Unwanted Lover

By lil_marxxxii

236 0 0

This is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng aut... More

Simula
I
II
III
Readers
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
Author's note
XV
XVI
Ikalabing-pitong Kapitulo
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
Readers
XXXIII
XXXV

XXXIV

9 0 0
By lil_marxxxii

Guest

Something's weird is happening with Ryumi. Kung hindi siya gagawa ng ingay kapag nag-uusap kami ni Margaret ay sisigaw na lamang siya bigla ng kung ano-ano. Kahit kailan agaw atensyon talaga ang isang ito. Talagang galit ata sa mundo ang babaeng to.

Hanggang sa abangan ba naman ay kung ano-ano ang sinasabi. At ng mahuli wala namang kwenta ang palusot. Kung di lang talaga babae ito ay matagal ko ng nasapak ito. Araw-araw na lang may kung anong ganap sa buhay niya na di maintindihan.

Mabuti na lamang at may humintong taxi at nakasakay na ako , dahil hindi ko na mataim na kausapin pa ang isang yun sa mga nonsense na bagay. Wala namang matinong sasabihin ang babaeng ito kaya pipiliin ko na lang na makaalis kaysa magstay.

Muli ko siyang nilingon ng magsimulang tumakbo ang taxing sinasakyan ko. Isang itim na kotse ang namataan kong nakasunod sa sinasakyan ko kasabay ng pagmamadaling pagsakay ni Ryumi.

Hindi ko pinansin ang itim na kotse ganun din ang taxing sinasakyan ni Ryumi. My time is so precious para pagtuunan ko sila. Tsaka di ko naman pag-aari ang kalsada. Pinikit ko na lang ang mga mata ko para sa panandaliang pahinga. Nakakastress ang araw na ito dahil malapit na ang exam namin dagdag pa ang asungot sa buhay.

Ang tahimik at banayad na lugar ang nagisingan ko matapos akong gisingin ni Manong Driver. Napag-alaman kong malapit na pala ako sa bahay. " Iho , kanina ko pa napapansin na nakasunod ang itim na kotseng iyon at ang taxi sa likod niya. Kilala mo ba iyon?"

Agad kong nilingon ang tinutukoy ni Manong Driver. Nakita ko ang itim na kotse at ang taxing sinasakyan ni Ryumi. What's wrong with this two? "Naku , Manong hindi ko po kilala ang mga iyan. Baka po dito din ang tungo." Pilit kong kinalma ang sarili ko at nagpakawala ng isang pilit na ngiti. I feel bad about this. "Ah Manong dito na po ako. Magkano po?" Agad kong pinara ang taxi ng nasa tapat na kami ng bahay. Alangan naman lumagpas pa ako tapos maglalakad, diba?

"40 lang iho."

Inabot ko ang 50 pesos kay Manong at agad lumabas ng taxi. "Manong keep the change po. Ingat kayo."

Tinungo ko ang gate ng bahay at pasimpleng nilingon ang mga sumusunod sa akin. Paano ko nalaman? Halata naman e , hindi naman dito ang bahay ni Ryumi. Nakita ko ang paghinto ng itim na kotse sa tapat ng isang malaking puno at ang taxi namang sinasakyan ni Ryumi ay huminto di kalayuan sa kotseng itim. Bumaba ang lulan ng itim na kotse , isang nakaitim na lalaki ang natanaw ko na nakasuot ng itim na sombrero at mask.

Nagtago ako sa isang kumpol ng halaman sa tabi ng gate. Ayaw kong makita nila na sinusubaybayan ko sila. Nakita ko ang paglakad ni Ryumi patungo sa pwesto ng lalaki na ngayon ay nakatago na sa malaking puno. May binunot si Ryumi sa ilalim ng palda niya, kung ano iyon? Hindi ko din alam.

Inilagay niya ang kanyang kamay na may hawak ng di ko malaman na bagay sa tagiliran ng lalaki. Batid ang pagkagulat sa lalaki dahil sa biglaan pagtaas ng balikat nito. Alam kong nag-uusap sila dahil bumubuka ang bibig ni Ryumi. Kung ano man ang pinag-uusapan nila alam kong hindi maganda , ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

Nangangawit na ako sa kakatuk-ong dito sa halaman dahil sa pag-aabang ng maaaring mangyari sa dalawang ito. Kinakagat na din ako ng lamok.

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap ng dalawa ay tumalikod na ang lalaki. Kasabay non ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Ryumi ng matapos ang pagbulong ng Man in Black na yun.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong itim na kotse at ng di na matanaw ay agad kong ibinalik ang tingin kay Ryumi na ngayon ay mas lalong lumapit dito sa bahay at para bang ini-examine ang kabuuan ng nito. Pagkatapos i-examine ang bahay ay agad din itong umalis.

Lutang ang isip ko ng tahakin ang pintuan ng bahay. I'm really sure na ang lalaking iyon at ang lalaking nasa aquintance party ay iisa lang. Sa tindig at hugis ng katawan , hindi ako maaaring magkamali. Ano bang kailangan ng lalaking iyon? Bakit tuwing nagpapakita siya ay laging sumusulpot din si Ryumi. Ano bang koneksyon nila?

Hindi ko namalayang nasa loob na pala ako ng bahay. Agad kong tinungo ang sofa sa may living room at inihiga ang katawan sa malambot na upuan. Feeling ko ay maghapon akong isinalang sa gyera dahil sa pagod. Dagdag pa sa alalahanin ang dalawang iyon.

Akmang tatawagin ko sana si Akumi ng maalala kong nagtext pala siya na medjo magagabihan. Ang bata talagang iyon. Kung hindi laging wala sa bahay ay lagi namang gabi kong umuwi. Lagi naman niyang palusot na gagawa ng project o magpapraktis ng mga performance nila. Maaari namang dito na lang sa bahay.

Kinalma ko na lamang ang sarili ko sa malambot na upuan at ipinikit ang mata. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na maihakbang pa ang mga paa ko patungong kwarto , siguro'y mamaya na lamang ako magbibihis kapag nagising ako. Kailangan kong i-relax ang sarili ko lalo na at kailangan ko pang magreview para sa nalalapit na exam.

-
Nagising ako sa isang malakas na pagyugyog sa akin. Minulat ko ang kanan kong mata para makita ang taong pumutol sa tulog ko. Nakita ko si Akumi na nakadekwatro pang nakaupo sa paanan ko. Agad kong minulat ang kaliwa kong mata at kinusot kusot ito para mas makita kong mabiti ang nakanguso kong kapatid. Tila nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Alas-otso na pala ng gabi ng tingnan ko ang orasan sa glass table na nasa harapan ko. Akmang sesermunan ko na sana ang kapatid ko ng biglang may tumikhim.

Nilingon ko ang pinanggalingan nito at halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nandito si Nion at Henry. Anong kailangan nila dito? "Ah , anong kailangan niyo dito?" walang gana kong tanong pero may paggalang pa din. Ayaw ko namang maging sarcastic kahit naputol ang tulog ko.

"Baka nakakalimutan mo Jiyo na pagmamay-ari to ng kaibigan ko at ako ang nagpatira sa into dito." literal na lumaki ang mata ko ng marealize na tama ang sinabi niya. Awkward , that's the best word to describe the situation right now. Nag-unahan ang mga pawis ko dahil sa kahihiyan. Isip-isip naman kasi Jiyo. "Pffftt."

"Ah , s-sorry po M-manager. Medjo di lang maganda ang pakiramdam ko at medjo masama din ang araw ko."

"HAHA, relax Jiyo. You look so tense. Pasinsya na pala at basta basta na lamang kami pupunta dito ng walang pasabi." natatawang anas ni Manager. "And stop with the Manager thing. Henry na lang."

"Akumi , hindi mo man lang ako tinext na may bisita pala tayo kundi sana nakapaghanda ako ng makakain niyo." baling ko kay Akumi na hanggang ngayon ay nakanguso pa din. Ano na naman ganap dito sa babaeng to.

Isang solid na pagbatok ang natanggap ko galing sa kanya. "Hoy , kuya. Kanina pa ako nagtetext at tumatawag sayo. At kasalanan ko bang tutungo itong demonyong Nion na ito." agad ko siyang pinagluratan ng mata dahil sa mga pinansasabi nitong kapatid ko nakakahiya. "Ay pasinsya na po Kuya Henry ha , si Nion lang po talaga ang demonyo." baling niya kay Manager na ngayon ay pigil ang pagtawa katabi ang nakakunot na noo na si Nion.

"Huy , kung di lang talaga nakiusap si Ate R-ryu. ARAYYYYYYY!" agad na nabaling ang ulo ko kay Nion na ngayon ay halos maiyak dahil sa lakas na pagbatok di Manager sa kanya.

"Ano? Paki-usap nino?" tanong ko.

"Ang ibig niyang sabihin Kuya ay kung hindi dahil sa project ay hindi siya pupunta dito. Hindi ko din maisip na ito ang kapartner ko sa project. Diba, NION?" pinanlakihan niya ng mata ang kawawang binata na ngayon ay hindi pa din nakakabawi sa sakit ng pagbatok sa kanya.

"Ah oo , Jiyo. Kaya nga ako sumama dito sa pamangkin ko dahil alam kong hindi sila magkakasundo at para mapadali na din ang PROJECT nilang dalawa. Diba, Nion at Akumi?" sabat ni Manager.

"Ah , okay. Sige , aakyat muna ako para makapagpalit at ikaw naman Akumi mag-asikaso ka ng pweding kainin jan." paalam ko sa kanilang tatlo.

Hindi naman nagawang makasagot ni Akumi dahil busy na naman sa pakikipagtitigan kay Nion na para bang may gyera ang tinginan nilang dalawa.

"Ah , Jiyo. Mangingialam na ako dito ha. Gusto ko din namang magluto e. Kung okay lang?" pahabol na sabi ni Manager bago ako makaakyat sa hagdan.

"Sige Man- Henry. Free to do whatever you want." pagkatapos ay tinakbo ko na ang daan patungo sa kwarto at para makabalik kaagad sa ibaba.

-
"Jiyo , pwedi bang dito na din kami matulog? Medjo malayo layo kasi ang amin kong uuwi pa kami. Kung pwedi? Pero kung hindi okay lang din." pagsisingit ni Manager sa pagitan ng pagnguya ng pagkain.

"Oo naman Henry. Sino ba ako para tanggihan kayo. Tsaka marami pang bakanteng kwarto jan."

Matapos naming magkain ay naiwan sina Nion at Akumi sa kusina para maghugas ng plato. Kami naman ni Manager ay dumiretso sa living room.

"Kamusta naman kayo dito? Hindi naman ba hassle masyado?" pagsisimula ng usapan ni Henry na ngayon ay may hawak ng sigarilyo sa kanang kamay. "Gusto mo?" abot niya sa akin ng isang stick ng sigarilyo.

"Pass ako jan. Tsaka ayos naman kami dito. Napakaganda at maayos ang bahay. At hindi din naman hassle dahil malapit lang sa school. Medjo uneasy lang minsan dahil feeling ko ay maraming mata ang nakatingin at nagmamasid sa min."

"What do you mean?" ibinaba niya ang hawak na sigarilyo at pinatay ito pagkatapos ay binugo ang usok galing sa paghithit niya ng sigarilyo.

"Minsan nga ay nakita ko sa may bintana at nong minsan naman ay nakaiwan pa ng pendant malapit sa pool." pagpapaliwanag ko. It feels so creepy lalo na ngayon at madalim na ang paligid.

"Pendant? Anong klaseng pendant? Hugis crescent moon ba?" Parang paralisado ako at di makagalaw ng marinig ang tanong niya. Paano niya nalaman na ganun ang pendant na nakita ko? Siya kaya ang madalas na magtungo dito?

"Paano mo nalaman na ganun ang pendant na nakita ko? Ikaw ba iyon? Sayo ba yun?" marami akong gustong itanong. Maraming tumatakbong tanong ang nag-uunahan sa utak ko.

"A-ahh , no. Uso kasi ang pendant na ganyan ngayon. Kaya naisip ko na baka ganong pendant ang nakita mo." lutang na tumango ako sa kaniya. Nakita ko ang paghugot niya ng panibagong sigarilyo at sinindihan ito. Pagkatapos ay nagpakawala ng buntong hininga.

I was about to asked him again ng biglang tumunog ang platong nalaglag at malamang ay nabasag iyon. Kaya agad napatayo si Manager at tinungo ang kusina kung saan ang dalawa. Naiwan akong magulo ang isipan.

"Sabi ko na kasi sayo na ako na ang maghuhugas. Bakit ba mapilit ka?" agad na bumungad sa akin ang pagtatalo na naman ng dalawa. Nakita ko din ang pagtulo ng dugo mula sa kamay ni Akumi. Marahil ay nanggaling ito sa bubog ng plato.

"Akin na nga , patingin. Sabi kasing ako na ang maghuhugas. Masyado kasing matigas ang ulo mo." panenermon ni Nion. Hindi ko maiwasang mapangiti , halata ang pagkabahal say mukha nito. Hindi siguro sanay na makakita ng dugo.

"Pwedi ba Nion , wag mo akong pangaralan. Hindi porke Tito mo ang dahilan kung bakit may bahay kami e aasal ka ng ganyan. Nakakainis naman kasi at ikaw pa ang nakapartner ko. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa naman makasama ka. Akin na nga." hinila ni Akumi ang kamay niya na ngayon ay nakabalot na ng panyo ni Nion.

Sumasakit na nga ang ulo ko sa mga nangyayari dagdag pa ang dalawang ito na kahit kailan siguro ay di magkakasundo.

"Tama na iyan. Halika na dito Akumi para malinis na ang sugat mo. Ikaw naman Nion tapusin mo iyang paghuhugas." tinungo ni Manager ang cabinet sa gilid ng water dispenser kung saan nakalagay ang first aid kit. Hindi naman ako magtataka kong bakit niya alam dahil malamang kaibigan niya ang may-ari at malay ko ba kung daang beses na siyang nagpabalik balik dito.

"Tito naman. Diba, sabi niya ay wag ko na siyang tulungan. Doon na lang ako sa sala at tatapusin na ang project namin." angal ni Nion na ngayon ay sambakol na ang mukha.

"Wag mo hugasan peste ka." sigaw naman ni Akumi na ngayon ay nakaupo na sa sofa.

"Sabi ko nga tatapusin ko na. Masyadong mainit ang ulo mo." walang nagawa si Nion kundi ang tapusin ang naiwang hugasan ni Akumi.

I don't know kung paano ko i-aaproach si Manager ngayong feeling ko ay may tinatago siya. Dagdag mo pa ang katotohanang pinag-isipan ko siyang bakla at may gusto sa akin ilang linggo lamang ang nakakalipas. Nakakasira ng ulo.

I want to relax para makapagfunction ng maayos ang utak ko. Bakit kung kailan pa malapit ang exam namin ay ngayon pa nagsusulputan ang mga bagay na ganito. Kung buhay lamang sana sila mama at papa ay matagal ng natapos ang issue na ito. Hiling ko lang na sana ay matapos kaagad ang gabing ito.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...