinasabi niya! Jusme!

Drain, sana ayos ka lang.

_______

Aimeessh25.

Hays. Pahinga na ako mga beh! Grabe! Apat na oras ko 'tong sinulat huhuhu! Sana po wala nang magreklamo aneh ho? Mahirap po ang magsulat :((

Saka grabe judgerist ang mga bebecakes! Drain, pagtanggol mo sarili mo! Hahahaha

Continue Reading

You'll Also Like

140K 2.5K 79
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
131K 5.6K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...